pagsulat talata
DESCRIPTION
filipinoy subjectiboTRANSCRIPT
PAGSULAT
Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsusulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mgalarawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.
3 PANGUNAHING BAHAGDAN SA PROSESO NG PAGSULATBAGO MAGSULAT – paghahandaHABANG NAGSUSULAT
a. Pagsulat ng Burador - pagsulat nang tuluy-tuloy - di muna isaaalang-alang ang gramatika/estruktura/pormat
b. Muling Pagsulat - Rebisyon - Pagwawasto/Pag-edit
3. PAGKATAPOS MAGSULAT - basahin sa klase - talakayin - isali sa timpalak - ilathala
ANG PROSESO NG PAGSULAT1. Brainstorming2. Pagsulat ng Burador3. Revisyon/ Pagrebisa4. Pag-edit/Editing5. Paglalathala
TALATAAng komposisyon o katha ay binubuo ng mga talata. Ang talata naman ay binubuo ng lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi palagay o paksang diwa.
Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan:
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposiyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksang nais, talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipninapilwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran.
2. Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo it nng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.
3. Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad angg mahahalagang kaisipan na nabangit sa gitna talata. Minsa, ginagamit ito upang bigyanglinaw ang kabuuan ng komposisyon.