module 6 values education grade 7
DESCRIPTION
Module 6 Values Education Grade 7TRANSCRIPT
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 1
Edukasyon sa Pagpapahalaga I
Ikalawang Markahan
Modyul 6: LIKAS NA BATAS MORAL
SIYASATIN AT TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA
(EXPLORE)
Mahalaga ba sa iyo ang iyong kaligtasan? Paano mo tinatanggap
ang pagbabawal, pag-uutos, pagpapaalala saiyo ng iyong mga magulang at iba pang
may awtoridad? May kaugnayan kaya ang mga ito sa iyong kaligtasan? Pag-aaralan
mo sa modyul na ito ang kahalagahan ng isang bagay na makatutulong sa iyo hindi
lang upang maging malayo sa panganib kundi ang maging isang mabuting indibiduwal.
Handa ka na ba upang tuklasin ito?
Sa modyul na ito, inaasahang:
a. masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?
b. maisasagawa mo ang paglalapat ng wastong paraan upang baguhin ang mga
pasya at kilos.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b:
a. nakagawa ng tsart ng mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko
b. May lima o higit pang pasya at kilos sa bawat araw
c. Kaangkupan ng mukha sa pasya o kilos batay sa unang prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
d. May entry ang kolum ng bawat araw sa loob ng isang lingo
e. Nailahad nang malinaw ang ginawang pasya at kilos
f. Malikhain at malinis ang pagkakagawa ng mga mukha ng mga pasya at kilos ko
Paunang Pagtataya:
Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba, pamilyar ba saiyo ang kuwento kaugnay
nito? Ang larawang ito ay nakakabit sa anekdotang ikwinento ng ina ng ating bayaning
si Dr. Jose Rizal na si Donya Teodora nang minsang binabasahan siya ng kanyang ina
subalit hindi siya nakikinig dahil nakapako ang kanyang paningin sa apoy ng lampara.
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 2
Gamu-gamo sa Lampara
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano ang sinabi ng inang gamu-gamo sa kanyang anak?
________________________________________________________________
2. Bakit pinaalalahanan ng ina ang anak?
________________________________________________________________
Kwento ng Gamu-gamo sa Lampara:
Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 3
3. Paano ito tinanggap ng anak?
________________________________________________________________
4. Ano ang naging epekto ng pagbabalewala ng anak sa sinabi ng ina ?
________________________________________________________________
5. Saan maaaring ihalintulad ang paalalang ito?Ipaliwanag
________________________________________________________________
PAGTUKLAS
Sa buhay mo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata, lagi mong naririnig
ang mga pagpapaalala mula sa iyong magulang o maging sa mga taong
nakatatanda sa iyo. Minsan ito ay nasa anyong pag-uutos o kayay pagbabawal,
sa iba pang pakahulugan ito ay maaaring tawaging batas.
Naitanong mo na ba kung bakit ibinibigay ito saiyo?
Muli mong balikan ang kwento ng gamu-gamo sa lampara. Suriin ang
kahulugan nito at pununan ang puwang sa bawat kahon upang mabuo ang diwa
nito.
Ang apoy ng lampara ay ________________________________________________________________________________________
______________________
Kapag nadikit ang isang bagay sa apoy katulad na gamu-gamo ay __________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________
Katulad sa gamu-gamo ako ay maaaring _______ _____________________________________________________________________________________________
Natuklasan kong ____________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 4
LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)
Ano ang pinagbabatayan ng pasya at kilos ng tao? Ano ang
epekto kapag nasusunod ang batayang ito? Mahalagang maunawaan
mo na ang kilos ng tao ay ginagabayan ng batas upang gawin niya ang
mabuti at iwasan ang masama. Tinatawag itong Likas na Batas Moral (natural moral
law). Lubos mong maiintindihan ang batas na ito habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral
ng modyul na ito.
Sa bahaging ito, gagawin mo ang Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko.
Makatutulong ito upang matukoy ang iyong damdamin kapag gumagawa ka nang ayon
sa batas o taliwas dito. Mahalagang mataya mo ito upang matukoy kung kailangang
ituwid ang iyong paniniwala o pananaw ukol dito.
Sundin ang Panuto: 1. Gunitain ang mga ginawa mong pasya o kilos sa isang araw.
