my red lady

63
My Red Lady… Teaser: Isang malaking responsibilidad at misyon ang nakaatang sa mga balikat ni Lancer. Kailangan niyang protektahan ang dalagang nagngangalang Casey Red. Ayon sa commander nila ay nasa panganib daw ang buhay ng huli. Paano pa niya maa-accomplish ang mission kung sa unang kita pa lamang niya sa dalaga ay nahulog na ang loob niya rito. Chapter One Chatrice, kailangan na natin ng bagong secretaries. Gulong gulo na ang schedule ko.” Untag niya sa bestfriend niyang prenteng nakaupo sa swivel chair nito. Talagang kailangan nila ng secretaries dahil baka magulo ang Sevillejo Hotel, ang Sevillejo Farm at ang iba pa nilang business kaya't inaagapan na niya. “Don't worry. May naghihintay na sa labas, ikaw kasi napaka- choosy mo sa secretary.” Tumayo ito at naupo naman sa gilid ng lamesa. “Eh, ano namang gagawin ko sa sekretaryang tanga? Pinapasuweldo ko siya at dapat niyang pag-ayusin ang trabaho.” Strikto siya pagdating sa trabaho, ayaw niya ng pa-petiks petiks lang. Tinanggal niya ang sekretarya niya dahil ilang beses na

Upload: eloisajoypenol

Post on 24-Oct-2014

113 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: My Red Lady

My Red Lady…

Teaser:

Isang malaking responsibilidad at misyon ang nakaatang sa mga balikat ni Lancer. Kailangan niyang protektahan ang dalagang nagngangalang Casey Red. Ayon sa commander nila ay nasa panganib daw ang buhay ng huli. Paano pa niya maa-accomplish ang mission kung sa unang kita pa lamang niya sa dalaga ay nahulog na ang loob niya rito.

Chapter One

Chatrice, kailangan na natin ng bagong secretaries. Gulong gulo na ang schedule ko.” Untag niya sa bestfriend niyang prenteng nakaupo sa swivel chair nito. Talagang kailangan nila ng secretaries dahil baka magulo ang Sevillejo Hotel, ang Sevillejo Farm at ang iba pa nilang business kaya't inaagapan na niya.

“Don't worry. May naghihintay na sa labas, ikaw kasi napaka-choosy mo sa secretary.” Tumayo ito at naupo naman sa gilid ng lamesa.

“Eh, ano namang gagawin ko sa sekretaryang tanga? Pinapasuweldo ko siya at dapat niyang pag-ayusin ang trabaho.” Strikto siya pagdating sa trabaho, ayaw niya ng pa-petiks petiks lang. Tinanggal niya ang sekretarya niya dahil ilang beses na niyang napagalitan dahil laging mali ang format ng mga letters na ipinapadala niya sa mga kliyente. Lagi rin itong late. Ayaw niyang madungisan ang pangalan ng Sevillejo Hotel, planado lahat ng ginagawa niya, lahat naka-schedule. Eleven-fifty ay dapat kumakain na siya ng lunch, seven thirty ang dinner at breakfast. Hindi pa kasama roon ang mga sides niya, kung bubulatlatin lang ang personal ref niya sa opisina ay kung anu-anong pagkain ang nakikita. Oreo cookies, gummy bears, gummy worm, candies, potato chips, chocolate drinks at chocolate bars, crackers at tubig. Ayaw niya ng mga softdrinks. Hilig lang talaga niyang kumain. At ito ang hindi alam ng marami. She owned restaurant chains both here and abroad, graduate kasi siya ng Culinary arts. Isa rin siyang romance writer at model. Isinusuot niya ang mga gown na design ni Chatrice, isa rin itong fashion designer aside sa pagiging chairwoman ng hotel. Siya naman ang presidente, malas lang niya dahil sa kanya

Page 2: My Red Lady

muna napapapunta ang isang tambak na mga pipirmahang mga papeles bago sa kaibigan. She love her work, gusto niyang ang pagiging busy. Beautiful lady, successful in businees, kabilang sa high class but one thing, hindi niya kayang magmahal.

Sagot naman niya habang sinisipat ang cellphone, dat rati ay wala siyang pakialam sa cellphone at walang hilig mag-cellphone. Pero ngayon, heto, hindi mabitwan dahil baka may tumawag. May pinatatakbo na silang chain of restaurants and hotel na kung saan saan tumubo sa Pilipinas. Hindi niya masyadong in-expect na magkakatotoo ang mga pangarap nila. Kung tutuusin, hindi naman talaga siya gaano kasipag, tamarin nga eh at walang pakialam sa mundo. College sila naghiwalay dahil nag-migrate sila. Si Casey ay sa Canada habang si Chatrice naman ay nag-aral sa Baguio. Tuwing bakasyon ay bumibisita si Casey sa kaibigan, hindi talaga niya ito matiis. Mahirap maging loner, nakakabaliw. Magkasama silang nagkaroon ng crush, kabulastugan, ka-epalan ang kung anu-ano pa. Para na silang magkapatid, kahit na may asaran ay sasakay na lang ang isa. Nagsesermonan din naman magtapos ng ilang minuto ay bati na ulit.

Mahirap ang pinagdaanan niya bago nakamit ang lahat ng mayroon sila ngayon, sinoportahan sila ng kanilang mga magulang para makapagpundar ng puhunan para sa hotel. Malaki rin naman ang naipon niya sa bangko dahil nagpa-part time siya bilang restaurant crew noong college pa siya. Ang una niyang naipatayong establisimiyento ay ang Garden Square Restaurant, pumatok ito sa Alberta, Canada at maraming siyang kapwa Pilipino na nag-suggest na magpatayo ng isa pang chain sa Pilipinas at ibang bahagi ng Canada. Iyon ang naging simula niya, sumasali rin siya sa mga cooking competitions at nananalo naman siya. Si Chatrice ay nagpa-part time rin, nagsa-submit ito ng mga gown designs sa mga kilalang fashion company ng bansa. Nang magkaroon ng malaking pagkakataon ay umuwi siya para sa pangarap nilang mag-bestfriend, kahit anong hirap ay sinuong nila para matupad ang pangarap nila noong highschool pa sila at ngayon, naging matagumpay sila. Kahit wala silang love life ay ayos lang

Noong highschool pa lang sila ay nakaplano na ang hotel at iba pang business na gusto nila. Pangarap niya iyon at natupad na ngayon. Hindi lang Sevillejo Hotel at Sevillejo Farm ang pag-aari nila, narito rin ang Chef Community na isang culinary school, ang Garden Square Restaurant, Sevillejo Island, may yate rin sila at isang private plane at dalawang chopper. Sa iisang villa lang din sila nakatira dahil ano naman ang gagawin nila sa isang malaking bahay kung mag-isa lamang sila roon? May kanya kanya nang bahay ang mga parents nila, ipinagtayo nila, siyempre.

Hindi lahat ng mga matalik na magkakaibigan ay pareho ng mga gusto. Marami silang differences, tulad na lang ng office nito, masyadong girly. May mga pink highlights sa dingding, light blue at kung anu-ano pang pambabaeng mga kulay. Habang ang kanya naman ay medyo powerful ang kulay, touch of black and red -her favorite colors- white at may mga steel colors. May inner room ang kwarto niya, bedroom ito. Isa pang bagay, ang kotse. She have sports car and big bikes, both black and red while Chatrice ay custom-made na may mga ka-ek-ekan tulad ng pink na gown na nakapinta sa hood ng kotse. Isa lang ang nasasabi niya kapag nakikita niya ang mga sasakyan nitong may kung anu-anong design, “Yuck.” Hindi naman siya tibo, ayaw lang talaga niya ng masyadong babae.

Page 3: My Red Lady

Nagsusuot naman siya ng dress, infact she loved dresses,bags and shoes. She always take things seriously. So seriously. Habang si Chatrice ay easy going lang. Ang nakakapikon nga lang sa bestfriend niya lalo na noong highshool ay ang pangongopya ng mga sagot sa chemistry class nila dahil nagbibigay ng quiz ang professor nila. Rush quiz ang sinasagutan nila, pagkatapos ma-discuss ang isang lesson ay quiz na agad ang kasunod. May timer ang quiz na ito at ini-re-record ang lahat ng scores na nakuha nila. Five points per number, total of twenty five points, ten ang nakuha nila. Pinapagalitan na nga niya ito dahil hindi iniintindi ang mga equations, plakda tuloy sila. Kung may differences, may pagkakatulad naman. Pareho nilang ayaw sa kulay orange, mukhang preso.

Ngumingiting naiiling si Casey habang sinasariwa ang “highschool life” nila. Hinila ni Chatrice ang buhok niya kaya't naibalik ang isip niya sa kasalukuyan.

“Ano ba? Bakit ka ba nanabunot?”

“Hindi kita sinasabunutan 'no. Tinatanong ko sa iyo kanina pa kung papapasukin na natin yung dalawang applicants.” Tumango siya bilang sagot.

“Wait, doon tayo sa office ko mag-usap, sumunod na lang kayo. Nasusuka ako dito.” Pinandilatan siya nito. Lumabas na siya ng office at nagtuloy tuloy sa kanyang opisina. Bago pa niya mapihit ang seradura ng pinto ay nahagip na ng paningin niya ang dalawang lalaking naka-business suit. Lalo na ang lalaking napakalapad ang ngiti habang kinukulit ang kasama nito. Napailing na lang siya. Sana matinong tao ang magiging secretary niya.

“Pare, pwede ba. Ngumiti ka naman. Paano ka nila matatanggap. Lancer, baka mamaya, bato ka na.” sabi ni Lantis ang pinsan. Kahit kailan ay hindi niya ito nakitang ngumiti, ni sa picture. May special mission sila ni Lancer, kailangan nilang protektahan ang dalawang binibini sa likod ng matagumpay na mga negosyong ito. Malaki ang tiyansa nilang ma-accomplish ang mission na ito dahil mag-a-apply sila bilang mga secretaries. Si Casey Red ang kailangan niyang bantayan, sana naman ay matanggap sila. May babaeng naka-pink coat at black skirt ang lumapit sa kanila. Naka-pony tail ang mahabang buhok nito.

“Good morning guys. By the way, I'm Chatrice Sevilla. I-interview-in na namin kayo kaya doon na tayo sa office ni Casey. Follow me, please.” Sense na niya na pareho sila ng personality nito. Tumayo na silang pareho at naglakad dala dala ang resume nila. Pumasok sila sa isang napaka-eleganteng opisina. Napaka-powerful ng mga kulay na nakikita sa loob. May white couch sa bandang kanan ng opisina, office table sa kaliwa na may nakapatong na itim na laptop. Tugma ang apelyido nito sa deskripsiyon ng mga pagkatao nito, powerful. May nakita rin siyang maliit na ref. Bumukas ang isang pinto katapat ng ref at iniluwa niyon ang isang babaeng naka-white long sleeved blouse na may collar, itim at hapit na pencil cut. Nakalugay rin ang mahabang buhok nito, she didn't

Page 4: My Red Lady

smile but she just stare and look to the two of them na parang kakainin sila ng buo. Biglang bumilis ang pintig ng kanyan puso.

“Casey, sila ang yung sinasabi kong mga applicants.” Tumango lang ito at dumiretso sa table at naupo sa swivel chair. Kung pagkukumparahin ang dalawa ay tiyak namaraming pagkakaiba ang mapapansin sa mga ito. Tulad na lang ni Chatrice, na babaeng babae ang pananamit, kulay pink pa, habang si Casey Red ay malamig ang presensiya at napaka-authority ng pananamit. Sigurado siya ng maraming rumerespeto rito.

“Resume.” And it's a command, walang please. Inabot niya ang resume niya at binuklat naman nito ang folder. Napataas ang kilay nito, ibinaba ang folder at tumingin sa kanya. “Lantis Villacerna, graduate from Harvard University. You're over qualified, masyadong mataas pinag-aralan mo tapos secretary lang ang bagsak mo.” Palihim na nilingon niya ni Lancer na kausap si Chatrice. “And one thing, you're a male.”

Ayaw ba niya sa lalaki? God! Gwapo naman ako ah!

Huminga ito ng malalim, ibinalik sa kanya ang folder. “Papag-isipan ko pa. Wait, ummm... I think I've already heard your name. Lantis Villacerna from Private Security Agency Unit?”

Sapul! Paano niya nalaman? Mayaman 'yan kaya niya nalaman? Think! “No, ma'am. Siguro kapangalan ko lang.” Depensa niya. Siguradong dadaan muna siya sa butas ng karayom bago maging sekretaryo nito. Kung titingnan ay cute ito, may dimple sa kaliwang pisngi, mahahabang pilik mata, cute at katamtamang hugis ng ilong at mapupulang mga labi. Siguro ay five five lang ang taas nito dahil hanggang balikat niya lang ito. Kahit maliit na babae ay matalino ito. Mahirap ispelingin.

“Chatrice-” Nanlaki ang mga mata nito nang makita na kumukuha ng kung ano sa loob ng ref. “Oh hell! Hindi ba sabi ko sa iyo, wag na wag kang kukuha sa ref ko?!” Singhal nito.

Isinubo nito ang isang piraso ng gummy worm. “I'm hungry.”

“Kung gutom ka, tumawag ka sa baba at magpadala ng pagkain.” Utos nito.

“Bakit pa? Marami namang foods rito ah.” Nagkibit balikat si Chatrice na tangan pa rin ang container ng gummy worms.

“Full of sugars and carbohydrates ang laman ng ref ko, kung ayaw mong tumaba, magtigil ka!” Pikon na pikon ito, ayaw pala nitong ginagalaw ang sarili nitong pagkain.

“Okay, sa iyo ko i-tsa-charge.” Pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at saka ibinalik ang container ng gummy worms.

Page 5: My Red Lady

“Snap out of it. Galawin mo na ang lahat huwag lang ang mga pagkain ko. Um-order ka na kung anong gusto mo, tapos tumawag ka sa Yellow cab at um-order ka na rin ng pizza, yung pinakamalaki at pinakamasarap.” Utos ulit nito. Meron siyang natuklasan, mahilig palang kumain itong huli. Bumaling ulit ito sa kanya at may kapilyahang nababakas sa mukha at sa mga labi.

“Para hindi ako mahirapan na magdesisyon kung tatanggapin kita, guess what food I don't like to it. I'm going to give you three chances. Kapag hindi mo nahulaan, you're out. First guess.” Gusto pala nito ang mga mind puzzling games. Ano nga ba? Akala ko mahilig itong kumain, iyon pala may kinaayawan din. Think!

“Casey, kailangan pa bang itanong iyan?” Tanong ni Chatrice habang itinataklob sa mukha nito ang resume niya. “Hindi ito games.”

“Can you please stop that! You're blocking my face. I know, hindi nga ito laro, pero trip ko lang kaya 'wag kang magulo. At pwede ba, huwag mong ipagduldulan iyang folder sa mukha ko, kundi makakatikim ka sa akin.” Hinawi nito ang folder. Ewan ba niya kung matatawa siya o maiinis sa dalawang ito. “Dahil kailangan ko talaga ng secretary, I'm going to test you today. Kung kaya mo ang pressure, you're on. Forget the puzzle and by the way, huwag na huwag kang magse-serve sa harap ko ng celery at parsley. Kahit na garnish pa yan.” Biglang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa table. Dinampot nito iyon at nag-excuse.

“Hello?Shit! Dadaan ako sa farm. Huwag na huwag ninyo siyang patutuntungin kahit sa tapat ng gate. I'm going to kill that bastard!” Ibinaba na niya ang cellphone. Sumugod na naman si Kevin Yazuka, ang isa sa kakompetensiya niya sa farm. Gustong gusto nitong bilhin ang farm at hindi naman siya pumayag. Hindi siya ganoong katanga para ipagbenta ang pinaghirapan nila. Ilang beses na siyang sinuyo nito at isa lang ang laging sagot niya, “hindi.” Ngayon, may mga death threats siyang natatanggap mula rito. Ang iniiwasan lang niya ay ang madamay ang mga magulang at kapatid niya, pati na si Chatrice. Bumalik na siya sa lamesa at matamang nakatingin siya sa tatlo. “What? Go back to work. Lantis, be ready sa mga darating na mga tawag.” Pumunta na ito sa labas ng opisina niya. It's going to be a tiring day. Pero parang hindi siya ma-e-exhaust kung napakaguwapo naman ng secretary niya. Pinipilit niyang maging pormal at hindi kiligin dito kanina dahil baka pagtawanan siya. Besides, babae siya at kinikilig naman siya sa mga gwapo. Hindi niya makalimutan kung paano kumunot ang noo nito nang tanungin niya ang ayaw niyang pagkain, sexy. Hindi niya alam kung bakit naging madaldal siya kaninang kaharap niya ito, baka gumagana na ang matagal na natutulog na mga hormones niya sa katawan; hormones ba o puso?

