kabanata 3
TRANSCRIPT
KABANATA 3
PANIMULA NG EDUKASYONG
AMERIKANO SA INDANG 1900-1902
31
Ang operasyon ng hukbong Amerikano sa pananakop sa
Cavite ay nagsimula noong kalagitnaan ng 1899 at bumagsak ang
lalawigan sa mga unang buwan 1900.
1
Sa nabanggit na panahon,
pansamantalang napasailalim ang Indang sa pamahalaang militar
ng mga Amerikano. Kaugnay sa pananakop ay nagtalaga ng isang
detachment ng mga sundalong Amerikano sa bayan na nakaugnay
naman sa iba pa nilang mga kasamahan sa pamamagitan ng
istasyon ng telegrapo na ginamit nila para sa mabilisang paghingi
ng saklolo sa anumang pagsalakay ng mga gerilya sa Katimugang
Cavite.
2
Ang Edukasyong Amerikano Para sa Pilipinas
Sa taong 1900 nagsimula ng gawain ang Ikalawang
Komisyon ng mga Amerikano sa Pilipinas na pinamumunuan ni
William H. Taft. Ang komisyon ay gumanap sa
gawain ng pamahalaang sibil, lupong
pambatasan at tagapagpaganap ng
pamahalaang insular ng mga Amerikano sa
Pilipinas. Sa mga unang buwan ng 1901 ay
unti-unting isinalin ng pamahalaang militar ng
mga Amerikano ang kanilang kapangyarihang
sa mga lugar na kanilang napayapa sa
kapangyarihan sa Komisyon na noon ay
naglalatag na ng mga pangmatagalang plano
para Pilipinas. Isa sa mga naging plano ng Komisyon ay ang itayo
ang isang kawanihan pang-edukasyon na mangangasiwa sa mga
gawaing pagtuturo sa buong kapuluan at itinalaga nila si Dr. Fred
1 Para sa paunang inpormasyon sa kasaysayan ng operasyong militar sa
Cavite, basahin ang papel ni Dr. Emmanuel Calairo na Ang Pagsalakay
ng mga Amerikano sa Lalawigan ng Cavite, 1899-1900 sa Kasaysayan:
Journal of the National Historical Institute.
v. 2, No. 3 (December
2001):145-157
2 Sa panahon ng mga Espanyol ay mayroong matandang cuartel ng mga
guardia civil na malapit sa silangang bahagi ng simbahan ng Indang. Ito
ang huling himpilan ng mga Espanyol sa Cavite na hindi pa bumabagsak
noong Hulyo 12, 1898 (Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas 1898).
Sa pagdating ng mga Amerikano ang cuartel ay ginamit na punong-
himpilan ng Philippine Constabulary para sa upland district ng Cavite.
W. Atkinson bilang General Superintendent ng Instruksiyong
Publiko.
3
Sa pagdating ni Atkinson sa Pilipinas, pinasimulan niya ang
maingat na pag-aaral ng mga suliranin ng edukasyon sa kapuluan
sa pamamagitan ng obserbasyon, konsultasyon sa mga opisyal ng
hukbong Amerikano at mga katutubong pinuno ng Pilipinas. Mula
rito nakagawa siya ng plano at iminungkahi ang pagkakaroon ng
mga superintendent sa bawat dibisyon at pagtatalaga ng mga guro
sa mga paaralan na magmumula sa Estados Unidos. Pagkatapos
ng kaniyang paunang pag-aaral sa mga umiiral na kalagayan ng
edukasyon sa Kapuluan, isinumite niya sa Philippine Commission
noong Enero 1, 1901 ang panukalang batas na naglalaman ng
programang pang-edukasyon na kanilang ipatutupad sa kapuluan.
Matapos ang ilang maliit na pagbabago ang panukala ay
pinagpasiyahan na maging Act 74 noong Enero 21, 1901 na
nagsasabatas pagkakatatag ng burukrasyang pang-edukasyon sa
Pilipinas. .
4
Sa kabila nang pagkakapasa ng batas pang-edukasyon ay
mapapansin ang reserbasyon ni Atkinson sa pagkakaloob ng
mataas na antas ng edukasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan
ng kaniyang pagtatapat :
In this system we must beware the possibility of
overdoing the matter of higher education and unfitting
the Filipino for practical work. We should heed the
lesson taught us in our reconstruction period when we
started to educate the Negro. The education of the
masses here must be an agricultural and industrial
one, after the pattern of our Tuskegee Institute at
home.
5
Makikita sa pagtatapat ni Atkinson ang kaniyang pananaw sa
panimulang yugto nang pagsasakatuparan ng edukasyong
Amerikano sa Pilipinas. Ang anyo ng pagtuturo ay ipadron sa
isinasagawang pagtuturo sa Estados Unidos sa mga paaralan para
3 Glenn May. Social Engineering in the Philippines: the Aims, Execution,
and Impact of American Colonial Policy, 1900-1913. (Wesport1980:) 80.
4 Fred W Atkinson (1905:384)
5 Ibid.439
napalayang mga aliping Afro-American. Ang isa sa mga paaralan
na ito ay ang Hampton Institute na itinatag ni Samuel Chapman
Armstrong noong 1868, upang maging paaralan para sa mga
Negro at Indian ng Estados Unidos. Sa nasabing paaralan ay
tinuruan ang mga napalayang mga alipin ng mga kaalaman sa
gawaing manwal at pangkalakalan upang makaagapay sa
rekonstruksiyon at industriyalisasyon ng kanilang bansa na sinira
ng digmaang sibil.
