la revolucion filipina ni apolinario mabini
DESCRIPTION
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical CommissionTHE PHILIPPINE REVOLUTIONby Apolinario Mabini Translated into English by Leon Ma. GuerreroRepublic of the PhilippinesDepartment of EducationNATIONAL HISTORICAL COMMISSION1969Copyright 1969By Leon Ma.GuerreroTRANSCRIPT
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 1 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
La Revolucion Filipina ni Apolinario Mabini
Bungad Panawagan WALA AKONG katungkulan sa pamahalaan ng Pilipinas mula nuong Mayo 1899 hanggang sa sumunod na Deciembre,
nang dakpin ako ng mga sundalong Amerkano. Ni hindi ako nakatira sa malapit sa pamahalaan, ngunit inako kong
tungkulin na ipaglaban ang hangarin ng bayan. Paniwala ko rin na dapat ilahad ko sa usisa ng mga tao ang aking mga
tinangka at mga ginawa sa aking panunungkulan, ngayon at nararamdaman kong patapos na ang aking mga pagsisikap.
Mula nuong ako ay mabihag ng mga Amerkano, at bago nila ako ipinatapon dito sa Guam, naging karangalan kong
makausap nang masinsinan at ilang ulit sina GeneralArthur MacArthur at General J.F. Bell tungkol sa pagwawakas ng
digmaan at pagpapayapa sa buong kapuluan. Matatanto ang aking asal sa isang sulyap lamang sa aming pag-uusap,
sinimulan ng 2 general sa pahayag na sabik silang umaasa na tutulong ako sa pagpapayapa ng kapuluan at sa ganoong
paraan lamang daw makakamit ng mga Pilipino ang kanilang ikabubuti. Sinagot ko na mahal din sa akin ang hangaring ito
at itinanong ko sa kanila kung paano ako makakatulong. Nuon nila sinabi na magtitiwala sila sa akin at tatanggapin ang
aking paglilingkod kung tapat kong tatanggapin ang pagsakop ng America, lalo na kung tutulong akong magtatag ng uri
ng pamahalaan na, sa palagay nila, ay ikaliligaya ng mga tao.
Tumanggi ako. Oras na gawin ko iyon, ang sabi ko, mawawala ang tiwala ng mga tao sa akin, sa init ng kaluoban nila
nuong mga panahong iyon, kaya magwawalang silbi ang aking pagpapayapa o ano pa mang gawaing subukin ko. Inakala
ng 2 general na ang sagot ko ay pagtatakip lamang sa hangad kong matatag na tumuligsa sa mga pakana ng mga
Amerkano.
Ito ang dahilan, sabi nila sa akin, naniniwala sila na ang tigas ng ulo ko, at ni Ginoong Aguinaldo, ang tanging balakid sa
pagpapatahimik sa bayan, katahimikang walang tigatig nilang makakamit kahit na umabot sa pagpapatapon sa akin at sa
sinumang tumangging sumuko sa America.
Ang himagsikan, sabi ko sa kanila, ay hindi nagmula sa pagnanasa ng iisang tao kundi sa pagkasawi ng mga hangarin ng
lahat ng tao. Naniniwala ako na kapag lantad na sinalungat namin ni Ginoong Aguinaldoang mga hangaring ito,
maglalaho ang pagtingin ng mga tao sa amin at wala kaming magagawa upang hadlangan ang muling pagsabog ng
aklasan, sa madali o malayong panahon, sa pamumuno ng ibang tao.
Walang silbi ang pagpatapon
Ang tunay na katahimikan, sabi ko, ay makakamit lamang kung mauunawaan ng mga Amerkano kung paano mahuhuli
ang kalooban ng mga Pilipino, at ang paggamit ng dahas at pagparusa ay labag sa kalooban ng mga tao.
Suriin ninyo ang karanasan ng yumaong pananakop ng mga Espaol, ang sabi ko, ang pagpatapon sa mga tao ay
nagpasidhi lamang sa muhi at pakikibaka ng mga tao sapagkat kalupitan at hindi katarungan ang parusahan, ipiit at
ipatapon ang mga bihag na hindi man lamang pinaharap sa hukuman.
Sa halip na kalabanin ang mga balak ng mga Amerkano, sabi ko sa kanila, tinangka ko ngang ihayag nang malinaw ang
hangarin ng mga naghihimagsik, pati na ang lahat ng mga tao, at nang sa gayon, maiwasan ng mga Amerkano ang
pagpapairal ng mga tuntunin na maaaring ikagalit pang lalo ng mga Pilipino. Kaya pinipilit kong hindi mawala ang tiwala
ng mga tao sa akin, at patuloy akong magkaroon ng silbi hindi lamang sa mga Pilipino kundi pati na sa mga Amerkano.
Maaari kayong magkamali, sabi ko sa mga general, sa tantiya niyong mahuhupa ang aklasan ng bayan kapag nabihag at
naipatapon si Aguinaldo.
Sa ganoong pangyayari, kakailanganin ninyo ang tulong ng mga Pilipino na pinagkakatiwalaan pa ng mga naghihimagsik
upang makamit pa rin ang katahimikan ng kapuluan. Sinabi kong may mga higit na mahusay at may mga higit na
pinagkakatiwalaan ng mga naghihimagsik, kaya ako ay maghihintay na lamang sa tabi upang ialay ang aking tulong kung
sila man ay mangailangan o masawi sa pagpapayapa ng bayan.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 2 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Sa matama kong pagsuri ngayon sa mga sumunod na pangyayari, wari ko bay walang katuturan ang pagpapatapon sa akin dito sa Guam, sa nangyaring pagbihag kay Aguinaldo at kay Vicente Lukban, o sa pagsuko ni Miguel Malvar at ng
iba pang pinuno ng himagsikan. Kabaligtaran, paniwala ko na nagpatagal pa ng labanan at nagpadami pa sa mga napatay.
Naturing na gawain ng mahina ang makipagkasunduan, kaya walang nalalabing paraan na makapagpapayapa kundi
pagpuksa sa mga naghihimagsik. Nagsikap tayo nang sukdulan sa panalig nating dapat ipagtanggol ang ating dangal at
kalayaan sa abot ng ating kakayahan upang magkakaroon ng katarungan at pantayan sa lipunan ng mga tao at mga
sumasakop na dayuhan, ngunit hindi karaniwang nagwawagi ang mahina laban sa malakas, kaya alam din natin na hindi
magtatagal, mauubos ang ating lakas at tayo ay tiyak na matatalo.
Sumumpa ng pananalig sa America
Nang sumuko ang daig karamihan ng mga tao sa pagsakop ng mga dayuhan, nawalan ng katwiran ang magpatuloy ng
pakikibaka sapagkat salungat na ito sa pasiya ng mga tao. Katotohanan, sumanib na sa mga Amerkano ang maraming
naghihimagsik nuong hindi sila nakalaya sa sariling kakayahan dahil sa lakas ng hukbong Amerkano, at umasa na lamang
sa mga pangako ng America. Ang pagsuko ng mga kahuli-hulihang pangkat ng aklasan ay sinundan ng pahayag ng
kapatawaran sa lahat, at nuong Agosto 24, 1902, sinabi sa aming mga naipatapon dito sa Guam na malaya kaming
makakabalik sa Pilipinas kung aamin kami sa pagsakop ng America sa Pilipinas, at susumpa kami ng pananalig sa
America nang tapat at walang pag-iimbot.
Nadama kong hindi ako makakasumpa hanggang hindi ako tiyak na dapat kong gawin ito, kaya sinunod ko ang aking
budhi at hiniling na ibalik ako sa Manila bilang isang bihag, ayon sa pahayag na ang pagsumpa ay gaganapin sa anumang pook ng Pilipinas na may Amerkanong may sapat na kapangyarihang tumanggap sa sumpa. Pumayag ang governador ng Guam na ipadala ang aking hiling sa mga maykapangyarihan, ngunit hindi niya sinabi sa akin na aabutin ito nang matagal
at bandang katapusan na ng Deciembre nang mapagpasiyahan ang aking hiling. Naghintay pa rin ako nang buong tiyaga.
Tapos, nuong Febrero 9, 1903, inabt sa akin ng pinuno ng bilangguan ang sulat ng governador na malaya akong
makakapunta kahit saan maliban sa Pilipinas, na kailangan akong sumumpa ng pananalig sa America bago ako makabalik
ng bayan. Humingi ako ng dagdag na panahong pag-isipan ito sapagkat mahirap para sa akin na magpasiya tungkol dito.
Upang makauwi sa sariling bayan
Sa unang tingin, madaling sumumpa ngunit gaya ninuman, may mga paniwala akong sinusunod at isa rito ay, ang lahat ng
kapangyarihang sumasaklaw sa mga tao ay likas na nakasalalay sa mga tao na rin, kaya ang pagsumpa ng pananalig sa
pagsakop ng America sa Pilipinas ay maniwaring labag sa batas ng kalikasan na ipinataw ng Maykapal sa daigdig mula pa
nuong simula ng panahon. Inukilkil ako ng aking budhi, kalapastanganan ang sumumpa sa ngalan ng Maykapal ng
paglabag sa kanyang kautusan.
Isa pa, kung ang pag-iisip at pagsasalita ay kasama sa mga kalayaan ng mga mamamayan ng Pilipinas, makatarungan
bang pilitan akong itatwa ang aking mga pinaniniwalaan, nuong sandali mismong mangangako akong mamumuhay na ng
marangal at mapayapa? At pagkatapos sumumpa, lalabag ba ako sa pananalig sa America kung iadhika ko na bawasan
ang kapangyarihan ng America, paliitin ang pagsakop nito sa Pilipinas, at itanghal ang sariling pamahalaan ng mga
Pilipino sa sandaling makayanan nilang ganapan ito, ayon sa pangako na rin ng pamahalaan ng America?
Hindi ba pagtataguyod ng kasinungalingan ang pilitin ang mga Pilipino na sumumpa nang salungat sa batas ng kalikasan?
Hindi ba mas mainam humanap ng ibang paraan upang mapairal ang kapayapaan sa Pilipinas?
Totoong magiging sawi ang anumang tangkang mamahala batay lamang sa mga adhika sapagkat ang pangangasiwa sa
mga tao ay likas na pagganap sa mga maaari lamang tuparin; ngunit totoo rin na ang pamamahala na walang batayan o
labag sa mga adhika ay kalabisan, kalupitan pa, dahil nakakabulok sa lipunan. Ang tagumpay ng pamamahala ay
nakakamit sa pagkakasundo ng maaaring tuparin ayon sa mga atas ng kalikasan, at sa mga kailangan ng mga tao. Ang
pagsunod dito ay maaatim lamang sa tulong ng karanasan at ng mga adhika; ang pagkatalo ng pamahalaan ay sanhi ng
mga paglapastangang bunga ng ganid at kawalang muwang. Kung matagumpay man ang pamamahala sa America, ito ay
sanhi ng taimtim na pagsunod sa mga adhika ng kanilang Pahayag ng Kalayaan (Declaration of Independence), at ng Mga
Karapatan ng Tao (Rights of Man), mga bunga ng pagsusuri ng mga alituntuning likas sa daigdig.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 3 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Matapos ng mahabang pagtatalo ng aking damdamin, natanto ko ang dapat tuparin, at ako ay natahimik, nasiyahan ang
aking budhi, at nagpasiya akong sumumpa ng pananalig sa America dahil ito ay hindi maiiwasan, dahil higit na mahalaga
kaysa sa pagmamahal sa katotohanan ang pag-ibig na makabalik sa sariling bayan.
Isapi ang Pilipinas sa Espaa
Sa maraming kasaysayan ng digmaan at paghahamok sa daigdig, lagi nating nababasa na ang katarungan at katwiran, gaya
ng mga lungsod at mga tanggulan, ay lagi nang sumusuko sa may lakas at kapangyarihan, dahil kailangang patuloy na
mabuhay ang mga tao, kahit na sila ay masakop at mapasa-ilalim ng manlulupig. Sapagkat ang pagkawala ng buhay ay
pagkawala na rin ng katarungan, ng lahat. Ngayong sumuko na ang mga Pilipino sa pagsakop ng America upang hindi sila
mapuksa, ang manatili ako sa Guam ay pagsalungat sa kanilang kagustuhan, at pagpapatuloy lamang ng paghahamok na
tinanggihan na nila.
Nuong nagpasiy ang mga tao na makibaka, inako kong tungkulin na makipaglaban sa tabi nila hanggang sa anumang
kahinatnan; ngayong hapo at nanghihina na ang mga tao, inaako ko namang tungkulin ang tulungang kupkupin ang
kanilang damdamin, payuhan silang huwag mawaln ng pag-asa at patuloy na manalig sa kanilang kakayahng makamit
ang katarungan at kalayaan sa mga darating na araw. Inaamin ko na duwag akong manawagan sa mga tao na mag-aklas,
nuong sila ay nasisiyahan pang mabuhay nang mapayapa sa ilalim ng mga malupit na Espaol. Nagsikap ako kasaby
nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at iba pang nananawagan, matapos ibulgar ang mga kalabisn ng mga frayle, na isapi
ang Pilipinas sa kaharin ng Espaa bilang isang lalawigan.
