komunikasyon sa pakikipagkapwa

37
ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA Komunikasyon sa Pakikipagkapwa

Upload: vincerhomil

Post on 27-Nov-2014

957 views

Category:

Education


2 download

DESCRIPTION

hhhhh

TRANSCRIPT

Page 1: komunikasyon sa pakikipagkapwa

ANG KAHALAGAHANNG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA

Komunikasyon sa Pakikipagkapwa

Page 2: komunikasyon sa pakikipagkapwa

KOMUNIKASYON

Galing sa salitang latin naCOMMUNIS na nangangahulugang “Common” o karaniwang o pagiging magkatulad.

Page 3: komunikasyon sa pakikipagkapwa

TATLONG BAHAGI NG

KOMUNIKASYON

Page 4: komunikasyon sa pakikipagkapwa

1. BERBAL NA KOMUNIKASYON

Gumagamit ng wika, pasulat man o pasalita.

Ayon kay ARGYLE, ito ay ginagamit upang ipaabot ng tagapagsalita ang anumang impormasyon tungkol sa isang bagay na nais niyang ipaalam sa tagapakinig.

Page 5: komunikasyon sa pakikipagkapwa

2. DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang paraan na hindi gumagamit ng salita.

Ito ay maidadaan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Page 6: komunikasyon sa pakikipagkapwa

A. ANG KATAWAN (KINESICS)

Ano ang maaaring ipakahulugan ng thumbs up gamit ang daliri? Kapag ang isang tao ay hindi mapakali sa upuan at pabalik-balik na naglalakad sa isang lugar. Ano ang nais sabihin ng taong palaging nakatingin sa relo habang may kausap? Ano ang ibig ipakahulugan ng pag-upo ng mag-aaral sa dulo ng kanyang upuan sa oras ng talakayan?

Page 7: komunikasyon sa pakikipagkapwa

B. ANG MUKHA (FACIAL EXPRESSION)

Naipapakikita rito ang iba’t ibang emosyon ng tao tulad ng pagkatuwa, pagkalungkot, pagkagulat, pagkatakot, pagkagalit at pagkayamot. Ang ekspresyon sa mukha ng tao ay nagpapakilala ng kanyang ugali.Natuklasan sa pag-aaral na higit na naipapakita ang emosyonal na kalagayan ng tao sa kanyang mukha.

Page 8: komunikasyon sa pakikipagkapwa

C. ANG MATA (EYE CONTACT)

Ang itinuturing na tuwiran at makapangyarihang anyo ng di-berbal na komunikasyon.Sinasabing ang mata ay ang bintana ng ating kaluluwa. Naipapahayag sa pamamagitan nito ang kaisipan at damdamin ng tao.Karaniwang may nais iparating ang titig, sulyap at tingin ng isang tao.

Page 9: komunikasyon sa pakikipagkapwa

D. ESPASYO O DISTANSYA(PROXEMICS)

Ang itinuturing na pansariling “bula”- ang espasyo na inilalagay sa pagitan ng sarili ng ibang tao Gaano ka kalapit kapag nakikipag-usap ka sa isang tao? Saang bahagi ka ng inyong silid-aralan nakaupo.

Page 10: komunikasyon sa pakikipagkapwa

E. PAGHAWAK(HAPTICS)

Ang pagdama o paghawak ay nagpapakita ng intensyon o damdamin ng isang tao.Ang mensaheng nais ipabatid sa pamamagitan nito ay nakadepende sa sitwasyon, sa taong sangkot sa komunikayon at sa paraan ng paghawak.

Page 11: komunikasyon sa pakikipagkapwa

F. PARALANGUAGE

Ang inyong mensahe ba ay tugma sa paraan ng iyong paghahatid nito? Ayon sa pananaliksik, ang paralanguage ay ang mga tunog na di-berbal tulad ng pagtaas at pagbaba ng tinig, bilis at bagal ng pagsasalita na nagpapahiwatig ng emosyon na maaaring husgahan anuman ang nilalaman ng mensahe.Ipinahihiwatig nito na mahalga ang pagiging tugma ng tinig at mensahe.

Page 12: komunikasyon sa pakikipagkapwa

G. PANANAHIMIK

Ito ay maaaring magkaroon ng positibo o negatibong impluwensya sa proseso ng komunikasyon.Maaari itong magdulot ng tensyon at pagkailang o kaya’y katiwasayan ng sitwasyon.Ang pananahimik ay maaring pagsang-ayon o di-pagsang-ayon.

