mother tongue mrch 2

14
3. Ipabasa ang bawat talata ng kuwento nang tahimik at may paghinto upang makapagtanong ang guro at bata at tuloy makapagbigay rin ng hinuha. 4. Ipabasa ang kuwento nang lahatan, pangkatan, dalawahan o isahan nang may wastong tono, damdamin, bigkas ng salita at gamit ng bantas. Ikalawang Araw C. Gawain pagkatapos bumasa Ugnayang Gawain: Hikayatin ang mga bata na ikuwentong muli ang binasang kuwento Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat 1: “Mag-usap Tayo” Gumawa ng stick puppet at maghanda ng isang diyalogo Gumawa ng stick puppet nina Gong Galunggong at isang Kalarong isda gamit ang sumusunod na kagamitan: Dalawang patpat Cartolina Krayola Gunting Pandikit Pagkatapos, gumawa ng diyalogo kasama ang iyong Kamag-aral gamit ang stick puppet na ipinakikilala si Gong Galunggong. Pangkat II: “Sa Ilalim ng Dagat” Gumuhit ng dagat kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda. Kulayan ang inyong ginawa. Ilarawan ang tirahan niya at ng iba pang isda. Pangkat III: “Iangkop ang Kuwento” “Si Gong Galunggong” ay isang kuwentong kathang-isip lamang sapagkat hindi ito maaring sa tunay na buhay. May alam ka din bang kuwento na kathang-isip o hindi makatotohanan o hindi nangyayari sa tunay na buhay? Isulat ang pamagat nito sa angkop na lugar sa Venn Diagram. May alam ka rin bang kuwento na makatotohanan o totoong nangyayari sa buhay ng tao? Isulat ang pamagat nito sa angkop na bahagi ng Venn Diagram. Pagkatapos, isulat sa ibaba ng bawat pamagat ng kuwentong kathang-isip o kuwentong buhay ang pagkakaiba ng bawat isa. Sa

Upload: richard-manongsong

Post on 13-Apr-2015

194 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Teacher's work

TRANSCRIPT

Page 1: Mother Tongue Mrch 2

3. Ipabasa ang bawat talata ng kuwento nang tahimik at may paghinto upang makapagtanong ang guro at bata at tuloy makapagbigay rin ng hinuha.

4. Ipabasa ang kuwento nang lahatan, pangkatan, dalawahan o isahan nang may wastong tono, damdamin, bigkas ng salita at gamit ng bantas.

Ikalawang ArawC. Gawain pagkatapos bumasa

Ugnayang Gawain:Hikayatin ang mga bata na ikuwentong muli ang binasang kuwentoPangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.

Pangkat 1: “Mag-usap Tayo”Gumawa ng stick puppet at maghanda ng isang diyalogo

Gumawa ng stick puppet nina Gong Galunggong at isangKalarong isda gamit ang sumusunod na kagamitan:Dalawang patpatCartolinaKrayolaGuntingPandikitPagkatapos, gumawa ng diyalogo kasama ang iyongKamag-aral gamit ang stick puppet na ipinakikilala siGong Galunggong.

Pangkat II: “Sa Ilalim ng Dagat”Gumuhit ng dagat kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda. Kulayan ang inyong ginawa. Ilarawan ang tirahan niya at ng iba pang isda.

Pangkat III: “Iangkop ang Kuwento”“Si Gong Galunggong” ay isang kuwentong kathang-isip lamang sapagkat hindi ito

maaring sa tunay na buhay.

May alam ka din bang kuwento na kathang-isip o hindi makatotohanan o hindi nangyayari sa tunay na buhay? Isulat ang pamagat nito sa angkop na lugar sa Venn Diagram. May alam ka rin bang kuwento na makatotohanan o totoong nangyayari sa buhay ng tao? Isulat ang pamagat nito sa angkop na bahagi ng Venn Diagram. Pagkatapos, isulat sa ibaba ng bawat pamagat ng kuwentong kathang-isip o kuwentong buhay ang pagkakaiba ng bawat isa. Sa gitna ng Venn Diagram isulat ang pagkakapareho ng dalawang uri ng kuwento. (Gabayan ng guro ang pangkat ng mga mag-aaral upang magawa ang pagsasanay nang wasto.)

