life of rizal

28
BUHAY KABATAAN NI JOSE RIZAL Ang Pamilya ni Rizal Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang sa Calamba, Laguna sa  pagitan ng alas-onse at alas-dose, Miyerkules.  Hunyo 19, 1861, ilang araw bago magkabilugan ang buwan. Muntik ng ikamatay ng kaniyang ina ang panganganak sa kanya dahil sa kalakihan ng kanyang ulo. Ayon sa talambuhay ni Rizal na  Memorias de un Estudiante de Manila (Mga Alaala ng isang Mag-aral sa Maynila), na kung saan ginamit niya ang ngalang P. Jacinto, ang  pagkaligtas ng kaniyang ina ay bunga ng pamamanata niya sa Birhen ng Antipolo. Bininyagan siya sa simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, si Padre Rufino Collantes. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Cosaǹas, taga-Calamba. Sa karangalan ni San Jose, ang ngalang “Jose” ang pinili ng kanyang ina. Si Jose Rizal ay ikapito sa labing-isang an ak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo Realonda Rizal. Ang kanyang ama ay tubong Biǹan at ipinangangak noong  Mayo 11, 1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag- aaral sa lungsod, nakilala niya si Teodo ra at sila’y ikinasal noong  Hunyo 28, 1848. Inilipat niya ang kaniyang pamilya sa Laguna pagkaraang mamatay ang kanyang mga magulang. Namuwisan siya sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Siya ay masipag, bihirang magsalita ngunit mas maraming nagagawa. Isa siyang huwarang Ama ayon sa tala ni Rizal. Namatay siya noong  Enero 5, 1898 sa edad na 80. Ang apelyidong Mercado ang ginamit noong 1731 ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan ni Rizal sa partido ng kanyang ama). Si Lamco ay isang mangangalakal na Intsik na nagmula sa Chinchew (o Changchow) lungsod ng Fookien. Dumating siya sa Maynila noong 1690. Siya ay nanirahan sa Biǹan at di naglaon ay nagpakasal kay Ines de la Rosa, isang mayamang Tsinong Kristiyano sa Maynila. Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akma naman sa kanyang pagiging negosyante. Sa Filipino, ang salitang Mercado ay nangangahulugang palengke. Naging anak nila si Francisco, na napangasawa naman ni Cirila Bernacha, isang Tsinong Pilipino. S i Francisco ay nahalal na gobernadorcillo (pinuno ng bayan). Isa sa mga anak nila, si Juan Mercado (lolo ni Rizal) ay napangasawa naman ni Cirila Alejandro, isang mestisang Intsik. Nahalal din siyang gobernadorcillo tulad ng kanyang ama. Nagkaroon ng labintatlong anak si Kapitan Juan, at ang  bunso ay si Francisco, ang ama ni Rizal. Bilang pagtalima sa Batas Claveria ng 1849 na nagtakda ng apelyidong Kastila sa mga mamamayan ng Pilipinas, ang mga Alonso ay nagdagdag ng Realonda at ang mga Mercado ay Rizal. Ang apelyidong Rizal a y mula sa salitang racial  na ang ibig sabihin ay “bukid na

Upload: jef-ebalo

Post on 11-Oct-2015

1.523 views

Category:

Documents


29 download

DESCRIPTION

life of rizal

TRANSCRIPT

BUHAY KABATAAN NI JOSE RIZALAng Pamilya ni RizalSi Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isinilang sa Calamba, Laguna sa pagitan ng alas-onse at alas-dose, Miyerkules. Hunyo 19, 1861, ilang araw bago magkabilugan ang buwan. Muntik ng ikamatay ng kaniyang ina ang panganganak sa kanya dahil sa kalakihan ng kanyang ulo. Ayon sa talambuhay ni Rizal na Memorias de un Estudiante de Manila (Mga Alaala ng isang Mag-aral sa Maynila), na kung saan ginamit niya ang ngalang P. Jacinto, ang pagkaligtas ng kaniyang ina ay bunga ng pamamanata niya sa Birhen ng Antipolo.Bininyagan siya sa simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura paroko, si Padre Rufino Collantes. Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Cosaas, taga-Calamba. Sa karangalan ni San Jose, ang ngalang Jose ang pinili ng kanyang ina.Si Jose Rizal ay ikapito sa labing-isang anak nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonzo Realonda Rizal. Ang kanyang ama ay tubong Bian at ipinangangak noong Mayo 11, 1818. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag-aaral sa lungsod, nakilala niya si Teodora at silay ikinasal noong Hunyo 28, 1848. Inilipat niya ang kaniyang pamilya sa Laguna pagkaraang mamatay ang kanyang mga magulang. Namuwisan siya sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Siya ay masipag, bihirang magsalita ngunit mas maraming nagagawa. Isa siyang huwarang Ama ayon sa tala ni Rizal. Namatay siya noong Enero 5, 1898 sa edad na 80.Ang apelyidong Mercado ang ginamit noong 1731 ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan ni Rizal sa partido ng kanyang ama). Si Lamco ay isang mangangalakal na Intsik na nagmula sa Chinchew (o Changchow) lungsod ng Fookien. Dumating siya sa Maynila noong 1690. Siya ay nanirahan sa Bian at di naglaon ay nagpakasal kay Ines de la Rosa, isang mayamang Tsinong Kristiyano sa Maynila.Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akma naman sa kanyang pagiging negosyante. Sa Filipino, ang salitang Mercado ay nangangahulugang palengke. Naging anak nila si Francisco, na napangasawa naman ni Cirila Bernacha, isang Tsinong Pilipino. Si Francisco ay nahalal na gobernadorcillo (pinuno ng bayan). Isa sa mga anak nila, si Juan Mercado (lolo ni Rizal) ay napangasawa naman ni Cirila Alejandro, isang mestisang Intsik. Nahalal din siyang gobernadorcillo tulad ng kanyang ama. Nagkaroon ng labintatlong anak si Kapitan Juan, at ang bunso ay si Francisco, ang ama ni Rizal.Bilang pagtalima sa Batas Claveria ng 1849 na nagtakda ng apelyidong Kastila sa mga mamamayan ng Pilipinas, ang mga Alonso ay nagdagdag ng Realonda at ang mga Mercado ay Rizal. Ang apelyidong Rizal ay mula sa salitang racial na ang ibig sabihin ay bukid na tinatamnan ng trigo, na inaani habang lunti pa at muling tutubo. Ang apelyidong ito ay ibinigay ng isang Kastilang alkalde mayor na kaibigan ng pamilya.Si Doa Teodora Alonso Realonda, ang ina ng ating pangunahing bayani, ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Lorenzo Alberto Alonso ng Ilocos at Brigida Quintos ng Bian.Ang kanyang mga kapatid ay sina Narcissa, Gregorio, Manuel at Jose Alberto.Nakapg-aral si Teodora sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang paaralan para sa kababaihan sa lungsod. Mahinhin siya kumilos, may matatag na kalooban, mahusay sa matematika at panitikan. Namatay siya noong Agosto 16, 1911 sa edad na 85.Si Francisco at Teodora ay biniyayaan ng labing-isang supling. Sila ang mga anak:1. Saturnina (1850-1913) ang palayaw niya ay Neneng; ikinasal kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.2. Paciano (1851-1930) katapatang-loob ni Rizal; pagkatapos barilin si Jose, sumapi siya sa Rebulusyong Pilpino at naging heneral; pagkaraan ng himgsikan ay nagsaka sa kanyang bukid sa Los Baos. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa kanyang kinakasamang si Severina Decena. Namatay siya noong Abril 13, 1930 sa edad na 79.3. Narcissa (1852-1939) palayaw niya ay Sisa, ikinasal siya kay Antonio Lopez, isang guro sa Morong.4. Olimpia (1855-1887) Ypia ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Silvestre Ubaldo, isang operator ng telegrapo sa Maynila. Nag-aral siya sa Colegio de la Concordia. Namatay siya pagkaraan ng 13 oras na panganganak.5. Lucia (1857-1919) Nag-aral din siya sa Colegio de la Concordia. Nagpakasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na pamangkin ni Padre Casaas. Namatay si Herbosa noong 1889 at tinanggihang bigyan ng Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Rizal.6. Maria (1859-1945) Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay Daniel Faustino Cruz ng Bian, Laguna.7. Jose (1861-1896) ang pangunahing bayaning Pilipino; palayaw niya ay Moy at Pepe. Sa Dapitan, nakisama siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hongkong. Nagkaanak siya ng lalaki at pinangalanan siyang Francisco ni Rizal, sunod sa ngalan ng kanyang ama. Ngunit ilang oras lamang ito nabuhay pagkasilang. Sa Dapitan na nailibing ang sanggol.8. Concepcion (1862-1865) ang kanyang palayaw ay Concha; namatay siya sa sakit sa edad na tatlong taon.9. Josefa (1865-1945) Panggoy ang kanyang palayaw; naging pangulo ng kababaihang grupo ng Katipunan. Namatay siyang walang asawa sae dad na 80.10. Trinidad (1868-1951) Trining ang kanyang palayaw. Namatay din siyang matandang dalaga sae dad na 83.11. Soledad (1870-1929) palayaw niya ay Choleng. Ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga principalia (mayayaman) ng bayan noong panahon ng Kastila. Sila ay kinikilala sa Calamba dahil sa kanilang katapatan at pagiging masinop sa buhay. Nakapagpatayo sila ng isang malaking bahay sa tabi ng simbahan. Mayroon silang karuwahe, simbolo ng yaman noong panahon na iyon. Ang kanilang pribadon aklatan (pinakamalaki sa Calamba) ay may mahigit na 1,000 tomo. Napag-aral ang lahat ng anak.Ang Calamba noon ay isang asyendang bayan. Mula sa lupang inuupahan sa Ordeng Dominiko, nakapag-aani sila ng palay, masi at tubo. Mayroon din silang alagang baboy, manok at pabo sa kanilang likod-bahay. Bukod dito, si Doa Teodora ay may maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina at gawaan ng hamon.Sa CalambaSa kanyang kamusmusan, si Jose ay masasabing maliit at sakitin. Dahil dito, ipinagpatayo siya ng kanyang ama ng maliit na bahay-kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Kapag naiiwan siyang mag-isa, pinagmamasdan niya mula sa kanyang bahay-kubo ang mga bulaklak, ulap sa kalangitan at mga ibong lumilipad. Kinalulugdan niya ang kagandahan ng kalikasan.Si Doa Teodora ang siyang unang nagturo kay Jose sa pagbabasa ng alpabeto sa edad na tatlong taon. Sa edad ding ito, nakakasama na si Jose sa pagdarasal ng pamilya. Sa edad na lima, nagsimula ng bumasa si Jose ng Bibliya na nakasulat sa Kastila.Sama-samang manalangin ang pamilya Rizal (mga magulang at anak) sa orasyon kapag takipsilim, sa pagrorosaryo bago matulog sa gabi, at gayon din sa pagsisimba. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuweto ang mga yaya sa mga batang Rizal tungkol sa mga engkantada, nabaong yaman, punong namumunga ng brilyante at iba pang kababalaghan. Ito ang nakapukaw sa interes ni Rizal sa mga alamat at kuwentong-bayan.Ang magkakapatid na Rizal ay magkakalapit sa isat isa. Sa mga kapatid na babae, si Concha (Concepcion) ang madalas niyang kalaro. Nang magkasakit at mamatay si Concha sa edad na tatlo, si Jose ay labis na nalungkot. Ito ang unang kalungkutan niya.Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose ay ang kanyang ama sa Antipolo para sa peregrinasyon na ipinanata ni Doa Teodora nang ipinanganak si Jose. Hindi nakasama si Doa Teodora dahil kasisilang pa lang niya noong kay Trining. Ito ang unang peregrinasyon ni Jose sa Antipolo at gayon din ang unang pagtawid niya sa Lawa ng Laguna.Sa mga ikinuwento ng kanyang ina, ang tungkol sa batang gamugamo ang nakintal sa kanyang isipan. Nabanggit ito sa isang gabi habang tinuturuan si Jose ng kanyang ina sa pagbasa ng El Amigos de los Nios. Wala rito ang interes ni Rizal interes ni Rizal kundi sa gamugamong umaaligid sa liwanag ng ilawang langis. Itinigil ni Doa Teodora ang pagtuturo sa kanyang anak. Isinialaysa niya ang ukol sa pagbabawal ng inang gamugamo sa paglapit ng batang gamugamo sa ilawan upang hindi mapahamak. Ngunit nagpatuloy pa rin ang batang gamugamo sa paglapit sa ilawan hanggang sa di sinasadya ay nadikit ito sa apoy at nasawi, Habang pinapatulog na ang batang Jose, nasabi ni Doa Teodora na huwag nitong tularan ang batang gamugamo nang hindi sia mapahamak niyo tulad ng nangyari dito sa katapusan ng istorya. Ngunit higit na hinangaan ni Jose ang batang gamugamo dahil sa lakas ng loob nitong lapitan ang ilaw kahit ikapapahamk pa ng sarili nitong buhay.Mula sa pagkabata, naipakita rin niya ang talino niya sa sining. Sa edad na 5, gumuguhit na siya sa pamamagitan ng lapis at humuhubog ng magagandang bagay na yari sa luwad o wax.Isang araw noong si Jose ay anim na taong gulang, biniro siya ng kanyang mga kapatid dahil mas mahaba pa ang panahon na inilalaan niya sa eskultura kaysa sa paglalaro. Sa gitna ng nagtatawanan niyang kapatid, sinabi niya: Sige, pagtawanan ninyo ako ng pagtawanan ngayon! Balang ataw kapag patay na ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monument para sa akin.Isa sa mga pinagpipitaganan ni Rizal sa Calamba noong siyay bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, kura ng bayan. Siya ang nagtimo sa kanyang pagkatao ng mataas ang pagpapahalga sa karapatan ng ibang tao at makabuluhang nagpaliwanag sa mga bagay-bagay sa paligid.Mayroon si Joseng tatlong tiyuhin na nakaimpluwensiya sa paghubog ng kanyang katauhan. Si Tiyo Jose Alberto, na nag-araln labing-isang taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa ang naghikayat sa kanya sa pag-ukit at paglililok sa pamamagitan ng putik at pagkit.Si Tiyo Manuel, sa isang mabulas na tao ang nagturo naman sa kanya ng mga laro tulad ng paglangoy, pagbubuno, pangagabayo at pisikal na ehersisyo. Si Tiyo Gregorio, na palabasa, ang nagpatingkad sa hilig naman niyang magabasa.Sa edad na walo, nalikha ni Jose ang kanyang unang tulang pinamagatang Sa Aking mga Kababata. Sa gayon ding edad nasulat niya ang kanyang unang dula na isang komedyang Tagalog. Itinanghal ito sa isang pista sa Calamba at nagustuhan ng mga tao. Napanood din ito ng isang gobernadorcillo mula sa Paete, isang bayan ng Laguna. Humanga rin siya rito at binili ang manuskrito ng dula sa halagang dalawang piso. Naitanghal ang naturang dula sa pistang bayan ng Paete.Habang lumalaki si Rizal, kumuha ng pribadong guro ang kanyang mga magulang. Si Maestro Celestino ang una. Pagkaraan naman ay si Maestro Lucas Padua. Nang lumaon, si G. leon Monroy, dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Nanirahan ang naturang guro sa kanilang tahanan ngunit pagkaraan ng limang buwan, siyay binawian ng buhay. Pagkamatay ni G. Monroy, nagpasiya ang mga mgaulang ni Jose na ipadala na siya sa paaralan sa Bian.Mga Karanasan sa BianIsang Linggo ng Hunyo, 1869, nagtungo na si Jose sa Bian kasama si Paciano sakay ng karomata. Nagpunta sila sa bahay ng isa nilang tiyahin kung saan mangungupahan si Jose. Nabanggit ni Jose sa kanyang pinsang si Leandro ang ukol sa paghanga niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid habang sila ay namamasyal noong gabing iyon. Naalala niya ang kanyang pamilya pati na rin ang bayan ng Calamba.Si Maestro Justiniano Cruz ang kanyang naging guro. Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, isang bahay-kubo at di-kalayuan sa bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro dahil dati na siyang naging estudyante nito.Sa pagkakalarawan ni Jose, si G. Cruz ay matangkad, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong at ang katawan ay medyo pakuba. Mahusay siya sa gramatika pero may kabagsikan.Pinagtawanan si Jose ni Pedro, anak ng guro, habang nakikipag-usap sa guro sa unang araw pa lamang ng klase. Kinahapunan ng araw na iyon, hinamon niya si Pedro sa isang suntukan. Naging popular si Jose sa kanyang mga kaeskwela dahil natalo niya si Pedro sa laban na iyon.Maayos ang buhay estudyante ni Jose sa Bian. Gising na siya ng alas-kwatro ng umaga para magsimba o dila kayay para mag-aral ng aralin, at pagkaraan ay magsimba. Pupunta siya pagkaraan sa bakuran at mamimitas ng prutas. Pagkatapos ng kanyang almusal, papasok siya sa paaralan hanggang alas-diyes. Pagkaraan ng tanghalian ay babalik siya sa paaralan ng alas-dos at lalabas ng alas-singko. Hindi nawawala sa iskedyul niya ang pagdarasal, pag-aaral, pagguhit at paglalaro pagkatapos ng klase.Sa mga araling pang-akademiko, nangunguna si Jose sa klase. Kaya lamang, may mga pagkakataon na siya ay nabibigyan ng lima o anim na palo dahil sa sumbong ng ilang kaklase niya ukol sa kanyang pakikipag-away. Hindi naman talaga siya palaaway, pero hindi niya tinatakbuhan ang anumang hamon.Bago mag-Pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula kay Saturnina upang ipaalam na uuwi na siya ng Calamba. Barkong Talim ang kanyang sasakyan. Noong Disyembre 17, 1870, sabado, masaya si Joseng lumulan dito dahil ito ang unang pagkakataon niya na makasakay sa barko. Si Arturo Camps, isang Pranses na kaibigan ng kanyang ama, ang siyang nakasama niya sa biyahe.Pagbalik sa CalambaBago ang Hunyo, 1872, si Doa Teodora ay ipiniit dahil sa maling paratang na diumanoy pagiging bahagi niya sa tangkang paglason sa kanyang hipag, asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto.Pagkagaling ni Jose Alberto sa kanyang paglalakbay buhat sa Europa, natuklasan niyang may kinakasama na ang kanyang maybahay. Sa galit niya, nais na niyang hiwalayan ang kanyang asawa. Para maiwasan ang iskandalong ito, pinakiusapan ni Doa Teodora ang kanyang kapatid na patawarin na lamang ang kanyang asawa. Pumayag naman si Jose Alberto kaya bumalik siya sa piling ng kanyang asawa. Ngunit may ibang plano ang kanyang maybahay. Nakipagsabwatan ito sa isang tenyenteng Kastila ng guwardiya sibil. Nagsampa siya ng kaso laban sa kanyang asawa at kay Doa Teodora. Ayon dito, nais daw siyang lasunin ng magkapatid.Pagkaraang dakpin si Doa Teodora, pinaglakad siya mula Calamba hanggang sa Sta. Cruz, kabisera ng Laguna. Napiit siya sa kulungang probinsyal.Taong 1872 din naganap ang pagbitay sa tatlong pari, sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamorra. Sila ay inakusahan ng pakikipagsabwatan sa pag-aalsa sa arsenal ng Cavite. Hinatulan sila ng hukumang-militar na parusang kamatayan sa paraan Garrote. Ang pagkamartir ng GOM-BUR-ZA ay ipinagluksa ng mag-anak na Rizal at maraming makabayang mamamayan ng Pilipinas. Higit itong dinamdam ni Paciano, dahil si Padre Burgos ay naging kanyang kaibigan, guro, at kasama sa bahay habang nag-aaral siya sa Colegio de San Jose. Noong maganap ang pag-aalsa sa Cavite, si Paciano ay 20 taong gulang at si Jose ay 11 taon.Maraming pamilya ang nanahimik na lamang upang hindi mapahamak. Sa Pilipinas, noon ay wala pang tinatawang na opinyong publiko. Ang mga pahayagan ay naglalaman ng hindi gaano. Wala pang malayang talakayan ukol sa mga isyu.Sa Ateneo Municipal (1872-1877)Ang Ateneo Municipal (ngayoy Ateneo de Manila) ay isang kolehiyong nasa pamamahala ng mge Heswitang Kastila. Dati itong tinatawag na Escuela Pia (paaralan ng kawanggawa). Itinatag ito noon 1817 ng pamahalaang panlungsod. Nang magbalik ang mga Heswita noong 1859, pagkaraan ng silay mapaalis noong 1768 sa Pilipinas, ibinigay na sa kanila ang pamamahala ng Escuela Pia. Ang paaralang ito ay nasa loob ng Intramuros, sentro ng administrasyon ng mga Kastila.Noong siyay labing isang taong gulang na ay inihanda na siya sa pag-aaral sa Maynila. Noong panahong iyon ay tatlo ang paaralang sekundarya sa Maynila para sa mga batang lalaking may taglay na katalinuhan at maykaya sa buhay. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Seminaryo ng San Jose, Kolehiyo ng San Juan de Letran at ang Ateneo Municipal ng mga Heswita. Sinamahan ni Paciano si Jose sa Maynila at kumuha ng pagsusulit sa San Juan de Letran. Nakapasa siya ngunit nagbago ang isip ng kanyang ama nang umuwi si Jose sa Calamba. Sa Ateneo Municipal de Manila niya gusting mag-aral. Noong unay ayaw siyang tanggapin sapagkat nahuli siya sa pagpapatala at may kaliitan at kapayatan daw siya. Salamat sa tulong ni G. Manuel Xeres na pamangkin ni Padre Burgos at natanggap din si Jose sa Ateneo Municipal de Manila noong ika-10 ng Hunyo, 1872.Magbuhat noong siya ay magpalista sa kolehiyo, ginamit na niya ang pangalang Jose Rizal. Ito ang payo ng kanyang kapatid na si Paciano, sa pangambang baka mapasok sa gulo si Jose kapag nahayag silang magkapatid kung Mercado ang gagamitin. Sa panahong iyon, si Jose lamang sa buong pamilya ang gumagamit ng apelyidon Rizal. (Nabanggit ni Jose ang mga bagay na ito sa kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt na nagbigay sa kanya ng damdamin na isa siyang bastardo. Ang apelyidong Mercado ay ginagamit lamang niya sa mga opisyal na dokumento tulad ng kanyang pasaporte.)Nang panahong iyon, ang Ateneo ay kinikilalang isang paaralang may makabagong pamamaraan ng pagututuro. Ang mga mag-aaral na nakatira sa loob ng paaralan ay tinatawag na emperyo ng Romano samantalang ang mga pangkat na sa labas ng paaralan naninirahan ay tinatawag na emperyo ng Kartigano. Ang mga pinakamarunong sa bawat emperyo ang ginagawang emperador. Makalipas lamang ang isang buwan ay naging emperador na si Jose ngunit bago siya naging emperador ay nalagay muna siya sa pinakahuling hanay ng emperyo sapagkat noon ay may kahinaan pa siya sa wikang Kastila. Upang matuto siyang mabuti ng Kastila ay nagsasadya siya sa Dalubhasaan ng Santa Isabel tuwing reses upang mag-aral ng wikang Kastila.Sa simula ng kanyang pag-aaral ay itinira siya sa tahanan ng isang matandang dalagang nagngangalang Titay na may pagkakautang sa kanyang mga magulang ng tatalong daang dolyar. Ang ina ni Titay ay may sira sa isip ngunit hindi naman nananakit. May mga mestisong Kastila ring nangangasera roon. Nang sumunod na taon ay inilipat siya ng tirahan sa pangaserahan ni Donya Pepay, isang biyuda.Mula sa Ateneo, si Pari Jose Bech ang unang propesor niya. Ang propesor na ito ay payat, matangkad, hukot ng kaunti at matigas ang mukha. Ang paring ito ay sumpungin, kung minsay parang bata at kung minsay agad namang nagagalit sa mga ksamahan.Minsay nasugatan ang damdamin ni Jose sa isa niyang propesor na nagbitiw sa kanya ng di kanais-nais na pananalita. Dahil dito ay parang nawalan siya ng sigla sa pag-aaral noong ikalawang semestre. Nagtamo siya ng mga marakang sobresaliente sa lahat ng asignatura ngunit hindi naman siya nakatanggap ng anumang gantimpala at pagkilala. Bumalik siya sa Calamba pang magbakasyon. Lingid sa akala ay dumalaw siya sa kanyang ina na nooy nakabilanggo sa Sta. Cruz.Bago lumuwas si Jose upang mag-aral sa Ateneo ay nagkaroon ng suliraning pampamila ang kanyang Tiyo Jose Alberto. Idinawit ng kanyang asawa ang kanyang ina sa sumbong.Matapos ang bakasyon ay bumalik na muli si Jose sa Maynila. Ikalawang taon na niya noon sa Ateneo, (1873-1874). Itinanghal na naman siyang emperador sa kinabibilangan niyang pangkat. Nang matapos ang taon ay nagtamo siya ng marakang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Pinagkalooban siya ng medalyang ginto. Dahil sa labis-labis ang kanyang kagalakan at umuwi siyang taglay ang tagumpay noong Marso, 1874.Ang nalalabing mga araw nng kanyang pagbabakasyon, ginugol niya sa pagbabasa upang malibang.Binasa niya ang nobelang The Count of Monte Cristo na isinulat ni Alexander Dumas. Nakintal sa kanyang isip ang karanasan ng pangunahing tauhan na si Edmond Dantes na nabilanggo ng mahabang panahon at di nabigyan ng makatarungang paglilitis. Ito ay nakatakas at napadpad sa Isla ng Monte Cristo. Nakakuha siya roon ng nakabaon na yaman at ginamit niya niya ang mga bagay na ito upang makapaghiganti. Nabasa rin niya ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor, isang Alemanyang siyentipiko na bumisita sa Pilipinas noong 1859-1860. Sa obserbasyon ng may-akda, nabanggit niya na may pagkukulang ang Espanya sa kolonisasyon nito sa Pilipinas. Sinabi rin niya na darating ang araw na mawawala sa Espanya sa Pilipinas at papalit ang Amerika bilang kolonisador.Ikatlong taon na nuon sa Ateneo ni Rizal ng maging panauhin sa Calamba ang Gobernador Heneral. May bilang na pagsayaw ang palatuntunan para aliwin ang mga panauhin. Ang isa sa mga sumasayaw ay si Soledad na kapatid ni Jose. Nang matapos ang pagsasayaw ni Soledad ay kinalong ito ng Gobernador Heneral at itinanong kung ano ang nais niyang gantimpala. Hiniling ni Soledad na palayain ang kanyang ina. Ipinagkaloob ng Gobernador Heneral ang kahilingang ito. Ipinakilala lamang ng pangyayaring ito ang katunayan na marupok ang batayan ng katarungan sa Pilipinas noong panahong iyon dala ng mga pangyayari.Ipinasok si Jose bilang interno, bago natapos ang ikatlong taon sa kanyang pag-aaral sa Ateneo, sapagkat napakagulo sa pangaserahan ni Donya Pepay. Dito naging tahimik ang kanyang buhay at naiukol niyang mabuti ang panahon sa pag-aaral sapgkat walang mga ingay na gumagambala sa kanya. Naging paborito niyang propesor si Pari P. Francisco de Paula Sanchez, na noon ay 26 na taong gulang, bagamat malungkutin ay inilarawan ni Jose na isang modelo ng katuwiran. Hinikayat ni P. Sanchez si Jose na pagbutihin ang pagsulat. Siya ang ngaing mapanuring kritiko ni Jose sa larangan ng panitikan.Sa pagtatapos niya sa ikaapat na taon sa Ateneo ay nagtamo siya ng pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura at tumanggap pa siya ng limang medalyang ginto ng karangalan. Di dapat makaligtaan na hinangaan ng mga Paring Heswita ang kakayahan ni Rizal sa paglilok sa imahen ng Birheng Maria sa kahoy na batikuling. Hinilingan si Rizal na ipaglilok sila ng Sagrado Corazon de Jesus. Si Romualdo de Jesus ang naging guro niya sa paglilok. Ang propesor naman niya sa solfeggio sa pagguhit at pagpipinta ay si Don Agustin Saez.Masabing higit na tagumpay ang mga huling taon ni Rizal sa Ateneo (1876-1877). Siya ang nagtamo nang pinakamataan na karangalan sa pagtatapos niya sa Bachiller en Artes sa kabila ng pangyayaring binawas niya ang panahong ginugol sa pag-aaral sapagkat inuukol naman niya sa gawain para sa kinabibilangan niyang mga samahan, katulad ng Congregacion Mariane, Akademya ng Panitikang Kastila at Katutubong Agham (Ciencia Natural). Hindi niya itinigil ang pagsusulat ng mga tula at gayon din ang pagguhit sa ilalim ni gurong Don Agustin Saez, isang bantog na pintor at gayundin sa pangangalaga ng gurong si Romualdo de Jesus. Ang nililok niyang mga imahen ng Mahal na Birhen at Sagrado Corazon na nakalimutang dalhin ni Pari Leonart ay inilagay sa itaas ng pinto ng dormitoryo ng Ateneo at namalagi roon ng maraming mga taon tanda ng pagpapahalaga sa pinakadakilang estudyante ng Ateneo.Ang mga tulang naisulat niya sa Ateneo samantalang nag-aaral ay ang mga sumusunod:1. Maligayang Bati (Felicitation) Itoy isinulat niya para sa bayaw niyang si Antonio Lopez sa kahilingan ng kanyang kapatid na sa Narcissa2. Ang Pagsakay: Imno sa Hukbo g mga Pandigmang-Dagat ni Magallanes (El Embarque: a La Flota de Magalleanes)3. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang kilabot ng Jolo (El Combanta, Urbiztondo, Terror de Jolo)4. Ang unang makaligid sa daigdig at kastilang si El Combanta Espanol: El Cano, El Primero ed dar La Vuelta al Mundo)5. Ang kasawian ni San Eustaquio6. Isang alaala sa Aking bayan (Un Recuerdo a Mi Puebro)7. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon8. Sa pamamagitan ng Edukasyon ay tumanggap ng Liwanag ang Bayan9. Ang kabayanihan ni Columbus10. Si Colon at si Juan II (Colon y Juan II)11. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian12. Ang Pakikipag-usap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaralSa Gulang na labing-anim na taon nagtapos si Rizal ng pag-aaral sa Ateneo. At noong Marso 23, 1877, natamo niya ang katibayan sa bachiller en artes na may pinakamataas na karangalan, nagkamit din siya ng limang medalyang ginto bilang gantimpala sa kanyang kahusayan sa ibat ibang asignatura.Noong panahon ng Kastila, ang Bachiller en Artes ay katumbas ng paaralang sekundarya at mga unang taon ng kolehiyo. Ito ay isang kwalipikasyon upang makakuha ng kurso sa unibersidad. Nais ni Don Francisco at ni Paciano na ituloy ni Jose ang kanyang pag-aaral sa unibersidad. Tutol si Donya Teodora at nasabi sa kanyang asawa na marami na siyang alam at kung mas marami pa ang kanyang malalaman, tiyak na mapupugutan na siya ng ulo.Kapa nagpatuloy ng pag-aaral si Jose, tataas ang pinag-aralan niya. Noon, ang mga may mataas na pinag-aralan ay ituturing na kaaway ng mga nasa puwesto.Sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-1882)Nagpatala si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong Abril, 1877. Sa unang taon ay nag-aral siya ng Pilosopiya bilang pagsunod sa kagustuhan ng kanyang ama. Lumipat siya ng kurso sa Medisina nang sumapit ang taong aralang 1878-1879 bilang pagtalima naman sa payo ng rector ng Ateneo. Gusto rin niya ang kursong ito upang magamot ang nanlalabong paningin ng kanyang ina. Kasabay sa pagtuklas niya ng ng karunungan sa panggagamot ay nag-aral siya ng pagiging agrimensor sa kinagigiliwan niyang paaralan sa Ateneo.Matagumpay siyang nakapasa sa pagususlit sa pagka-agrimensor noong siyay labimpitong taong gulang lamang ngunit hindi niya kaagad nakuha ang kanyang titulo dahil sa siyay lubang bata pa.Samantalang nag-aarala siya sa Santo Tomas ay madalas din siyang magsasadya sa Ateneo dahil sa kanyang mga paglahok sa kilusang panrelihiyon at pampanitikan na pinamamahalaan ng mga samahang kinaaniban niya. Naging kasiya-siya sa kanya ang malimit na pagpunta sa Ateneo