Halimbawa: Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin.
2. Isulat ang dalawang pasya o kilos mo sa bawat araw sa unang kolum sa tsart ng
Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.
3. Sa ikalawang kolum, iguhit ang angkop na mukha batay sa ginawa mong pasya
o kilos. Sundin ang nasa ibaba:
Masaya kung sinunod ang Likas na Batas Moral Malungkot kung hindi sinunod ang Likas na Batas Moral 4. Sa ikatlong kolum, isulat ang kabutihan ng pagsunod sa batas.
5. Gawin ang paglilistang ito araw-araw sa loob ng isang linggo.
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 5
Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko
Araw Pasya o Kilos Mukha ng Pasya o Kilos
Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas
Lunes 1. Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin.
Ang pagsunod sa magulang ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila.
2.
Martes 1.
2.
Miyerkules 1.
2.
Huwebes 1.
2.
Biyernes 1.
2.
Sabado 1.
2.
Linggo 1.
2.
Kamusta, nagustuhan mo ba ang gawain? Ngayon, kunin ang journal at sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 6
1. Ano ang iyong natuklasan sa ginawa mong pagsusuri sa iyong mga kilos at pasya?
2. Masaya ka ba kung ginagawa mo ang mabuti? Pangatwiranan.
3. Malungkot ka ba kung ginagawa mo ang masama? Pangatwiranan.
Ngayon, kunin mo ang iyong kwaderno at tapusin ang mga di tapos na pangungusap sa
ibaba:
a. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?
PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)
Narito ang inihandang babasahin para sa iyo upang lalo pang
mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa batas, higit sa lahat ang Likas na Batas
Moral. Sa tulong ng babasahing ito mauunawaan mo ang katangian ng nabanggit na
batas at ano ang kahalagahan nito sa iyong pagpapakatao. Matutulungan ka rin nito
upang ganap na mahinuha ang Kakailanganing Pag-unawa (EU) tungkol sa paksa.
Ang Likas na Batas Moral ay
----------------------
Ang batas na ito ay makatutulong sa akin upang --------------------- --------------------- ------------------------
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 7
LIKAS na BATAS MORAL: Gabay sa Kilos at Asal
Paano mo malalaman kung ang isang bagay ay mabuti o masama? Ano ang sukatan o
pamantayan sa pagkilala kung ano ang makabubuti o makasasama?
Higit sa ano pa mang bagay na kailangang sukatin ay ang mismong kilos ng tao.
Kailangan ito, sapagkat ang mabuti o masamang kilos ang nagpapabuti o nagpapasama sa tao.
Ang tao ay nangangailangan ng gabay na makatutulong sa kanya sa pang-araw-araw
na pagpapasya. Ito ang kanyang kakapitan upang makatiyak na ang kanyang gagawing kilos
ay wasto at mabuti. Ayon kay Quito (2008), ang pamantayang gagamitin ay kailangang simple
at totoo para sa lahat (obhektibo) upang madaling maunawaan ng lahat. Ang gabay o
pamantayan na ito ay tinatawag na batas.
Ang tao ay may kalayaan ang kakayahang magtakda ng layunin para sa sariling buhay
at gumawa upang makamit ito. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay may kakayahang magpasya
na kumilos o di kumilos at siya ay may kakayahang pumili. Kung kayat ang kanyang kilos at
pagpapasya ay dumadaan sa proseso ng pag-iisip. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang
batas. Ito ang nagbibigay ng hangganan sa kilos ng tao. Ito ang nag-uutos, nagbabawal at
nagpapahintulot. Mahalaga ito upang isaalang-alang hindi lamang ang makabubuti sa sarili
kundi upang makamit ang kabutihang panlahat. Dahil sa batas, nagkakaroon ng direksyon ang
kilos ng tao.
Ang isip ng tao ay nagsasabing nagaganap ang mga pangyayari sa mundo nang may
dahilan. Sinasabi rin nito na ang isang bagay ay may pinagmulan at kabilang dito ang batas.
Saan nagmumula ang batas? Ano ang dahilan ng pagkakaroon nito?
Ang batas ay galing sa salitang Latin na lex na nangangahulugang bigkis, tali o buklod.
