pagsibol ng lahing pilipino at kapaligiran

21
Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran Aralin 1

Upload: judith-ruga

Post on 14-Nov-2014

3.970 views

Category:

Documents


19 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Pagsibol ng Lahing

Pilipino at Kapaligiran

Aralin 1

Page 2: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Mga Tanong

Summary

Homo Erectus

Heograpiya at Kultura

Homo Sapiens

Kulturang Materyal

Chart

Page 3: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Mga Tanong :

Bakit tinaguriang “ singsing ng apoy” at “ sinturon ng lindol” ang Pilipinas? Magbigay ng isang teorya kung paano nabuo ang bansang Pilipinas. 

 Ano ang pinagkaiba ng Panahong Cretaceous sa Panahong Pleistocene? Ano ang mga naidulot ng mga panahong ito? 

Ano ang kaibahan ng Panahong Paleolitiko at Neolitiko? Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Homo Erectus at Homo Sapiens? Anong katangiang mayroon tayo na nagmula sa kanila? 

Ano ang lahing Austronesyano at Australoid? Paano sila napadpad sa Pilipinas? Anong impluwensya ang nadala ng mga ito sa kapuluan?

 

Page 4: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Ang Pilipinas ay isang kapuluan, matatagpuan sa isang sonang tropikal at monsoon, daanan ng bagyo na nagbunsod ng isang kabihasnang maritimo. Ito rin ay matatagpuan sa tinaguriang “ singsing ng apoy” at “sinturon ng lindol”. 

Ang pagkabuo ng mga bundok, lambakin, katubigan, pulo o pagiging kapuluan/arkipelago ng Pilipinas ay produkto ng mga prosesong heolohikal tulad ng paggalaw ng mga platong tektoniko (tectonic plates) mula sa Panahong Cretaceous (65 M taon B.K.) hanggang sa Panahong Pleistocene (2 M taon B.K.).

  

Aralin 1

Page 5: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Aralin 1 Sa kabuuan ng daigdig, ang unang paglikha ng tao sa sarili ay mula 500,000 B.K. - 13,000 B.K. (Panahong Paleolitiko) at mula 13,000 B.K. - 500 B.K. (Panahong Neolitiko). Nang nakakabit pa ang Pilipinas sa kontinenteng Asya, ipinapalagay na naglakbay papunta rito ang mga rhinoceros at elepante at ang Homo Erectus at Homo Sapiens na nabuhay sa dalawang pook- Hilagang Tsina (Beijing) at Timog – Silangang Asya (Java).

Sa paglubog ng mga tulay- lupa, naging posible ang pagkalat ng tao (tinaguriang lahing Austronesyano), patungong Pasipiko sa pamamagitan ng bangka (tungong Taiwan, 4,500 B.K.; Hilagang Luzon, 3,000 B.K. at East Timor, 2,500 B.K.). Nagkaroon ng kakanyahan ang katutubong kabihasnan mula sa pagtatagpo ng lahing Austronesyano at Australoid sa gitna at timog Pilipinas bago kumalat sa Indonesia, Malaysia, Oceania at Madagascar noong 2,500 B.K.

Page 6: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Ang Homo Erectus- ispecie ng tao na nakatindig nang tuwid at nakakagawa ng mga kasangkapan. Makapal ang bungo nito, may nakausling buto sa may talukap ng mata, may malaking panga at maliit na baba. Batay sa sukat ng bungo ng ispecie na natagpuan sa Beijing (Hilagang Tsina) at Java (Indonesia), ang utak ng Homo Erectus ay tinatayang may sukat na 750 - 1,100 kubiko sentimetro.

Sinaunang Tao : Homo Erectus at Homo Sapiens

Page 7: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran
Page 8: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

2 kasangkapang batong natagpuan sa Lambak ng Cagayan:

1. Ang “ubod” o pebble –ito ay gawa sa mga batong igneous, at kadalasan ay may talim sa isang bahagi lamang ng bato. Malaking porsyento sa mga natagpuan ay matulis din, kaya maaaring ang gamit ng kasangkapang ito ay para sa pagtipak at pagtapyas (chopping and picking). Laganap ang ganitong uri ng kasangkapan sa Timog Silangang Asya.

2. Ang flake core tools o “tipyas” –mas maliit na piraso ng mga bato na may matalim na gilid, ginawa sa matitigas na uri ng bato na tulad ng chert, andesite, at opaline.

Batay sa mga natagpuang kagamitan ng mga sinaunang tao, ang mga homo erectus ay nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pangangalap.

Page 9: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Ang Homo Sapiens- sa Yungib ng Tabon sa Palawan, natagpuan ang labi ng sinaunang tao, isang bumbunan (skull cap), nagpapatunay sa pamumuhay dito ng ispecie ng mga homo sapiens may 16,000 – 24,000 taon na ang nakakaraan. Sila ay kahawig ng ispecie ng kasalukuyang tao. Mas malaki ang kapasidad ng utak nito (1,200 kubiko sentimetro) na nagpapatunay na siya ay higit na matalino kaysa sa naunang homo-erectus.

Page 10: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Kulturang materyal ng sinaunang tao sa Palawan

Yungib Guri: Flaked stone tools, mga libingang palayok na palamuting gawa sa jade at glass beads na tinatayang may edad na 2,500 - 2,300 taon bago ngayon.

Yungib ng Duyong: Mga kagamitang bato na palakol o adze, isang palawit o pendant na gawa mula sa kabibe o shell at anim na sisidlan ng gamit na nganga na gawa naman sa arca shells. Palamuti na gawa sa Jade tulad ng : hikaw na lingling-o at mga pulseras.