Kathang-isip Makatotohanang kuwento

Pangkat IV: “Kung Ako si Gong Galunggong...”Kung ikaw ang isdang si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin kapag nakita mong

nasa panganib ang iyong mga magulang? Iguhit ito sa kahon.

Page 2: Mother Tongue Mrch 2

Pangkat V: “Pangalagaan ang Dagat”Ang karagatan ay pinagmumulan ng ating mga pagkain.Isulat sa loob ng bangka ang mga paraan kung paano natin mapangangalagaan ang ating karagatan.

Talakayan1. Sin-sino ang tauhan sa kuwento?

Ipakilalang mabuti ang mga tauhan sa kuwento.Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I.

2. Ilarawan ang paligid kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba pang isda gamit ang mga salitang naglalarawan.Pakinggan natin ang Pangkat II.

3. Nangyayari ba sa totoong buhay ang kuwento ni Gong Galunggong? Ano ang tawag sa kuwentong ito? Kung ang kuwento naman ay nangyayari sa buhay ng tao, ano ang tawag sa kuwentong ito? Ano ang dalawang uri ng kuwento na pinag-usapan natin? Bakit tinatawag ang kuwento na kathang-isip/kuwento na buhay? Anong kuwentong kathang-isip ang alam mo/kuwentong buhay? Pakinggan natin ang sasabihin ng Pangkat III.

4. Bakit nanganib ang mga magulang ni Gong Galunggong. Ano ang nararamdaman niya? Kung ikaw si Gong Galunggong ano ang mararamdaman mo kung makita mong nasa panganib din ang mga magulang mo? Ano ang ginawa ni Gong Galunggong? Kung ikaw naman si Gong Galunggong ano ang gagawin mo? Pakinggan naman natin kung ano ang kasagutan ng Pangkat IV sa tanong na: Kung ikaw si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin.Pagtalakay ng Pangkat IV.

5. Ang karagatan ay isa sa mga biyaya ng Poong Lumikha. Marami ang naitutulong ng karagatan sa atin. Magbigay nga kayo ng halimbawa. Ang mga sinabi ninyo ay kapaki-pakinabang sa ating mga tao. Ano ang dapat nating gawin upang patuloy na magbigay biyaya ang karagatan sa atin? Katulad din kaya ang sagot ng Pangkat V sa mga isinagot ninyo? Pangkat V ilahad ninyo ang inyong sagot.Paglalahad ng Pangkat V.

1. Pagpoproseso ng Gawain(Ang guro ang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1-5. Isusulat niya ang mga sagot sa tsart.)Pangkat Gawain Nakatuong Kakayahan

2. Kaisipang Mabubuo:Gabay na tanong:1. Anu-ano ang uri ng kuwento? Ipaliwanag.2. May buti bang naidudulot ang kalikutan? Bakit?3. May magagawa ba ang magulang sa anak kung ang mga ito ay nasa panganib? May

magagawa rin ba ang mga anak kung ang mga magulang naman ang nasa panganib? Ano ang tawag dito?

4. Kung ang karagatan ay nakatutulong sa tao, ano ang dapat gawin ng mga tao?

Page 3: Mother Tongue Mrch 2

Ikatlong ArawKasanayang Pangwika:

1. Balik-aral:Pag-usapan ang panahunan ng salitang kilos.

2. Pagganyak:Pagkilos habang umaawit ng Tong-tong-tong Pakitongkitong

a. Awit“Tong-tong-tong Pakitongkitong”Tong! Tong! Tong! Tong!Pakitong-kitongAlimango sa dagatMalaki at masarapMahirap hulihinSapagkat nangangagat!Tong! Tong! Tong! Tong!

b. Tanong: Anong yamang dagat ang tinutukoy sa awit? Ano ang dapat nating gawin sa karagatan. Anong kilos ang ginawa natin?

