lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
TRANSCRIPT
PANAHON NG MGA KASTILA
(PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO)
LIT 103 – Panitikan sa Pilipinas
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANAHON (1565-1872)
• Marso 16, 1521 ~ naligaw ang pangkat ni Magallanes sa Pilipinas• Miguel Lopez de Legaspi ~ dumating makalipas ang 44 na taon
~ unang Gobernador Heneral
• Espada at krus (cross on the right, sword on the other hand / God, gold and glory)• Pangunahing layunin: mapalaganap ang pananampalatayang
Kristiyano
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANAHON (1565-1872)
Mga pagbabago:
• Maka-relihiyon ang naging paksain ng panitikan• Ang mga akdang pampanitikan ay nagkaroon ng tatak ng relihiyong
Kristiyano• Itinatag ang mga simbahan• Alibata ay pinalitan ng alpabetong Romano• Wikang Kastila ang naging wika ng literatura• Sinuri ang matandang literatura
Kung di makakatulong sa pagpalaganap ng
KristiyanismoSinunog dahil ang mga ito ay gawa ng diyablo
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANAHON (1565-1872)
Mga pagbabago:
Itinatag ang mga paaralan
• Naihasik ang kalinangan at kabihasnang Kristiyano at Europeo
• Natutong manulad ang mga Pilipino
Nagkaroon ng mga palimbagan
• Naging gawaan ng mga aklat na isinulat ng mga prayle
• Dominikano – pinakaunang nakapagpatayo nito
KATANGIAN NG LITERATURA
Paksa• panrelihiyon• Pangkagandahan
g-asal• pangwika
Anyo• patula• tuluyan
Wika• Kastila• Tagalog• Ladino (bilingual)
KATANGIAN NG LITERATURA
• Ayon kay del Rosario – Pineda (Panitikang Pilipino)
Panrelihiyon ang karaniwang paksain
Nagtataglay ng sari-saring kaanyuan at
pamamaraan
Ang lalong maraming akda ay gaya, huwad o kaya’y halaw sa anyo, paksa, o traidsyong
Kastila. Walang orihinalidad.
Bukod sa akdang panrelihiyon, marami ding aklat hinggil sa
wika (gramatika, bokabularyo, mga tula at mga akdang ukol sa
tula)
KILALANG MANUNULAT AT AKDA (MGA AKDANG PANRELIHIYON SA TAGALOG)
Doctrina Cristiana (P. Domingo Nieva at P. Juan de Plasencia, 1593)
Kauna unahang aklat na may kinalaman sa ating kapuluan
• Pater Noster• Ave Maria
• Credo• Regina Coeli
• Sampung Utos• Mga Utos ng Iglesia
• Pitong Kasalanang Mortal• Labing-apat na Pagkakawanggawa
• Pangungumpisal• Katesismo
Nuestra Senora
del Rosario (P. Blancas
de San Jose, 1602,
Imprenta ng Santo
Tomas)
Mga nobena, santos
ehersisyos, buhay ng
mga santo, mga tanong at sagot sa relihiyon
Barlaan at Josaphat (1708, 1712)
Isang salaysay sa Bibliya na isinalin ni P. Antonio de Borja mula sa wikang
GriyegoPinakaunang nobelang
Tagalog
Isinalin din ito sa wikang Iloko ni P. Agustin Mejia
Pasyon
Aklat na tungkol sa buhay at pagpapasakit ng ating panginoong Hesukristo na sinulat nang patula ngunit
paawit kung basahin
Mga May Akda:
P. Gaspar Aquino de Belen (1704)
Don Luis Galan (1750)
P. Mariano Pilapil (1814)
Aniceto de la Merced (1856)
P. Mariano Pilapil (1814)
May limang taludtud ang bawat saknong at ang sukat ng bawat
taludtud ay wawaluhing pantig
“Imbukasyon”
O, Diyos sa kalangitan,Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay,
Mabait lubhang maalam,
At puno ng karunungan.
