pang-uri.pdf

Upload: edwin-masicat

Post on 24-Feb-2018

306 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 7/24/2019 Pang-uri.pdf

    1/6

    Ang Kagandahan ng mga Likha

    Unang ipinakilala ng Diyos ang kanyang sarili sa pamamagitan ng

    kasaysayan ng paglikha. Nilikha ng Diyos ang daigdig at ang lahat ng

    nakapaloob dito nang may kaayusan at angking kagandahan upang ang tao ay

    mamuhay nang maayos at kasiya-siya at sa gayoy madama ang kanyangpagkalinga at pagmamahal. Ang magandang kalikasan ay hindi hiwalay sa plano

    ng Diyos. Ito ay bahagi ng kanyang kabutihan sa pagkakaloob ng:

    Sa mga handog na ito, naipapakita ba natin ang pagkilala sa kabutihan

    Diyos? Hanggang saan ang pagkilala at pasasalamat natin sa Kanya? Napanatili

    ba nating sariwa ang hangin, luntian ang mga bundok, mataba ang lupa at

    malinis ang tubig? Tila kabaligataran ang ginagawa natin sa kasalukuyan.

    Hindi maikakaila na sa kasalukuyan ay nagkasala tayo sa kalikasan. Naging

    pabaya tayo, inangkin ang kalikasan. Ang sariling plano natin ang pinaiiral.

    Ginagamit natin ang kagandahan ng nilikha sa makasariling hangarin sa halip na

    gamitin natin ayon sa plano ng Diyos.

  • 7/24/2019 Pang-uri.pdf

    2/6

    Alamin:

    Nilikha ng Diyos ang magandang kalikasan. Kasama

    rito ang malinis na tubig, mabangong hangin, luntiang

    bundok, matabang lupa upang tayo ay maayos na

    makapamuhay.

    Alam mo, nakakalungkot

    isipin na ang magandang

    kalikasan ay inabuso ng

    tao

    At ang mabeberdeng

    bundok ay nakakalbo na.

    Ang unang proyekto na

    dapat isagawa ay

    mahigpit na pagbabantay

    sa m a ille al lo ers.

    Oo nga, ang hangin na

    dati ay malinis, ngayon ay

    mabaho na.

    Dapat nating isipin na iisa

    lamang an gating daigdig. At ang

    lahat ng tao ay dapat magtulong-

    tulong upang pangalagaan angkalikasan.

    Halika, hikayatin din natin ang ating

    mga kapitbahay. Dahil kapag hindi tayo

    kumilos milyong-milyong tao ang

    maaapektuhan ng pagkasira ng

    kalikasan.

  • 7/24/2019 Pang-uri.pdf

    3/6

  • 7/24/2019 Pang-uri.pdf

    4/6

  • 7/24/2019 Pang-uri.pdf

    5/6

  • 7/24/2019 Pang-uri.pdf

    6/6