pamanahong papel

32
PAG-AARAL TUNGKOL SA MASAMANG EPEKTO NG JUNK FOODS Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Syensya, Unibersidad ng Xavier Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 33, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ng Filipino 33 ACI

Upload: francois-cabiladas

Post on 28-Nov-2014

477 views

Category:

Documents


104 download

TRANSCRIPT

Page 1: pamanahong papel

PAG-AARAL TUNGKOL SA MASAMANG EPEKTO NG JUNK

FOODS

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng

Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Syensya,

Unibersidad ng Xavier

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang

Filipino 33, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ng

Filipino 33 ACI

Pebrero 22, 2011

Page 2: pamanahong papel

DAHON NG PAGPAPTIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng

asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,

ang pamanahong-papel na ito ay pinamagatang Pag-aaral sa

Masamang Epekto ng Junk Foods ay iniharap ng mga

mananaliksik mula sa ACI na binubuo nina:

Mary Joy N. Nalitan Francois Cabiladas

Tinangggap sa pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo

ng Arte at Syensya, Unibersidad ng Xavier, bilang isa sa mga

pangangailangan sa asignaturang Filippino 33, Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Sharon Emerita Cahiles, M.A.

Propesor

Page 3: pamanahong papel

PASASALAMAT

Taos pusong ipinapaabot namin ang aming walang

hanggang pasasalamat sa mga taong tumulong upang

matagumpay na matapos ang pamanahong papel na ito.

Unang-una sa lahat, sa aming masigasig na guro sa Filipino

33 na si Gng. Sharon Emerita Cahiles sa kanyang buong pasensya

at walang sawang pagsuporta sa pagwawasto at pagdadagdag ng

sapat na impormasyon hinggil sa aming paksa.

Pangalawa sa aming mga magulang sa kanilang pag-unawa

at pagsuporta sa amin lalong lao na sa pinansyal na bagay.

Pangatlo sa aming mga kaibigan at mga respondente na

tumulong sa pagbuo at pagtapos ng aming pag-aaral.

At higit sa lahat ang Puong-Maykapal na naggabay sa amin

araw-araw at nagbigay ng talino para makapag-isip ng ideya sa

aming pamanahong papel.

- Mananaliksik -

Page 4: pamanahong papel

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Chichirya, candy, French fries, chippy, at hamburger, ilan

lamang ito sa tinatawag nilang junk foods. Ano nga ba ang junk

foods? Bakit nga ba junk foods ang tawag sa mga pangalang ito?

Ayon kay Robert Barnhart(1995), ang junk foods ay mga

pagkaing ready made na at madaling ihanda katulad ng mga nasa

vending machines.

Hindi mapipagkakailang nakakahumaling ang junkfoods at

alam nating lahat na sa likod ng nakakaadik at napakasarap na

lasa ng mga ito ay may mga delikadong sakit na maaaring makuha

at makasira ng ating kalusugan at ang nakakatakot pa ay maaaring

wakasan nito ang ating buhay. Ang brain cancer at “high blood” ay

ilan lamang sa mga sakit sa sobrang pagkain ng junkfoods.

Kung ano pa ang delikado, yun pa ang paboritong kainin at

ibandira ng mga tindahan. At nakakalungkot mang isipin, kahit sa

eskwelahan ay talamak ang pagbibinta ng junkfoods. Imbis na

tumulong para sa ikabubuti sa estudyate, nang-eenganyo pa sa

mga kabataan na bumili at kumain nito.

Sa patuloy ninyong pagbasa sa aming pamanahong papel,

ay unti-unting mabibigyang linaw at kasagutan ang inyong mga

tanong ukol sa junk foods.

Page 5: pamanahong papel

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng

impormasyon hinggil sa masamang epekto ng junkfoods sa ating

kalusugan at nalalayong matugunan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ilang porsyento ng kabataan kumakain ng junk foods?

2. Alam ba ng mga kabataaan kung ano ang junk foods at

ang epekto nito?

