noli me tangere script part 1

Upload: francis-miguel-perito

Post on 04-Jun-2018

1.962 views

Category:

Documents


20 download

TRANSCRIPT

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    1/9

    Narrator: Naging paksa ng usapan sa daang Anlouge, Binundok at maging sa ibang panig ng Maynila ang

    paghahanda ng isang masagang hapunan ni Don Santiago De Los Santos na lalong kilala sa tawag na

    Kapitan Tiago.

    Extra 1: Aba! E... Bukod sa mayaman na ay bukas-palad siya sa mga nangangailangan!

    Tindero: Kaya naman iginagalang siya saan man!

    Narrator: Lubhang naging abala sa pagtanggap ng panauhin ang kasambahay ni Kapitan Tiago... Sa isang

    panig ng bulwagan ay manaka-nakang nag-uusap ang mga kababaihan. Ganon din ang mga kalalakihan...

    Padre Damaso: Akalain nyo sa loob ng dalawampung taon ng paglilingkod ko sa bayan ng San Diego, ilan

    lang ang naghatid sa aking pag-alis. Diyan mo makikilala ang kamang-mangan at pagkakawalang bahala

    ng mga indio!

    Extra 2: Ipagpaumanhin ninyo, tayoy nasa bahay ng isang indio.

    Padre Damaso: Ah... Huwag kayong mabahala, si Kapitan Tiyago ay di nagpapalagay na siya ay isang

    indio!

    Narrator: Sasagot pa sana si Padre Damaso nang sa darating si Kapitan Tiyago at...

    Kapitan Tiyago: Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng aking yumaong

    kaibigan...

    Narrator: Habang nakikipag-kamustahan si Ibarra sa mga panauhin ay matama siyang pinagmasdan ni

    Tinyente Guevarra...

    Tinyente Guevarra: Siya pala ay si Crisostomo Ibarra...

    Crisostomo Ibarra: Ikinagagalak ko pong makadaupang-palad kayong lahat Aba!!? Sila ang dating kura sa

    aking bayan at kaibigan ng aking ama...

    Narrator: Hindi man umimik si Padre Damaso...

    Crisostomo Ibarra: Ipagpatawad po ninyo. Tila akoy nagkamali!

    Padre Damaso: Hindi ka nagkamali ngunit kailanman ay di ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama!

    Narrator: Upang maiwasan ang pagkapahiya ni Ibarra ay...

    Tinyente Guevarra: Binabati ko kayo sa inyong pagdating, at naway lalong maging mapalad kayo kaysa

    inyong ama!

    Narrator: Bahagyang yumuko ang binata...

    Tinyente Guevarra: Hindi ko akalain na makikilala ko sa piging na ito ang anak ng butihing si Don Rafael!

    Nakilalat nakapulong ko ang iyong ama at masasabi ko na isa siyangmarangal na Pilipino!

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    2/9

    Narrator: Lumuwag ng bahagya ang paghinga ng binata sa tinuran ng Tinyente.

    Crisostomo Ibarra: Ginoo... Ang papuring iniukol nyo sa aking ama ay pumaram sa aking alinlangan

    tungkol sa kanyang naging palad!

    Tinyente Guevarra: Binigkas ko lamang ang kaukulang papuri sa inyong ama!

    Narrator: Ilang sandali pay nakisalamuha na si Ibarra sa mga panauhin...

    Binibini: Salamat sa papuring marahil ay sa ibang lupain pa nagbuhat!

    Narrator: Sa harap ng hapunan ay patuloy ang pagbabalitaan...

    Ginoo: Hindi kaya maaaring nalimot nyo na ang Pilipinas sa loob ng humigit-kumulang na pitong taon?

    Crisostomo Ibarra: Bagamat akoy nasa ibang bansa, hindi ko nakakaligtaan ang umalalang lagi sa aking

    bayan! Sa bawat bayan na marating koy nililisan kong batid ang kanilang kasaysayan ng pamumuhay,

    politika, relihiyon, anupat sa kanyang kabuuan...

    Narrator: Painsultong sumagot si Padre Damaso.