Ito ay may apat na elemento ayon kay Santo Tomas:
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 8
1. Pagsusukat ng kilos (Ito ay pagbabawal, pag-uutos at pagpapahintulot.)
2. Pinag-isipan (Ito ay makatwiran.)
3. Pinapalaganap (Ito ay pinaalam sa kinauukulan at may awtoridad o may
pwersa na ipatupad.)
4. Para sa kabutihang panlahat (Ito ang layunin ng batas.)
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang
nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang
tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may
kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil
ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.
Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang
batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal kayat ang unang prinsipyo nito ay:
Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito
ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit
ng kanyang kalayaan at kilos-loob.
.Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kayat ang
walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di
dapat gawin ng tao; kayat ito ang gumagabay sa kilos ng tao. Layon ng batas-moral na
pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at
kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang nilikha na
maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang
dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas na Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang
masama kung susundin niya ang batas na ito. na mabisang ipinahayag sa Sampong Utos
Mga Katangian ng Likas na Batas Moral
a. Obhektibo Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay
nagmula sa mismong katotohanan ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya
hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang
katotohanan ito na may makatwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi
nakabatay sa tao. Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin
ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
b. Pangkalahatan (Unibersal) Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw
nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 9
lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kayat ito ay
nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao.
Walang Hanggan (Eternal) Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay
walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang
kalikasan ng tao ay permanente kayat ang batas na sumasaklaw sa kanya ay
permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.
c. Di-nagbabago (Immutable) Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi
nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo
ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral
ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa
lahat.
Sa kabuan, ang Likas na Batas Moral ay obhektibo, pangkalahatan, hindi nagbabago at
totoo kahit saan at kahit kailan. Ito ay dahil ang taong sinasakop nito ay may kalikasang hindi
nagbabago, anumang pagkakataon at saan man siya naroroon.
Layunin ng Likas na Batas Moral ang ikabubuti ng lahat ng tao sa
kanyangpagpapakatao. Hindi para sa kabutihan ng indibidwal lamang ang batas na ito kundi
para sa lahat ng tao. Hindi ako uunlad sa pagkatao kung para sa sariling kabutihan lamang ang
pagkilos ko.
Sa iyo kabataan, may paggalang ka ba sa batas kahit pa minsan ito ay hadlang sa mga
bagay na nais mong gawin?
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong
upang ipahayag ang iyong naunawaan mula sa babasahin. Isulat ang iyong mga sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at pagkilos?
Pangatwiranan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 10
2. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU)
Likas na
Batas
Moral
Ka
ma
lay
an
Ka
lay
aa
n
kabutihan
Sundin ang payo ng mga magulang
Gawin ang takdang-aralin at mga proyektong nakatakda sa tamang oras.
Sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan.
Pag-imbento ng dahilan para payagang lumabas ng bahay upang makapaglaro ng computer games.
Pagti-text habang nagtuturo ang guro.
Pagpapakawala ng aming aso tuwing umaga upang dumumi sa kalsada.
Halimbawa ng mga mabuting kilos
na dapat mong gawin
Halimbawa ng masamang kilos na
dapat mong iwasan.
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 11
PAGSASABUHAY NG PAG-UNAWA (TRANSFER)
Naging malinaw ba sa iyo ang konsepto ng Likas na Batas Moral
mula sa
babasahin? Hangad kong naunawaan mo nang lubos ang kahalagahan ng batas na ito
saiyo bilang gabay sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matutulungan ka upang ipamuhay ang
nakasaad sa Likas ng Batas Moral at mapatatag ang pagsasabuhay ng batas na ito.
PAGGANAP
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, isulat mo sa unang hanay ang mga natutuhan mo
tungkol sa Likas na Batas Moral. Isulat naman sa ikalawang hanay ang mga
maitutulong ng Likas na Batas Moral sa pag-unlad ng iyong pagkatao.Sundan mo ang
naunang halimbawa.
Mga Natutuhan Tungkol sa Likas na Batas
Moral
Mga Maitutulong ng Likas na Batas Moral sa
Pag-unlad ng Pagkatao
Halimbawa:
Ito ay nakaukit sa pagkatao ng tao.
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
Halimbawa:
Magagabayan ako nito sa paggawa ng mabuti.
