ubd unit plan 3 lahing pinagmulan

24
Lourdes School of Mandaluyong Departamento ng Mataas na Paaralan T.P. 2012 - 2013 ASIGNATURA/KURSO: Araling Panlipunan 1 TERMINO: Ikalawa PAMAGAT NG YUNIT: Sinaunang Kabihasnang Pilipino TAKDANG- ARAW: 12araw LAYUNING PANGKAGAWARAN: Molding Service- Oriented Citizens NAGDISENYO/GURO: Bb. Stephanie Sarah Jane A. Bacay LAYUNING PANG-ASIGNATURA: Pagkakakilanlang Pilipino PAGPAPAHALAGA: Dangal ng Sangnilikha ANTAS I: RESULTA/ INAASAHANG BUNGA LAYUNIN SA PAGLALAPAT Nais kong matutunan ng aking mga mag- aaral ang pagtuklas ng yamang tao at ang pinagmulan ng ating lahi; na may sistema na ng pamahalaan, paraan ng pamumuhay, pag-aari ng lupa, pagpapahalaga sa kababaihan ang mga sinaunang Pilipino at mapatunayan na nakalinang na ng mayamang kultura ang mga ito, upang sa darating na panahon magamit nila ang kanilang natutunan nang wasto at hindi maisawalang bahala ang mayamang kultura ng ating mga ninuno at magiging batayan ito ng kasalukuyang panahon upang lubusang maunawaan at bigyang halaga ang kaunlarang natatamasa nating mga Pilipino sa ngayon. PAGBUO NG KAHULUGAN MGA KAKAILANGANING PAG-UNAWA Ang mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ang makapagbibigay paliwanag kung bakit a iba’t iba ang anyo nating mga Pilipino. May sarili nang sistemang panlipunan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga kolonyalistang Espanyol. May kakayahang mamuhay ang mga sinaunang Pilipino nang hindi umaasa sa iba. Ang mga sinanunang Pilipino ay nahati sa maliliit na tribo at pangkat na may iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya at pampolitika. Ang barangay ay nagsasariling yunit pang-ekonomiya at pampolitika; may sistema ito ng batas. May angking kultura ang mga MAHAHALAGANG TANONG Paano maipaliliwanag ng mga iba’t ibang teorya ang pag-unlad at pagkakaiba- iba ng kultura ng mga tao sa bansa? Mayroon na bang sistemang panlipunan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga kolonyalistang Espanyol? Ipaliwanag. Nagsasarili na ba sa pamumuhay ang mga sinaunang Pilipino? Ipaliwanag. Paano maisasalarawan ang sistemang pang- ekonomiya at pampolitika ng mga sinaunang Pilipino? Anu- ano ang mga katangian

Upload: stephanie-sarah-afuang-bacay

Post on 16-Apr-2015

466 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

Lourdes School of MandaluyongDepartamento ng Mataas na Paaralan

T.P. 2012 - 2013

ASIGNATURA/KURSO: Araling Panlipunan 1 TERMINO: IkalawaPAMAGAT NG YUNIT: Sinaunang Kabihasnang Pilipino TAKDANG-ARAW: 12arawLAYUNING PANGKAGAWARAN: Molding Service- Oriented Citizens NAGDISENYO/GURO: Bb. Stephanie Sarah Jane A. BacayLAYUNING PANG-ASIGNATURA: Pagkakakilanlang PilipinoPAGPAPAHALAGA: Dangal ng Sangnilikha

ANTAS I: RESULTA/ INAASAHANG BUNGA

LAYUNIN SA PAGLALAPAT Nais kong matutunan ng aking mga mag- aaral ang pagtuklas ng yamang tao at ang pinagmulan ng ating lahi; na may sistema na ng pamahalaan, paraan ng pamumuhay, pag-aari ng lupa, pagpapahalaga sa kababaihan ang mga sinaunang Pilipino at mapatunayan na nakalinang na ng mayamang kultura ang mga ito, upang sa darating na panahon magamit nila ang kanilang natutunan nang wasto at hindi maisawalang bahala ang mayamang kultura ng ating mga ninuno at magiging batayan ito ng kasalukuyang panahon upang lubusang maunawaan at bigyang halaga ang kaunlarang natatamasa nating mga Pilipino sa ngayon.

PAGBUO NG KAHULUGAN

MGA KAKAILANGANING PAG-UNAWA

Ang mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ang makapagbibigay paliwanag kung bakit a iba’t iba ang anyo nating mga Pilipino.

May sarili nang sistemang panlipunan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga kolonyalistang Espanyol.

May kakayahang mamuhay ang mga sinaunang Pilipino nang hindi umaasa sa iba.

Ang mga sinanunang Pilipino ay nahati sa maliliit na tribo at pangkat na may iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya at pampolitika.

Ang barangay ay nagsasariling yunit pang-ekonomiya at pampolitika; may sistema ito ng batas.

May angking kultura ang mga ninunong Pilipino- may maunlad na sistema ng wika at panulat at mga paniniwala, gawi at tradisyon.

May relihiyon na rin ang mga sinaunang Pilipino- ang kanilang mga bathala ay may kinalaman sa pang-araw- araw nilang buhay.

MAHAHALAGANG TANONG

Paano maipaliliwanag ng mga iba’t ibang teorya ang pag-unlad at pagkakaiba-iba ng kultura ng mga tao sa bansa?

Mayroon na bang sistemang panlipunan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating ang mga kolonyalistang Espanyol? Ipaliwanag.