Para lamang hindi matuloy sa madugong pakikibaka ang paghahangad ng mga Pilipino na makaligtas sa kabuktutn ng
mga frayle. Para lamang hindi naisin ng maraming Pilipino na tumiwalag nang tuluyan at maging malaya na mula sa
Espaa. Para lamang hindi matatg ang mga marahs na lipunan, gaya ng Katipunan, o maganp ang pakikihamok gaya
ng himagsikan nuong 1896. Hindik sa dalamhati at pagdurusang magaganp, hindi ako sumapi sa Katipunan at hindi ako
kumampi sa himagsikan.
Kilalanin ang mga karapatan ng tao
Nuon lamang 1898, nang matanaw ko sa buong paligid ang mahigpit na pagmamalupit ng mga Espaol, nuong parusahan
pati ang mga nagmamahal sa Espaa na nagtangkang lunasan ang mga kalabisan ng mga frayle, nuon ko lamang nabatid
nang husto ang hangaring ng mga tao, at ang tungkulin ko na tumulong sa himagsikan upang ibagsak ang makaluma at
walang silbing pagsakop ng mga dayuhan, ang kinailangang pagtatag ng bagong pamahalaang magkukupkop sa mga
Pilipino at magdadala sa atin sa kabihasnan at pagbubuti. Sumanib ako sa himagsikan nuon bilang pagsunod sa mga tao;
iiwan ko ang himagsikan ngayon sa dahilan ding ito, - ito ang pasiya ng mga tao.
Ang mga ginawa ko sa nakaraan ang siyang maghuhugis sa mga gagawin ko sa mga darating na araw. Sa halip na
magpakana ng pag-aaklas, sisikapin kong maiwasan ito sapagkat sa panahon ng payapa, ito ang tungkulin ng bawat
mamamayang nagmamahal sa bayan. Ang bangis ng pakikihamok ko nuong himagsikan ay gagamitin ko ngayon upang
makamit ang mga karapatan ng mga Pilipino, sapagkat sa ganitong paraan tiyak na mapagtitibay ang kapayapaan at
maiiwasan ang himagsikan. Nakibaka tayo hanggang maubos ang ating lakas at katwiran, wala tayong napala kundi
ipakita ang ating pag-ibig sa kalayaan.
Ngayon, kinikilala na ng America na may karapatan ang mga Pilipino na magkaroon ng kalayaan, kahit na bahagya
lamang, nang hindi masyadong maging supil ang ating mga buhay. Nasasa atin ang ipakitang ito nga ang mithi natin, ang
kalayaang mapayaman ang ating lahi at kalagayan upang magkasapat na puhunan tayong singilin ang ipinangakong
kalayaan mula sa mga Amerkano. Pagtitibayan ko na tutuparin ng America ang pangako nila ng kalayaan dahil batid nila
na:
Hindi ninais ng mga Pilipino, na katunayan ay sapilitan, ang ginawang pagsakop ng America
Ang pagpatuloy ng payapa ay nakasalalay sa pagturing na gagawin sa mga Pilipino
Ang pagsupil sa mga pulong ng Pilipino upang manawagan para sa kapakanan ng mga tao, gaya ng Liga Filipina, ang nagbunga ng mga lihim na lipunan gaya ng Katipunan na nawagan ng aklasan
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 4 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Sa huli, ang pagsakop na hindi marunong humarap sa gumigising na hangarin ng mga tao na makipag-ugnay sa kabihasnan ng ibang bayan ay magsusulsol sa mga tao na tumiwalag sa pagsakop, habang ito ay nagpapalawak ng
bulok at katampalasan sa pamahalaan ng sumasakop.
Pagtupad lamang sa aking tungkulin
May sariling dangal ang mga Amerkano dahil batid nila ang kanilang lakas, at maalam sila sa mga gawi ng mondo, kaya
idadagdag kong payo na walang dahilang maghinalaan ang magkabilang panig, sa panahong ito na kailangang kalimutan
na ang mga nakaraang puot, dapat waksi at palitan ng kasunduan at pakikipag-isa ng Pilipino at Amerkano. Hindi lamang
ipinangako ng America na ang ganitong samahan ang tiyak na siguro ng ating pagligaya, sapilitan pang pinaniwala nila
tayo nang akuin nilang mangasiwa sa ating kapalaran. Harinawa, ngunit sa kasalukuyan, pagsikapan nating mapagbuti ang
ating kalooban at pag-iisip nang maging angkop sa anumang marangal at karapat-dapat na matamasa natin sa buhay, sa
pag-asang mahahawi sa mga darating na araw ang takip sa tunay na ligaya at luwalhating naghihintay sa atin.
Ngayon, dahil hinihingi ng hina ng aking katawan na mamuhay nang tahimik, bumabalik ako sa pinanggalingang bayan
upang magkubli, naitaboy ng mga pangyayari sa hindi pagpansin ng madla, at itago ang aking kahihiyan at dalamhati
hindi dahil nagkulang ako sa dangal kundi nagkulang ako sa paglilingkod. Hindi ako ang makapagsasabi kung mainam o
bansot ang mga ginawa ko, kung ako ay tama o mali, ngunit ipipilit kong sabihin ngayon, sa huli, na wala akong ginhawa
sa pait at lungkot ng aking nalalabing buhay maliban sa kasiyahang lagi kong tinupad ang aking tungkulin.
Naway idulot ng Maykapal na masabi ko uli ito sa oras ng aking pagpanaw.
KABANATA I: Ang Politica Ng Pagbabago, At Ng Himagsikan
SA AKING pag-unawa, ang himagsikan (revolucion) ay ang unos ng mga tao upang bigla at sukdulang ibahin ang 3
kapangyarihan ng bayan - ang pamunuan, ang batasan, at ang litisan o hukuman. Kung ang pag-iiba ay mahinahon at
mabagal, ito ay tinawag na pagbabago (evolution). Sa turan kong unos ng mga tao, sinadya kong kinakailangang daig-
karamihan ng mga mamamayan ang maghangad at magsikap ng pag-iiba. Ang panawagan at pagsisikap ng pangkat-
pangkat lamang, para sa ikauunlad ng sila-sila na rin, ay hindi dapat tukuying himagsikan, ni hindi pagbabago.
Minimithi ng lahat ng nilalang, kanya-kanya o sama-sama, na mapagbuti ang kanilang kalagayan, kaya masasabing ang
himagsikan ay karaniwang tinatangka ng mga taong mahigpit na kailangang tulungan ang mga sarili.
Ngunit laban sa mithing ito ng pagbubuti ang kailangang pagtatanggol sa sarili at mga kasama, na sadyang sumusuway sa
karahasan ng mga tao, nagpa- pakita sa kanila ng pagdurusa at dalamhati na nagiging bunga nito, at nagpa- pagunita sa
kanila na may mga sinungaling at taksil na gumagamit ng dunong at yaman upang magsamantala sa mga dukha at walang
muwang, mapagbuti lamang ang mga sarili nila, kahit na ikalunos sa halip na ikabuti ng mga tao.
Malulunasan itong paghahamok sa mahinahong pag-iisip, na pipili sa dahan- dahang pag-iiba na mabagal man ay
makakaiwas naman sa dusang ibubunga ng karahasan, at gaya lamang ng unti-unting paglaki ng tao. Karaniwang pasiya
ng mga mamamayan na maghintay nang matagalang pagbubuti dahil, una, tugma ito sa kanilang mga hangarin, at
pangalawa, ang mga ligalig na nagmumungkahi ng aklasan upang maging sikat sila ay laging nagkukubli at lumilitaw
lamang kapag galit na ang mga tao.
Pagsupil sa mahinahong pagbabago
Ngunit ang paghihintay ng mahinahong pag-iiba ay hindi maaaring ganapin kung sinusupil ng pamahalaan, tulad ng
pagkalanta ng mga tanim sa mabato at tigang na lupa. Kapag kinusa ng pamahalaan na panatiliing aba ang mga tao, sa
anumang dahilan, hindi maiiwasan ang himagsikan. Ang mga nilalang na lumalaki ay kailangang may layang makarating
sa abot ng kanilang mga kakayahan; kung hindi, sila ay tutubong may kapansanan, mga pilantod at paralitico pa,
kalagayang katumbas ng kamatayan na rin. Labag ito sa atas ng kalikasan, na piliin ng mga tao ang sariling pagyao, kaya
sisikapin nilang itumba ang anumang pamahalaan na humadlang sa kanilang pagbuti. At kung ang pamahalaan ay palakad
ng mga tao rin, at hindi ng langit, ito ay tiyak na mabubuwag.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 5 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Ang dayuhan, kung makapangyarihan, ay maaaring sakupin nang sapilitan ang mga tao, labag man sa hangarin ng mga
tao, ngunit ang dayuhang pamahalaan ay daranas ng palagiang aklasan hanggang masalanta nang husto ang sigla at pag-
iisip ng mga tao sa mahaba at walang patid na pakikipaghamok. Kung ang hanap ng sumasakop na dayuhan ay kalakal
lamang at hindi ang pagdanak ng labis nilang mga mamamayan, sila na rin ang tutuligsa sa kanilang layunin sapagkat sa
pakikibaka sa mga tao, pinupuksa nila ang mga bibili mismo ng kanilang kalakal.
Malalansag ang lipunan ng dayuhan
Kung ang lipunan ng mga dayuhan ay likas na mapagpalaya at mapagbiyaya, ang pagmamalupit at patuloy na pagpuksa sa
mga sakop na tao ay magbubunga ng pagsalungat sa mga dayuhan mismo at ang pagkalansag na rin ng kanilang lipunan.
Sa ganitong pangyayari, ang mga sakop na tao ay maaaring magwagi, bagay na maniwari ay hindi maaasahan sa simula
ng paghahamok.
Ang mahinahong pag-iisip na nagpapayo sa mga taong maghintay ay nagpapayo rin sa mga sumasakop na magmuni-
muni. Walang silbi na asahang pagbutihin ng mga sumasakop ang kalagayan ng mga tao kung ito ay salungat sa ikabubuti
ng mga sumasakop sapagkat ang mga hayag ng mga sumasakop ng pagkalinga sa mga tao ay takip lamang sa tunay nilang
hangad. Ngunit walang katuturan na kalabanin ang mga batas ng kalikasan kaya magiging matalino ang mga sumasakop
kung makikipagkasundo, sa halip ng makipagdigmaan, sa mga tao. Yabang ang laging dumadaig sa damdamin ng mga
sumasakop, at nagsusulsol na tanggihan nilang ang lahat ng hiling ng mga tao, na kahinaan ng loob ang makinig sa
pagsamo ng mga sinakop. Kailangang isaisip lagi na sariling dangal man ang pinagmulan ng magiting na pagsisikap at
pagganap ng matayog na gawain, ito naman ay laging taksil na tagapagpayo sa pagmumuni kung ang hinaharap na
panukala ay mainam ganapin o hindi.
Makikita sa pagsuri sa kasaysayan ng himagsikan ng Pilipinas kung may katuturan o wala ang mga pahayag kong ito.
KABANATA II: Bago Binuksan Ang Suez Canal
BAGO-BAGO lamang ang himagsikan ng Pilipinas, at masasabing nagsimula ito sa pagbukas ng Suez Canal nuong 1869.
Ang mga aklasang naganap bago nito ay saklob lamang sa maliliit na bahagi ng Pilipinas, udyok ng kawalang-hiyaan sa
ibat ibang pook o ng paglapastangan sa pailan-ilang tao. Wala nuong aklasang nagmula sa malawak na pagnanasa ng pagbabago, kaya masasabi na ang mga aklasan nuon ay munting away-away lamang.
Pati na ang aklasan ng mga sandatahan sa Cavite nuon 1872 ay ganitong uri ng labanan. Sina Padre Jose Burgos, Padre
Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora, ang mga pinalabas na may pakana ng pag-aaklas at binitay nuong Febrero 1897
sa paratang na ito, ay humihingi lamang ng kabayaran o kapalit ng mga paroco na inagaw ng mga frayleng Espaol mula
sa mga Pilipinong pari. Ang adhika nila ay pang-kanila lamang, na kilalanin ang karapatan ng mga Pilipinong pari na
magpalakad sa mga simbahan dito sa kapuluan.
Kanya-kanya ang mga adhika nuon, maging nuong simulat simula pa, sapagkat nang sakupin ng mga Espaol ang kapuluan nuong kalagitnaan ng ika-16 sandaang taon, nagsisimula pa lamang ang pagbuo ng mga lipunang Pilipino.
