kay sleya
TRANSCRIPT
![Page 1: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/1.jpg)
Ulat sa Filipino
Inihanda ni: Johann Angelo S. Cruz
![Page 2: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/2.jpg)
Kay SelyaKung pagsaulan kong basahin sa isipang nangakaraang araw ng pag-ibig,may mahahagilap kayang natititikliban na kay Selyang namugad sa dibdib? Pagsaulan- pagbalikan;alalahaninMahahagilap- mahahanap
![Page 3: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/3.jpg)
Yaong Selyang laging pinapanganiban,baka makalimot sa pag-iibigan;ang ikinalubog niring kapalaransa lubhang malalim na karalitaan.
Pinapanganiban- kinatatakutanKaralitaan- kahirapan
![Page 4: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/4.jpg)
Makaligtaan ko kayang 'di basahin,nagdaang panahon ng suyuan namin?kaniyang pagsintang ginugol sa akinat pinuhunan kong pagod at hilahil?
Suyuan- pag-iibiganHilahil- suliranin;pasanin
![Page 5: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/5.jpg)
Lumipas ang araw na lubhang matamisat walang natira kundi ang pag-ibig,tapat na pagsuyong lalagi sa dibdibhanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.
Maidlip- mahimlay;nakatulog
![Page 6: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/6.jpg)
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,nagdaang panaho'y inaalaala,sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.
Namamanglaw- nalulungkot
![Page 7: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/7.jpg)
Sa larawang guhit ng sintang pinsel,kusang inilimbag sa puso't panimdimnag-iisang sanlang naiwan sa akin,at 'di mananakaw magpahanggang libing.
Inilimbag- iginuhit;minarkaPanimdim- isipan;gunitaSanla- alaala
![Page 8: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/8.jpg)
Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalawsa lansanga't ngayong iyong niyapakan,sa Ilog Beata't Hilom na mababaw,yaring aking puso'y laging lumiligaw.
![Page 9: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/9.jpg)
'di mamakailang mupo ng panimdimsa puno ng manggang naraanan natin;sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,ang ulilang sinta'y aking inaaliw.
![Page 10: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/10.jpg)
Ang katauhan ko'y kusang nagtataliksa buntung-hininga nang ika'y may sakit,himutok ko noo'y inaaring-langit,paraiso naman ang may tulong-silid.
![Page 11: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/11.jpg)
Nililigawan ko ang iyong larawansa makating ilog na kinalagian;binabakas ko rin sa masayang doonganyapak ng paa mo sa batong tuntungan.
![Page 12: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/12.jpg)
Nagbabalik mandi't parang hinahanap,dito ang panahong masayang lumipas;na kung maliligo'y sa tubig aagap,nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Tabsing- talsik ng tubig-dagat
![Page 13: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/13.jpg)
Parang naririnig ang lagi mong wika:"Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama."at sinasagot ko ng sabing may tuwa-"Sa isang katao'y marami ang handa."
![Page 14: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/14.jpg)
Anupa nga't walang 'di nasisiyasatang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;sa kagugunita, luha'y lagaslas,sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!“
Taghoy- daing ng taong lumuluha
![Page 15: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/15.jpg)
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?Ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig?nahan ang panahong isa niyang titigang siyang buhay ko, kaluluta't langit?
Di lumawig- naputol;di natuloy
![Page 16: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/16.jpg)
Bakit baga ngayong kami maghiwalayay dipa nakitil yaring abang buhay?Kung gunitain ka'y aking kamatayan,sa puso ko Selya'y, 'di mapaparam.
Di mapaparam- di malilimutan;di mawawala
![Page 17: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/17.jpg)
Itong 'di matiis na pagdaralitanang dahil sa iyo, o nalayong tuwa,ang siyang umakay na ako'y tumula,awitin ang buhay ng isang naaba.
Naaba- naapi
![Page 18: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/18.jpg)
Selya'y talastas ko't malalim naumid,mangmang ang musa ko't malumbay na tinig,di kinabahagya kung hindi malait palaring dinggin mo ng tainga't isip.Naumid- napipi;natahimikMalumbay-Malungkot
![Page 19: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/19.jpg)
Ito'y unang bukal ng bait kong kutadna inihahandog sa mahal mong yapak;tanggapin mo nawa kahit walang lasap,nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
Kutad- di pa sanay;kulang sa karanasan
![Page 20: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/20.jpg)
Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayoptubo ko'y dakila sa pahunang pagod;kung binabasa mo'y isa mang himutokay alalahanin yaring naghahandog.
Pula- mula sa pagpula;pagpitas
![Page 21: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/21.jpg)
Masasayang nimpas sa lawa ng Bai,sirenas, ang tinig ay kawili-wili,kayo ngayo'y siyang pinipintakasing lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.
Pinipintakasi- sinasamba
![Page 22: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/22.jpg)
Ahon sa dalata't pampang na nagligid,tonohan ng lira yaring abang awitna nagsasalitang buhay mo'y mapatid,tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
Dalata- lupang malapit sa pampang
![Page 23: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/23.jpg)
Ikaw na bulaklak niring dilidili,Selyang sagisag mo'y ang MARsa Birheng mag-ina'y ipimintakasiang tapat mong lingkod na si FB
Dilidili- alaala
![Page 24: Kay sleya](https://reader033.vdocuments.pub/reader033/viewer/2022061505/55c37a54bb61eb274d8b46a4/html5/thumbnails/24.jpg)
Buod ng aralinNagbabalik tanaw si Balagtas sa kanyang masasayang alala kasama si Selya na labis niyang minahal ngunit naging dahilan ng pinakamalaking niyang kabiguan sa pag-ibig.Sa tindi ng sakit ay halos ninais ni Balagtas na mawala na rin sa mundo nang sila’y maghiwalay.Subalit ang kabiguang ito ay siya ring nagbigay-daan sa paglikha niya ng walang kamatayang obra-maestra,ang Florante at Laura