pag usbong ng renaissance

3
GAWAIN 10: Magtulungan Tayo! Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na “MONA LISA”? Nabasa mo na rin ba ang kuwentong “Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangkatang Gawain PAG-USBONG NG RENAISSANCE Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika -11 hanggang ika-12 siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. BAKIT SA ITALY? Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa alinmang bansa sa Europa. Dahil sa pananaw na ito, muling nabigyang- sigla ang kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ang kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. ANG MGA HUMANISTA Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sa pagaaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, Komposisyon, Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtantong mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito.Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisa syon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN Sa Larangan ng Sining at Panitikan 1. Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pagibig sa pinakakamahal niyang si Laura. 2. Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay. 3. William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. 4. Desiderious Erasmus (c.1466-1536). “Prinsipe ng mga Humanista.” May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. 5. Niccolo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nilikha ng lakas.” 6. Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. Sa Larangan ng Pinta at Pintor at Sining 1. Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestro ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon

Upload: jackeline-abinales

Post on 17-Jul-2015

1.647 views

Category:

Documents


61 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pag usbong ng  renaissance

GAWAIN 10: Magtulungan Tayo! Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na “MONA LISA”? Nabasa mo na rin ba ang kuwentong “Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangkatang Gawain PAG-USBONG NG RENAISSANCE

Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika -11 hanggang ika-12 siglo, umunlad ang mga i to bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy

ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng

mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika -14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong i larawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing

sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. BAKIT SA ITALY?

Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa alinmang bansa sa Europa. Dahil sa pananaw na ito, muling nabigyang- sigla ang kanilang

pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ang kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging

tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa

Kanlurang Asya at Europe. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy, naitaguyod at napanatil ing buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang

Griyego at Romano. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. ANG MGA HUMANISTA

Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo. Ang

mga iskolar na nanguna sa pagaaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag -aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, Komposisyon, Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag -aaral ng mga ito, napagtantong mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Ang

humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisa syon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN Sa Larangan ng Sining at Panitikan

1. Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pagibig sa pinakakamahal niyang si Laura.

2. Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.

3. William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar,

Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. 4. Desiderious Erasmus (c.1466-1536). “Prinsipe ng mga Humanista.” May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya

ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

5. Niccolo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nil ikha ng lakas.”

6. Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na

kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. Sa Larangan ng Pinta at Pintor at Sining

1. Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestro ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na

Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon

Page 2: Pag usbong ng  renaissance

2. Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper), na

nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper.

3. Raphael Santi (1483-1520). “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa

pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang Obra Maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the Child” at “Alba Madonna.”

Agham sa Panahon ng Renaissance 1. Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric; “Sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng

ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.” Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag -i isip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangki lik ng simbahan.

2. Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong

teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. 3. Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang “Batas ng Universal

Gravitation,” ang bawat planeta ay may kaniya -kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang paginog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bak it bumabalik sa lupa ang isang bagay na

inihagis pataas. Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng kasagutan sa kaniyangmga tanong.

Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang panahon patungo sa Modernong Panahon. Ang mga pangyayaring nagan ap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay daan rin sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak na ka alaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip

at pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod - buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan. ANG KABABAIHAN SARENAISSANCE

Laura Cereta Isotta Nogarola Veronica Franco Vittoria Colonna Sa panahon ng Renaissance, i i lang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon

sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance. Hali mbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mama tay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhangpagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan. Sa pagsulat ng tula,

mahahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa l arangan ng pagpipinta, nariyan sina Sofonisba Anguissola mula Cremona na may likha ng Self -Portrait (1554) at si Artemisia Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of Holoferness (1625) at Self -Portrait as the Al legory of Painting

(1630). Ang Renaissance ay mayroong mahalagang impluwensya sa pagunlad ng kultura at takbo ng kasaysayan ng daigdig, ang mga epekto n ito ay makikita sa mga sumusunod:

1. Nagpayaman sa sibilisasyon ng daigdig partikular sa pilosopiya, l itera ture at edukasyon.

2. Nagpasimula ng Rebolusyong Intelektwal 3. Nakatulong sa pagtuklas ng heograpya at eksplorasyong maritima. 4. Nagpasulong ng paglago ng Nasyon –Estado. 5. Nagbigay-daan sa Repormasyon.