Nagsasarili na ba sa pamumuhay ang mga sinaunang Pilipino? Ipaliwanag.

Paano maisasalarawan ang sistemang pang- ekonomiya at pampolitika ng mga sinaunang Pilipino?

Anu- ano ang mga katangian ng kultura ng mga sinaunang Pilipino?

Anu- ano ang mga paniniwala, kaugalian at tradisyon ng sinaunang Pilipino?Paano ito nakakaapekto sa paraan ng kanilang pamumuhay?

PAGTATAMO NG KAALAMAN AT KAKAYAHANMauunawaan ng mga mag-aaral ang

Pinagmulan ng Lahing Pilipino Sinaunang Buhay ng mga Pilipino Paniniwala ng mga Sinaunang Pilipino Pang-araw- araw na Buhay; Buhay

pamilya, Teknolohiya at Hanapbuhay Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas.

Makakaya ng mga mag-aaral na nasusuri ang iba’t ibang teorya ng

pinagmulan ng lahing Pilipino; nailalarawan ang kultura ng

sinaunang Pilipino; at naipagmamalaki ang marangal na

pinagmulan ng lahing Pilipino. naipaliliwanag na bago pa man

Page 2: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

dumating ang mga Espanyol ay may umusbong nang sibilisasyon ang mga sinaunang Pilipino; na nagsasarili na sa aspetong pampolitika at pang-ekonomiya ang mga sinaunang Pilipino at mayroon silang angking kultura; na may kaugnayan ang heograpiya sa pagkakaiba- iba sa mga aspeto ng kanilang pamumuhay.

nagagawa ang kritikal na pag-unawa sa mga bagay- bagay, pagpapangkat- pangkat ng mga konsepto at pagbubuod.

napahahalagahan ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba, naipagmamalaki ang kulturang Pilipino at nakikilala ang kakayanan ng kababaihan sa lipunan.

ANTAS II: PAGTATAYA

KODING PAMANTAYAN SA EVALWASYON

Ang mga mag-aaral ay mamarkahan batay sa

kawastuhan ng nilalaman,

pagkamalikhain sa pagkakagawa ng pabula at kaayusan, kalinisan

ng gawain.

INAASAHANG PAGGANAPG- Ang mga mag-aaral ay magpapamalas ng kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng paggawa ng pabula. Nakabubuo ng kwento na nagtataguyod sa wastong paggamit ng karapatan at pagganap ng tungkulin bilang mamamayan. Ito ay gawaing pinagsanib sa asignaturang Filipino.R- Gaganap ang mga mag-aaral bilang manunulat ng isang kwentong pambata sa anyo ng pabula.A- Ang kanilang magiging tagapanood ay mga mag-aaral sa mababang paaralan partikular sa Ikatlo hanggang Ikalimang Baytang.S- Ang kanilang gagawing pabula ay may kinalaman sa mga kwento ng paglabag at wastong paggamit sa karapatan ng kapwa o pagtupad sa tungkulin bilang isang mamamayan.P- Inaasahan na ang kanilang pabula ay ibahagi sa kapwa nila mag-aaral upang malaman kung ito ay kaakit-akit sa mga mambabasa o makakakita sa pamamagitan ng peer evaluation.

IBA PANG KATIBAYAN Ang mga mag-aaral ay magpapamalas na kanilang natamo ang inaasahang bunga sa pamamagitan ng:

Maikling Pagsusulit Pagsagot sa Learning Activity Sheet Pagsusuri ng isang Artikulo Pangkatang Gawain

ANTAS III: MGA PLANO NG PAGKATUTOKODING MGA GAWAIN SA PAG-AARAL AT GAWAING INSTRUKSYUNAL MGA TALA SA

Page 3: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

UNANG ARAWPaksa: Sinaunang Buhay ng mga Pilipino

Mga Sinaunang Tao sa PilipinasPagpapahalaga: Pakikibagay at Pangangalaga sa KapaligiranLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakapagpapaliwanag ng mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino;

2. nakasusuri ng mga ebidensya na nagpapatunay sa bawat teorya;

3. nakapagbibigay ng posisyon kung alin ang teoryang makatotohanan; at

4. nakapagmamalaki na ang Pilipino ay may pinagmulang lahi. ng mga unang tao sa Pilipinas

1. Pang-araw-araw na Gawain (3 mins.)1.1 Pagbasa: Ps 98:91.2 Pagtsek ng atendans at uniporme1.3 Balitaan:

1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?

1.3.2 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan?2 Paglinang ng Aralin: (48 mins.)

2.1 Panimulang Gawain: Abaniko ng Lahi (12 mins.)2.1.1.1 Panuto: 2.1.1.2 1. Kumuha ng isang puting papel at mga krayola. 2.1.1.3 2. Tiklupin ang puting papel sa apat na tiklop.

Parang pamaypay ang kalalabasan. 2.1.1.4 3. Gumuhit ng mukha sa itaas na bahagi ng itiniklop

na papel. 2.1.1.5 4. Itago ang nakaguhit na mukha. Pagkatapos,

ipaguhit sa isang kalaro o isang kasambahay ang leeg at katawan hanggang baywang ng tao sa susunod na tiklop.

2.1.1.6 5. Itago muli ang mukha at katawan. Maghanap muli ng isang kasambahay na guguhit ng mula baywang hanggang tuhod na imahe ng tao sa ikatlong tiklop.

2.1.1.7 6. Muling itago ang ikatlong guhit. Pagkatapos, ipaguhit ang binti at paa sa isa pang kasambahay.