3. PaglalahadIpabasa ang tula nang may wastong tono at bigkas ng letra.

“Sa ating Kapaligiran”Ni Florita R. MaticValenzuela City – NCR

4. PagtalakayAnu-anong salitang naglalarawan ang ginamit sa tula?Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang mga ito.a. Maraming halaman sa ating paligid.b. Sariwa at luntian ang mga tanim.c. Naggagandahan ang mga bulaklak.d. Berde ang mga gulay.e. Matalas ang isip ng batang matalino.

Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay mga salitang naglalarawan.Anong salita ang inilalarawan ng bawat isa ayon sa pangungusap?(marami, sariwa, luntian, naggagandahan, berde, matalas, at matalino)

5. PaglalahatKailan natin ginagamit ang mga salitang naglalarawan?Ano ang salitang naglalarawan?Ang salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi ng kulay, hugis, laki, bilang, uri ng tao, lugar, bagay at pangyayari.

Ikaapat na Araw1. Pinatnubayang Pagsasanay

Page 4: Mother Tongue Mrch 2

a. Ipalarawan sa mga bata ang kanilang nakikita, naririnig o nararamdaman habang sila ay nasa silid-aralan. Ipasulat ang salitang naglalarawang ginamit sa kanilang sagot sa pisara. Gawin ito nang pahanay. (Hanay para sa nakikita, Hanay sa naririnig, Hanay sa nararamdaman)

b. Patnubayan ang mga bata upang matukoy ang uri ng mga salitang naglalarawan.c. Magsalita Tayo.

Humanap kayo ng kapareha. Tukuyin kung sino ang A at B at sundin ang mga panuto.1. Tingnan kung anong kulay ang banderitas na itataas ng guro.2. Kapag asul na banderitas ang nakataas, ang kapareha A ay magbibigay ng pangungusap

na may salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha B kung anong salitang naglalarawan ang ginamit sa pangungusap.

3. Kapag pulang banderitas naman ang nakataas, ang kapareha B ang siyang magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha A kung anong salitang naglalarawan ang kanyang ginamit.

2. Malayang PagsasanayBilugan ang salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap.1. Malalaki ang mga isda sa dagat.2. Masipag si Tatay.3. Ang sariwang prutas ay masarap.4. Mabango ang bulaklak.5. Ang paligid ay malinis.

Ikalimang Araw1. Paglalapat

“Kaya Ko Itong Gawin”Basahin at sundin ang mga panuto.1. Sumulat ng isang sanaysay o kuwento tungkol sa mga pagkaing nakukuha natin sa karagatan

o kaya’y galing sa mga halaman o tanim. Maaaring kathang-isip o makatotohanan.2. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas, malaking letra, pasok ng

pangungusap sa talata at ayos ng talata.3. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap.4. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase.

2. PagtatayaSalungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap.1. Sariwa ang isdang uwi ni tatay.2. Dapat laging malinis ang paligid.3. Ang masustansiyang pagkain ay mabuti sa katawan.4. Luntian ang dahon.5. Mabango ang bulaklak sa hardin ni Nanay.

3. Takdang AralinGumawa ng poster-slogan tungkol sa mga yamang-dagat at yamang-lupa gamit ang mga salitang naglalarawan.Halimbawa: “Isda ay kay sarap mula sa malinis na ilog at dagat.”

Page 5: Mother Tongue Mrch 2

Ika-31 LinggoI. Mga Layunin:

Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa

isang sitwasyon/suliranin/balita o pangyayari.2. Nakababasa nang wasto ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa na may

mataas na antas ng mga salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na may kawastuang 95-100 bahagdan4. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala

nang may wastong tono, damdamin, at bantas5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap7. Nakasusunod sa wastong paggamit ng pagitan sa mga salita, bantas, at gamit ng malaking

letra sa sanaysy at pagkukuwento8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking

letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at kaayusan9. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan sa tao, lugar at bagay10. Nakagagamit ng kontekstong hudyat sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga

salita11. Nakakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita12. Nakakikilala ng antas ng mga salitang naglalarawan (hal. Mas at pinaka)13. Nakahuhula kung tungkol saan ang kuwento, pangyayaring pamparalan at pampayanan,

kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito14. Nakapagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang-isip15. Nakapagbibigay nga maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, atbp16. Nakapagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin, blogs at patalastas na nabasa17. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig at

pagbibigay ng mga puna

II. Paksang AralinA. Tema1. Pagbigkas na Wika

Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari.

