pagsulat11_talumpati

26
TALUMPATI

Upload: tine-lachica

Post on 14-Apr-2017

145 views

Category:

Education


21 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsulat11_Talumpati

TALUMPATI

Page 2: Pagsulat11_Talumpati

Talumpati- nagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap ng madla

- sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig

Page 3: Pagsulat11_Talumpati

Uri ng Talumpati ayon sa Layunin

1. Impormatibo

- naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa

Page 4: Pagsulat11_Talumpati

Halimbawa:● Epekto ng schizophrenia sa dumaranas nito● Mga balakid sa pag-aaral ng ikalawang wika● Mga katangian ng isang mabuting mamamayan

Page 5: Pagsulat11_Talumpati

2. Nanghihikayat

- humihikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita

Page 6: Pagsulat11_Talumpati

Halimbawa:

● Mga kasamaang maaaring idulot ng kontrasepsiyon sa kababaihan

● Mga kabutihang maaaring idulot ng halamang gamot bilang lunas sa mga karamdaman

Page 7: Pagsulat11_Talumpati

3. Nang-aaliw- nang-aaliw sa pamamagitan ng pagpapatawa tulad sa comedy bar

- nagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga nakatatawa niyang karanasan

Page 8: Pagsulat11_Talumpati

4. Okasyonal

- isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa.

Page 9: Pagsulat11_Talumpati

Uri ng Talumpati ayon sa Kahandaan

1. Impromptu

- halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati

Page 10: Pagsulat11_Talumpati

2. Extemporaneous

- sapat na pinaghandaan sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas

Page 11: Pagsulat11_Talumpati

Tatlong Bahagi:1. Panimula

● Sinisikap sa bahaging ito na mapukaw ang interes o matawag ang pansin ng mga tagapakinig.

● Inilalahad din sa bahaging ito ang layunin ng talumpati.

Page 12: Pagsulat11_Talumpati

2. Katawan o Kaalaman● Sa bahaging ito gumagamit ang mananalumpati ng iba't ibang kaparaanan para mapagtibay ang kaniyang mga ideya, kaisipan, at paninindigan.

Halimbawa, paglalahad, pangangatuwiran, pagbibigay halimbawa, pagsasalaysay, at paglalarawan.

Page 13: Pagsulat11_Talumpati

3. Katapusan

● Sa pagwawakas, nililinaw ng mananalumpati ang kaniyang mga paninindigan, tinitiyak na nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa huli at maaaring nanghihikayat tungo sa pakikibaka at pagkilos.

Page 14: Pagsulat11_Talumpati

● Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maihahalintulad sa pag-akyat at pagbaba ng bundok.

Proseso sa Pagsulat ng Talumpati

Page 15: Pagsulat11_Talumpati

Proseso sa Pagsulat ng Talumpati1. Paghahanda

● Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang. Kaya sa pagsulat ng introduksiyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay.

Page 16: Pagsulat11_Talumpati

● Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay, at kung bakit kailangan nilang sumama.

Page 17: Pagsulat11_Talumpati

2. Pag-unlad

● Huwag iiwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila.

Page 18: Pagsulat11_Talumpati

● Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig.

Page 19: Pagsulat11_Talumpati

3. Kasukdulan● Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok. ● Sa bahaging ito inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. ● Ito rin ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon.

Page 20: Pagsulat11_Talumpati

4. Pagbaba● Sa bahaging ito ibinubuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati. ● Maaaring mag-iwan ng tanong sa bahaging ito. ● Anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang mahuli ng kongklusyon ang diwa ng talumpati.

Page 21: Pagsulat11_Talumpati

Paano ba sumulat ng talumpati?

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

Maaaring tanungin ang sarili ng mga sumusunod bago magsulat ng talumpati.

Page 22: Pagsulat11_Talumpati

Tuon- Bakit ako magsusulat ng talumpati?- Ano ang paksa?- Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?- Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig?- Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?

Page 23: Pagsulat11_Talumpati

Tagapakinig- Sino ang aking mga tagapakinig?

- Bakit sila makikinig sa talumpati?

- Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?

Page 24: Pagsulat11_Talumpati

Pagsulat- Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig?- Anong lengguwahe ang gagamitin ko?- Ano ang tono ng aking talumpati?- Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati ?- Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?

Page 25: Pagsulat11_Talumpati

Pagsasanay

- Basahin mo nang malakas ang iyong isinulat upang malaman kung natural at madulas ang daloy ng wika.

- Basahin mo sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang talumpati upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito.

Page 26: Pagsulat11_Talumpati

Mahalagang Ideya

Masasabing kahit gaano pa kahusay ang isinulat na talumpati, kung hindi naman nagsasanay sa pagbigkas nito sa harap ng

madla, hindi magiging matagumpay ang talumpati.