    Padre Damaso: Ibig mong sabihin, nagsayang ka ng pera upang matutuhan lamang maliit na bagay na

    iyon na maski batang nag-aaral ay alam iyon!

    Narrator: Sa halip na magalit si Ibarra ay...

    Crisostomo Ibarra: Mga ginoo... huwag kayong magtaka sa kapalagayang loob na Ipinakikita sa atin ng

    aming dating kura. Kaya lamang ay sinasariwa po niya ang madalas na pagpapaunlak sa aking ama at

    yamang tapos na rin lang ang masanang hapunan, pahintulutan nyo akong magpaalam!

    Kapitan Tiyago: Pero darating na si Maria Clara...

    Narrator: Bahagyang ngumiti si Ibarra at...

    Crisostomo Ibarra: Paparito po ako bukas bago umalis. Ngayoy may dadalawin akong di

    maipagpapaliban...

    Narrator: Nang wala na ang binata...

    Padre Damaso: Nakita na ninyo! Iyan ang masamang bunga ng pagpapadalala ng kabataang indio sa

    Europa... dapat itong ipagbawal ng pamahalaan!

    Narrator: Samantala, matamang pinagmasdan ni Ibarra ang kapaligiran...

    Crisostomo Ibarra: Anong kababalaghan ito? Diyatat sa loob ng pitong taon ay wala man lang nabago sa

    pook na ito! Ganito rin ito nang akoy lumisan, walang pagbabago! ...

    Narrator: Nasa gayon siyang pagmumuni-muni nang...

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    3/9

    Tinyente Guevarra: Binata... mag-iingat kayo!

    Crisostomo Ibarra: Huh! Kayo pala Tinyente, subalit ano po ang dapat kong ipag-ingat? Sa inyong tinuran

    may palagay akong napamahal sa inyo ang aking ama.

    Tinyente Guevarra: Hindi ka nagkakamali binata...

    Crisostomo Ibarra: Masasabi ba ninyo kung ano ang naging palad niya?

    Tinyente Guevarra: Kung gayon ay wala nga kayong kabatiran sa kanyang pagkamatay sa bilangguan.

    Narrator: Di halos makapaniwala si Ibarra sa kanyang narinig...

    Crisostomo Ibarra: Sa bilangguan?! Namatay ang aking ama sa bilangguan?

    Tinyente Guevarra: Gaya ng pagkaalam ng lahat.

    Narrator: Masasaganang luha ang dumaloy sa mga mata ni Ibarra. Sinikap niyang mabatid ang lahat ukol

    sa sinapit ng ama...

    Tinyente Guevarra: Dahil sa hindi pangungumpisal , si Don Rafael ay madalas paratangin ni Padre

    Damaso. Pinaghihinalaan siyang isang pilibustero at erehe! Hanggang sa pulpito ay pinasasaringan siya

    ni Padre Damaso na naging mahigpit niyang kaaway. Isang araw, tinukso ng mga bata ang mangmang na

    taga-singil ng buwis...

    Bata 1: Ba-Be-Bi-Bobo!

    Bata 2: Utak pagong hindi marunong bumasa at sumulat!

    Tinyente Guevarra: Napikon ang mangmang at hinabol ang mga bata. Nang abutan ay pinagsisipa ito

    nang sa darating ang iyong ama...

    Don Rafael: Mga bata iyan. Hindi mo dapat napatulan ang mga paslit!

    Tinyente Guevarra: Sa tindi ng galit ng mangmang ay siya ang napagbalingan nito. Subalit...

    Don Rafael: Iyan ang nararapat sa pumapatol ng paslit!

    Tinyente Guevarra: Dahil sa pamumuno ng dugo sa ulo ay namatay ang kubrador, na siyang sanhi ng

    ikinabilanggo ng iyong ama. At bago napawalang sala ay...

    Don Rafael: Uhu! Uhu! Uhu!

    Tinyente Guevarra: Nagkaroon siya ng karamdaman at iyon ang naging sanhi ng kanyang kamatayan...