6
Ang isa pa ay ang Tuskegee Institute na
paaralan ng mga Afro-American, kung saan ang isa sa mga lundo
ng pag-aaral ay naka-sentro sa agrikultura. Sa pagsasalaysay ni
Glen May ay binanggit nito na binisita muna ni Atkinson ang
Tuskegee Institute at nakipagkita sa prinicipal nito na si Booker T.
Washington bago magtungo sa Pilipinas para gampanan ang
posisyon bilang General Superintendent ng edukasyon.
7
Ang epekto ng pagdalaw ni Atkinson kay Booker Washington
sa Tuskegee ay makikita sa programang pang-edukasyon ng una
para sa agrikultural na edukasyon sa Pilipinas.
Agricultural School
² That the Filipinos may be
taught those things for which they have a capacity,
i.e., industrial and mechanical pursuits, there should
be established throughout the Philippine Islands
school of agriculture. It will be necessary to send our
agricultural colleges for instructors. These must be
men who will study the agricultural conditions here,
and teach practically the best means of cultivating and
improving the products peculiar to this archipelago.
These instructors should follow the plan of work of
6 Maaring basahin ang pag-aaral na To Change The World: The Use of
American Indian Education in the Philippine ni Anne Paulet sa History of
Education Quarterly Vol. 47 No. 2
(May 2007).
Ang paggamit ng modelo sa mga paaralang Hampton at Tuskegee
ay direktang inamin ni Kilmer Moe noong kaniyang pangasiwaan ang
Central Luzon Agricultural School. Basahin ang artikulo ni Kilmer Moe
na Fiji and the Future ²Honolulu Mercury
. (November 1929)
Isa kritikal na pag-aaral na tumatalakay sa ipinatupad na
edukasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas ay ang draft ng artikulong The
Strange Career of American Colonial School: Industrial Education and the
Philippines
na inihanda ni Joshua Gedach ng University of Wisconsin-
Madison na naka-post sa internet.
7 May (1980:80)
Hampton and Tuskegee.
8
Ang planong ito ni Atkinson na magkaroon ng paaralang sa
pagsasaka ay nakaka-apekto nang malaki sa naging kalakaran sa
pangkabuuang edukasyon ng Pilipinas, at partikular sa isang
paaralan na isinilang sa bayan ng Indang.
Edukasyon sa Indang
sa Unang Taon ng mga Amerikano
Sa okupasyon ng mga Amerikano sa Indang noong 1900,
kanilang iniulat na ang bayan ay binubuo 1,500 na katao at
mayroong isang eksistidong paaralan kung saan ang nagtuturo ay
isang gurong babae.
9
Kasunod sa okupasyon ng mga kawal
Amerikano sa Indang ay ang pagpapatupad ng mandato ni Heneral
Ellwel Otis at Arthur McArthur na gamitin ang edukasyon sa
pasipikasyon dahilan sa ang Indang ay isa sa mga istratehikong
bayan sa lalawigan ng Cavite at siyang nagiging taguan ng mga
gerilya sa kanilang operasyon laban sa mga Amerikano sa
lalawigan.
Sa pagkabuo ng pamahalaang sibil sa lalawigan ng Cavite at
partikular ng pamahalaang lokal sa Indang noong 1901, itinalaga
si Mariano Penaflorida bilang presidente ng bayan. Itinatag ng mga
pinunong bayan ang isang local school board na binuo ng apat na
katao na nanungkulan sa loob ng dalawang taon. Sa pagkakatag
ng local school board ng Indang ay nagkaroon ng papel ang mga
pamunuang bayan sa direktang pagsubaybay sa primaryang
edukasyon sa munisipalidad at magpanukala ng mga kaukulang
suhestiyon sa higit pagpapaunlad nito, at maghanap ng kaukulang
pondo sa pagsasa-ayos at pagpapatayo ng mga gusaling paaralan
sa bayan.
Noong Hunyo 1901, nagsimula ang klase sa Indang sa ilalim
ng pamahalaang sibil ng mga Amerikano. Sa pagbubukas ng
klase, ang matandang escuela sa poblacion ang siyang
pinagdausan ng pagtuturo ng araling primarya na sa
pagkakataong iyon ay sinimulan nang ipokus sa pagtuturo ng
wikang Ingles. Kapos pa ang datos ukol sa kung sino ang mga
unang nagturo ng wikang Ingles sa paaralang primarya sa
8 Atkinson (1905:1327)
9 Report of the Philippine Commission 1900, Part III:23. Magmula rito ay
gagamitin na lamang ang panitik na ARPC
.
poblacion, subalit mahihinuha ayon sa kalakaran noon na ang
unang guro na nagturo ng araling primarya sa Indang ay mula sa
mga piniling kawal Amerikano na naitalaga sa gawaing pagtuturo.
Walang pang matiyak ang nagsasaliksik na pangalan ng mga
kawal Amerikano na nagturo sa paaralan ng Indang. Subalit
nakatawag ng pansin ang inpormasyon na na ang isa sa mga
nadestinong kawal Amerikano sa Indang ay si
Percy A. Hill
, na
isa sa mga unang kawal Amerikano na naging matatas sa wikang
Tagalog sa loob lamang ng ilang araw niyang pagtigil sa Pilipinas.