Kauupo pa lang niya sa office chair ay sunod sunod na nag-ring ang telepono. Matapos niyang sagutin ang tawag ay tumunog uli iyon hanggang sa hindi na mabilang

Page 6: My Red Lady

ang mga tumawag. May mga nagpapa-appointments, meetings, invitation sa mga social gatherings at kung anu-ano pa. Napaka-organized niya kaya't nagawa naman niya ng maayos ang trabaho niya. Biglang kumalam ang sikmura niya, tumingin siya sa relong pambisig. Eleven thirty na at lunch time niya. Kinatok niya ang pinto ng office ni Casey, walang sumasagot kaya't pumasok na siya. Nadatnan niya ito na busy sa pagtipa ng keyboard ng laptop. Nakasuot ito ng salamin, reading glasses siguro. Bumalik siya sa table niya at pinindot ang number 8 para tawagan ang Garden Square sa ibaba. O-order siya ng lunch. Matapos ng kalahating minuto ay nasa kanya na ang in-order. Dalawang Hawaiian Steak, para sa kanya at para kay boss. Pumasok na siya sa loob at tila hindi ito kumibo maliban na lang ang mga kamay dahil nagta-type pa rin ito. Bakit hindi pa kaya siya kumakain? Concern din naman siya sa boss niya, nagpapakabait na siya. Itinulak niya ang trolley sa harap nito, taka lang siya, wala ba itong nakikita? Hindi man lang siya nilingon nito.

“What's that?” Biglang tanong nito at hindi pa rin siya nililingon.

“What's that, too?” Sinilip niya ang ginagawa nito.

He kissed her gently. Ayaw na niyang pakawalan ang babaeng ito, ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam ng may nagmamahal sa kanya. He felt her lips apart, welcoming him.

“ Romance story?” Nilingon niya ito, malapit na malapit na, konting konti na lang at malapit na ang kanilang mga labi, parang yung isinusulat nito.

“Pwede bang ilayo mo yang mukha mo sa akin?” Bigla siyang nahiya, parang school boy. Tumikhim siya.

“Nagdala nga pala ako ng lunch, alas dose na, baka hindi ka pa kumakain.”

“You don't have to worry about me.” Biglang bumukas ang pinto. Lumitaw si Chatrice, isang bakol ang mukha.

Chapter Two

“Casey! Nakakainis si Lancer! Muntik na akong maging bato roon sa office ko, kung hindi pa ako pumunta rito. Kaloka!”

Nagtaas siya ng kilay. “What do you mean?” Kung wala siya sa sariling katinuan kanina ay nahalikan na siguro niya sa Lantis, konti na lang talaga! Muntik na! Mabuti na

Page 7: My Red Lady

lang at biglang pumasok si Chatrice. Lumapit ito sa kanya. “Ayaw niya ako kausapin, isang tanong isang sagot. My God! Hindi man lang niya ako in-invite mag-lunch!” Angal nito.

“Invite ng lunch? Hello?” Inginuso niya ang trolley na may pagkain. “Mag-lunch ka, busog pa ako sa kinain kong pizza kanina, kakausapin ko lang si Lancer.” Iniwan na niya ang dalawa sa loob at dumiretso naman sa table ni Lancer. Pareho pala sila ni Lancer, napaseryoso pagdating sa trabaho. Magkakasundo sila. Naabutan niyang may binabasa itong papeles.

“Hey, can we talk for a while? Nag-lunch ka na?” Tanong niya rito. Tiningala naman siya nito. Ideal man si Lancer, serious type, at ibang iba kay Lantis, one thing in common, parehong gwapo ang dalawa.

“No, not yet.” Ibinaling ulit nito ang atensiyon sa binabasa.

“Let's have a lunch. We need to talk.” Sabay silang bumaba at pumasok sa restaurant.

Matapos um-order ay nagsimula na siya. “Lancer, what is the reason why the two of you decided to be our secretaries. Alam ko na hindi kayo ordinaryong tao.” Umiwas ito ng tingin sa kanya.

“Casey, you're receiving death threats, right?” Tumango siya. “Inatasan kami ni Marco, ang commander ng Private Security Agency Unit para protektahan kayong dalawa.” Napangiwi siya, ang tinutukoy nito ay ang nakatatandang kapatid niya. Matagal na itong nagtatrabaho sa PSAU bilang commandr. Close sila ng kuya niya kaya't alam niya ang pag-aalala nito. “He's a very good man. I understand. Pero Lancer, huwag na huwag mong sasabihin kay Chatrice ang tungkol sa mga pagbabanta sa akin. Pati na rin kay Lantis, huwag mong sabihin na alam ko na ang pakay ninyo.” Huminga siya ng malalim. Masyadong malala na ang mga natatanggap niyang death threats dahil pati ang kuya ay alam ang tungkol dito. Sa lahat ng trabaho ay hindi maiiwasan ang mga ganitong bagay, lalo na sa posisyon niya ngayon. MArami siyang nakakabanggang mga business tycoons na gusto siyang pabagsakin. Para na rin siyang nag-training sa PMA dahil kontrolado niya ang kanyang emosyon, her blank face shows it. Sabi nga ng iba ay “autistic” daw siya dahil parang may sariling mundo. Hindi siya nagagalit, natutuwa, para siyang bato. Well, she doesn’t care about them. Wala naman silang silbi sa kanya dahil pampasira lang sila at the same time ay pinapasalamatan din niya ang mga ito dahil doon ay nagiging sikat ang hotel niya. At ito naming si Chat, kulang na lang ay ibaon ang mga ito sa lupa ng buhay. Sensitive kasi ang bestfriend niya, kaunting masasamang mga bagay na napagkukwentuhan at nasasabi rito ay lumuluha na agad ito. Iba siya, walang taong

Page 8: My Red Lady

nagpapaiyak sa kanya maliban na lang sa family niya. Malakas ang tingin ng ibang tao sa kanya. Marami pa siyang itinatago, mga talento at mga ideas.

Tumango ito at ngumiti. “I know, this will be our little secret.” I-s-in-erve na ng waiter ang in-order nila at nagsimula na silang kumain. Lahat lahat ng resipes dito sa hotel ay kanya, sekreto ang lahat ng ito. Nagsimula siyang mag restaurant business ay noong college siya. NAgpa-part time siya noon kaya’t nakakaipon. Matapos ang culinary a nag-aral pa rin siya ng business management. Bumalik lang siya sa bansa nang magkaroon nan g sapat nap era para makapagsimula ng hotel business. Ganoon din naman ang ginawa ng bestfriend niya, nag-part time rin ito at nagtiyaga. Hindi naglaon ay natupad ang lahat ng mga pangarap niya and now Sevillejo Properties are still going strong. At nakasisiguro siya na walang makakapagpabagsak dito.

Tumusok siya ng maliit na hiwa ng kamatis at isinubo iyon. “Nasabi sa akin ni Chatrice kanina na kibuin-dili mo raw siya. Why? Ayaw mo ba ng magulo at sira ulo?” She was preferring to her bestfriend. He he he!

Tumungo ito at tila nahihiyang sagutin ang tanong niya. She found it cute, kung nakikita lang ito ni Chatrice at nagtititili na ito sa kakiligan. “I'm shy.” Mahinang sagot nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata ng umangat uli ang ulo nito. “What?! Y-you're shy?! How could a gorgeous man like you na mahihiya sa babaeng luka-luka?! Oh Lancer!” Hindi siya makapaniwala, may gwapo pa lang mahiyain din. Eh si Lantis, makapal ang mukha, parang gulong ng sasakyan. Bakit naman sumulpot ang kulugong iyon sa isip ko? Kahit kalian ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend, crushes lang. Mahilig siya sa gwapong mga lalaki, lalo na ang long time crush niyang artista na si Yuu Shirota, isang half Japanese at half Spanish actor ng Japan. Ang hindi alam ng lahat ay madali siyang kiligin lalo na sa mga simple gesture ng mga lalaki. Hindi lang niya ipinahahalata.

“I don't know. Ngayon ko lang naramdaman ito.” Sumubo ito ng karne at uminom ng ice tea.

“You know what? I like you.” sabi niya. Prangka talaga siyang magsalita. Kahit kanino ay prangka siya. Pasensiya na lang ang mga nakakausap niya dahil ito ang tunay na saloobin niya. KAhit kay Chat ay ganito siya.

“Like?” Ngumiti ito. “Me too, I like you.”

Nakasilip siya sa tagiliran ng glass door ng restaurant. Pinagmamasdan niya ang dalawa habang masayang kumakain. He can't believe it! Lancer was smiling because of his boss! Paano na siya? Hindi pwede! Humanda ka Lancer! Taksil ka! Itinulak niya ang glass

Page 9: My Red Lady

door at dumiretso sa table na kinaroroonan ng dalawa. Tumikhim siya at napalingon naman ang mga ito, kita ang gulat ni Casey nang makita niya.

“What the hell are you doing here?” Tanong nito.

“Pwede ba, huwag mo akong tanungin ng ganyan. Ako dapat ang magtatanong sa iyo. What are you doing here?” Balik-tanong niya. Kumunot ang noo nito.

“Mr. Villacerna, baka nakakalimutan mo. Ako ang boss mo. How dare you to ask me like that?” Madiin ang pagkakasagot nito.

“I know, ikaw ang boss ko. Pero bakit mo tinanggihan yung lunch na ibinigay ko sa iyo? Sabi mo busog ka tapos nakikipag-lunch date ka kay Lancer.” Binalingan niya ng masamang tingin si Lancer, ngumiti lang ito. This is bad! He's smiling! Bumaling ulit siya sa kanyang “boss.” Hindi niya alam kung nagseselos siya o nagtatampo dahil hindi nito tinanggap ang lunch na inalok niya, sayang naman ang ipinambili niya niyon. Maging si Chatrice ay hindi kumain.

“Ah, kasi... ano eh...” Hindi na niya ito pinatapos, hinila na lang niya ito palabas ng restaurant.

Para siyang bangkang papel na kung saan dalhin ng agos ay sumusunod siya. Hinila siya ni Lantis at hindi siya nakaangal. It feels good when he's holding her wrist. “Stop! What do you think you're doing.” Ipiniksi niya ang kanyang kamay at nabitawan naman siya ni Lantis. Magagalit naman talaga siya dahil walang respeto ang ipinakita nito sa kanya. He's thirty four and she's twenty eight turning twenty nine ngayong darating na September fifteen kasabay ng birthday ni Chatrice at second year anniversary ng hotel. “Can you show me some respect, Mr. Villacerna? Sino ka para ganyanin ako? Secretary lang kita at wala kang pakialam kung kanino ko gustong makipag-lunch!” Pabulong ang ginawa niya dahil maraming guest na maaaring makakita sa kanila. Dumale na naman ang katarayan niya.

Tumungo ito. “Look, I'm sorry. I didn't mean to-”

“Pero ginawa mo! Sumunod ka sa office.” Nagpatiuna na siyang naglakad at pumasok sa elevator, kabuntot naman niya ito. Para siyang binagsakan ng malaking hollowblocks sa dibdib dahil siya ang nasaktan para rito. Ayaw niya itong sigawan pero mali naman talaga ito. Ke-bago bago ito na ang inaasta. Nang makarating sa opisina ay tsaka siya nagtaas ng boses. Sound proof naman ang opisina niya.

“Lantis, remember this. Nagsisimula ka pa lang, hindi ka pa regular, kung ganyan lang ang iaasta mo, umalis ka na lang.”

“I'm sorry.” Nagmamakaawa na ang tinig nito, siya ang taong tumatanggap agad ng paumanhin. Ayaw niya ng may kaaway. “Aalis na lang ako.” Tumalikod ito at lugu-lugong dumiretso sa pinto at binuksan iyon. Natigalgal siya sa kinatatayuan, iiwan siya

Page 10: My Red Lady

nito? Paano naman ang mga schedule niya? Gugulo na naman ang buhay niya. Tinotoo nga nito ang banta niya, nag-backfire lahat sa kanya ang emosyon. Kung galit siya kanina ay malungkot naman ngayon. Akala niya ay ito ang mawawala kundi siya pala.

“Wait!” Pigil niya rito. “No. Don't leave.”

Lumawak ang ngiti niya nang pigilan siya nito. Pumihit siya paharap at muling naging artista dahil nagsisisi effect ang kanyang mukha. Sabi na nga ba, hindi mo ako matitiis! Gwapo ko talaga! Sinapo nito ang sariling noo.

“Lantis, hindi ko naman gustong sigawan ka. Pero mali ang ipinakita mo kanina, hindi naman kasi ako naninigaw ng tao. Paano na lang kung isang investor pala iyong kausap ko kanina? Huwag kang umalis. But don't do that again, okay?” Para itong teenager na nagpaiyak ng bata. Paiyak na rin ang hitsura nito. Sumulyap ito sa orasan. “I'm going. Pupunta ako sa farm.” Iyon lang at iniwan na siya nito. Ang mga katagang binitawan nito kanina ay nagpapatunay na ayaw siyang paalisin nito.

Mahigit limang taon na silang nagtatrabaho ni Lancer sa PSAU, ang ama nito ay ang may-ari ng naturang ahensiya. Kilala ang PSAU sa buong bansa dahil mapagkakatiwalaan ang mga ito at tapat sa serbisyo. Hindi ito isang Government agency, itinayo ito ng Papa niya at Papa ni Lancer noong isang taong gulang sila pareho ng huli. Mahilig siyang magpasaya ng mga babae, not in bed dahil hindi niya masyadong forte iyon. Komedyante siya, masasabing pilosopo pero kahit ganoon ay maraming natutuwa sa kanya dahil wais daw siya at guwapo. Halos lahat ng babaeng nakakasalubong niya ay nililingon siya, nginingitian at kung minsan ay nagpapakilala at hinihingin ang phone number niya. Generous naman siya kaya't pinagbibigyan niya ang mga ito. And for the record, ngayon lang siya nasigawan ng babae maliban sa mama niya. Baka hindi tumalab ang charm niya kay Casey. Kung bakit sa dinami-rami ng lalaking pwede nitong yayaing mag-lunch ay si Lancer pa, nandito naman siya. Tsk! Tsk! Tsk! I want her! Ngayon lang siya naging ganoon ka-agresibo sa babae. Parang ang damot niya ngayon, hindi lang naman kasi ordinaryong babae ang boss niya. Mataas ang pride nito, parang walang emosyon, para itong isang malaking bangungot sa mga chickboy. Akala niya ang lahat ng babae ay mapapansin siya, physically dahil iyon naman ang habol ng lahat. Bawal ba itong ma-inlove? Kasi kahit bawal magiging pasaway ako.

Sinalubong siya ni Mang Cardo, ang isa sa mga magsasaka nila. Ito rin ang nag-report sa kanya ang pagsugod ni Kevin kanina. Tinanggihan niya ito maging dealer ng mga insecticides at pesticides dahil nakakalasong kemikal ang mga produkto nito. Organic pesticides and insecticides ang ginagamit nila. Ayaw niyang masira ang kredibilidad ng farm dahil lang sa lalaking ito. Tumuloy sila sa ranch house at nandoon ang lahat ng mga tauhan nila.

“Magandang hapon, Ma'am.” sabay sabay na bati ng mga ito.

Page 11: My Red Lady

“Good afternoon. Maupo kayo.” Umupo ang mga ito sa kanya kanya monoblock chairs, ang iba naman ay nanatiling nakatayo. “Kumusta kayo rito?” Tanong niya sabay ang pag-upo sa silyang gawa sa ratan.

“Ayos lang po kami, Ma'am. Paganda ng paganda ang mga ani natin, simula sa bulaklak, mga prutas ang gulay at mga livestock.” Sagot ni Aling Belen, ang asawa ni amng Cardo.