2.1.1.8 7. Buksan ang imahe ng taong naiguhit.

2.1.1.9 Mga Gabay na Tanong:Suriin natin ang iyong ginawa: 1. Ano ang anyo ng nakaguhit? Iba’t iba, hindi ba? 2. Ano ang kaugnayan nito sa lahing Pilipino? May iisa ba tayong pinagmulan? 3. Maisusulat mo ba ang iba’t ibang paglalarawan sa pisikal na anyo ng mga Pilipino?

2.2 Pagtalakay ng Aralin: (37 mins.)2.2.1.1 Anu- ano ang mga teorya ng pinagmulan ng

Pilipino?2.2.1.2 Anu- ano ang tatlong kilalang teorya kung saan

nagmula ang lahing Pilipino?2.2.1.3 Ano ang ebidensya na ang pisikal na kaanyuan ng

mga mandarayuhan ay katulad ng sa pag-unlad ng kanilang kultura?

2.2.1.4 Bakit ang pandarayuhan ng mga tao ay may

PAGSASAGAWA

Page 4: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

eksaktong pagkakasunud-sunod na panahon? Bakit grupu-grupo ang pagdating nila? Nasaan ang ebidensya ng mga grupu-grupong pandarayuhan?

2.2.1.5 Bakit ang grupu-grupong pandarayuhan ay biglang dumami sa maikling panahon lamang?

2.2.1.6 Nasaan ang ebidensya ng ruta ng mga grupo ng migrasyon?

2.3 Paglalagom: (2 mins.)2.3.1 Pagsusuri ng Chart:

Nauunawaan mo ba ang mga pagkakaiba ng mga ipinaliwanag na teorya? Sikapin mong ibigay ang mga kalakasan at kahinaan ng mga ito:

Mga Teorya Kalakasan Kahinaan

1.Pandarayuhan

2. Paglipat-lipat ng tirahan

3. Ebolusyon

2.4 Aplikasyon: (3 mins.)2.5 Alin sa mga teoryang nabanggit ang iyong pinaniniwalaan?

Bakit?3 Pagpapahalaga: (3 mins.)

3.1 Ngayong nabasa mo na ang aralin, naunawaan mo na ba ang pinagmulan ng lahing Pilipino? Alin sa ating pinagmulan ang maaari mong ipagmalaki bilang isang Pilipino?

Kagamitan:

- OHP Projector- Mga Larawan ng mga lahing pinagmulan ng mga Pilipino

IKALAWANG ARAWPaksa: Sinaunang Buhay ng mga Pilipino

ANG SINAUNANG PILIPINO SA PANAHON NG LUMANG BATO

Pagpapahalaga: Pakikibagay at pangangalaga sa KapaligiranLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakapagpapaliwanag ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino noong panahon ng lumang bato;

2. nakapaglalarawan ng mga kagamitang binuo at ginamit ng ating mga ninuno upang mapayabong nila ang kulturang Pilipino; at

3. nakapagbibigay ng mga paraan upang mapagyaman at maipagmalaki natin ang kalinangang Pilipino.

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins.)3.2 Pagbasa: 3.3 Pagtsek ng atendans at uniporme3.4 Balitaan:

3.4.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?

3.4.2 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan?4 Paglinang ng Aralin: (48 mins.)

4.1 Panimulang Gawain: Pagbuo ng Salita (5 mins.)Panuto: Anong salita ang maaring mabuo sa mga

Page 5: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

sumusunod? Isulat din ang maaari mong masabi sa mga natukoy mong salita.

4.1.1.1 .naTob____________________________________4.1.1.2 lognMngua________________________________4.1.1.3 kubaew___________________________________4.1.1.4 atob______________________________________ 4.1.1.5 wnlPaaa__________________________________

4.1.1.6 Mga Gabay na Tanong:

4.1.1.7 Anu- ano ang uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno noong 50,000 hanggang 500 bago ipananganak si Kristo (BK)?

4.1.1.8 Anu- ano ang uri ng mga kagamitan na ginamit nila upang sila ay mabuhay?

. 4.2 Pagtalakay ng Aralin: (35 mins.)

4.2.1.1 . Magpakita ng larawan ng tatlong uri ng kagamitang bato na natagpuan noon sa Pilipinas:

4.2.1.2 1. Mga magagaspang na bato na ginagamit sa iba’t ibang mga paraan: pambalat sa mga hayop, panghiwa ng karne 2. Mga pinatulis ngunit magagaspang na bato 3. Mga pinakinis at pinanipis na mga bato

4.2.1.3. Ilarawan ang paraan ng pamumuhay ng pamayanan sa Panahon ng Bato

4.2.1.3.1. Pamilya at Populasyon4.2.1.3.2. Pangangaso, Pangingisda at Pagpitas ng mga Prutas at Gulay4.2.1.3.3 Paggamit ng Apoy4.2.1.3.4 Pagtatanim

4.3 Paglalagom: (7 mins.)Bumuo ng timeline na nagpapakita ng sa mga kagamitang ginamit ng ating mga ninuno sa iba’t ibang panahon:Panahon Mga Kagamitan

5 Pagpapahalaga: (5 mins.)5.1 Maglista ka ng mga maaari mong gawin upang

maipagmalaki mo ang kalinangang Pilipino.5.2 Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga

kalinangang ito.