Pagkatapos ng panunungkulan ni Percy Hill sa Indang ay
nadestino siya sa bilang inspektor ng konstabularya sa Imus,
Cavite. Sa kaniyang pagreretiro ay nanirahan sa Mu oz, Nueva
Ecija.
10
Ang Pagtatag ng Dibisyong Pang-Edukasyon sa Cavite
Sa pagsisimula ng gawaing pang-edukasyon ng mga kawal
Amerikano ay hinati nito ang Pilipinas ng kaayon sa dibisyon
pang-militar. Itinalaga sa gawaing pang-edukasyon si Captain
Harrisson S. Kerrick, mula Hunyo 1, 1901 hanggang Septyembre
10 Sa pagtatapos ng tungkulin ni Percy A. Hill sa hukbong Amerikano at
konstabularya noong 1907 ay nanirahan siya sa Bantug, Munoz, Nueva
Ecija, nagtrabaho bilang magsasaka, nakatulong sa paghahanap ng lupa
na pagtatayuan ng Munoz Agricultural School (KNA Central Luzon
Agricultural School) at naging aktibo sa pagbibigay ng mga civic lecture
sa nabanggit na paaralan. Nagtrabaho bilang manunulat sa pahayagang
The Philippine Magazine. Ang mga artikulo na isinumite ni Percy A. Hill
sa magasin na nakaukol sa mga paksang pang-kasaysayan ay nagbigay
sa kaniya ng kalagayan bilang isa sa mga popular na mananalaysay ng
Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Nagsulat din sa American Chamber
of Commerce Journal ukol sa kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas
partikular ukol sa kalagayan ng panustos ng bigas. Si Percy Hill ay
pinatay ng masamang loob sa kaniyang bahay sa Muñoz, Isabela noong
Hulyo 23, 1937.
Isa sa artikulo ni Percy A. Hill na nalathala sa American Chamber
of Commerce Journal noong Agosto 30, 1930 ay may pamagat na
Captain Tommy
. Ito ay isang pagsasalaysay ni Percy Hill sa buhay ng
isang opisyal Amerikano na kaniyang nakasama sa Indang sa panahon
na kanilang itinatatag ang Konstabularya sa lalawigan ng Cavite. Ang
kuwento ni Hill ay may lahok ng nakakatawang pangyayari sa buhay ng
kaniyang kasamahan na si Captain Thomas I. Mair (ang nagtatag ng
Konstabularyo sa Cavite) at ng isang babaeng taga-Indang na kaniyang
binansagan na Juana.
25, 1901 bilang superintendent ng pinagsamang dibisyon ng
Cavite, Tayabas, Batangas, at Marinduque. Ang punong himpilan
ng dibisyon inilagay sa Bacoor, Cavite.
11
Sa pagsalin sa kapangyarihang sibil ng burukrasyang pang-
edukasyon, ang katungkulang superintendent ng dibisyon ay
nasalin kay Molton A. Colton ng Burkesville, Kentucky.
Ipinanganak noong Oktubre 23, 1871 sa Chocktaw Nation, Indian
Territory, Oklahoma.
12
Miyembro ng prestihoyosong honorary
fraternity na Phi Beta Kappa at isa sa mga mahuhusay na mag-
aaral ng Class 1898 sa Yale University sa Connecticut.
13
Sa
pagsaluysoy ng nagsasaliksik sa aklat na sinulat ni Colton at sa
kaniyang pagtuturo ng araling Modern Languages sa United States
Naval Academy, pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa
Pilipinas ay lumilitaw na ang kaniyang ekspertisyo ay ang wikang
Espanyol at Pranses, na noon ay isa sa mga kinakailangan
kaalaman sa transisyong pampamahalaan sa Pilipinas.
14
Ang kaayusan ng Dibisyon No. 15 na pinamumunuan ni
Colton ay sumasakop noon sa mga pinagsamang lalawigan ng
Tayabas, Batangas, at Cavite. Ang punong tanggapan ng dibisyon
mula sa Bacoor ay inilipat sa bayan ng San Roque, Cavite. Upang
11 DECS, Cavite Division. History and Cultural Life of Cavite Province.
(Local Government of Cavite. 1981)102. Sa pag-aaral na ito ay gagamitin
na lamang ang panitik na HCLCP
. Ang pagkakatalaga kay Captain
Kerrick bilang superintendent ng Cavite sa panahong iyon ay mababasa
sa ARPC 1903, Part 3:817.
Para sa Karagdagang Inpormasyon:
Si Harrisson S. Kerrick ay mula sa Illinois, USA at nagpatala sa serbisyo
ng Hukbong Amerikano noong Hunyo 18, 1898 sa Chicago na may
ranggong corporal. Naglingkod bilang boluntaryong sa Pilipinas. Sa isyu
ng New York Time
(Abril 1, 1901) ay ibinalita na isa siya sa 588 na napili
para sa regular na serbisyo sa hukbo ng EU at pinagkalooban ng
ranggong Tinyente.