“Tama po iyon. Noong isang araw ay bumisita rito si Sir Manuel, baka mag-i-invest dito.” Sabi naman ni Nilo, ang namamahala sa mga alagang hayop. Si Manuel Fordham ay isa sa malapit niyang kaibigan na nakilala niya sa isang business conference sa Malaysia. Singkuwenta y sinco na ang edad nito ngunit bata pa rin ang hitsura, kasundo niya ang asawa nito at mga anak. Itinuturing na rin niya itong pangalawang ama.

“Nakakatuwa naman. Sinaktan ba kayo ni Kevin?” Tanong ulit niya.

“Naku, Ma'am! Ni hindi nga iyon makapasok dito sa loob dahil may dala dala na kaming mga bolo at pamalo para sa kanya!” Pagbibida ni Dino, ang binatilyong nag-aani ng mga bulaklak. Lahat ng mga kabataang nagtatrabaho rito ay kanyang mga scholars. Hindi naman siya binibigo ng mga ito dahil noong nakaraang taon ay grumadweyt si Dino bilang valedictorian, ganoon din ang iba pa. Kaya't hindi siya nanghihinayang kahit na malaking pera pa ang magastos niya para sa mga ito.

Tumawa siya dahil kay Dino. “Huwag kayong pakakasiguro, baka isang araw baril na ang dala noon.” Iyon ang iniiwasan niya, ang masaktan ang isa sa mga tauhan niya.

“Ikaw dapat ang mag-ingat, hija. Hindi natin alam kung kailan aatake iyang Kevin na 'yan.” Sabi naman ni Nanay Viring, ang house keeper.

“Salamat po sa pag-alala. Mang Dante, kailan po ang kasal ni Elene?” Baling niya kay Mang Dante na nakasuot pa ng salakot. Ikakasal na ang panganay nito at nakapagtapos naman ng kolehiyo, nagtatrabaho si Elene rito bilang napangasiwa ng perang lumalabas at dumarating sa farm. Mapagkakatiwalaan si Elene, mas bata nga ito sa kanya ng dalawang taon ngunit matured na ang pag-iisip.

“Sa makalawa na, hija. Iimbitahan nga kita, eh.” Tumawa ito.

“Mang Dante, sagot ko na ang handa.” Sabi niya, kapag may ipinagdiriwang na importanteng okasyon ang mga tauhan tulad ng kaarawan ay ipinaghahanda niya ang mga ito.

Napakamot ng ulo si Elene. “Naku Ma'am! Nakakahiya na sa inyo. Napakarami na ninyong naitulong sa amin.”

“Anong nahihiya? Tulungan lang naman tayo rito, 'di ba? Basta, maghahanda ako.” Pagpipilit niya.

Page 12: My Red Lady

“Sige Ma'am! Maghanda po kayo pero sa isang kundisyon.” Sangat ni Berto, ang kapatid ni Elene.

“Kondisyon? Ano iyon?” Kumunot ang noo niya, kinuha niya ang juice na inihanda ni Nanay Viring at ininom iyon.

“Magdala ka na ng boypren dito!” Nagkandasamid-samid siya sa sinabing kundisyon ni Berto. “Boyfriend? Wala ako n'un!”

“Kaya nga, Ma'am. Kung gusto ninyong makapaghanda sa kasal ni Elene, dapat magdala kayo ni boypren.” Sang-ayon ni Mang Poncio. Mukhang napasubo siya sa mga ito, pati pala lovelife niya ay kasama sa concern ng mga ito. Sino naman ang isasama niya? Hindi pwede si Lancer dahil si Chatrice ang kasama nito, si Lantis kaya? Lihim siyang napangiti dahil sa naisip.

“Ay! May Gwapo!” Irit ni Benilda, ang nakababatang kapatid ni Berto. Napalingon siya sa tinutukoy ni Benilda at halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita. Thinking of Lantis! He's here! Napatayo siya, nakasandal ito sa hamba ng pinto at may subo subong tangkay ng damo. So Hot! Gusto niyang pupugin ng halik ang buong katawan nito.

Chapter Three

“What are you doing here? Hindi ba dapat ay nasa opisina ka?” Tanong niya rito.

“Na-miss kita.” Ngumiwi siya sa sagot nito at kinilig rin. Dumagundong sa kantiyawan ang iritan ng mga tao sa likuran niya.

“Sabi na nga ba! May boypren na si Ma'am!” Sigaw ni Berto. Napalunok siya, walang ibang lalaking nakakapunta sa farm maliban sa mga businessmen na niyayaya niya rito.

“H-he's not my boyfriend, secretary ko siya.” Nagkandautal siya sa pag-imik. She's like a coward, parang isang taong gulang na batang nauutal.

“Ma'am may secretary po bang nami-miss ang kanyang boss?” Kantiyaw ni Mang Poncio. Hinila niya si Lantis palabas ng ranch house at dinala sa kuwadra ng mga kabayo. Paano nito nalaman ang location ng Sevillejo Farm?

“How did you know that I'm here?” Tanong niya rito. Ibang pakiramdam ang rumaragasa sa kanyang puso sa tuwing pinagmamasdan niya ito, sa halip na maiinis ay natuwa pa siyang nandito si Lantis. Hindi lang niya matiis na magtaray, paano kung napakahamak na ito sa daan, o di kaya'y na hi-jack ang sinasakyan nitong kotse, baka nahulog din ito sa bangin. Paranoid ka na Casey! Ano ba kasing pinagkakakain mo?

Page 13: My Red Lady

“Bakit ba laging ganyan ang itinatanong mo sa akin kapag nagkikita tayo? Germs ba ako o virus?”Angal nito, bakitnga ba?

Oo! May sakit ka! Love virus! Tinaasan niya ito ng kilay. “Anong gusto mong itanong ko? Na-miss mo ako kaya mo ako sinundan dito?”

“Pwede na.” Pinandilatan niya ito. “Bumalik na tayo sa hotel, maraming naghahanap sa iyo. Lalo na yung Mr. Manuel Nuestro.”

“Ha?! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Let's go! May dala ka bang kotse?” Umiling ito. Nagtungo sila sa kinaroroonan ng motor bike niya; black Ducati. Ito ang ginagamit niya kapag napunta siya rito sa farm. Convenient at tipid sa gasolina.

“Saan tayo sasakay?” Tanong nito.

“Sa bangka.” Pamimilosopo niya.

“Nasaan?” Tinampal niya ang sariling noo. Inginuso na lang niya ang motor.

Kumunot ang noo nito at nilapitan ang motor. “Quality na pala ang bangka ngayon, may gulong na. Saan mo binili?” Ngali-ngali'y sakalin na niya ito para matigil na sa kalokohan.

“Bakit hindi ka tumatawa? Hindi ba mabenta ang joke ko?”

“Joke pala iyon? Ha ha ha! Iyan tumawa na!” Sarkastikong sagot niya. Bakit ba may taong ipinanganak na ubod ng kulit. Kung hindi nagpapansin, nang-aasar naman, kapag naman walang magawa, kung sino ang pinag-ti-trip-an. Sumakay siya sa motor at sinipa patalikod ang stand, ini-start. Nag-suot ng helmet. Hinintay pa niyang sumakay si Lantis bago umibis ng takbo. Isa na sa mga hobby niya ay ang magkolekta ng mga sasakyan, may mga sports car siya sa bahay, four by four, two wheeled drive, meron din siyang yate, chopper at private plane.

Muntik na niyang mabitawan ang manibela nang maramdaman niyang pumaikot ang mga bisig nito sa bewang niya. She feels hot. Napasinghap naman siya ng ibinaon nito ang mukha sa batok niya

“G-gusto mo bang mabangga tayo?” She tried to compose herself and continue driving. Hindi ito sumagot, saglit siyang tumigil sa gilid ng kalsada. Natutulog pala ang loko! Mabuti na lang at hindi ito nahuhulog. Pinatakbo niya ulit ang motor, medyo alalay lang ng pagda-drive dahil baka bumulagta na lang ito sa gitna ng kalsada.

“Hi sweetheart!” Sinalubong siya ni Casey sa hotel lobby nang may matamis na ngiti sa mga labi. Ngumiti siya at niyakap niya ito ng mahigpit. “Miss me?” Tumango siya. Ibinaba

Page 14: My Red Lady

niya ang mukha sa mukha nito, inilapit ang kanyang mga labi sa labi nito and they kissed, hungrily. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya kasabay ang pag-usal ng kanyang pangalan. She needed him, so badly. Ramdam niya ang pagsinghap nito, is she crying?

“Lantis.” Lumayo ito ng bahagya sa kanya at sinapo ang kanyang pisngi niya, nakatungo ito. Bigla na lang itong natumba, mabuti na lamang ay nasalo agad niya ito. May dugong umaagos mula sa bibig ito.

“I'm sorry.” Bulong nito habang unti-unting ipinipikit ang mga mata.

“No!” Gumewang ang kanyang sinasakyan.

“Shit! Ano ba?! Gusto mo bang mamatay?! Be careful, I'm driving!” Rinig niya ang boses nito, hindi pa ito patay. He embraced her tightly, natatakot siya para dito. And he don't know why.

“I- I can't breathe.” Niluwangan niya ng kaunti ang pagkakayakap niya. Ayaw niya itong pakawalan, kung anuman ang nararamdaman niya ngayon ay ayaw niyang balewalain iyon. Gusto niyang lagi niya itong binabantayan, inaalagaan at kung pwede lang ay lagi siyang bumuntot dito anumang oras.Natural! Kailangan mo talaga siyang protektahan! That’s your mission! Masaya siya dahil ibinigay ni Marco ang misyong ito sa kanya- na protektahan ang nakababatang kapatid nito. Hindi alam ni Casey ang tungkol sa misyon niya, ayaw niyang ipaalam dito dahil baka iwanan siya nito. Takot siyang mawalan, noong bata pa siya ay maraming bagay na ang nawala sa kanya, kabilang na ang kanyang mga magulang na parehong namatay sa isang car accident. Pinilit niyang maging masaya, masayahin naman talaga siya ngunit lalo siyang sasaya kung kasama niya ang babaeng pinakamamahal niya.

Do I love her? Infatuation or love? What is this?

Maaga siyang pumasok dahil marami rin siyang aasikasuhin. Ipinag-e-encode siya ni Casey ng mga documents na dapat i-print at isumite kay Chatrice. Wala sa bansa ang boss niya, may dinadaluhan itong business conference sa Japan. May makilala kaya itong lalaki? Makikipag-date kaya ito sa iba? Ipinilig niya ang ulo para alisin ang mga bagay na iyon sa utak niya.

“Hey!” Lumapit si Chatrice sa kanya na may dala-dalang kung violet na USB.

“Good morning, Ma'am.” Inihinto muna niya ang pagta-type at tumayo.

“Walang maganda sa umaga.” Bakit kaya nakasimangot ito? Baka nag-away na naman si Lancer at ang huli. Napapansin niyang parang aso't pusa ang dalawang ito. Ano kayang nangyayari? Gusto niyang malaman. “Here.” Isinaksak nito ang USB sa laptop niya. “Wala iyang virus.” May binuksan itong isang file.

“Ano iyan? Porno?” Tanong niya.

Page 15: My Red Lady

“Loko! Just watch!” Tiningnan niya ang screen, naroon ang eksena nila Casey at Lancer noong kumakain sa Garden Square noong isang araw. Hindi malinaw ang ilang conversation ng mga ito. Basta ang nakikita niya ang nagtatawanan ang dalawa, mukhang masayang masaya sa pinag-uusapan.

“I don't know. Ngayon ko lang naramdaman ito.” Sumubo si Lancer ng karne at uminom ng ice tea.

“You know what? I like you.” sabi ni Casey.

“Like?” Ngumiti ito. “Me too, I like you.”

Nagpanting ang magkabilang tainga niya sa narinig. They were confessing to each other! How could that happened?! Kasisimula pa lang nila ni Lancer noong araw na iyon at naka-iskor na agad ito! May past ba ang dalawang ito? Kaya pala nakasimangot itong si Chatrice dahil sa video, may gusto kaya ito sa pinsan niya? Kung wala ay dapat masaya ito para sa kaibigan pero mukhang galit na galit.

“Bakit ipinakita mo ito sa akin?” Tanong niya.

“Hindi dapat sila magkatuluyan! Kaya pala hindi ako kinakausap ni Lancer dahil sa taksil kong kaibigan! My God!” Balabag itong naupo sa table niya. “Lantis, alam kong gusto mo si Casey. I have a plan.” Matamang nakinig siya rito, sumang-ayon at nagbigay pa ng ilang suggestions para sa plano nila. Niyaya niya itong kumain sa labas, sa Jollibee sila kumakain. Habang nag-uusap ay may nahagip ang kanyang mga matang dalawang pamilyar na mga bulto. Parehong nakatayo ang dalawa sa counter, ang babae ay naka-abrisete sa lalaki habang umo-order ang huli. Sana ay nagkakamali siya, hindi si Lancer at Casey ang dalawang ito. Sobrang sweet ng mga ito sa isa't isa. Pumihit na ang dalawa at halos mabulunan siya sa nakita. Sila nga! Akala niya ay nasa Japan ito iyon pala nakikipag-date kay Lancer! Bakit ito nagsinungaling sa kanya? It hurts! Hindi niya maatim ang dalawang ito. Hindi niya ipinaalam kay Chatrice ang nakita dahil baka gumawa pa ito ng eksena. Niyaya na niya itong bumalik sa office.

Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakikita niya sina Lantis at Chatrice na kumakain. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito, ilang araw na ring lumipas mula ng magpunta silang dalawa sa farm. Sabi niya rito ay pupunta siya sa Japan, hindi iyon totoo dahil may kailngan pa silang tapusin ni Lancer. Pagkatapos noon ay hindi man lang siya kinibo nito, ni hindi niyayang kumain sa labas. May gusto pala ito sa bestfriend niya, paano na siya? Akmang titingin ito sa direksiyon niya ay bumaling na siya kay Lancer.

“Okay na yung order?” Tumango ito. Humanap na sila ng lamesa at pilit niyang ikinukubli ang sakit na nararamdaman.

Page 16: My Red Lady

Kumuha siya ng fries, isinawsaw sa ketchup at isinubo iyon. Mabuti pa ang french fries at ketchup, compatible sa isa't isa. Spaghetti at keso, magka-match, ang pares ng love birds, hindi kayang mabuhay ng wala ang isa. Kahit isa man lang doon ay wala sila ni Lantis. Parang nag-iba ang lasa ng french fries, tumigas iyon. Kutsarita ng pala ng sundae ay nginangata niya.

“Parang wala ka sa sarili.” Untag sa kanya ni Lancer. Hindi niya kayang magsinungaling dito, kaya nitong basahin ang nasa isip niya. At ganoon din naman siya rito.

“Nakita ko sila. They were dating.” Sabi lang niya habang nakatulala sa kawalan, naghihintay ng milagro.

“So, you're jealous. Don't worry, nagseselos din naman ako eh. Setting aside the feeling, kailangan muna nating tapusin si Kevin. Araw araw ay lumalala na siya, hindi ko sigurado kung kailan siya aatake. Ito naman si Lantis, walang ginagawa.” Sisi nito sa pinsan.

“Don't accuse him! Lagi nga niya akong sinusundan. Busy lang siguro siya dahil marami akong ipinapagawa sa kanya.” Depensa niya rito. Ang totoo ay ayaw niya ng bantay, kahit na si Lancer pa ito o si Lantis. Kagagawan lang talaga ng kuya Marco niya, masyado ng itong paranoid. Marunong naman siyang humawak ng baril, mag-martial arts, kaya niyang protektahan ang sarili niya. “Lancer, bakit lagi mo akong niyayang kumain? Baka ako ang type mo at hindi si Chatrice?” Dire-diretsong tanong niya.

Tumawa ito. “Dapat siya nga ang kasama ko ngayon. Pero, hayun kasama ng sira ulo kong pinsan kaya ikaw na lang ang niyaya ko.”

“Matter of fact, magiging boring ang mga buhay natin kapag naging tayo. Pareho tayong seryoso. Ayaw ko naman ng ganoon, baka pumuti agad ang buhok ko.” Litanya niya.

“I agree. Malapit na 'di ba ang second anniversary ng hotel? What's the plan?” Usisa nito. Tama, dalawang buwan na lang at anniversary na ng hotel. Tatanda na naman sila ni Chatrice ng isang taon, pati na ang hotel. Sana naman ay sumang-ayo si Chatrice sa plano niya para sa party. It's going to be a one big showdown between them, tiyak na maraming magugulat sa kanila.