6 Takdang-Aralin: (3 mins.)6.1. Magsaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Panahon ng Metal

Kagamitan: - Mga larawan ng kasangkapang yari sa bato - OHP Projector

Page 6: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

IKATLONG ARAW

Paksa: PAG-UNLAD NG MGA PAMAYANANG PILIPINO SA PANAHONG METAL Pagpapahalaga: Pakikibagay at pangangalaga sa KapaligiranLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakapaglalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pagyabong ng pamayanan at kalakalan sa panahon ng metal;

2. nakapagsusuri ng mga gawain ng ating mga ninuno sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan; at

3. nakagagawa ng plano upang mapanatili ang ating mayabong na kultura.

1 Pang-araw-araw na Gawain (5 mins)1.1 Pagbasa: Mateo 18: 3 - 41.2 Pagtsek ng atendans at uniporme1.3 Balitaan:

1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?

1.3.2 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

2 Paglinang ng Aralin: (50 mins.)2.1 Panimulang Gawain: (5 mins.)2.2 Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng gamit na metal.

Pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong na ito:2.3 1. Sa iyong palagay, ano ang katangian ng gamit na metal? 2.3.2. Matutukoy mo kaya ang kahalagahan ng metal sa pag-unlad ng isang pamayanan?

2.4 Pagtalakay ng Aralin: (42 mins.)2.4.1 Ano ang pagbabagong naganap sa pagyabong ng

pamayanan at kalakalan sa Panahaon ng Metal?2.4.2 Anu- anong mga industriya at kagamitan ang

natuklasan sa Panahon ng Metal at paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?

2.4.3 Bigyang halaga ang mga ebidensyang nakuha sa larangan ng pulitika noong Panahon ng Metal?

2.5 Aplikasyon: (3 mins.)2.5.1.1 Bumuo ng plano na magpapakita ng mga tiyak na

hakbang upang mapanatili natin ang kulturang Pilipino. Ipaliwanag sa isang talata ang iyong plano.

3 Pagpapahalaga: (2 mins.)3.1 . Magbigay ng halimbawa upang mas lalo mo pang

mapaunlad ang iyong pagkatao sa loob at labas ng paaralan ng Lourdes. Anu- anong mga bagay ang nais mong maibahagi na makatutulong sa pag-unlad ng ibang tao?

4 Takdang-Aralin: (3 mins.)4.1 Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng uri

ng pamumuhay ng ating mga ninuno sa panahong metal. Ipaliwanag ang iyong ginawa.

4.2 Humanda sa isang maikling pagsusulit

Kagamitan: OHP, Mga Larawan

Page 7: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

IKAAPAT NA ARAW

Mga Layunin Ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. nakasasagot ng buong husay sa maikling pagsusulit2. nasusukat ang husay ng pagkaunawa sa nakaraang aralin3. naipapakita ang pagiging handa sa pagsusulitPaksa: Maikling Pagsususlit Blg. 3Pagpapahalaga: Pagiging handa sa itinakdang Pagsusulit 1. Pang-araw-araw na gawain: (10 mins)• Panalangin at Refleksyon: Mateo 7:1-5• Pagbati ng guro• Pagtatala ng liban sa klase• Pagmamasid sa kaayusan ng mga mag-aaral at silid-aralan• Balitaan1.2 Pangganyak (ilagay ang istratehiya)• Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin habang nagsasagawa ng pagsusulit.• Ipaayos ang mga upuan at ipatago ang mga gamit na hindi kakailanganin sa pagsusulit..2. Paglinang sa Aralin (35 min.)

2.1 - Pagsusulit-2.2. Matapos ang itinakdang oras ay ipapasa na ang kanilang mga kwiz buklet at mga katanungan sa unahan.2.2 Aplikasyon ( 2 min)Anong bahagi ng ating pagsusulit ang naging mahirap para sa inyo? Bakit?2.3.1 Pagpapahalaga- Paano pa ninyo mas mapaghahandaan ang mga susunod pang maikling pagsusulit sa ating klase?3.Takdang-Aralin: (3 mins.)

Kagamitan/Sanggunian: -kwiz bukletTest questions

IKALIMANG ARAW

Paksa: ANG PANLIPUNANG PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SA PANAHON NG BARANGAYPagpapahalaga: Katapatan sa PamamahalaLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga katangian ng panlipunang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng barangay; at

2. nasusuri ang magagandang impluwensya ng panahon ng barangay sa kasalukuyan.

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins) 1.1Pagbasa: 1.2 Pagtsek ng atendans at uniporme

Page 8: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

1.3Balitaan:1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?1.3.2 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

2. Paglinang ng Aralin: (48 mins.)Panimulang Gawain: Bumuo ng tatlong pangkat at ipamahagi ang mga titiksa bawat pangkat.Sa patnubay ng lider ng bawat pangkat, ipaayos ang mgatitik upang makabuo ng limang mga salita mula sa mgaginupit na titik nito.

2.1. Ipabigay ang kahulugan ng bawat isa sa pamamagitan ngpagsusulat ng tamang salita sa bawat patlang:

Ang mga unang ____________ na tinatawag nating mga ____________ ay pinamumunuan ng isang ________ sa pamahalaan ng kung tawagin ay ___________.

3. Pagtalakay ng Aralin: (37 mins.)3.1.  Ipakita ang larawan ng isang datu na may mga tauhang nakapaligid dito. 3.2. Itanong:3.2.1 Sino kaya ang taong nakalarawan dito?3.2.2 May alam ba kayo tungkol sa kanya? Anu-ano ang mga ito?3.2.3 Isulat sa pisara ang mga sagot at talakayin.

3.3. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.Ipamahagi ang task kard sa bawat pangkat at ipagawa ang gawain na nakasaad dito.3.3.1. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:1) Sino ang namumuno sa barangay?2) Paano siya nahirang na pinuno ng barangay?3) Anu-ano ang tungkuling nakaatang sa kanya?4) Sinu-sino ang taong kanyang nakakatulong sa mgagawain?5) Sa palagay ninyo, anu-ano ang suliraning kanilangnararanasan sa pamamahala?

3.4. Ipasadula sa bawat pangakat ang sinaunang pamahalaang barangay.

3.4.1. Pangkat A: Kapangyarihan3.4.2. Pangkat B: Tungkulin3.4.3. Pangkat C: Suliraning Naranasan

4. Aplikasyon: (3 mins.)4.1. Ano ang pamahalaang barangay? 4.2. Saang barangay ka kabilang?4.3. Kung ikaw ay isang datu, kapitan, anu-ano ang iyong

gagawin para sa ikabubuti ng iyong nasasakupan?5. Pagpapahalaga: (2 mins.)

5.1. Bilang miyembro ng barangay, bakit kailangan nating igalang ang mga namumuno? Sa paanong paraan?

6. Takdang-Aralin: (3 mins.) Gumuhit ng larawan ng unang barangay. Idikit ito sa

bondpaper. Sumulat ng 3 pangungusap tungkol dito. Kagamitan: plaskard, larawan ng datu at mga alagad nito

NOUIN IPONLIPIGAYRANBA ATUD

Page 9: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

IKAANIM NA ARAW

Paksa: Kalagayang Panlipunan ng mga Unang Pilipino ( Antas ng Tao sa Lipunan)Pagpapahalaga: Paggalang sa Karapatan ng iba/ Pagkapantay- pantay ng bawat nilalang Layunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. natatalakay ang iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunan2. naikukumpara ang antas ng lipunan noong sinaunang

panahon sa kasalukuyang panahon natin ngayon3. napahahalagahan at ginagalang ang lahat ng uri ng tao

ano man ang kalagayan nito.

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins) 1.1 Pagbasa: 1.2. Pagtsek ng atendans at uniporme

1.3 Balitaan:1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?1.3.3 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

2. Paglinang ng Aralin: (48 mins.)2.1. Panimulang Gawain: (7 mins)

2.1.1. Magpanuod ng isang “clip” mula sa teleseryeng “AMAYA”.

2.1.2. Sagutin ang mga Gabay na Tanong:2.1.2.1. Ano ang inyong napansin o naobserbahan

sa paraan ng pamumuhay noong sinanunang panahon?

2.1.2.2. Sinu- sino ba ang itinuturing na makapangyarihan sa panahong ito?

2.2. Pagtalakay ng Aralin: (23 mins.)Talakayin ang iba’t ibang antas ng katayuan sa lipunan ( Power point presentation)

2.2.1. Sinu- sino ang mga itinuturing na maharlika?2.2.2. Anu- ano ang kanilang mga gawain?2.2.3. Sinu-sino ang bumubuo sa antas ng timawa o

malayang tao?2.2.4. Anu- ano ang natatanging gawain ng mga timawa o

malalayang tao?2.2.5. Sino ang mga itinuturing na alipin? Anu ang

dalawang uri nito?2.2.6. Paano ba nakakamit ang ganitong antas ng

pamumuhay? Maari pa bang mabago ang kanilang kalagayan?

3. Aplikasyon: (15 mins.)3.1.1. Magkaroon ng paghahambing ng mga antas ng

lipunan noon at ngayon. Sa larangan ng mga sumusunod:

3.1.1.1. Pulitika o Pamamahala3.1.1.2. Kayamanan o Ari- arian3.1.1.3. Tungkulin at Karapatan

4. Pagpapahalaga: (7 mins.)4.1. Sa kasalukuyang panahon, paano mo pinahahalagahan

ang mga taong tumutulong at naglilingkod sayo?4.2. Bilang mag- aaral paano mo maipapakita ang

Page 10: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

paggalang sa karapatan ng mga taong mas mababa ang antas sa iyo?

5. Takdang-Aralin: (3mins.)5.1. Sumulat ng isang maikling liham pasasalamat sa mga

nagawa ng mga taong naglilingkod para sa iyo.5.2. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Kagamitan:

St. Claire Viewing RoomPowerpoint Presentation tungkol sa Antas ng Tao sa LipunanVideo Clip ng “ Amaya” mula sa You Tube

IKAPITONG ARAW

Paksa: Kabuhayan ng mga Sinaunang PilipinoPagpapahalaga: Pag-iingat ng kalikasanLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natatalakay ang pinagkukunang- yaman at hanapbuhay.

2. Naibibigay ang kahalagahan ng pinagkukunang-yaman sa hanapbuhay ng mga unang Pilipino.

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins) 1.1Pagbasa: 2.2. Pagtsek ng atendans at uniporme

1.3Balitaan:1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?1.3.4 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

2. Paglinang ng Aralin: (48 mins.)2.1 Panimulang Gawain:

3.1.1. Tukuyin kung anong uri ng pamumuhay nang mga sinaunang Pilipino.

3.1.2. Ipakita ang mga larawan ng mga sumusunod:2.2.2.1. pagsasaka2.2.2.2. pangingisda2.2.2.3. pangangaso2.2.2.4. paninisid sa dagat2.2.2.5. pagtotroso

2.2. Pagtalakay ng Aralin: (37 mins.) 2.2.1. Matapos talakayin sa mga naunang aralin ang kaayusang pulitikal at panlipunan ng mga sinaunang Pilipino, alamin naman natin ang kabuhayan nila. Anu- ano kaya ang kabuhayan nang mga sinaunang Pilipino? 2.2.2. Isang paraiso ang ating kapuluan sa panahon ng mga sinaunang Pilipino. Saang dako ka man pumunta, makikita ang masaganang kalikasan. May mga punong hitik sa bunga na hindi kayang ubusin ng mga tao at hayop. Sa katubigan, marami at iba’t- ibang uring isda ang makikita. Sobra- sobra ang pinagkukunang- yaman para sa pangangailangan ng mga tao noong sinaunang panahon.3. Aplikasyon: (3 mins.)