12 Para sa heonolohiya ni Colton basahin sa internet:
www.freepages.genealogy.rootsweb.com/~coltoninfo/rogerbaldwincolton/a1.htm
13 Yale·s Junior Appointments. New York Times
(October 11, 1896)
14 Ang aklat na sinulat ni Molton A. Colton na La Phonetique Castillane
ay ni-review ni A. F. Kuersteiner sa dyornal na Modern Language Notes,
Vol. 27, No. 2
(Feb., 1912),54-56. Ang pagtuturo ni Molton A. Colton sa
US Naval Academy ay ibinalita ng Cornell Alumni News. Vol XXIX No. 35
(June 9, 1927):438. Si Molton A. Colton ay namatay noong taong 1943.
mapamahalaan ni M. A. Colton ang napakalawak na eryang
administratibo ay kinailangan niya ng mga deputy superintendent
na susubaybay ng direkta sa mga gawaing pang-edukasyon sa
bawat lalawigan.
Inpluwensiya ni Hammon H. Buck
sa Edukasyon ng Timugang Cavite
Hindi magiging kumpleto ang pag-aaral ng kasaysayan ng
edukasyon sa Katimugang Cavite kung hindi babanggitin si
Hammon Hall Buck. Si H. H. Buck ay
isinilang noong 1876 sa Sabetha, Kansas
15
at dumating sa Pilipinas bilang bahagi ng
South Dakota Volunteer na nakilahok at
nasugatan sa mga unang taon ng
pananakop ng mga Amerika sa Pilipinas. Sa
taong 1900, umalis siya sa serbisyo ng
hukbong Amerikano at hinarap ang gawaing
pagtuturo bilang guro sa Pasay at
kinalaunan ay inilipat sa Taal, Batangas.
Noong Oktubre 1901 binisita ni
superintendent M. A. Colton ang bayan ng
Taal, dito niya natagpuan na nagtuturo si H. H. Buck at sa buwan
ng Nobyembre sa nabanggit na taon ay itinalaga ito sa Cavite
bilang deputy superintendent.
16
Sa pagdating ni H. H. Buck sa
Cavite ay kaniyang hinarap ang ang pangangasiwang pang-
edukasyon sa lalawigan ng Cavite.
Ang pagkahirang kay H. H. Buck bilang deputy
superintendent ay bunga nang biglaang paglaki ng gawaing pang-
edukasyon sa Cavite. Sa taong iyon dumating ang USAT Thomas
na may lulan na malaking bilang ng mga guro na galing sa
15 Makikita ang henealohiya ni Hammon H. Buck sa website sa internet
na: http://users.rallstech.com/snichol/genealogy/buck.htm
.
16 Ananymous. Reminiscences of a Maestro. The Philippine Education
Magazine (
June 1923).
Sa artikulong ito ay hindi nagbigay ng pangalan ang sumulat.
Subalit sa mga kapanahunan, pangyayari at lugar na isinasalaysay at
istilo ng pagsulat ay halos nagpapakilala na siya ay si Hammon H. Buck.
Bigo ang nagsasaliksik na makakita ng educational qualification ni H. H.
Buck, subalit ang naging mataas niyang katungkulan ay malaki ang
posibilidad na siya ay tapos ng kolehiyo.
Estados Unidos. Bilang pagsasa-ayos sa paglalagyan ng mga
gurong Thomasites sa Cavite, naglakbay si H. H. Buck sa mga
bayan ng lalawigan at kinausap ang mga presidente at konseho ng
mga munisipalidad, gumawa ng pag-eestima sa mga bubuksang
mga paaralang baryo at iba pang mga aktibidad pang-edukasyon.
Nakita niya ang pangangailangan sa maraming guro sa mga
paaralan at tiniyak na magtatalaga siya ng mga gurong Amerikano
sa bawat paaralang sentral (sa mga poblacion). Isinaayos ang
programa sa pagsasanay ng mga aspirante na ilalagay sa mga
bagong posisyon.
17
Ang gawain niya ay nagpatuloy hanggang siya
ay maging ganap na superintendent ng bagong tatag na dibisyong
pang-edukasyon sa lalawigan ng Cavite sa taong 1902.
Ang panunungkulan ni Hammon H. Buck sa Cavite ay
napasabay sa kasagsagan ng kilusang gerilya sa lalawigan na ang
pinagkukutaan ay ang mataas na lupa ng Katimugang Cavite. Sa
panahong iyonn, ang mga Amerikanong opisyal at mga Pilipinong
kawal ng Insular Constabulary ay nakagawa ng paglabag sa
karapatang pantao ng mga napaghihinalaang gerilya. Ang
kabagsikan ng kampanyang militar ay tinutulan ni H. H. Buck at
inilantad sa pamamagitan ng pagsama nito sa kaniyang ginawang
taunang pag-uulat ukol sa kalagayan ng edukasyon sa Cavite sa
taong 1902. Ang obserbasyon ni H. H. Buck sa taunang ulat ng
edukasyon sa Cavite ay nakasama sa Annual Philippine
Commission Report ng 1903 at nagbigay daan upang mailantad
niya sa kapuluan hanggang sa Estados Unidos ang kalagayan ng
karapatang pantao sa Cavite sa kapanahunang iyon. Ang
adbokasiya ni H. H. Buck laban sa kalupitan ng kampanyang-anti
gerilya ay nauwi sa isang mainitang hidwaan sa pagitan niya at ng
pinunong konstabularya sa Cavite na naging dahilan upang siya
ay malipat ng dibisyon ng Batangas nago magtapos ang 1903. Ang
ginawang pagtatanggol ni Buck para sa karapatang pantao ng mga
taga-Cavite ay maituturing na naging isang mahalagang salik
upang ang mga gurong Amerikano ay makakilos ng ligtas at
nakapagtaglay ng paggalang ng mga taga lalawigan. Ang
katotohanan, walang gurong Amerikano na napatay sa Cavite
kahit na ang lalawigan noon ay nasa kasagsagan pa nang
operasyong gerilya laban sa mga Amerikano.