Yungib ng Manunggul: Palayok Manunggul (makikita sa takip nito ang dalawang taong nakasakay sa isang bangka), mga palamuti na gawa sa jade, kabibe at bato, mga pulseras na gawa sa jade, agate at kabibe.

Bukod sa mga ito, ang pinakamatandang labi ng mga palayok ay natagpuan sa Yungib Dugdug at Leta-Leta.

Page 11: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Flaked Stone tools

Page 12: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Manunggul jar

Page 13: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Heograpiya at Kultura

Ang kasalukuyang lahing Pilipino ay bahagi ng dalawang prosesong naganap sa nakaraang limang libong taon: biolohikal at kultural. Ang pagkakaiba- iba ng itsura, buhok,kulay ng balat at tangos ng ilong ay resulta ng paghahalo ng iba’t ibang pangkat at matagalang pakikibagay sa kalikasan.

Ang mga lahing matagal na nabuo sa Panahong Paleolitiko ay tinatawag na Mongoloid sa Hilaga at Australoid sa Timog.. Hanggang sa kasalukuyan matatagpuan ang tunay na Mongoloid o madilaw, sa mga Intsik ng hilagang Tsina, samantalang ang tunay na Australoid o maitim ay matatagpuan pa sa Melanesia at Papua New Guinea.

Page 14: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Kapuluan sa kalagayang tropikal ang pangkalahatang katangian heopisikal at ekolohikal ng Pilipinas na pinaghubugan ng kabihasnang Pilipino. Tinatayang nabuo na ang kasalukuyang kapuluan noong panahong heolohikal ng Pleistocene, 2 milyong taon B.K.

Nauna rito, ang kalupaang ito ay kakaiba ang anyo, may mga bahaging nakalubog o nakalitaw o nakaugnay sa ibang kalupaan ng Asya. Dahil sa paggalaw at pag-uumpugan ng mga continental plate, na malakontinenten bloke ng bato na pinagpapatungan ng lupa, ang kalupaan ng daigdig ay gumalaw sa iba’t ibang direksyon na papaitaas o papailalim.

Page 15: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Ang kapuluan ng Pilipinas, na nasa gilid ng Philippine Sea Plate, ay ibinunga ng mga paggalaw na ito. Sa pag-uumpugan ng Eurasian Plate, na kinalalagyan ng kalupaang Asyano, at ng Philippine Sea Plate, na bumabangga naman sa Pacific Plate at Indian-Australian Plate, naganap ang mga pagtulak papahalang o papaitaas na lumikha ng kasalukuyang mataas at mababang lugar, mga pulo at dagat sa Pilipinas.

Page 16: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Taong

Sakop

Panahong

Geolohikal

Kaganapan

65 milyong taon BC.

Huling Cretaceous

Ang islang-arko ng Bikol, Leyte, at Silangang Mindanao ay nabuo matapos na lumubog ang Philippine Sea Plate sa ilalim ng Indian-Australian Plate. Sila ang mga unang elemento ng arkipelago ng Pilipinas.

Page 17: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Taong

Sakop

Panahong

Geolohikal

Kaganapan

53-37 milyong taon Bago Ngayon

Eocene Mula sa equator, kasabay ng pagkilos ng Pacific plat, ang isla-arkong nabanggit ay ‘naanod’ patungo sa pahilagang-kanlurang direksyon. Sa panahong ito, nahati ang Pilipinas sa tatlong magkakahiwalay na islang arko: ang Arkong Luzon, ang Arkong Halmahera at Arkong Sangihe.

Page 18: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Taong

Sakop

Panahong

Geolohikal

Kaganapan

37-23 milyong taon Bago Ngayon

Gitnang Oligocene

Paglawak ng Dagat Timog Tsina dulot ng pagbuka ng suelo ng dagat sa pagitan ng Eurasian Plate at Microcontinental Block.

23-6 milyong taon Bago Ngayon

Maagang Miocene

Paglawak ng sea floor na matatagpuan sa Dagat Sulu.

Page 19: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Taong

Sakop

Panahong

Geolohikal

Kaganapan

Gitnang Miocene

Bumangga ang Microcontinental BLock ng Palawan sa orihinal na islang arko ng Pilipinas. Nagdulot ito ng pagkakaroon ng bulkanismo sa Arkong Sulu.

Page 20: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Taong

Sakop

Panahong

Geolohikal

Kaganapan

6 milyong taon Bago Ngayon

Huling Miocene

Tumigil ang bulkanismo sa Arkong Sulu, ngunit patuloy pa rin ang pagkilos ng Pacific at Philippine Plates. Bumangga ang Hilagang bahagi ng Manila Trench sa Taiwan, na nagdulot ng paglitaw ng mga mababang bahagi (kapatagan) Luzon mula sa karagatan.

Page 21: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Taong

Sakop

Panahong

Geolohikal

Kaganapan

6-2 milyong taon Bago Ngayon

Huling Miocene hanggang simula ng Pleistocene.

Umabot ang Manila Trench hanggang Kanlurang Mindanao. Naputol ito at naging Negros at Cotabato Trenches nang dumikit na ang bloke ng Mindoro-Palawan at ang Tangway ng Zamboanga sa orihinal na islang-arko ng Pilipinas. Sa panahong ito nagsimula na ring lumubog ang silangang bahagi ng bansa sa erya ng Philippine Trench. Ito na ang simula ng pagkakabuo ng lupaing Pilipinas sa kanyang kasalukuyang lokasyon, porma, hugis at anyo.