modelongkomunikasyon-110903224936-phpapp02
TRANSCRIPT
MODELO NG KOMUNIKASYON
DEPINISYONModelo ng komunikasyon – ay ang mga dayagram o representasyon na naglalahad sa iba’t ibang teorya hinggil sa pag-aaral ng komunikasyon. Inilalahad ng mga ito ang komunikasyon sa isang biswal na paraan o paglalarawan. Ginagamit ang mga ito upang higit na maipaliwanag at bigyang linaw ang mga elemento at proseso ng komunikasyon.
MGA MODELO SA KOMUNIKASYON
Ang mga modelo sa proseso ng komunikasyon ayon sa iba’t ibang mga dalubhasa:
• MODELO NI ARISTOTLE
• MODELO NI BRADDOCKS
• MODELO NINA CLAUDE SHANNON AT WARREN WEAVER
• SMCR MODELO NI DAVID BERLO
• MODELO NI WILBER LANG SCHRAMM
• MODELO NI FRANK DANCE
Iba pang Modelo:
• MODELO NI HAROLD LASWELL
• MODELO NI CHARLES OSGOOD
• MODELO NI GEORGE HERBERT MEAD
• MODELO NINA SWANSON AT
MARQUARDT
MODELONG ARISTOTELYAN
Ispiker Mensahe Awdyens
ARISTOTLE• Iskolar
• Kauna-unahang nagpaliwanag sa proseso ng komunikasyon
• Retorika
• Klasikong modelo ng komunikasyon
• Inilahad ang proseso ng komunikasyon na tulad sa sitwasyong pangretorika
• Orador o tagapagsalita - ispiker• Argumento• Talumpati• tagapakinig - awdyens
mensahe
MODELO NI ARISTOTLE• Nagpapakita ng linear (linyar) na katangian ng
komunikasyon
• ang tagapagsalita ang lilikha ng mensahe at babalangkas nito sa kongkreto at malinaw na paraan upang maunawaan ng tagapakinig ang nilalahad o nais iparating.
• Ang layunin ng komunikasyon ay ang tanging maimpluwensiyahan ng tagapagsalita at mabago nito ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig.
Ispiker Mensahe Awdyens
3 SANGKAP NG KOMUNIKASYONInilalahad ang mga payak na elemento ng:
1. Pananalita – tumutukoy sa nagsasalita – ang nagbibigay ng mensahe
2. Mensahe – ang sinasabi
3. Tagapakinig – ang nakikinig – ang tumatanggap ng mensahe
MODELO NI BRADDOCKS (NA EKSTENSYON NG MODELO NI
LASWELL AT NAG-EXPAND SA MODELO NI OSGOOD)
MODELO NI HAROLD LASWELL (1957)• Tumutukoy sa mga elemento ng transmisyon o
paghahatid ng mensahe
Who says what To whom In which
mediumWith what
effect
Mga tanong:
• Sino ang naghahatid ng mensahe?
• Para kanino ipinahahatid ang mensahe?
• Sa anong paraan inihahatid ang mensahe?
• Ano ang epekto ng paghahahatid sa mensahe?
MODELO NI BRADDOCKS
Sino Ano ang sasabihin
Anong midyum ang
gagamitinKanino
• Sa anong kalagayan o pagkakataon? (Circumstances)
• Ano ang layunin? (Purpose)
• Ano ang naging epekto? (Effect)
• Tinukoy niya ang mga mahahalagang tanong hinggil sa kaganapan ng komunikasyon
MEDITATIONAL THEORY OF MEANING
CHARLES OSGOOD (1976)
• Nagpaliwanag hinggil sa kahulugan ng anumang informasyon na maaring tukuyin sa pamamagitan ng tatlong dimensyon
• Evalwasyon (kung ito ay mabuti o masama)
• Lakas (potensi) (gaano ito kalakas)• Gawain (gaano ito kabilis)
MODELO NINA SHANNON AT WEAVER
CLAUDE SHANNON AT WARREN WEAVER (1949)
• Mga mathematician na tumuklas ng paraan kung paanong higit na mapadali ang komunikasyon
• “Mathematical Theory of Communication” o ang matematikal-teknikal na teorya ng komunikasyon
• Batay sa kanilang teorya, ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng “electronic signal”
• Ang kanilang modelo ay binubuo ng “information source”, ang mensahe, ang “transmitter”, ang signal, at ang “receiver”
• Binigyang halaga din nila ang panghihimasok ng tinatawag na ingay.
• Modelong nagpapakita ng kaugnayan ng elementong ingay sa proseso ng komunikasyon
• Ang ingay sa modelong ito ay kaakibat ng mga pinagdaraanan ng signal, pati ng iba pang elemento
• Hal. Ingay sa linya na maririnig habang nakikipag-usap na gamit ang telepono bilang midyum; nararamdamang kaba ng estudyante sa harapan ng kanyang guro at mga kaklase
Ipinapakita sa model:
• Pinagmumulan ng impormasyon - pinanggagalingan ng mensaheng ihahatid.