3.2.1. Punan ang tsart sa ibaba:3.2.2. A. Pinagkukunang B. Hanapbuhay

Page 11: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

Yaman

Lambak, Kapatagan, Kabundukan at Burol

Mga maaaring kasagutan:

Pagsasaka

Tabing Ilog, Lawa, at Baybaying Dagat Pangingisda

Pangunguha ng mga halamang- dagat

Paninisid ng perlas

Kabundukan o Lugar na may Mina Pagmimina

Kagubatan

Pagtotroso Pangangaso

Paggawa ng mga palamuti(hikaw, pulseras, singsing at iba)

Humabi ng tela Paggawa ng mga

palayok at banga Paggawa ng alak

Pangangalakal

4. Pagpapahalaga: (2 mins.)4.1. Sa dalawang talata, paghambingin ang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino sa hanapbuhay sa kasalukuyan. Anu- ano ba ang hanapbuhay na meron pa noon sa ngayon? Paano ka makatutulong upang mapanatiling sagana ang pinagkukunang yaman ng mga tao?

5. Takdang-Aralin: (3 mins.)5.1. Gumawa ng isang Collage kung saan napapaloob dito ang hanapbuhay ng sinaunang Pilipino.

Kagamitan:

Iba’t ibang larawan ng mga unang Pilipino, Batayang Aklat

IKAWALONG ARAW

Paksa: ANG KALAGAYANG PANGKULTURA NG MGA SINAUNANG PILIPINO Pagpapahalaga: Pangangalaga sa sinaunang KalinanganLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. Mailalarawan mo ang kalagayang pangkultura ng mga sinaunang Pilipino; at

Page 12: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

2. Mapangangatwiranan mo na mayroon nang maunlad na kultura ang mga sinaunang Pilipino.

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins) 1.1Pagbasa: 5.2. Pagtsek ng atendans at uniporme

1.3Balitaan:1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?1.3.5 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

3. Paglinang ng Aralin: (48 mins.)2.2 Panimulang Gawain:

1.1.1. Drill: Kailan sinasabing mayroon nang mataas na antas ng kalinangan ang isang lipunan?

1.1.2. Karaniwang Sagot: Kung ang lipunan ay mayroon nang

1.1.3. • sistema ng panulat1.1.4. • matatag na sistema ng pamamahala1.1.5. • sistema ng paniniwala1.1.6. • maunlad na sining at panitikan1.1.7. • agham at teknolohiya1.1.8. • mga mahuhusay na istruktura monumento

2.2. Pagtalakay ng Aralin: (37 mins.) 2.2.1. Kung pagbabatayan natin ang mga palatandaan ng isang mataas na antas ng lipunan,masasabi ba natin na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga sinaunang Pilipino? Anu-ano ang ating mga patunay dito? 2.2.2. Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, natuklasan nila na ang mga Pilipino ay mayroon nang mataas na antas ng kalinangan at pamumuhay. Ibig sabihin, hindi nahuhuli sa mga iba pang lipunan ang Pilipinas noong panahong iyon. 2.2.3. Sa anong mga larangan naging mahusay an gating mga ninuno? Ilarawan ang mga kalinangang ito sa mga sumusunod:2.2.3.1. paggawa ng mga kagamitan2.2.3.2. pagmimina2.2.3.3. kahusayan sa paglalakbay-dagat2.2.3.4. paniniwala sa isang makapangyarihang Diyos2.2.3.5. sa larangan ng agham2.2.3.6. kabatiran sa astronomiya at pagbibigay kahulugan sa mga bituin at posisyon ng araw2.2.3.7. Panitikan2.2.3.8. Sining

3. Aplikasyon: (3 mins.)3.1.1 Marami ka bang natutuhan tungkol sa iyong mga

ninuno? Punan mo ang tsart batay sa tinalakay nating mga katangian ng kulturang Pilipino. Ano ang masasabi mo sa bawat isa?

Ang Pilipinas bilang isang lipunang may mataas na antas ng kulturaSistema ng panulat

Sistema ng paniniwala

Sistema ng pamamahala

Agham at teknolohiya

Panitikan

Page 13: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

Sining

4. Pagpapahalaga: (2 mins.)4.1. Gumawa ka ng isang islogan na ang tema ay: Paano natin pangangalagaan at pauunlarin ang ating pamanang kultura?