2. Pagkilala ng Salita:Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa namay matataas na antas ng

salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.

3. Katatasan:a. Pagbasa ng mga tekstong pang-uang baitang nang may kawastuang 95-100 bahagdan.b. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang limahang parirala na may

wastong tono, damdamin, at bantas.

4. Pagbaybay:a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan.b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap.

Page 6: Mother Tongue Mrch 2

5. Pagsulat:Pagsunod sa wastong pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento.

6. Komposisyon:Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan.

7. Kasanayan sa Wika:Pagbaybay nang wasto sa mga salitang naglalarawan tungkol sa tao, lugar, at bagay na ginamit sa pangungusap.

8. Talasalitaan:a. Paggamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy ang kahulugan ng mga salita.b. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang tambalang salita.c. Pagkilala ng antas ng mga salitang naglalarawan (hal. Mas at pinaka).

9. Pag-unawa sa Binasaa. Paghula kung ano ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at pampamayanan, kalagayan,

gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito.b. Pagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang-isip.c. Pagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat at iba pa.d. Pagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin ,blogs at patalastas na nabasa.

10. Saloobin hinggil sa Wika, Literasi, at PanitikanPagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng masusing pakikinig sa oras ng pagbabasa ng kuwento at pagbibigay ng mga puna.

B. Mga Sanggunian- K to 12 Curriculum- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)

C. Mga Kagamitan:Tsart, sequence map, larawan ng iba’t ibang lokal na produkto, mga bagay tulad ng basket, sombrero, tsinelas at iba pang halimbawa ng lokal na produkto

D. Paksa:Mga Mapagkukunan ng Kabuhayan sa Pamayanan/Trabaho/Kalakalan at Industriya (hal. Lokal na produkto at industriya, tiangge)

E. Pagpapahalaga: Pagtangkilik sa sariling produkto

III. Gawain sa PagkatutoUnang Araw

A. Gawain Bago Bumasa1. Paghahawan ng Balakid

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap.

Page 7: Mother Tongue Mrch 2

ProduktoMaraming produkto na yari sa aming pamayanan ang ibinebenta sa bayan.

PamayananBinubo ng pamilya ang isang pamayanan.

MateryalesAng materyales na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produkto ay galing sa aming lugar.

2. PagganyakGawain: “Kilalanin Natin”Pangkatin sa apat ang klase.Ibigay sa bawat pangkat ang isang lokal na produkto.Hikayatin ang bawat pangkat na pag-aralan ang ibinigay na produkto.Ipasagot ang sumusunod na tanong:a. Anong materyales ang ginamit sa produktong nasa inyong pangkat?b. Paano ginagamit ang produktong hawak ninyo? Ilagay ang sagot sa loob ng mga hugis.

Anong lokalna produkto ang hawak ninyo

Bakit ninyo nagustuhan ang produkto?

Paano ito ginagamit?

3. Pangganyak na tanong:Anong gawain ang una nating isinasagawa? Tungkol saan ang ating tinalakay? May babasahin tayong artikulo na kaugnay ng ating tinalakay. Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito. (Gabayan ng guro upang makabuo nang tamang tanong.)Anong mga produkto sa ating Rehiyon ang nakatutulong upang magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga mamamayan.