“I want a showdown between me and Chatrice. Ang hindi alam ng lahat, magaling kaming sumayaw at kumanta. Total performer, pero hindi ko pa siya nasasabihan. Sana pumayag siya.” Pagmamagaling naman niya.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang dalawang taong pinaka-importante sa kanya, Chatrice and Lantis. Parang tinatapakan ng dinosour ang puso niya nang makita ang dalawang ito na kumakain at nagkukwentuhan. Kahit pilit niyang isiksik sa isip niya na boss-to-employee lang naging usapan nito ay hindi niya naiwasang magselos. Dapat sila

Page 17: My Red Lady

ang magkasama ngayon ni Lantis! Di bale, bukas na bukas din ay yayayain niya itong kumain sa labas or she should say it a “date.”

Natulog na siya sa opisina para mahuli agad si Lantis, hindi niya ito titigilan hangga't hindi ito pumapayag na sabay silang kumain buong maghapon. Nag-ayos siya ng mabuti para naman mapansin nito. Maya-mayang alasiyete ay siguradong narito na iyon. Puting coat naman ang pang-ibabaw niya at pula naman sa loob, puti rin ang skirt at red ang sapatos. Naka-pony tail ang buhok niya. Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pinto, tinakbo niya iyon at agad sa binuksan. Tumambad doon ang gwapong mukha ni Lantis, ngumiti siya ng pagkatami-tamis. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa ay hinimas ang batok.

“You're expect someone?” Tanong nito.

“Yes, you.” Sagot niya.

“Me? Oh yes! Ako nga, ito ang schedule mo for today. Lunch meeting with Mr. Santos, charity ball sa Manila at-”

“Stop!” Tigil niya rito at itinaas pa ang kamay. “Kumain ka na ba?”

“Ummm... yes.” Pumasok na ito sa loob,

“What?! Bakit? May kasabay ka? Sino? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” Sunod-sunod niyang tanong na sinundan pa ng pagmamaktol. “Iyan tuloy nasayang yung pagkaing in-order ko sa baba!” Padabog siyang umupo sa swivel chair.

“Wait, naguguluhan ako. Tanong mo kanina, bakit hindi ko sinabi sa iyo na mag-aagahan na pala ako ng hindi ka kasabay, tama?” Tumango siya. “Eh, walang ka namang sinabi sa akin na kung gusto kong sumabay sa iyong mag-almusal.” Sumandal ito.

“Wala ba?” Kumunot ang noo niya. Bumagsak ang balikat niya, nagmukha pa siyang tanga sa harap nito at nagtampo effect pa, wala naman pala siyang invitation. Ano bang nangyayari sa kanya? Obsessed na ba ang drama niya? Napakaraming tanong ang gusto niyang mahanapan ng sagot, tulad ng kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Lantis. Tumikhim ito at umayos ng upo. “Ganito na lang. Kung hindi ka pa kumakain, sasamahan na lang kita.”

Ngumiti siya ng malapad. “Okay! Let's go!” Hinila niya ito palabas ng opisina.

Parang inulan siya ng grasya. Ang una niyang nasilayan sa opisina ay ang pinakamagandang mukhang nakita niya, tapos niyaya pa siya nitong kumain at hindi ito

Page 18: My Red Lady

galit sa kanya. Nasalo na 'ata niya ang lahat ng himala ng Diyos. Favorite talaga nito ang red, parang si Ruby. Cute na Ruby. Masarap sa pakiramdam ang pagkakahawak nito sa kamay niya, parang siya nasa cloud nine ng mga sandaling iyon. Sana subuan niya ako ng food! Hiling niya. Pagdating sa restaurant ay dumale na agad ito ng kain. Ke sarap pagmasdan, nabubusog na siya.

“Ayaw mo talagang kumain?” Tanong nito. Umiling siya. “Subuan kita, gusto mo?” Parang dininig ng langit ang hiling niya! Tumango naman siya, mahirap na baka magbago ang isip. Sinubuan siya nito ng sunny side up egg at may kaulam na ngiti. Sarap! Ano kayang nakain nito at biglang bumait? Tanong ng isang bahagi ng kanyang isip. Baka na-inlove na sa akin! Mula iyon sa kanyang puso. Gusto niyang magtatalon sa tuwa sa iniisip.

“Lantis, kapag ba-” Biglang nag-ring ang cellphone nito. “Excuse me?” Tumango siya at sinagot nito ang tumatawag, hawak pa rin nito ang tinidor na may nakatusok na bacon sa dulo.

“Okay... uh-huh. Good! Yes... yes. Oh my God! Really?” Lumawak ang ngiti nito. “Okay, I'll call you up later, bye.” Ibinaba na nito ang phone at isinubo ang bacon.

“You look happy, ano iyon?” Usisa niya.

Humagikhik ito at tila namumula ang pisngi. May nakakakilig bang sinabi ang kasuap nito kanina? Parang nagseselos siya. “Si Lancer, tinawagan niya ako.” Biglang sumama ang pakiramdam niya nang marinig ang pangalan ng pinsan. “Tinatanong niya kung pwede raw mag-in house party sa bahay mamaya.”

“Party for what?” Tanong niya.

“Birthday niya. Hmmm... kailangan ko ng tumingin ng magandang regalo. Ano bang gusto 'nung lalaking iyon?” May gusto ba talaga ito kay Lancer? Pati birthday gift ay itinatanong sa kanya.

“I don't know.” Kiming sagot niya kahit alam niya. Lumabi ito at sinamaan siya ng tingin. He found it very cute. “Gusto niyang madagdagan ang personal collection niya ng mga neckties.” Kung tutuusin ang napakarami ngang necktie nitong si Lancer, mukhang isang malaking cabinet ang mga necktie nito.

Page 19: My Red Lady

Chapter Four

Si Lancer ang nagmamaneho ng BMW niya, tinatamad siyang mag-drive. Ano kaya ang naisip ng dalawang babaeng iyon at mag-i-inhouse party pa? Pwede namang sa bar o di kaya'y sa hotel na lang. Sabagay boss nila ang mga ito kaya't sila ang masusunod. Hindi niya alam kung bakit gamay na ni Lancer ang pasikot-sikot ng malaking subdivision na ito, hindi naman ito naglalayas o baka nayaya na ito ni Casey? Inis na naman siya.

“Lancer, paano mo nalaman na dito sila nakatira? Itinanong mo?” Nilingon niya ito.

“Nope. Pinapunta na ako rito minsan ni cupcake para dalhin iyong mga folders na naiwan niya sa office.” Umarko ang gilid ng kanyang mga labi. Sinong cupcake ang tinutukoy nito? Si Casey ba o si Chatrice? Hiling niya ay ang huli. Such an endearment, may past kaya ang mga ito at ganito n aka-close sa isa’t isa? “Bakit ba tayo narito?” Tanong naman ni Lancer.

“Who's cupcake? Bagong girlfriend mo?” Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kung pwede nga lang ay hindi siya pupunta sa bahay ni Casey para mag-celebrate ng birthday nito ay nunca siya pupunta. Gi-gimmick na lang siya sa bar.

“The Red Boss.” Ito ang katagang ipinangalan kay Casey dahil paborito nito ang kulay red, powerful ito at hindi basta basta. Noong nagra-round sila sa hotel at mga chains ng restaurant ay parang tinamaan ng kidlat ang mga empleyadong tinaasan nito ng kilay. Strikta ito pero equal ang trato sa mga empleyado. Hindi rin nito gusto ang nagmamarunong, at kung gusto mo itong kausapin tungkol ang kung anu-anong bagay ay dapat may dalang armas galing sa libro o internet. Wide reader si Caey, kahit mga simpleng articles sa dyaryo ay pinapatulan. Napansin din niya sa office nito ay may maliit na library, puro makakapal na libro ang naroroon. May fiction, romance, horror, suspense, educational books, Guiness Book of world record na kumpleto ang set at ang pinakamarami ay ang tagalog romance pocketbook. May romansa rin pala sa katawan nito? Ano kayang hitsura nito kapag kinikilig? Masarap mag-imagine. Cupcake! Bumalik sa gunita niya ang cupcake na sinabi ni Lancer. Kailan pa ito gumamit ng endearment sa isang babae? Wala. Wala siyang natatandaan!

Nasa tapat na sila ng isang malaking golden gate at bumubusina na si Lancer, automatikong bumukas ang gate at ipinasok na ang kotse. Napakalaki ng bahay ito, modern Spanish-Japanese ang istilo ng labas. May flower garden, maganda ang pagkaka-landscape. Umakyat na sila sa hagdan papunta sa main door na bahay. Hindi pa napipindot ni Lancer ang doorbell ay bumukas na agad iyon, walang nagbukas, automatic pa rin. Bumulaga sa kanila ang maliit na tuta, black spot ito sa kaliwang mata at purong puti ang katawan nito hanggang sa tiyan. Black spot din ang nasa paa nito at sa dulo ng buntot. Meron din itong kabuntot na isa pang tuta, Labrador ito. May pulang scarf sa leeg nito, kay Casey ang asong ito. Tahol ng tahol ang dalawang aso. May grandstair case,

Page 20: My Red Lady

mamahaling chandelier, sofa at grand piano. Wala masyadong abubot ang sala, konti lang ang mga figurines pero may mga painting siyang nakikita. Modern palace ang pwedeng itawag dito.

“Chatrice!” Isang malakas na tili ang narinig nila.

“What was that?!” Sabay pa sila ni Lancer, pumasok sila sa loob. Nabungaran nila ang dalawa, si Casey ay may hawak na samurai at si Chatrice naman ay hawak ang bundle ng mga tsokolate. Mukhang nahuhulaan na niya kung ano ito. The Red Boss is wearing a cut off maong pants, oversized T-shirt at naka-pony tail ang buhok. Medyo messy ang look nito isama pa ang namumulang mukha dahil sa galit. Casey Red, ito na ang pangalang nakatatak sa puso't isip niya. For the first time ay nakita niya itong walang formality sa katawan, mas cute. Kinabahan lang siya sa hawak nitong samurai. Baka masaktan nito ang isa.

“Cupcake!” Tawag ni Lancer, parehong lumingon ang dalawa. Sabay na lumapit at ngumiti. “Happy birthday cupcake!” May inabot itong asul na kahon kay Lancer. So, they are calling each other “cupcake.” Nawalan siya ng ganang makipag-party party.

“Come on, let's go. Pasyensiya na kayo kay Casey.” Sabi ni Chatrice sa dalawa na tila nang iinis pa. Inirapan na lang iyon ni Casey at hinila si Lancer papunta sa garden. Palihim niya itong sinundan.

“Lancer, open the gift please.” Utos nito sa lalaki, tiningnan muna ni Lancer ang regalo bago iyon binuksan. Halos lumuwa ang mga mata nito sa nakita. Itinaas nito ang beige necktie.

“Thank you!” Niyakap siya nito ng mahigpit. “Ang tagal ko ng hinahanap ito!” Bahagya itong lumayo si Lancer sa dalaga. Mukhang nag iisip ng malalim. “Casey, sampalin mo nga ako.” Nagkunot ng noo ang dalaga. Magandang pagtaguan ang malaking palmera kaya’t hindi siya kita ng mga ito. Pero hindi klaro ang iniimik ng mga ito, medyo malayu-layo rin siya.

“Bakit?”

“I said something bad to your bestfriend, umiyak siya kanina.”

“At ano naman ang sinabi mo, aber?” Nakapameywang si Casey.

“She's a flirt.” Napangaga sa naging sagot ni Lancer at binigyan niya nga ito ng sampal. Paanong magiging flirt ang kaibigan niya eh wala naman itong interes sa mga lalaki maliban sa mga guwapo. Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob. Tiningnan niya si Lantis, hindi man lang ito ngumingiti sa kanya, hindi rin ito namamansin, ano kayang problema nito?

Page 21: My Red Lady

Pasalamat ka't pinsan kita Lancer, kung hindi kanina pa kita binugbog. Nginangatngat na ng selos si Lantis nang makita ang kanyang pinsan at boss na nagyayakapan sa garden at sinampal din ni Casey si Lancer. May LQ siguro. Ano bang meron itong si Lancer na nawala ako? Guwapo naman ako, ideal man, pero bakit hindi ako mapansin nitong si Casey! Arghhh!

Naupo na silang lahat at dumulog sa hapag kainan, magkatabi sila ni Casey at masayang nagkukwento ng kung anu-ano.

“Lantis, sabi ni Lancer malapit na rin yung birthday mo.” May chocolate cake smudges pa ito sa gilid ng mga labi. He wiped it with his thumb at gently lick it. Tulala si Casey matapos ang gesture niyang iyon.

“Don't look at me like that, baka halikan kita.”

Tumungo siya. Gosh! Kinikilig ako! Eeeee! Kung wala lang tao ay kanina pa siya naglulundag sa tuwa. Hindi na niya papakawalan ang pagkakataon, magpapakita na siya ng interes dito. Biglang tumunog ang phone niya, si Mang Carding ang caller.

“Hello?”

“Hija, pumunta ka na rito, nagkakasayahan na. Hindi tamang pagkain lang ang dinala mo rito, dapat sarili mo rin.” Reception nga pala ngayon ni Elene, hindi na nga siya nakapunta sa simbahan ay hindi rin siya makakapunta sa handaan. Kailangan na niyang umalis. “Guys, may pupuntahan lang ako. Hindi ko alam kung anong oras ako babalik. Lancer, mag-uusap tayo bukas.” Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang tatlo, nilayasan na niya ang mga ito.

“Mang Carding!” Sinalubong siya ng matanda. Parang piyesta ang loob ng farm dahil sa mga banderitas, may mga malamlam na mga ilaw ang nagsisilbing liwanag sa kanila. Bumungad sa kanya ang mga tauhan niya na masayang nagkakantahan ay nag-iinuman. Lambanog ang tinitira ng mga ito.

“Anong flavor?” Tanong niya.

“Ubas ma'am!” Nagsalin si Berto sa isang jigger at iniabot sa kanya. “Eto, ma'am.”

“Mamaya na lang, hindi pa ako naghahapunan.”

“Sige, ma'am. Kumain po muna kayo at sumali kayo rito sa amin pagkatapos.” Alam ng mga trabahador niya na wine lover siya, matapos nga niyang kumain ay nakipag-inom na siya. Nakakailang shots na siya ay hindi pa siya tinatalo ng alak.

Page 22: My Red Lady

“Ma'am, ang lakas ninyo ah!” Sabi ni Mang Kulas.

“Siyempre.” Halos alas-kuwatro na ng madaling araw natapos ang inuman, may tama siya. Hindi naman siya pwedeng manatili sa farm dahil may pasok pa siya, ang tanging dala lang niya ay ang kanyang ducati. Naligo muna siya para mahulasan, walang epekto ito. Kaya hindi na siya masyadong umiinom dahil matagal ang epekto sa kanya ng alak, umaabot ng isang araw. Hindi muna siya nagpalit ng office attire, nag-maong pants at white blouse na lang siya. Nagsuot din siya ng shades para hindi mahalata ang pamumula ng mga mata niya.

It's raining very hard pero wala siyang masisilungan dahil puro puno at highway lang ang nakikita niya, at ngayon, basang basa na siya. Nang makarating sa entrance ng hotel ay ipinarada na niya ang motor sa private parking lot ng hotel. Pagkatuntong pa lamang niya sa lobby ay sinalubong na agad siya ni Lantis na may dala dalang bath robe at towel.

“Where have you been? Hindi kita ma-contact, you're wet! Tayo na sa taas, take a hot shower at magpahinga.” Concern ito sa kanya, nagpaubaya na lang siya. Gusto na rin niyang magpahinga. Matapos ang hot shower ay nagpalit na siya ng damit, sa hotel muna siya matutulog. Lalapat pa lamang ang kanyang likod sa kama ay bumukas na ang pinto.

“Bakit amoy alak ka?” Tanong nito na parang may relasyon sila bukod boss to employee.

“Bakit nandito ka pa?” Baliktanong niya kay Lantis. Wala pa itong tulog dahil bakas sa mga mga ang eyebags.

“I want to check if you're okay.” Naupo ito sa gilid ng kama.

“I'm okay. Pwede ka ng umalis.” Sagot niya at tuluyan nang nahiga.

