lesson guide in araling panlipunan 8
DESCRIPTION
lesson guideTRANSCRIPT
Mary the Queen Academy of PampangaCabalantian, Bacolor, Pampanga C-2001
Contact Nos.:(+6345) 963-0661, 0918 907 5129Telefax: (+6345) 961-8420
Pangalan ng Guro: Jaypee B. Umali Asignatura: Araling Panlipunan 8Level: Ikawalong Baitang Markahan: Una Linggo: Una
Mga Kagamitang Audio-Biswal/Sanggunian: Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig ni Celia D. Soriano et. al., pahina 2 - 27
Paghahandang MI
A.
Panimulang Gawain
Layunin:Pagkatapos ng isang linggong pag-aaral ang mga mag-aaral ay inaasahang:
nailalarawan ang heograpiyang pisikal ng daigdignaipapaliwanag ang mga katangiang pisikal ng daigdignapahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon at ng mga tao sa daigdig
Paksa/Aralin:Ang Heograpiya ng Daigdig
Ang Heograpiya ng
Daigdig
Paglalagay ng mga akmang sagot upang mabuo matrix ng mga
anyong lupa at tubig
Paggawa ng islogan
Pagguhit ng larawan para sa nabuong islogan
Paggawa ng aktibidad na radial cluster sa tulong ng mga kagrupo
Pagsagot sa mga tanong ukol sa paksang tinalakay
TalinongPangkatawan
Talinong Panglinggwistika
Talinong Pangmatematika
Talinong Pangsarili
Talinong Pangpakikipagkapwa
Talinong Pangmusika
TalinongPangbiswal
TalinongPangkalikasan
1. Ipakita ang mapa ng daigdig2. Bumuo ng sariling legend para dito
Legend:Asya – Aprika – Hilagang Amerika – Timog Amerika – Antartiko – Europa – Australya at Ocenia -
3. Ipatukoy ang bawat kontinente gamit ang legend na nabuo
B. Paglalahad/Pagkuha
1. Kahulugan ng heograpiya2. Anu-ano ang mga kontinente ng daigdig?3. Paano nabuo ang kontinente ng daigdig?4. Paano napakikinabangan ng tao ang iba’t ibang anyo ng lupa at tubig sa mundo?5. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng bawat kontinente ng daigdig?
C. Paglalahat/Mga Natutunang Kaisipan
Ang daigdig ay binubuo ng 29.1 na bahagdan ng lupa na hinati sa pitong kontinente.Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig , mga pinagkukunang yaman, klima, vegetation cover, at aspektong pisikal ng populasyon nito.Ang likas na yaman ay maaring uriin na renewable at nonrenewableAng heograpiyang pantao o kultural na heoghrapiya ay tumutukoy sa mga pag-aaral sa mga aspektong kultural ng daigdig.
D. Paglalapat
1. Radial Cluster Pangkatin ang klase sa tatlong grupo at hayaan sila na magtala ng mga salita na maaring
maglarawan sa likas na yaman ng daigdig. (Ipaliliwanag ang mga salitang naitala)
2. Pagbuo ng Matrix Buuin ang matrix na maghahayag sa mga kilalang anyong lupa at tubig ng daigdig
Anyong Lupa Halimbawa Katangian Bansa
Bundok
Talampas
Kapatagan
Tangway
Pulo at Kapuluan
Likas na
Yaman
Disyerto
Anyong Tubig
Ilog
Lawa
Dagat, Golpo, Kipot
3. Islogan Bubunot ng tig-iisang bansa ang bawat mag-aaral at bubuo sila ng isang islogang
pangturismo na makakahikayat sa mga turistang bumisita sa bansang nabunot nila. Bibigyan din nila ang islogan ng sapat na paliwanag o paglalarawan.
E. Panganganinag/Ebalwasyon
1. Anong gawaing-MI ang ginawa natin? Paano nakatulong ang gawaing-MI sa inyo bilang isang mag-aaral? Talinong pangsarili – nakatulong ito na maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang ideya
hinggil sa paksang tinalakay Talinong pangmatematika – nakatulong ito na mailagay ng mga mag-aaral ang kanilang
mga sagot sa tamang kategorya na bumubuo sa matrix Talinong panglinggwistika – nakatulong ito sa pagbuo ng islogan gamit ang mga
naaakmang salita Talinong pangbiswal – nakatulong ito na makaguhit ng larawan ang mga mag-aaral ukol
sa nabuong islogan Talinong pangpakikipagkapwa – nakatulong ito na masagot at matapos ang gawain sa
tulong ng bawat miyembro na bumubuo sa bawat grupo
2. Pagsasanay
Tukuyin ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot._____________1. Ang daigdig ay binubuo ng ilang bahagdan ng lupa?_____________2. Anong teorya ang ipinanukala ni Alfred Wegener kung paano nabuo ang mga
kontinente?_____________3. Ito ay isang maliit na bahagi ng lupa na nagdurugtong sa dalawang malaking masa
ng lupa._____________4. Ano ang pinakamataas na anyong lupa?_____________5. Magbigay ng halimbawa ng iyong sagot sa tanong sa bilang apat._____________6. Ano ang pinakamaliit na kontinente ng daigdig?_____________7. Ano ang opisyal na wika ng mahigit sa kalahating mga bansa sa Latin Amerika at
Carribean?_____________8. Sa Mesopotamia, ano ang tawag sa mga templo na gawa sa putik?_____________9 – 10. Dalawang anyo ng tula na nahubog ng mga Hapones.
3. Takdang Aralin
Magsagawa ng pananaliksik ukol sa pagsulpot ng sinaunang tao sa daigdig.