pangatnig

8

Click here to load reader

Upload: rhich-praxides

Post on 20-Jun-2015

14.245 views

Category:

Education


18 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pangatnig

PANGATNIG

Page 2: Pangatnig

Pangatnig ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Halimbawa:• Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay

puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas.• Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim

ng mga gulay ay mabisa para sa kalusugan.

Page 3: Pangatnig

Mga Pangkat ng Pangatnig

Page 4: Pangatnig

Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na Magkatimbang

1. (o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:• Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain

ay nagdudulot ng kalusugan.• Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan

lamang?• Nakatulog ako’t nakapagpahinga.

Page 5: Pangatnig

2. (ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:• Matalino si Villar subalit maraming isyung

naglalabasan kaugnay sa kanya.• Mabait siya pero istrikto.

Page 6: Pangatnig

Pangatnig na Nag-uugnay ng mga Sugnay na Hindi Magkatimbang

1. (kung, kapag, pag)Halimbawa:• Walang kasalanang di mapatatawad ang Diyos

kung ang nagkasala ay nagsisisi.• Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo

na kasintalino niya.

Page 7: Pangatnig

2. (dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:• Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa

ilang pulitiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.

• Hindi natuloy ang Lakbay-aral ng mga studyante dahil sa malakas na ulan.

Page 8: Pangatnig

3. (kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw

Halimbawa:• Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa

rin siya sa media.• Sinasabi mong hindi ikaw ang nagnakaw kung

gayon patunayan mo.