“Bakit lagi mo nalang akong pinagtatabuyan? Ano bang meron kay Lancer na wala ako? Bakit laging mainit ang ulo mo sa akin?” Sunod sunod nitong tanong, may himig na pagtatampo sa boses nito na hindi niya mawari kung bakit.

“What do you mean? Ano bang nakain mo at kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo?” Bumangon siya. My God! Baka mag-confess na siya! Biglang lumakas ang tibok ng puso niya, nalamig at biglang kinabahan. Huminga ito ng malalim.

“I don't know how to start...” Ginagap nito ang kanyang kamay. “You're cold. Casey, naguguluhan ako. Sa nararamdaman ko para sa iyo, basta nagseselos ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Lancer. Gusto ko, ako lang ang kasama mo. Araw araw kapag nakikita kita, gusto kitang lambingin, eh ikaw naman tinatarayan mo ako lagi.”

“Ganoon ba talaga ako kataray?” amazed na tanong niya rito.

Page 23: My Red Lady

“Medyo, pero okay lang naman na magtaray ka at least pinapansin mo ako. Casey, I like you-- no, I love you. Sabihin mo nang ako ang pinakamayabang na lalaking nakita mo pero kapag sa iyo nawawala ang pagkamayabang ko, natotorpe ako, nahihiya.” Napabunghalit siya ng tawa.

“What's so funny?” Tanong nito.

“You're confessing. How could you? My God...” Wala siyang ibang masabi kundi “Oh my God.” For the first time of her life ay may nag-confess sa kanya. Masarap pakinggan ang lahat ng lumalabas sa bibig nito, parang may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura. Hindi lang regular sized na butterflies kundi kasing laki ng dinosaur!

“Oh yes! Hindi mo ako magugustuhan, okay lang. Nasubukan ko namang magtapat sa iyo. Sige, aalis na ako.” Binitiwan nito ang kanyang kamay ngunit hinagip niya agad ito. Mainit ang palad nito, at may mga boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanya.

“Where are you going?” Tanong niya sa binate. Hindi maganda ang timpla nito, parang binasted niya.

“H-home. Why?”

“Stay. Sa tingin mo ba makakaalis ka matapos ng lahat lahat? I want to tell you this. Naniniwala ka ba sa love at first sight?”

“Yeah.”

“The more you hate, the more you love?”

“Oo.”

“Eh, first love never dies?” Tumango ito. Itinuro niya ang dibdib nito. “Iyan, iyan ang mararamdaman ko para sa iyo. Na-love at first sight ako sa iyo noong nasa labas ka ng office ko para mag-apply. I hate you kasi mahal na pala kita. First love never dies kasi ikaw ang first love ko at hindi ako nakakalimot sa unang pag-ibig.” Hindi niya kinuha ang mga ito sa mga nobelang isinusulat niya, galing iyon sa puso niya.

Gusto niyang magtatalon sa tuwa, mahal din siya nito! Ito na ang pinakaaasam niyang sandali, ang tanggapin ni Casey ang kanyang pagmamahal. Aalagaan niya ito at mamahalin ng sobra-sobra.

“You ,love me too?” Tanong niya rito.

Page 24: My Red Lady

“Matagal na.” Tinitigan niya ang mukha nito at nasuyong hinaplos ang pisngi ng dalaga.

“Are you going to kiss me or not? I suggest that you should kiss me now dahil baka magbago pa ang isip ko.” Sinunod niya ang utos nito, he kissed her. Gently, naging mapangahanap. He found himself conquering her mouth with his tounge and she did the same. Ayaw niyang magwakas pa ang halik na ito, gusto niyang maramdaman lagi ang matatamis na mga labi nito, she wants to hear her voice and saying I love you. Nang magwakas ang ang maalab na halik ay kapwa sila kinapos ng hininga. They hug each other.

“Saan ka matutulog?” Tanong nito sa kanya.

“Gusto ko sanang umuwi pero nandito ka. Dito na lang ako, tabi tayo.” Tiningnan siya ng masama nito. “Wala akong gagawing masama. Promise.” Nagtanggal siya ng sapatos at nahiga na rin, sumandal ito sa dibdib niya at siya naman ay hinahaplos ang buhok nito. The best night ever. Attracted siya sa boss niya, pero alam niya sa sarili na hindi puwede iyon. Pinadala siya ni Marco para protektahan ang dalaga at hindi paibigin ito. Pwede naman yata. She’s so sweet, parang carino brutal. Pero masarap namang damhin.

Kahit sa madaling panahon lang niya ito nakasama ay alam na niya kung ano ang nararamdaman niya sa dalaga. Na-love at first sight siya rito, hindi siya naniniwala sa mga ganoong bagay noong una. Pero nang maramdaman na niya ang kakaibang pagtibok ng puso ay isa na siya sa mga buhay na ebidensiya na magpapatunay na totoo ang love at first sight.

Chapter Five

Maganda ang gising niya, katabi niya ang lalaking pinakamamahal niya. Mahimbing itong natutulog, napakaamo ng mukha. “I love you, Lantis.” Hinawi niya ang bangs na tumatabon sa mata nito at kinintalan ng munting halik sa tungki ng ilong nito.

“Mmm... sarap ah.” Ungol nito. Hinila siya nito at napahiga ulit siya. Ang gwapo nito sa umaga, kahit sa tanghali at gabi.

“Eighty thirty na, late na tayo.” Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa balikat niya at bumangon.

Page 25: My Red Lady

“You're the boss. Pwede kang ma-late.” Nagtaklob ito ng kumot. “Hoy, hindi por que girlfriend mo na ako gaganyan ganyan ka na.” Sermon niya rito at gulat naman niya nang bumalikwas ito at humarap sa kanya.

“Girlfriend na kita?” She smelled his minty fresh breathe. Masarap amuyin.

“Ano pa ba? Gusto mo ligawan pa kita?” Sarkastikong tanong niya rito. Nag-confess na sila sa isa't isa at ano ang gusto nitong gawin nila, magtitigan?

“My sweetie! I love you!” Hinalikan siya nito at niyakap. Everytime their lips connect, she felt an adrenaline rush, para siyang nag-da-drag race.

“Maliligo lang ako.” Tumayo na siya at pumasok sa CR. Napakaganda talaga ng office niya, para lang niyang bahay. She decided to put a bedroom in her office para kapag inaantok siya ay hihiga na lang siya. Hinubad na niya ang kanyang damit. May biglang kumatok, si Lantis iyon.

“Bakit?”

“Pasabay!”

“Heh!” Rinig niya ang pagtawa nito, a music to her ears.

Sabay silang lumabas sa bedroom, dumiretso na siya sa kanyang office table at nagsimulang basahin isa isang at kabundok na papeles na nakahanay sa lamesa niya. Mataman ang titig sa kanya ng mga employees, staffs and crews ng hotel, parang may ginawa siyang kasalanan. Kasama lang naman niya si Lantis, and they’re holding hands.

“Eherm.” Tiningala niya ito.

“What?”

“You forget something.” Kumunot ang noo niya, pilit na inaalala ang sinabi nito. Ano naman ang nakalimutan niya? Bago pa niya maisip kung ano ang nakalimutan niya ang hinalikan na siya nito sa mga labi, very passionate kaya't napakapit siya sa batok nito dahil nalulula siya. In love na nga talaga siya kay Lantis, pero...

Umungot siya nang maramdamang magkahiwalay na ang kanilang mga labi. Tumawa na naman si Lantis. “Sweet baby, masyadong kang sabik sa akin. Don't worry, may kiss ka ulit mamaya, pupunta na ako sa post ko baka marami ng tumatawag. Bye, Love you!” Pinihit na nito ang sedura ng pinto at lumapat na iyon. Hinarap na niya ang kanyang laptop nang biglang bumukas ang pinto, tiningnan niya ang nagbukas. Si Lantis.

“I love you.”

Page 26: My Red Lady

“Love you, too.” She mouthed. Inilapat na ulit nito ang pinto. At muli, hinarap niya ang laptop, magpaplano pa siya tungkol sa gagawing pakulo sa anniversary ng hotel. Biglang tumunog ang InterCom. Pinindot niya ang isang button. “I love you ulit.” Lumabas ang tinig ni Lantis, tumawa siya, kinilig at namula. “May gagawin pa ako Mr. Villacerna, kaya don't disturb me, okay?” Kapag tinatawag na niya ito sa apelyido ay ibig sabihin, napipikon na siya...

“Okay... okay. Huwag ka ng magalit, boss. I love you basta wag kang didikit kay Lancer, ha?” Nawala na ito sa kabilang linya, napailing na lang siya.

Three months have passed. Nagiging busy na sila pareho, pero lagi silang gumagawa ng time para sa isa't isa. Tuwing umaga ay may nakahantad na isang bungkos ng red rose sa table niya kaya nagmimistulang flower shop ang office niya. Tungkol naman sa bestfriend niyang si Chatrice, nakikipagtaguan kay Lancer. Maagap siyang pumasok ngayon dahil maraming appointments ang dadaluhan niya. Tulad ng inaasahan, may red roses na naman sa table niya, napangiti siya.

Sorry Sweetheart, hindi ako makakapasok ngayon dahil may lagnat ako. *Cough 3x Love you. Pwede mo akong dalawin kung hindi busy ang schedule mo, magdala ka na rin ng foods dahil purga na ako sa luto ni Lancer. Baka magkaroon ako ng bad chemicals sa tiyan. Love you ulit.

Lantis

Bigla siyang kinabahan dahil sa sulat nito, baka may diarrhea, o di kaya'y dengue o baka naman mamatay na ito! My God! Lantis, huwag mo muna akong iwan. Magpapakasal muna tayo at gagawa ng napakaraming anak! Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa naisip. Gaga! Nilalagnat lang yung mahal mo! Walang cancer! Puntahan mo na lang kaya. Um-oo siya sa naisip, sinabihan na lang niya ang receptionist niya na ito na lang muna ang sumagot ng mga in coming calls dahil may emergency siyang pupuntahan.

Nang makarating sa pad ni Lantis ay dinaluhan agad niya ito. Nakatalukbong ng kumot at walang tigil ang pag ubo. Umupo siya sa gilid ng kama at tinanggal ang kumot na nakataklob dito.

“Kawawa naman ang sweetheart ko.” Sabi niya.

“Bakit ka nandito? Baka mahawa ka.” Usal nito sa pagitan ng ubo. Ngumuso siya ng pagkahaba haba. “Gusto mo ng kiss? Baka hindi kita mapagbigyan, kasi baka mahawa pa kita.” Sabi ulit nito.

“Gago! Hindi 'no. Ang walang hiya mo talaga, sabi mo doon sa sulat ay pwede akong dumalaw tapos ngayon papalayasin mo ako.”

Page 27: My Red Lady

“Sorry na, may dala ka bang matinong pagkain?” Tumango siya. “Ito kasing si Lancer, puro de lata ang dinadala. Tapos kapag naman nagluluto rito, hindi pa masarap.” Sumbong nito habang inaalalayan niya sa pag-upo. Inilabas naman niya ang luto niyang sinigang na hipon. Kumuha siya ng kutsara sa maliit na kusina nito at bumalik agad.

“O, sinigang, Susubuan kita.”

“Yehey! Sa wakas!” Tuwang tuwa itong parang bata na binigyan ng lobo, halos maubos nito ang kanin at ulam. Pinainom din niya ito ng gamot.

“Lantis, kapag ba may nangyari sa akin. Anong gagawin mo?” Tanong niya rito.

“Anong sinasabi mo? Walang mangyayari sa iyo, okay? Poprotekatahan kita.” Ngumiti siya ng malungkot. “Don't mind me. Magpahinga ka na.” Hinaplos niya ang buhok nito.

“Hi sweetheart!” Sinalubong siya ni Casey sa hotel lobby nang may matamis na ngiti sa mga labi. Ngumiti siya at niyakap niya ito ng mahigpit. “Miss me?” Tumango siya. Ibinaba niya ang mukha sa mukha nito, inilapit ang kanyang mga labi sa labi nito and they kissed, hungrily. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya kasabay ang pag-usal ng kanyang pangalan. She needed him, so badly. Ramdam niya ang pagsinghap nito, is she crying?

“Lantis.” Lumayo ito ng bahagya sa kanya at sinapo ang kanyang pisngi niya, nakatungo ito. Bigla na lang itong natumba, mabuti na lamang ay nasalo agad niya ito. May dugong umaagos mula sa bibig ito.

“I'm sorry.” Bulong nito habang unti-unting ipinipikit ang mga mata.

Napabalikwas siya sa higaan, basang basa siya ng pawis. Malakas ang kabog ng dibdib niya, ang panaginip, parang totoo. Maraming beses na niya itong napapanaginipan, hindi niya alam kung bakit. Masikip ang dibdib niya. Nilinga niya ang pad, wala na roon si Casey. Man! Paranoid ka ba?! Walang mangyayari!

Pinilit niyang magpagaling para naman mabantayan si Casey, wala naman talagang nangyari. Nahihibang ba siguro siya. Isang gabi ay sumama sa kanya si Casey sa pad, mukhang exhausted ito mula sa trabaho. Kanina pa rin niya napapansin na parang wala ito sa sarili, maraming sigurong problema. Nilambing niya ang dalaga pero parang wala ito sa mood.

“What’s wrong?” Umiling lang ito at yumakap sa kanya ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap. Parang may kakaiba rito, hindi lang niya alam kung paano.

Page 28: My Red Lady

Sinubukan niyang i-trace ang mga gustong pumatay kay Casey, may nakuha naman siyang mga datus pero hindi iyon sapat.

Hindi siya mapakali nang matanggap niya ang isang email na may picture nila ni Lantis, may x mark si Lantis at alam na niya kung ano ang ibig sabihin niyon.... She need to protect Lantis, mababaliw siya kapag may nangyaring masama sa binata. Kaya takot siya na lumapit sa mga taong mahahalaga sa kanya katulad ng mga magulang niya ay baka ito ang target-in ng kaaway niya. Kailangan na niyang isakatuparan ang plano.

Nang makarating sa pad ay kumain muna sila ng hapunan, nagkuwentuhan at nagtawanan. It maybe their last kaya sinasamantala na niya, hindi niya alam kung makakasama pa niya ito ng matagal. “Lantis, will you take me?”

“Huh? Sweetheart, hindi naman ako nagmamadali eh. Pero, kung gusto mo okay lang.” Inakbayan siya nito. At sumandal naman siya sa dibdib nito. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa. Humarap si Lantis sa kanya at masuyong hinalikan ang kanyang buong mukha, hanggang sa makarating sa mga labi. She responded to his kisses, maingat na inihiniga siya nito sa kama. Showering her with tiny wet kisses as she moan with pleasure. Unti unti nitong hinuhubad ang kanyang suot at ganoon din ang ginawa niya. Somehow, she felt happiness inside her heart. Ang kasayahan na sana ay habambuhay niyang naranasan.

Rinig at dama niya ang pagtawag nito sa pangalan niya nang paulit ulit. Kanyang kanya na si Casey, heart, mind body and soul. “Casey…” He moaned. Nang matapos ang kanilang pagniniig ay yakap yakap niya ito. Ayaw niyang mawala ang babaeng nagbigay kahulugan ang buhay niya, sa pagkalalaki niya. Hindi na siya magiging playboy dahil isa lang ang nilalaman ng puso niya.

Chapter Six

After the night of loving, wala nang mahihiling pa si Lantis. Mahal nila ang isa't isa. Pagkapa niya sa kabilang parte ng kama ay wala na roon si Casey. Hinanap niya ito sa buong condo building. Wala ito, agad siyang naligo at nagbihis, pupuntahan niya si Casey sa hotel.

Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad sa kanya sina Casey at Lancer, they're kissing!

“What the hell is happening here?” Malumunay ngunit may diin ang pagkakatanong niya. Hinarap siya ni Casey, ibang iba ang ekspresiyon ng mukha nito, napakalamig.

“Lantis, what brought you here?” Para siyang sasabog dahil sa balik-tanong sa kanya nito, hindi niya inaasahan ang mga nangyayari ngayon.

Page 29: My Red Lady

“What kind of question was that?” Napipikong tanong niya. “After what happened last night ay narito ka para makipaglandian sa ibang lalaki?!” Hindi niya napigilang magtaas ng boses. Hindi pa rin natinag si Casey, blangko pa rin.