5. Takdang-Aralin: (3 mins.)5.1. Maraming mga pamanang pangkultura ang mga sinaunang Pilipino na naisalin sa ating henerasyon. Magbigay ka nga ng limang gawi o pamana na nagmula sa mga sinaunang Pilipino. Isulat mo sa patlang. 1. _____________________ 2. _____________________ 3. _____________________ 4. _____________________ 5. _____________________5.2. Humanda para sa Maikling Pagsusulit Bilang 3Kagamitan:

Iba’t ibang larawan ng mga sinaunang kalinangan, Batayang Aklat

IKASIYAM NA ARAWMga Layunin Ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. nakasasagot ng buong husay sa maikling pagsusulit2. nasusukat ang husay ng pagkaunawa sa nakaraang aralin3. naipapakita ang pagiging handa sa pagsusulitPaksa: Maikling Pagsususlit Blg. 4Pagpapahalaga: Pagiging handa sa itinakdang Pagsusulit 1. Pang-araw-araw na gawain: (10 mins)• Panalangin at Refleksyon: • Pagbati ng guro• Pagtatala ng liban sa klase• Pagmamasid sa kaayusan ng mga mag-aaral at silid-aralan• Balitaan1.2 Pangganyak (ilagay ang istratehiya)• Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin habang nagsasagawa ng pagsusulit.• Ipaayos ang mga upuan at ipatago ang mga gamit na hindi kakailanganin sa pagsusulit..2. Paglinang sa Aralin (35 min.)

2.1 - Pagsusulit-2.2. Matapos ang itinakdang oras ay ipapasa na ang kanilang mga kwiz buklet at mga katanungan sa unahan.2.2 Aplikasyon ( 5 min)Anong bahagi ng ating pagsusulit ang naging mahirap para sa inyo? Bakit?2.3.1 Pagpapahalaga- Paano pa ninyo mas mapaghahandaan ang mga susunod pang maikling pagsusulit sa ating klase?3.Takdang-Aralin: (10 mins.)3.1. Magsaliksik tungkol sa pagdating ng Islam sa Pilipinas.

Page 14: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

3.1.1. Sagutin mo ang mga sumusunod na mga katanungan upang matukoy mo ang kahalagahan ng Islam sa ating lipunan. 1. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas? Paano ito napalaganap sa kabuuan ng Mindanao at bakit madaling nangyari ito? 2. Sa iyong palagay, malaki ba ang naitulong ng pagpapakasal ng mga Arabeng Mulsim sa mga katutubo sa Mindanao sa pagpapalaganap ng Islam? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Nakatutulong ba sa relasyon natin sa iba’t ibang bansa sa Asya ang pagkakaroon ng Islam sa ating bansa? Ipaliwanag.

Kagamitan/Sanggunian: -kwiz bukletTest questions

IKASAMPUNG ARAWPaksa: ANG PAGDATING NG ISLAM SA PILIPINASPagpapahalaga: Paggalang sa ibang relihiyon; KapatiranLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliliwanag mo kung paano dumating at lumaganap ang Islam sa Pilipinas.

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins) 1.1Pagbasa: 5.3. Pagtsek ng atendans at uniporme

1.3Balitaan:1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?1.3.6 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

2. Paglinang ng Aralin: (48 mins.)2.1. Panimulang Gawain:

2.1.1. Drill: Magpakita ng mga larawan ng mga gawain ng mga Muslim tulad ng sa larangan ng pagnenegosyo, paraan ng paniniwala sa kanilang relihiyon atbp.

2.1.2. Mga Gabay na Tanong:2.1.3. Anu- ano ang iyong nararamdaman kapag

nakakakita ka ng mga kapatid nating Muslim?2.1.4. Anu- anong mga kaugalian ang madalas nating

mapansin sa kanila?2.2. Pagtalakay ng Aralin: (37 mins.) 2.2.1. Paano nga ba nakarating ang relihiyong Islam sa ating bansa?2.2.2. Bigyang pansin natin ang mga sumusunod na pahayag. Sinasabing dumating ang relihiyong Islam na may sinusunod na hakbang tulad ng mga sumusunod:2.2.2.1. Pagkakaroon ng pamayanang Muslim na nanggaling sa ibang bansa; 2.2.2.2. Pagdating ng mga misyonerong Islam sa Pilipinas 2.2.2.3. Pagiging Muslim ng mga opisyal ng pamahalaan; 2.2.2.4. Pagpapapakilala ng mga institusyong pang Muslim; at 2.2.2.5. Pagpapatindi ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansang Muslim.2.2.3. Ang sumusunod na timeline ay nagpapakita ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari kaugnay ng pagdating

Page 15: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

ng Islam sa Pilipinas. 1380 Dumating sa Pilipinas si Mukdum, isang iskolar na Arabe upang palaganapin ang aral ng relihiyong Islam. 1390 Dumating si Rajah Baginda at bininyagan ang mga katutubo sa Jolo ayon sa relihiyong Islam. 1400-1440 Napalaganap ni Kabungsuwan ang Islam sa iba’t ibang panig ng Mindanaw sa pamamagitan ng diplomasya. 1450 Dumating si Abu Bakr sa Sulu at napangasawa ni Prinsesa Paramisuli, anak ni Rajah Baguinda. Itinatag ang Sultanato. 1460 Lumaganap ang Islam sa Timog Mindanaw at Sulu. 1470 Dumating si Serif Kabungsuwan mula sa Johore at naging unang sultan ng Mindanao. Lumaganap ang Islam sa Visayas at Luzon. 1480-1520 Mabilis na lumaganap ang Islam sa buong Mindanao dahil sa madaling pagtanggap dito ng mga pinuno. 1521 Nagtayo ng matatag na tanggulan at pamayanan ang mga Arabe sa Mindanao kaya hindi sila nasakop ng mga Kastila nang dumating ang mga ito sa Mindanao. 2.2.3.1. Suriin natin ang mga datos sa timeline. Ano ang ipinakikita nito tungkol sa pagpapalaganap ng Islam sa Pilipinas?