3. Anu-ano mga sakit dulot ng junk foods na alam ng mga

kabataan?

4. Bakit nai-engganyo silang kumain ng “junk foods”?

5. Ano ang “junk foods” at anu-ano ang mga sangkap sa

paggawa nito?

6. Anu- ano ang mga masasamang epekto ng sobrang

pagkin ng “junk foods”?

7. Anu-ano ang mga aksyong ginawa ng Kagawaran ng

Kalusugan (DOH) hinggil sa problemang dulot ng “junk

foods”?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay buong-pusong naniniwala na ang

pag-aaral na ito ay napakahalaga. Ito ay magsisilbing pamukaw,

hindi lamang sa mga kabataan, kundi lahat ng taong kumakain at

adik sa junk foods.

Mahalaga sa bawat indibidwal na malinawan sa maaring

maging epekto ng “junk foods” sa ating kalusugan sapagkat alam

naman nating lahat na kahit sino sa ating komunidad ngayon ay

kumakain ng “junk foods”, particular na ang kabataan. Kung

Page 6: pamanahong papel

ignorante tayo sa mga pagkaing pinapasok natin sa ating katawan,

maaring kitilin nito ang ating buhay.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring

mahikayat namin ang mga mambabasa na iwasan at tigilan na ang

pagkain ng “junk foods”.

4. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon

ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano

ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel para sa ganap na

pagkaintindi ng mga mambabasa:

Ang cholesterol ay isang crystalline na sangkap na hinango

mula sa bile at kadalasang nasa utak, gallstones at blood cells.

Ang oils/taba aykahit anong uri ng madilaw, malangis na

likido o buong kalamnan na makikita samga animal at plant tissues;

binubuo ng fatty acids at glycerol, walang amoy at walang lasa

Ang blood-brain barrier, tinatawag ding blood-celebral

barrier, ay isang lugar kung saan hinihiwalay ang dugo mula sa

parenchyma ng central nervous system.

Ang Alzheimer’s disease ay isang sakit sa utak kung saan

unti-unting nabubura at nawawala ang iyong memorya at pag-iisip.

Ang saturated fatty acids ay taba na matatagpuan sa mga

hayop.

Ang heroin ay isang gamot na pampamanhid at itinuturing

na isang matinding bawal na gamot;isang gamot na may opyo.

Ang diyabetes ay isang sakit kung saan ang isang tao ay

may mataas na sugar level sa kanyang katawan, ito ay dahil hindi

Page 7: pamanahong papel

nakapagpapalabas ang katawan ng sapat na insulin o di kaya’y ang

cells sa katawan ay hindi nagre-respond sa insulin na inilalabas ng

katawan.

Ang sclerosis ay isang sakit kung saan ang tissue sa utak

ay naninigas na dahil sa prosesong cyberazation.

Ang hypothalamus ay bahagi ng utak na nagkokontrol sa

ating emosyon.

Ang immune system ay isang sistema sa katawan na

nagpoprotekta nito laban sa mga sakit.

Page 8: pamanahong papel

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa makabagong pag-aaral, ang sobra-sobrang pagkain

ng junk foods ay kasing-addictive ng paninigarilyo o paggamit ng

bawal na gamot at maaaring sanhi ng compulsive eating at labis na

katabaan.

Ang pagkaadik sa junk foods ay mataas ang antas sapagkat

ito ay simple lamang. Madali itong ihanda at masarap pa. Naaakit

ang mga kabataan sa mga adbertisment sa telebisyon patungkol sa

junk foods. Kung ang sangkap ng junk foods ang nagpapasarap

nito, ito rin ang siyang rason kung bakit delikado ito sa ating

kalusugan.