“Lancer, sweetie. Let's talk later. Room Five one nine.” Sa halip ay baling nito sa pinsan niya. Tumango lamang si Lancer at binuksan ang pinto para lumabas. Taksil ka! Pipigilan sana niya ito ngunit biglang nagsalita si Casey.

“It's just a simple sex, Lantis. Not making love.” Para siyang isinemento sa kinatatayuan niya ngayon. Wala siyang maisagot dito.

“W-what do you mean?” Ito na nga ba ang kinakatakot niya, ang iwan siya ni Casey.

“We're over.” sagot nito.

“As simple as that?” Paniniguro niya, sana naman ay nagbibiro lang ito. Sana ay hindi totoo ang sinasabi nito. “You're joking, right?” Lumapit siya rito at inangkin ang ang mga labi ng dalaga. She quickly respond. Hinapit pa niya ito lalo para maibsan ang takot at pangamba. Si Casey ang unang kumalas. Patuya itong ngumiti, ibang iba talaga ito ngayon.

“Yes, as simple as that. And I'm not joking.”

“Are you pregnant?” Tanong niya rito. May nangyari sa kanila at posibleng may mabuo roon, wala siyang gamit na proteksiyon maliban na lang kung safe ito. Bigla naman siyang naguluhan sa iniisip, imposibleng mag-react kaagad ang hormones nito at umasta na parang buntis dahil dalawang linggo pa ang kailan para makumpirma na may nabuo nga. Baka naglalambing lang sa kanya.

Nagsalubong naman ang kilay nito. “Pregnant?” Tumawa ito ng pagak. “Lantis, lampas na sa mundo ang imagination mo. Yung nakita mo kanina-”

“Imagination ko lang iyon?” Nabuhayan siya ng loob.

“No, it's true. Para matapos na ang pagsasawa ko sa iyo, at least natikman na kita, Tapos na ang lahat sa atin.” Sunod sunod na mga salita ang lumabas sa bibig na nito na nakapagpahina sa mga tuhod niya.

“Ano bang ibig mong sabihin? Naguguluhan na ako. Look, we're exchanging I love you's and kisses for almost four months tapos ito ang sasabihin mo?”

“Yes. 'Di ba sabi ko sa iyo, natikman na kita. Madali akong nagsawa. I don't want to see you face again and you're fired.” Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Paano niya makakaya ito? She broked up with him at ipinamukha sa kanya kung gaano siya katalunan...

Page 30: My Red Lady

“Wait.” Tila nabuhayan siya ng pag asa. Nilingon niya ito. “Tandaan mo ito, it’s just a sex, not making love.” Ulit nito. Parang libu-libong sibat ang tumusok sa puso niya. This words struck him most. Lalaki siya at nakaka-offend na sabihan sila ng mga partner nila na hindi sila magaling sa kama.

Hindi dumiretso sa kanyang pad, sa bar kahit na maaga pa ay wala na siyang pakialam. Nasaktan siya, laro lang pala ang lahat ng ito para kay Casey. Hindi niya inaakalang ganoon pala ito, hindi niya alam na mahilig lang pala sa laro ng pag-ibig ang kanyang babaeng minahal. Kahit na nasasaktan siya ay hindi niya ito kayang gantihan, mahal pa rin talaga niya ito. Pero sa ngayon ay kailangan muna niyang mapag-isa. Makapag-isip.

Nilamukos niya ang hawak na picture ni Casey sabay ang paghithit ng sigarilyo. “Humanda ka Casey, malapit mo ng makita ang langit. Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin.” Iminom siya ng alak habang sinasariwa ang nakaraan.

“Ms. Red, alam kong nakita mo na ang mga brochures ng farm ko, I want you to visit it.” Tumango ang dalaga at isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya.

“What farm are you talking about? Farm ng nakakalasong kemikal?” Pinagkadiinan pa nito ang mga huling salitang sinabi. Mahigit tatlong buwan na rin niya itong sinusuyo para maging partner ang Sevillejo Farm, kung ayaw man nito ay maging dealer na lamang ng mga pesticides. Ngunit isang bagay lamang ang naririnig niya mula rito, ang isang malutong na hindi. Walang siyang alam kung paano nakalap ni Casey ang sekreto niya, alam niyang hindi kumakalat ang private folder ng kanyang farm lalo na kung sa isang kaaway sa negosyo ito mapapapunta. Kumalat ang katotohanan patungkol sa farm niya na gumagamit siya ng mga nakakalasong kemikal sa kanyang pananim, doon din siya nagsimulang bumagsak. Iniwan siya ng kanyang pamilya at muntik pa siyang ipapatay ng mga taong nalason ng mga produkto niya. Gusto niyang gumanti at hinding hindi siya makakatawa hangga't hindi pa nababaon sa hukay si Casey. Hindi pa siya kuntento sa pagpatay rito, isasama niya si Chatrice at ang lahat ng taong malapit dito, kukuhain niya ang farm at hotel ng mga ito, maging ang mga restaurants.

Ito ang pangako niya sa sarili niya, babalik ang kanyang asawa't mga anak kapag natuloy ang lahat ng ito. Mapapabagsak niya ang taong sumira sa kanya.

Hindi na makapag-focus si Casey ng tama kahit na umaayon sa plano nila ni Lancer ang lahat ay kinukutuban pa rin siya ng masama. Hindi kay Lantis kundi sa kanyang sarili. Kilala niya si Kevin, hindi ito basta basta sumusuko. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa anumang mangyayari.

“Lancer, everything is fine here. Nahanap mo na ba si Chatrice?” Kausap niya sa telepono si Lancer na ngayon ay nasa Florida. Hinahanap ang bestfriend niyang limang buwan nang nawawala. Alam niyang safe si Chatrice dahil may contact pa siya rito, ayaw

Page 31: My Red Lady

pa nga lang niyang sabihin lay Lancer kung nasaan ang eksaktong lokasyon nito. Marami siyang gusting linawin, sabihin at ipaalam kay Lancer, pero hindi pwede dahil baka tuluyang mawala ito sa kanya.

Isang linggo na niyang hindi nakikita si Casey, para siyang binabawian ng buhay. Hindi pa rin niya lubos na maisip kung ano ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito. Wala na siyang inisip kung paano ito malalpitang muli. Noong minsang pumunta siya sa hotel ay wala raw ito doon, kasama si Lancer. At noong araw na makipaghiwalay ito sa kanya ay pinuntahan niya ang mga ito sa room five one nine, hindi pa siya nabubuksan ang pinto ay may narinig na siyang pag-ungol. Those two were making love. Wala na talaga siyang pag-asa. Ibabaon na niya sa limot ang lahat ng ito.

Papunta na siya sa hotel, hindi siya mapakali. Minamaneho niya ang BMW at binabagtas ang private way patungo sa hotel. Hindi pa rin siya ligtas. Mayamaya ay may napansin siyang nakasunod na van sa kanya, imposibleng makapasok ito ng walang pahintulot sa kanya. Bigla siyang kinabahan, tumunog ang phone niya. Walang pangalan ng caller, sinagot niya ito.

“Hi, sweetheart. Are you ready to die?” Tanong ng isang baritonong boses, si Kevin iyon! Tiningnan niya ang van sa rearview mirror, may nakatutok ng baril sa kotse niya, nakalabas iyon. “Pero kung gusto mo pang mabuhay, pagbibigyan kita. Just give me the hotel…

“F---k you! Kahit mamatay ako, hinding hindi ko ibibigay ang hotel sa iyo!” Namamawis na ang kanyang mga kamay, at lumalabas ang butil butil na mga pawis sa noo niya. Kinabahan na rin siya.

‘You’re so harsh, baby. Sige, panindigan mo ang pinili mo!” Ibinulsa niya ang cellphone. Gumewang ang kanyang sasakyan dahil sa paggitgit nito sa kanya, tiningnan niya ito, nakababa ang tinted na salamin ng kotse nito. Ngising ngisi ang gago habang nakatutok sa kanya ang baril. Binilisan pa niya ang pagpapatakbo, hinabol naman siya nito. Nagulat siya dahil sa putok ng baril, nadaplisan ang kotse niya. Sunod sunod na putok ang umalingawngaw, ramdam niya ang mainit na dugo na umaagos galing sa tiyan niya, mahapdi rin ang balikat niya, may tama rin ng bala. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa habang pinipilit na kontrolin ang sasakyan.

“Hello? Sino ‘to?” Malabo ang paningin niya dahil may tama na rin siya ng alak. Hindi niya mabasa kung sino ang caller.

“Baby, I’m sorry. Please forgive me.” Kahit bulong lamang ang naririnig niya ay klaro ang mga salitang iyon. Nagulat siya dahil may pagsabog sa kabilang linya. “Hello?! Hello?!” Wala nang sumagot sa halip ay parang naglalagitikang mga bagay ang naririnig niya. Idinaan na lang niya sa pagtulog ang pagkahilo.

Page 32: My Red Lady

“Baby, I’m sorry. Please forgive me.” Yakap niya si Casey habang duguan ito at unti unting nanghihina. She kissed him and held her last breathe.

Ang panaginip na iyon! Bumalik na naman. Habol hininga siyang bumnagon at paulit-ulit ang mga huling katagang binitiwan ni Casey sa panaginip niya. Tiningnan niya ang relong nakasabit sa dingding. Alas-quatro nang hapon. May hang over na naman siya. Habang buhay na lang ba siyang magpapakalasing? Parang may nag-uudyok sa kanyang buhayin ang TV, kaya’t binuhay niya ito. Breaking news, pinanood niya ito.

“Narito po tayo kung saan naganap ang aksidenteng kinasangkutan ni Ms. Casey Red, ang may ari ng Sevillejo Hotel at kilalang “The Red Boss” ng business world.” Ipinakita sa video ang sunog na kotse ni Casey, may dugong nagkalat sa paligid. Hindi siya makapaniwala, pilit niyang itinatatak sa isip niya na hindi si Casey iyon. Tiningnan niya ang kanyang cellphone, may sampung missed calls doon. Si Lancer ang caller ng lahat ng iyon. Bumaling ulit siya sa telebisyon.

“Sa ngayon po ay nasa St. Luke’s Hospital si Casey Red, kritikal pa rin po ang kondisyon at nananatiling nasa ICU.” Hindi na niya tinapos ang balita, kahit hindi pa nakakaligo ay pinaibis na niya ang sasakyan papunta sa ospital.

Nasa hallway sina Lancer at Chatrice, may umbok ang tiyan ng huli. Nagbabangayan ang mga ito. Bago pa man siya makalapit sa ICU ay may sumakal na sa kanya at napasandal siya sa dingiding, kitang kita niya ang galit sa mukha ni Marco.

“Walang hiya ka! Anong ginawa mo?! Bakit mo siya pinabayaan?!” Wala siyang maisagot rito. Mas umusbong ang galit at selos na nararamdaman niya kaysa sa misyon niya. Pinabayaan niya si Casey. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.

“Let him go.” Utos ni Lancer kay Marco, pinakawalan naman siya nito. “Tumugma ang lahat sa plano.”

“Ano?” Tanong niya.

“Come on. Sumama ka sa akin. Sasabihin ko sa iyo ang lahat.” Nagtungo sila sa chapel, nagdasal muna sila bago sinimulan ni Lancer ang kwento.

“Everything was planned. Ang pagtataksil sa iyo ni Casey, pinagselos ka naming para mailigtas ka kay Kevin. At first, hindi ako nag-agree sa plano niya. Iniyakan muna niya ako bago ako mapa-oo. Mahal na mahal ka niya, Lantis. She cared for you kaya niya nagawa ang lahat ng ito. Kanina, matapos ang aksidente. Humiling siya sa akin, na kung sakaling hindi siya makaabot. Sana ay mapatawad mo siya.” Napailing siya. Bakit nabaliktad ang sitwasyon? Ako dapat ang nasa ICU at hindi siya?Pagpapaliwanang ng pinsan. Bakit hindi niya agad nalaman iyon?

“Pero, ano ang ibig sabihin ng room…” Tumawa si Lancer.

“It’s only a name for restaurant, Lantis. Planado na ang lahat. Those kisses and romantic stuffs.”

Page 33: My Red Lady

Bumalik na sila, napansin niyang nagkakagulo ang lahat. Labas-masok ang mga doctor at mga nurse sa loob ng ICU kung nasaan si Casey, kinabahan siya. Is she going to leave me? Gulong gulo pa rin siya sa mga nangyayari. Bumalik siya sa pad at nilango ang sarili sa alak. Kinuha niya sa pitaka ang picture ni Casey.. She’s smiling, ni sa guniguni niya ay hindi niya inisip na mangyayari ito. Napahamak si Casey dahil sa kapabayaan niya. Ayaw na niyang maulit kung ano ang nangyari sa mama niya, nawala rin ito dahil sa kanya. Sinabunutan niya angs sarili, naubos na niya ang pang-apat na bote. Maya maya pa ay nanlabo na ang kanyang paningin at tuluyan na siyang dinalaw ng antok.

Chapter Seven

“Mama!” Tawag niya sa ina habang kumakain siya ng icecream. Nasa parke sila at namamasyal. Nasa ibang bansa ang papa niya kaya’t silang dalawa lamang muna nag magkasama. Kaslukuyang nasa ikatlong taon siya sa highschool at parang bata pa rin siyang umasta kasama ang mama niya. Pero pagdating sa school ay isa siyang dakilang playboy at heartthrob.

“Bakit?” Malambing ang tono ng pagtatanong nito habang nilalapitan siya. May subo subo itong lollipop. Maganda ang mama niya, ang pinakamagandang babae na nakita niya. Sabin g mama niya ay mahalaga siya rito, isng kayamanan ang turing sa kanya dahil namatay ang mas nakakatanda niyang kapatid noong isinilang ito. Nang mabuo siya at maipanganak ay hindi na siya nasundan. Kahit wala siyang kapatid ay parang meron na rin dahil kay Lancer. Ang pinsang buo niya, magkasama na sila mula pagkabata. Partners in crime kahit hindi halata. Kasama rin niya ito sa mga chicks escapades niya at nadadamay lang ito. Opposite sila ni Lancer kaya gustong gusto niyang itong asarin pero sa huli ay siya ang naaasar.

“Ma, ice cream pa.” Isinubo na niya ang natitirang apa. Tumawa ang kanyang ina.

“Hindi ka ba nahihiya? Third year ka na at mama’s boy ka pa rin.” Sabi nito sa kanya. Sinunggaban naman niya ito ng yakap.

“Bakit naman ako mahihiya? Eh mama kita ‘di ba?” Yumakap din ito sa kanya. “Ice cream…” Hiling ulit niya. Ginulo nito ang buhok niya.

“Alam ko na kaya ka naglalambing ng ganyan eh. Ice cream lang ang habol mo.”

“No. Mahal kita mama.”

“Mahal din kita. Mahal na mahal. Sige, ibibili na kita ng ice cream.” Naupo na ulit siya sa bench at tinitingnan ang mga taong naglalakad. Tatlumpung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin bumabalik ang mama niya. May narinig siya sigawan. Agad

Page 34: My Red Lady

siyang tumawid ng kalsada at nakipagsiksikan sa mga tao naroroon. May babaeng nakahandusay… natapon din ang dala dala nitong ice cream. Napukaw ang mga mata niya sa suot nitong silver braclet na may diamod. Napaluha siya.

“Mama!” May namumuong butil butil na pawis sa kanyang noo. Muli siyang dinalaw ng panaginip na iyon. Tumunog ang kanyang cellphone, hindi niya ito pinansin nahiga ulit siya sa kama. Nang maging sunud-sunod ang pag-ring ay napilitan siyang sagutin ito.

“Hello?”

“Lantis, nasaan ka ba?” Si Lancer. “May manhunt para kay Kevin Yazuka. Kung gusto mong makaganti, sumama ka.” Nawala na ito sa kabilang linya. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Agad siyagn naligo at nagpunta sa PSAU. Tiyak na mabubugbog siya ni Marco dahil sa kapabayaan niya, tatanggapin niya ang lahat ng suntok, maging maayos lang ang kalagayan ni Casey.

Habang naghihintay si Lancer sa lobby ng PSAU ay gusto na niyang sapakin ng todo todo si Lantis. Isama na rin ang Kevin na iyon. Dapat ay hindi na siya nagpadala sa mga luha ni Casey kahit alam na niya na mangyayari ang mga ito. MAhina siya sa mga luha ng babae, feeling niya ay pinagkakaitan ito ng oxygen. He really like this lady, bukod sa pareho sila ng ugali ay may kalokohan pala ito sa katawan. Lantis is lucky, mahal ito ni Casey. Akala niya ay madali lang ang magprotekta ng mga babae, hindi pala. Masyadong demanding, minsan sinusumpong, sobrang bait naman kapag nagkataon at kung minsan pa nga ay tinotopak. Lalo na si Chatrice, tinamaan siya ng husto sa dalaga. Tumunog ang phone niya.