18
17 Ang unang normal institute sa lalawigan ng Cavite ay naganap sa
kapanahunan ni M. A. Colton at pagiging deputy suprintendent ni Buck
na ginanap sa San Roque. Cavite noong Mayo 2-19, 1902.
18 Isang malaking kabalintunaan na walang gurong Amerikano na
namatay o pinatay sa Cavite sa panahon na inilalatag nila ang sistema
ng edukasyong Amerikano sa lalawigan. Subalit si Hammon H. Buck ay
Sa pag-aaral ukol sa ilang bahagi ng aktibidad ni H. H. Buck
ay kapansin-pansin na nagkaroon siya ng malalimang pag-aaral sa
kultural at sosyolohikal na katangian ng mga mamamayan at
pagpapaunlad ng Katimugang Cavite.
Sa artikulo ni Dr. Otley H. Beyer ay nabanggit nito na
sumulat si Buck ng isang artikulo ukol sa Fire-Walkers ng Alfonso,
Cavite na kung makakuha lamang ang kopya ay maaring maging
bakasan upang magkaroon matatag na pagsasapantaha na ang
sayaw sa apoy ng Alfonso ay isang pre-kolonyal na ritwal sa
lalawigan Cavite. Binanggit din ni Dr. Beyer na mayroong iniuulat
si H. H. Buck ukol sa isang kuweba sa baryo ng Esperanza sa
bayan din ng Alfonso na maaring isang matandang yungib na
panirahan ng mga tao sa panahong pre-historikal.
19
Ang kaalaman ni H. H. Buck sa ugali at kaisipan ng mga
elite na mamamayan ng taga mataas na lupa ng Cavite ay isinulat
niya bilang isang aklat na pinamagatang
Capitan Baltazar
.
Dahilan sa ang nagsasaliksik ay hindi nagkapalad na makakita ng
nalalabing kopya ng aklat ay masasalamin naman ang mga
nilalaman nito sa kaniyang dalawang artikulo na nalathala sa
Philippine Magazine. Ang una ay Principle Versus Policy na
nagkukuwento ng pamamaraan na ginawa ng isang pinunong
lokal sa Katimugang Cavite sa paraan ng pakikitungo sa mga
mananakop na Espanyol at Amerikano at tinalakay din kung
paano niya sinuway ang utos ni Andres Bonifacio na sunugin ang
simbahan sa kanilang bayan. Ang ikalawang maikling kuwento ni
H. H. Buck ay ang Capitana Vicenta (asawa ni Capitan Baltazar) na
isang komersiyante sa bayan at ang kaniyang kapangyarihan na
makainpluwensiya sa kaniyang asawa. Ang dalawang tauhan na
ito na ikinuwento ni H. H. Buck sa pagtatasa ng nagsasaliksik sa
mga naging historikal na personalidad sa Katimugang Cavite,
partikular sa Indang ay maaring kumakatawan hindi sa isa, kundi
sa collage ng mga elitistang personalidad na kaniyang nakatagpo
sa Katimugang Cavite.
20
Sa larangan ng mga karaniwang tao ay
tinambangan at pinaslang sa Lalaan, Silang, Cavite noong 1945.
19 H. Otley Beyer. Outline Review of the Philippine Archelogy by Islands
and Provinces
. The Philippine Journal of Science 77 (July-August,
1947):242,364.
20 Basahin ang mga sumusunod na artikulo Hammon H. Buck na
Principle Versus Policy.(Philippine Magasine
(July 1929) at Capitana
sinulat ni H. H. Buck ang ukol kay Tandang Poro na nagtataglay
ng mahikal na kapangyarihan na makilala ang mga magnanakaw
ng kalabaw sa kanilang pamayanan.
21
Sa kabilang ng pagiging isang edukador na Amerikano,
nakita ni H. H. Buck ang kahalagahan ng mga lokal na wika bilang
gamit na wika sa pagtuturo sa mga paaralan.
Now the matter of national language. A common
language is an important factor in nationhood, but a
national language is not made; it grows.
The spread of a dialect and its development until it
becomes a national language depends on several
factors. One of the most important factors is, as in the
case of Tagalog, its location at the educational,
political, social, and commercial center of the country.
The next most important, perhaps, is the vigor,
intellect, and industry of the people using it
...
The existing course of instruction in the
Philippines has imposed the incubus of a foreign
language upon all school children for the past thirty
eight years. Are we now saddle them with another
incubus for the next thirty years, merely for providing
a national language, which in the natural course of
events is coming anyway?
The first concern of any educator should be
education and no scheme of propaganda should be
permitted to interfere with this main puprose.