    Narrator: Saglit na tumigil ang Tinyente at...

    Tinyente Guevarra: Binata, ang iba pang pangyayari ay malalaman mo kay Kapitan Tiyago. Samantala,

    kailangang magbalik na ako sa kwartel!

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    4/9

    Crisostomo Ibarra: Ngayon ko lamang nabatid ang kinasapitan ng aking ama!

    Narrator: Mahigpit at walang imik na nagkamayan ang dalawa bago naghiwalay. Samantala sa tahanan

    ni Kapitan Tiyago...

    Kapitan Tiyago: Sana ay nasiyahan ang lahat sa handa ko... kung di sana maagang umalis si Ibarra ay

    nakaulayaw sana niya si Maria Clara! Kung di sana maagang pumanaw si Pia ko ay ganap na ang aking

    kaligayahan. Mapalad ako sa pagkakaroon ng anak na mabait at maalalahanin.

    Narrator: Kinabukasan, Pagkatapos magsimba ay makikitang nasa bintana si Maria Clara na wari ay may

    hinihintay...

    Maria Clara: Hanggang ngayoy wala pa siya. Lubha sigurong maraming inaasikaso...

    Narrator: Ang pagkainip ng dalaga ay naibsan nang...

    Kabayo: Whooooooo!

    Narrator: Nagbigay galang si Ibarra sa kasambahay ng dalaga. At ilang sandali pa ay...

    Maria Clara: Ako bay lagi mong naaalala, hindi mo ako nalimot sa iyong maraming paglalakbay?

    Crisostomo Ibarra: Nasa ibang lupain man ako ay hindi ko kailanman malilimot ang aking minamahal.

    Maria Clara: Ibig mo bang sabihin, wala kang nakitang magagandang mutya sa pinuntahan mo?

    Crisostomo Ibarra: Totoong marami akong nakitang kagandahan, subalit bukod tangi pa rin ang gandang

    kayumanggi!

    Maria Clara: Hindi pa rin nagbabago ang tamis ng iyong dila sa halip ay lalo pang pinatamis ng iyong

    paglalakbay!

    Narrator: Marami pa silang napag-usapan hanggang...

    Crisostomo Ibarra: Nakalimot na ako na may tungkulin akong dapat tuparin. Dapat akong magtungo

    ngayon sa San Diego. Bukas ay araw ng mga patay...

    Narrator : Upang maaliw namimighating dilag na noon ay nakatanaw pa sa kasintahan ay...

    Don Rafael: Hala, magtulos ka ng kandila para sa poong San Roque at sa kay San Rafael pintakasi ng nga

    manlalakbay!

    Narrator: Kinabukasan, pasakay na sina Maria Clara nang makasalubong si Padre Damaso...

    Padre Damaso: Tila may mahalagang bagay kayong patutunguhan?

    Maria Clara: Kukunin po namin sa beateryo ang aking mga kagamitan...

    Padre Damaso: Tingnan natin kung sino ang masusunod!

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    5/9

    Narrator: Tuloy-tuloy na pumanhik si Padre Damaso sa bahay at...

    Padre Damaso: Santiago! May mahalagang bagay tayong pag-uusapan tayo na sa iyong tanggapin!

    Kapitan Tiyago: Tungkol sa anong bagay?

    Narrator: Makalipas ang ilang sandali ng pagpupulong ay...

    Padre Damaso: Napagsabihan na kita, alam mo na ang ibig kong masunod!

    Kapitan Tiyago: Kayo ang masusunod Padre Damaso!

    Narrator: Litong tinungo ni Kapitan Tiyago ang altar at pinatay ang kandilang patungkol kay Ibarra...

    Padre Damaso: He-He-He! Ganyan nga

    Narrator: Samantala sa libingan ng San Diego, dalawang lalaki ang naghuhukay...

    Sepulturero 1: Ang ibig mong sabihin hinukay mo ang bangkay gayong dadalawampung araw palang

    nalilibing?

    Sepulturero 2: Tao palang ire, pinasan ko pa kamo!

    Sepulturero 1: At bakit mo naman hinukay ang bangkay?

