pangatnig

14
FILIPINO VI Magandang Umaga!!!

Upload: joann-salalila-aquino

Post on 28-Nov-2015

2.734 views

Category:

Documents


323 download

TRANSCRIPT

FILIPINO VI

Magandang Umaga!!!

Ang agham at teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao. Ngunit paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas? Sinasabi natin na ang agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan upang magsanay sa sining ng pag-iisip. Ang pag-iisip tungkol sa isang paksa ay nakakabit sa paggamit ng mga salita. Ang iniisip ay nagkakaroon ng katiyakan hanggang sa ang binibigkas na mga salita ay ginagamit sa pagpapahayag.

Dahil sa pumapasok na kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak na pagpapakahulugan. Nagagamit natin ito sa pag-alam ng mga bagay-bagay tungkol sa teknolohiya. Isinasagawa natin ang pagbubuo ng ideya, pagsusuri, pag-eeksperimento, at pagbibigay ng konklusyon. Nakatutulong ang agham lalo na sa larangan ng medisina at imbensyon. Nakatutulong naman ang teknolohiya sa pagsulong ng elektrisidad, transportasyon, at makinarya. 

Tungkol ang sanaysay? Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang agham at teknolohiya?

Pagkatapos mag-ulat nina Eliza at Cherry ay nagbigay sila ng mga paalala o tagubilin sa mga kamag-aral tungkol sa kahalagahan ng agham at teknolohiya sa bansa. Isinulat niya ang mga ito sa plaskard.

Mahalagang pagtuunan ng ibayong pansin ang agham at teknolohiya upang umunlad ang ating bansa.

Ngunit sa pag-unlad ng teknolohiya nagkakaroon din tayo ng problema sa ating kapaligiran.

Dahil sa pag-unlad ng transportasyon at industriya kaya may problema sa polusyon.

Tuklasin Sa ating pagpapahayag gumagamit tayo ng mga salita na nag-uugnay sa mga salita, parirala, o sugnay na ginagamit natin sa pangungusap.

Pansinin ang mga pahayag na nasa sanaysay.Ang agham at teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao.

Sinasabi natin na ang agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan upang magsanay sa sining ng pag-iisip.

Dahil sa pumapasok na kaisipan, nagkakaroon tayo ng tiyak na pagpapakahulugan.

Ano ang gamit ng mga salitang nakasulat nang pahilig?

Anu-anong mga bahagi ng pangungusap ang pinag-uugnay nila?

Mga pang-ugnay rin ang mga salitang ito. Tinatawag na pangatnig ang mga ito. Ginagamit ang pangatnig sa pag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.

 Halimbawa:(dalawang salita)- Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay ginagawa ng pamahalaan. (parirala)- Ang pag-aalaga ng hayop at pagtatanim ng gulay ay nakatutulong sa paghahanapbuhay. (sugnay)- Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang patnubay nito.

 Narito ang iba pang halimbawa ng pangatnig.

pati kung saka nango bago ni upangmaging kapag ngunitsapagkatsubalit kaya

 

Ang mga pang-ugnay na pangatnig ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.

Halimbawa:- Ang katahimikan at kalinisna ng paligid ay

ninanais natin.- Ang pagtitiyaga sa pag-aaral at pagsisikap sa

gawain ay daan sa pag-unlad.- Umalis siya nang maaga upang bumili ng sariwang

isda sa palengke.

Tandaan

Gawin:

A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang angkop na pangatnig.

1. Malusog __________ malakas ang katawan ni Bryan. (ngunit, at, pagkat)

2. Kailangan ang regular na ehersisyo __________ manatili sa kondisyon ang katawan. (at, upang, dahil)

3. __________ kumakain siya ng wastong uri at dami ng pagkain, siya’y laging nasa kondisyon. (dahil, palibhasa, kaya’t)

4. __________ umuunlad ang siyensiya, lalong maraming karamdaman ang natutuklasan. (sapagkat, at, habang)

5. Nakapagtataka __________ totoo ang narinig at nakita ninyo. (dahil, at, ngunit)

 _____

Gawin:

B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pangatnig.

1. sapagkat 6. ni 2. ngunit 7. maging 3. saka 8. kaya 4. subalit 9. pati 5. upang 10. nang 

A. Piliin ang mga pangatnig sa bawat pangungusap. Sabihin kung anu-anong mga salita, parirala, o sugnay ang pinag-ugnay.

1. Ang wastong dami at uri ng pagkain ay nagdudulot ng mabuting kalusugan.2. Ikaw o siya ang kasangkot sa pangyayari.3. Maginhawa ang buhay ng maliit na pamilya samantalang mahirap ang buhay ng malaking pamilya.4. Si Mario saka ang kaibigan niya ay nag-hiking sa Bundok Halcon.5. Ang madalas na pagpupuyat at hindi pagkain ay sanhi ng pagkakasakit.

Paunlarin:

B. Bumuo ng mga pangungusap na may mga pangatnig tungkol sa sumusunod na paksa:

C. Bumuo ng mga patalastas o tagubilin na ginagamit ang mga pangatnig.

1. Pangangalaga sa sarili2. Mga gagawin sa pagtatapos3. Mga sanhi ng polusyon4. Nakikitang pag-unlad sa bansa

Halimbawa:Iwasan ang droga upang hindi madisgrasya.Magsikap sa pag-aaral kung nais na

magtagumpay. 

Takdang-Aralin

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pangatnig.

1. sapagkat 6. ni 2. ngunit 7. maging 3. saka 8. kaya 4. subalit 9. pati 5. upang 10. nang 

Salamat po!!!