kredo, ika-3 artikulo
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
Kredo, Ika-3 Artikulo
“Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.”
Si Jesus ay naging tao, hindi bunga ng pagtatalik ng isang lalaki at
babae.
Si Jesus ay nilalang ng Espiritu Santo sa sinapupunan ng Birheng Maria.
Sinabi ni Anghel Gabriel: “Bababa sa iyo ang
Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng
Kataas-taasan, kaya magiging banal ang iyong isisilang at tatawaging Anak ng Diyos”
(Lukas 1:35).
Si Jesus ay tunay na tao, dugo at laman ni Maria.
Subalit nanatili pa rin si Jesus na tunay na Diyos.
Pumili ang Diyos ng isang taong matuwid
mula sa lipi ni Haring David na tumayong
ama-amahan ni Jesus dito sa lupa, si Jose.
Upang matupad ang sinasabi ng mga propeta, si
Jesus ay isinilang sa Betlehem, sa bayan ni
Haring David.
Dahil sa kanyang mga magulang na si Maria at Jose, si Jesus ay isinilang
bilang isang Hudyo na sumusunod sa
Batas ni Moises.
Bilang pagsunod sa Batas ni Moises,
ang sanggol pa si Jesus ay tinulian noong siya ay walong araw pa lamang.
Noong si Jesus ay isinilang, una siyang napakita
sa mga pastol, upang ipahiwatig
na siya ay naparito para sa mga dukha at maliliit.
Sumunod ay napakita rin siya sa mga Hentil – mga pantas mula sa Silangan,
upang ipahiwatig na siya ay isinilang, hindi lamang para
sa mga Hudyo, kundi para sa lahat.
Ang sanggol na si Jesus ay dinala ni Jose at Maria sa
Templo sa Jerusalem upang sundin ang ipinag-uutos sa
Batas ni Moises.
Ayon sa Batas ni Moses: Sa ika-40 araw, ang sanggol na
lalaki ay ihahandog sa Templo sa Jerusalem, at ang inang nagsilang sa sanggol ay sasailalim sa
ritwal ng paglilinis.
Dahil sa mga Pantas na nagpunta kay Haring
Herodes ay nalaman ni Herodes na isinilang ang
“Hari ng mga Hudyo.”
Ito ay naging dahilan upang ipapatay ni Herodes ang lahat ng mga sanggol na lalaki, dalawang taon
at pababa.
Sa babala ng anghel sa panaginip ni Jose, naitakas agad ni Jose ang kanyang mag-ina sa Ehipto at doon sila nanirahan hanggang
namatay si Haring Herodes.
Bata pa si Jesus ay alam na niya na mayroon siyang
misyon. Sa pagdalaw nila sa Jerusalem, ang batang si Jesus ay nagpa-iwan na
hindi namalayan ng kanyang mga magulang.
Tatlong araw ding hinanap ni Maria at Jose si Jesus bago nila
natagpuan ito sa Templo. Ang sabi ni Jesus, “Bakit po
ninyo ako hinahanap, hindi nyo ba alam na ako ay dapat na
nasa Tahanan ng aking Ama?”
Pagkatapos ng pangyayaring ito sa Jerusalem ay wala nang
nabanggit sa Kasulatan tungkol kay Jesus. Ito ang tinatawag na
“Kubling Buhay ni Jesus.” Lumabas lamang siya muli sa
Ilog Jordan nang siya napabinyag kay Juan.
Bakit nga ba walang naisulat sa kubling-buhay
ni Jesus?
Meron bang itinatago tungkol sa kanya?
Ang dahilan: Wala namang isusulat sa kanya, sapagkat si Jesus ay nabuhay bilang isang pangkaraniwang tao na naghanap-buhay para
tumulong sa kanyang mga magulang.
Nang dumating na ang takdang panahon,
muling lumabas si Jesus at napabinyag kay Juan
sa Ilog Jordan.
Pagkatapos magpa-binyag kay Juan sa
Ilog Jordan, si Jesus ay dinala ng Espiritu Santo sa ilang upang doon ay
tuksuhin ni Satanas.