    Sepulturero 2: Aba, e iyon ang utos sa akin ng kurang malaki at ang sabi e dalhin ko sa libingan ng mga

    Intsik!

    Sepulturero 1: O, naibaon mo naman sa lugar ng mga Intsik?

    Sepulturero 2: Dahil sa kabigatan at kalayaan din naman e... ku, tumigil kana nga ng kakatanong at baka

    hindi natin matapos ito!

    Narrator: Hindi naglaon ay unti-unting dumarami ang tao sa libingan, kabilang na sina..

    Crisostomo Ibarra: Natatandaan mo ba ang lugar ng kanyang kinalibingan?

    Matanda: Aba, opo! Nilagyan ko pa nga ng isang krus na may kapangalan niya!

    Narrator: Subalit nang sumapit sila sa itinuro ng Matanda ay...

    Crisostomo Ibarra: Akala ko bay dito? Aba, e bungkal na ang lupa dito a...

    Matanda: Dito nga po ang pagkakatanda ko pero bakit?

    Crisostomo Ibarra: Lubhang naging malilimutin kayo... Mabuti pay itanong mo sa taga-paglibing na iyon!

    Narrator: Agad natumalma ang Matanda at...

    Matanda: Masasabi ba ninyo sa akin kung nasaan ang libing na may tandang krus na malaki?

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    6/9

    Sepulturero 2: Iyon po bang may dibuhong inukit at na-atalian ng yantok?

    Sepulturero 2: Oo, iyon nga! Sinunog ko na po iyon!

    Matanda: Sinunog!? At bakit nyo sinunog?

    Sepulturero 2: Iyon po ang utos ng kurang malaki at ang bangkay ay wala na po riyan!

    Narrator: Hindi na nakatiis si Ibarra kaya...

    Crisostomo Ibarra: Kung wala dito ang patay e saan mo naman dinala?

    Sepulturero 2: May ilang buwan na pong ipinahukay ng kurang malaki upang ilipat sa libingan ng mga

    Intsik!

    Crisostomo Ibarra: At ginawa mo naman iyon?

    Sepulturero 2: Hindi ko po nagawa iyon dahil umuulan noon at mabigat ang kabaong kaya itinapon ko po

    sa ilog!

    Narrator: Animoy kulog na dumagundong sa kanyang pandinig ang mga ipinagtapat ng kausap.

    Nangangalit ang mga bagang na hindi malaman ang gagawin... At marahil sa tindi ng galit,

    pagdadalamhati, o pagkaawa sa sinapit ng ama ay... Walang lingon-lingon na binagtas niya ang daan

    hanggang sa matanawan niya ang isang kura...

    Crisostomo Ibarra: Ang walanghiya!

    Narrator: Nang matapat sa kanya ang kura na walang iba kundi si Padre Salvi ay...

    Crisostomo Ibarra: Ikaw!!! Ano ang ginagawa mo sa aking ama?!

    Padre Salvi: Nagkakamali ka, wala akong ginagawang ano man sa iyong ama!

    Crisostomo Ibarra: Kung hindi ikaw ay sino? Sino ang may kagagawan noon?

    Padre Salvi: Ang aking hinalinhinan... Si Padre Damaso!

    Narrator: Binitiwan ni Ibarra ang kura at mabilis na lumisan, sa darating ang matanda...

    Matanda: Kayo na po ang bahalang magpasensya Padre Salvi...

    Padre Salvi: Nauunawaan ko

    Narrator: Halos baliw na napag-isa si Ibarra sa kanyang silid at wariy nakikiramay ay walang patlang ang

    dagundong ng kulog at kidlat hanggang... Samantala sa Ikalawang panig ng kampanaryo ay...

    Basilio: Batakin mo Crispin, Baka sabihin ng sakristang mayor na tinatamad tayo!

    Crispin: Paano e nanghihina na ako kuya!

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    7/9

    Narrator: Tahimik ang dalawa sa labis na pagkapagal...

    Crispin: Kuya Basilio, Magkano ba ang sasahurin mo sa buwang ito?