P. Aniceto de la Merced (1856)
May mataas na uri sa lahat.
Unang bahagi: lalabindalawahing pantig ang bawat taludtud. Ang bawat saknong ay may apat na taludtud
Unang BahagiAng Diyos ay Diyos karaka-raka na
Kapagkaraka na ay tatlong persona:Se persona’y walang mahutli’t maunaSapagkat ang tatlo ay Diyos na iisa.
Ikalawang bahagi: wawaluhing pantig at binubuo ng limang taludtud.
Ikalawang BahagiO Poon ko’t Amang DiyosKatamis-tamisang Hesus
Iyo pong ipagkaloobNa matamisin akong lubosAng sa akin ay pag-ayop.
Urbana at Felizanauukol sa pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana at Feliza.
Natatala sa aklat na ito ang nakabibighaning asal ng Pilipino,
gayon din ang masasagwang kilos na dapat nating ilagan. Mababasa
rito ang mabubuting aral.
Padre Modesto de Castro
“Ama ng Tuluyang Klasika” at “Hari ng Tuluyan”
Ipinanganak sa Binan, Laguna
Mga mahahalagang sinulat: “Platicas Doctrinales” (1855, 1864, 1878), “Exposicion delas
Siete Palabras en Tagalog”, “Coleccion de Sermones en Tagalog” at “Novena a San Isidro
en Tagalog”
Mga Dalit kay Maria (P. Mariano Sevilla,
1852)
Inaawit tuwing naghahandog ng bulaklak kay Birhen Maria tuwing Mayo (Flores de Mayo)
Unang sumulat ng mga dalit si P. Mariano Sevilla, na taga-Tundo, noong 1852. Noong 1865, isinulat niya ang dalit na pinamagatang “Flores de Mayo” na hinalaw niya sa mga awiting Italyano na para sa ganitong mga pagkakataon.
MGA AKDANG PANRELIHIYON SA ILOKO
Doctrina Cristiana
(salin sa Iloko ni P. Fransisco Lopez)
Pasion ng Mahal na
Hesukristo (salin ni P. Antonio
Mejia)
Sermones Moralo
(salin ni P. Jacinto Guerrero)
Escudos del Cristiano
(salin ni P. Guillermo Sebastian)
Mga Sandaang
Tulang Panrelihiyon
Animnapung Nobena
MGA AKDANG PANRELIHIYON SA BISAYA
Ang Lagda
Mga akdang “Moro-moro”: “Mga Mutia Nga Matin-ao”
(Ang Maningning na Hiyas) at “Ang Salamin Sang Batan-on”
(Ang Salamin ng Kabataan)
Ni Eriberto Gumban
Mga nobena
Mga tulang panrelihiyo
n
MGA TULA AT AKDA UKOL SA TULA
Pilipinong Manunul
a
• Fernando Bagonbata• Tomas Pinpin• Phelipe de Jesus• Padre Suarez Osorio
Mga paring Kastila
• P. Fransisco Buencuchillo• P. Antonio de San Gregorio• P. Juan Serrano• P. Gaspar de San Agustin
Salamat nang walang hanggaGracias se den sempiternasNa nagpasilang nang tala
Al que hizo salir la Estrella;Macapagpanao nang dilimQue desterro las tinieblasSa lahat nang bayan natin
De toda nuestra tierra.
~Fernando BagonbataSa “Memoria de la Vida Christiana” ni P.
B. de San Jose
O, ama con DiosO gran Dios mi padre
Tolongan moa coQuered ayodarme;Amponin moa coSedme favorable;Nang mayari ito
Porque esto se acabeAt icao ang purihinY a yes os alaban
~Tomas Pinpin Sa “Librong pag-aaralan nang manga Tagalog ng ulcang Kastila” ni T. Pinpin,
1610
Mga “Ditso”
may aapatin at wawaluhing pantigan
at kakatuwang tugmaan
Ito ay binibigkas ng mga batang
nagsisipaglaro at nagtutudyahan.