B. Gawain habang nagbabasaPaglalahad

Ipakita sa mga bata ang tsart na may artikulo tungkol sa mga lokal na produkto ng pamayanan.Pag-usapan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinuha sa artikulong babasahin.Pagbasa sa artikulo ng guro nang tuloy-tuloy na may angkop na intonasyon, damdamin, at bantas.Pagbasa ng guro sa artikulo nang may paghinto at pagsagot sa mga tanong ng guro.Tanong: Makatotohanan ba ang artikulo? Bakit?Pagbasa ng mga batang basahin nang may angkop na intonasyon, damdamin, at bantas.Pagbasa ng isahan, dalawahan o lahatan.

“ARTIKULO”Ni Agnes G. Rolle

Page 8: Mother Tongue Mrch 2

Ikalawang ArawC. Gawain pagkatapos bumasa

Ipabasang muli ang binasang artikulo

Ugnayang GawainPangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.Pangkat I: “Sundin Natin”Gumawa ng isang talata tungkol sa produktong nabanggit sa artikulo na makikita rin sa inyong lugar. Sundin natin ang sequence map.

Pangalan ng Materyales Paano ginawa Paano ito Produkto ang produkto ginagamit

Pangkat II: “Atin Ito!”Sumulat ng isang sanaysay batay sa mga tanong sa ibaba. Isulat sa isang papel at sundin ang pamantayan sa pagsulat ng sanaysay.1. Anu-ano ang produktong kilala sa inyong lugar?2. Ano ang inyong naramdaman nang malaman mong mrami palang produkto ang galing sa

inyong lugar?3. Paano ka makatutulong sa inyong pamayanan tungkol sa mga produktong ito?

Pangkat III: “Ilarawan Natin”Ano ang masasabi mo sa larawan? Isulat ang sagot sa patlang.

Pangkat IV: “Makatotohanan ba o Kathang-isip lamang?”Sabihin kung ang pangungusap ay makatotohanan o kathang-isip lamang.1. Ang niyog ay tinatawag na “puno ng buhay.”2. Maraming nagagawang bagay sa bawat bahagi ng puno ng niyog.3. Ang puno ng niyog ay tirahan ng mga kapre.4. Matamis ang sabaw ng buko.5. May mga mata ang buko.

Talakayan1. Sabihin:

Ayon sa artikulong binasa natin, maraming produkto ang makikita lamang sa ating rehiyon. Ano-ano ang mga ito?Alin sa mga produktong nabanggit sa artikulo ang meron sa lugar ninyo? Pakinggan natin ang Pangkat I.Pagpapahayag ng Pangkat I

2. Sabihin:May mga produkto ang mga lalawigan at lungsod na binanggit sa artikulo. Ang mga ito ay doon lamang makikita. Kanila ang mga produktong ito. Ano-ano ito? Saan-saan ito makikita? Sa mga lugar ninyo ay may ganitong produkto rin.Ang Pangkat II ay magbibigay din ng halimbawa.Pagpapakita ng Pangkat II

3. Sabihin:

Page 9: Mother Tongue Mrch 2

Alin sa mga produkto na nabanggit sa artikulo ang mayroon kayo?Ilarawan mo ito. Ang Pangkat III ay pumili rin ng produkto na meron sila. Ipaliliwanag sa atin ng Pangkat III.Pagpapaliwanag ng Pangkat III.

4. Sabihin:Natatandaan pa ba ninyo ang kuwento na si Gong Galunggong?Anong uri ng kuwento ito? Ito ba ay makatotohanan o hindi? Bakit?Ang artikulong binasa natin, ito ba ay makatotohanan o hindi?Bakit? May mga pangungusap ang Pangkat IV na sinagutan.Alamin natin kung masasabi nila kung ito ay makatotohanan o hindi. Pangkat IV Ilahad ninyo.Paglalahad ng Pangkat IV.

7. Pagproseso ng Gawain(Ang guro ang siyang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1-5. Isusulat niya ang mga sagot sa

tsart.)Pangkat Gawain Nakatuong Kakayahan

Ikatlong ArawKasanayan sa Wika

1. Pagganyaka. Laro: “Ipasa ang Basket!”

1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat.2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang basket na may lamang mga bagay.3. Habang umaawit, ipapasa ang basket sa kasama sa pangkat.4. Kapag huminto ang awit, ay kukuha ng isang bagay mula sa basket ang may hawak nito.5. Ipakikita ng bata ang bagay na galing sa basket at magsasabi siya ng salitang

maglalarawan sa bagay.6. Uulitin ang proseso hanggang maubos ang laman ng basket.