Ang salitang renaissance ay isang salitang Pranses na hango sa salitang italyano na renascimineto na ang ibig sabihin ay muling pagsilang o panunumbalik ng kawilihan ng mga tao sa kahalagahan at kaka -yahan ng tao at sa kagandahan ng daigdig. � Ang panahong ito ay itinututring na ding pagpapalit ng panahon mula sa panahong midyebal patu-ngong makabagong panahon.

� Isa rin itong reaksiyon sa uri ng pamumuhay medyibal kung saan angpersonalidad ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa kalipunan g kinabibilangan, at tahasang pagpapahayag ng iniisip kaysa sa bulag na pagsunod. � Binibigyang diin at halaga ng Humanismo ang kahalagahan ng makabuluhang pamumuhay ng tao sa daigdig, taliwas sa paniniwalang ang layunin ng pamumuhay rito sa mundo ay upang maghanda para sa kabilang buhay.

� Ang humanismo ay tumutungkol din s a kaalaman at pagkawili sa kulturang Griyego at Romano. Ang Italyanong si Petrarch ang kinilalang ama ng humanismo, malaki ang kaniyang nagawa upang muling sumigla ta manumbalik ang interes ng tao sa pag -aaral ng mga klasikang kultura ng sinaunang Griyego at Romano. � Nagsimula ang reanissance sa Italya dahil sa pagiging mariwasa ng mga siyudad sa hilagang Italya tulad ng Venice, Florence, M ilan at

Genoa. Ang mga pintor, makata at manlil ilok ay hinimok at tinustusan ng mga mayayamang Italyano upang gumawa ng mga dakilang likhang sining na may diwang klasika. Ang kaalaman ng mag Italyano sa nakaraan na nakuha nila sa pakikipagkalakalan ay galing sa Constantinople kung sann napanatili at iningatan ang kulturang klasika.

� Ang pag-usbong Renaissance ay nagdul ot ng malaking pagbabago para sa pagunlad ng sibilisasyon ng daigdig. Ang mga pagbabagong ito ay nagpaningas ng rebolusyong intelektwal, pagunlad ng heograpiya at mga eksplorasyong maritima, paglago ng pambansang es tado at higit sa lahat ay nagsilbing inspirasyon para sa mga kasalukuyang panatiko ng Sining.

Page 3: Pag usbong ng  renaissance

GAWAIN 10 CONCEPT DEFINITION MAP Pangkatang Pag-uulat: Maghahati ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Sa tulong ng tekstong iyong binasa ay i lahad ninyo ng inyong kapangkat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Renaissance. Pangkat 1: Kahulugan ng Renaissance

Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ng Renaissance Pangkat 3: Ambag ng Renaissance sa iba’t ibang laranga n Pangkat 4: Mga Kababaihan sa Renaissance Pagkatapos ng inyong presentasiyon ay maglagay ng mga datos sa concept definition map para sa mas malinaw na daloy ng mga

impormasyon kaugnay ng paksa. Magbigay ng reaksiyon o magtanong sa naging presentasiyon ng kamagaaral kung mayroon kang hindi naunawaan.

Pamprosesong tanong 1. Ano ang kahulugan ng Renaissance? 2. Ano-ano ang naging mga salik sa pag-usbong ng Renaissance? 3. Bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance? 4. Ano ang naging epekto ng Renaissance sa pagkakaroon ng panibagong pagtingin sa politika, relihiyon at pag-aaral? 5. Sino-sino ang pangunahing tagapagtaguyod ng Renaissance? 6. Ano-ano ang mga naiambag ng Renaissance sa ating kabihasnan? 7. Sino-sinong kababaihan ang kilala sa panahong ito? 8. Ano-ano ang kanilang naging kontribusyon sa Panahon ng Renaissance? 9. Paano nakatulong ang Renaissance sa paglakas ng Europe? 10. Nagaganap pa rin ba ang mga pangyayari sa Panahon ng Renaissance sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. 11. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mag-ambag ng anumang bagay sa ating bansa, anong bagay at saang larangan mo pipiliing makapagbahagi ng nito? Pangatuwiranan