Bawat pangkat ay may sariling wika at mga gawi, at sariling mga pinuno na hindi nanagot sa iba pang mga pinuno. Sa
malalaking purok, kahit na iisa ang wika at magkakahawig ang gawi, hati-hati at hiwa-hiwalay ang pumumuno at ang
lipunang sinasaklaw, gaya sa Manila, ang mataong kabayanan, ay may 2 pamunuan, tinawag na mga rajah, isa sa hilaga
ng ilog Pasig at isa sa timog.
Hindi tinangka ng mga pinuno duon na pag-isahin ang mga pamahalaan at pagsama-samahin ang kabayanan sa
pamamagitan ng kasunduan o kahit na sa dahas at paglusob, kaya hindi nagkaroon kailan man ng malawakang pagkakaisa
o pagsasamahan. Kaya naman agad silang nasakop ng mga Espaol na nakipag-kaibigan at kampihan sa mga pinunong
nakitungo sa kanila, at sa tulong ng mga ito, nilusob at ginapi ang mga pinunong laban sa kanila.
Nang pagtagal-tagal at naunsiyami ang mga kaibigan nilang mga pinuno, nang naging pagsakop at paghahari ang huwad
na pakikipag-kaibigan ng mga Espaol, isa-isang inalis sa kapangyarihan ang mga pinuno o sila ay lubusang binura na, sa
anumang dahilan na naisipan ng mga Espaol.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 6 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Kunyari pagpalawak ng catholico
Pinahina o pinatay pati na ang sinumang may sapat na kapangyarihan o mga kakampi upang lumaban o mag-aklas.
Ipinagbawal din ng mga Espaol ang dating gawi ng mga katutubo ng paggamit ng mga sandata, at naiwang walang lakas
o pananggalang ang mga tao laban sa mga Muslim mula Mindanao na ilang ulit lumusob at dumukot ng mga maa-alipin
sa Luzon at Visaya. Ni hindi sila naipagtanggol ng mga Espaol, nuong bago nagkaroon ng mga barkong de-makina ang
mga ito.
Kunway pagpapalawak ng simbahang catholico ang tuntunin ng pagsakop ng mga Espaol, iligtas ang mga tao mula sa mga pakana ng mga talipandas at ni Satanas upang magkaroon sila, ang mga tao, ng pagkakataong mamuhay nang
matiwasay sa kabihasnan, at nang walang hanggan sa kabilang buhay. Napaka-inam na tuntunin, wala ng kapantay pa.
Ngunit ang mga sumakop, ang mga conquistador, ay nagtaya ng kanilang buhay sa ligalig ng malawak na dagat at sa
pakikibaka laban sa mga mababangis na tao, sa pagtahak sa mga hindi kilalang lupa at pagdurusa sa init at lamig ng hindi
nakasanayang panahon.
Ang mapagbuti ang kapakanan ng mga hindi kilalang tao ay hindi sapat na dahilan upang makipag-sapalaran ang
sinumang nilalang. May iba at higit na madaliang layunin ang mga conquistador, - ang magpayaman. Ang ginto sa
America, at ang pagka-ganid ang nagsulsol sa mga sumakop na maglagalag. Ano ba, at ang pagsakop sa mga bagong lupa
ay humantong sa mga malalawak na pag-aari, limpak- limpak na kayamanan. Tinuruan nila, pinilit pa, ang mga katutubo
na matuto ng kanilang gawi at pagsamba nang lubusang masakop nila ang katawan at kaluluwa ng mga tao. Mistulang
pinaamo upang mas madaling mapag-samantalahan. Maging sundalo, padre o nagkakalakal, ang mga conquistador ay
nagparit-parito dahil sa paghanap ng kayamanan, at anumang kabutihang loob nila ay balatkayo lamang upang makamit,
sa anumang paraan, ang kayamanang minimithi nila.
Matapos sakupin ang Luzon at Visaya, pinaghati-hati ng mga Espaol ang kapuluan sa mga bahagi na tinawag nilang mga
encomienda. Ang mga sumikat sa paglupig ay binigyan ng kanya-kanyang encomienda na maaaring manahin ng kanilang
mga anak, upang gamitin sa pagpapayaman. Lahat ng tao sa bawat encomienda ay ginawang alipin, at upang bumilis ang
pagyaman ng mga encomendero, kinalkal bilang buwis ang malalaking bahagi ng kanilang ani at pag-aari.
Nawalan ng pagsisikap ang tao
Walang naiwan sa mga tao matapos mabuwisan taon-taon, at nawalan sila ng ganang magsikap pa dahil kinukuha rin
namang lahat ng mga encomendero. Kaya nilimot nila ang mga galing at gawaing natutunan nila mula sa mga ninuno,
mga Intsik, Hapon at iba pang dayuhan na nakipagkalakal sa kanila nang daan-daan taon sa nakaraan, at inasikaso na
lamang ang kailangan upang mabuhay sa kasalukuyan. Mabuti na lamang, nuon, maunti pa ang mga tao at may sapat na
mga tanim at bungang kahoy sa gubat-gubat, at mga isda sa ilog at dalampasigan, upang ikabuhay ng mga alipin, ngunit
biglang-bigla, naging isang kahig isang tuka ang pamumuhay ng mga katutubo. Itong pamumuhay, saliw sa kawalang
pag-asang makaahon sa paghihirap, ang tinawag ng mga Espaol na katamaran ng mga Pilipino.
Sa kabilang dako, masugid na pinuksa ng mga frayle ang mga lumang gawi ng mga tao sa malupit na pag-uusig ng mga
hindi-binyagan, bahagi ng tinawag na Inquisition, upang mapalawak ang pagsambang catholico, at naglaho ang mga
nakagawian, ang mga awit at mga kasaysayan ng mga ninuno tungkol sa pinagmulan, paglibot at pagdanak ng mga tao sa
kapuluan, - napalitan ng mga gawi at paniniwala ng mga dayuhan. Napaka-laki ng mga pagbabago, napaka-hapdi at
napaka-gimbal, ano bat sinabayan pa ng hindi masukat na pagmamalupit at pagbihag sa mga tao hanggang, lunos na sa paghihirap, nagapi ang mga ito at yumuko sa ang mga aral ng dayuhan.
Dito makikita kung paanong naging musmos uli ang isang lipunang natuto na at patuloy pa sanang umunlad, ngunit
naantal ang paglaki at mistulang nawalan ng malay, walang pagkakilala sa sarili bilang isang lipunan, nang 300 taon.
Upang mapatagal ang kanilang pagsakop, pinanatili ng mga Espaol ang pagka-mangmang at pagka-mahina ng mga tao.
Ang kaalaman at kayamanan ay kapangyarihan kaya ang mga dukha at mga walang muwang ay mahina.
Maka-diyos ang mga tao at hindi naiwasan na nababad sila sa mga aral ng pagsamba ng mga frayle. Sadyang sinanay
silang tumingala sa langit nang makalimutan nila ang pagsikap upang mapagbunyi ang buhay nila dito sa lupa. Tinuruan
ang mga tao na magbasa ng mga dasal, isinalin sa ibat ibang wika ng kapuluan, ngunit ipinagbawal na turuan sila ng wikang Espaol. Baka maunawaan nila ang mga batas at panukala ng mga maykapangyarihan at hindi na nila kailanganin
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 7 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
ang mga frayle, baka hindi na nila sundin ang utos ng mga ito. Ipinagbawal ang pagbasa ng mga aklat, maging galing sa
ibang bayan o limbag dito sa kapuluan, na hindi sang-ayon sa panukala ng mga frayle. Ipinagbawal ang kalakal sa mga
katabing bayan. Ipinagbawal ang pagdayo ng mga Hapon. Inipit ang pagdanak ng mga Intsik.
Pilit inilihim, sinupalpal pati ang alingawngaw ng mga himagsikan sa hilagang America ng mga Amerkano laban sa mga
British, sa Europa ng mga Frances laban sa kanilang hari at mga maharlika, at sa timog America ng mga sakop duon laban
sa mga Espaol. Ayaw hayaang magising ang mga Pilipino mula sa kanilang pagkakaidlip sa kawalang muwang, kahit
binabangungot paminsan-minsan. Sa madaling salita, nagtulong ang mga Espaol, ang maykapangyarihan at mga frayle,
upang ihiwalay ang mga Pilipino nang lubusan mula sa ibang bahagi ng daigdig, nang hindi mahawa ang mga tao sa mga
alituntunin at pag-iisip mula sa labas, maliban sa mga sinang-ayunan ng mga sumasakop.
KABANATA III: Pagbitay Sa 3 Pari: Burgos, Gomez At Zamora
NAGTAGAL lamang ang ganitong pagkukubli hanggang kinakailangan pang umikot sa paanan ng Africa o ng America
ang mga taga-Europa na nais maglakbay sa Dulong Silangan, nuong bago nagkaroon ng corriente at mga barkong di-
makina, nuong mabagal at malayo pa ang pagpunta sa Pilipinas. Nang buksan ang Suez Canal, nabuksan din ang Pilipinas
sa kalakal ng buong daigdig. Kabilang ang Espaa sa mga malayang kabihasnan kaya hindi nito naipagpatuloy na
hadlangan ang pakikipag-ugnayan ng mga taga-Europa sa mga Pilipino. Isa pa, walang sapat na lakas at hukbo ang
Espaa upang labanan ang anumang bansa sa Europa na nagtangkang magkalakal sa kapuluan.
Dahil naman sa paggamit sa corriente, bumilis ang balitaan at pakitunguhan ng mga Pilipino at ng mga taga-Europa, at
nagising ang mga taga-Pilipinas sa mga makabago at kakaibang pag-iisip na nagpasukan sa kapuluan. Naging ganap ang
paggising ng mga Pilipino nuong manawagan ang mga Pilipinong pari, sa pangunguna ni Padre Burgos, sa hari ng Espaa
at sa Papa sa Roma na ibalik sa kanila ang mga paroco na inagaw sa kanila at ibinigay sa mga frayle ng pamahalaan sa
Manila.
Hiningi nilang ibigay sa mga pari, hindi sa mga frayle, ang lahat ng paroco, ayon sa inuutos ng batas ng catholico. Dahil
tiyak ang pagkatalo nila sa asunto, pinalabas ng mga frayle na ang mga nanawagan ay mga naghihimagsik na nais sakupin
ang mga paroco upang labanan ang pagsakop ng Espaa sa Pilipinas. Inangkin ng mga lipunan ng mga frayle na sila
lamang ang nagpapatibay ng pagsakop ng Espaol sa Pilipinas, at kapag inalis sila sa kapangyarihan, matatapos ang
paghahari ng Espaol sa kapuluan, gaya daw ng nangyari sa Mexico, na nakatiwalag mula sa pagsakop ng Espaa sa
pangunguna ng mga paring paroco.
Sa mga pari, huwag sa mga frayle
Habang nagtatalo ang mga frayle laban sa mga pari, nag-aklas ang mga sundalo ng sandatahang Espaol sa Cavite.
Hinayag ng mga frayle na ang mga may pakana ng aklasan ay ang mga pari na umaagaw sa mga paroco. Ang mga pinuno
ng mga nanawagang pari ay hinatulang mabitay. Ang paglitis sa kanila ay ginawa nang lihim, mabilis na tinupad ang
pagbitay, at ipinagbawal sa lahat na pag-usapan ang pangyayari. Dahil dito, walang Pilipinong naniwala na kasangkot ang
mga pari sa aklasan sa Cavite at hanggang ngayon, panalig ng mga tao na walang sala sina Burgos, Gomez at Zamora.
Totoong bibitayin na, hindi pa rin nakapaniwala si Burgos na uutasin ang buhay niya dahil sa panawagan niya para sa mga
Pilipinong pari. Subalit sila ay mga paring christiano at sila ay namatay tulad ni Christo, itinatwa sa mga kasinungalinan
ng mga frayle dahil tinangka nilang kunin ang mga paroco, ang sandigan ng kapangyarihan at paghahari ng mga frayle sa
mga tao. Kaya, kahit nagsikap sina Burgos, Gomez at Zamora para lamang sa kanilang mga kauri na mga Pilipinong pari,
itinatanghal pa rin sila ng lahat ng tao at pinagpipitagan bilang mga martir. Nasawi sila dahil sa paghangad ng katarungan,
at dahil sa kataksilan ng mga mananakop na Espaol.