sapagkat ang mga propesor dito ay higit na magigiliw at matutulungin sa kanya.Sa gulang na labing-ani ay nadama na ni Rizal ang unang pag-ibig. Ang dalagitang si Segunda Katigbak, taga-Lipa, Batangas ang nakapagpatibok ng kanyang puso. Minsan ay dumalaw si Rizal sa kanyang lola sa Troso, Maynila noong Disyembre, 1877. Maraming panauhin ang kanyang lola at isa nga rito si Segunda Katigbak. Lubha siyang nahalina sa kagandahan ng dalaga.Si Rizal ay kilala ng karamihan sa mga panauhin na mahusay gumuhit na larawan kayat nahilingan si Rizal na iguhit ang larawan ni Segunda. Pinaunlakan niya ng buong kasiyahan at ninging ang kahilingan at iyon ang naging daan ng kanilang magandang pagkikilala. Naging madalas ang pagdalaw ni Rizal sa Kolehiyo ng La Concordia na tinitirahan ni Segunda bilang interna. Kasama roon ni Segunda si Olimpia na nakatatandang kapatid ni Rizal na doon din nag-aaral.Ang kabiguan sa pag-ibig ni Rizal ay naranasan niya sapagkat si Segunda ay ikakasal na pala sa amain niton si Miguel Luz. Habang silay nag-uulayaw ay naramdaman niya ang kabiguan sa pag-ibig.Ipinabatid niya kay Segunda noong siyay nagpapaalam na aabangan niya ito sa kahuli-hulihang pagdaan sa Calamba. Ngunit dahil sa masaang panahon ng araw ng pag-alis ng dalagita ay naiba ang daraaanan ng bapor na sinasakyan nito kayat hindi na dumaong sa Calamba. Dali-daling sumakay ng kabayo si Rizal upang makarating sa pook na kinaroroonan ni Segunda. Inabangan niya ang pagdaraan ng kalesang kinalululanan nito matapos makadaong ang bapor. Nakita niya ang dalagang ikinakaway ang isang panyong puti at nakangiti sa kanya. Inangat niya ang kanyang sombrero bilang pagpupugay at pagmamahal. Ang tanging naiwan sa kanyay ang alaala ng una at mahiyaing pag-ibig. Nang sumapit ang pangalawang taon niya sa UST ay nangasera siya sa bahay ni Donya Concha sa Intramuros at dito niya nakilala ang kanilang kapitbahay na dalagang si Leonor. Si Leonor ay anak nina Kapitan Juan at Kapitan Sanday Valenzuela. Nagkaibigan sila at tinuruan ang dalaga ng isang paraan ng pagsulat. Itoy ang paggamit ng asin at tubig kundi isasalab sa apoy ang papel ay hindi mababasa at makikita ang nakasulat. Hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagturingan silang magkaibigan na lamang.Pagkatapos ng karanasan ni Rizal sa pag-ibig ay may sumunod na pangyayaring naging lubhang mahalaga at makabuluhan sa kanyang buhay. Itos ng matira siya sa bahay pangaserahan ng isang pinsan ng kanyang mga magulang, sa kanyang Tiyo Antonio Rivera. Dito niya nakilala ang kaakit-akit at mahinhing anak nito na si Leonor. Lubusang nabihag ng kagandahan ni Leonor ang pihikang puso ni Rizal.Isang araw ay nasugatan si Rizal dahil sa pakikipag-away sa mga mag-aaral na Kastila at mestisong Kastila. Siya ang pinakalider ng mga mag-aaral na Pilipino. Pinagtulung-tulungan siya ng mga kaaway kayat dumugo ang kanyang ulo. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang tinitirahan. Ang pagkakataong ito ang naglapit sa kanilang dalawa ni Leonor. Ang dalagitang si Leonor ang nagyaman ng kanyang mga sugat at nadama niya ang mapagpalang haplos ng malalambot na mga kamay nito. Ninais niya n asanay magtagal ang paggaling ng kanyag mga sugat upang lagi niyang madama ang mapagpalang kamay ni Leonor.Hindi nag-atubiling magpahayag ng damdamin ng pag-ibig si Rizal kay Leonor sapagkat marubdob ang damdaming nadarama niya sa dalaga. Silay nagkakaunawaan ngunit ang kanilang pag-iibigan ay lingid sa kaalaman ng mga magulang ng dalagita. Ginamit ni Leonor ang lagdang Taimis sa kanyang mga sulat kay Rizal.Sa bakasyon ng unang taon ni Jose sa Santo Tomas, nagbalik siya ng Calamba. Isang madilim na gabi noong 1878, hindi niya napansin ang isang lalaking nadaanan niya sa kanyang paglalakad sa kalsada ay isa palang tenyente ng Guardia Civiles. Nagalit ang tenyente at hinampas niya ng kanyang espada ang likuran ni Jose.Nagpunta siya sa Kapitan-Heneral, na noon ay si Gob. Hen. Primo de Rivera. Ngunit hindi niya natamo ang katarungan. Sa loob ng dalawang lingo, gumaling din ang kanyang mga sugat.Taong 1879, nagkaroon ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario de Manila. Si Jose, na noon ay 18 na taong gulang, ay nagpasa ng kanyang tulang pinamagatang A La Juventud Filipina (Para sa Kabataan Pilipino). Naipakita niya sa mga kabataang mag-aaral ang kanilang kahalagahan bilang pag-asa ng bayan. Sa tulang ito unang naipakilala ang kanyang kaisipan tungkol sa Pilipinas bilang isang bansang iba sa Espanya.Nang sumunod na taon (1889), nagkaroon ng panibagong patimpalak sa panitikan para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes, dakilang Espanyol at manunulat ng Don Quixote. Maraming sumali, kapwa katutubo at Espanyol, may mga pari, mamamahayag at mga propesor. Isinumite ni Jose ang dulang alegorikal na mag pamagat na El Consejo de Dioses (Ang Sanggunian ng mga Diyos)Paliwanag:Ilang tala Ukol sa Sanggunian ng mga DiyosesAng dulang ito ay pinamagatang El Consejo de los Dioses ang nagtamo ng unang gantimpala sa isang timpalak-pamapanitikang idinaos ng Liceo Artistico-Literario noong 1880. Ito ay bilang paggunita sa ika-4 na sentenaryong anibersaryo ng pagkamatay ni Miguel Cervantes de Saavedra, isang Kastilang napabantog sa daigdig dahil sa kanyang Don Quixote de la Mancha. Sa timpalak na ito, pinahintulutang sumali ang lahat, maging Indio (Pilipino) o Kastila. Nang maipahayag ang nanalo ng unang gantimpala, matinding pagtutol ang ipinakita ng mga manonood, sapagkat isang Indio ang nagwagi, na wala iba kundi si Jose Rizal.Ang talinghaga o alegoryang ito ay nasa anyong tuluyan. Sa simula ay makikitang nakaupo si Jupiter sa kanyang tronong ginto hawak ang kanyang setro na yari sa kahoy na sipres. Sa gawing kanan niya ay si Juno, na may kumikinang na putong sa ulo at isang pabo real. Sa dakong kaliwa naman ay si Minerva, ang paham sa karunungan, anak at tagapayo ni Jupiter, na napapalamutian ng kanyang mga salakot at ng kanyang mga kalasag at sibat. Naroon din si Saturno na nakatalungko. Si Venus naman ay nakahilig sa puno ng rosas na naglalambing sa pag-ibig (kay Cupido). Si Apolo ay kumakalabit sa kanyang lirang ginto at garing, at nakikipaglaro sa walong Paraluman. Sina Marte, Belona, Alcides at Momo ay pabilog na nakapaligid. Sa dakong likuran nina Jupiter ay sina Hebe at Ganimedes. Sa dakong likuran ang Katarungan at nakaupo sa trono.Pagkaraang magsayaw ang mga musa, nimpas, nayades at mga ondinas, dumarating si Mercurio upang ipaalam kay Jupiter na hindi makararating sina Neptuno at kanyang pulutong dahil binabantayan nila ang mga dagat.Nagsipag-inuman naman ang mga diyoses ng inuming pangwalang kamatayan. Nagpasya si Jupiter na magkaroon ng isang pagdiriwang dahil hindi naakyat ng mga palalong anak ng Lpa ang Olimpo nang mapagpatung-patong nila ang mga bundok. Nabaon ang ilang tao sa naglalagablab na Etna.Isang timpalak-panitik ang idaraos ni Jupiter sa sinumang taong-lupa na karapat-dapat magtamo ng mga gantimpala. Ihahandog niya ang tambuli ng mga mandirigma na yari sa metal na si Vulcano lamang ang nakakaalam; isang lira na yari sag into at garing na gawa rin ni Vulcano ngunit ang kwerdas ay gawa ng mga Paraluman; at isang laurel sa kanyang korona na ginawa ng mga Gracias (tatlong magkakapatid na babaing magaganda at mapagbigay ng kabutihan)Buong kapalaluang binanggit ni Juno si Homero, na sumulat ng Iliada at ng Odisea. Tumutol naman si Venus. Para sa kanya, higit na karapat-dapat si Virgilio, ang umawit ng tungkol sa tagumpay ni Eneas. Si Eneas ay mas dakila raw kaysa sa magagaliting si Akiles (bayani sa aklat ni Homer). Nanunudyo pang sumalungat si Momo, ang pilantod. Nayamot si Juno.Nagsalita naman si Minerva. Ipinaalala niya ang maipagmamalaking si Cervantes ng Espanya, ang may-akda ng walang kamatayang Don Quijote.Si Cervantes ang nagwawasto sa kamlian nang hindi nagbububo ng dugo at namatay sa gitna ng karalitaan. Sumang-ayon si Apolo kay Minerva ngunit hindi naman si Marte, na tagahanga ni Venus. Ipinagtanggol ni Minerva si Cervantes ngunit minaliit naman niya si Marte dahil sa pagkakasugat nito sa isang pangkaraniwang tao.Nilapitan ni Belona si Marte at nakahanda siyang tumulong. Tumabi naman si Apolo kay Minerva at humanda sa pagtudla. Nagimbal ang Olimpo na waring guguho na. Galit na pinatigil ni Jupiter sina Minerva, Apolo, Marte at Belona.Tinapos ni Jupiter ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtawag kay Katarungan. Tinimbang ni Katarungan ang mga aklat na di kumikiling kaninuman. Inilagay ni Mercurio sa mga pinggan ng timbangan ang Eneida ni Virgilio at Quijote ni Cervantes. Lumabas na magkasimbigat sila. Gayundin ang Iliada ni Homer sa aklat ni Cervantes.Napagpasyahan ni Jupiter na ibigay kay Homero ang tambuli, kay Virgilio ang kudyapi at kay Cervantes ang laurel na korona. Pagkaraang magsipagsayaw ang mga Paraluman, ang mga Nimpas at Nayadas at gayundin mapatugtog ang mga instrument gaya ng kudyapi, plauta, tambuli at korneta, nagsipagtabi ang mga diyoses at mga dioyosas sa magkabilang panig ng dulaan.Ilang bagay ukol sa katauhan ng mga diyoses at diyosas: Jupiter, ang kinikilalang makapangyarihan sa lahat, sa Olimpo o kalangitan at gayundin sa lupa Juno, isang diyosang Romano na asawa ni Jupiter Palas o Minerva, ang diyosa ng karunungan Saturno, ang ipinanalagay ng Romanong tagapag-ingat ng mga binhi Venus, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan Cupido, ang diyos ng pag-ibig, na kinakatawan ng isang batang may pakpak, may dalang busog at pana Mga Paraluman, sa wikang Tagalog at Musas naman