paggamit ng panipi

6

Click here to load reader

Upload: emily-xiane-lee-castillo

Post on 01-Jul-2015

3.798 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paggamit ng panipi

Paggamit ng PanipiBalik – Sulyap sa Buhay ni Mabini.

Page 2: Paggamit ng panipi

Tandaan:

Sa binasang salaysay ay may usapan. Inihihiwalay ng panipi at kuwit ang tuwirang sinabi ng tauhan sa ibang bahagi ng salaysay.

Halimbawa: “ Huwag na , Magalona,” ang sabi ng maysakit.

“Alam kong malapit na ang aking wakas.”

Hindi nilalagyan ng kuwit at sa halip ay tandang pananong kung patanong ang sinabi ng tauhan.

Halimbawa: “ Ito ba ang kailangan mo?” tanong ng ina sa anak.

Page 3: Paggamit ng panipi

Ikaw naman ang maglagay ng angkp na panipi at kuwit sa tuwirang sinabi ng tauhan.

1. Magandang gabi, maaari bang makausap si Senador bati ng Pangulo.

2 . Wala po yata kayong kasama tanong pa ng Senador sa Pangulo.

3. Naku, wala po kayong aalalahanin Sir, sagot naman ni Senador.

4.Magandang gabi sa iyo.Ikinalulungkot ko ngunit kailangang-kailangan kong makausap ka paghingi ng paumanhin ng Pangulo.

5. Huwag mong akalain yan Pule ani Magalona.

Page 4: Paggamit ng panipi

Basahin ang isang tagpo sa buhay ni Mabini.Isulat sa papel at ilagay ang panipi,kuwit, tuldok, tandang pananong at tandang padamdam sa dapat kalagyan.

Ang Toga ni Mabini

Ang Toga ni Mabini

Maraming tao sa tinitirahan ni Mabini. Mga kaibigan sila ni Pule, ang palayaw ni Mabini. Naroroon sila sapagkat araw noon ng pagtatapos at nais nilang batiin si Pule. Di-kaginsa-ginsa’y may tumigil na karwahe. Isang lalaking may dalang malaking kahon ang magalang na nagtanong.

Magandang hapon po. Dito po ba nakatira si Atty. Apollinario Mabini?

Oo, dito nga siya nakatira.Sagot ng isa sa mga kaibigan ni Mabini. Napag-utusan po akong ibigay sa kanya ang kahong ito. Padala po ito

ng isang ginang na taga-Sta. Cruz.Magalang na paliwanag ng lalaki. Ako po ang hinahanap ninyo. Pakisabi po sa nagpadala nito ang taos-

puso kong pasasalamat ani Mabini. Laking tuwa ni Mabini nang makita ang laman ng kahon. Naku toga ito ang kailangan ko. Napakabait na babae. Salamat po

Diyos ko natutuwang sabi ni Mabini.

Page 5: Paggamit ng panipi

Sagot

Ang Toga ni Mabini

Maraming tao sa tinitirahan ni Mabini. Mga kaibigan sila ni Pule, ang palayaw ni Mabini. Naroroon sila sapagkat araw noon ng pagtatapos at nais nilang batiin si Pule. Di-kaginsa-ginsa’y may tumigil na karwahe. Isang lalaking may dalang malaking kahon ang magalang na nagtanong.

“Magandang hapon po. Dito po ba nakatira si Atty. Apollinario Mabini? “

“ Oo, dito nga siya nakatira,” sagot ng isa sa mga kaibigan ni Mabini.

“Napag-utusan po akong ibigay sa kanya ang kahong ito. Padala po ito ng isang ginang na taga-Sta. Cruz , “magalang na paliwanag ng lalaki.

“Ako po ang hinahanap ninyo? Pakisabi po sa nagpadala nito ang taos-puso kong pasasalamat, “ ani Mabini.

Laking tuwa ni Mabini nang makita ang laman ng kahon. “Naku toga! ito ang kailangan ko. Napakabait na babae.

Salamat po Diyos ko ! “natutuwang sabi ni Mabini.

Page 6: Paggamit ng panipi

Takda:Humanap ng 5 bantog na pahayag ng

mga naging pangulo ng bansa.Hal.“Walang kamag-amag-anak,”ani

Pangulong Estrada.