Nagmulat sa mga Pilipino
Ang kaharian sa Espaa ay walang muwang, at sadya namang ayaw malaman ang mga kagagawan ng mga frayle sa
Pilipinas at pagpapahirap sa mga Pilipino. Unang una, ang mga frayle na pulos mga Espaol ang naghahari sa bawat
paroco sa kapuluan. Sila ang nagsusuplong sa sinumang nakaaway nila, ipinadadakip sa mga Guardia Civil upang
pahirapan at saktan, at ipinapatapon ng pamahalaan sa labas ng bayan. Ang mga sumuway sa utos ng mga frayle ay
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 8 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
tinatanggal sa tungkulin, - kahit na ang mga ministro sa Espaa. Pati na ang mga mapagpalaya ay sunud-sunuran sa utos
ng mga frayle.
Ipinabitay ng mga frayle sina Burgos, Gomez at Zamora, upang turuan ng leccion ang mga tao at matakot ang mga ito na kumalaban sa kanila. Ngunit kabaligtaran, ang pagpatay nang walang katarungan ay nagpaalab hindi ng takot kundi ng
pagkamuhi sa mga frayle, at ng dalamhati at pakikiramay sa mga pinaslang. Mistulang himala, ang pagbitay ang siyang
nagmulat sa mga Pilipino sa kalagayan nila, kung anong uri ng buhay ang dinaranas nila. Mahapdi ang paggising na ito, at
lalong naging mahirap ang mamuhay pagkatapos.
Subalit kailangang magsikap ang mga tao na mabuhay.
Paano? Hindi nila alam, at ang hangarin nilang malaman, ang matuto, ay lumaganap sa kapuluan at sumakop sa
damdamin ng mga kabataan. Ang tabing ng kawalang muwang, hinimay at ginamit na pantakip nang daan-daang taon, ay
nalaslas na, sa wakas, at hindi na nagtagal ang pagsinag ng liwanag. Ang bukang-liwayway ng panibagong araw ay
malapit na.
KABANATA IV: Palakad Ng Espaol Bago Naghimagsikan
DATI-RATI, may mga paaralan sa Manila na nagturo ng kaunting Latin at Espaol, mga tanging kailangan upang
makapasok sa Universidad ng Santo Tomas, palakad ng mga frayleng Dominican, at mag-aral ng pag-aabogado, ng
pagpa-pari at ng filosofia. Ang Pilipinong naging mga pari at mga abogado nuong panahon ni Padre Jose Burgos ay
natutong maigi ng Latin ngunit bahagya lamang nakaunawa ng Espaol, maliban sa mga anak ng mga Espaol, dahil
pulos religion ang itinuturo sa kanila.
Kaunti lamang ang mga Pilipino na may sapat na yaman upang makapag- aral sa Manila. Karamihan ay nag-pari sapagkat
mababa ang tingin ng mga frayle sa mga abogado, samantalang ikinarangal ng mga tao ang sinumang Pilipinong naging
pari. Pagtagal-tagal, binago ng mga frayle ang tuntunin ng aralan sa Manila upang masaway ang pagdayo ng mga Pilipino
sa Espaa o iba pang bayan sa Europa upang mag-aral ng mga hindi itinuturo sa Manila. Napupulot kasi ang mga
makabago at mapagpalayang pag-iisip sa labas ng bayan, lalo na ang mga panukalang labag sa palakad ng simbahan.
Nagbukas ang mga frayle sa Manila ng mga paaralan ng medicina at ng pharmaceutica, pangga-gamot at pagbu-botica,
upang mapili nila ang mga aklat at mga guro na sang-ayon sa mga tuntunin ng Espaol, upang manatiling masunurin sa
simbahan ang mga Pilipino, at upang matigil ang pagpasok sa Manila ng mga makapag-palayang panukala.
Subalit lubusang uhaw sa kaalaman ang mga anak mayaman sa Pilipinas at patuloy ang pagdanak nila sa Europa upang
mag-aral at matuto. Sa mga lumikas upang matutuhan kung paano mapagbubuti ang kalagayan ng mga tao, dapat itanghal
sina Jose Rizal, mag-aral ng panggagamot, at Marcelo H. del Pilar, abogado sa Bulacan na inusig ng frayle sa kabayanan
niya.
Kung politica ang pag-uusapan, karumal-dumal ang kalagayan ng Pilipinas nuon. Dahil pag-aari lamang, at hindi kasapi
sa kaharian ng Espaa, walang mga karapatan ang mga Pilipino bilang mamamayan. Kaya maaaring gawin ng hari, at ng
kanyang mga ministro, ang anumang nais nila. Dahil walang mga batas, kahit sinong hukom ay nailuluklok, o
natatanggal, sa Pilipinas. Ang hari ng Espaa ay kinakatawan ng isang governador, na laging general sa hukbong Espaol,
at mistulang dictador sa kapuluan.
Pati ang mga utos ng hari ay maaari nilang ibinbin, ibahin o kalimutan nang lubusan kung sa tingin nila, mapapahina ng
mga ito ang paghahari ng Espaa sa Pilipinas. May kapangyarihan din silang ipatapon sinuman nang walang laban o
paglitis, ang ipagbawal ang pagbasa ng anumang aklat o pahayagan, ang pasukin nang walang pahintulot at saliksikin ang
anumang tahanan, ang supilin ang anumang pagpupulong ng mga tao, at ang pagsamba maliban sa catholico. Sa madaling
salita, supil ang anumang karapatan ng mga mamamayan, mga kalayaan na likas na sa mga katutubo mula nuong unang
panahon pa. Samakatuwid, ang kapuluan ay sadlak sa paghahamok, kahit na lawak ang katahimikan sa lahat ng dako nang
mahigit 300 taon.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 9 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Ang governador ay pinuno rin ng hukbo sa Pilipinas. Bilang kinatawan ng hari, siya rin ang nagpapasiya kung sinu-sino
ang nagpapalakad sa mga paroco, at kung sino ang magiging mga kawani ng simbahan. Katulong niya sa pamamalakad
ang pang-2 pinuno ng hukbo, ang ingat-yaman ng Pilipinas at ang director civil na nangangasiwa sa pulis, paaralang
bayan, pagkakalakal at mga gawaing bayan. Tinutulungan ang governador ng isang kalihim tagapagpaganap na
tumutupad sa mga tungkuling hindi sakop ng pang-2 pinuno ng hukbo, ng ingat-yaman at ng director civil.
May consejo ng pangangasiwa na nagpapayo sa governador sa mga mahalagang paksa, at natatawag ng governador upang
tumulong ang isa pang pulong, ang consejo ng kapuluan, na kinabibilangan ng mga pinunong nabanggit na, at ng pinuno
ng hukbong dagat sa Pilipinas, ng arsobispo ng Manila at ng pangulo ng hukuman sa Manila.
Walang Pilipino sa pamahalaan
Lahat ng pangunahing kawanihan at pamahalaan ng mga lalawigan ay pinamumunuan ng mga Espaol na ipinanganak sa
Espaa, hindi ng mga Espaol na isinilang sa Pilipinas. Ang mga pinunong ito ay walang alam tungkol sa kapuluan at
pinababalik agad sa Madrid tuwing may bakanteng katungkulan sa Espaa. Iilang Pilipino lamang ang napiling
manungkulan sa hukbo, sa mga kagawaran ng pamahalaan, o bilang mga hukom at abogado sa litisang bayan. May ilang
mayayamang Pilipino na kasapi sa consejo ng pangangasiwa subalit tagapagpayo lamang at walang bayad.
Lahat ng naging kawani sa pamahalaan ay nagsamantalang nagpayaman upang hindi maging dukha kapag natanggal sa
tungkulin. Sila-sila ay nagtatakipan upang hindi matutop at mabulgar ang kanilang mga kagagawan, na nagiging
kahihiyan nilang lahat. Kaya sinumang Pilipino na nagsumbong ng pagnanakaw at kalabisan ng mga frayle at mga kawani
ng pamahalaan ay pinaratangan at pinarusahan bilang subersibo, kalaban ng bayan.
Walang kinatawan ng kapuluan sa Cortez, ang batasan ng Espaa, kahit na sa pamahalaang municipal maliban sa lungsod
ng Manila. Ang mga alcalde ng kabayanan ay mga tagapag-kalkal lamang ng buwis at tagasunod sa utos ng mga pinuno
ng lalawigan. Sila ang nagpapa-ayos ng mga lansangan, gamit ang sapilitan at walang bayad na paglilingkod ng mga
taong bayan. Hindi sila binibigyan ng salapi o kapangyarihang magpaganap ng iba pang gawain, kaya ang mga alcalde ay
hindi pinuno ng kanilang mga kabayanan kundi utusan lamang ng mga frayle at ng Guardia Civil sa kanilang purok.
KABANATA V: Mga Panawagan Ng La Solidaridad
TIGATIG, hindi nakalingos ang mga Pilipino na tumatangkilik sa kinabukasan ng bayan. Naaninaw nila na sa bumibilis at
lumalawak na ugnayan ng ibat ibang bayan, hindi magtatagal at magigising sa puso ng mga Pilipino ang paghangad sa mga kalayaang tinatamasa ng mga tao sa ibang bayan, at kapag naunsiyami ang mga kalayaang ito sa kawalan o pagpigil
sa pagbuti ng kalagayan ng mga tao, lahat ay madadala ng agos sa aklasan at pakikibaka, gaya ng nangyari sa Europa at
America.
Walang alingawngaw na nakarating sa Espaa tungkol sa mga abuso na ginaganap sa Lopez Jaena Pilipinas, pati na ang
mga angal at panawagan ng mga Pilipino, dahil wala silang mga kinatawan sa Cortes na nagsalita sana para sa kanila, at
dahil ang mga frayle at mga namamahalang Espaol sa Manila ay masigasig na itinatago at pinagtatakpan ang mga
kalabisang nagaganap, upang patuloy na maniwala ang mga taga-Espaa na matiwasay na namumuhay ang mga nasa
Pilipinas, at magkakagulo duon kung sakaling baguhin ng Espaa ang palakad sa kapuluan.
Sa kabilang dako, anumang pagpupulong at pagsusumamo ng mga Pilipino sa Pilipinas ay iniipit at marahas na
pinarurusahan kaya walang lumalabas na balita o bulong man lamang tungkol sa mga tunay na kalagayan at pagnanasa ng
mga Pilipino. Upang mabulgar ang lahat ng ito, nagpasiya ang ilang mga taga-Manila na maglathala ng isang pahayagan
sa Espaa, kung saan hindi makakahadlangan ng mga frayle. Nag-ipon sila ng pangtustos sa isang babasahing ililimbag
tuwing ika-2 linggo, at itinatag ng mga Pilipino sa Espaa ang pahayagang La Solidaridad (Solidarity, Ang Pagkaka-isa)
Ang unang patnugot ay si Don Graciano Lopez Jaena; hindi nagtagal, ang naging patnugot ay si Marcelo H. del Pilar.
Isiniwalat sa pahayagan ang tunay na paghihirap ng Solidaridad mga Pilipino at ang hangarin nilang mapagbuti ang
kanilang kalagayan sa pamamagitan ng mga pagbabago na hinihiling nilang iutos ng pamahalaan sa Madrid, mga
pagbabago na unti-unting magpapatamasa sa kanila ng mga biyaya ng kabihasnan. Ibinulgar din ng La Solidaridad ang
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 10 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
pagsupil sa mga hangaring ito sa pamamagitan ng pagpapahirap at pananakit, pagpapatapon at pagpipiit, mga kalabisan na
lalong nagpapaalab ng damdamin ng mga Pilipino na makaligtas mula sa mapaglupig na pamamalakad.
Unang pahayagan ng Pilipino
Binigyang tinig ng ilan-ilang Pilipino sa Espaa ang panaghoy ng mga tao sa Pilipinas, mga panaghoy na pinarusahan ng
mga Espaol sa buong kapuluan. Subalit ang pagpipiit at pagpapahirap ay hindi nagpatahan, bagkus nagpapalakas pa, sa
mga panaghoy na lalong lumawak. Hiningi ng mga ulat sa pahayagan na baguhin agad-agad ang pamamahala sa Manila
upang masansala ang pag-aklas ng mga Pilipino sakaling maniwala sila na walang lunas silang makakamit sa iba pang
paraan, kundi sa pagiging malaya at paghiwalay nang lubusan mula sa Espaa.
Ang pagmamahal lamang ng mga Pilipino sa Espaa, hayag ng La Solidaridad, ang tanging batayan ng patuloy na
paghahari ng Espaol sa kapuluan, pagmamahal na hindi nagmaliw sa mga gipit at mapanganib na panahon. Sinundan ang
mga pahayag na ito ng pagsumamo na baguhin ang pamamahala upang mapa-hinahon ang mga tao. Hiningi ng La
Solidaridad ang mga pagbubuti na:
1. Gawing civilian sa halip ng militar ang pamahalaan sa Pilipinas 2. Itakda ng mga batas at saklawin ang lawak ng kapangyarihan ng governador-general 3. Ibigay rin sa Pilipino ang mga karapatan at mga kalayaang tinatamasa ng mga Espaol sa Pilipinas 4. Paalisin ang mga frayle, o isalin ang kanilang mga paroco sa mga pari. 5. Maliban sa governador at pinaka-mataas na pamunuan sa Pilipinas, kalahati ng mga tungkulin sa pamahalaan ng
kapuluan ay ilaan sa mga Pilipino, at kalahati lamang, sa halip ng lahat, ang ilaan sa mga Espaol na galing sa
Espaa
6. Gawing takda ang tagal ng panunungkulan sa pamahalaan, sa halip nang palit-palitan kahit kailan maisipan ng mga ministro sa Espaa.