sa Kastila ay mga anak ni Jupiter kay Mnemosina, diyosa ng mga alaala Mercurio, ang utusang kapalagayang-loob ni Jupiter na may pakpak sa mga sapatos kaya mabilis Neptuno, diyos ng karagatan Vulcano, tagagawa ni Jupiter ng mga kasangkapan niyang panumpa o pandigma, na gaya ng kidlat at lintik Hebe, isa sa mga pangalawan diyos-diyosan Ganimedes, isa rin sa mga pangalawang diyos-diyosan na tagpag-alaga ng mga agila at iba pang mga hayop na may pakpak Momo, diyos ng katatawanan Marte, diyos ng digma Belona, kaibigan at kakampi na Marten a mandirigma rin Katarungan, diyosang may piring at may dalang timabangan at espadang mahaba at matalim. Tungkulin niyang magbigay ng hatol sa anumang usapin Ondinas, mga babaing namumuhat rin, naglalaro at nagsasayaw sa mga tubigan Nimpas, mga magagandang babaing tagagubat na nagsasayaw at naglalarong parang mga bata sa kabukiran, sa mga palanas at iba pa. May mga korona silang bulaklak Nayades, mga babaing singaw sa mga tubiganAng mga inampalan, na binubuo ng mga Kastila ay nagkaroon ng masusing pagsusuri sa mga lahok. Nang banggitin kung anong gawa ang nanalo, nagkaroo ng matunog na palakpakan; ngunit nang sabihin ang pangalan ng sumulat at isa itong Indio, nawala ang palakpakan. Sa kabila ng mga pagtutol, ibinigay pa rin kay Jose ang gantimpala isang gintong singsing na may nakaukit na mukha ni Cervantes. Nagkamit ng ikalawang karangalan ang isang Kastilang manunulat, si D.N. Del Puzo. Nagalak si Jose sa kanyang pagkapanalo sapagkat napatunayan niyang di totoong mga Kastila lamang ang nakahihigit sa anumang larangan.Bagaman nag-aaral ng medisina si Jose, nakasulat par rin siya ng mga tula at isang sarswela. Noong 1879, sinulat niya ang tulang Abd-el-Azis y Mahoma, na binigkas ng isang Atenista, si Manuel Fernandez, noong gabi ng Disyembre 8 bilang parangal sa Immaculada Concepcion, patron ng Ateneo.Noong taon ding iyon, sinulat niya ang isang sonatang pinamagatang A Filipinas, para sa Samahan ng mga Iskultor. Dito, hinikayat ni Jose ang mga artistang Pilipino ng magbigay-dangal sa Pilipinas.Noong 1881, nalikha niya ang isang tulang pinamagatang A1 M.R.P. Pablo Ramon, nanagpapahalaga sa kabutihang ipinapakita ng nasabing rektor ng Ateneo.Madalas napapaaway ang mga estudyanteng Pilipino sa mga estudyanteng Kastila. Iniinsulto sila sa tawag na Indio, chongo!. Tinatawag naman nilang Kastila, bangus! ang mga nakakalaban. Nakakasama rin si Jose sa mga pag-aaway na ito, na kung saan ginagamit niya ang kaalaman sa pag-eeskrima at wrestling (Pagbubuno).Noong 1880, itinatag niya ang isang lihim sa samahan ng mga estudyanteng Pilipino at tinawag ang grupong Compaerismo (Pagsasamahan), at ang mga kasapi naman ay tinawag na Kasama ni Jehu, na batay sa ngalan ng isang heneral na Ebreo na nakipaglaban sa mga Arminiano. Si Jose ang pinuno ng samahan, at ang pinsan niyang si Galiano Apacible ang kalihim.Sa isang labanan na nangyari sa may Escolta sa Maynila, nasugatan ang ulo ni Jose. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang pinangangaserahang bahay, ang Casa Tomasina na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Antonio Rivera, ama ni Leonor. Ginamot ni Leonor ang kanyang mga sugat.Pasyang Mangibang-BayanAng paglisan ni Jose patungong Madrid ay matagal nang nabuo sa kanyang isipan. Tatapusin na lamang niya ang kursong Medisina sa Madrid. Sinuportahan naman ito ni Paciano at ng Ama ni Leonor.Maraming dahilang kung bakit nais niyang sa Europa tapusin ang pag-aaral. Una, hindi nga siya gusto at di-masiyahan sa pamamaraan ng pagtuturo sa U.S.T. Ikalawa, ibig niyang makapagdalubhasang mabuti sa medisina upang mapagaling ang mata ng kanyang ina. Ikatlo, may hangarin siyang masaksihan at mapag-aralan ang katayuan ng kanyang bayan sa mga bayan sa Europa. Gusto niyang mapag-aralan ang mga dahilan ng kanser na lumalaganap sa ibat ibang larangan ng buhay dito sa Pilipinas at pagkatapos ay iisip siya ng paraan kung papaano ipababatid sa bansa at sa pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin sa Pilipinas. Sa kanyang palagay, sa ganyang paraan giginhawa at lalaya ang mga mamamayan.Ang pag-alis ni Jose ay ginawa niyang lihim. Ang pasaporte niyay nasa pangalang Jose Mercado. Hindi niya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina, dahil batid nitong hindi siya papayagan. Hindi nais ng kanyang ina na malayo sa kanyang mga anak. Subalit nabanggit niya ang kanyang plano kay Paciano, sa kanyang Tiyo Antonio Rivera, sa mga kapatid na sina Neneng at Lucia, sa mag-anak na Valenzuela (Kapitan Juan at Kapitana Sanday at kanilang anak na si Orang), kay Pedro Paterno, sa kanyang kumpareng si Mateo Evangelista, sa mga paring Heswita ng Ateneo, at ilang malalapit na kaibigan gaya ni Chengoy (Jose M. Cecilio).Sa Paciano na may sariling lupang ari-arian at kumikita na, ang siyang nagbayad ng pasahe ni Jose at nangakong magbibigay ng buwanang sustento. Ang ilang malalapit na kaibigan ni Jose ang naglakad ng pasaporte niya. Ang mga Heswitang pari ay nagpadala ng lihan ng rekomendasyon sa mga miyembro ng kanilang kapisanan sa Barcelona.Nakagawa pa si Jose ng liham ng pamamaalam sa kanyang mga magulang na nagpapahayag ng kanyang paghingin ng tawad bung ng paglilihim niya sa kanila. Sa kasintahan niyang si Leonor Rivera nakapag-iwan siya ng isang maikling tula na naglalaman ng kanyang pamamaalam.

ANG BITAG SA IKALAWANG PAGLALAKBAY NI RIZAL SA PILIPINASNoong tanghali ng araw ng Linggo, ika-26 ng Hunyo, 1892 bumalik sa Pilipinas si Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Ang unang pag-uwi niya ay noong 1887. Isinalaysay ni Rizal ang mga pangyayari sa kanyang talaarawan, ang mga ginawa buhat ng siyay dumating sa siyudad hanggang ipatapon siya sa Dapitan. Walang nakapigil kay Rizal sa kabila ng mga paalalang ginawa ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak ay hindi rin siya napigilan sa muling paglalakbay pabalik sa Pilipinas. Itinalaga na niya ang kanyang sarili sa anumang mangyayari.Sa kanyang talumpating binitiwan sa kanyang mga kababayan sa Europa, sinabi niya ang ganito Ang labanan ay nasa Pilipinas at wala sa Madrid. Doon tayo magtagpo-tagpo, magtulungan, sama-samang makibaka at magdusa alang-alang sa kapakanan ng ating bayan.Ang layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas ay upang: (1) Malaman kung maari pang magbago ang pasya ni Gob. Hen. Despujol tungkol sa kanyang proyekto sa Borneo (Borneo Colonization Project); (2) itatag ang samahang La Liga Filipina; (3) Harapin ang mga maykapangyarihan dahil sa mga paratang sa kanya at tuloy matigil na ang pagpaparusa sa kanyang pamilya at kababayan.Sa kanyang pagdating sa Maynila, isang pangkat ng mga kawal, aniya, kasama ang ilang pinuno ng guwardiya sibil ang sumalubong sa kanya sa piyer; sa Hotel de Oriente siya nagtuloy, pinakamabuting Hotel sa Maynila ng panahong iyon. Kinahapunan nang arawa din iyon, saiyay nagtungo sa Malacaang upang makipanayam sa Gobernador-Heneral Eulogio Despujol tungkol sa kaso ng kanyang pamilya at tungkol sa plano na magtatag ng kolonya sa Borneo. Matapos ang ilang ulit na pakikipanayam sa Gobernador-Heneral ay pumayag din na bawiin ang parusang pagpapatapon sa kanyang ama at mga kapatid na babae, ngunit hindi ang sa kanyang kapatid na lalake (si Paciano) at si Ubaldo na kanyang bayaw. Ngunit sa kanyang pakikipanayam noong ika-6 ng Hulyo, 1892 ay naiba ang desisyon ng Gobernador-Heneral. Nang tanungin siya kung may plano sa siyang bumalik sa Hongkong at tinugon niya ito ng pagsang-ayon, ipinaalam ng Gobernador-Heneral na may natagpuang mga polyeto sa mga dala-dalahan niya. Ang tinutukoy ay ang limang babasahin na may pamagat na Pobres Frailes na gawa ni Fr. Jacinto at nalimbag sa Imprenta de las Amigos del Pais Manila. Ayon kay Craig ay napasama sa ibang mga walang kabuluhang papel na nadampot ni Lucia sa tahanan ni Jose Maria Basa at sama-samang nilukamot at isiniksik sa punda ng kanyang unan na ginamit niya sa bapor. Ngunit may kutob si Rizal na sa Maynila na inilagay ng mga kaaway ang mga babasahing ito. Ito ang nakapagwakas sa kanyang kalayaan. Dahil sa mga polyetong ito ay iniutos ni Despujol na ikulong si Rizal sa Fuerza de Santiago ng walang paglilitis hanggang sa ipatapon sa Dapitan. Ngunit bago naipatapon ay naitatag na ni Rizal ang La Liga Filipina.Pagkakatatag ng mga Liga FilipinaPagkatapos ng isang linggo nang siyay dumating sa Maynila, itinatag ang La Liga Filipina. Noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Kinagabihan ng pakikipanayam ni Rizal kay Gobernador Heneral Despujol. Sa bahay ni Doroteo Ongjungco, Ilaya Street, Tondo, Manila. Ayon kay Craig, ang balak ay iminungkahi ng isang kasapi ng masong Kastila at ang nagpanukala ay si Jose Maria Basa. Ang La Liga Filipina ay pansibikong samahan ng mga Filipino na naglalayon ng pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Ang saligang batas nito ay kanyang sinulat sa Hongkong. Ang ilang sa mga naroon ay sina:Pedro Serrano Laktaw -Panday PiraDomingo Franco -Felipe LealJose A. Ramos -SocorroAmbrosio Salvador -GobernadorcilloBonifacio Salvador -GobernadorcilloBonifacio Arevalo -HuremAmbrosio Flores -MusaMoise Salvador -ArawFaustino Villaruel -IlawNumeriano Adriano -IpilAndres Bonifacio -May Pag-asaApolinario Mabini -KatabayDeodato ArellanoAgustin de la RosaMariano CrisostomoEstanislao LegaspiTeodoro PlataJuan ZuluetaLuis Villareal

Ang mga nahalal na opisyales ay sina: Ambrosio Salvador, pangulo-isang mason at gobernadorcillo ng Quiapo; Deodato Arellano, kalihim; Bonifacio Arevallo, Ingat-yaman; at Agustin dela Rosa, Fiscal.