3. Aplikasyon: (3 mins.)3.1.1. Kung susuriin mo ang timeline, mapapansin mo na

ang pagkakatatag at paglaganap ng Islam ay naganap sa mapayapang pamamaraan. Ginamit ng mga Muslim ang pangangalakal bilang pamamaraan upang mapalapit sa mga katutubo.

3.1.2. Ganito rin kaya ang naganap sa ibang pamayanan sa Asya noong panahong iyon? Maliwanag na ang dedikasyon ng mga misyonerong Muslim ang nagpasigla sa pagtatatag nito sa maraming pamayanan, hindi ba? Pangatwiranan.

4. Pagpapahalaga: (2 mins.)4.1. Paano mo maipapakita ang maayos na

pakikipagugnayan sa ibang seksyon ng inyong baitang?

4.2. Paano magkakaroon ng pagpapakita ng kapatiran sa ating paaralan?

Kagamitan:

Timeline ng Pagdating mg Islam sa Pilipinas

Mga larawan

IKALABING-ISANG ARAWPaksa: ANG RELIHIYONG ISLAM SA PANAHON NG BARANGAYPagpapahalaga: Paggalang sa ibang relihiyon; KapatiranLayunin:

Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maibibigay mo ang mga katangian mo ng relihiyong Islam sa Panahon ng Barangay

1. Pang-araw-araw na Gawain (5 mins) 1.1Pagbasa: 5.4. Pagtsek ng atendans at uniporme

1.3Balitaan:

Page 16: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

1.3.1 Bakit mahalaga ang balitang kanyang ibinahagi sa atin?1.3.7 Paano ito makaaapekto sa ating lipunan? Bakit?

5. Paglinang ng Aralin: (48 mins.)5.1. Panimulang Gawain:

5.1.1. Drill: Pamilyar ka ba sa relihiyong Islam? Tukuyin mo nga ang mga mahahalagang bagay sa larawan na maiiuugnay mo sa relihiyong Islam? Anu-ano ang sinisimbolo nito sa Islam?

5.1.2. Moske5.1.3. Koran5.1.4. Buwan at bituin

2.2. Pagtalakay ng Aralin: (37 mins.) 2.2.1. Tunay na maraming magaganda at mahahalagang aral ang relihiyong Islam. Ang Islam ay nangangahulugan ng “lubos na pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng Diyos na si Allah.” Ang pagsasagawa nito ay napapaloob sa mahalagang aral ng Islam na tinaguriang Limang Haligi ng Katotohanan na nasusulat sa Koran , ang banal na aklat ng mga Muslim.2.2.1.1. Anu- ano nga ba ang mga ito?2.2.1.2. Ang kahanga-hangang debosyon ng mga Muslim sa kanilang pananalig sa Islam ay naipapakita sa pamamagitan ng kanilang pagdarasal ng limang beses sa isang araw. Paano kaya nila isinasagawa ito?3.Aplikasyon: (3 mins.)

3.3.1. Ihambing ang Islam sa iyong sariling relihiyon. Gamitin ang Venn diagram na nasa ibaba.

3.3.2. Katangian ng Islam 3.3.3. Katangian ng sariling relihiyon 3.3.4. Pagkakatulad

3.4. Paano natin igagalang ang pagkakaiba ng relihiyon ng mga Pilipino?

3.5. Kung ikaw ay Muslim, paano mo pa mapatatatag ang iyong pananalig sa Islam?

4. Pagpapahalaga: (2 mins.)4.1. Anu-anong mga gawi at pamamaraan sa pagsamba ang sa palagay mo ay makatutulong din sa pagpapatatag ng ating sariling pananalig? 4.2. Ano ang natutunan mo sa kanilang pamamaraan sa pagsamba na nakatulong din sa pag-unawa sa iyong sariling pananalig?

5. Takdang- Aralin:5.1. Maghanda para sa isang Maikling Pagsusulit

Kagamitan:

Venn Diagram

Mga larawan

IKALABINGDALAWANG ARAWMga Layunin Ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. nakasasagot ng buong husay sa maikling pagsusulit2. nasusukat ang husay ng pagkaunawa sa nakaraang aralin3. naipapakita ang pagiging handa sa pagsusulitPaksa: Maikling Pagsususlit Blg. 5Pagpapahalaga: Pagiging handa sa itinakdang Pagsusulit 1. Pang-araw-araw na gawain: (10 mins)

Page 17: UBD UNIT PLAN 3 Lahing Pinagmulan

• Panalangin at Refleksyon: • Pagbati ng guro• Pagtatala ng liban sa klase• Pagmamasid sa kaayusan ng mga mag-aaral at silid-aralan• Balitaan1.2 Pangganyak (ilagay ang istratehiya)• Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin habang nagsasagawa ng pagsusulit.• Ipaayos ang mga upuan at ipatago ang mga gamit na hindi kakailanganin sa pagsusulit..2. Paglinang sa Aralin (35 min.)2.1 - Pagsusulit-2.2. Matapos ang itinakdang oras ay ipapasa na ang kanilang mga kwiz buklet at mga katanungan sa unahan.2.2 Aplikasyon ( 5 min)Anong bahagi ng ating pagsusulit ang naging mahirap para sa inyo? Bakit?2.3.1 Pagpapahalaga- Paano pa ninyo mas mapaghahandaan ang mga susunod pang maikling pagsusulit sa ating klase?

Kagamitan:

Kwiz buklet