7. Bawasan ang kapangyarihan ng Guardia Civil at supilin ang kanilang pagmamalupit
May iba pang hiling ang La Solidaridad na agad sinagot ng mga frayle sa Pilipinas. Naglimbag din sila ng pahayagan
upang kalabanin ang mga Pilipino, idiniin na walang kayang gawin ang mga tao dahil sa kanilang kamangmangan at
katamaran. Hinayag nilang sanay lamang ang mga tao na gumawa habang hinahagupit ng palo, at magiging layaw ang
mga ito kapag nabigyan na pagbubuti. Masisira lamang daw ang katauhan ng mga Pilipino dahil likas silang mga
primitivo. Kapag ibinigay ang mga hiniling na pagbabago, sabi ng mga frayle, hihingi lamang nang hihingi ang mga
Pilipino, at lalong magiging hayok at hindi masisiyahan kahit kailan. Pinagtibay ng mga frayle na masayang namumuhay
ang karamihan ng mga tao at walang pumapansin sa La Solidaridad na pakana lamang ng ilang subersivos.
Sumagot ang La Solidaridad, mangmang ang mga tao sapagkat hinadlangan silang matuto ng mga frayle na siyang
nangangasiwa ng mga paaralang bayan sa Pilipinas. Sa kabila nito, at salungat sa mga pahayag ng pamahalaan, malaking
bahagi ng mga mamamayan ang marunong bumasa at sumulat, nag-aral nang lihim upang hindi maparusahan ng mga
frayle. Walang ginagawa ang mga tao, sabi sa La Solidaridad, hindi dahil sa tamad kundi dahil walang sasakyang
nagagamit upang maglibot at magkalakal. Ang mga pagbabagong hinihingi sa Espaa mismo ang titikwas sa pagkahilata
ng mga tao at babalikwas sa kanila sa pag-unlad.
Hinayag sa pahayagan ng mga frayle na ang mga kalayaan sa Espaa ay nakamit sa pamamagitan ng dugo, hindi ng tinta.
Walang kibo ang pamahalaan sa Madrid ngunit lantad ang pasiya nilang kampihan ang mga frayle, at pabayaan ang mga
tao sa pamamahala ng mga nasa Manila kahit na paminsan-minsan, may mga mapag-palayang pinuno na natanyag sa
Espaa sa mga pangako ng pagbubuti sa mga sakop. Ngunit ang mga ito, kapag naluklok na sa pamahalaan, ay masugid
na nililimot ang mga pangako nila ng pagbubuti.
KABANATA VI: Ang 2 Nobela Ni Rizal
ANG MGA pahayag na inilathala tuwing ika-2 linggo ay hindi sapat upang matawag ang pansin ng pamahalaan ng
Espaa. Magaling na patnugot si Marcelo del Pilar, at mainam ang mga pahayag na ipinapasok ng mga katulong na
manunulat, kaya tumiwalag si Rizal upang kumatha ng Jose Rizal higit na mapapansin at mabisang hayag sa kanyang mga
panawagan. Kinakailangang isalarawan nang mas makulay ang dalamhati ng mga Pilipino upang tunay na makita ang
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 11 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
mga kalabisan, at ang paghihirap na nagmumula sa mga kalupitang ito. Sa isang aklat lamang magaganap ito kaya
nagpasiya si Rizal na sumulat ng nobela.
Ang pambungad ng Noli Me Tangere (Huwag Akong Salingin) ay naghayag ng hangarin ng sumulat, walang iba kundi ang pagbunyag sa tanaw ng lahat ng mga paghihirap ng mga Pilipino, tulad ng pagbibilad ng mga maysakit nuong unang
panahon, upang makapagpayo at makatulong sa pagpapagaling ang mga nagdaraan na nais dumamay. Ang pangunahing
tauhan sa nobela ay si Ibarra, kaisa-isang anak at tagapagmana ng isang mayamang familia ng mga mestizo, halong dugo
ng Intsik at Espaol. Pinag-aral siya ng mga magulang mula pagkabata sa Ateneo sa Manila, ang paaralang palakad ng
mga frayleng Jesuit; pagkatapos, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Europa, sa kahilingan ng kanyang ama.
Lumaki si Ibarra na hiwalay sa mga kapwa Pilipino, walang karanasan sa Pilipinas, at bahagya lamang niyang alam ang
sariling bayan nang bumalik mula sa Europa. Kaya hindi siya napaniwala ni Elias, nang lumapit ito sa kanya upang
humingi ng tulong para sa mga naaapi at pinagmamalupitan. Sa halip, sinabi ni Ibarra, ang palakad sa Pilipinas ay ang
pinakamainam at angkop sa kasalukuyang katayuan ng lipunang Pilipino. Hindi pa oras upang palitan ang pamahalaan ng
bayan, ang sagot ni Ibarra kay Elias.
Dahil sa pag-ibig ni Maria Clara
Mahal ni Ibarra ang kanyang bayan, at hindi siya bulag at bingi sa nadatnang paghihirap ng mga tao, ngunit tapat siyang
naniniwala sa sinabi niya kay Elias dahil siya ay maligaya, at umiibig sa isang dalagang kababata niya, anak ng frayle sa
paroco ng kanyang nayon, at iniibig din siya ng dalaga, si Maria Clara. Sa isang tula na karaniwan sa mga umiibig,
ipinangako ni Ibarra sa kasintahan - ang katauhan ng minamahal niyang bayan - na tutustusan niya ang pagpagawa ng
mga kailangan sa kabayanan, gaya ng isang paaralang bayan.
Ngunit ang frayle ng paroco ay salungat sa ibigan, at damdamin niyang tungkulin na pigilan ang kanyang anak na babae
na magpakasal kay Ibarra sapagkat hinahamak ang mga Pilipino at higit na mainam mag-asawa si Maria Clara ng isang
Espaol nang mamuhay siya nang tahimik sa piling ng kanyang mga magiging anak. Isa pa, isang pangahas si Ibarra na ni
hindi humahalik sa kamay ng frayle at ang turing sa frayle, kahit na magalang, ay hindi ang paluhod na pagsumamo na
karaniwang inaasahan mula sa mga katutubo. Siklab ang luob niya nang ibalita sa kanya ng alcalde ng kabayanan na balak
ni Ibarra na magpatayo ng isang paaralan, at sinumpa niyang maghihiganti siya sa ang sinumang tumulong kay Ibarra.
Napilitang lumapit si Ibarra sa alcalde-mayor (governador ng lalawigan), sa director ng pamamahalang civil, pati sa
governador general ng Pilipinas mismo. Tinulungan naman siya ng mga ito, ngunit sa pagdiriwang nuong simula ng
pagtatayo ng paaralan, naganap ang isang sakuna, at si Elias lamang ang nakapagligtas kay Ibarra sa kamatayan.
Lalong pumait ang kalagayan ni Ibarra nang isa pang frayle ang napaibig kay Maria Clara, at 2 frayle ang naging kalaban
niya. Nangyari naman na biglang nagkaroon ng aklasan upang patayin ang frayle na, hindi inaasahan, ay wala sa kanyang
convento. Hindi rin inaasahan, nanduon ang mga Guardia Civil na dumakip sa ilang kasapi sa aklasan. Pinilit ang mga
bihag na ituro si Ibarra bilang pinuno ng pag-aklas. Ang mga tumanggi ay pinahirapan at pinatay. Ang iba ay hindi
nakatiis sa pahirap at pumayag na paratangan si Ibarra.
Nabalaan naman ni Elias at nakatakas si Ibarra sa Manila at duon nagpadakip sa mga maykapangyarihan. Ikinulong siya
sa Fuerza Santiago at minsan pa uli, sinagip siya ni Elias. Pagkatakas sa fuerza, hinayag niya kay Ibarra na ibinaon niya sa
isang lihim na pook ang salapi at kayamanan ni Ibarra. Maaari niyang gamitin iyon upang mamuhay sa labas ng Pilipinas
at magsikap mapagbuti ang kalagayan ng mga Pilipino mula duon. Dahil sa mayaman si Ibarra at nakapag-aaral, higit na
mahalaga at mabisa si Ibarra, kaya nang malapit na silang masukol ng humahabol na Guardia Civil, nilansi sila at iniligaw
ni Elias. Napatay siya ng mga sundalo.
Maraming tunay na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino ang lakip sa aklat.
El Filibusterismo
Nagpatuloy ang kasaysayan ni Ibarra sa pang-2 aklat, El Filibusterismo (Ang Subersivo). Nakalabas si Ibarra ng Pilipinas at yumaman sa kalakal, nanirahan sa Cuba bilang mag-aalahas at nakaibigan ang governador duon sa
pamamagitan ng mga mamahaling handog. Nagpa-utang pa siya ng salapi upang mabigyan ng pahintulot na lumipat sa
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 12 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Pilipinas, gamit ang ibang pangalan at balatkayo. Tinupad niya, pagkabalik sa kapuluan, ang sumpa niyang maghiganti.
Inudyukan niya ang lupit at pagpamamalabis ng mga may-kapangyarihan sa mga tao upang mapilitan ang mga itong mag-
aklas sa puot at takot mamatay sa pagpapahirap.
Abot langit ang panaghoy ng mga tao dahil sa dalamhati, subalit hindi sila naghimagsik. Ang tiyaga nila ay higit kaysa
kay Ibarra na hindi na nakapaghintay pa. Naghanda siya ng isang pagdiriwang na dadaluhan ng mga pinuno ng
pamahalaan at ng mga pangunahing familia sa Manila, at naglagay siya sa ilalim ng bahay ng dinamita na pasasabugin
niya sa kalagitnaan ng kasayahan. Sa gulong inaasahan niyang maghahari pagkasabog ng bomba, balak ni Ibarra na
lusubin ang Intramuros, kasama ang mga kasapakat na mga tulisan, upang agawin si Maria Clara sa convento ng mga
mongha ni Santa Clara, at tatakas silang dalawa.
Ngunit may isang Pilipino na pinagsabihan ni Ibarra ng kanyang mga balak. Magimbal ito at hinadlangan siya hanggang
sa tuluyang natuklasan ang mga pakana ni Ibarra. Sugatan, agaw-buhay at hinahabol ng Guardia Civil, nagkubli si Ibarra
sa bahay ni Padre Florentino na nagmulat sa kanya ng kanyang mga kamalian. Hindi nagtagal, namatay siya nang
nagsisisi na hindi niya nagamit ang kanyang panahon sa mabuting gawain. Ang baul ng mga alahas at kayamanan na
ibinigay ni Ibarra ay itinapon ni Padre Florentino sa dagat upang hindi na magamit uli sa masamang tangka.
Kaunti lamang ang bumasa
Sa 2 nobela, tinangka ni Rizal na ihayag ang 2 payo hindi lamang sa mga Espaol kundi pati na sa mga Pilipino. Sa una,
ipinaalam niya sa pamahalaan na kapag hindi sinupil ang pagmamalabis ng mga frayle, mapipilitan ang mga nagdurusang
tao na maghimagsik at maghangad ng kalayaan upang maputol ang kanilang paghihirap. Sa mga Pilipino, ang payo ni
Rizal ay lalo lamang lalala ang pagdurusa ng bayan kung makikibaka sila para lamang sa sariling mga hangarin. Sa
katauhan ni Elias, inihayag niya na tunay na pagka-makabayan at pagpa-pasakit lamang ang makakatulong sa bayan.
Naunawaan ba ng mga Espaol kung paano magagamit ang payo ni Rizal? Dininig ba ng mga Pilipino ang payo sa
kanila?
Kung susubaybayan ng bumabasa itong kasaysayang isinusulat ko, na tatangkain kong walang kampihan upang maging
higit na malinaw, maaaring masagot ang mga tanong na ito pagdating sa dulo. Sa kasalukuyan, sasabihin ko na lamang na
iilang mga Espaol lamang ang bumasa sa mga sulat ni Rizal dahil sa siya ay isang filibustero, at hindi maraming Pilipino ang nakabasa dahil ipinagbawal sa kapuluan ang mga aklat ni Rizal. Sang-ayon na nga sa isang kasabihan, ang
magkasala ay siyang parusa na rin.