Bakit kailangan pang dumaan sa tukso si
Jesus?
Ang mga tukso ay pagsubok na nagpapatibay sa
pananampalataya, tulad ng lantay na ginto
na pinadaraan sa apoy upang lumabas ang
dalisay na ginto.
Aral: Kasama natin ang Espiritu Santo maging sa
harap ng tukso. Hindi pahihintulutan ng Diyos na
tayo ay tuksuhin higit sa ating makakaya.
Si Jesus ay namalagi sa ilang sa loob ng 40 araw
na pananalangin at pag-aayuno, bilang
paghahanda sa pagsisimula ng kanyang misyon.
Si Jesus ay nagsimula sa kanyang misyon sa pagpapahayag
sa Kaharian ng Diyos at pagpapagaling ng mga
maysakit.
Mula sa mga taong sumampalataya sa kanya,
si Jesus ay pumili ng Labindalawa at ito ay
tinawag na mga apostol.
Si Birheng Maria sa ating
Pananampalataya
“Sumasampalataya kami kay Santa Mariang Birhen
na Ina ng Diyos, ipinaglihing walang bahid ng kasalanang mana, nanatiling birhen at maluwalhating naluklok sa
kalangitan.”
Apat na Dogma kay Maria:
1. Imaculada Concepcion 2. Ina ng Diyos3. Nanatiling Birhen4. Iniakyat sa Langit, Katawan at Kaluluwa
Immaculate Conception“Ineffabilis Deus”
Pope Pius IXDecember 8, 1854
Si Maria ang “Imaculada Concepcion,” ipinaglihing walang bahid
ng kasalanang mana.
Si Maria ang “Babae” na tinutukoy sa Gen 3:15, “Ikaw at ang babae ay
laging mag-aaway, binhi mo at binhi niya ay laging mag-lalaban.”
Si Maria ang “Babae” na iningatan ng Diyos sa simula
pa nang panahon upang hindi siya mabahiran
ng kasalanan dahil siya ang hinirang bilang “Ina ng Anak ng Diyos.”
Pebrero 11, 1858 sa Lourdes, France,
ang Birheng Maria ay nagpakita at nagpakilala
kay Bernadette.“Ako ang Imaculada
Concepcion.”
The Mother of God“Theotokos”
“Bearer of God”Council of Ephesus
431 AD
Katibayan na ang isinilang ni Maria ay Anak ng Diyos:
1. Ang Pagbati ng Anghel kay Maria
2. Ang Pagdalaw ni Maria kay Elizabet
Si Maria ay “Ina ng Diyos” sapagkat si Jesus ay Diyos na
totoo at Tao pa ring totoo, may dalawang kalikasan na
hindi maaaring paghiwalayin.
Mary’s Perpetual VirginityIn the Apostles’ Creed
Council of Nicea325 AD
Si Maria ay nanatiling birhen pagkatapos niyang
isilang si Jesus, hanggang sa wakas ng kanyang buhay.
Mary’s VirginityBefore and After the Birth of
Jesus
Proofs:1. The Annunciation
2. Joseph’s dream
Si Maria ay nanatiling birhen hanggang wakas.
Wala siyang ibang anak liban kay Jesus.
Katibayan: Si Maria sa paanan ng krus ni Jesus.
Mga kapatid ni Jesus: mga pinsan
The AssumptionPope Pius XI
“Munificentissimus Deus”November 1, 1950
Feast of the Assumption“Falling Asleep of Mary”
Celebrated since the 5th century in Jerusalem
Dahil si Maria ay ipinaglihing walang sala at nanatiling walang sala,
kaya walang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.
Ang buhay ni Maria sa lupa ay natapos sa isang
mahimbing na “pagtulog.”
Si Maria ay maluwalhating iniakyat sa langit,
magkasama ang kanyang katawan at kaluluwa.
(Proposed) Fifth Marian Dogma
Mary as “Co-Redemptrix”The Mediatrix of all Graces
Pope Benedict XVon May 31, 1921
Annual Feast of Mary “Mediatrix of All Graces”