22
Mapapansin sa siniping artikulo mula kay H. H. Buck ang
kaniyang personal na kritisismo sa naging patakarang pang-wika
na ipinatupad ng Estados Unidos sa Kapuluan. Bilang isang
dating mamamayang Amerikano, awtoridad si H. H. Buck sa
wikang Tagalog dahilan sa nabanggit na paliwanag sa artikulo ay
kinikulala ang kahusayan/katatasan nito sa wikang Tagalog na
kaniyang ginamit sa panahon ng kaniyang pananatili sa Pilipinas.
Vicenta. Philippine Magasine
(November 1930).
21 Basahin ang artikulo ni H. H. Buck na The Thief Detector. The
Philippine Magasine
(June 1928).
22 H. H. Buck Tagalog, The National Language. The Philippine Magasine
(June 1940).
Ang pagkagiliw ni H. H. Buck sa mataas na lupa ng Cavite
ay hindi lamang limitado sa kagandahan ng pook kundi maging sa
kagandahan ng kadalagahan nito, itinanan at napangasawa niya
si Dolores Angeles ng Alfonso, Cavite.
23
Sa bayan na ito, si H. H.
Buck ay nanatili ng matagal sa kaniyang pamilya, kung saan
nagpasiya na siyang iangkop sa kaniyang sarili ang
pagkamamamayang Pilipino.
Pagkatapos ng serbisyo sa Kawanihan ng Edukasyon si
Buck ay nanirahan sa Alfonso, namili ng mga lupa sa nasabing
bayan at nagpatanim ng abaca at nagpakilala sa pagtatanim ng
avocado sa lugar na iyon. Sumunod ay ang pamimili at
pagbebenta ng mga lupang nakatanaw sa lawa ng Taal. Isang
impresyon na ang lupa ni Hammon H. Buck sa Katimugang Cavite
ay iyon lamang lugar na Buck Estate sa bayan ng Alfonso. Isang
katotohanan na halos ang buong ridge ng Tagaytay ay minsang
naging pag-aari niya.
24
23 Sa pakikipanayam ng nagsasaliksik kay Dr. Julian Aviñante na isang
lokal na mananalaysay ng Alfonso, Cavite ay tiniyak nito na ang bahay
na tinirahan ni H. H. Buck sa Alfonso ay ang lugar na kinatatayuan
ngayon ng Sacred Heart Academy.
24 Basahin ang Kabanatang The Man Who Own The Ridge ni Elizabeth V.
Reyes sa aklat na Town on the Ridge. (Bookmark, 1996)
Binanggit nang nagsasaliksik ang lahat ng paunang
inpormasyon ukol kay H. H. Buck upang maikawing ang kaniyang
isang mahalagang desisyon sa pagpapaunlad ng edukasyon sa
Katimugang Cavite at maagang modernisasyon ng ng Katimugang
Cavite.
25
Ang Pagkakatalaga Kay J. M. Krauss
sa Paaralan ng Indang 1901-1902
Ang pagtuturo sa paaralang primarya sa Indang mula sa
nagtuturong mga kawal Amerikano ay naisalin sa gurong sibilyan
dahilan sa pagdating ng nag-iisang gurong Amerikano sa Indang.
Iisa lamang ang gurong nakarating sa Indang sa kabila ng
dalawang guro na naunang ipinanukala ni Atkinson. Ang dahilan
nito ay hindi naabot noon ang target na bilang ng mga gurong
Amerikano na dapat na maitalaga sa Pilipinas. Sa lalawigan ng
Cavite ay unang pinanukala ni Atkinson ang pagkakaroon ng 38
gurong Amerikano subalit sa listahan ng mga gurong Amerikano
noong 1902 ay mayroon lamang 29 gurong Amerikano ang
naitalaga sa lalawigan sa kapanahunang iyon.
Ang naitalaga sa Indang ay si J. M. Krauss na isa sa mga
orihinal na mga gurong Amerikano na sakay ng barkong Thomas.
Nagmula sa Johnsonburg, Pennsylvania at nagtapos ng Bachelor
of Education noong Hunyo 1901 sa Clarion State Normal sa
estado ng Pennsylvania at mayroong isang taong karanasan sa
pagtuturo bago maitalaga sa Pilipinas.
26
Ang antas na naabot na
25 Wala pang ganap na pag-aaral sa buhay ni Hammon H. Buck, ngunit
sa preliminaryong pagbubukas ng nagsasaliksik sa mga datos ukol sa
kaniya ay lumilitaw na nag-aral siya ng abogasya sa Liceo de Manila
(mula sa salaysay ni Maximo Kalaw na kaniyang naging estudyante sa
Taal at naging kamag-aral ng abogasya sa Liceo de Manila). Pagkatapos
ng kaniyang serbisyo sa edukasyon ay at hinarap niya ang negosyong
real estate, magmula sa pagiging manager ng Caridad Estate (sa Lungsod
ng Cavite) ay hinarap niya ang pagbili ng mga lupa sa Alfonso at
Tagaytay. Maari rin na suriin ang papel at inpluwensiya ni H. H. Buck sa
pamahalaan noon upang isabatas ang pagiging lungsod ng Tagaytay
bago pa man maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Maipagpalagay na ang maagang pagsasabatas ng lungsod ay upang
maging libreng adbertisyo nito upang ma-eganyo ang mga mayayaman
sa Maynila na bumili ng lupa sa lugar.