Ako po’y si KatabaAnak ng Kondeng
MababaPag nakainom ng tubaAy nanghahagad ng
taga.
Ako po ay si PandakAnak ng Kondeng
TabayagPag nakainom ng alak
Biyenan ma’y hinahagad.
Mga tulang ginagamit sa panunukso
Bata, bataPantay-lupa
Asawa ng palaka.
Putak, putakBatang duwagMatapang ka’tNasa pugad.
Pihit, pihitBatang kawit
Laylay ang labiIlong ay pipit.
Mga Kantahing-Bayan
Mababakas dito ang pamumuhay at paguugali ng mga tao
Nababakas sa mga bagong kantahing bayan ang bagong kalinangan at kabihasnang dala ng mga Kastila.
Hinaluan ng mga salitang Kastila
Paruparong bukidNa lilipad-lipadSa gitna ng daanPapaga-pagaspas,Sandangkal ang tapisSangbara ang manggas,Ang sayang de kolaSang metro ang sayad.
May peineta pa siyaMay suklay pa mandin,Naguas de ojetesAng palilitawinHaharap sa altarAt mananalaminAt saka lalakadNang pakendeng-kendeng.
may layuning tuligsain ang asal ng mga
babaeng labis ang sagwa sa
pagkilos at pananamit:
Sitsiritsit, alibangbangSalaginto’t salagubangAng babae sa lansanganKung gumiri’y parang tandang.
pumupuna pa rin sa
magaspang na ugali ng ilang babae
Aba estandarteNg kutsara’t sandokAba estandarteNg pingga’t palayok.Tigilan lang ninyoAng higop sa mangkokAlang-alang lamangSa nilagang manok.Alabado seaSantisimong kaninBenditu tu eresAnong iuulam natin?Nilagang manokPiniritong sagingMay alak sa boteAting iinumin.
tumutuligsa sa mga taong
dumadalo sa isang pistahan nang di naman inaanyayahan o
sa madaling sabi’y tinatawag
na “colado” o “kalatog-pinggan”: Halika na Pendong
Tayo’y manampalokDalhin moa ng buslongSisidlan ng hinog.Pagdating sa gitna’yUminda-indayogHalika na PendongBaka ka mahulog.
laging naririnig sa
bibig ng mga batang
babae’t lalaki:
Doon po sa aminBayan ng San RoqueMay nagkakatuwaangApat na pulubi.Nagsayaw ang pilayNagkanta ang pipiNanood ang bulagNakinig ang bingi.
Ang pinakapalasak
na awitin ay ang “Doon Po Sa
Amin”. Dalawa ang himig ng awiting ito at nilapatan ng
marami ng iba’t ibang titik.
Ako’y ibigin moLalaking matapangAng baril ko’y pitoAng sundang ko’y siyamAng lalakarin ko’y Parte ng dinulangIsang pinggang pansitAng aking kalaban.
Palasak din ang “Ako’y Ibigin
Mo” na kahimig ng “Leron-leron
Sinta”. Ito ay isang
ma[agbirong awitin.
Magtanim ay di biroMaghapong nakayuko.Di naman makaupoDi naman makatayo.Halina, halina mga kaliyagtayo’y magsipag-unat-unatmagpanibago tayo ng lakaspara sa araw na bukas.Bisig ko’y namamanhidBaywang ko’y nangangawit.Binti ko’y namimitigSa pagkababad sa tubig.Halina, halina..Kay pagkasawing-paladNa inianak sa hirapAng bisig kung di-iunatDi kumite ng pilak.Halina, halina..
Ang awiting “Magtanim Ay
Di Biro” ay kababakasan ng pamumuhay ng mga taong ang ikinabubuhay
ay pagsasaka at pagtatanim.
AWIT AT KURIDO
MGA KATANGIANAng mga layunin sa
pagkasulat ay magkatulad: ang pagpapalaganap ng
pananampalatayang Kristiyano. Inihahandog ang
mga akda sa Diyos, sa Bayan at sa mga babaeng mahal ng
mga may-akda sa buhay.
