kakayahang lingguwistiko sa wikang filipino

17
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Tinalakay ni: Rochelle S. Nato Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Dolores R. Taylan et.al (Akda) Aurora E. Batnag (Koordineytor)

Upload: rochelle-nato

Post on 21-Jan-2018

1.216 views

Category:

Education


145 download

TRANSCRIPT

Page 1: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Fil ipino

Tinalakay ni: Rochelle S. NatoSanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoDolores R. Taylan et.al (Akda)Aurora E. Batnag (Koordineytor)

Page 2: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

• Matalakay ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika.

LAYUNIN

• Makakapagtala ng mga halimbawang pangungusap sa bawat bahagi ng pananalita.

Page 3: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang panleksiko,

• Ito ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihingbahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.

Page 4: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

BAHAGI NG PANANALITA

I. Mga salitang pangnilalaman

(mga content word)1. Mga nominal

a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.

Page 5: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Mga Uri ng Pangngalan

1 PANTANGI - pangngalang ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao, bagay o lunan. Lagi itong nagsisimula sa malaking titik.

halimbawa: Panay, Setyembre, Saligang Batas

Page 6: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

2. PAMBALANA - pangngalang ginagamit sa sinumang tao o anumang bagay, lunan o pangyayari nang walang pagtatangi. Ito ay nagsisimula sa maliliit na titik.halimbawa: pulo, gusali, dokumento

Page 7: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki hal. ama, lolo, tandang, itay, tatay,

boy2. Pambabae

hal. reyna, ina lola, nanay, ate, inahin3. Di-tiyak

hal. bata, manok, kapatid, aso, pusa4. Walang Kasarian

hal. mesa, kahoy, bag, lapis, papel

Page 8: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

b. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.

Mga uri ng panghalip1 Panghalip na panao2. Panghalip na pananong3. Panghalip na panaklaw4. Panghalip na pamatlig

Page 9: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Mga Halimbawa

Panao - ka, niya, amin, iyo, ikaw, moPananong - ano, alin, ilan, sino, kaninoPanaklaw - lahat, sinuman, anumanPamatlig - ito, iyon, doon, diyan, heto, ganito

Page 10: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Pumunta ako sa tindahanBinili ko ang tinapayKumain ako ng tinapay kaninang umaga

Mga Halimbawang pangungusap

2. Pandiwa ( verb)

- ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita

Page 11: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

3. Mga Panuring (modifier)a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip

May apat na anyo ang mga pang-uri.Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,

Page 12: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.

Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi.

Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.

Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.

Page 13: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay

Mga Uri ng pang Abay:1. Pamanahon hal. araw-araw2. Panlunan hal. kina, kay3. Pamaraan hal. nang, na,4. Pang-agam hal. baka, wari, parang5. Panang-ayon hal. talaga, siyempre, opo6. Pananggi hal. hindi, di, ayaw7. panggaano (tinatawag ding pampanukat)8. Pamitagan hal. paggalang9. Panulad hal. higit na magaling

Page 14: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

II. Mga Salitang Pangkayarian (functions words)

1. Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

hal. at pati, ni, subalit, ngunitb. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

hal. na, ng

Page 15: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

hal. sa, -ng

Page 16: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

2. Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip

hal. si, ang, ang mga

b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri

hal. ay

Page 17: Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Magtala ng mga tig 2 halimbawang pangungusap sa bawat bahagi ng pananalita.

Gawain

1. Pangngalan2. Panghalip3. Pandiwa4. Pang- uri5. Pang- abay