“Holy shit!” Napamura siya sa nabasa. Agad niyang tinawagan si Lantis para magmadali. Malapit nang ma-track ng SWAT ang kinaroroonan ni Kevin. Maya maya pa ay dumating na ang hininhintay.

“Bakit ba ang tagal mo?! Let’s go!” Hindi na niya ito pinagpahinga kahit hapung hapo na ito. Bumaba na sila sa parking lot. Tumunog ulit ang cellphone niya.

“Hello? Papunta na kami. Sigurado ba kayong nandiyan talaga siya?” Areglado, pupunta sila sa isang abandonanong gusali sa Quezon. Medyo malayo kaya’t bumaba sila ng kotse at pumunta sa rooftop, sasakay sila sa helicopter.

Napatunganga si Lantis sa chopper, sa buong buhay niya bilang member ng PSAU ay hindi siya sumasakay sa chopper. Why? He’s afraid of heights. Tinapik siya ni Lancer.

“This is a special mission. Sasakay ka sa ayaw mo’t sa gusto.”

“P-pero-”

“Para kay Casey.” Tumango tango siya at huminga ng malalim.

Page 35: My Red Lady

“Para kay Casey.” Ulit niya. Tumuntong na siya sa loob ng chopper. Isinuot niya ang headset para maprotektahan ang tainga niya. Unti unting umaangat ang chopper.

“Shit.” Usal niya. Noong bata pa siya ay hindi siya sumasakay sa mga ferris wheel, hindi rin siya umaakyat sa tuktok ng mga building. Ni pag-akyat ng mataas na puni ay hindi niya kaya, hanggang puno lang siya ng bayabas at manga. Pumikit siya ng mariin.

“I’m going to die.” Usal ulit niya, rinig niya ang pagtawa ni Lancer at ng piloto. May microphone nga pala. Gusto niyang supalpalan ng cellphone ang bibig ng dalawang ito.

“Lantis, chill ka lang.” May inabot si Lancer na dalawang baril. Isinilid niya ito sa bulsa habang hawak ang isa.

“Kumusta na siya?” Tinutukoy niya ang nobya.

“Still critical pero tapos na ang operation niya. All we need to do is to accomplish this mission, have faith in God ang believe that she will survive.” Nag-aalala rin it okay Casey.

“Amen.” Sagot niya.

“Praise the Lord.” Sabat naman ni Nico, ang piloto. Bumaling siya sa pinsan.

“How about Chatrice? Kinausap ka ba niya?” Umiling ito. Galit pa rin si Chatrice sa kanilang dalawa. Nang makarating sa lumang gusali ay naabutan nialng nakapuwesto na ang PSAU at SWAT, naghihintay na lang ng go signal. Walang mga press dito dahil ginawa nilang confidential ang mission.

Sumandal siya sa pader habang nakaalerto sa hawak na baril. Dahan dahan siyang pumasok at tiningnan ang buong lugar. “Clear!” Malamang ay nasa itaas pa ng gusali ang lalaki. Naghiwahiwalay na ang buong team para mahanap si Kevin. Silang dalawa ni Lantis ang magkasama. Nasa ikaanim na silang palapag nang may marinig na ingay. Umalerto sila pareho. Binuksan niya ang isang pinto at itinutok ang baril sa loob. Wala siyang nakita kundi pusa. Pumasok siya sa loob, walang laman. Lumabas na ulit siya at tiningnan naman ang katapat na silid. May laptop doon. Pinindot niya ang earpiece.

“Lancer, I found something.” Ramdam niyang nasa likod na niya ito. Mukhang patay ang laptop dahil nakatiklop ang LCD nito. Binuklat niya ito at may lalaki silang nakita sa monitor. They play the video. Mukhang kakukuha lang nito.

“Lantis Villacerna. Bakit hindi mo siya prinotektahan?” Nanunuyang sabi nito. “Medyo palpak ang manhunt ninyo. Nakaalis na ako bago pa man kayo makarating dito. Nakikita mo ba itong syringe na ito?” Itinaas nito ang hawak ang syringe. Hindi siya sigurado kung para saan ito. “Ito ang tuluyang papatay sa girlfriend mo. Kung ako sa iyo, umalis ka na ditto at bumalik sa Manila. Dahil baka hindi mo na siya maabutan.” May bikig na nakabara sa kanyang lalamunan. Nasalisihan sila ng lalaking ito. Tiningnan niya si Lancer.

Page 36: My Red Lady

“Umalis ka na. Alam kong hindi pa siya nakakalayo, kami na ang bahala rito.” Tumango siya bago pa man siya makahakbang ay umimik muli ang lalaking nasa video.

“Bago ka umalis. I want to warn you. Marami silang sagabal. Kaya maghanda ka.” Hindi ito recorded kundi live! Tama nga si Lancer, narito pa si Kevin sa gusali. Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Tinakbo niya palabas ang gusali at hinanap ang chopper. Naroon si Nico at naghihintay.

“Balik tayo.” He commanded. Sumakay na silang pareho sa chopper. Nagtataka naman siya sa mga tingin nito.Umangat na ang chopper at nang makalayo sa gusali ay may napansin siyang nakaumbok sa likod nito.

“What’s that?”

“A gun, In case of emergency.” May kung anong pulang buton ang pinindot nito.

“Auto pilot. Pwedeng makikikuha noong bag ko sa likod? I’m thirsty.” Nasa late fifties na itong si Nico, kaya sinunod na lang niya ito. Katabi siya nito kaya’t umikot siya sa kinauupuan at dumukwan ang likod. Agad naman niyang naabot ang bag at nang pumihit siya at nakatutok na ang dulo na baril sa noo niya.

“Anong ibig sabihin nito?” Napansin niya ang tattoo na mukhang ulo ng dragon sa kamay nito. Natigalgal siya sa kinauupuan. Nakita na niya ang marking ito, kanina lang. Sa video! “H-hindi maaari. I-ikaw si Kevin?”

“Yes, good guess.” Tinanggal nito ang wax na nagmimistulang kulubot sa mukha at nakita niya sa malapitan ang hitsura nito. “An early bird catches the worm. I’m the bird and you’re the prey.” Idiniin pa nito ang dulo ng baril sa noo niya.

“Ang syringe. Ibigay mo sa akin!” Hindi siya makagalaw dahil alam niyang papasabugin nito ang bungo niya. May inabot itong kahon sa kanya, binuksan niya ito at itinapon sa labas. “Hindi mo na siya mapapatay.”

“Really?” Ngumisi ito. “Alam mo, dapat ang ginawa mo ay itinurok mo iyan sa akin. Because I have two, nasa Manila. Exact location, St. Luke’s Hospital.” Ipinakita nito ang wristwatch sa kanya.

“Hindi ko kailangan ng Rolex mo.”

“Hindi ko naman siya ibibigay. It’s four thirty PM. Mamayang ala-singko y media, kailangan na siyang turukan ng antibiotic. Then, I switch the poisonous injection to her antibiotic at ibinigay ko kay Nurse Lilia.” Tanda niya ang nurse na iyon, may nakita naman siyang marka ng dragon sa batok nito. Shit! I’m doomed!

“Paano mo gustong mamatay? Ipuputok ko ito o ihuhulog kita riyan sa baba? We’re fifty feet above the ground.” Napatiim bagang siya. Kinuha nito ang baril na hawak niya pati na rin ang nasa bulsa at itinapon sa labas. Ikinasa nito ang baril at handa na nitong kalabitin ang gatilyo para sa kanya. Mabilis pa sa alas-quatro ang kilos niya, hinawakan niya ang kamay nito at iniiwan ang dulo ng baril sa noo niya kasunod nito ang pagputok. A gush of mighty wind made the chopper uneasy. Mukhang bumababa ang

Page 37: My Red Lady

pressure nito para maging dahilan ng pagbagsak. Kung hindi siya makakalabas agad ay matutusta siya kapag bumagsak ito at sumabog. Hindi niya maagaw ang baril kaya’t mahigpit niya ito hinawakan at inihampas sa ulo ni Kevin. Agad na dumugo ito.

“I’m going to kill you bastard!” Angil nito, nag-aapoy ang mga mata. Sinuntok siya nito at tinamaan siya sa panga, agad naman siyang gumanti at tinira ang sugat nito. Napahiyaw sa sakit si Kevin. Bago pa niya masundan ang suntok ay naunahan na siya nito. Tinamaan naman siya sa kaliwang mata. Hindi siya makakita ng maayos, he’s blinded. Pinipilit niya huwag takasan ng diwa kahit nahihilo siya. Binitawan nito ang baril at dinale naman siya sa tiyak, humalagpos ang dugo sa kanya bibig. Kinuha niya baril ay inihampas sa batok nito. Nawalan ito ng malay. Agad siyang naghanap ng parachute, sa awa ng diyos ay nakakita siya. Alanganin ang gagawin niyang pagtalon, four feet. Isinuot niya ang parachute at binuksan ang pinto. Tumalon na siya. Help me God!

“Nurse Lilia, kumusta na po siya?” Tanong ng babaeng nagngangalang Chatrice. Isang malaking pera ang katapat ng pagturok niya ng poisonous injection kay Casey. Nasa kanya na ang kalahati ng bayad at makukuha niya ang kabuuan kapag nasa kabaong na ang babae.

“Okay naman po siya. Mamayang five thirty ay tuturukan ko na siya ng antibiotic.” Sagot niya sa babae.

“Salamat. Sana ay maging maayos na ang lagay niya.” Basa pa ang mga mata nito ng luha. Tumalikod na siya para bumalik sa nurse station.

“Let’s see. I’m sure paglalamayan na siya mamaya.” Bulong niya.

Bumagsak siya sa mapunong parte ng kung saan. Agad niyang hinubad ang parachute, may narinig siya mga sasakyan. Baka malapit lang siya sa highway. Nakalayo na siya at hindi niya sigurado kung saan babagsak ang helicopter. He heard a loud crash then an explosion. Hindi na niya kasalanan kung bumagsak ang chopper at namatay ito. Ang mahalaga ay makaabot siya sa ospital bago pa man maturukan ni Lilia si Casey.

May mga taong umuusyoso sa bumagsak na chopper.

“Kawawa naman ang sakay niyan.” Sabi ng isa.

“I-report na kaya natin.” Suhestiyon ng isang babaeng may kalakihan ang katawan.

“Mama!” Tawag ng isang batang babae. Dinaluhan naman ito ng ina. May ipinakita ang bata na isang mamahaling relo. Tiningnan ng ina ang oras.

“Ala-singko na pala.”

Page 38: My Red Lady

Chapter Eight

Tinawagan ni Lancer ang PSAU at sinabing clear ang buong lugar. Dinala niya ang laptop at nilisan ang lugar. Hindi naman niya ma-contact si Lantis, hindi naman ito nagkukusang tumawag man lang. Nasa panganib ang lagay ni Casey, kung hindi maabutan ni Lantis ang dalaga ay may lamay na sa hotel bukas na bukas din.

Wala ang chopper na sinakyan niya kanina, ginamit siguro ni Lantis. Medyo malayo rin ang biyahe dahil sa kotse lang sila sasakay. Traffic pa naman. Biglang tumunog ang kanyang cellphone.

“Lantis. Nasaan ka na?”

“I don’t know! Damn it!” Inilayo niya ang cellphone sa tainga niya dahil mababasag ang eardrums niya.

“Nasaan ka ba?”

“Hindi ko alam. Mamaya ko na i-e-explain. Papunta ka na sa Manila, right? Bilisan mo na please. Malapit nang mag-ala-singko y media.” Nagpa-panic na ito, sinabayan pa ng hingal kabayo nitong paghinga. Saan ba ito nagsusuot.

“Lantis, akala ko ba dala mo yung chopper?”

“Please naman! Mamaya ka na dumaldal! Nasa bingit ng kamatayan yung girlfriend ko!” Bigla nawala ito sa linya. Nang makarating sa SLEX ay medyo makapal na ang daloy ng trapiko.

Five five.

Medyo napasama ang pag-landing niya kanina kaya’t iika-ika siya sa paglalakd. NAsa gitna pa rin siya ng kawalan, may mga naririnig nga siyang mga tunog ng sasakyan pero hindi niya mahanap ang highway. Nawalan ng signal ang cellphone niya kaya’t naputol ang koneksiyon niya kay Lancer.

“Paano ako makakaabot ng Manila nito?” Tulyo tuloy na ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata na kanina ay pinipigil lang niya. Hindi niya kayang mawala si Casey, ngayong alam na niya ang lahat lahat.

Inihanda na ni Nurse Lilia ang mga gagamitin. Isa siyang registered nurse sa St. Luke’s at dahil sa hindi kasya ang pasahod sa kanya lalo na’t binubuhay pa niya ang kanyang kapatid at anak ay todo kayod siya. Gustuhin man niyang magtrabaho sa ibang bansa ay hindi kinaya ng pinansiyal na gastusin. Wala ring mag-aalaga sa kapatid niyang sampung taong gulang pa lamang at tatlong taon niyang anak na babae. Wala naman

Page 39: My Red Lady

siyang kamag-anak dahil nasa iba’t ibang probinsiya ang mga ito. Hindi rin siya nakakasiguro na mababantayan ang dalawang bata.

Naglalakad siya sa isang eskinita, pauwi na siya sa kanila. Napansin niyang may sumusunod sa kanya kaya’t tumakbo siya. May bagong pasyenteng inaalagaan, isa itong mayamang babae. Comatose ito. Biglang may humawak sa kanyang braso, nilingon niya ito.

“Lilia.” Kilala niya ang boses na iyon.

“K-Kevin?” Ito ang ama ni Loren, naanakan siya nito noong nag-aaral pa siya. Matagal na siyang walang koneksiyon ditto, sa pagkakalaam niya ang wala itong asawa at treinta y singko anyos ang edad. Minahal rin niya ang binate kaya inaalay niya ang sarili rito.

“Yes, it’s me. Sumama ka sa akin.” Iginiya siya nito sa sasakyan, pinasakay at nagpunta sila sa bahay nito.

“Anong kailangan mo sa akin? Hindi mo makukuha si Loren.” Naupo siya sa one seater sofa at kaharap naman niya ito.

“Hindi ko siya kukunin. May gusto akong ipagawa sa iyo.”

“Ano iyon? At kapag nagawa ko, anong kapalit?”

“Pera at ako. Isasama kita sa Amerika kapag natapos na ang pinapagawa ko sa iyo. Papakasalan kita.” Tiningnan niya ito sa mga mata, wari’y nagsasabi ng totoo. Doon naantig ang puso niya, papakasalan siya ni Kevin at hindi na sila maghihirap. “Gusto kong tapusin mo si Casey Red.”

“Casey Red? Siya yung pasyenteng inaalagaan ko.” Usal niya. Ngumisi ang binate.

“I know.” May iniabot ito sa kanyang isang kahon. Binuksan niya ito.

“Injection?”

“Yes. My pesticide, gusto kong iparanas sa kanya kung gaano ka-epektibo ang pesticide na iyan. Iturok mo sa kanya.” Dire-diretsong sabi nito.

“P-pero..”

“Walang pero pero. Pakakasalan kita at mamumuhay tayo ng masagana. MApapasaakin ang mga hotel ni Casey. Pumayag ka na.” Nilapitan siya nito at hinapit ang kanyang bewang. He planted a kiss to her lips. Hindi siya makatanggi ang nang gabing iyon, muli niyang isinuko ang sarili.

Hawak hawak niya ang sinabi nito sa kanya noong gabing iyon. Hindi na sila maghihirap basta magawa lang niyang mapatay ang dalaga. Walang mahirap sa gagawin niya, ituturok lang niya ang lason, aalis at sasama kay Kevin sa Amerika. Pero hanggang

Page 40: My Red Lady

ngayon ay wala pa siyang natatanggap na tawag mula rito. Inilagay niya sa tray ang injection, pumunta muna siya sa CR para umihi.

