kabanata 3.1.finale
TRANSCRIPT
64
Kabanata III
METODO NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit,
paghahanda ng instrumentong ginamit sa pag-aaral, mga hakbang na ginawa
sa paglikom ng mga datos, istratehiya sa pagpili ng mga respondente,
paglalarawan sa mga respondente, populasyon at magiging bilang ng
respondente, estadistikang ginamit sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng
mga datos.
PAMAMARAANG GINAMIT
Ginamit ng mga mananaliksik ng deskriptibong pamamaraan ng
pananaliksik. Napili ang pamamaarang ito dahil nakatugon ito sa pagtukoy ng
pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa mga asignatura sa Filipino na
nakapaloob sa Kurikulum 2006 bilang gabay sa pag-aaral ng kursong AB
Filipinolohiya (ABF) na may malaking kinalaman sa mga mag-aaral na
kumukuha ng kurso at sa mga mambabasa partikular sa mga mag-aaral na
magtatapos sa hayskul na nais kunin ang kurso sa kolehiyo. Ang
pamamaraan din na ito ay tumugon sa layunin ng pag-aaral na masuri ang
kurikulum ng kursong AB Filipinolohiya sa pananaw ng mga mag-aaral sa
isang kilalang unibersidad na naging kalahok sa pananaliksik na ito bilang