political science program kolehiyo ng agham at sining
TRANSCRIPT
1
Political Science Program
Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas, Maynila
Padre Faura St., Ermita Manila
BOSES NG PULPITO
(Isang Pagsusuri sa Impluwensiya ng Simbahan sa Pagsasagawa ng Desisyon ng
Lokal na Pamahalaan Ukol sa Usapin ng Pagmimina sa Bayan)
Grace Charm D. Carretero
BA Political Science
2008-34359
Professor Fatima Alvarez-Castillo
S.Y. 2011-2012
2
PASASALAMAT
Lubos akong nagpapasalamat sa mga taong nagbigay ng kanilang suporta sa
akin sa pagbuo ko ng pagaaral na ito.Kung hindi sa kanila, ang pananaliksik ko ay hindi
magkakaroon ng mabuting kinalabasan.
Sa aking tagapayo, na si Propesor Fatima Alvarez-Castillo na gumabay at
nagmungkahi sa akin upang maisaayos ko at malinang ang pananaliksik na ito;
Sa mga pari ng Diyoseses ng Sorsogon, Msgr. Aruro Bastes, Fr. Bong Imperial at
Fr. Alex Jerus, na buong puso akong tinulungan na makapaglingap ng mga kailangang
data;
Sa mga kagawad ng Pamahalaang Bayan ng Matnog, Sorsogon, sa kanilang
pagbigay ng mga impormasyon na nakatulong sa pananaliksik na ito;
Sa aking mga kaibigan na sina Eks, Gabs, Aleta, Rio, Charisma, Care, Mommy
A., Yam at Arbin na nagbibigay ng positibong pagpuna sa pag-aaral na ito at sa
kanilang paghikayat na mapabuti ang pag-aaral na ito;
Sa aking mga mahal na magulang, Daddy at Mommy, sa kanilang moral at
pinansiyal na suporta;
Sa aking mga nakatatandang kapatid, Kuya Chum at Kuya Choi na nagbigay ng
ilang ideya na nakatulong sa pag-aaral na ito.
Higit sa lahat sa Poong Maykapal sa pagbigay Niya ng liwanag at gabay upang
mabuo, maisaayos at maging makabuluhan ang pag-aaral na ito.
3
ABSTRACT
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng Systems Theory ni David Easton upang
suriin ang interaksyon ng Simbahang Katoliko at ng Estado. Gamit ang lenteng ito,
aaralin ang mga pamamaraan ng Simbahang Katoliko upang maimpluwensyahan ang
proseso ng pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan hinggil sa isyu ng pagmimina sa
Balocawe, Matnog, Sorsogon. Sinasabi lang ng Systems Theory na ang isang pulitikal
na sistema ay binubuo ng isang siklikal na proseso. Ang prosesong ito ay may iba’t
ibang yugto na kung saan ang kasalukuyang pulitikal na kondisyon na binubuo ng mga
batas at mga polisiya ay siyang produkto ng mga interaksyon sa sistemang pulitikal.
Ang interaksyong ito ay nasa porma ng negosasyon sa loob at labas ng pulitikal na
sistema. Ang mga desisyong nabuo matapos ang mga negosasyon ay muling
magbubunga ng mga panibagong kondisyon na kung saan maaring may mga aktor na
muling susuporta sa mga panibagong kondisyong ito bilang mga bagong adhikain,
adbokasiya o saloobin na siyang muling ipoproseso sa pulitikal na sistema. Nakasaad
din sa teyoryang ito na ang mga yugto ay mayroong tiyak na hangganan subalit ang
buong sistemang ito ay binubuo ng mga dinamikong proseso ng pagdedesisyon.
PANIMULA
“Kailangan nating labanan ang anumang nakakasama sa ating lipunan…ang
mga sakim na nagpapalakad ng ating pamahalaan, ang mga lobong nagkukunwaring
mga maaamong tupa ng lipunan!”
Ito ay isa lamang sa mga linyang karaniwan naririnig sa mga simbahang
Katoliko, sa mga pari na nasa pulpito at nagpapahayag ng salita ng Diyos. Ang
karaniwang eksenang ito na madalas na nakikita sa tuwing nagsisimba ang isang
katoliko ay nagpapahiwatig ng ilang isyu na sangkot ang simbahan .Ginagamit nga ba
ng simbahan ang pulpito sa usaping pulitikal, partikular na sa pagimpluwensiya sa
paggawa ng desisyon ng pamahalaan?
Ano nga ba ang pulpito? Ayon sa Webster dictionary,”A pulpit is a stage in a
church where a clergyman stands while preaching”. (Ang pulpito ay isang entablado sa
loob ng simbahan kung saan nakatayo ang pastor o pari habang siya ay nagbibigay ng
4
sermon “)Ito ay tumutukoy sa literal na lugar sa loob ng simbahan kung saan
nagsasalita ang pari.Ang kahulugang ito ay sa pisikal na bagay lamang tumutukoy .
Para naman sa mga Kristiyano, ito ay simbolo ng lugar kung saan pinapakain ng
pastol ang kanyang mga tupa ng ispiritwal na pagkain- ang salita ng Diyos.Kaya’t itoy
kumakatawan ng pamumunong ispiritwal at gabay na ispiritwal(Answer.com)para sa
mga parisyonero o mga mamamayan. Sinasabing ang mga pari na siyang gumagamit
ng pulpito ay kailangan nakatuon lamang sa mga nabanggit na gawain- ang maging
gabay at ispiritwal na pinuno ng simbahan na magdadala at aakay sa mga tao patungo
sa Diyos. Ito ay nagpapahiwatig na ang simbahan ay may sarili at namumukod na papel
na ginagampanan sa lipunan. Nagpapakita din na magkahiwalay ang simbahan at
estado o gobyerno sa aspetong ito dahil ang huli ay mayroon ding partikular na gawain
para sa lipunan. Ngunit sa kasalukuyan, hindi maitatago na ang simbahan ay hindi
lamang nakatuon sa paglilingkod sa bayan hinggil sa aspetong ispiritwal kundi maging
sa mga usaping panlipunan. Ang senaryong ito ay buhay maging sa ibang panig ng
mundo.
Nailathala ng website na Freedom House (www.freedom) na sa Cuba, aktibo ang
simbahan sa pagbuo ng isang civil society .Ang impluwensiya ng simbahan ay lalong
lumalakas sa pagdaan ng panahon at ito ay naiibang sitwasyon na ang simbahan ay
may ginagawa na sa mga bagay na tradisyunal nang para lamang sa estado.
Sa Amerika, matatag ang paninindigan ng simbahan laban sa panuntunan ng
United States Department of Health and Human Services na simula sa taong 2013,
ang lahat ng mga ahensiya na nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan,maging ang
mga pinapatakbo ng mga relihiyosong organisasyon , ang mga ospital at mga
ahensiyang hawak ng simbahang Katoliko, ay kailangang magbigay ng health plans sa
kanilang mga empleyado. Kasama dito ang preventive productive health services.Sa St.
Francis Xavier Cathedral sa Green Bay, ipinahayag ni Bishop David Ricken sa mga tao
ang saloobin ng simbahan sa usaping ito. Ipinakita ng pagsangayon ng mga tao sa
sinabi ng Obispo sa pagbigay sa kanya ng standing ovation at ang pagdeklara na sila
ay may 70 milyon na botante sa susunod na eleksiyon at ipapahayag nila ang
kapangyarihang ito sa susunod na eleksiyon sa taong 2013.
5
Sa Pilipinas,kahit na itinatalaga ng Saligang Batas sa Artikulo 2, seksyon 6 na
nagsasaad na hindi dapat labagin ang pagkakahiwalay ng simbahan at estado, lantaran
pa rin ang pakikialam ng simbahan sa mga desisyon ng pamahalaan lalo na sa mga
usaping panlipunan at pulitiko.
Halimbawa, sa kasalukuyan,malawakan ang kampanya ng simbahan sa pagtutol
sa RH Bill at sa pagmimina.Sa pulpito ng Quiapo church,sa misa ng pasasalamat ni
Cong. Manny Pacquiao, hayagang inilahad ni Msgr. Clem Ignacio ang mga pananaw
ng simbahan sa RH bill.Sa homilia niya , tahasan niyang tinuligsa ang panukalang ito at
pinaalalahanan si Congressman Pacquiao na kailangang pagisipan ng mga kongresista
ang mga panukalang ginawa nila bago ipasa ang mga ito sa Kongreso.
Si Fr. Alex Jerus ng Coalition Against Mining in the Province of Sorsogon at kura
paroko ng Matnog ay hinikayat ang mga Sorsoguenos na magbantay sa kalikasan
dahil bilang tao sila ay tagapag-alaga ng kapaligiran. Maging si bishop Arturo Bastes ng
diocese ng Sorsogon ay hinamon ang mga opisyal ng pamahalaan na pro- mining na
tumira sa mga lugar na minimina kung saan ang mga apektadong mamamayan ay
nakatira. Sa mga homilia ni Bastes tahasan niyang sisabi na ang nakikinabang sa
minahan ay ang mga matataas na mga opisyal ng Sorsogon habang ang mga
mahihirap ay walang pagpipilian kundi ang magtiis sa epekto ng maling pagmimina.
Marami pang mga usapin na binibigyang pansin ng simbahan at ipinapaalam
ang kanilang pananaw sa pamamagitan ng mga homilia sa loob ng misa.Kadalasan sa
presencia ng mga kagawad ng pamahalaan.Kung ano man ang epekto nito sa mga
mamamayan ay nakikita sa kanilang pagsisimpatiya. At kung ginagamit nga ng mga
pari ang pulpito sa adhikaing ito ano naman kaya ang impluwensiya nito sa
pagsdedesisyon ng mga maykapangyarihan sa pamahalaan?
Sa pag-aaral na ito, inilalahad ng mananaliksik ang naging resulta sa pagsusuri
sa paggamit ng Simbahan ng Pulpito nito upang maimpluwensyahan ng proseso ng
pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan higgil sa usapin ng pagmimina. Bilang case
study, sinuri ng mananaliksik ang operasyon ng pagmimina sa Balocawe, matnog
Sorsogon at kung paano nakilahok ang Simbahan sa mga aksyon ukol sa pagpapatigil
6
nito. Nagsagawa rin ng mga panayam ang mananaliksik sa mga miyembro ng
Simbahan at mga lokal na opisyal ng Bayan ng Matnog. Nagbigay din ang mananaliksik
ng Free, Prior and Inoformed Consent Form (FPIC) at tiniyak ang konpidensyalidad ng
interbyu.
ANG PROSESO NG PAG-IIMPLUWENSYA NG SIMBAHANG KATOLIKO SA
PAGDEDESISYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN HINGGIL SA PAGMIMINA
Madalas na kinikwestyon ang ligalidad ng pakikilahok ng Simbahan sa mga
lehislatibong gawain ng pamahalaan. Nakatala nga sa 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas ang tinatawag na Non-Establishment Clause patungkol sa limitasyon ng
ugnayan ng dalawang institusyon. Ayon dito: “A state cannot set up a church; nor pass
laws which aid one religion, aid all religion, or prefer one religion over another nor force
nor influence a person to go to or remain away from church against his will or force him
to profess a belief or disbelief in any religion; that the state cannot punish a person for
entertaining or professing religious beliefs or disbeliefs, for church attendance or non-
attendance; that no tax in any amount, large or small, can be levied to support any
religious activity or institution whatever they may be called or whatever form they may
adopt to teach or participate in the affairs of any religious organization or group and
vice-versa.” (Tirona, 2002). Samakatuwid, inilalahad nito na kinakailangang maging
niyutral ng estado, iyong walang kinikilingan.
Mayroong tatlong basehan ng pagtatakda ng relasyon na mga nasabing
institusyon ayon kay William Tribe. Una, upang protektahan ang Simbahan laban sa
Estado (Pamahalaan). Ikalawa, upang pangalagaan ang kapakanan ng Estado laban sa
Simbahan. At pang-huli, upang hayaan ang dalawang institusyon na makapagpasya ng
relasyong nais nila. (Cinco, 2006). Sinuportahan naman ito ni Paul Weber sa kanyang
konsepto na “separatism” kung saan may iprinisenta siyang dalawang kondisyon: “non-
involvement” at “non-entanglement.” Ang “non-involvement” ayon kay Weber ay ang
nagdidikta ng hindi pakikialam ng dalawang institusyon sa gawain ng bawat isa. Ang
“non-entanglement” naman ay nagsasabing pwedeng magkaroon ng ugnayan ang
dalawa ngunit hindi sila tuluyang magkakabit, at maaari pa ring magasagawa ng kanya-
7
kanyang mga tungkulin. Subalit biniyang diin nya ang pantay na paghihiwalay o “equal
separation” ng Simbahan at ng Pamahalaan.
Tinalakay nga sa konsepto ng “pressure politics” ang dinamikong interaksyon ng
pampulitikal at ekonomikong ineteres ng Simbahan sa pakikilahok nito sa proseso ng
pagdedesisyon. Dito rin kinikilala ang Simbahan bilang isang institusyon na may
panlipunan at moral na tungkulin.
Sa usapin ng pagmimina, matinding kalaban ng pamahalaan ang Simbahang
Katoliko. Ayon nga kay Fr. Michael Imperial ng Committee on Environmental Concerns
ng Diocese of Sorsogon, tutol ang Simbahan sa ganitong aktibidad sapagkat malaki
ang naidudulot nitong pinsala sa kalikasan na nagdudulot na rin ng panganib sa mga
residenteng sakop ng isinasagawang pagmimina. Nakikilahok ang Simbahan sa mga
kilos laban dito sapagkat naaapektohan ng gawaing ito ang dignidad ng mga
mamamayan sa tuwing nakokompromiso ang kabuhayan at ang kalusugan ng mga ito.
Dito nakakabit ang tungkulin ng Simbahan na hindi lamang nakatuon sa moral na
aspeto kung hindi ay pati na rin sa pangangalaga ng kalikasan na tinatawag ngang
“environmental duty”. Hindi tumututol ang Simbahan sa pagmimina mismo sapagkat
naniniwala sila na isa itong esensyal na aspetong pang-ekonomiya. Sa halip,
kinokondena nila ang “proseso” ng pagmimina sa kadahilanang ito ay hindi sustenable,
malakihan, open-pit at export-oriented. Ang nais ng simbahan ay sustenable at papabor
sa interes ng mamamayan.
Negosasyon ng Simbahan at ng Lokal na Pamahalaan
Sa lente ng Systems Theory ni David Easton, lumalabas na ang kasalukuyang
sitwasyon ng pagmimina sa Matnog ay ang mga naging implikasyon ng pagkakabuo ng
Saligang Batas 1987. Dahil dito’y nabuo ang mga ordinansa, pulisiya, at ang mga
panukala sa pagmimina mula sa pinakamababang kapulungan o ang barangay,
munisipal at probinsyal na kawing ng pamahalaan, ukol sa pagmimina.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Dalus (2008) ukol sa mga alituntuning nararapat
sundin ng lokal na pamahalaan sa proseso ng pagdedesisyon nitong pahintulutan ang
pagsasagawa ng pagmimina sa bayan, naglahad siya ng mga polisiyang kaakibat ng
8
mga alituntuning ito. Kasama sa mga ito ang Republic Act No. 7160 o mas kilala sa
tawag na Local Government Code na nagbibigay halaga sa pagiging responsible ng
lokal na pamahalaan upang makamit ang buong pag-unlad at pangangalaga sa
awtonomiya ng komunidad at sa gayo’y maging epektibong kaakibat ng pambansang
pamahalaan sa pag-abot ng pambansang kaunlaran. Nakasaad sa Proclamation No.
2146 ng Local Government Code na siguruhing hindi maaapektuhan ang
pangkalikasang kalagayan ng komunidad sa pagsasagawa ng mga proyekto. Sinabi rin
ni Dalus na dapat may kaalaman ang LGUs sa maaring maging resulta ng pagmimina
upang masiguro na magdudulot lamang ito ng pang-ekonomiyang pag-unlad. Sa
aspetong ito ay kailangang maging handa ang LGUs na magmungkahi sa kumpanya ng
pagmimina ukol sa seguridad ng pamayanan. At kinakailangan din na ang panlipunang
pag-unlad na ito ay akma sa kultural at pangkapaligirang konsiderasyon. Nararapat din
na tiyakin ng LGUs na ang buwis na nakukuha sa pagmimina ay gagamitin sa
pagpapaunlad ng komunidad at hindi sa bulsa ng mga lokal na opisyal.
Sinasabi naman sa ASGM Strategic Planning Project Conclusion Workshop
(2011) ang “standard operating procedures” na nararapat sundin ng LGU sa
pagpapahintulot ng pagmimina na nakasaad sa RA 7076 o ang Philippine Small Scale
Mining Act of 1995. Ayon dito,
kailangang pag-usapan ng mga
kinatawan ng lahat ng panig;
Governor/City Mayor o kinatawan,
kinatawan ng small scale mining,
kinatawan ng big scale mining, at
kinatawan ng non-government
organization na manggagaling sa
environmental group bilang
“checks and balance”. Sa usaping
ito kailangang ihain ang mga
patakaran ng pamahalaan ukol sa
pagsasagawa ng pagmimina at
9
ayusin ang anumang di pagkakasundo sa pagitan ng mga partido. At higit sa lahat,
kailangang magkaroon ng pampublikong konsultasyon.
Ang mga batas na ito sa kabuuan ay nagbukas ng pagkakataon upang
magsagawa ng operasyon ang mga kumpanya sa pagmimina. Subalit hindi ito ligtas sa
mga pagtuligsa ng publiko.
Ang isinagawang operasyon ng pagmimina ng Antones Corporation, isang
dayuhang kumpanya, sa bayan ng Balocawe ay masasabing 1) hindi sustenable, 2)
malakihan at 3) open-pit. Kahit naipasara na ito ay mayroon pa raw nagbabadyang
panganib sapagkat nakatambak lamang ang mga kagamitan lalo na ang mga ores na
ginamit ng kompanya. Kaya, ayon sa Simbahang Katoliko, nilabag ng nasabing
kompanya ang mga panuntunang nakasaad sa batas.
Sa kabilang banda, ang pag-andar ng operasyon sa nasabing bayan ay nagdulot
din ng maayos na epektong pang-ekonomiya. Nariyan ang benepisyo ng buwis kung
saan 40% ang napakinabangan ng Barangay at 30% naman ay napunta sa lokal na
pamahalaan. Dahil dito, tumaas ang rebenyu o kita ng lokal na pamahalaan. Isa sa
tatlong opisyal na nakapanayam ay pabor sa nasabing operasyon. Subalit dalawa sa
kanila, kaagapay ng Simbahang Katoliko at ng mga residente ay maigting na tumututol
kaugnay ng mga pinsalang pangkalikasang naidulot nito. Malaki ang naging epekto nito
sa tubig na inumin at patubig sa palay sa coastal areas. Maraming Barangay din ang
apektado tulad ng Manjumlad, Sulangan, Naburacan at ang Balocawe. Naapektohan
din ang forest o watershed ng Matnog na nagsisilbing pang-akit sa mga turista. Dagdag
pa dito, nadamay din ang mga produktong agrikultural tulad ng copra.
Subalit kung bibigyang atensyon ang proseso at ang mga batas na nararapat
sundin, nangangailangan ng masidhing pag-aaral ng Provincial Mining and Regulatory
Board ang magaganap na operasyon. Matapos masuri, iiindorso nito sa Pamahalaang
Panlalawigan. Matapos nito, mag-iisyu ng permit ang Gobernador na nagpapahintulot
ng pagmimina at iisyuhan naman ng business permit ng lokal na pamahalaan. Subalit
ang nasabing operasyon ay walang permit mula sa administrasyon kung kaya’t
10
nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan upang ihinto ang operasyon at mapag-
usapan ng masinsinan ang mga aksyong isasagawa.
Kaakibat din nito ang posibleng panganib sa kalikasan at kalusugan ng mga
mamamayan. Ang isyu din ng “lagay” kung saan tumatanggap ng suhol ang mga
opisyales. Ito ang naghimok sa mga tao upang gumawa ng mga hakbang upang ito’y
ipatigil.
Kasama ng mga panlipunang sibil, “concerned citizens”, estudyante, guro,
magsasaka ang Simbahang Katoliko na siyang namuno sa paglunsad ng kabi-
kabilaang protesta upang tuluyang mapatigil ang pagmimina. Dahil sa ALMMA o
Alyansa Laban sa Mina sa Matnog na binuo ng parokya ng Matnog, naidaos ang Public
Hearing upang mapag-usapan kasama ng mga residente ang gagawing desisyon. Sa
bandang huli, nagpasya ang lokal na pamahalaan na huwag nang mag-isyu ng permit.
Dahil ang Simbahan, bilang isang malawak at maimpluwensiyang institusyon sa
pangkalahatan na sumasang-ayon sa tindig ng mga tao, ay naging dahilan upang mas
mapag-ibayo pa ang boses ng mga taga-Matnog.
Pumapaloob sa sistemang pulitikal ang mga naisagawang direktang proseso at
indirektang transaksyon. Nagkaroon ng dalawang opsyon ang Simabahang Katoliko sa
pakikilahok sa proseso ng pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa usapin ng
pagmimina: hakbang kapag walang pampublikong
konsultasyon at hakbang noong nagkaroon na ng
negosasyon.
Noong wala pang naisasagawang
pampublikong konsultasyon, marami ang tinahak na
hakbang ng Simbahan. Una dito ay ang IEC o
Information Education Campaign o ang pagtuturo sa
tao na maging kritikal at magkaroon ng “informed
decisions” sa pamamagitan ng Homily at Church-
based organizations. Pangalawa ay ang Open
Participation kung saan nagsasagawa ito ng mga kilos protesta upang ipopularisa ang
11
isyu at gayun din ay himukin ang lokal na pamahalaan na bumalikwas sa desisyong
patuloy na pahintulutan ang pagmimina. Kasama din sa mga prosesong ito ay ang
pagla-lobby kung saan pumapasok mismo sa lehislatibong proseso ang Simbahan.
Naglatag din ng mga pastoral letters, signature campaigns at position papers hindi
lamang ang parokya ng Matnog o ang Diocese ng Sorsogon kung hindi pati na rin ang
Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kabuuan. Nagsalita sa midya si
Bishop Arturo Bastes upang ipahayag ang pagtutol ng Diocese ng Sorsogon sa
ginawang pagmimina sa Balocawe. Naglabas din siya ng pastoral letters, sumulat sa
pambansang pamahalaan, at nakipag-usap sa direktor ng DENR.
Sa kabilang banda, nagkaroon ng pampublikong konsultasyon matapos ang
ilang mga kilos protesta. Sinundan ito ng mga pampublikong debate, asembleya,
diyalogo, konsultasyon at pagdalo sa mga sesyon ng Sangguniang Bayan upang lutasin
ang isyu.
Ang pinakamahalagang bahagi ng negosasyon ay ang pagkakaroon ng
regulasyon upang imbestigahan ang nasabing operasyon. Inilatag ng Kinatawan ng
Pangalawang Distrito ng Matnog na si Deogracias Ramos, Jr. ang HR 00601 o “A
Resolution To Conduct An Investigation, In Aid Of Legislation, On The Alleged
Irregularities In The Small Scale Mining Operations In Brgy. Balocawe, Matnog,
Sorsogon”. Kasabay nito ay ang isa pang regulasyon na nagdedeklara na wala nang
kumpanya ng pagmimina ang magsasagawa ng anumang operasyon sa bayan ng
Sorsogon o ang HB05114 “Act Declaring The Second District Of Sorsogon A Mining
Free Zone And Providing Penalties For Violations Thereof”.
Impluwensya ng Pulpito
Sa pagpapahayag ng Simbahan ng mga hinaing nito laban sa pagmimina,
minobilisa nito ang kanyang mga rekurso o pinagkukunan ng impluwensya upang mas
lumakas ang boses nito.
Ang pagkilos ng Simbahan sa ngalan ng ispiritwal na misyon nito ay
nangangailangan ng mapagkukunan ng kolektibong pwersa. Napatitingkad ang
impluwensya nito base sa paghimok ng mga taong magiging kaisa nito sa kaniyang
12
mga adbokasiya. Dito papasok ang iba’t ibang mekanismong nakapaloob sa teyorya ng
“resource mobilization” kung saan instrumento sa tagumpay ng Simbahan ang mga
“networks”, grupo ng tao, at mga dotrinang pinanghahawakan nito. Isinasagawa ang
pagmomobilisa ng mga ito sa ilalim ng “prophetic mission” o ispiritwal na misyon ng
Simbahan. Ang dulog na ito ay may kinalaman pa rin sa Simbahan bilang istrukturang
may panrelihiyong impluwensiya o pulpito. (Figa, et.al, 1998)
Ikinategorisa nina McCarthy at Zald sa kanilang Teoryang Resource Mobilization
ang mga uri ng “resource” o mapagkukunan o rekurso. Una, ay ang materyal na
pagkukunan. Kasama sa materyal na pagkukunan na ito ang mga imprastraktura,
pinansya at iba pang mga kasangkapan. Sa kaso ng Simbahan, ang istruktura nito ang
materyal na pagkukunan nito. Ang ikalawang uri ng pagkukunan ay di-materyal kabilang
na ang mga koalisyon, organisasyon, social networks, akses sa sentro ng
kapangyarihan, at ideoyolohikal na istratehiya. (McCarthy at Zald, 1977).
Mas nakasentro ang Simbahan sa di-materyal na resource o pagkukunan. Una
nga sa mga ito ay ang koalisyon at mga organisasyon. Sa Sorsogon, nagtayo ng iba’t
ibang organisasyon ang Simbahan upang ihinto ang nasabing pagmimina.
Kung susumahin, mayroong tatlong aspetong pinag-uugatan ng impluwensya ng
Simbahan: ideyolohikal, elektoral at pinansyal.
Ideyolohikal na Impluwensya: Pagbuo ng Koalisyon
Nagkaroon ng pinakamabigat na gampanin ang itinayo nitong ALMMA o Alyansa
Laban sa Mina sa Matnog. Dahil sa ALMMA naidaos ang Public Hearing upang mapag-
usapan kasama ng mga residente ang gagawing desisyon. Sa bandang huli, nagpasya
ang lokal na pamahalaan na huwag nang mag-isyu ng permit. Dito masiklab ang
kahalagahan ng konsepto ng “koalisyon” kung saan mayroong kongkretong instrumento
ng mobilisasyon ang Simbahan.
Kasama din sa usapin ng pagmomobilisa ng mga mapagkukunan ng pwersa sa
pag-iimpluwenysa sa proseso ng pagdedesisyon ay ang Social Networks at Akses sa
Kapangyarihan.
13
Sa Matnog, nagtayo ng Social Action Center ang Simbahang Katoliko na tutugon
sa dulog ng mga residente sa mga usaping panlipunan. Kaakibat nito ang mga komite
ng Simbahan lalung-lalo na ang Committee on Environmental Concerns na naglagak ng
iba’t ibang programa upang mapatigil ang operasyon ng pagmimina at ang midya
(radyo, diyaryo at telebisyon).
Mga programang
inilunsad ng
Committee on
Environmental
Concerns ng
Simbahan
Popularisasyon (Sa probinsyal na lebel)
- pastoral letters
-press conferences
- press statement
- pinaabot sa Supreme Court
IEC (Pambansang Lebel)
- CEAP (Catholic Educators’ Association of the Philippines)
Environmental Discussions (Lebel ng Komunidad)
- Homily
- Youth Camps
- School-based For a
- sit-down
-pickets
Aspetong Ligal
- Environmental Court (Legal remedy)
- TRO
Fig. 1. Mga Programa ng Committee on Environmental Concerns
Kaakibat nito ang ideyolohikal na istratehiya kung saan ginagamit ng Simbahan
ang “Direct and Consesual Approach” kung saan mayroong mga proseso na
kinakikitaan ng paggamit ng pulpito ng Simbahan. Kasama rin sa ideyolohikal na
impluwensya nito ay ang kultura sapagkat 80% ng populasyon ng Pilipinas ay Katoliko.
Pangalawa naman ay Edukasyon kung saan 90% ng mga pribadong paaralan sa bansa
ay kontrolado ng Simbahang Katoliko.
14
Elektoral na Impluwensya
Kaakibat ng pagiging istruktural ng Simbahan ang pagiging istrikto nito sa
pagtatakda ng mga doktrinang dapat sundin ng mga kasapi nito. Sa pag-aaral ni
January Circo na pinamagatang “A Study on the Influence of the Catholic Church in the
Legislative Process Concerning the Divorce Bills,” inilantad niya ang pagkakaroon ng
mahigpit na papapatupad ng Simbahan ng mga moral na prinsipyo nito sa mga
miyembrong bahagi din ng pulitikal na istruktura. Inilahad niya ang mga “taktika” ng
Simbahan upang magkaroon ito ng impluwenysa sa lehislatibong proseso o sa proseso
ng pagsasagawa ng desisyon ng pamahalaan. Tinawag niya itong “Moral Approach” ng
Simbahan na may direktang epekto sa pulitikal na katangian nito.
“Shock-and-awe” Policy
Gumagamit ng “shock-and-awe” na patakaran ang Simbahang Katoliko sa pag-
oorganisa ng mga miyembro nito. Ang mekansimong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng hindi pagpapahintulot ng komunyon, kasal, kompirmasyon at iba pang
sakramento ng Simbahan sa mga pagkakataong lumabag sa doktrina o sa mga
prinsipyo ng Simbahan ang sino mang miyembro nito. Pinapanatili ng ganitong sistema
ang suporta ng mga miyembro sa mga utos at programa ng Simbahan. (Herrera, 2006).
Kung ilalagay ito sa konteksto ng pulitika, sinasabing mayroon itong dalawang
anyo: pansamantala (temporal) at ispiritwal. Ang temporal na aspeto ay tumutukoy sa
mga “political recalcitrants” o yaong mga politiko na “sutil” o hindi sumusunod sa mga
doktrina ng Simbahang Katoliko lalung-lalo na kung hindi ito nakikiayon sa tindig ng
Simbahan hinggil sa mga usaping kontrobersyal. Sa ganitong kaso, napipilitan silang
suportahan ang interes ng Simbahan upang anihin bilang kapalit, ang suporta nito sa
eleksyon. (Panganiban,1956).
Isang halimbawa ay ang pagkondena ng Simbahang Katoliko kay Dating Health
Secretary Juan Flavier dahil sa pagsusulong nito ng family planning program ng
pamahalaan. Binalaan ni Father Steve dela Torre si Flavier sa pamamagitan ng
pagpapaalala ng pagkatalo ng dati rin Health Secretary na si Alfredo Bengzon sa
halalan na sumuporta rin sa parehong programa. At noong 2001 naman kinondena ng
15
Simbahan ang nagging aksyon ni Rep. Bellaflor Angara-Castillo ng Probinsya ng Aurora
sa pagsuporta ng Divorce Bill at Women’s Reproductive Health Right. Pinaratangan ng
Simbahan Si Angara-Castillo bilang isang Kontra-Diyos at Kontra-Simbahang Katoliko.
(Tarnate, 2007).
CATHOLIC VOTE : “Basbas ng Simbahang Katoliko”
Ang “Catholic Vote” ay hindi tumutukoy sa boto ng Arsobispo, Obispo, o Pari,
bagkus, ito ay ang boto na ipinataw ng Simbahan kasama ang mga mamamayang
miyembro nito, sa isang kandidato. Ang ganitong mekanismo ang nagsisigurado ng
parehong suporta ng dalawang partido, na kapag nanalo ang pulitiko, mas magiging
mabilis ang pagtutulak ng interes ng Simbahan sa mga lehislatibo at administratibong
usapin bilang pagkilala ng pulitiko/mga pulitiko sa suportang ibinigay ng Pamahalaan.
(Parede, 1955).
Devout Catholics bilang Pulitikal na Makinarya
Ayon naman kay Fr. Imperial, malaki ang naging gampanin ng pagkakaroon ng
ma “Devout Catholics” ng Simbahan na miyembro o opisyal din ng lokal na
pamahalaan. Nakatulong ang mga ito sa aksyong isinagawa nila upang maipatigil ang
pagmimina. Ginawa ng Simbahan ang mga “devout catholics” na ito – ang ilan ay
konsehal- upang tiyaking may boses sila sa lokal na pamahalaan. Sinabi niyang, “Sa
panahon ng eleksyon, may susuportahan kaming kandidato na miyembro din ng
Simbahan (leigh minister), oobligahin namin siyang maging parte ng mga adbokasiya
niya ang tindig ng Simbahan. Yun yung trick, mayroon tayong political machinery - ito
bang kandidatong to pinondohan ba ng Simbahan. Sa ganitong paraan, kapag naipasa
ang isang legislation, pabor doon sa tindig ng Simbahan, good for us na meron tayong
mga tao doon mga taong naninindigan pa din sa interes ng Simbahan at ng
taumbayan.”
Samakatuwid, binigyang katotohanan ang mga mekanismong ito nina Johnston
at Figa sa pamamagitan ng paglalagom sa mga pagkukunan ng lehitimong estado ng
Simbahan sa mga aksyong isinasagawa nito gamit ang tinatawag ngang pulpito.
Kabilang sa mga binigyang diin nina Johnston at Figa ay ang 1) materyal na
16
pagkukunan bilang simbulo ng protektadong istruktura ng Simbahan, 2) akses sa
midya, 3) pagkakaroon ng mga organisasyon at koalisyon upang magkatalisa sa mga
kilos oposisyon nito, 4) epekto ng pagpapalawak at pagiging tulay ( (a) daluyan ng
diskusyon sa pagitan ng taumbayan at lokal na pamahalaan, (b) ideyolohikal at
simbolikong tulay nagdudugtong sa iba’t ibang interes sa lipunan) , 5) Church-based
Communities upang paunlarin ang kakayahan sa pamumuno ng mga mamamayan, at
6) Hirarkikal at Eklesyastikal na Istruktura. (Figa at Johnston, 1988). Malinaw na
nagkakaroon ng pagmomobilisa ng mga rekurso upang mas maging epektibo ang
Simbahan sa mga askyon nito.
Persuasion Theory: Pagpapadaloy ng Panrelihiyong Adyenda o “Pulpito” at Epektibidad
ng Simbahang Katoliko
“Wala namang taong walang pansariling agenda o paniniwala. Ang mahalaga
may pinagbabasehan ka sa argumento mo. Gamit ang Religious Propaganda o lente,
nagiging makatwiran ang pagkilos
namin,” (Jerus, 2012).
Sa paggamit ng Simbahan
ng ideyolohikal na makinarya nito o
ideyolohing panrelihiyon na
tinatawag, nagkakaroon ng
makatwirang pagkilos at pag-
iimpluwensya an Simbahan. Sa
Elaboration Likelihood Model,
binanggit nina Petty at Cacioppo
kung saan gumagamit ang Simbahan ng mga “mensahe ng paghimok” o persuasive
messages upang maipadaloy nito ang interes ng Simbahan sa mga taong nasasakupan
nito o mga benepisyaryo ng pagkilos nito. Dagdag pa dito, kinikilatis daw muna ng
Simbahan ang mga daan o rutang dadaluyan ng mensahe nito upang maging mas
malinaw sa mga makatatanggap ng nasabing mensahe ang nais ipahayag ng
Simbahan. Tinawag ito nina Petty at Cacioppo na “central route to persuasion.” (Petty at
Cacioppo, 1986).
17
Sa sinasabing sentral na daan ng paghihimok, gumagamit ang Simbahan ng
mataas na antas n pagkilatis sa mga nais nitong paabutan ng mensahe. Kinakailangang
mataas ang motibasyon ng tatanggap ng mensahe at dapat ding taglay nito ang
kakayahan tingnan ang sitwasyon ng may bukas na isip. Isang halimbawa dito ay ang
paglalatag ng Simbahan ng mga information-education campaigns upang mas malinaw
na mailahad sa publiko ang kahalagahan ng isyu.
Ang paglalatag ng mensahe ay mayroon ding tatlong kategorisasyon: 1) malakas
na argumento, 2) niyutral na argumento at 3) mahinang argumento. Sa
pakikipagpanayam sa mga eksperto, lumalabas na nasa unang kategorya o malakas na
argumento ang naipapaabot ng Simbahan kung susuriin ang sitwasyon sa Balocawe.
May isa pang pamamaraan ng paghimok na tinatawag na Peripheral Route to
Persuasion kung saan mayroong pitong elementong nakapaloob dito: 1) awtoridad, 2)
komitment, 3) contrast effects, 4) mensahe ng pagsang-ayon o pagkagusto, 5)
reciprocation o palitan, 6) Scarcity o Kakulangan at 7) Social Proof o Patunay.
Pumapasok ang adyenda ng Simbahan sa awtoridad, komitment, mensahe ng
pagsang-ayon, reciprocation at social proof na mga elemento upang maghatid n
positibong paghihimok sa tao.
Una, ginagamit ng Simbahan ang awtoridad nito o ang tinatawag na “symbolic
capital” upang mahimok ang tao at ang lokal na pamahalaan na pakinggan ang mga
paniniwala at argumento na inihahain nito.Sa usapin ng komitment, malakas ang dating
ng Simbahan sa tao sapagkat paulit-ulit nitong ipinahahayag sa mga ispiritwal na salita
nito ang kaniyang pasulong sa kaayusan ng lipunan. Pangatlo, sa reciprocation,
ipinakikita ng Simbahan na ang pamantayan ng moralidad ay ang pag-anib sa mga
adbokasiya nila tungo sa pagkamit ng tinatawag na panlipunang kaayusan at
panlipunang hustisya o “social order at social justice.” Panghuli ay ang social proof o
patunay ng kredibilidad nito. Ginagamit nito ang pulpito nito, ang pagiging sagradong
institusyon at ang mga proyektong inilunsad nito bilang pagpapatotoo sa adbokasiyang
nais niyang isulong. (Petty at Cacioppo, 1986).
18
Sa usapin ng kalakaran ng Simbahan sa Balocawe, Matnog, ipinahayag ni Fr.
Imperial, Fr. Bastes at Fr. Jerus na mayroon silang tinatawag na “ideological base” o
pundasyon ideyolohikal na ginagamit nila upang imobilisa ang taumbayan na lumaban
sa pagmimina at himukin ang mga lkal na opisyal na dinggin ang hinaing nila. Kabilang
sa “ideological base” na ito ay ang Antropolihiko at Sosyolohikong pundasyon ng
Simbahan. Nakapaloob dito ang Bibliya, Salita ng Diyos at mga Doktrina ng Simbahan
na ipinamamahagi nila sa tuwing Sermon o Homily at sa Information Education
Campaign ng Simbahan. Ayon nga kay Fr. Imperial, “We qualify and quantify our claims
to all positions.”
Ang dulog na ito ng Simbahan ang kinakikitaan ng materyalisasyon ng paggamit
nito ng pulpito sa pakikibaka nito sa mga usaping panlipunan – pulitikal, pang-
ekonomiya, kultural at iba pa. At dahil dito, ayon sa Simbahan, naging matagumpay ang
pagsupil nila sa operasyon sa Matnog.
PANGWAKAS
Gamit ang lente ng ‘Systems Theory’, nakita na ang desisyong naitalaga ay
muling lumilikha ng mga panibagong sitwasyon na sa muli ay papasok bilang
pangangailangan sa porma ng mga hinaing, saloobin at mga mungkahing may kaakibat
na mga aktor na sumusuporta upang ito’y maging adbokasiya at muling paglaanan ng
pulitikal na atensyon. Ang mga ito ay dadaan sa panibagong proseso bilang mga
bagong desisyon sa porma ng mga bagong batas, ordinansa o polisiya. Nakita rin na
ang ‘Simbahang Katoliko’ ay mayroong malawak at hindi matatawarang impluwensyang
pulitikal, elektoral at kultural, na nakapagbibigay ng matinding suporta at pagpapakalat
ng mga layunin kung saan ito ay may direktang interes.
19
Mga Batis:
Calo, Z. (1994). “Catholic Social Thought, Political Liberalism, and the
Idea of Human Rights”. University of Virginia.
Catholic Bishops Conference of the Philippines. “A Statement of Concern on the Mining
Act of 1995.” February, 1998.
Catholic Campaign in Philippines Undermined by Church of England. