mga tanong

23
Mga tanong, mga sagot 1. Pwede bang bumili ng hapi meal ang isang taong malungkot? Pwede, dahil ang masaya doon ay ang nagluluto hindi ang bumibili! 2. pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break? Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag gatas.(milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!) 3. pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na? Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay f.m. 4. ang fire exit ba ay labasan ng apoy? Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape". 5. ang uod ba pag namatay ay inuuod din? Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao. 6. totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy? Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang maging ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging

Upload: kathy-delos-reyes

Post on 28-Oct-2015

183 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

bugtong

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Tanong

Mga tanong, mga sagot

1. Pwede bang bumili ng hapi meal ang isang taong malungkot?

Pwede, dahil ang masaya doon ay ang nagluluto hindi ang bumibili!

2. pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?

Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag gatas.(milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)

3. pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?

Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay f.m.

4. ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape".

5. ang uod ba pag namatay ay inuuod din?

Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapagnamatay ay tinatao.

6. totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?

Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upangmaging ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay.

Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi...mcchicken singles. (Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6 pc. chicken mcnuggets o tinatawag na "orgy" sa inggles)

7. mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?

Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"? Nakagat ako minsan ng langgam.......

8. kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ? bakit?

Page 2: Mga Tanong

Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabahosa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.

9. bakit di mataas ang highway?

Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.

10. ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?

Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover.

Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pangmayaman kaya't huwag na kayong magpumilit mamilosopo...ako lang ang may karapatan.

Kung idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na "sense of humor". namamatay ng maaga ang palaging seryoso. sana ay nasagot ko ang iyong mga tanong at kung mayroon pang ibang bagay na bumabagabag sa iyong isipan huwag kang mag-alinlangang magpadala sa akin ng e-mail. at lagi rin natin sana tandaan ang dayuhang salawikain na "ask a dumb question and you'll get a dumb answer." Kung meron kayong maidadagdag, tanong pa! Reply lang kayo sa kin!!!!

anong:Ano ang tawag sa leader ng mga saging????Siret??Sagot: Banana chip!!! hehehehe....

Page 3: Mga Tanong

Saturday, April 9, 2011

Tanong Ko, Sagot Mo?

at 5:36 PM Katha ni =supergulaman= Email This BlogThis! Share to Twitter Share to Facebook

Tanong. Ang sabi nila, ang batang matanong ay batang nag-iisip.  Bibo ika nga ng karamihan.  Ngunit ang matandang matanong ay taong makulit o di kaya'y bobo din kung tawagin. Pero magkagayunman, wala naman masama sa magtanong at wala din naman masama kung hindi mo alam ang sagot sa tanong. Ang mahalaga naniniwala ka na ang lahat ng tanong na meron sa mundo ay may sagot.  Oo! Kahit na gaano pa yan kahirap o kahit hindi mo yun alam, lahat ng tanong na yan ay may sagot. Yun nga lang, posibleng ang sagot na yun ay maaaring tama at maaari ding mali. Pero tama man yun o mali, sagot pa din ang tawag dun. Kaya totoong lahat ng tanong ay may sagot.  Kalokohan yung mga eksena sa ligawan na "Pare, hindi nya ako sinagot...hindi daw nya ako gusto." Ang totoo sinagot ka nya, sinagot ka ng "HINDI".

Ano nga ba ang meron sa tanong? Walang meron sa tanong. Pero meron akong mga tanong na pwede din nyong bigyan ng sagot.  Tara sagot na!

1. Bakit kapag nalaglag ang tinidor ay may lalaki daw na darating at kung kutsara naman babae daw ang bisita? Dahil ba ang lalaki ay mahilig manusok at ang babae ay mahilig sumubo?

2. Alam natin na Silangan ang tawag kung saan sumisilang ang araw at Kanluran naman kung saan kumakanlong ang araw. Saan naman nanggaling ang Timog at Hilaga?

Page 4: Mga Tanong

3. Bakit ang tagalog ng bicycle ay biskleta at sa motorcycle naman ay motorsiklo? Bakit hindi naging bisiklo o motorsikleta?

4. Alam natin na ang tagalog ng left-handed ay kaliwete, ano naman sa right-handed? Kananete?

5. Kapag kaliwete ka, mahilig ka bang mangaliwa? Kung Kananete (*assume natin na may word ngang ganyan*) ka, mahilig ka bang kumana?

6. Totoo bang tirahan ang tawag sa bahay na may nagtitirahan at tahanan naman kasi may tumatahan?

7. Bakit may tagalog tayo sa four-seasons, tag-lamig, tagsibol, taglagas at tag-init, eh dalawa lang naman ang klima sa Pinas, tag-araw at tag-ulan lamang? Na-predict na ba na magkakaroon na tayo ng four-seasons?

8. Kapag sinabi nating amoy-araw ka, lasang ipis, mukhang dyosa..totoo bang naamoy na natin ang araw? natikman ang ipis? at nakakita ng dyosa?

9. Bakit ang tawag natin sa likod ng tuhod ay alak-alakan pero wala tayong tawag sa likod ng siko?

10. Totoo bang walang utak ang biya?11. Ano ba ang tama, NAKAKAINIS o NAKAIINIS? Di ba ang dapat na inuulit ay ang

unang pantig ng salitang-ugat?12. May ugat nga ba ang salita?13. Bakit hampaslupa ang tawag sa mahirap, eh ang mga mayayaman,  hampasbato?14. Sa mga di magandang salita ng Pinoy, sinasabi na ang ina ay PUTA, bakit walang amang

PUTO? lahat ba ng kalapating babae ay mababa ang lipad? Eh ang mga lalaking kalapati mataas ba lumipad?

15. Tama bang sabihin natin na isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Kung ganun, tama din siguro na sabihin natin ang isang PISO at limang PISOS? O kaya naman isang Kamati at limang Kamatis? Yun nga lang meron bang ganyang turo sa balarilang Filipino/Tagalog ukol sa pagdudugtong ng "s" sa pangngalan?

16. Bakit iba ang pagkakasalin ng mga salitang I LOVE YOU sa tagalog? Sa tagalog kasi nagiging simpleng "MAHAL KITA".  Totoo bang pinagsasanib ng pagmamahal ang I at You bilang isa kaya ito naging KITA?

17. Kapag sinabi nating "abot langit ang tuwa", umaabot ba talaga sa langit ang ating tuwa?18. Bakit lahat ng daliri natin sa kamay ay may tawag, hinlalaki, hintuturo, hinlalato,

palasingsingan at hinliliit, eh sa mga daliri sa paa, may iba pa ba tayong tawag?19. Kung ang tawag sa ama ay "haligi ng tahanan", at "ilaw ng tahanan" naman sa ina, bakit

walang katumbas ang ama kung ang twag sa ina ay MAYBAHAY? Pwede ba nating tawagin ang ama na MAYTRABAHO?

20.   Kaya ba ang tawag sa asawa ay "kabiyak" dahil pinag-isang dibdib na sila? Paano ang tawag sa mga naghiwalay, winasak na dibdib o kaya biniyak na dibdib?

May sagot ka na? Sige komento na! ^_^

Page 5: Mga Tanong

You might also like:

...Lilok...

...Puso ng mga Halimaw...

...super G turning super [B]usy...

LinkWithin

Pindot ka Tanda: Tanong Ko Sagot Mo

34 komento:

1.

BlessedZyraApr 8, 2011 05:49 AM

17) Kapag sinabi nating "abot langit ang tuwa", umaabot ba talaga sa langit ang ating tuwa?

SAGOT: Oo naman. Di ba pag abot langit - umaapaw sa saya, e napupuno ang universe, kaya umaabot na sa langit. Parang baha, pag napuno ang kanal, napuno ang kalsada, abot 2nd floor. Ganun din :P

Reply

2.

BlessedZyraApr 8, 2011 05:53 AM

13) Bakit hampaslupa ang tawag sa mahirap, eh ang mga mayayaman, hampasbato?

SAGOT: Madalas kasi, pag mahirap, sila ung madalas na nakaluhod at nagmamakaawa, sa sakit na nararamdaman nila (pisikal kasi gutom o may karamdaman na), pati sa sakit ng kalooban, nahahampas nila ang lupa. Parang *reflex* Kaya ganun :)

Sa mayaman naman, ang tawag sa kanila (sa amin, para mayaman din ako in

Page 6: Mga Tanong

Jesus' name), pinagpala. Kasi nung nagbuhos ng biyaya, sila ung pinagdakot = pinag-pala nung mga yon hehehe

Reply

3.

BlessedZyraApr 8, 2011 05:54 AM

PS: kaya hindi pinagpala ang tawag sa mahirap, kasi wala silang 'pala', hinahampas lang nila lupa. ;P

Reply

4.

=supergulaman=Apr 8, 2011 06:01 AM

@BlessedZyratamang tama sa pangalan "Pinagpala" nga... ahehehe...

nice answers...pwede din nating tawagin ang mga mayayaman na mapalad...malalapad ang palad kaya easy lang ang pagdakot... ahehehe... :D

Reply

5.

BlessedZyraApr 8, 2011 06:04 AM

Korek! hehehe

Reply

6.

charlesApr 8, 2011 06:20 AM

Tama bang sabihin natin na isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Kung ganun, tama din siguro na sabihin natin ang isang PISO at limang PISOS? O kaya naman isang Kamati at limang Kamatis? Yun nga lang meron bang ganyang turo sa balarilang Filipino/Tagalog ukol sa pagdudugtong ng "s" sa pangngalan?

Page 7: Mga Tanong

Intelligent guess lang 'to.Hiram na salita lang kasi ang sentimos, from cents. Kung gayon, pag singular, sa Ingles ay cent at sa Tagalog ay sentimo. At kung plural, sa Ingles ay cents, at sa Tagalog ay sentimos.

Regarding sa piso, native word ng Tagalog 'yan, so hindi mo kailangan sundin ang grammar rule ng Ingles, ang rule kasi sa grammar ng Tagalog, 'pag plural ay lalagyan mo ng salitang 'mga', so imbes na pisos, dpat mga piso.

Sa kamatis, sabi ko nga, ang grammar rule sa Tagalog ang dapat sundin. Isa pa, wala namang salitang kamati.

Haha, ang seryoso ko naman.

Reply

Replies

1.

AnonymousJan 17, 2012 11:34 PM

ui are u sure i think it is out of coverage area..

Reply

7.

rainbow boxApr 8, 2011 06:43 AM

bago pa man ako magcomment, binasa ko muna yung mga sagot nila. baka sakaling makakopya ako. :)) :))

1.) Bakit kapag nalaglag ang tinidor ay may lalaki daw na darating at kung kutsara naman babae daw ang bisita? Dahil ba ang lalaki ay mahilig manusok at ang babae ay mahilig sumubo?

-nasagot mo na kuya. no furthur explanations. :)) :))

16.Bakit iba ang pagkakasalin ng mga salitang I LOVE YOU sa tagalog? Sa tagalog kasi nagiging simpleng "MAHAL KITA". Totoo bang pinagsasanib ng pagmamahal ang I at You bilang isa kaya ito naging KITA?

- kung tatagalugin ito ng word per word. ako mahal ikaw, ang pangit naman.

Page 8: Mga Tanong

barok na barok masyado. kaya mahal kita nalang. parang ano lang din yan e, I SAW YOU bilang NAKITA KITA.

Reply

8.

khantotantraApr 8, 2011 10:48 AM

hirap naman sagutan ang iba sa katanungan mo sir gulaman. hehehe..

ang kulit ng kamati. pag lima na, kamatis :p

Reply

9.

=supergulaman=Apr 8, 2011 02:07 PM

@charles ahehehe..ayuz...mahusay ang observation ah... matalinong pag-iisip ika nga... pero naisip ko lang din na gamitin ito sa ibang hiram na salita tulad ng traysikel, jeep, telepono..so pwede na din silang maging traysikels, jeeps, at teleponos... ahehehe..parang pwede nga ah...ahehehe... :)

@rainbow boxahahaha..yun ba talaga yun..hula lang din... kaso nga pano pagsandok ang nahulog? lola ang darating?... ahahaha...ang laki naman ng subo ni lola...ahahaha...

dun naman sa isa...parang katulad yan nun sinabi nun ka-ofiz mate ko.. sabi nya: Im so happy when I saw your face... Sa tagalog, ang saya ko kapag nilagari ko ang mukha mo... ahahaha...

@khantotantraahahaha...uu nga...pero wala naman daw salitang kamati eh.. eh di ganito na lang, pag isa kamatis, pag lima na, kamatises??? ... ahahaha... :D

Reply

10.

Page 9: Mga Tanong

BinoApr 8, 2011 06:20 PM

dami mo'ng tanong! heheh. pero mahirap sagutin ang mga katanungan nya yan. in all fairness, marami kang points hehehe

Reply

11.

rainbow boxApr 8, 2011 09:21 PM

@superG: pag sandok ang nahulog, biyenan. :)) :)) :))

Reply

12.

=supergulaman=Apr 8, 2011 09:24 PM

@Binoahehehe..sagot lang..ayus lang khit ano... ahahaha... :)

@rainbow boxbiyenan pala yun... ang laki ng subo ng byenan...:)) :)) :))

Reply

13.

musinganApr 8, 2011 10:13 PM

1. Bakit kapag nalaglag ang tinidor ay may lalaki daw na darating at kung kutsara naman babae daw ang bisita? Dahil ba ang lalaki ay mahilig manusok at ang babae ay mahilig sumubo?

isa sa mga pamahiin na hindi ko malaman ang dahilan? ano ang kunetion ng tinidor sa bisitang lalake? tanong ko na rin yan noon pa mana...

2 Alam natin na Silangan ang tawag kung saan sumisilang ang araw at Kanluran naman kung saan kumakanlong ang araw. Saan naman nanggaling ang Timog at Hilaga?

Page 10: Mga Tanong

informative pare.. now ko lang nalaman na kanlungan pala ang pinamulan at ugat ng Kanluran.. asteg...

12. May ugat nga ba ang salita?

hahahha... kakasabi ko lang ng salitang ugat.. ito na naman.. ehehe..

anyway.. maganda ang mga tanong mo sa bhay pare.. mahirap siyang sagutin lahat.

Reply

14.

=supergulaman=Apr 8, 2011 10:28 PM

@musinganahehehe..uu nga basta pamahiin...mahirap tlaga i-explain kung bakit..

halimbawa, bakit bawal matulog ng basa ang buhok? hindi ka nmn daw mababaliw pero sigurado mababasa ang unan...

Bakit bawal magtahi sa gabi? kasi noon, wala pang kuryente, gasera o kandila lng ang gamit...kaya posible na matusok ka ng karayom...

Bakit bawal magwalis sa gabi, lalabas daw ba talaga ang swerte? Hindi naman cguro pero dahil nga noon wala pang kuryente mahirap magwalis kapag gabi hindi mo makikita ang kalat yun pala pera na ang nawalis mo...

yung iba kaya kong i-explain pero ang hindi ko lang alam Bakit kapag friday sa bahay ang ulam namin ay MUNGGO?

Reply

15.

KamilaApr 9, 2011 02:13 AM

hahah totoo lang dame ko tawa at ang informative din hahahahha san mo nakuha lahat toh..? haha.. napaisip naman ako na may kalaliman..

una.. ngayon ko lang naisip na may konek naman pala ang tinidor at kutsara sa

Page 11: Mga Tanong

lalake.. kase dati iniisip ko parang baliktad.. kase parang babae ang tinidor..kase parang buhok na mahaba.

sa question mo sa number 8... feeling ko ang sagot jan yung post mong huli (yung kay einstein) -- FAITH! hahaha

Tapos sa iba pa tulad ng number 11, feeling ko ang sagot naman ay EVERY RULE HAS AN EXCEMPTION.

hahah hanggang sa MAYBAHAY-MAYTRABAHO dame ko tawa hahahah

Reply

16.

=supergulaman=Apr 9, 2011 02:43 AM

@Kamilayung iba epekto ng matagal na pagtunganga ko..yung iba naman base napagdaan..experience ba... katulad ng Bakit kapag friday sa bahay ang ulam namin ay MUNGGO?.. peksman munggo talaga kami every friday...ahahaha... :) ang totoo nyan alam ko madami pa akong tanong eh..yung iba nga lang hindi ko din ko mahalukay sa parte ng kukote ko... ahahaha..memory gap... :D

yung sa number 11 no? nagtataka lng din ako.. cguro nakasanayan lang din..nakakaaliw instead na nakaaaliw..nakakatakot instead na nakatatakot...tapos sa mga gitlapi ganun din..giniling prinito, ginisa, pinaksiw...pag dating sa laga iba na..nagiging nilaga...unlapi na ang ginamit..bakit hindi na lang gawin na nigiling, niprito, nigisa, nipaksiw...sakto pa sa nilaga... ahahaha... :D

yung sa MAYBAHAY-MAYTRABAHO..wala imbento lang... ahahaha... inde ko din kasi alam... ahahaha... :D

Reply

17.

iya_khinApr 9, 2011 03:22 AM

patawa ka!! paano yan kaliwete ako! at mahilig akong mangaliwa sa halos lahat ng bagay! hahaha

Page 12: Mga Tanong

Reply

18.

kristianApr 9, 2011 07:37 AM

Oo nga naman no. Yung mga tulad sa no.11 lagi akong nalilito. NAKAKALITO ba o NAKALILITO? haha. Pero parang mas tama yung huli, na ang unang pantig ng root word ang inuulit. NAKAKAUMAY o NAKAUUMAY? Ay ewan. Depende na siguro yun sa teacher. Kung nung hayskul pa ako ay nabasa ko na 'to, siguro ay matagal ko ng nilito titser namin. haha

Parang gusto kong i-share to sa facebook, haha

Reply

19.

MichaelApr 9, 2011 09:13 AM

Ito lang iyong mga alam ko ha?

2) Ang Timog at Hilaga ay hiram na salita na nanggaling sa salitang Malaya.5) Tinagalog mo lang naman iyong apat na panahon ng ibang bansa e.9) Sa pagkakaalam ko, ganun din ang tawag e.11) NAKAKAINIS kasi ay nanggaling sa napapanahong pambalanang salita na Kainis. Sa totoo lang, pareho iyang tama, pero mas pormal iyong NAKAIINIS.12) Ang tinutukoy na ugat ay iyong pinagmumulan ng salita sa pinakapayak nitong anyo.14) May pagka-sexist kasi ang mga tao noong unang panahon, mga babae lagi ang nakikitang marumi at mali.15) Ang sentimo kasi, hindi naman iyan Tagalog, sa Kastila nanggaling iyan, tapos hiniram na lang ng wika natin.16) Opo. Ang wika talaga natin ay may dual pronoun, hindi lang iyong normal na 1st, 2nd, 3rd, ito nga iyong KITA.17) Matalinghaga lang iyong parirala.18) Ang alam ko lang, hinlalaki pa rin sa paa, pero iyong hinliliit, kalingkingan naman sa paa.19) Unang panahon pa ito. Kaya maybahay ang mga ina, kasi madalas na nasa bahay lang lagi ang mga babae, tapos iyong mga lalake, kung hindi nangangaso, nagsasaka.

Reply

Page 13: Mga Tanong

20.

=supergulaman=Apr 9, 2011 02:14 PM

@iya_khinahehehe..hindi nga ba?...ano ba kasing nangangaliwa ang iniisip mo.... ahahaha...

@kristianahehehe..cge lang share lang po... yeah yeah.... :)

@Michaelahehehe..seryoso ha...nice one dami answers ohh... :)

2) Sa Malay ba galing yun? Yung mga tao sa Malaysia o mga malaysians mga malay din ba yun? Kung galing nga yun sa Malay bakit pag ginamit ko ang google translate Selatan at Utara ang translation nagiging translation, malayo sa Hilaga at Timog.5) uu nga bakit may tagalog, eh wala naman tayong ganun?9)alak-alakan din ba yun?11)yeah pag marami na ang gumagamit..nagiging tama na sya..yun ay applicable lang sa salita...panu kaya sa ibang bagay?12)ibig sabihin doon nanggaling ang lupon ng mga salita tulad ng nakaiinis..galing sya sa salitang ugat na inis... pero panu sa literal na halaman..puno ng mangga...nanggaling sya sa ugat ng mangga? di ba sa buto?14) yup tama, masyadong mababa ang tingin ng tao sa babae noon...anyway akhti naman sa ngayon may mga ganun pa din kaso...15) sentimo? kastila ba yun? sabi kasi nun isa english daw from word centavo...16) uu nga and that makes tagalog more interesting... :)17) ahehehe..ganyan tayong mga pinoy exaggerated minsan... ahehehe... :)18) uu nga ganun din ang tawag ko...although hindi ako sure na yun yung tawag dun...19) ahehehe..so tatawagin na natin ang ama na MAYTRABAHO? ahehehe..imbento ko lang din ang salitang MAYTRABAHO... ahahaha... :D

wooot..salamat ng madami sa time at effort.. ayan may tanong ako ulet sa mga sagot mo..feel mo pa din bang sagutin...wala nmn tama o mali jan..basta lahat may sagot... :D

Reply

21.

~ JaY RuLEZ ~Apr 10, 2011 01:33 AM

Page 14: Mga Tanong

natatawa naman ako heheheh

pagsikat ng araw sa umaga dpat bukas ang bintana at pinto para pumasok daw ang grasya???

pagnangati palad?may darating na pera?hehehe

mgndang hapon super G!

Reply

22.

=supergulaman=Apr 10, 2011 01:57 AM

@~ JaY RuLEZ ~ahehehe...oo nga...ngayon natin gawin yan... cguro umaga pa lang..nanakawan ka na...

ahehehe..kalokohan din yan nangangati ang palad.. ang solusyon dun..kamutin...ahahaha.. :D

Reply

23.

Captain YouniApr 10, 2011 02:03 AM

ahem... parang alam ko yung "ang saya ko kapag nilagari ko ang mukha mo" =)) hmmm... anyways, diba ang siko ay nasa likod na parte ng katawan??? (likod ba? basta) so yung part na pwedeng unatin at itiklop ay tawagin nating pulut-pulutan... para partner sila, may alak at pulutan (oi corny!)

Nice post, lakas ng tawa ko...

Ang kultura ng pinoy ay talagang mayaman, lalo na pagdating sa salita...

Bilin nga ng matatanda "Aba tumabi ka sa sasakyan" siyempre ang gagawin natin ay umiwas o pumunta sa safe na lugar. Pero kung hihimayin mo ng literal "ibig bang sabihin ay didikit tayo sa sasakyan?" di ba hindi... kasi ang salitang "tabi" daw ay galing sa lumang Pilipino na "habi" na ibig sabihin ay umiwas o lumayo (kung tama pa sa memorya kong 1mb)...

Page 15: Mga Tanong

May pagkakataon ding narinig ko si mama na "bago ka umalis, isara mo ang pinto"... pero tanghali na hindi pa ako nakakalabas =))

O di kaya "pag hindi mo nakita yan, makikita mo sa aken"... anak ng! nasa kanya naman pala, pinapahanap pa sa akin...

Walang konek no? wala kasi akong masagot eh...Whoahh 'bang haba na nito... ayoko na... =))

Reply

24.

=supergulaman=Apr 10, 2011 04:12 AM

@Captain Youniahehehe...oo alam na lam mo tlaga yan... ahahaha.. :)

nice one..uu nga pwede yun pulut-pulutan...:))

ahehehe..sabagay...masasagasaan ka lalo nun... ahehehe..dapat "tumabi ka gilid palayo sa sasakyan"...matalino lang tlaga ang pinoy..kahit iba ng sinasabi alam ntin ang meaning...

wahehehe...adik nga...ikaw nga yan... :)

Reply

25.

LordCMApr 10, 2011 10:59 PM

dapat kasi nung nag aaral ka pa tinanong mo na kay titser yang mga yan! tingnan ko lang kung di ka palabasin :D

Gusto mo bang manalo ng $25?

Reply

26.

Page 16: Mga Tanong

=supergulaman=Apr 11, 2011 03:53 AM

@LordCMwahehehe... malamang nga palabasin ako...o kaya nmn ibagsak na ako ng tuluyan... ahahaha...

tatanong ko pa nga sana kung pwedeng uminom ng softdrinks sa coffeebreak... o kaya makinig ng AM radio sa gabi? ahahaha... :D

Reply

27.

♥superjaid♥Apr 11, 2011 03:53 AM

hahaha ang kulet ng mga tanong hihihi agree ako kay kuya cm palalabasin ka ng teacher mo for sure kapag tinanong mo sa kanya yung mga ganayng tanong hehehehe

Reply

28.

=supergulaman=Apr 11, 2011 04:02 AM

@♥superjaid♥yeah... uu nga baka magpowertrip lng yung mga yun...tpos bagsak ako...ahahaha...sayang ang dami ko pa nmn tanong wala lng akong lakas ng loob...

mga tanong na walng kwenta pero may sense... ahahaha... bakit walng egg ang eggplant? bakit ang pineapple hindi gawa sa pine o kaya sa apple? bakit ang plural ng tooth ay teeth pero hindi pwedeng phone booth then phone beeth? tapos sabi quicksand, eh ang bagal naman nun umagos? ahahaha...woaahhh... ahahaha.. :D

Reply

29.

Arvin U. de la PeñaApr 14, 2011 08:01 AM

Page 17: Mga Tanong

Bilib ako sa post mong ito lalo na ang number 16.....

Reply

30.

Kepinks RamosJun 6, 2011 08:11 AM

"Tama bang sabihin natin na isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Kung ganun, tama din siguro na sabihin natin ang isang PISO at limang PISOS? O kaya naman isang Kamati at limang Kamatis? Yun nga lang meron bang ganyang turo sa balarilang Filipino/Tagalog ukol sa pagdudugtong ng "s" sa pangngalan?"------may sinita na din ako na dalawang kasamahan sa trabaho kung bakit me "s" ang dulo ng kanilang apelyido gayung sila ay iisa lamang - si Batitis at Alcachupas..si Batitis ay nag-agree na dapat nga pala ay Batiti lang ang kanyang apelyido pero si Alcachupas eh umalma dahil malaki daw naman ang kanilang angkan :)

Reply

31.

AnonymousJun 25, 2011 06:37 AM

share lang po,dko alam bkit nangyayari may x bf ako,pro wala kmi formal break up.nag karon kmi comunication sa fb,pro may kanya kanya n kmi pamilya,pinag usapan namin ang nakaraan,may malisya prin daw sya sakin??ako parang nasasabik din sa kanya??naiisip ko xa??panu ba xa mawawala sa isip ko? advice me pls...thanks

Reply

32.

=supergulaman=Jun 26, 2011 03:03 AM

@Arvin U. de la Peñaahehehe...pero oks nmn diba?

@Kepinks Ramosnatawa nmn ako dun...ang kulit...pwede...:)

@Anonymouswhoooahhh..ayuz zszaz tanong.. pero patulan kita sa tanong mo...anak ng tokwa may mga sarili na kayong pamilya...makati lang ang dating nyan sa akin..hindi

Page 18: Mga Tanong

pagmamahal o unfinished business twag dyan...kakatihan lang din yan...hindi ako magmamalinis... pero walang mangyayari dyan sa mga bugso ng damdamin nyo..itigil na habang maaga...wag nyong hayaang masira ang inyong pamilya..ang solusyon dyan..i-delete sya sa facebook at alisin ang anumang komunikasyon sa isa't isa... period.

Reply

33.

AnonymousJan 17, 2012 11:36 PM

duhhh none sense topic...

Reply