pang ukol

6
PANG-UKOL

Upload: rhich-praxides

Post on 26-May-2015

10.879 views

Category:

Education


15 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pang Ukol

PANG-UKOL

Page 2: Pang Ukol

Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.

Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

Page 3: Pang Ukol

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol

• sa/sa mga ng/ng mga ni/nina• kay/kina sa/kay labag sa • nang may tungkol sa/kay alinsunod sa/kay• hinggil sa/kay nang wala para sa/kay• laban sa/kay ayon sa/kay tungo sa• mula sa

Page 4: Pang Ukol

Dalawang pangkat ng Pang-ukol

Page 5: Pang Ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa

Halimbawa:• Ukol sa mga Filipino ang paksa ng usapin.• Laban sa manggagawa ang kanilang

pinapanukala.• Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

Page 6: Pang Ukol

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay

Halimbawa:• Para kay Juan ang pagkaing ito.• Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.• Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay

nagdaragdag sa ating kaalaman. • Ang napili naming paksa para sa dula ay

tungkol kay Andres Bonifacio.