Kapwa naglalahad ang mga ito ng mahabang kasaysayan o pangyayaring batay sa mga
alamat at epikong nagdaangpanahon sa
Pransiya, Italya, Gresya, Albanya at iba pa.
Ang mga paksain ay tungkol sa romansa, kabayanihan at mga pangyayaring likha ng mayamang haraya ng may
akda. May mga pangyayaring di kapani-paniwala subalit
kawili-wili at kapana-panabik.
Sa katayugan ng diwang napapaloob sa mga akdang ito ay nakahihigit ang mga awit sapagkat hindi lamang mga
paksang kababalaghan o batay sa mga alamat ang isinasaysay kundi hango rin naman sa mga tunay na pangayayari tulad ng
sa “Florante at Laura”.
Ang “awit” ay binubuo ng lalabindalawahing pantig na mga taludtud samantalang ang kurido
ay binubuo ng walong pantig lamang ang bawat taludtud.
Kung bigkasing paawit, ang “awit” ay sa marahang kumpas
o andante samantalang ang kurido naman ay sa mabilis na
kumpas o allegro.
• nahihiya ang may-akda sapagkat baka hindi magustuhan ng mga maambabasa
• natatakot sila sa mga may kapangyarihan na baka sila’y may naisulat na laban sa pamahalaan
May mga “awit” at “kuridong” hindi alam ang pangalan ng mga
may-akda
Awit• “Florante at Laura” ni
Fransisco Baltazar• “Buhay ni Sigesmundo” ni
Eulogio Julian de Tandiama• “Doce Pares sa Kaharian ng
Francia”• “Salita at Buhay ni Maria
Alimango”• “Prinsipe Igmidio at Prinsesa
Cloriana”• “Bernardo Carpio”
Kurido• “Ang Haring Patay”• “Ang Ibong Adarna”• “Don Juan Tinoso”• “Don Juan Teñoso”• “Rodrigo de Villas” ni Jose de
la Cruz• “Dama Ines” ni Ananias Zorilla• “Prinsipe Florino” ni Ananias
Zorilla
Florante at Laura
isinulat ni Fransisco Baltazar
ang layunin ay hindi lamang ang pagpapalaganap ng pananampalataya sa Diyos at pagyakap sa relihiyong Kristiyano kundi nangahas siyang magsiwalat ng mga kaisipan at mga madamdaming mapanghimagsik
laban sa mga kalupitan at mga katiwalian ng pamahalaang Kastila
ang mga pangalan ng mga tauhan ay ngalang Kristiyanong Kastila at ang sa mga di-binyagan naman ay hango sa mga pangalang Arabe na
nababasa sa mga kuwentong Kastila.
mababakas din ang paghihimagsik ni Balagtas laban sa hidwaang pananampalataya at laban sa maling kaugalian.
Fransisco Baltazar (1788-1862)
“Ama ng Panulaang Tagalog” / “Kikong Balagtas”
Inihandog ang “Florante at Laura”
kay “Celia” (Ma. Asuncion Rivera)
Asawa: Juana Tiambeng, at may 11
anak
Hinangad ni Kiko na mag-aral ng
pamamaraan ng pgtula kay Jose dela Cruz (Joseng Sisiw)
ngunit hindi nakapagbigay ng
sisiw
1834, sumulat siya ng kauna-unahang tula na ang pamagat ay
“Pagsisisi”
“Florante at Laura”
“Orosoman at Zafira”
“Don Nuno at Zelinda”
“Clara Belmori”“Nudo Gordeano”
“Auredato at Astrone”
“Rodolfo at Rosemando”
“Abdol at Miserena”
“Almanzor at Rosalina”
“La India Elegante at El Negrito
Amante”“Bayaceto at
Dorlisca”
Bernardo Carpio
Awit na akda ni Jose de la Cruz
Akdang panlibangan at kawili-wiling basahin lalo ng mga kabataang palahanga sa malalakas at matatapang na lalaki
hitik na hitik sa magandang pangungusap ng romansa sina Don Sancho Diaz at Impanta Jimena at mga pangungusap ng hinanakit,
pagsumbat at pagbabanta sa Espanya
Jose de la Cruz (1740-1829)
“Hari ng mga Makata” ng
buong Katagalugan /
“Huseng Sisiw”
Ipinanganak siya sa Tundo
noong ika-20 ng Disyembre 1746
Historia Famosa” ni “Bernardo Carpio”,
“Doce Pares de Francia”,
“Rodrigo de Villas”,
“Adela at Florante”, “Flora at
Clavela” at iba pang kurido at
awit
Ibong Adarna
nagsisimula sa pananalangin sa Birhen at siyang nagpapatunay na
layunin ng akdang ito ang pagpapalaganap ng relihiyong
Katoliko.