Page 13: komunikasyon sa pakikipagkapwa

H. ORAS O PANAHON(CHRONEMICS)

Ang pananaw ng tao tungkol sa oras at kung papaano niya ito ginugugol ay paraan ng komunikasyon.

Page 14: komunikasyon sa pakikipagkapwa

3. BIRTWAL (VIRTUAL) NA KOMUNIKASYON

Dulot ng makabagong teknolohiya kung saan ang paghahatid ng imporsmasyon o aksyon ay naipahahatid saan mang lokasyon gamit ang information technology.

Page 15: komunikasyon sa pakikipagkapwa

PAGKAKAUGNAY NG BERBAL AT DI-BERBAL NA

KOMUNIKASYON

Page 16: komunikasyon sa pakikipagkapwa

1. PAG-UULIT (REPEATING) Ito ay ang paggamit ng kilos-kamay upang patatagin o bigyang diin ang berbal na mensahe.

2. PAGSASALUNGAT (CONFLICTING)

Ang berbal at di-berbal sa magkaparehong interaksyon ay maaaring maghatid ng magkasalungat na mensahe

Page 17: komunikasyon sa pakikipagkapwa

3. PAGTUTUGMA (COMPLEMENTING)

Magiging angkop ang interpretasyon ng mensahe kapag ang berbal at di-berbal na komunikasyon ay magkatugma. Ang di-berbal na komunikasyon ay ginagamit upang maipaliwanag nang mabuti ang isang berbal na impormasyon.

Page 18: komunikasyon sa pakikipagkapwa

4. PAGPAPALIT (SUBSTITUTING)

May pagkakataong ang di-berbal na komunikasyon ang ginagamit lamang sa pagpapahayag ng mensahe. Ginagamit ang di-berbal kahit hindi ginagamitan ng berbal na pagpapahayag ng mensahe, subalit kapag hindi naging epektibo ang komunikasyon sa paraang di-berbal, ang berbal ay ginagamit upang ito ay higit na maunawaan.

Page 19: komunikasyon sa pakikipagkapwa

5. PAGPIPIGIL O PAGKONTROL (REGULATING)

Ang di-berbal na kilos ay maaaring pumigil o kumontrol ng pag-uusap. Halimbawa: Ang paghawak sa braso ng kausap ay nagsasabing mayroon kang nais sabihin kaya’t ikaw muna ang magsasalita. O kaya naman sa gitna ng maingay na klase, ilalagay mo ang iyong hintuturo sa iyong labi upang sila ay tumahimik.

Page 20: komunikasyon sa pakikipagkapwa

6. PAGBIBIGAY-DIIN O PAGKAKALMA (ACCENTING / MODERATING)

Karaniwang ginagamit ang mga di-berbal na kilos upang bigyang diin o bigyang linaw ang mensahe o maaari rin itong gamitin upang gawing banayad o kalmantehin ang berbal na mensahe. Halimbawa: Ang isang taong berbal na nagbibigkas ng galit ay mabibigyang diin ito sa pamamagitan ng pagkuyom ng kanyang palad o matalim na tingin.

Page 21: komunikasyon sa pakikipagkapwa

LIMANG ANTAS NG

KOMUNIKASYON

Page 22: komunikasyon sa pakikipagkapwa

PAKIKIPAG-USAP SA ISANG SIMPLENG KAKILALA

(LEVEL OF ACQUAINTANCE)

Page 23: komunikasyon sa pakikipagkapwa

Pinakamababaw na uri ng pakikipag- usap ngunit madalas na ginagamit nating Pilipino.

Hindi natin nabibigyan ng malalim na pansin ang tunay na kahulugan nito.

Hindi makabubuti kung ang lahat ng tao ay iyong kakausapin sa ganito lamang na antas.

Page 24: komunikasyon sa pakikipagkapwa

PAKIKIPAG- USAP UPANG MAGBAHAGI NG MAKATOTO-HANANG IMPORMASYON

(REPORTER’S TALK)

Page 25: komunikasyon sa pakikipagkapwa

• Ito ay ang pagbabahagi ng impormasyon na tumutugon sa tanong na ANO, SINO, SAAN, KAILAN at iba pa.

• Sa ganitong antas ng komunikasyon, wala tayong ibinabahaging malalim tungkol sa ating sarili at wala tayong hinihingi tungkol sa ating kausap.

• Dito, hindi hinihingi ang opinyon o ng ekspresyon ng damdamin. Hindi ito bumubuo ng intelektwal, emosyonal, ispiritwal, o pisikal na pagkakalapit. (intimacy).