KABANATA VII: Ang Liga Filipina At Ang Katipunan
HINDI naipagkaila, naging masidhi at lawak na sa Pilipinas ang hangad ng pagbubuti. Ito lamang ang tunay na paliwanag
sa nagsimulang alinlangan at pagkamuhi sa mga frayle ng mga tao, mula sa pinaka-educado hanggang sa pinaka-
mangmang na Pilipino, dahil sa hinala nilang laban ang mga ito sa anumang pagbabago na kailangan ng bayan. Nuong
unang panahon, ipinagtanggol ng mga frayle ang mga tao laban sa kasakiman at lupit ng mga encomendero dahil wala
pang mga pag-aari nuon ang mga frayle, at bahagya lamang natatag sa kapuluan ang simbahang catholico.
Kailangan nila nuon ang tulong at kalinga ng mga katutubo, pagtitiwala at katapatan na sinamantala ng mga frayle
hanggang sa sila ay yumaman, nagka-kapangyarihan at naging palalo. Bakit nawa nalimot nila ang tamis at hinahong
sumaliw sa mga himalang napaganap nila? Ang dahilan ay sinumang mapagkunyari ay inaagnas ang sarili, at ang mga
sakmal ng agnas ay hindi nakikinig sa tuwiran, kundi sunud-sunuran sa takot at dahas.
Malinaw na ipinahayag ng mga Pilipino ang hangad nilang mapagbuti ang kalagayan nila sa giliw at parangal na ibinuhos
ng lahat kina Rizal, Marcelo del Pilar at iba pang makabayan na sumaliw sa kanilang mga panawagan sa ikabubuti ng mga
tao. Nabunyag ding tunay ang mga adhika ng La Solidaridad nang tustusan ito ng mga Pilipino sa kapuluan, sa harap ng
sindak at panganib sa kanilang buhay.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 13 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Nuong simula pa, nang unang ilathala ang pahayagan, maraming taga-Manila ang nagtaguri sa mga sarili na maka-
panawagan, nagpuslit sa lungsod at ipinamudmod ang La Solidaridad, at nag-ipon ng mga bayad at ambag mula sa mga
kapwa makabayan sa Manila at mga karatig lalawigan.
Pati ang mga maykaya at mga nakapag-aral na lumuwas sa Manila mula sa malalayong lalawigan ay kumampi at
nagbigay ng tulong. Ang mga mayayaman lamang sa Manila ang tumanggi, o maliit lamang ang inambag, dahil wala
silang tiwala sa mga nagtitipon ng salapi, at takot silang matutop ng mga may-kapangyarihan.
Nang natanto ni Rizal na ang mga munti at sali-salibat na panawagang nagawa na ay walang kinahinatnan, nagpasiya
siyang magbuo ng isang lipunan. Tinawag niyang Liga Filipina, itinatag ilang araw lamang bago siya ipinatapon ng mga
may-kapangyarihan sa liblib ng Dapitan, sa Mindanao. Ang nabuong batas ng lipunan ay ang ukol lamang sa pagtatag, sa
pamamagitan ng halalan ng mga kasapi sa Liga, ng consejos o mga pulong ng mga kinatawan sa bawat kabayanan, sa
bawat lalawigan, at isang pang-unang pulong na sasaklaw sa buong kapuluan. Hindi banggit sa batas ng lipunan ang mga
hangarin ng Liga. Kung pinag-usapan at tinukoy ang mga hangarin sa unang pagkikita ng mga kasapi sa Liga,
pinamunuan ni Rizal mismo, hindi ko nabatid sapagkat hindi ako naanyayahan. Hindi ako kailan man naging malapit sa
dakilang manggagamot.
Masasabi ko lamang na naglaho ang Liga ilang araw pagkaraan ng unang pagkikita dahil sa pagdukot kay Rizal. Nang
muling itatag ang Liga sa pasimuno ni Don Domingo Franco, Andres Bonifacio at iba pa, ibinigay nila sa akin ang
tungkulin ng pagiging kalihim ng pang-unang pulong. Tinunton namin nuon ang mga hangarin ng lipunan:
1. Tustusan ang La Solidaridad nang maipagpatuloy nito ang mga panawagan sa pagbubuti 2. Mag-ipon ng sapat na salapi upang makatagpo at maghikayat ng mga abogado at mga kinatawan ng Cortes, ang
batasan sa Espaa, na handang tumulong sa pagbabago sa Pilipinas
3. Pag-ibayuhin ang pagsigasig sa lahat ng paraang ayon sa batas, mistulang maging isang partido ng politica ang Liga sa halip ng isang lipunan lamang
Ngunit madaling nasawi uli ang Liga, naglaho pagkaraan ng ilang buwan, bagaman at mainam ang pasimula nito. Ang
karamihan ng mga kasapi ay tanghal sa lipunan, kilala sa dunong at pagiging makabayan. Sa pagsisikap ni Andres
Bonifacio at ng mga kasama Andres Bonifacio niya, nakapagbuo ng mga consejo ng mga mamamayan sa Tondo at sa
Trozo. Nagsimulang magtipon ng mga consejo din sa Santa Cruz, Ermita, Malate, Sampaloc, Pandacan at ibat ibang purok sa paligid ng Manila. Humingi sa bawat kasapi ng maliit na ambag buwan-buwan upang makatulong magtustos sa
La Solidaridad, ang pangunahing adhikain ng Liga.
Nuong una, maagap na nagbigay ang mga kasapi ngunit hindi nagtagal, tumigil sila at sinabing hindi sila sang-ayong
tustusan ang pahayagan sapagkat hindi ito pinapansin ng pamahalaan sa Espaa, at hindi papansinin, paniwala nila, ang
anumang gawain na hindi labag sa batas.
Sa pagsuri sa kung ano ang nangyari, napag-alaman na hindi hiningi sa mga sumasapi ang pananalig nila sa mga adhika at
alituntunin ng Liga Filipina. Kabaligtaran, lumabas na si Andres Bonifacio, ang pinakamasugid sa mga nagtatag ng mga
consejo at nakapag-amuki ng pinakamaraming kasapi, ay naniwalang walang silbi ang anumang mapayapang adhika. Ang
pangunahing consejo ng Liga ay tagapag-amuki lamang at hindi tunay na pulong sapagkat hindi sila napili sa
pamamagitan ng halalan ng mga kasapi.
Nuon nila nabatid na kapag nagkaroon ng halalan ng mga kasapi upang piliin ang kanilang mga pinuno, mag-iiba ang
alituntunin ng Liga. Sa kauna- unahang panahon, nakita ng mga nasa pang-unang consejo na ang mga tao, sa halip na
walang muwang at sunud-sunuran lamang, gaya ng paniwala ng mga Espaol, ay siyang nangunguna sa pag-adhika ng
politica sa bayan.
Dahil balintuna ito sa hangarin ng mga pinuno ng Liga, mabilis nilang kinitil ang lipunan nang hindi umalingawngaw ang
pagtatalo ng mga kasapi, pagtatalo at ingay na maaaring mabulgar sa mga maykapangyarihan. Naghiwalay ang samahan;
ang mga sang-ayon sa mapayapang pag-aadhika ng pagbabago, at sa pagtustos sa La Solidaridad, ay nagbuo ng kanilang
pangkat na tinawag nilang Compromisarios dahil nagbayad ang bawat kasapi ng 5 piso buwan-buwan. Si Andres
Bonifacio at ang mga nag-adhika ng kalayaan, hindi pagbabago, ay tumiwalag at nagbuo ng sariling lipunan, tinawag na
Katipunan Ng Mga Anak Ng Bayan.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 14 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Mabilis na lumaki ang Katipunan dahil panghal na ang mga tao sa sigasig ng mga frayle na pigilan ang mga panawagan at
anumang tangka ng pagbabago. Kung napayagan sana ang pagpulong political ng mga Pilipino, at kung ang mga maykaya
at mga may pinag-aralan ay hinayaang naglibot, maaaring napahinahon nila ang puot ng mga tao at napigil ang paglawak
ng Katipunan, dahil ang mga sumapi duon ay sang-ayon din naman sa mga alituntunin ng Liga, kahit na matapos
magdanas ng pinaka-mahapding pagdurusa, lalo na pagkatapos ng kasunduan sa Biak-na-Bato.
KABANATA VIII: Unang Yugto Ng Himagsikan
HINDI nag-isang taon, narinig ko na lumawak na ang Katipunan sa buong lalawigan ng Manila at nagsimula nang
lumaganap sa Cavite at Bulacan. Napagkinita ko ang pagdurusang magaganap sakaling matuklasan ito ng mga Espaol
ngunit wala akong nagawa upang hadlangan sila nuong una, at lalo nang wala akong nagawa nuong ako ay maysakit na at
nanghina ang katawan. Isa pa, balisawsaw na makabayan ang tingin sa akin ng mga pinuno ng Katipunan.
Nangyari nga na nuong Agosto 1896, natuklasan ng namamahala sa limbagan ng pahayagang Diario de Manila na ilan sa
kanyang mga kawani ay kasapi sa lihim, at bawal, na samahan at madali niyang ipinadakip ang mga ito sa Guardia Civil
upang usigin. Dinaan sa pagpapahirap at pananakit, ibinulgar ng mga bihag hindi lamang ang Katipunan kundi pati ang
mga samahan ng mga mason at ang mga lipunang naglaho na, gaya ng Liga Filipina at ang Cuerpo de Compromisarios.
Nabigyan ng babala si Bonifacio at ang kanyang mga kasama, kaya hindi sila nadakip kasama ng marami, at nakatakas sa
bundok at duon, nanawagan sila na mag-aklas na ang mga tipon ng mga tao at sumama na sa kanila sa bundok upang
hindi madakip ng Guardia Civil.
Sinulsulan ng mga frayle ang mga maykapangyarihan na turuan ng leccion ang mga kumakalampag at ipinadakip lahat, hindi lamang mga katipunero kundi pati ang mga kasapi ng ibat ibang lipunan at ang mga mason. Sa paniwalang hindi kayang magbuo ng samahan ang mga mangmang na hindi marunong bumasa o sumulat, pati ang mga educado at ang mga
tanghal sa lipunang Pilipino sa bawat lalawigan ay pinagdadakip. At pinahirapan.
Karamihan sa mga katipunero ay nabalaan at nakatakas, at ang mga hindi kasapi sa Katipunan ang siyang nakulong at
pinagmalupitan. Pilit na pinaamin sa hindi nila alam, bihira ang nakatakas sa pagpapahirap na ginawa sa piitan. Marami
ang namatay, marami ang binitay matapos litisin ng hukumang militar. Marami ang binaril at pinatay nang walang
paglilitis kahit na ano. Marami ang basta namatay na lamang sa kawalang hangin sa mga kulungan ng Intramuros.
Mapalad na, kung masasabing magandang kapalaran ito, ang mga napiit lamang at ang mga naipatapon sa labas ng bayan.
Binitay si Rizal, binaril nuong Deciembre 30, 1896, sa salang pumumuno sa himagsikan, samantalang ang mga tunay na
maysala, ang mga nagbigay ng dahilang mamuhi ang mga Pilipino sa Espaol, ay pinuri at itinanghal sa kanilang pagiging
makabayan. Hindi pa sumasabog ang aklasan, sinikap na ni Rizal ang tapusin ang kanyang pagkakasadlak sa Dapitan.
Inalok niyang magsilbi bilang manggagamot sa sandatahang Espaol na nakikipagdigmaan nuon sa mga naghihimagsik sa
Cuba. Pumayag ang pamahalaan at ibinarko siya mula sa Dapitan at naghihintay siya duon ng barkong magdadala sa
kanila sa Espaa nang sumabog ang himagsikan. Gayon pa man, pinayagan ng governador general na magtuloy sa Espaa
si Rizal ngunit ipinabalik siya sa Manila ng hukumang militar upang managot sa mga sakdal sa kanya ng mga frayle.
Kahit na walang sala - wala siyang pagkakataong magpakana dahil sa pagkasadlak sa Dapitan - hinatulan siya ng bitay.
Kung hindi raw niya isinulat ang mga siwalat sa La Solidaridad, at kung hindi niya inilimbag ang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, hindi sana nagkaisip ang mga tao na mag-politica at mag-aklas laban sa Espaol.
Maling-mali ang hatol na ito, dahil mayroon nang politica ng protesta bago pa ipinanganak si Rizal at masasabing ang
politica ng protesta ang lumikha ng sagisag na nabaon sa katauhan ni Rizal. Kung wala si Rizal, ibang tao sana ang naging sagisag ngunit magkakaroon at magkakaroon ng sagisag sapagkat ito ang kailangan ng bayan. Sadyang mabagal at
mahinahon ang politica ng protesta, naging marahas lamang ito dahil pilit na pinigilan at hinadlangan. Hindi si Rizal ang
nagsimula ng paghihimagsik ngunit siya ang pinagbuntunan at pinarusahan ng kamatayan - isa siyang martir sapagkat
wala siyang kasalanan.