    Basilio: Dalawampung piso lang kasi makalo nila akong minultahan...

    Crispin: Kuya, babayaran mo na ang halagang kanilang ibinibintang na ninakaw ko kuya?

    Basilio: Naloloko ka na ba? Ano ang ibibili ng pagkain ni inay? Dalawang onsa ang ibinibintang nila sa iyo.

    Iyon ay katumbas ng tatlumput dalawang piso!

    Crispin: Kung ako nga ang kumuha noon e mailalabas ko pero talagang wala akong ninakaw!

    Basilio: Tahan na Crispin. Hindi naman maniniwala si inay na nagnakaw ka nga e...

    Narrator: Inalo ni Basilio ang kapatid nang sa darating ang sakristang mayor...

    Sakristang Mayor: Ikaw Basilio ay minumultahan ko ng kalahati dahil sa hindi tama ang iyong pagtugtog,

    at ikaw Crispin maiiwan ka rito hanggang di mo inililitaw ang iyong mga ninakaw!

    Narrator: At anyong dadalhin si Crispin nang...

    Basilio: Ginoo, sanlinggo na po ngayon di namin nakikita ang aming ina...

    Sakristang Mayor: Humabi ka riyan!

    Narrator: Lakas loob na ipagtatanggol sana ni Basilio ang kapatid, subalit...

    Sakristang Mayor: Maulit ka ha UMM!

    Narrator: Naiwang di makapagsalita si Basilio walang nagawa kundi pakinggan ang tinig ng kapatid na

    napapasaklolo...

    Crispin: Huwag po! Maawa kayo. Kuya! Inay! Kuya.

    Basilio: Kung makapag-aararo lang akoy hindi namin sasapitin ito. Paano kaya ako makakauwi nang di

    nila namamalayan... A alam ko na!

    Narrator: Kinalag ang mga lubid na nakakabit sa mga batingaw at matapos itong pagbuhol-buhulin ay...

    Basilio: Nanang ko. Huwag sana akong madupilas at tiyak patay ako nito!

    Narrator: Samantala, sa dahilang inaasahan ang pagdating ng mga anak, abalang-abala si Sisa sa

    pagluluto ng hapunan...

    Sisa: Masisiyahan sina Basilio at Crispin ko sa gabing ito... Mabuti lamang at nakaamot ako ng kapirasong

    karne ng baboy ramo.

    Narrator: Upang maaliw ang sarili sa paghihintay ay manaka siyang umaawit at ilang sandali pay

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    8/9

    Basilio: Nanay! Buksan nyo ang pinto!

    Sisa: Eto na sila...

    Narrator: Hintakot na pinagmasdan ni Sisa ang anyo ni Basilio...

    Sisa: Bakit ka humahangos anak? Nasaan si Crispin?

    Basilio: Huwag kayong matakot nanay, naiwan po siya sa kumbento.

    Narrator: Isinalaysay ni Basilio ang pangyayari at...

    Sisa: Diyos ko, diyatat pinararatangan nilang nagnakaw si Crispin ko. Hayaan mot bukas ay makikiusap

    ako sa kura!

    Narrator: Ipinaghanda niya ng pagkain ang anak...

    Basilio: Wala akong gana nanay.

    Sisa: Alam kong di mo maibigan ang tuyo. Ipinaghanda ko kayo ng masarap na pagkain ngunit dumating

    ang ama mot inubos lahat!

    Narrator: Kinabukasan ay maagang nagtungo si Sisa sa kumbento. May dala siyang mga gulay para sa

    kura upang kahit paanoy maibsan ang galit nito sa kanyang anak, subalit...

    Sisa: Nagtanan ho? Subalit hindi siya umuuwi ng bahay. Si Basilio lang ang nasa bahay!

    Ale: Huwag mo nang ipagkaila Sisa! Matapos makapagnakaw ay nagtanan ang anak mo. Dahil dito

    inutusan akong ipagbigay alam ang nangyari sa Guardiya Sibil.

  • 8/13/2019 Noli Me Tangere Script Part 1

    9/9