Binabantayan ni Chatrice ang bestfriend. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay tao. Hindi niya alam kung kailan ito magigising. Natanggap niya ang tawag mula kay Lancer at sinabi nitong wala si Kevin sa nasabing gusali. Hinawakan niya ang kanyang tiyan, sumisipa ang bata.

“Casey, look. Magkaka-baby na ako. Magiging ninang ka na. Alam mo bang hinahanap na ni Lantis at Lancer si Kevin? Gumising ka na para pagbalik nila ay hindi na sila mag-alala sa iyo.” Humikbi siya at tuluyan nang napaiyak. Nagtago siya sa Amerika para takasan si Lancer, takot siyang masaktan at nang magkita ulit sila, unti unting bumangon ang pagmamahal niya para rito. Tumingin siya sa relong pambisig, five thirty na at saktong pumasok ang nurse para turukan ng antibiotic si Casey. Nagpaalam muna siya dahil pupunta siya sa chapel.

Five thirty. Unti unting nawalan ng pag-asa si Lantis. Sigurado siyang itinuturok na ng nurse ang lason sa katawan ng dalaga. Puro puno at damo ang nasa paligid niya, para siyang isang cast away sa isang television show. Hindi niya alam kung umabot ba si Lancer sa Manila, wala siyang matawagan. Nagpaikot ikot lang siya sa gubat. Hinang hina na siya, hindi na niya kayang tumayo pa kaya’t lumugmok siya sa puno ng buko at umiyak ng umiyak.

“Casey.” PAulit ulit niyang inuusal ang pangalan ng nobya. “Please don’t die.” Sinapo niya ang kanyang noo, nahihilo na siya. “Casey.” Hanggang sa mawalan siya ng ulirat.

“Lantis…” Pamilyar sa kanya ang boses na iyon, malambing. Hinanap niya kung saan nangggaling ang boses na iyo, naroon pa rin siya sa kinauupuan. Sa gubatan. Nakita niya ang kanyang mama, may hawak na ice cream. Niyakap niya ito mahigpit.

“I missed you, Mama.”

“Ang laki mo na. Bakit ka nandito? Dapat nasa ospital ka na. Hinintay ka na ni Casey.” Hinaplos nito ang pisngi niya.

“Ma, wala na siya. Hindi ko na siya inabutan.” Nanlulumo siya ngayon.

“Sige na. Hinihintay ka na niya.” Bigla nawala ang kanyang mama, nag-iisa na lang siya. Wala na si Casey.

Page 41: My Red Lady

Sinalubong siya ni Chatrice, umiiyak ito. May dala ang team nila na isang malaking bag kung saan kasya ang isang tao, dinala ng mga ito ang bag sa ibaba. Niyakap niya ng mahigpit si Chatrice..

“Shhh… stop now. Makakasama iyan kay baby.” Alo niya rito.

“S-si Casey…” Humagulgol na ito ng iyak.

“Ilalagay na namin siya sa morgue.” Binalingan niya si Marco.

“Sige. Thank you.” Hindi pa rin siya makahinga ng maluwag. Hindi pa nila nakikita si Lantis, walang trace nito. Kasalukuyang hinanap ng team si Lantis ngunit walang nag-re-report sa kanya. Kung mahahanap ito ng team ay wala pa siyang balak na sabihin ang lahat ng nangyari, kay Kevin, mga sabwatang naganap lalo na ang tungkol kay Casey. Maguguluhan ito at baka paggising niya kinabukasan ay nasa mental hospital na ito.

“Lancer, hindi ninyo pa siya nahahanap?” Tanong ni Marco, hindi niya mabasa ang ekspresiyon ng mukha nito. Umiling siya.

“Hindi pa. But, we’re trying our best to find him.” Tumango ito at saka tinapik siya sa balikat. Babalik na ito sa base.

“Lancer…” Napahawak si Chatrice sa tiyan. “Ahhh! Ang sakit!”

“My God! Manganganak ka na ba?!” Bigla siyang nag-panic. “Nurse!” Agad siyang dinaluhan ng nurse dahil malapit lang sila sa nurse station. Agad na pinaupo ito sa wheel chair at dinala sa delivery room.

“Magiging daddy na ako.” He felt an excitement, nerbiyos na rin dahil ngayon lang siya makakahawak ng baby. His baby. Agad siyang sumunod sa delivery room para samahan si Chatrice.

“More! Push!” Sabi ng duktor. Pinipisil niya ang kamay ni Chatrice habang hirapan naman ito sa pag-iri. “Last! One last push!” Umiri ulit si Chatrice at sa wakas, nailabas na ang baby niya. Itiniwarik ito ng duktor at pinalo sa puwit. Bigla naman itong umiyak. Nakakabit pa ang umbilical cord ng baby kay Chatrice.

“Sir.” Inabot ng nakangiting duktor ang gunting. “Cut it.” Nanginginig na tinanggap ni Lancer ang gunting at ginupit ang umbilical cord. Ibinalik niya ang gunting at binalingan ang dalaga.

“Chatrice.” Pawisang pawisan ang buong mukha nito, nakapikit ang dalaga. “I swear, you’re going to marry me whether you like it or not. You just gave me a child.” Kinintalan niya ng halik sa noo ang dalaga.

Nailipat na sa private ward si Chatrice, natutulog ito. Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse dala dala ang baby nila.

Page 42: My Red Lady

“Sir, here’s your baby boy.” Inabot sa kanya ang munting sanggol, natatakot siyang baka mahulog ito once na kalungin niya.

“Huwag kang matakot, anak mo yan. Hindi ka kakainin niyan.” Nilingon niya si Chatrice, nakangiti ito. “Go on.” Kinuha na niya ang baby, masayang masaya siya.

“Baby.” Inihiga niya ito sa tabi ni Chatrice. “Please bring a miracle.”

Chapter Nine

“Lantis.” Parang nasa kasalukuyan ang boses na tumatawag sa kanya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, nakita niya si Lancer.

“We found you at last! Let’s go.” Inalalayan siya ni Lancer sa pagtayo pero wala pa rin siyang lakas.

“Si Casey?” Hindi ito sumagot, isinakay na siya ng mga ito sa chopper. Nilapatan siya ng paunang lunas. Did he survive? Pero paano si Casey? Tulala pa rin siya hanggang sa ospital, para siyang mababaliw. Nalagyan na siya ng dextrose at lahat ay wala pa rin siya sa sarili.

Pumasok siya sa kwarto ni Lantis, kahapon pa ito umiiyak. Hindi matanggap ang pagkawala ni Casey. Naawa siya sa lagay nito. Isang linggo na rin itong walang malay, mukhang hanggang sa pagtulog ay dinadamdam nito ang pagkawala ni Casey.

“Lantis.” Mukha na itong zombie sa ayos dito, putlang putla. Hindi na rin ito naaahitan. “You look like hell.” Gumalaw galaw ang talukap ng mga mata nito at tuluyang nagmulat.

“Casey. Nasaan si Casey?” Garalgal ang boses nito.

“Wala siya.” Maikling sagot niya.

“Ibigay mo sa akin si Casey!” Hinagod niya ang sariling batok.

“Lantis, tsaka na kapag magaling ka na.”

“No! I want her right now!” Para itong bata kung umaasta, tuliong tuliro na ang pinsan. “Anong date na ngayon? Nasaan siya?!”

“It’s been one week since dinala ka naming dito. Sa buong linggong iyon ay wala kang malay. Well, wala na siya. Nailibing na.”

“No! dalhin mo ako sa kanya! Bakit hindi ninyo ako ginising noong ililibing na siya? Hindi ko pa siya nakikita!” Nagwawala na ito, no choice naman siya dahil hindi pa maayos

Page 43: My Red Lady

ang lagay nito. Kailangan muna nitong gumaling bago niya ito dalhin sa sementeryo. Tumawag siya ng duktor para pakalmahin ito. Sinedate si Lantis para kumalma.

He open his eyes, nasa ospital pa rin siya. Pumatak na naman ang luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin niya matanggap ang lahat. Handa na siyang masibak sa trabaho, handa na siyang alisputahin ng lahat pero hindi pa niya kayang kalimutan si Casey. God only knows how he love this lady, kaya niyang mamatay para rito pero nabaliktad ang lahat. Pumasok si Chatrice na may dalang sanggol.

“Nanganak ka na?” He whispered.

“Yes, it’s a boy. Kumusta ka na?” Naupo ito sa sofa.

“Not fine. I want to see her right now. Kahit puntod lang niya.” Tiningnan niya ang picture ng dalaga.

“Siguro, sa makalawa pwede ka nang palabasin.” Imporma nito sa kanya.

“Are you happy?” Tanong niya habang nakatingin siya sa sanggol. May pamangkin na siya, malapit na rin yatang ikasal sina Lancer at Chatrice. At siya? Hindi niya alam kung paano magsisimula. Mahirap.

“Yes, I am. Very happy, may baby na kami.” Nagtataka siya kung bakit iwas na iwas ito kapag tungkol kay Casey ang topic, baka tulad lang niya ay hindi nito matanggap ang pagkawala ng dalaga.

“How will you manage ng the hotel?”

“Hindi ko pa alam.” Parang walang ganang sagot nito, pati rin naman siya wala nang ganang mabuhay. He don’t want to continue his life without Casey, ito ang buhay niya.

Nang makalabas ay dumiretso sila sa sementeryo. Kung saan nakahimlay si Casey, kahit wala na si Kevin ay hindi pa ito sapat para sa pagkamatay ni Casey. Tahimik lang sina Chatrice at Lancer habang nasa biyahe.

Kinikilabutan siya kapag pumunta sa sementero kahit six feet under the ground na ang mga narito. Wala siyang nakikitang nitso dahil na nakalibiing ang mga ito, mga krus na nakatirik at maberdeng damo na nakalatag sa lupa ang nakikita niya. Hindi niya magawang magsalita.

“Here we are.” Tumigil sila sa tapat ng isang bagong tabon na lupa. Mukhang kalilibing pa lang ng nakahimlay rito. Agad siyang napaiyak. Lumuhod siya.

“Ito na ba siya?” Tanong niya, tumango ang dalawa.

Page 44: My Red Lady

“Casey, anong nangyari? Hindi k aba inabutan ni Lancer? Pasyensiya ka na, na-stranded ako eh. Gusto ko na ngang sumama sa iyo.” Hindi matigil ang pagluha niya, para na siyang cry baby sa lagay niya ngayon.

“Come with me.” Natigalgal siya sa kinaluluhuran.

“Oh my God! Narining ninyo iyon?! Sumagot siya!” Hinukay niya ang mga lupa nakatabon. Baka siya lang ang nakakarinig ng boses ni Casey, hindi na magtataka kung dalhin na siya sa mental ng dalawa.

“Lantis, sino bang hinuhukay mo riyan? Can you please get up? It’s dirty!” Sa pagkakataong iyon ay lumingon na siya. Para siyang sinabuyan ng malamig ng tubig. Si Casey, nakatayo sa harap niya. Buhay na buhay!

“C-Casey?! Sabihin ninyo, hindi ito panaginip!” Tumayo siya at pinagpag ang ang tuhod.

“It’s not a dream. Come here! Hug me!” Lumapit siya rito, inaasahan niyang kapag dumapo ang kamay niya rito ay mawawala itong parang bula. PEro hindi iyon nangyari, Casey welcome his hug. She planted a kiss on his forehead. Ayaw na niyang kumalas kay Casey.

“Sinong nakalibing diyan?” Nguso niya sa libingan.

“Si Kevin.” Sagot ni Lancer.

“What?! Madumi nga!” Kinuha niya ang panyong hawak ni Lancer at ipinahid doon ang mga natitirang lupa. Kinilabutan tuloy siya. Iniiyakan niya ang maling tao, how silly. “Naguguluhan ako, paano nangyari ito?”

“Lancer, ikuwento mo nga.”

Malapit nang mag-five thirty. Kung hindi pa sila makakaalis sa SLEX ay tiyak na hindi niya maaabutan si Casey. Tumawag siya sa PSAU at sinabi ang lahat ng Marco pati tungkol sa injection. Agad na nagpadala ng chopper ang huli. Agad siyang pumasok sa loob ng ospital. Nakita niya si Lilia na inihahanda ang panturok sa isang tray, nagkataon namang umalis ito saglit kaya’t kinuha niya ang syringe at pinalitan ng antibiotic.

Agad niyang hinanap si Lilia, nakita niya itong pasakay ng taxi. Pinigilan niya ito at dinala sa pinakamalapit na restaurant. Nagpanggap siyang tauhan ni Kevin. Sumama naman ito sa kanya.

“Ah. Robert, nasaan na si Kevin?” Tanong ni Lilia.

“He’s fine. Parating na.”Totoong parating na si Kevin. Ang sunog na bangkay nito. Noong hinahanap ng team si Lantis ay may nakita na bumagsak na chopper. Nag-alala siyang baka si Lantis ang nasunog. Napag-alaman ng team na si Kevin ang bangkay, laking pasalamat niya. Si Lantis na lang ang problema.

Page 45: My Red Lady

“Gusto ko na siyang makita.” Nag-text sa kanya ang isa sa mga miyembro ng team. Nasa ospital na raw ang mga ito, sinabihan niyang bumalik sila sa ospital para makita si Kevin. Lilia agreed.

Pinasama muna niya ang dalaga ay Marco, manganganak na si Chatrice at kailangan niya itong tulungan. His baby first before Lilia. Matapos manganak ni Chatrice ay bumaba -siya sa morgue, doon niya nakitang nag-iiyak si Lilia. In-interview ni Marco ang dalaga at sinabi nitong magka-relasyon daw ang huli at si Kevin. May isang anak si Lilia kay Kevin at inutusan lang daw ni Kevin na turukan ng pesticide si Casey. Bilang kapalit ay papakasalan ni Kevin ang dalaga at mamumuhay sa Amerika. Pero hindi na mangyayari iyon.

Nang mahanap na si Lantis at maayos na ang lahat ay nagpasya na siyang sabihin dito ang totoo, pero lagi siya nitong nauunahan ng pagwawala. So he decided to make Lantis believe that Casey is dead. Halos mabaliw naman ang loko.

Hindi pa rin sila tapos kay Lilia, baka maghiganti pa ito at patayin si Casey. Na-monitor nila ito at isang araw ay nagpunta raw ito sa bahay ampunan at iniwan ang mga bata. Nang makabalik sa tinutulyan nito ay nagbigti ang dalaga.

Napatunganga si Lantis habang kinukwento ni Lancer ang lahat. Matalino talaga ng pinsan, Lancer save their lives. Paano na siya kung wala ito? Nakaramdam naman siya ng awa kay Lilia dahil ginamit pa ito ni Kevin lalo na ang dalawang batang walang muwang na iniwan na lang sa bahay ampunan.

“Oh baby. I thought I lost you. I’m gonna die.” Sabi niya sa pagitan ng paghalik dito.

“Oo, mukhang zombie na nga yan eh.” Sabat ni Lancer habang karga karga ang baby.

“Shut up! Naglalambingan pa kami rito.” He hugged her tightly.

“Lantis, kung gusto mong mag-propose, huwag dito.” Tumawa siya ng malakas. Casey is here, alive and kissing him.

“Sweetie, gusto ko na rin ng baby.” Masayang sabi niya rito.

Baby Christopher is a miracle and brought another miracle to their life. Nailigtas ang dalawang buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Lalo pang tumibay ang pagsasamahan nila bilang magkakaibigan. The four of them decided the magkaroon ng double wedding, hindi naman sila naniniwala sa sukob. After the grand wedding ay ginanap ang reception sa Sevillejo Hotel, parang fairytale ang lahat ng nangyari sa kanila. Simula sa simula hanggang sa ikasal sila.

Page 46: My Red Lady

Epilouge

Naabutan niyang nagbabasa sina Christopher at Chloe sa library. Nagkukulitan ang dalawa, and they were six. Tuwang tuwa sina Casey at Chatrice sa dalawa.

“Bagay sila.” Sabay nilang sinabi habang hawak hawak ang malalaki nilang tiyan.

“Awww…” Ungol ni Casey.

“Lancer!” Tawag naman ni Chatrice.

Kumaripas ng takbo ang dalawang bata papunta sa kani-kanilang mga daddy na nasa garahe.

“Manganganak na si Tita Casey!” sabi ni Chris.

“Pati na rin si Tita Chat!” Nag-racing apat papunta sa library at agad na dinala sa ospital ang dalawa for their second babies.