Isang internasyonal na pangkat ng mga scientist, na

pinanguluhan ng Scripps Research Institute ng Florida, ang

gumuwa ng isang pag-aaral at natuklasan nila na ang burgers,

chips at pizzas ay pinoprograma ang utak ng labis na pananabik sa

higit pang asukal, asin at pagkaing kargado ng taba. Kinumpirma ni

Dr. Paul Henry, na siyang nanguna sa pag-aaral, ang junk foods

ay may addictive properties at ang pananabik nito ay mahirap

tigilan. (http://www.indianexpress.com/news/junk-food-as-addictive-

as-heroin-and%20smokin/596954)

Ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang pagka-adik ng

junk foods ay kagaya na rin sa pagkaadik sa droga. Sa napag-

alaman ng mga mananaliksik sa Rockfeller University, ang mga

pagkain na mayaman sa taba at asukal ay nagdudulot sa utak na

maglabas ng mga kemikal na gumagawa ng drug addiction,

Page 9: pamanahong papel

kasama na ang cortisol, dopamine, galanin at serotonin. Ang

regular na pagkain ng junk foods ay lumilikha ng imbalances sa

kemikal, na humahantong sa pagkain ng mas marami upang

maibalik ito sa normal na lebel.

(http:/www.naturalnews.com/030815 junk food addiction.html)

Sa artikulo ni Ching Alano (2000) sa Philippine Star,

inilarawan ni Kline ang junk foods bilang: patay, refined, at

adulterado. Babala pa nito ay “ ang pagkain ay nilikha upang

magbigay ng sustansya sa ating katawan ngunit ang synthetic

chemicals ay sadyang hindi ginaawa para dito”. Ang kemikal na

inihahalo sa junk foods ay delikado sa dalawang paraan, una,

ginagawa nitong magtrabaho ng mas komplikado ang organ ng

detoxification at eliminasyo. Pangalawa, ang mga inihahalong

kemikal ay direktang nilalason ang katawan na nagdudulot ng mga

sakit, halimbawa na lamang ang mga food colourings na butter

yellow at ang red dye #2 na nagdudulot ng kanser.

Ang junk foods ay nakakasama sa ating kalusugan. Ito ay

puno ng mga kemikal na makakasira sa ating katawan. Kabilang

dito ang mga pampakulay sa pagkain, mga preserbatib at mga

artipisyal na pampatamis. Lahat ng junk foods ay dumadaan sa

isang masusing proseso. Karamihan ay ipiniprito gamit ang

hydrogenated vegetables oils. Ang mga hydrogenated vegetable

oils ay dumaan sa prosesong tinatawag na hydrogenation. Ito ay

ang paghahalo ng hydrogen molecules sa unsaturated fatty acids

upang maging saturated fatty acids. Samantala, kapag ang

hydrogenated vegetable oil ay pinakulo na, ito ay nagiging trans

fatty acids. Ang trans fatty acids ay nakakasama sa katawan at

nagdudulot pa ng kanser. (http:/www.wisemomsays.com/junk-food-

bad-for-health.html)

Page 10: pamanahong papel

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa disenyo ng pamamaraang

deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng

mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon

tungkol sa masasamang epekto ng junk foods na nakabatay sa

aklat at makabagon teknolohiya o internet.

2. Mga Respondente

Ang mga piniling respondent ng mga mananaliksik sa pag-

aaral na ito ay mga batang mag-aaral ng Paaralang Elementarya

ng Doña Pilar. Ang mga respodente ay hinati sa apat na grupo:

dalawampu’t lima (25) mula saiIkatlong baitang, dalawampu’t lima

(25) sa ikaapat na baitang, dalawampu’t lima (25) sa ika limang

baitang at dalawampu’t lima (25) sa ikaanim na baitang.

Talahanayan 1

Distribusyon ng estudyate sa Ikatlo Hanggang Ikaanim na Baitang

ng Paaralang Elementarya ng Doña Pilar

Ikatlong

Baitang

Ikaapat na

Baitang

Ikalimang

Baitang

Ikaanim na

BaitangKabuuan

25 25 25 25 100

Page 11: pamanahong papel

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng

pagsarbey sa mga bata o sa aming mga respondent. Ang mga

mananaliksik ay gumawa ng sarbey kwestyoner upang malaman

kung ilang porsyento sa aming mga respondente ang mahilig sa

junk foods at kung bakit ito kanilang kinahihiligan.