1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________
4. ______________________________
5. ______________________________
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 12
PAGNINILAY
Ano ba ang kahalagahan ng Likas ng Batas Moral sa iyo? Ano ang naidudulot
kapag ito
ay sinusunod mo? Ano naman ang epekto kapag ito ay sinusuway mo? May paraan ba
upang mapaunlad ang iyong pagsunod sa batas na ito? Mahalagang pagnilayanan ang
mga sagot sa tanong na ito upang mabigyang halaga ang pagpili mo sa paggawa ng
mabuti at iwasan ang paggawa ng masama.Isulat ang iyong sagot sa mga katanungang
ito sa iyong journal.
PAGSASABUHAY
Ang tamang sukatan ng pagkatuto at pagkaunawa ng isang mag-aaral ay kung
nailalapat niya sa pang-araw-araw na buhay ang kanyang natutuhan. Sa ganitong paraan
Mga natuklasan ko tungkol sa Likas na Batas Moral
Anong mga kondisyon na nasusunod ko ang Likas na Batas Moral?
Mga dahilan ko ng hindi pagsunod sa Likas na Batas na Moral?
Paano ko mapauunlad ang pagsunod ko sa Likas na Batas Moral?
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 13
makikita ang unti-unting pag-unlad ng pagkatao ng isang indibiduwal. Ikaw ay hinihikayat na
gawin ang gawain sa bahaging ito.
Panuto:
Mula sa sagot mo sa Worksheet na Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko, baguhin mo
ang mga mukhang malulungkot sa nagdaang linggo. Nangangahulugan ito ng pagbabago
ng iyong pasya at kilos tungo sa paggawa ng mabuti. Maaaring tularan ang halimbawa sa
ibaba.
Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko
Araw Pasya o Kilos Mukha ng Pasya o Kilos
Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas
Lunes 1. Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin.
Ang pagsunod sa magulang ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila.
2.
Martes Halimbawa:
1. Malungkot dahil sinagot ko
nang pabalang ang aking ina
nang pinagsabihan niya ako
tungkol sa pag-uwi ko nang
gabi na.
Ang pagsagot ng pabalang sa mga magulang ay nagpapakita ng kawalanggalang.
2.
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 14
Sa susunod na linggo:
Araw Pasya o Kilos Mukha ng Pasya o Kilos
Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas
Lunes 1. Masaya dahil naihingi ko ng
tawad ang ginawa kong
pagsagot sa aking ina noong
nakaraang linggo.
Ang pag-amin ng maling ginawa ay paggalang sa katotohanan.
2.
Muli binabati kita sa pagtatapos mo ng modyul na ito! Hangad ko ang iyong lubos
na pag-unawa sa konsepto ng Likas na Batas Moral. Hangad ko rin ang katatagan mo
upang panindigan ang pagsunod sa batas na ito sa bawat pagkakataon ang piliing
gawin ang mabuti. Ngayon, handa ka na upang pag-aralan ang susunod na modyul!
Mga Sanggunian Agapay, Ramon B. (1991) Ethics and the Filipino:A Manual on Morals for Students and
Educators. Mandaluyong City. National Bookstore
Esteban, Esther J.(1990). Education in Values:What, Why and for Whom. Manila:Sinag-tala
Publishers, Inc.
Institute for Development Education Center for Research and Communication(1992)
Perspective: Current Issues in Values Education 4 Manila:Sinag-tala Publisher
Quito, Emerita S. (2008). Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo
sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor
Conscience (n.d.) hinango noong November 21, 2009 from
http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience Conscience (n.d.) hinango noong November 24, 2009 from
www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html
-
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 15
Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009 http://www.rosmini-in-english.org/Conscience/Book_1/CS_Bk01Ch02.htm
http//gamugamoi100.multiply.com/journal/item/kuwento_ng_Gamu-gamo_sa_Lampara hinango
noong May 201, 2011 Mga larawan, hinango sa: Http://unicohija.blogspot.com, May 20, 2011 http://journalsandpapersblog.com, May 19, 2011 http://depositphotos.com, May 19, 2011
http://www.clipartpal.com/clipart_pd/education/openbook1.htm/ , May 17, 2011
http://www.skateboardinguniversity.com My Personal Notebook Secrets, May 17, 2011