kabanata 15 ~ginoong pasta
DESCRIPTION
Agusan National High School IV-SUN S.Y 2013-2014 https://www.facebook.com/infinity08koijusraineTRANSCRIPT
Kabanata XVSi
GINOONG PASTA
Mga Tauhan:
•Ginoong Pasta•Isagani
Talasalitaan• Anasan- pag-uusap sa mahinang boses;
bulung-bulongan• Pabulalas- pasambulat• Kondesa- tawag sa asawa ng konde• Pangangayupapa-pagyukod, pagluhod,
pagpapatirapa, o iba pang kilos na tanda ng pagpapasakop; o basta isang pagbibigay-galang
• Silyon- isang upuang may patungan ng mga kamay.
• Pasaliwa- pabaliktad• Pagsasapantaha- panghihinala• Pahat- kaunti; munti• Rector-punong parè• Palikaw-likaw-pahipit-hipit ; pasikot-
sikot
Mga Mahahalagang
Pangyayari
• Nagtungo si Isagani sa opisina ng manananggol na si Senyor Pasta, isa sa mga may pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga prayle kung ang mga ito'y nasa gipit na kalagayan.
• Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio.
• Inilahad nang pabuod ang mga nangyari habang pinakikiramdaman ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado. Nakinig itong mabuti at kahit alam ang kilusan ng mga estudyante, nagkunwari itong walang alam para ipahalata agad sa binata na wala itong pakialam sa gawain ng kabataan.
• Subalit nang malaman nito ang kailangan nina Isagani at marinig na may kaugnayan sa proyektong Akademya ang Bise-Rektor, ang mga prayle, ang Kapitan Heneral, napakunot-noo't napabulalas ito:
"Bayan ito ng mga proyekto! Sige, magpatuloy ka, magpatuloy ka."
• Binigyan ni G. Pasta ng payo si Isagani ukol sa kanyang sadya.
• Nais ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan.
• Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.
Mga Mahahalagang Kaisipan• Upang mailapit at makahingi ng
tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
•Maraming taong tumitigin
sa pansariling kapakanan at winawalang bahala ang
ikabubuti ng bayan.
•Ang hindi umiiyak ay hindi nagkakasususo ;
ang hindi humingi ay hindi pinagkakalooban
Wakas .....
Maraming salamat sa pakikinig ,
nawa’y pagpalain kayo ng Poong
Maykapal
Section Sun’s Unnoticed