Nagtataglay ng maraming aral
Ipinaaalaala rin sa awit ang masamang ugali ng mga lalaki kaya nararapat mag-ingat ang mga babae sa kanilang puri.
Ananias Zorilla
Isa siya sa tatlong
pinakamahusay na makata
Sumulat siya ng ilang awit at
kurido, kabilang na dito ang
“Dama Ines at Prinsipe Floriño”.
MGA TULANG MALADULA
Panubong“pamutong” sa Tagalog / “panubong” sa
Marinduqueisang mahabang tula ng pagpaparangal o paghahandog sa isang
nagdaraos ng kaarawan, kapistahan o may pinaparangalang panauhin
Binibigkas ito ng paawit ng “manunubong” at binubuo ng tatlong bahagi.
Unan
g Ba
hagiinaawit sa may
tarangkahan o sa may puno pa lamang ng hagdanan. Dito’y sinasabing nabalitaan nilang may kapistahan sa bahay na iyon kaya’t man tinawag o inanyayahan sila ay kusang-loob na lumapit, upang makilahok sa kasiyahan. Ik
alaw
ang
Baha
giinaawit habang umaakyat sa hagdan. Isinasaysay sa awit ang kahalagahan ng bawa’t baiting ng hagdan. Kapag sumapit na sa huli at pinakamataas na baiting ay titigil sila doon hanggang sa matapos ang awit ng ikalawang bahagi. Hindi sila agad papasok upang ipakilalang sila’y nahihiya sa kanilang kapangahasan. Dito ay uulitin ng maybahay ang anyayang sila’y pumasok.
Ikat
long
Bah
agiaawitin sa loob o sa sala
ng bahay. Ang pararangalan ay pauupuin sa isang silya sa pagitan ng dalawang anghel (maaaring ganapin ninuman). Puputungan ng koronang yari sa mga sariwang bulaklak ang may kaarawan saka hahandugan ng palma o punpon ng mga bulaklak na hahawakan nito bilang sagisag ng setro ng hari o reyna. Habang nagaawitan ang ilan, may dalawang pareha namang sasayaw sa harap ng pinutungan. Sasabugan ng mga sariwang bulaklak at mga dahoon upang ipakilala ang kagalakan ng lahat. Nagsasabog din ng mga salaping barya.
Karagatan
isang paglalaro sa tula ng mga binata’t dalaga at ang paksa’y pagliligawan o pagsisintahan.
Karaniwan nang ito’y ginaganap kung may pagtitipon – tulad ng paglalamay sa yumao o pagbabang-luksa ng mga naiwan
sinasabing parangal-gunita sa katalinuhan ng isang prinsesa at ng dakila nilang pag-ibig ng isa niyang
karaniwang mamamayang sinta, isang maninisid lamang ng perlas.
may apat na tugma at lalabindalawahing pantig.
1karaniwang may isang nagpapasimuno. Ipapahayag niya sa pamamagitang ng tula ang sanhi ng gayong pagtitipon at kanyang paiikutin ang isang tabo, o lumbo na may tandang puti.