• Gagamitin ito ng transmitter (telepono, bibig, etc)
• Ingay – nakaaapekto sa pagtanggap ng mensahe
• Tagatanggap - tatanggap ng tunog at senyas
• Destinasyon - patutunguhan at pinatutukayan ng mensahe
TRANSMISYON MODEL SA KOMUNIKASYON
• Modelong matematikal-teknikal
• Nangangailangan ng signal
• Binubuo ng information source, message, transmitter, signal, receiver
• Ang prinsipal na konsern ay sa mga bagay o pangyayaring nakagagambala sa matagumpay na daloy ng komunikasyon (o ingay)
MODELO NI DAVID BERLO
SMRC MODELO NI BERLO• Nakabatay sa apat na payak na elemento ng
pakikipagtalastasan: SMCR (Sources – Message – Channel – Receiver)
• Tumukoy sa kabisahan ng komunikasyon na tinawag niyang ‘fidelity’ ng proseso. Tinukoy din ang mga salik na nakakaapekto sa kalalabasan ng komunikasyon
• Para kay Berlo, kapag mahusay ang kasanayan sa komunikasyon ng parehong tagapagsalita at tagatanggap, higit na nagiging epektibo ang paghahatid at pag-unawa sa mensahe. Hal.
• Ang kasanayan ng encoder (tagapagsalita) ay may malaking gampanin sa kaganapan ng komunikasyon (iskil sa komunikasyon, kaalaman, sosyal sistem, kultura, atityud)
• Ang pinagmumulan ng mensahe
• Mensahe – salita, tunog, ekspresyon ng mukha, kumpas, galaw ng katawan
• Pinagdaranan ng senyas – daluyan ng mensahe. Hal. Light waves, telepono, telegrama, radyo, email, text, cellphone
• Tumatanggap ng mensahe
ELEMENTO NG PAKIKIPAGTALASTASAN
1. Ang pinagmumulan ng mensahe (Source)
2. Mensahe (Message)
3. Pinagdaraanan ng mensahe (Channel)
4. Tumatanggap ng mensahe (Receiver)
MODELO NI WILBUR SCHRAMM
Karanasan Karanasan
PINANGGAGALINGAN ENCODER SIGNAL DECODER
DESTINAS
YON
WILBUR SCHRAMM• “Father of Communication Study”
• Nagbigay ng kahalagan sa human behavior sa proseso ng komunikasyon
• Siya rin ang nagpakilala sa proseso ng encoding at decoding – isang proseso ng two-way communication sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap
• Isinama niya ang feedback at lawak ng karanasan upang tukuyin ang modelo.
PROSESO NG ENCODING AT DECODING
Decoder
Interpreter
MensaheEncoder
Interpreter
Mensahe• Isa sa mga modelong unang
nagpakita ng siklong katangian
ng komunikasyon – pareho ang
elementong taglay ng
tagaunawa at tagasagisag.
• Binigyang diin ang kahalagahan
ng reaksyon sa magkabilang
panig
Karanasan Karanasan
PINANGGAGALINGAN ENCODER SIGNAL DECODER
DESTINAS
YON
KULTURA AT KARANASAN SA KOMUNIKASYON
Dito niya inilahad ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad at tumatanggap ang senyas at reaksyong binibigay. Higit na malaki ang nalilikhang ugnayan ng senyas kung may malaking ugnayan sa karanasan ang dalawang nag-uusap. Hal.
MODELO NI FRANK DANCE
FRANK DANCE (1967)• Naniniwala siya na ang linyar na modelo ay
nakapagpapakita lamang ng isang tipo ng komunikasyon. Sa kabilang banda, ang sirkular na modelo, bagama’t tumatanggap ng fidbak, ay muling bumabalik sa pinagmumulan nito.
• Ayon sa kanya, taliwas ito sa tunay na nangyayari sa buhay.
• Ang komunikasyon ay dinamiko
– patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon
- Nagbabago ang modelo dahil sa komunikatibong sitwasyon
• Pinagsama ni Dance ang dalawang figyurs (linyar at sirkular o paikot).
Inilarawan nina Richard Swanson at Charles Marquardt ang proseso ng komunikasyon sa ganitong ilustrasyon.
SISTEMA O PARAAN NG PAKIKIPAGTALASTASAN
pidbak
Kumpas o Kodigo
Tumatanggap
Kumpas o Kodigo
Pinanggagalingan
Daanan o tsanelMensahe o ideya
Mensahe o ideya Daanan o tsanel
MGA SANGGUNIAN
Alejo, Zorayda L., et al. (2008). Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Quezon City: New Day Publishers.
Antonio, Lilia F., et al. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Philippines: C & E Publishing, Inc.
MARK MARTIN CELINO2ECO2