2. PaglalahadBasahin natin ang diyalogo.

Mina: Naku, nagbakasyon kami sa probinsiya ng aking Lola Ensang at Lolo Sendong!Roy: Ano-ano ang nakita mo roon?Mina: Maraming puno ng niyog sa tabi ng kanilang bahay. Uminom kami ng sabaw ng buko.

Matamis at masarap ito. May matitibay na gamit din silang gawa sa niyog tulad ng sandok, mangkok, mesa, at upuan.

Roy: Ang galing naman! Tiyak na malamig at malinis ang hangin doon. Sana makarating din ako sa lugar ng iyong lolo at lola.

Page 10: Mother Tongue Mrch 2

Mina: Huwag kang mag-alala. Isasama kita roon sa susunod na bakasyon. Sguradong matutuwa ka sa makikita mo sa magandang lugar nina Lola Ensang at Lolo Sendong.

Sagutin ang mga tanong:1. Saan nagbakasyon si Mina?2. Ano-ano ang kanyang nakita roon?3. Anong mga salitang naglalarawan ang tumutukoy sa lugar at bagay ang ginamit sa siyalogo?

(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara at ipababasa ang mga ito sa kanila.)4. Pagbigayin ng halimbawa ang mga mag-aaral.

3. PaglalahatAno ang salitang naglalarawan?

Ang mga salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi ng tungkol sa kulay, laki, hugis, bilang, at uri ng tao, bagay, lugar at pangyayari.

Halimbawa: maputi, matibay, malamig, masaya

Anong mga pang-uri ang maaaring gamitin upang ilarawan ang tao, bagay, lugar at pangyayari?

Mga Salitang NaglalarawanTao Bagay Lugar Pangyayari

Ikaapat na Araw4. Pinatnubayang Pagsasanay

a. “Ilarawan Mo”Pangkatin sa apat ang klase. Hayaan silang sumulat ng pangungusap na may salitang naglalarawan sa litratong ibibigay sa pangkat.

b. “Umakyat Tayo”Sundin ang mga panuto.1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.2. Kumuha ng kard at gamitin sa pangungusap ang salitang mababasa rito.3. Upang marating ang itaas ng hagdan, kailangang makapagbigay ng pangungusap ang

bawat kasapi ng pangkat gamit ang salitang nakasulat sa kard.4. Ulitin ang proseso hanggang ang bawat kasapi ay nakapagbibigay ng pangungusap gamit

ang nakasulat na pang-uri.

5. Malayang PagsasanayTingnan ang larawan. Sumulat ng mga pangungusap na may salitang naglalarawan tungkol dito.

Ikalimang ArawPaglalapat“Halinang Gumawa”Sundin ang mga panuto.

a. Sumulat ng sanaysay o maikling kuwento na naglalarawan ng paborito mong pagkain.b. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas, malaking letra, tamang pasok ng

pangungusap sa talata at ayos ng talata.

Page 11: Mother Tongue Mrch 2

c. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan sa paborito mong pagkain.d. Basahin ang iyong sanasay o kuwento sa klase.e. Ipaskil ang iyong ginawa sa silid-aralan.

IV. PagtatayaPiliin sa loob ng kahon ang salita upang mabuo ang pangungusap.

Matibay malinis mahabaMasaya matigas

1. _____ sila dahil marami ang kanilang naibentang produkto.2. Laging sinisigurado ni Roy na _____ ang paninda nilang sapatos.3. _____ ang taling ginamit sa paggawa ng palamuti.4. _____ ang upuang gawa sa puno ng niyog.5. Ilagay ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatiling _____ ang paligid.

V. Takdang Aralin:Gumuhit ng iyong paboritong pagkain na gawa sa inyong lugar. Sumulat ng talatang may mga salitang naglalarawan tungkol dito.