Upang lalong mapalawak at mapabuti ang pag-aaral, ang

mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon mula sa iba’t

ibang hanguan tulad ng mga libro, pahyagan at internet.

4. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral

lamang at hindi isang panganngailangan sa pagtatamo ng isang

digri kaya walang ginawang pagtatangkang gumamit ng mataas at

kompleks na istatistika. Tanging pag tatally at pagkuha ng

porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mananaliksik. Ang

pag-aaral na ito ay isa lamang paglalahad kung anuman ang

maaaring epekto ng junk foods sa ating kalusugan.

Page 12: pamanahong papel

KABANATA IV

RESULTA NG PANANALIKSIK

Natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na

datos at impormasyon:

Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga respondent

ayon sa kanilang kasarian. Binubuo ng limampu’t lima (55) na

babae at apatnapu’t lima (45) na lalaki ang isandaaang (100)

respondent.

45%

55%

Grap 1Distribusyon ng Respondente ayon sa Kasarian

lalakibabae

Dalawampu’t lima (25) sa isandaang (100) respondent ay

may edad na 8. Dalawampu’t lima (25) naman ay may edad 9.

Dalawampu’t lima (25) rin ay may edad na 10. Samantalang

dalawampu’t lima (25) ang edad 11 pataas.

Page 13: pamanahong papel

8 9 10 11 pataas0

5

10

15

20

25

30

Grap 2Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Animapu’t tatlo (63) sa mga respondente ang kumakain ng

junk foods kahit alam nila na masama ang epekto nito sa

kalusugan, labintatlo (13) naman ang nagsabing kumakain sila pero

hindi nila alam ang eepekto nito, samantalang dalawampu’t apat

(24) naman sa kanila ang hindi kumakain ng junk foods.

63%13%

24%

Grap 3Bahagdan ng kumakain ng Junk

Foods

A. Oo, kahit alam ko na masama ang epekto nito

B. oo, ngunit hindi alam ang epekto nito

C. Hindi

Page 14: pamanahong papel

Sa isandaang (100) respondent, siyamnapu’t apat (94) ang

nagsabing alam nila kung ano ang junk foods at masama ang

epekto nito sa kalusugan, isa (1) naman ang nagsabing alam niya

kung ano ang junkfoods at mabuti ang epekto nito sa kalusugan,

apat (4) naman ang nagsabing alam nila kung ano an junkfoods

pero hindi nila alam kung ano ang epekto nito, samantalang isa (1)

naman ang nagsabing hindi nito alam kung ano ang junk foods.

94%

1%4%

1%

Grap 4Kaalam ng Kabataan tungkol sa Junk Foods at

ang Epekto nito

A. Oo, masama ito sa katawan

B. Oo, mabuti ito sa katawann

C. Oo, ngunit hindi alam kung ano ang epekto nito

D. Hindi

Naghanda kami ng mga katanungan para sa animnapu’t

tatlo (63) na respondente na kumakain ng junk foods kahit alam na

masama nila ang masamang epekto ng junk foods kung ano ang

nalalaman nilang sakit na dulot ng pagkain ng junk foods.

Limampu’t dalawa (52) ang may alam sa sakit na Urinary Tract

Page 15: pamanahong papel

Infection (UTI) bilang epekto ng pagkain ng junk foods. Pito (7) ang

nagsabing ng Diyabetes. Walang alam namang epekto ng junk

foods ang anim (6) na respondente. Tatlo (3) ang may alam sa

sakit Brain Cancer. Tatlo (3) naman ang may alam sa sakit na

hypertension. Samantalang isa (1) ang nagsabing anemia.