Kaiba kay Padre Burgos, na lumuha dahil pinatay siya nang walang sala, mahinahong hinarap ni Rizal ang kanyang
kamatayan, nakangiti pa upang ipakitang giliw niyang hinandog ang kanyang buhay sa ikabubuti ng lahat ng Pilipino,
tiwalang lagi siyang maaalaala nang may pagmamahal at utang na loob ng madla na hahanga at susunod sa kanyang
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 15 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
halimbawa. Totoong ang giting ni Rizal ay nakasalalay sa kusa niyang pagpakasakit. Batid niya na kapag isiniwalat niya
ang mga kalabisang ginaganap sa Pilipinas, hindi tutugot ang mga Espaol hanggang hindi siya napupuksa.
Ngunit pinili pa rin niyang gawin ito sapagkat sa ganitong paraan lamang malulunasan ang mga sakit na dinaranas ng
Pilipino. Mula nang maunawaan ni Rizal ang kasawian ng kanyang tinubuang bayan at nagpasiyang magsigasig upang
malunasan ito, lagi na lamang niyang naguguni-guni ang takot ng magiging pagpatay sa kanya. Sa tagal ng panahon,
natutunan niyang huwag katakutan ang kamatayan, at hindi siya nasindak nang dumatal ang oras nito, sapagkat ang buhay
niya, mula nuong araw na nagpasiya siyang magsilbi sa bayan, ay isang mahaba at patuloy na pagpanaw na tiniis niya, sa
laki ng pagmamahal niya sa mga kabayan, hanggang sa katapusan. Pabuya ng Maykapal na malaman nating mga Pilipino
kung paano siya alayan ng lapat na parangal - ang tularan ang kanyang mga kabutihan.
Ang kalupitang gaya ng pagbitay ay walang ipinagbunga kundi ang galit ng lahat, at kaysa pagdusahan nila, minatamis pa
ng mga naghimagsik na mamatay nang nakikipagbaka kahit na mga itak lamang ang sandata nila. Pinakamalawak ang
Katipunan sa Cavite dahil sa paunti-unti lamang ang mga sandatahang Espaol duon, kalat-kalat pa sa ibat ibang kabayanan ng lalawigan, maliban sa daungan at sa imbakan ng mga sandata, kapwa hindi nasukol ng mga naghimagsik.
Ang malawak na kilusan ay nahati sa 2 pangkat sa Cavite, ang pangkat ng mga Magdalo sa Kawit at pali-paligid,
pinamunuan ni Don Baldomero Aguinaldo, at ang isa pang pangkat, ang mga Magdiwang sa bandang Noveleta na
pinamunuan ni Mariano Alvarez. Mayroon silang mga kakamping mga katipunero sa San Francisco de Malabon.
Pagsigaw ng aklasan ni Andres Bonifacio, lumusob ang mga katipunero at ang mga kasama, nilupig ang mga himpilan at
cuartel ng mga Guardia Civil at mga sundalong Espaol, pinagpapatay ang mga pinunong Espaol duon. Sa Noveleta, ang
mga naghihimagsik na pinamunuan ni Artemio Ricarte ay nakakamal ng mga sandata mula sa mga Espaol. Ito ang mga
ginamit upang talunin ang mga sandatahan ni General Ramon Blanco nuong Noviembre 9, 1896.
Kataksilan sa Tejeros
Sa Kawit naman, nabawi ng mga sundalong Espaol ang imbakan ng pulbura ng Binacayan ngunit pagkaraan ng ilang
araw, nilusob muli at nagapi sila ng mga katipunero nuong Noviembre 11, 1896, sa pamumuno ni Candido Tirona, na
napatay sa labanan, at ni Emilio Aguinaldo, ang alcalde ng kabayanan ng Kawit.
Dahil sa magkahiwalay, at walang tulungang panalo ng 2 pangkat, pinaghatian nila ang lalawigan ng Cavite. Napasailalim
ng mga Magdalo ang mga kabayan ng Kawit, Imus, Bacoor, Perez Dasmarinas, Silang, Mendez Nunez at Amadeo,
habang nahanay sa mga Magdiwang ang iba pang mga bahagi ng lalawigan. Hacienda Tejeros Naanyayahan ng mga
kaibigan, nagtungo sa Cavite si Andres Bonifacio upang pag-isahin ang magkaribal na pangkat ngunit hindi pinansin ng
mga Magdalo ang mga mungkahi niya.
Mabuti na lamang, nagkusa si Edilberto Evangelista na tumulong sa himagsikan duon, kahit na siya ay taga-Manila. Isang
ingeniero, nakapagtapos sa Pamantasan ng Ghent, Belgium, sa Europa, pinamunuan niya ang paghukay at paglatag ng
mga tanggulan sa Cavite.
Nang pasukin ng libu-libong sandatahang Espaol ni General Camilo Polavieja ang Cavite, sinupalpal sila ng mga
katipunero sa ilog ng Zapote hanggang napatay si Evangelista nuong Febrero 17, 1897. Mula nuon, mabilis na sinakop ng
mga Espaol ang mga kabayanang hinahawakan ng mga Magdalo, na napaurong hanggang sa San Francisco del Monte,
kung saan sila napilitang nakipag-ugnay sa mga kasapi ng Magdiwang upang maipagtanggol ang lalawigan.
Nagpulong silang lahat, kasama ng mga pangunahing pinuno ng Katipunan sa hacienda ng Tejeros nuong Marso 12, 1897.
Nangulo si Bonifacio sa pulong na nagpasiyang maghalalan ng mga pinuno ng pamahalaan ng himagsikan na itatatag
upang maging isa ang pamunuan ng laban sa Espaol.
Si Emilio Aguinaldo ang nahalal na pangulo at si Mariano Trias ang nagwaging pang-2 pangulo. Si Andres Bonifacio ay
nahalal na pang-3 pinuno, director ng kagawarang panloob ngunit nilibak siya ng ilang kasapi sa pulong dahil wala siyang
natapos na pag-aralan.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 16 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Panting ang tenga, iniwan ni Bonifacio ang pulong at nagsisigaw, siya pa rin ang supremo ng Katipunan at hindi niya
kinikilala ang kagaganap na halalan. Nagpasiya si Bonifacio na mamundok sa San Mateo, kasama ang 2 kapatid na lalaki,
samantalang nagsimulang manungkulan ang mga nahalal sa Tejeros. Inutusan ni Aguinaldo ang 2 pangkat ng mga tauhan
niya na bihagin si Bonifacio. Lumaban ang pangkat ni Bonifacio at napatay ng mga tauhan ni Aguinaldo ang isang
kapatid at 3 katipunero ni Bonifacio. Si Bonifacio mismo ay nasugatan at, kasama ng isa pang kapatid, kinaladkad ng mga
tauhan ni Aguinaldo hanggang Naic, tapos sa Maragondon. Kinaladkad muli sila sa kalapit na bundok ng Buntis at duon
pinatay ang magkapatid na Bonifacio.
Kuro sa buong bayan na walang katwiran, walang kapatawaran, ang ginawa ni Ginoong Aguinaldo na pagkalaban at
pagpatay kay Bonifacio. Katumbas ang napag-aralan ni Bonifacio sa ibang mga nahalal sa Tejeros, at kilala ang dunong
niya sa pagtatag niya ng Katipunan. Ngunit mga kaibigan ni Aguinaldo at ni Trias ang karamihan ng mga naghalal sa
Tejeros at nagkaisa sila laban kay Bonifacio na bagamat magiting at kilalang mabuting tao, ay inalinlangan nila dahil hindi taga-Cavite. Ito ang iginagalit ni Bonifacio, bagamat pinigilan ang sarili at nang makitang walang nagnanais na magkaisa ang Katipunan, nagkusa na lamang na lumisan papuntang San Mateo. Ang pagpatay kay Bonifacio ay
karumaldumal na kawalang-hiyaan ni Aguinaldo, at ang unang pagwawagi ng sariling kapakanan at ang pagkatalo ng
tunay na pagkabayani.
Sinuhulan si Aguinaldo ng 400,000 Pesos
Ang kasuklaman ay nagpalanta ng sigasig ng Katipunan, at lalong napadali ang pagkatalo ng himagsikan sa Cavite
sapagkat marami sa mga lumalaban, mga taga-Manila, Laguna at Batangas, ay napanghal, nasiraan ng loob at nag-uwian.
Hindi nagtagal, ang kunyaring pamahalaan ng himagsikan ay napilitang tumakas sa mga bundok ng Biak-na-Bato sa
Bulacan.
Duon nagtago ang pamahalaan ni Aguinaldo, ayaw lumusob duon ang mga Espaol dahil sa kapal ng sukal ng mga gubat-
gubat. Hindi rin naman nakipaglaban sina Aguinaldo dahil wala na silang sapat na mga tauhan upang harapin ang mga
Espaol. Kaya agad-agad nilang tinanggap ang alok ni Pedro A. Paterno, mula kay General Primo de Rivera, ng
marangal na pagsuko ng himagsikan.
Si Ginoong Paterno ay hindi kasapi sa pamahalaan o ng himagsikan, kundi karaniwang mamamayan na nagkusang
maging tagapagkasundo. Nais ni General Rivera na ipatapon sa labas ng bayan ang mga pinuno ng himagsikan dahil
maagap na masusundan sila duon ng mga alagad ng Espaa. Mahahadlangan nila ang pag-iimbak ng sandata, lalo na ang
anumang tangka ng mga pinuno ng himagsikan na makabalik sa kapuluan. Kaya inalok niyang suhulan ng salapi sina
Aguinaldo upang umayaw na at tahimik na umalis sa Pilipinas. Pakiwari ng kunyaring pamahalaan ng himagsikan na
susuko na rin lamang sila pagkaraan ng madaling panahon, dahil sa kulang sila sa sandata at wala na silang mga tauhan,
tinanggap nila ang alok na 400,000 piso ni General Rivera, kapalit ng panawagan ni Aguinaldo sa lahat ng naghihimagsik
na sumuko sa mga Espaol.
Sa unang tingin, nakaligtas ang kunyaring pamahalaan ng himagsikan mula sa pagkatalo, ngunit hindi sapat ang
kasunduan upang mapahinahon ang himagsikan sapagkat walang turing ito tungkol Pedro Paterno sa mga pagbubuting
hinihingi ng mga tao. Inakala ng mga Espaol na matapos mabayaran sina Aguinaldo, tatahimik na sa kapuluan ngunit
kabaligtaran ang nangyari.
Ang mga pagbabago lamang na panawagan sa La Solidaridad ang maaaring nakapagpayapa sa Pilipinas, ngunit
tinanggihang lahat ng mga Espaol, gamit lahat ng galing nila sa pakikipag-kasunduan at kataksilan. Kaya marami sa mga
tao ang nanatiling nakikibaka sa mga bukid, at walang nakapagsabi kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.
KABANATA IX: Ang Paghugis Sa Himagsikan
DAHIL kasapi ako sa Liga Filipina at naging isa sa mga representante o compromisario nito, ako man ay isinakdal at
ipiniit ng mga Espaol bilang isa sa mga consentidor ng aklasan. Datapwa, 6 buwan bago sumabog ang aklasan, inatake
ako sa puso at ako ay naging lumpo. Dahil sa kapansanan kong ito, hindi ako ginulpi at binitay kasama nina Domingo
Franco at iba pang nasangkot sa Liga. Nangyari pang nasali ako sa pangkalahatang pagpapatawad na ipinahayag ni
General Primo de Rivera, at ako ay pinalaya matapos ng pagkapiit nang 9 buwan sa kulungang bahagi ng ospital ng San
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 17 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Juan de Dios sa Manila. Pagkaraan pa ng ilang buwan, lumipat ako sa Los Baos, tapos sa kabayanan ng Bay, sa
lalawigan ng La Laguna, kung saan ko isinulat ang paraan sa pagbuo ng himagsikan ng bayan na wari ko ay malapit na
dahil sa malawak na kaguluhan, at alumpihit na ang mga tao.
Naganap ito 2 buwan bago nagsimula ang digmaan ng America laban sa Espaa, na madaling sinundan ng pagdurog ng
hukbong dagat ng mga Espaol sa Pilipinas nuong Mayo 1, 1898, at ng pagbalik ni Ginoong Aguinaldo sa kapuluan.
Pagdating na pagdating, ipinahayag niya na handa ang America na tulungan ang mga Pilipino na bawiin ang kanilang mga
likas na karapatan. Dito inakala ng lahat na kinilala ng pamahalaan ng America si Aguinaldo bilang kinatawan ng mga
Pilipino at mayroong na silang kasunduan. Ang pag-akalang ito ay pinagtibay ng mga malabo at pahele-heleng pahayag
ng mga Amerkano. Kaya itinanghal ng mga tao sa bawat lalawigan ang pamumuno ni Aguinaldo at pinag-igi nila ang
pakikibaka at pagpapalayas sa mga Espaol mula sa kani-kanilang purok.