2Ang sinumang matapatan ng tanda ang siyang unang lulusong sa dagat upang kunin ang nawawalang singsing.
3Kung siya ang pinalad na makakuha ng singsing, bago niya ito maihandog sa dalaga ay kinakailangang bumigkas siya ng tula, na sasagutin naman ng paghahandugan.
Duplo
ginaganap sa bakuran ng isang namatayan, sa ika-siyam na gabi matapos mailibing ang yumao, bilang pang-aliw sa
naulila.
Ito ay isang uri ng makalumang dula sapagkat ang nasabing laro ay ginaganap sa pamamagitan ng usapan.
Ang mga ginagamit na pangungusap ay parang matutulis na patalim na sumusugat kung minsan sa damdamin ng isang
bilyako o bilyaka
1 Pipili ng isang pinaka-hari sa mga duplerong lalong iginagalang at itinuturing na pinakamatalino. May dalawang hanay ng mga duplero, sa isang hanay ay nangakaupo ang mga babaeng tinatawag na bilyaka at sa isa namang hanay ay mga bilyako naman.
2 Ang hari ay magsasabi na ang kanyang loro ay bigla na lamang nawala sa haula at hindi niya malaman kung sino ang kumuha.. Isang bilyako ang tatayo at magtuturing na nakita niyang ang kumuha ng loro ay ang isang bilyakang tutukuyin niya sa iba’t ibang pampalaisipan o patalinhagang paraan.
3 Ang napagbintangang bilyaka ay magtatanggol sa kaniyang sarili o kaya’y ipagtatanggol siya ng isang makisig na bilyakong mahahabag sa kaniya o kaya’y may pagtingin sa kaniya.
4 Kapag ang bilyaka ay natalo, siya ay mapaparusahang bumigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng yumao. Ito ay isang uri ng makalumang dula sapagkat ang nasabing laro ay ginaganap sa pamamagitan ng usapan.
Huwego de Prenda
isang paglalaro na sumanga sa karagatan o sa duplo na para naman sa mga di-gaanong
marunong tumula
sumibol noong panahon ng Kastila
nakakasali ang mga makata at di-makata, di tulad sa karagatan at duplo.
1Bawat kalaro ay may mahalagang prenda o sangla na inilalagay sa harap ng hari. Ang tawag ng iba sa larong ito’y Larong Sanglaan
2Kung ang kalarong mahatulan ng parusa at di tatalima sa parusa, maaaring paawitin siya, patulain, pasayawin, paiyakin, patawanin, pagmanuhin o iba pa
3Ang kanyang sangla ay tutubusin niya ng pera o di na ibabalik sa kanya ng hari. Kadalasa’y mga binata ang tumutubos ng sangla ng dalaga.
Karilyo
hatid ng isang Kastila, si Navarra de Peralta, na siyang nagbukas ng isang karilyuhan sa daang Magdalena at siya rin ang
nagpalabas ng karilyo noon
isang palabas na ang napapanood na mga tauhang gumagalaw ay mga aninon nga tauhang karton o katad na sa kabila ng isang
tabing na puti ay pinagagalaw ng isang taong di-nakikita at ito rin ang nagsasalita at gumagamit ng iba’t ibang boses kung minsan.
madaling buuin sapagkat di ito nangangailangan ng maraming taong sasanayin,
Senakulo
Nagpapasimula ang pagtatanghal sa paglalang ng daigdig at nagtatapos sa pagkabuhay na muli ni Kristo at
gayon din ang Kaniyang pag-akyat sa langit.
Ang palabas ay malimit na sinisimulan ng pagtatanghal sa Lunes Santo at tumatagal hanggang sa Linggo ng
Pagkabuhay
nagiging dulang panglansangan kung Kuwebes Santo at Biyernes Santo
Tibagisang pagtatanghal ng pagtibag ng bundok na kinalalagakan
ng krus na kinamatayan ni Hesus.