Urinary Tract Infection (UTI)

Brain Cancer

Diyabetes

Hypertension

Anemia

walang alam

0 10 20 30 40 50 60

Grap 5Kaalam ng Kabataan hinggil sa mga Sakit na Du-

lot ng Pagkain ng Junk Foods

Sa pitumpu’t dalawang (72) respondent na kumakain ng junk

foods, animnapu’t dalawa (66)ang nagsabing nai-engganyo sila

dahil masarap ang junk foods. Dalawa (6) naman ang nagsabing

dahil sa impluwensya sa kapaligiran. Samantalang dalawa (4)

naman ang nagsabing dahil sa naakikitang adbertisment sa

telebisyon.

Page 16: pamanahong papel

89%

8% 3%

Grap 6Rason kung Bakit Naeengganyong Kumain ng

Junk Foods

masarapdahil sa nakikitang ad-bertisment sa telebisyonimpluwensya sa ka-paligirandahil sa makukulay na wrappers ng junk foods

Si Michael Jacobson ang siyang lumikha sa salitang “junk

foods” noong 1972 bilang palayaw sa mga pagkaing walang silbi o

walang nutrisyonal na halaga. Ang kanilang nilalaman ay mayaman

sa sodium salts, asukal at taba na nagbibigay ng mataas na

calories ngunit walang silbi sa katawan.

(http://www.dietpolicy.com/diets-articles/junk-food-facts.htm)

Hindi lahat ng junk foods ay parehas, ngunit ang mga

sangkap ng mga ito ay madalas na magkatulad. Karaniwan, ang

junk foods, maging ito man ay pritong pagkain, tsokolate, o kendi,

ay may mataas calories at naglalaman ng masyadong maraming

unhealthy nutrients. Ang mga unhealthy nutrients na ito ay ang mga

sumusunod: taba, saturated fat, sodium, asukal,high-fructose corn

syrup, trans-fat, at artipisyal na pampalasa. Kadalasan ng mga

nabanggit na nutrients ay kinakailangan ng katawan, ngunit

masyadong mataas ang konsintrasyon nito sa junkfoods kaya

nakakasama.

Page 17: pamanahong papel

(http://www.brighthub.com/health/diet-nutrition/articles/

102785.aspx#xzz1DE9q3fvx)

Ang mga junk foods ay masasarap. Hinahaluan kasi ito ng

mga artipisyal na pampalasa at mga food enhancers upang mas

kaaya-aya ang lasa nito. Isa ito sa mga dahilan kung kaya’t ito ay

kinahihiligan ng mga bata at pati na rin mga matatanda. Isa sa

kilalang food enhancer ay ang monosodium glutamate o MSG. Ito

ay ibinibenta sa mga tindahan sa iba’t-ibang brand at isa sa

pinakasikat ay ang Ajinomoto o Vetsin. Ang sobrang MSG ay

nakakasama sa katawan. Ito ay pwedeng magdulot ng kanser sa

utak at iba pang mga sakit. Ito ay nanunuot sa ating blood-brain

barrier at umaapekto sa normal na daloy ng dugo sa ating

hypothalamus. Ito ay isang organ ng endocrine system na

kumukontrol ng lahat ng neuroendocrine regulation, pagtulog, wake

cycles, emosyunal na control, regulasyon sa immune system at

calorie intake.

Sa katunayan,ito ay pupwedeng maging dahilan ng

haypertensyon, diyabetes, istrok, tumor sa utak, lupus, impeksyon

sa utak, Alzheimer’s disease at sclerosis.

Ang sobrang pagkain ng junk foods na mayaman sa fats ay

nakasisira sa esensyal na gawain ng utak tulad ng konsentrasyon

at memorya. Samantala, ang sobrang asukal at mataas na lebel ng

calories ay nagiging dahilan ng obesity o ang sobrang katabaan.

Maidaragdag din natin dito ang pagkakaroon ng type 2 na

diyabetes. Ang mga pagkain na ito ay nagdudulot din ng sakit sa

puso, istrok, high blood pressure, unti-unting pagkasira ng atay at

impeksyon sa kidney dahil sa mataas na lebel ng Cholesterol at

sobrang asin.