Page 26: komunikasyon sa pakikipagkapwa

PAKIKIPAG- USAP UPANG MAGBAHAGI NG IDEYA O OPINYON

(INTELLECTUAL TALK)

Page 27: komunikasyon sa pakikipagkapwa

Sa pagkakataong ito, hindi na lamang mga impormasyon ang ating ibinabahagi kundi nagbabahagi na rin tayo ng ating opinyon, mga pakahulugan o interpretasyon, at mga paghatol (judgements).

Hinahayaan na natin na makita ng tao ang ating iniisip at kung paano pinoproseso ang mga impormasyon na nakakalap nito.

Sa antas na ito, may mga posibilidad na magdulot ng pagsasalungatan, kung kaya nga ang taong nagsasalita ay nagigigng maingat sa salitang bibitawan.

Page 28: komunikasyon sa pakikipagkapwa

PAKIKIPAG- USAP UPANG MAG- BAHAGI NG SARILING DAMDAMIN (EMOTIONAL TALK)

Page 29: komunikasyon sa pakikipagkapwa

Sa antas na ito, malaya na na naibabahagi ang iyong sariling damdamin sa iba. Mas mahirap magabahagi ng damdamin kaysa sa iniisip dahil itinunturing natin na ang ating damdaming pribado.

Maituturing na malayo ang agwat nito sa ikatlong antas dahil malalim na bahagi ng ating sarili ang ibinabahagi sa isang tao.

Page 30: komunikasyon sa pakikipagkapwa

Mas madaling tanggapin ang pagsalungat sa opinyon o ideya ngunit hindi ang damdamin.

Mahalaga ang pagiging maingat sa paggamit ng antas na ito.

Ngunit kapag napagtagumpayan ito, mas malalim na uri ng pakikipag- ugnayan ang maaring mabuo rito.

Page 31: komunikasyon sa pakikipagkapwa

PAKIKIPAG- USAP UPANG IBAHAGI ANG TOTOONG SARILI NA GINAGABAYAN NG PAGMAMAHAL

(LOVING, GENUINE, TRUTH TALK)

Page 32: komunikasyon sa pakikipagkapwa

Ito ang pinakamataas na antas na komunikasyon.

Sa pagkakataong ito, ibinabahagi natin sa ibang tao ang ating mga pangangailangan, mga alalahanin, pangarap, takot o pag- asa.

Nasasabi natin ang lahat ng ito nang buong katapatan at wala tayong inhibisyon o pag-aalinlangan.

Sa bahaging ito, mahalaga ang pagtanggap, pag-unawa at paggalang.

Huwag kakaligtaan na mapagatagumpayan lamang ito kung ito ay gagabayan ng tunay na pagmamahal.

Page 33: komunikasyon sa pakikipagkapwa

MGA HADLANG SA EPEKTIBONGKOMUNIKASYON

Page 34: komunikasyon sa pakikipagkapwa

1. PAGTANGGI(DENIAL)

May mga pagkakataon na ang tao ay tumatangging ibahagi lalo na yaong mga bagay na hindi tayo komportableng ibahagi sa ating kapwa. Lalo na kung mga bagay na hindi natin masabi nang harapan o kaya naman ay mga bagay na hindi tayo komportableng ipagtapat sa kanila ng harap-harapan.

Page 35: komunikasyon sa pakikipagkapwa

2. PAGPAPALIT(SUBSTITUTION)

May mga pagkakataon na naibabaling natin sa ibang tao ang mga bagay na hindi natin masabi sa taong nararapat na makatanggap nito. Nakahahadlang ito sa epektibong komunikasyon dahil hindi makatutulong ang pagbaling sa ibang tao upang mabigyang-solusyon ang suliranin.

Page 36: komunikasyon sa pakikipagkapwa

3. DI-PAGKAKAPAREHO O DI-PAGKAKAANGKOP(INCONGRUENCE)

Nangyayari ito sa mga pagkakataon na ang pasalitang paraan ng komunikasyon ay di tumutugma sa ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, lakas o hina ng boses at iba pa. Ang taong tumatanggap ay magbibigay ng kaniyang sariling interpretasyon sa iyong ipinahihiwatig.

Page 37: komunikasyon sa pakikipagkapwa

4. PAGBABAWAL(INHIBITION)

May mga pagkakataon, lalo na sa tahanan kung saan pinagbabawalan ang ilang kasapi na magbahagi ng ilan sa kanilang mga ideya at damdamin. Kapag nakasanayan, magiging balakid ito sa ganap na pagiging bukas sa komunikasyon sa loob ng pamilya.