Pinili ni H. H. Buck ang pagka-mamamayang Pilipino, ito ang
magpapaliwanag kung bakit sa panahon ng Hapon, siya ay hindi nai-
detine sa interment camp sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ayon kay Mr.
pinag-aralan ni J.M. Krauss ay isang indikasyon na hindi siya
karaniwang guro. Ang kaniyang pagsasanay ay higit na naka-
pokus sa adbanseng metodolohiya ng pagtuturo at maaring taglay
niya ang isang di karaniwang bisyong pang-edukasyon na
karaniwang maasahan mula sa mga gurong nagtapos sa mga
paaralang normal.
Sa pagbabago ng pamahalaan sa Indang ay tiyakan na
ipinaayos ng pamahalaang bayan ang matandang escuela at
ginamit ni J. M. Krauss sa kaniyang pagtuturo at nangupahan ng
bahay sa poblacion. Dahilan sa limitado ang batis na
nagsasalaysay ng mga naging aktibidad ni J. M. Krauss sa Indang
ay masasalamin naman ang kaniyang naging gawaing pang-
edukasyon sa noon ay umiiral na kalakaran. Ang pinakamalapit
na gurong Amerikano kay J. M. Krauss ay si Moses Flint na
nakatalaga sa bayan ng Alfonso, Cavite ay nagsalaysay sa kanilang
aktibidad pang-edukasyon noon sa mataas na lupa ng Cavite:
In 1902 I was transferred to Alfonso, a town in the
hills of southern Cavite, where the work of starting the
schools had to be begun all over again. I selected some
young people in the town and taught them the lessons
they should teach the children the next day and giving
them instruction in the evening and after school
hours, I succeeded in fitting them for teachings in the
primary grades.
No Americans were nearer than Indang
, seven miles
away, and for months at a time I would see no one
Antolin Gemanil, si H. H. Buck sa panahon ng digmaan ay nanirahan sa
Silang, Cavite ² ito ang kawing na magpapaliwanag kung bakit siya
napaslang sa baryo ng Lalaan noong 1945.
26 To The Islands Far Away: The Story of the Thomasites and Their
Journey in the Philippines. (United States Embassy to the Philippines
Public Affairs Section- 2001)
Kasama ni J. M Krauss sa Pilipinas ang isang gurong babae
nagtapos din sa Clarion State Normal na si Ms. Mary Krauss na
nagtapos sa Clarion Normal ng 1897, may apat na taong karanasan sa
pagtuturo, at nadestino sa Cavite Viejo (Kawit). Kung nagkaroon ng
sapat na bilang ang mga gurong Amerikano sa Cavite ay maaring ang
dalawang ito ay naging magkasama sa Indang. (katulad ng magkapatid
na Molton at Susan Colton na nasa bayan ng Cavite.)Hindi matiyak ng
nagsasaliksik ang relasyon ng dalawa, subalit ang pagiging iisa ng
kanilang pinagmulang county sa Pensylvania at paaralang pinagtapusan
ay mayroon silang malapit na relsyon sa isa·t isa.
who could speak English. I was obliged to learn
Tagalog in order to make myself understood.
The greatest difficulties were encountered in finding
school buildings and preparing the Filipino teachers
for there was very little money available. It took weary
months of extra work to prepare the teachers for their
duties.
We had teachers' classes after school hours
and in the evenings and at last opened up schools
in the barrios of Bailin, Magallanes and Mendez
Nunez
. The people of the barrios put up provisional
buildings. Civil government had been established and
was being appropriated for schools but the demand for
new schools was greater than we could possibly
supply.
The methods of instruction were very similar to those
in vogue now. The pupils were first taught a number of
words by the use of objects and a few action words.
Then the use of these words was taught by means of
conversational exercises. After this the questions and
answers were written by the pupils, either copied or by
dictation. The child taught to read and each new word
was treated in the same way. The pupil learned to
read, write and use the word the same day. Of course
the pupils were older than those generally found in the
first grade today. The children had a tendency to
commit whole pages of the text and repeat them
without any knowledge of their meaning.
As for discipline, I have never found any trouble
except that at times the Filipino teachers had to be
cautioned against being too severe.
Those early years were full of interesting work and
even though there were hardships, privations and
disappointments, I look back to them with pleasure.
We, the pioneer of the work, feel that we helped lay the
foundation stones of our present efficient educational
system.
27
27 Moses D. Flint. My Experiences as a Teacher in the Philippines From
1900-1903. Bahagi ng aklat na Bearers of Benevolence nina Racelis at
Ick:96-98. Si Moses Flint ay dating kawal Amerikano na pinili ang
serbisyong pagtuturo pagkatapos ng paglilingkod sa hukbo. Sa pagtatasa
ng nagsasaliksik, sa mga gurong Amerikano na naitalaga sa Cavite, si
Moses Flint ang naglingkod nang pinakamahabang panahon sa
lalawigan.
Sa salaysay ni Moses Flint ay mapapansin sa initimang
bahagi ang pananalitang
´weµ
na ang esensiya ay higit na
bumanganggit sa kaniyang mga nakasamang gurong Amerikano
(Krauss at Anderson). Sa ganito ang karanasan nabanggit ni Flint
ay tiyakan na katulad rin nang pinagdaanan at nakasama niya si
J. M. Krauss. Sa kabilang dako ay natutulog pa ang mga
inpormasyon sa mga naging gawain ng huli sa Indang.