Page 18: pamanahong papel

Ayon kay Ms. Zenaida Batal-e ng Department of Health-

Cordillera Administrative Region o DOH-CAR, ang junk foods na

mayroong MSG, fats, asukal, at asin ay kaugnay ng maraming

sakit. Kabilang dito ang renal at urinary tract infection o UTI

sapagkat sinisipsip nito ang mga esensyal na tubig sa ating

katawan. Ang mga tao raw na palaging kumakain ng junk foods ay

sumisira sa kanyang kalusugan lalong-lalo na kapag hindi sila

umiinom ng sapat na tubig na kailangan ng ating katawan.

Napakalungkot isipin na ang mga bata ay ang pangunahing

biktima sapagkat sila ang target na konsyumer ng mga

manupaktsurer. Ang nutrisyon ng mga bata ay nakokompromiso

dahil sa pagkasali ng junk foods sa kanilang diyeta.

Maraming mga bansa ngayon ang masusing umaaksyon

upang matugunan ang problemang kinakaharap natin na hatid ng

junk foods.

Ang Department of Health (DOH) kasama ang Kagawaran

ng Edukasyon ay tumutugon sa problemang hatid ng masasamang

epekto ng junk foods. And DepEd ay nagsumite noong Abril taong

2005 ng Department Order No.14 na sisiguro na malulusog at ligtas

ang mga pagkain na ibinibenta sa mga paaralan. Nakasaad dito na

ang mga estudyante ay hihikayatin na bumili ng pagkain at inumin

sa kanilang school canteen lamang kung saan ang ibinibenta ay

dapat yaong mga pagkain na mayaman sa protina, mga bitamina,

at mga mineral.

Ayon kay Dr. Juliet Pontino ng DepEd-CAR, kapag

mayroong paaralang lalabag sa kautusang ito, ag mga

superintendent ng distrito at ang awtoridad ang aaksyon hinggil

dito. Idinagdag pa niya, na ang pagbabawal sa pagbenta ng junk

Page 19: pamanahong papel

foods, ay isang hakbang tungo sa mas malinis at maunlad na

paaralan.

Wika ni Secretary Bart Caudang ng DepEd sa Autonomous

Region of Muslim Mindanao, ang kanyang ahensya ay makikipag-

tulungan kasama ang DOH at National Nutrition Council (NNC) sa

pagpapatibay sa mga parusa sa mga pampublikong paaralan kung

saan pinapahintulutan ang pagbibenta ng junk foods sa kanilang

kampus. “Quality Education among youth starts from proper

nutrition and health care”, wika ni Caudang habang inilulunsad ang

programang “Neo-Nutri Choice” noong Nobyembre.Sa ilalim ng

programang ito, ang mga sumaling pampublikong paaralan ng

ARMM ay hinihikayat na ipagbawal ang junk foods sa kanilang mga

kantin. “We are looking into replicating this program in other regions

of the country”, wika ni NNC Assistant Secretary Bernadita Flores.

Page 20: pamanahong papel

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

 

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang

impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng junk foods sa

kalusugan. Maraming rason kung bakit nakakaadik ang junk foods,

at isa na rito ang masarap nitong lasa.

Ang junk foods ay nagtataglay ng mga food additives,

enhancers at colourings na direktang nilalason ang katawan at

pinapahirapan ang organ ng detoxification at eliminasyon na

nagdudulot upang humina ito.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga

mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey kwestyoner na pinasagutan

sa isandaang (100) respondente o sa mga mag-aaral sa Paaralang

Elementarya ng Doña Pilar, dalawampu’t lima (25) sa ikatlong

baiting, dalawampu’t lima (25) sa ikaapat na baiting, dalawampu’t

lima (25) sa iaklimang baiting, at dalawampu’t lima (25) sa ikaanim

na baitang.

2. Konklusyon

Batay sa inilad na datos at resulta ng sarbey, ang mga

mananliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

1. Mas mataas ang porsyento ng kabataan na kumakain ng

junk food kahit alam nila na nanakasama ito.

2. Karamihan sa mga kabataan ang may alam kung ano ang

junk foods at masama ang epekto nito.