Ang mga tauhan ng tibag ay nagsasalita nang patula at ang palabas ay ginaganap sa isang tanghalan at ang mga gumaganap ay nagsusuot ng mga angkop na damit.
isang panrelihiyong pagtatanghal na dinala rito sa atin ng mga Kastila upang alalahanin ang paghahanap ni Santa
Elena sa krus na kinamatayan ni Hesus.
Comedia o “Moro-moro”
nakaugaliang itawag sa mga dulang itnatahanghal
napasok ang lahat ng mga bagay na hinihingi ng iba’t-ibang uri ng akdang pandulaan, katulad ng drama’t trahediya, at ng mga nagsisilabas o nagtatahanghal ng dula na tinatawag ng
komedyante, at ang tanghalang entablado’y tinatawag namang komedyahan.
Sarsuwela
isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at ito ay tungkol sa damdamin ng tao, pag-ibig, kapootan, pagkihiganti,
kasakiman, kalupitan, kalungkutan, kasiyahan o hinggil sa mga suliraning panlipunan o pampulitika
Ang pagbigkas ay patuluyan, patula at paawit. Isang rondalya o isang orchestra ang sumasaliw sa awit at nagbibigay ng tugtog sa pagtatanghal.
na ang unang sarsuwelang itinanghal sa Pilipinas ay ang “Jugar con Fuego” na inilabas ng isang pangkat na Kastila sa isang dulaan sa Arroceros, Maynila noong
1878.
MGA AKDANG PANGWIKA
Sa Balarilang Tagalogsinulat ng mga paring Kastila bunga ng kanilang mga pag-aaral
“Arte De La
Lengua Tagala”
– kauna-unahang balarilang Tagalog
- nilimbag ni Tomas Pinpin noong 1610 – sinulat ni P. Blancas De
San Jose (“Demosthenes” o Cicero ng
Wikang Tagalog)
“Conpendio Del
Arte De La
Lengua Tagala” – (P. Gaspar Aquino De
Belen,1703)
“Arte De La
Lengua Tagala Y Manual
Tagalog”– (P. Sebastian De Totanos na
nilimbag, 1745)
“Ensayo De
Gramatika
Hispano-Tagalo” – (P. Toribio Minguella)
“Lecciones De
Gramatika Hispano Tagalo”
–(P. Jose Hervia Campomanes)
Sa Balarilang Iloko
“Arte Dela Lengua Iloka” - (P. Francisco Lopez sa
tulong ni Pedro Bukaneg, 1627)
“Gramatika Hispano Ilocana”
- (Gabriel P. Vivo,1850)
“Estudio De Los Antiquos
Alfabetos Filipinos”
- (P. Marcillas,1850)
Sa Talasalitaang Tagalog
“Vocabulario De La Lengua
Tagala” -kauna unahang
talasalitaan sa tagalog. - (P. Pedro De San
Buenaventura)- Pinayaman at pinalaki ni P. Dominggo De Los Santos (1703) subali’t nagdaan muna sa mga kamay ni P. Blancas De
San Jose
“Vocabulario De La Lengua
Tagala” - pinakamalaking
talasalitaan- P. Juan Noceda at P.
Pedro San Lucar, 1754- ang pinakamalaking
tulong ng mga palaaral sa mga lumang salitang Tagalog
hanggang sa ngayon.
“Nueva Dicionario
Manual Espanol Tagalo”
- (Don Rosalio Serrano,1872)
Sa Talasalitaang Iloko
“Vocabulariong De La Lengua Iloka” - inihanda ni P. Francisco
Lopez, 1630. Pinayaman ng iba’t-ibang Pari ang aklat na
ito hanggang 1894. Ang huling sumulat nito ay si P. Andres
Carro.
“Diccionario Hispano-Ilocano”
- (Gabriel Vivo, 1860)
Sa Talasalitaang Kapampangan
• “Vocabulario De La Lengua Pampanga”– (P. Diego Bergano,1732)
Sa Talasalitaang Bisaya
• “Vocabulariong De La Lengua Visaya” – (P. Mateo Sanchez, 1711)