Ang Unang Paaralang Panlalawigan sa Cavite
Noong Marso 7, 1902, itinadhana ng Batas ng Pamahalaang
Insular ang pagtatayo ng mga paaralang sekondarya na
magsisilbing paaralang panlalawigan sa iba·t ibang bahagi ng
kapuluan. Karamihah sa mga paaralang panlalawigang ito ay
itinatag sa mga kabisera ng at sinusuportahan mula sa pondo ng
pamahalaang panlalawigan. Ang paaralang panlalawigan sa Cavite
ay itinatag noong Hunyo 19, 1902, subalit ang salot ng kolera sa
mga kapanahunang iyon ay nagbinbin sa pagbubukas ng paaralan
at aktwal na napasimulan ang klase noong buwan ng Hulyo 1902,
at tinawag na Cavite High School. Ang paaralan ay pinamunuan
ng principal na si Sydney K. Mitchelle ng New York, na naging
kasamahan ni Molton A. Colton sa Phi Beta Kappa Fraternity at
kasabayan rin na nagtapos ng Yale University noong 1898.
Ang paaralang panlalawigan ay naglalayon na maging
destinasyon ng mga mag-aaral na nagsipagtapos sa kursong
primarya mula sa iba·t ibang mga munisipalidad ng lalawigan. Sa
kabilang dako, sa ulat ni H. H. Buck ukol sa unang taon ng
eksistensiya ng Cavite High School ay kaniyang ipinaalam na
walang mag-aaral mula sa Katimugan ng Cavite ang nakapasok sa
paaralang panlalawigan
.
28
Sa katotohanan ay hindi naging madali
para sa maraming mga mag-aaral mula sa mga bayan ng
Katimugang Cavite sa mga sumunod na taon na makapasok sa
nasabing paaralan dahilan sa kalayuan at laki ng gastusin na
papasanin ng mga magulang o ng mismong mag-aaral. Ang
suliranin sa kakauntian ng mga mag-aaral mula sa Katimugang
Cavite ay magiging daan sa isa sa magiging mapagpasiyang
desisyon ni H. H. Buck sa taong 1903.
28 RPC 1903:572
Ang Pag-alis ni J. M. Krauss sa Indang
Sa pagtatapos ng taong 1902 ay umalis si J. M. Krauss sa
Indang. Tahimik pa rin ang batis pangkasaysayan ukol sa tunay
na dahilan ng kaniyang maagang pag-alis, maliban sa ulat ukol sa
pagliit ng bilang ng mga guro sa lalawigan bago matapos ang 1902.
Iniuulat ni H. H. Buck na mayroong tatlong gurong Amerikano sa
Cavite na nagbitiw at umuwi sa Estados Unidos. Isa rito ay dahilan
sa mag-aasawa at ang dalawa naman ay dahilan sa pagkakaroon
ng karamdaman. Ang ilang hindi umuwi ng Amerika ay ay lumipat
ng istasyon ng pinagtuturuan sa ibang lalawigan.
Dahilan sa ang
pangalan ni J. M. Krauss ay hindi na lumabas sa sumunod na
listahan ng mga Thomasites sa taong 1903 at sa anumang
ahensiya ng pamahalaang insular ay tiyakan na ito ay kasama sa
tatlong umuwi ng Estados Unidos bago pa matapos ang taong
1902.
29
Sa pagliit ng bilang ng mga gurong Amerikano, ito naman
ay naging daan upang maitalaga ang mga nalalabing gurong
Amerikano bilang supervising teacher sa mga distrito ng bayan na
kanilang kinatatalagahan. Ang positibong bagay sa kalakaran na
ito ay nagkaroon ng oportunidad ang mga na gurong Pilipino na
29 Sa ginawang pag-uusisa ng nagsasaliksik ukol kay J. M. Krauss ay
sinangguni ang census ng mga mamamayang Amerikano at
pakikipanayam sa mga inapo ng mga ito. Ang tanging inpormasyon na
nakuha ay ang sumusunod:
from Michael [email protected]
date Sun, Jun 7, 2009 at 6:29 AM
Subject Re: Message from Daniel Anciano
All I can tell you is the John Krauss in my family was born in
Callensburg, Clarion Co., PA in 1877. He was married to the
former Grace Daugherty and he died in Washington DC in
1971. His sister Mary, I have no record of other than her
birthdate and place. Their both about the right age for such
a trip and I know nothing of Mary having a husband. I
understand female teachers at that time weren't permitted to
marry. Does that help?
Kung sina John M. Krauss at Mary Krauss na tinutukoy ng
nakapalitan ng e-mail ng nagsasaliksik ay siya ring sina J. M. Krauss at
Mary Krauss ng Clarion Normal State School ay maituturing na si J. M.
Krauss ang pinakahuling namatay na gurong Amerikano na sakay ng
barkong USAT Thomas.
nakapasa sa pagsusulit ng Serbisyo Sibil na maitalaga bilang mga
gurong insular.
Upang higit pang malinang ang kakayahan ng mga gurong
Pilipino sa pagtuturo ay kinakailangan ng mga ito na dumalo ng
Normal Institute na kalimitan na ginagawa sa dalawang magka-
ibang lugar sa Cavite. Sa pagkakaroon ng kasanayan ng mga
gurong Pilipino sa lalawigan ay unti-unting naiwan sa kanila ang
pagtuturo sa mga silid-aralan at maging ang pangangasiwa sa mga
paaralang pambaryo.