3. Karamihan sa kabataan ang alam na ang urinary tract

infection ay isang sakit na dulot ng junk foods.

Page 21: pamanahong papel

4. Ang pangunahing dahilan kung bakit nahihilig ang mga

kabataan sa junk foods ay ang masarap nitong lasa.

5. Ang junkfoods ay mga pagkain na may kakaunti o walang

nutrisyona na halaga.

6. Ang mga junkfoods ay halos magkaparehas ang

pangunahing sangkap, tulad ng food enhancers, additives

at food colourings na nagdudulot ng mga sakit.

5. Ang mga ahensya ng gobyerno at pribadiong sector tulad

ng Kagawaran ng Kalusugan, National Nutrition Center

(NCC) at Kagawaran ng Edukasyon ay gumagawa ng mga

hakbang upang malutas o lutasin ang mga problema sa

junkfoods isa na rin ang Department Order no. 4 na

nagsasabing bawal magbinta ng junkfoods sa mga

paaralan.

3. Rekomendasyon

Batay sa konklusyong nabanggit, buong

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod:

a)Para sa mga kabataan, dapat bawasan ang pagkain ng

junkfoods upang maiwasan angmga masasamang dulot

nito.

b)Para sa mga magulang, gabayan nila ang kanilang mga

anak at huwag pakainin ng maraming junkfoods dahil ito ay

nakakasama ng ating kalusugan.

c)Para sa mga Government Agencies gaya ng DOH,

magbigay ng mga impormasyon sa mga kabataan kung

ano ang magiging epekto kapag kumain ng junkfoods.

Page 22: pamanahong papel

e)Para sa mga mag-aaral, ipalawak ang inyong kaalaman sa

pag-aaral at sundin ang mgapayo ng inyong mga guro

f)Para naman sa kapwa mananaliksik, ipagpatuloy ang

pangangalap ng mga impormasyon ukol sa mga epekto ng

pagkain ng junkfood.

Page 23: pamanahong papel

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Alano, Ching. 2000. Junking the Junk Food Habit. Philippine Star.

pg. 25

Barnhart, Robert. 1995. World Book Dictionary. United States of

America. Field Enterprises Corporation.

http://www. Manilabulletin.com

http://www.dietpolicy.com/diets-articles/junk-food-facts.htm

http://www.brighthub.com/health/diet-nutrition/articles/

102785.aspx#xzz1DE9q3fvx

http://www.discover-yoga-online.com

http://www.nordis.net/?p=773

Page 24: pamanahong papel

Mahal naming Respondente,

Maalab na Pagbati!Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 33 na kasalukuyang nagsusulat ng

isang pamanahong-papel tungkol sa Pag-aaral sa Masamang Epekto ng Junk Foods.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makakalap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po! - Mga Mananaliksik

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.

1. Kasarian: __ Lalaki __ Babae Edad: __ 8 __ 9 __ 10 __ 11 pataas

2. Alam mo ba kung ano ang junk foods?kung oo, ano ang epekto nito? __ a. oo, masama ito sa katawan __ b. oo, mabuti ito sa katawan __ c. oo, ngunit hindi alam ang epekto nito __ d. hindi

3. Kumakain ka ba ng junk foods? __ a. oo, kahit alam ko na masama ang epekto nito __ b. oo, pero hindi ko alam ang epekto nito __ c. hindi

5. Kung titik a ang sagot mo, ano ang masasamang epekto ng junk foods na alam mo?kung wala sa pagpipilian ang alam, ilagay na lamang sa patlang ang nalalamang sakit.

__ Urinary Tract Infection (UTI) __ Brain Cancer __ Diyabetes __ hypertension __ Iba pa_____________________________ __ walang alam

6. Bakit ka naeengganyong kumain ng junk foods? __ Masarap __ dahil sa nakikitang adbertisment sa telebisyon __ impluwensya sa kapaligiran (mga kaibigang nakikitang kumakain ng

junkfoods)

Page 25: pamanahong papel

__ dahil sa makukulay na wrappers ng junk foods