Nang-lansi ang mga Amerkano
Nangyari naman na napasakamay ni Ginoong Aguinaldo ang isang copia ng isinulat ko tungkol sa pagbuo* ng
pambansang pamahalaan ng himagsikan. Sinulatan niya ako, gayong hindi kami magkakilala, at hinimok akong tulungan
ko siya. Bagaman at wala akong alam kahit na ano tungkol sa kanya, ninais kong makatulong ng anumang kaya ko sa
hinahangad ng bayan, kaya nagtungo ako sa kanya sa daungan ng Cavite nuong Junio 12, 1898, kung kailan ihahayag na
sa kabayanan ng Kawit ang kalayaan ng Pilipinas. Agad ko siyang tinanong tungkol sa kasunduan niya sa pamahalaan ng
America at, kagimbal-gimbal, nalaman kong wala palang kasunduan, walang kasulatan, at mga sabi-sabi lamang pala ni
Admiral George Dewey at ng kinatawan ng America sa Singapore, si Pratt. Wala daw balak ang America na sakupin ang
anumang bahagi ng Pilipinas at, ayon sa kanila, ang hangad lamang ay tulungan ang mga tao na ibuwag ang kalupitan ng
mga Espaol nang matamasa ng mga Pilipino ang biyaya ng isang malayang pamahalaan.
Nuon ko natanto na sinadya ng mga Amerkano na gawing malabo ang kanilang mga pangako, na madali namang
tinanggap ni Ginoong Aguinaldo kahit na walang kasulatan o katibayan dahil sabik na sabik na siyang makabalik agad sa
Pilipinas. Takot kasi na baka ibang sikat na Pilipino ang kasunduin ng mga Amerkano at nakawin sa kanya ang
karangalan ng pamumuno at pagpalaya sa bayan. Natanto ko rin na ang paghahayag ng kalayaan na gaganapin nuong
araw na iyon ay adelantado, hindi pa panahon, dahil itinatago ng mga Amerkano ang kanilang mga pakana habang
inilalahad natin ang lahat ng ating mga hangarin. Naghinala ako na dahil walang ingat ang mga galaw ng mga tao,
magiging mailap at alinlangan ang hukbong Amerkano. Hahadlangan ng mga kinatawan at alagad ng America sa
Hongkong at iba pang daungan sa China ang pagbili natin ng mga sandata at gamit digmaan.
Magtatag ng pambansang pamahalaan
Ngunit huli na nang dumating ako, at hindi na mahadlangan ang gagawing pagpapahayag, kaya tumahimik na lamang ako
at inasikaso ang mga dapat gawin sa harap ng mga mabilis na pangyayari. Sa biglaang bulwak ng himagsikan, madaling
nawarak ang buong pamahalaang pinagyayaman ng mga Espaol sa bawat kabayanan at lalawigan ng sangkapuluan, kaya
nararapat na magtatag agad ng kapalit na pamahalaan upang hindi maghari ang gulo at paglapastangan na magdudulot ng
dalamhati sa lahat. Iminungkahi ko na magtatag ng pinakamalayang pamahalaan na magagawa namin sa harap ng gulo at
karahasang nangyayari nuon at pumayag naman si Ginoong Aguinaldo, kayat mabilis na naitanghal ito sa ibat ibang lalawigan.
Sunod kong iminungkahi na magtatag ng mga kagawaran upang pangasiwaan ang pamahalaan ng buong bayan. Isa pa,
dapat magtipon ng mga kinatawan, 2 bantog na tao mula sa bawat lalawigan, upang bumuo ng isang pulong o congreso na
magpapayo kay Ginoong Aguinaldo ng mga dapat gawin upang mapagbuti ang kalagayan ng mga tao, at mapatatag ang
pamahalaan ng bayan. Ang pulong na ito ay dapat walang kapangyarihang magpairal ng mga batas dahil laganap pa ang
digmaan at kinakailangang manatiling buo ang kapangyarihan ng bayan sa kamay ng mga pinuno ng himagsikan, ngunit
kailangang tipunin na ang mga kinatawan upang hindi maghinala ang mga taga-lalawigan na maghahari si Ginoong
Aguinaldo. Sumang-ayon sa lahat ng aking mungkahi si Ginoong Aguinaldo at inalok niyang pamunuan ko ang isang
kagawaran sa binubuong pamahalaan. Tumanggi ako dahil sa Arellano aking kalagayan, maysakit at mahina ang
katawan. Inako ko lamang na pangasiwaan ang pakikipag-ugnayan sa mga ibang bayan hanggang mapalitan ako ni
Ginoong Cayetano Arellano, ang nahirang na mangasiwa nito dahil sa kanyang tanyag na kakayahan sa mga ganitong
gawain.
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 18 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
Nangyari na nuon, nakarating na sa kapuluan ang hukbong Amerkano ni General Thomas Anderson, at nagsisimula nang
dumaong sa Cavite ang iba pang sandatahang Amerkano na dala ni General Wesley Merrit. Kaya naging magulo ang
pakikitungo ng Pilipino sa America. Sa kabilang dako, napaligiran na ng mga sandatahang Pilipino ang buong Manila
bagaman at naantal dahil hindi maayos ang tulungan ng ibat ibang pangkat na nagkalat duon. Si Aguinaldo, dahil tanyag siya at kinilala ng lahat bilang pinuno, ay nakapagbuo sana sa mga pangkat-pangkat ngunit hindi niya napagpasiyahang
pumunuan mismo ang paglusob sa Intramuros.
Wala munang batas, constitution o republica
Kung nasakop ng mga Pilipino ang Intramuros bago dumating ang hukbo ni General Merritt, naging malinaw sana ang
ugnayan natin sa mga Amerkano mula nuon. Ngunit hindi ito nangyari. Dumaong sa Paraaque ang mga Amerkano at
nilusob ang Manila, binale wala ang mga sandatahang Pilipino. Marami sa mga pinuno ng hukbong Pilipino ang
nagmungkahi na sapat na dahilan ang kataksilang ito upang bakbakin namin ang mga Amerkano. Sinalungat ko sila,
ipinayo ko kay Ginoong Aguinaldo na iwasan ang paghamok sa mga Amerkano sapagkat magiging 2 ang ating kalaban at
malamang magkampihan ang mga Espaol at mga Amerkano at paghatian nila ang Pilipinas.
Nang sakupin ng mga Amerkano ang Manila, tumalilis mula sa Bacoor, Cavite ang pamahalaang Pilipino lumayo at
humimpil sa Malolos, Bulacan, kung saan unang nagpulong ang mga kinatawan ng bagong congreso. Ang unang paksang
pinagkayarian nila ay ang pagpapatibay ng pahayag ng kalayaan na hinayag sa Kawit, Cavite. Tapos, sinimulan nila ang
kasulatan ng katauhan ng bayan, ang constitution, na magtatatag ng Republica ng Pilipinas. Dapat kong sabihin na nuon,
hindi pa ako pinapalitan ni Ginoong Arellano bilang kalihim panlabas, ngunit inako nang lahat ng kanyang pang-2, si
Trinidad H. Pardo de Tavera, ang mga tungkulin kaya ako ay pangkaraniwang tagapagpayo na lamang ni Ginoong
Aguinaldo. At bilang ganoon, ipinayo ko sa kanya na paalalahanan ang congreso na hindi sila dapat magbuo ng isang
constitution dahil hindi sila kinatawan upang maghubog ng kasulatan ng katauhan ng bayan. Ni hindi sila dapat magsulat
ng batas, sapagkat hindi sila batasan. Na ang tanging tungkulin nila ay magpasiya kung paano pinakamaiging makabuo, at
matustusan, ang hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerkano, at payuhan si Aguinaldo tungkol sa kanilang pasiya.
Ipinayo ko rin kay Ginoong Aguinaldo na sabihin sa congreso na hindi pa panahon upang magka-kasulatan ng katauhan
ng bayan sapagkat wala pang kumikilala ng Pardo de Tavera kalayaan ng Pilipinas, at kapag nabuklod na sa kasulatan
ang kalayaan ng bayan, ang pamamahala na ginagawa namin ay magiging paglabag sa kasulatan mismo. Dahil dito,
sapantaha at payo ko, mas mainam na pabayaan ang pamahalaang magpasiya kung ano ang mainam na ganapin sa
kasalukuyang digmaan nang walang nilalabag na kasulatan. Aking palagay na dapat magka-laya ang pamahalaang
makipag-kasunduan sa America tungkol sa pagtigil ng digmaan, kung mayroong mabuting makakamit ang mga tao sa
kasunduan, at kikilalanin ang mga karapatan nila bilang mga mamamayan.
Tagapagpayo ng infierno
Ipinahatid ni Ginoong Aguinaldo ang aking mga payo sa kanyang bagong cabinete at nabatid ko pagkatapos na hindi
lamang nila sinansala ang aking mga panukala, pinagalitan pa nila ako sa pagiging makahari at paghikayat kay Ginoong
Aguinaldo na maging dictador. Dahil dito, sinimulan akong tawagin ng mga sitsit na tagapagpayo ng infierno kay presidente.
Natanto ko na walang nakinig sa aking mga payo, nainggit sa akin ang bagong cabinete. Baka ibunton pa sa akin ang
kanilang mga pagkakamali, kaya tinangka kong humiwalay kay Ginoong Aguinaldo at lumipat sa ibang bahay, labag sa
kanyang kahilingan, ngunit mabilis siyang nagpakabit ng telefono sa 2 bahay kung kayat alumpihit akong nagpatuloy na maging tagapagpayo ng infierno.
Pinigil ko ang sarili sa pagpayo na lamang kay Ginoong Aguinaldo na tungkulin niyang makinig sa kanyang mga kalihim
at kampihan ang mga ito habang sila ay gumaganap nang marangal at tapat sa kanilang mga tungkulin, at hindi nila
inaabuso ang kanyang pagtitiwala. Pagkaraan ng matagal, hinayag ni Ginoong Arellano na hindi niya magagampanan ang
pagiging kalihim panlabas, at pinilit ako ni Ginoong Aguinaldo na tanggapin ang katungkulan. Pumayag ako nuong Enero
2, 1899, upang mag-amuki ng kasunduan sa America bago mapagtibay ng congreso ang binubuo nilang kasulatan ng
katauhan ng bayan. Nasawi lahat ng balak ko nang nuong Deciembre 10, 1898 pa lamang, naganap na ang Kasunduan sa
Paris at inako ng batasan ng America ang karapatang magpasiya tungkol sa mga karapatan at pagiging mamamayan ng
mga Pilipino. At, dagdag pang mariin ni General Elwell Otis, hindi paiiralin ang mga karapatan at pagiging mamamayan
-
Guerrero, L.M. (1969). The Philippine Revolution by Apolinario Mabini. Manila: National Historical Commission Page 19 of 25 *isinalin sa Tagalog http://www.elaput.com/mabihima.htm
hanggang nag-aaklas ang mga Pilipino. Bagaman at tiyak na pagtitibayin sa America ang Kasunduan sa Paris, dapat
ipagpatuloy natin ang pakikibaka, sa aking tingin, sapagkat ang biglaang pagsuko, hayaan ang America ang magpasiya
tungkol sa ating kinabukasan, ay magpapatunay sa mga Amerkano na wala tayong kakayahang mamahala sa mga sarili,
na kung ayaw nating ipaglaban Malolos Convention ang ating mga kalayaan, tunay na wala tayong pag-unawa at
pagmamahal sa kalayaan. Ang pagpipiliang nalalabi nuon ay digmaang walang tagumpay, o kapayapaang walang laya
dahil sumuko ng walang dangal.
Minadaling umpisahan ang digmaan
Sa gitna ng lahat nang ito, pinagtibay ang constitution, ang kasulatan ng katauhan ng bayan, ng pulong sa Malolos at
ipinadala sa pamahalaan upang tuparin. Pinipigilan ko pa sana dahil sa mga nakaambang mga panganib ngunit pumayag
na rin ako matapos kong nakita na, sa isang panig, buo ang pasiya ng mga kinatawan at nagbantang mag-escandalo sila
kapag hinadlangan, at sa kabilang panig, matibay ang pagtanggi ng mga Amerkano na kilalanin ang ating pamahalaan at
ang pagpilit nila na sumuko ang mga Pilipino. Isa pa, si Ginoong Aguinaldo man ay sang-ayon sa pagtupad sa kasulatan.
Hindi ko pa batid nuon, walang hinala kahit na ano, na ang mga pinakamasugid na pambato ng kasulatan ang siyang
naging pinakaduwag na tumakas sa halip na ipagtanggol ang kasulatan, nang dumating ang panahon ng panganib sa
kanilang katawan at yaman. Nuon, sa pan