Layunin ng La Liga Filipina1. Pagbuklurin ang buong bansa sa isang solidong kapulungan2. Pagtutulungan sa bawat pangangailangan at kagipitan3. Pagdadamayan sa lahat ng uri ng pagmamalabis at kawalang katarungan, pagpapasigla sa edukasyon, agrikultura at pangangalakal.4. Pag-aaral at pagpupunyaging makamtan ang kahilingang pagbabagoAng sagisag o motto ng La Liga Filipina ay Isay katulad ng lahat (Unus Instar Omnium)Pagdakip kay RizalSa pakikipanayam ni Rizal kay Gob. Hen. Despujol ay nabigla na lamang siya nang siyay ipadakip noong Hulyo 7, 1892 at ipatapon sa isang pulo sa timog. Siyay inilulan sa isang karwahe at inihatid sa isang piitan sa Fort Santiago. Tinigil siya rito hanggang noong ika-15 ng Hulyo. Nang umaga ng araw ring iyon, lihimyang isinakay sa bapor Cebu papuntang Dapitan, isang ilang na bayan ng Zamboanga.Sa dekretong nilagdaan ni Despujol noon ika-7 ng Hulyo, 1892 ay isinaad ang mga sumusunod na kadahilanan sa pagpapatapon kay Rizal:1. Naglabas siya ng mga aklat at mga artikulo sa ibang bansa na tumutuligsa sa Inang Espanya pambabatikos sa katolisismo at mga prayle2. May natuklasan sa kanyang maleta nang lumunsad siyang galing Hongkong na mga babasahing may pamagat na Pobre Prailes (Ang kahabag-habag na mga Prayle)3. Ang kanyang pangalawang nobelang El Filibusterismo ay inihandog niya sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos at ipinalimbag pa sa pahina ng pamagat ang mga salitang wala nang nalalabing dapat gawin para sa kaligtasan ng Pilipinas kundi ang humiwalay sa Inang bayan4. Layunin ng kanyang mga gawain at sulatin ay upang mawalan ng pananampalataya ang mga Pilipino sa simbahang katolikoKasaysayan ng DapitanAng Dapitan ay isang bayan ng Zamboanga sa isla ng Mindanao. Sa liham ni Rizal kay Jose Maria Basa noong Disyembre 18, 1894, kaibigan niya sa Hongkong, sinasaad na: Ang bayan ng Dapitan ay mahirap. Ito ay malungkot at ilang na lugar.Ang pangalang Dapitan, ayon kay Rizal, ay nangangahulugang Tagpuan. Hango sa salitang bisaya na dapit, nangangahulugang Nag-aanyaya.Ang Dapitan ay natuklasan ng isang datu ng Bohol na si Lagubayan bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ayon sa tradisyon, si Lagubayan ay isang matatag at matapang na datu ng Bohol. Kasabayan niya sina Sikatuna at Sigala, ang magkapatid na datu rin ng Bohol.Isang araw, ang mga katutubong mandirigma ay minaltrato ang magandang kapatid ni Lagubayan na si Illison. Ikinagalit ito ni Lagubayan at hinikayat ang mga ibang kasamahan na lisanin ang lugar nila at manirahan sa ibang lupain kung saan ligtas sila sa masasamang kasamahan.Mahigit na 800 pamilya ang sumama kay Lagubayan. Sa pamumuno niya nilisan ang pook, sakay sila ng mga bangkang tinatawag na barangay.Pagkatapos ng ilang araw na paglalakbay, narating nila ang pampang na iyon sila nanirahan hanggang maging bayan ng Dapitan.Dumating ang mga Kastila sa Dapitan noong 1565. At nakipagkasundo si Lagubayan kay Miguel Lopez de Legaspi. Maraming Filipino ang hindi natuwa sa hindi paglaban ng mga taga-Dapitan sa nabanggit na dayuhang mananakop, ngunit naniniwala ang pangkat ng mga taong ito na mainam ang talikuran ang pakikihamok sa mga Kastila at makipagtulungan na lamang sa mga ito.Si Lagubayan at ang kanyang mga inapo ay nagpamalas ng hindi matatawarang paglilingkod at katapatan sa Espanya at sa pananampalatayang Katoliko.Ang kahanga-hangang simbaha ng St. James ang simbolo ng Kristiyanismo sa Dapitan. Ito ay itinayo ng mga paring Heswita noong 1883. Si St. James the Greater ang siyang patron ng Dapitan. Sa mga unang bahagi ng pananakop ng mga Kastila sa ating bansa, ang Dapitan ay paminsan-minsang sinasalakay ng mga pirating Moro. Itinayo ng mga paring Heswita ang simbahan ng St. James sa lungsod upang mapangalagaan ang mga Dapitano mula sa pananakop. At paglipas ng tatlong siglo, ang St. James ay patuloy na gumaganap ng mahalagang tungkulin sa buhay ngf mga Dapitanons.Pagpapatapon sa DapitanSakay ng barkong Cebu si Rizal patungong Dapitan. Nang ika-17 ng Hulyo, 1892. Narating nila ang Dapitan. Ito ang simula ng maraming taon niyang pagtitiis na mamuhay ng malayo sa mga mahal sa buhay.Umalis ang bapor sa ganap na ikaisa ng umaga, Hulyo 15. Sa isang mahusay na kamarote sa kubyerta tumigil si Rizal. Ang kanyang kamarote ay malapit sa kamarotehan ni Kapitan Delgras. May mga sakay din itong mga sundalong Kastila, para sa mga garrison sa Mindanao. May dalawang bilanggong militar na Kastila, isang sarhento at isang corporal, na parehong naka-kadena. Sa kanyang tala-arawan, inilarawan ni Rizal ang mga nangyari at nakikita sa barkong sinasakyan.Tumagal nang apat na taon ang pagkakatapon niya sa Dapitan. Si Padre Pablo Pastells, paring superyor ng Samahan ng mga Heswita sa Pilipinas ay lumiham kay Padre Antonio Obach, heswitang misyonero sa sa Dapitan. Ayon sa liham ay maaaring maniraha si Rizal sa kumbento kung susundin ang mga sumusunod na kundisyona. Babawiin niya ang kanyang mga sinabi laban sa mga pari at dapat niyang ipakita ang kanyang pagiging maka-Kastila at hindi siya sang-ayon sa rebulusyon.b. Dadalo sa mga rito ng simabahan at ikukumpisal niya ang lahat ng nakaraang pangyayari sa kanyang buhay.c. Kikilos siya katulad ng isang taong Kastila at isang taong relihiyoso.Hindi pumayag si Rizal sa mga kondisyon at tinanggihan ang pagtira sa kumbento kasama ni Padre Obach. Doon siya tumigil sa tahanan ng komandanteng tagapagbantay niya na si Kapitan Ricardo Carnicero.Buhay sa Dapitan 1892Buong buhay ni Rizal, napiakita ang kanyang talent sa pakikipagkaibigan hindi lang sa mga kababayan kundi pati sa mga Kastila, Intsik, Hapones, British, French, Aleman at ibang mga dayuhan. Ang kanyang katalinuhan, kakayahan sa pagsasalita ng ibat ibang lenguahe, kanyang kabaitan at pagkamaginoo si Rizal ay naging kahanga-hanga sa ibat ibang lahi.Samantalang naninirahan si Rizal sa bahay ng komandanteng si Kapitan Carnicero. Si Carnicero, na bata pa at noong mga panahong iyon ay binata pa, ay isang malayong pala-isip, isang bukas ang kaisipang tao na nagalak sa pagkakaroon ng isang bisitang kagaya ni Dr. Rizal. Nagin magkaibigan ang komandante at ang prisoner, kayat maganda ang ulat ng una tungkol kay Rizal. Bilang katibayan sa pagkakaibigan ng dalawa, lumikha si Rizal ng isang tulang handog niya sa kaarawan ng kapitan noong ika-26 ng Agosto, 1892. Ito ay may pamagat na A DON RICARDO CARNICERO.Dito napag-isipan ni Rizal na napapanahon na upang siya ay mamuhay na ng tahimik. Naging kapaki-pakinabang ang apat na taong pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan. Ginugol niya ang kanyang panahon sa ibat ibang proyektong makatutulong sa mga mamamayan mula sa Dapitan.Pagkaraan ng dalawang buwan niya sa pagdating sa Dapitan, pinalad siyang manalo sa loterya sa Maynila, ang tiket niya Blg. 9736 na nabili na kasama ni Kap. Carnicero at Francisco Edillor (isang Kastilang nakatira sa Dipolog, isang bayang malapit sa Dapitan) ang nanalo ng ikalawang premoyo na P20,000.Ipinagpatuloy niya ang mga gawaing pansining. Nagpinta siya sa langis ng magagandang kurtina sa simbahan. Naglilok din siya ng mga istatwa. Kabilang sa kanyang mga nililok ay ang Ang Aking Pamamahinga (My Retreat), Kay Josephine (To Josephine), at Ang Awit ng Manlalakbay (The Song of the Traveler).Pagkat isang manggagamot, siya ang nagbukas ng isang klinika para sa lahat ng uri ng tao, lalo sa mahihirap. Naging tanyag siya bilang isang siruhano sa Dapitan at sa buong Pilipinas. Ang kanyang ina at kapatid na si Maria ay dumating sa Dapitan noon Agosto, 1893. Sa pagkakataong ito isinagawa ni Rizal ang pagtitistis sa mata ng kanyang ina. Ang pagtitistis na ito ay matagumpay ngunit ang mga mata ay nagkaroon ng komplikasyon ng alisin ang benda ng kanyang ina, nang hindi nalalaman ni Rizal. Nasabi tuloy ni Rizal sa kanyang bayaw na si Hidalgo na nauunawaan na niya ngayon kung bakit hindi dapat gamutin ng isang duktor ang miyembro ng kanyang pamilya.Ang kanyang karanasan sa kanyang pagiging agrimensor ay nakatulong sa paggawa niya ng isang paraan para ang malinis na tubig sa bundok ay makarating sa bayan ng Dapitan sa pamamagitan ng mga kawayan. Noong Marso 1895, inumpisahan ni Rizal ang paggawa sa patubig. Sa panahong iyon si Padre Francisco de Paula Sanchez, ang paboritong guro sa Ateneo de Manila ay nasa Dapitan. Bukod dito, pinaganda rin niya ang liwasang-bayan. Pinuri at pinahahalagahan ang kakayahan ni Rizal sa inhinyeriya ni G.H.F. Cameron, isang inhinyerang Amerikano.Ayon kay Rizal, upang ang isang tao ay mabuhay ng marangal at matutong pangalagaan ang kanyang karapatan bilang tao ay pahalagahan ang edukasyon. Dahil dito ay nagtayo siya ng paaralan at ginanyak ang mga kabataang mag-aral. Labing-anim ang kanyang nagin estudyante. Bingiyang diin niya ang kabuluhan ng sipag at tiyaga, Ang mga aralin ay binubuo ng pagbasa, pagsulat, heograpiya, matematika, gawain industriyal, agham at mga wika tulad ng Ingles at Kastila. Kasama rin sa kurikulum ang pagpapalakas ng katawan katulad ng boksing, gymnastics, pamamangka at iba pa.Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Rizal sa Dapitan ay ang pag-aarala ng kalikasan. Ibat ibang hayop ang kanyang pinangalap at pinag-aralan. Nakatuklas si Rizal ng mga pambihirang espesimen na kinabitan ng kanyang pangalan. Ang mga itoy Draco Rizali (isang pambihirang tutubi) Asogonia Rizali (isang maliit na uwang) at Rhacophorus Rizali (pambihirang palaka).Sa nakalipas na tatlong taon, hindi sumulat si Rizal ng tula. Napansin ng kanyang ina ang pagiging abala. Hiniling ni Doa Teodora na igawa siya ng isang tula. Bilang tugon sa kanyang ina sinulat niya ang Mi Retro (My Retreat). Ipinadala sa Ina noong Oktubre 22, 1895. Ang tulang ito ay tungkol sa kanyang naging tahimik at payapang buhay sa Dapitan bilang isang bilanggo.Nagsaka si Rizal at nagnegosyo. Kumita siya bilang isang magsasaka at bilang isang mangangalakal. Si Ramon Carreon, isang negosyanteng taga-Dapitan, ang kanyang naging kasosyo. Ipinakita niya ang kanyang kasanayan bilang isang imbentor sa pamamagitan ng pagiimbento ng isang makinang kahoy na nakakagawa ng 6,000 tisa sa isang araw.Ang huling pag-ibig ni Rizal ay si Josephine Bracken, isang magandang Irish na taga Hongkong. Isinilang noon Okt. 3, 1876. Ang mga magulang niya ay sina James Bracken, isang corporal sa British Garrison at si Elizabeth Jane McBride. Sa batang edad siya ay naulila at lumaki sa pangangalaga ni George Taufer, isang Amerikanong inhinyero. Noong March 1895, dumating si Josephine at kanyang ama-amahan para ipagamot ang mata ng huli. Sinamahan sila ng isang Pilipinang nagngangalang Manuela Orlac. Sa unang kita pa lang ni Rizal ay nabighani na siya kay Josephine. Di naglaon a nagkaibigan ang dalawa. Nang balakin nila ang magpakasal sa simbahan tinanggihan ito ng kura ng Dapitan siya ay kailangan munang magbitiw sa masoneriya. Naisipan ni Rizal na isaayos na ang lahat sang-ayon sa batas ng simbahan. Lumiham siya sa Arsobispo ng Cebu upang humingi ng pahintulot na silay ikasal subalit hindi ito agad natugunan. Ikinasal nina Rizal at Josephine ang kanilang sarili sa harap ng Diyos at nagsama bilang mag-asawa. Naging maligaya ang pagsasama ng dalawa. Ngunit sa kasawian-palad, ang anak nila, isang lalaki, ay namatay tatlong oras pagkapanganak. Francisco ang ipinangalan sa sanggol, sunod sa pangalan ng ama ni Rizal. Ito ay iniliham ni Rizal sa kanyang ina noon Marso 12, 1896.Ang KatipunanKinagabihan ng ipatapon ni Gobernador Despujol si Rizal sa Dapitan noon ika-7 ng Hulyo, 1892, sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ay nagkaisa ang mga Pilipinong mag magkakatulad na paniniwala na magtatag ng Katipunan. Ginanap ang lihim na pagpupulong sa bahay ni Deodato Arellano sa Azcarraga St. (ngayon ay Claro M. Recto Avenue) Tondo, Maynila. Ilan sa mga dumalo ay sina Valentin Diaz, Teodoro Plata at Ladislao Diwa. Bumalangkas ng isang kapisanang ang layuniy (1) mabuklod ang mga Pilipino at (2) lumaban upang makamit ang kalayaan. Tinawag nila ang kapisanan na Anak ng Bayan o KKK o Katipunan. Lingid sa kaalaman ni Rizal ay ginamit ng lihim na samahang ito ang kanyang pangalan upang makakuha ng hgit na maraming kasapi.Si Emilio Jacinto na tinagurian Utak ng Katipunan at kinilala bilang si Pingkian ang tumayong kanang kamay ng dakilang Plebian na si Bonifacio.Pagdalaw ni Dr. Pio ValenzuelaNoong Hunyo 21, 1896, nang inakala ni Andres Bonifacio na handa na sila sa paghihimagsik, isinugo niya si Dr. Pio Valenzuela sa kay Rizal sa Dapitan upang hingin ang kanyang suporta. Nagsama pa si Dr. Valenzuela ng isang bulag upang mapagtakpan ang tunay niyang pakay kay Rizal.Ayon kay Dr. Valenzuela, nang mapagwari ni Rizal ang kabuuan ng kanyang balak ay malungkot niyang sinabi kay Pio ang hindi niya pagsang-ayon. Sapagkat alam niyang hindi pa handa ang buong bansa at kulang sila sa mga sandata. Sa inihando na tulong ng katipunan na siyay makatakas, tumanggi rin si Rizal dahilang nakapangako na siya na hindi siya tatakas at wala siyang balak na sumira sa kanyang salita. Ipinagtapat ni Rizal na siya ay may balak na pumunta sa Cuba bilang duktor ng hukbo upang sa gayon ay mapag-aralan niya ang mga bagay-bagay tungkol sa digmaan sa paraang praktikal. At kung dumating na ang araw, kung handa na ang mga Pilipino at mayroon nang sapat na gamit ay maaari nang ipagpatuloy ang pakikidigma.Muling Paglalakbay Sumulat ng dalawang beses si Rizal kay Gob. Hen. Blanco, tianggap ni Rizal ang kasagutan nitong huli na nagpapahintulot sa kanya sa pagtungo sa Cuba. Ang paglilingkod sa Cuba au iminungkahi ni Blumentritt. Mahigit na apat na taon na siyang hindi nakakapaglakbay kayat muli nanamang sumilay sa kanyang mukha ang kasiglahan. Nilisan ang Dapitan noong Hulyo 31, 1896 lulan ng bapor Espanya patungong Maynila, kasama ang asawang si Josephine, kapatid na si Narcisa at mga pamangkin. Ayaw na niyang abutin ng siya sa Pilipinas ng pagsisimula ng himagsikan. Kailangang abutan niya ang bapor Isla de Luzon patungong Espanya. Subalit nang siyay dumating sa Maynila noong Agosto 6, ang bapor na magdadala sa kanya sa Espanya ay nakaalis na. Kinakailangan pang maghintay siya ng ibang bapor na maghahatid sa kanya sa Espanya papuntang Cuba.Samantala, ang kilusang katipunan ay natuklasan ng mga Kastila noong ika-19 ng Agosto, 1896 sa pamamagitan ni Teodoro Patino. Ang mga katipunero ay nagsimula nang maghimagsik noong ika-13 ng Agosto, 1896. Lulan ng bapor de Panay si Rizal, umalis na sa Maynila. Sa naturang bapor ay binigyan siya ng isang sarili at napakabuting kamarote. Mahusay ang pakikitungo sa kanya ng kapitan ng bapor.Nang ang barkoy makarating na sa Singapore, si Rizal ay hinikayat nina Roxas at ng ilang pang mga Pilipino na lumunsad na sa bapor at tuimigil na lamang sa Singapore. Ngunit hindi ito pinakinggan ni Rizal dahil sa siyay nananalig sa magandang liham na ipinadala sa kanya ni Gob. Blanco. Hindi nagkabula ang hinala ni Roxas sapagkat noong Setyembre 30 siyay ginawang bilanggo sa barko ng kapitan ng Isla de Panay. Tinangka ding itakas ng mga Pilipino sa Europa si Rizal tulad nina Dr. Antonio Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng paghahain sa Punong Mahistrado ng Habeas Corpus ngunit walang nangyari. Sumapit sa Barcelona noong Oktubre 6 ang bapor at si Rizal ay ibinilanggo kapagdaka sa kastilyo ng Montjuich, bilangguang kuta ng lungsod. Kinahapunan ng araw ding iyon, si Rizal ay pinabalik sa Pilipinas lulan ng SS Colon, isang bapor militar. Noong Nobyembre 3, 1896 nakarating sa Maynila si Rizal at ipiniit sa Fort Santiago.Ang Paglilitis kay RizalNagkaroon ng isang masusing pagsisiyasat bilang pang-una sa pormal na paglilitis sa hukumang militar. Pinasimulan ang paglilitis kay Rizal noong ika-29 ng Nobyembre 1896. Ang pag-uusig ay ginampanan ni Koronel Francisco Oliva. Dalawang uri ng katibayan ang inilahad laban sa kanya: ang (1) sinumpaang pahayag at (2) katibayang dokumento. Sa paglilitis ang mga dating kasamahan ni Rizal ay nagpahayag ng laban sa kanya. Ilan sa mga ito ay sina Moises Salvador, Domingo Franco, Deodato Arellano, Ambrosio Salvador at Pio Valenzuela. Nakapinsala rin ng malaki ang mga artikulo, tula, liham at talumpati na nagpapatunay sa kanyang pagiging makabayan maging ang mga ito ay siya o ibang tao ang sumulat.Disyembre 7, 1896, ang usapin ay iniharap kay Huwes Nicolas dela Pea at inihayag ng huwes ang kanyang mungkahi:a. Ang nasasakdal ay kailangang maiharap sa paglilitis sa pinakamadaling panahonb. Si Rizal ay mananatili sa piitanc. Ang pagtatanggol ay gagampanan ng isang opisyal ng hukbong kastila at hindi ng isang manananggold. Magmulta siya ng halagang isang milyong pisoDisyembre 8, 1896, ang usapin ay ibinigay kay Piskal Enrique de Alcocer. Isang karapatan lamang ang ipinahintulot sa kanya, ito ay makapamili ng magiging tagapagtanggol. Sa listahang ibinigay sa kanya, ang kanyang pinili ang pangalan na nakapukaw sa kanyang pansin. At hindi siya nagkamali sapagkat si Tenyente Luis Taviel de Andrade ay kapatid ng naging tagapag-alaga niya na ibinigay ni Gobernador Terrero noon.Noong Disyembre 11, 1896 ang mga paratang ay binasa kay Rizal at sa kanyang tagapagtanggol. Siya ay inakusahan ng: (1) Pag-aalsa (2) Sedisyon at (3) Pagatatag ng illegal na samahan. Kinamakalawahan, ang usapin ay dinala kay Gobernador Camilo C. Polajeva at sinabing ang huling paglilitis ay sa Disyembre 26, 1896.Naghanda ng isang manipesto si Rizal para sa kanyang mga kababayan na humiling na itigil na nila ang kanilang paglaban. Ipinahayag pa niya rito ang kanyang pagtutol sa rebulusyon. Ngunit ang dokumentong ito ay hindi nakarating sa kamay ng mga Pilipino, sapagkat inakala ni Huwes dela Pea na itoy lalong makapagpapaalab sa pagnanasang lumaban.Bisperas ng Pasko ng ipahayag ng Huwes ang bubuo ng hukumang lilitis kay Rizal. Lubhang naging luksa ang pasko ni Rizal. Sumapit ang Disyembre 26, 1896 araw ng paglilitis. Sa Cuartel de Espanya naroroon ang bumubuo ng konsehong pandigma na siyang lilitis kay Rizal. Itoy pinangungunahan ni Tenyent Koronel Jose Togores Arjona (pangulo), Kapt. Santiago Izquierdo Osorio, Kapt. Braulio Rodriguez, Kapt. Ricardo Muoz Arias, Kapt. Manuel Diaz Escribano at Kapitan Fernando Perez Rodriguez. Ang tumayong piskal ay Enrique de Alcocer. Kabilang din doon sina Josephine Bracken at isang kapatid ni Rizal at maraming nais makasaksi sa paglilitis.Samantala naging mapayapa ang kalooban ni Rizal habang pinakikinggan niya ang napakahabang talumpati ni Enrique de Alcocer maliban na lamang noon narinig niyang sinabi ng piskal na siyay nananawagan sa katarungan, sa pagkaawa, sa damdaming bayan para sa mga asawa at mga nangulilang nagdadanas ng hirap dahil sa taksil na digmaan. Nangalugod ang mga Kastila nang hiniling ng piskal ang parusang kamatayan para kay Rizal.Si Luis Taviel ay nagpasimula ng magtanggol kay Rizal. Sa pamamagitan ng pagsasabing mahirap maunawaan ang usapin ni Rizal dahil sa damdaming laban sa nasasakdal. Winakasan niya ang kanyang pagsasalita sa pagsasabing Ang mga hukom ay hindi dapat maging mapaghiganti manapay dapat maging makatarungan. Naging mahusay ang pag-tatanggol ni Andrade. Ngunit ang kapalaran ni Rizal ay nakapinid na. Nang araw ding iyon, ibinaba ng hukuman ang kaparusahang siyay mahahatulang barilin. Ang usapin ay muling iniharap kay Polajeva, noon din ay hiningi ang opinion ni Hukom Nicolas dela Pea sa hatol kay Rizal. Sinang-ayunan nito ang hatol na kamatayan. Pinagtibay ito noong Disyembre 28. Iniutos nang Gobernador Heneral na barilin si Rizal sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896.Ang Huling Araw ni RizalMula sa silid ng Fort Santiago ay ipiniit ang bayani ng lahi na may bantay na isang opisyal at dalawang alagad. Sa loob ng silid na ito ay may isang mesang sulatan at mga kagamitan sa panulat, isang kama at isang altar sa dulo.Dinalaw siya rito nang madalas ng mga pari kaya ng malaunan ay gumawa si Rizal ng retraksiyon at ipinahayag na muli niyang kinilala ang katolisismo at binabawi ang anumang salita o gawa laban sa pagiging isang anak ng simbahan.Dumalaw din sa kanya doon sina Donya Teodora, Don Francisco at Narcisa. Si Donye Teodora at Narcisa lamang ang pinayagang pumasok sa loob. Humingi ng tawad si Rizal sa kanyang ina. Bago lumisan ang mga ito ipinamigay ni Rizal sa mga mahal niya sa buhay ang mga kagamitan nito. Ibinigay kay Trining ang lutuang alcohol na iniregalo ni Paz Pardo de Tavera kay Rizal. Pagkabigay ay ibinulong sa wikang Ingles ang Theres something inside upang hindi ito maunawaan ng tanod na nasa loo bang sipi ng tulang Mi Ultimo Adios na ayon kay Agustin Craig ay sinulat ni Rizal noong Disyembre 12, 1896.Kinabukasan sa ikaanim ng umaga, dumating si Josephine na kasama si Narcisa. Hiniling ni Rizal na ikasal sila. Sa maikling seremonya ay ikinasal ni Padre Vicente Balaquer ang dalawa. Isang aklat na panrelihiyon na may pamagat na Imitacio de Cristo ang ibinigay ni Rizal kay Josephine sa kanilang kasal. Sinulatan niya ito Sa aking minamahal at namimighating asawa, Disyembre 30, 1896Nagkaroon din si Rizal ng pagkakataong makasulat sa kanyang mga magulang na humingi ng kapatawara sa lahat ng paghihirap na idinulot niya sa mga ito. Kay Paciano, ipinahayag niya ang pagmamahal sa kapatid, at ang kanyang kawalang-malay sa mga pagbibintang sa kanya. Kay Blumentritt, sinabi niyang sa pagtanggap ng liham na itoy siya ay patay na sapagkat siyay babarilin at siyay mamamatay sa maling paratang ng rebelyon.Nang ika-6:30 ng umaga ng Disyembre 30, 1896 mula sa Fort Santiago, lumakad si Rizal sa daang Malecon patungong Bagumbayan. Noon ay maaliwalas ang umaga. Apat na sundalo ang nangunguna sa kanya, sa kanan ay si Luis Taviel de Andrade at sa kanan ay si Padre Vicente Balaguer. Siyay nakadamit ng itim. Ang mga kamay ay natatalian sa mga siko subalit may kaluwagan upang maging malaya sa pagkilos, sa kanyang kamay nakasabit ang isang rosaryo. Habang siyay naglalakad ay tumingin siya sa langit at nasabi niya sa pari, Napakaganda ng araw padre. Tuwing umagang ganito ay naglalakad kami ng aking mahal. Nang madaanan niya ang harapan ng Ateneo, nakita niya ang tuktok ng paaralan. Nagtanong siya. Iyon ba ang Ateneo, Padre?Oo, ang tugon ng pari.Pitong taon akong nag-aral diyan.Hanggang sa marating nila ang bagumbayan. Punong-puno ng sundalo ang kapaligiran. At ang lahat ay handa sa pagsaksi sa kamatayan ni Rizal. Tinutulan ni Rizal na siyay barilin sa likod pagkat siyay hindi naging taksil sa kanyang bayan. Hiniling niyang siyay humarap sa mga babaril sa kanya subalit hindi siya pinagbigyan. Nang pakawalan na ang mga punlo, pumihit si Rizal kayat ng siyay mabulagta, nakatuon ang kanyang mga mata sa langit.Noong ika 7:30 ng umaga, Disyembre 30, 1896 ay tapos na ang lahat.Mga Tala sa Pagkakasulat ng El FilibusterismoSinimulang sulatin ni Jose Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong Oktubre, 1887. Ilang buwan pagkarating niya mula sa sariling bayan sa Europa, naging bahagi si Rizal sa ilang malupit na pangyayari. Nabalitaan niya ang nangyari sa kanyang pamilya at sa kanyang mga kaibigan na inapi ng mga pari. Habang siyay nasa London, ayon sa liham kay Ponce, binago niya ang ilang kabanata ng nobela. Dumating na marahil sa kanya ang pag-amin sa katotohanan na wala ng nalalabi sa mga Pilipino kundi ang pagbangon. Ang suliranin ng mga magsasaka ay hindi malulunasan. At siyay naghimagsik, gaya ng malimit niyang masabi sa kanyang mga kaibigan. Kaya pala, ang ganitong damdamin ang nais niyang maipahayag sa kanyang sinulat na aklat. Si Rizal ay nag-isip na ng himagsikan nang panahong ito ipinahayag ng kanyang mga kaibigan lalo na si Jose Alejandro, isang mag-aaral sa inhinyeriya na kanyang nakasama noong 1890 sa Brussels.At nabanghay ang katauhan ni Simon. Ang kawalang pag-asa ng panahong iyon ni Rizal ay kinatawan ni Simoun at ang kanyang lihim na pagnanais ng himagsikan ay sinagisag nito. Ang damdaming ito ang namayani sa kanya sa pagsulat ng iba pang bahagi ng nobela sa Paris, sa Madrid hanggang sa matapos niya ito noong ika-29 ng Marso, 1891. Pagkalipas ng tatlong taon doon pa lang nailimbag ang nobela sa F. Meyer Van Loo Press, bilang 66 Viaandren Street.Ngunit naubos ang lahat ng kanyang salapi sa pagpapalimbag ng aklat. Mula sa Paris dumating ang tulong ni Valentin Ventura. Nabalitaan niyon ang pangangailangan ni Rizal upang mapalathala ang aklat at ang kabuuan ng gagastusin sa pagpapalimbag ay kanyang ipinadala.Noong ika-18 ng Setyembre, 1891 ang El Filibusterismo ay natapos limbagin. Ang orihinal na manuskrito ay kanyang inihando kay Ventura at binigyan niya iyon ng isang kopya na may lagda niya, upang ipakilala ang kanyang pagtanaw ng utang na loob. Ang iba pang unang kopya ay ipinadala niya kay Sixto Lopez ay Basa. Pinadalhan din niya si Blumentritt, Ponce, Lopez-Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna, M.H. del Pilar at iba pa.Ang mga unang kopya na inilimbag sa Genta ay ipinadala sa Hongkong ngunit iyon ay sinamsam ng mga may kapangyarihan.Ang nobela inihando niya sa alaala ng mga paring sina Gomes, Burgos at Zamora na ang kamatayan ay nag-ukit sa kanyang kamalayan sng kintal ng iyon ay isalaysay sa kanya ng kanyang kapatid na si Paciano noong siya ay paslit pa lamang sa Calamba.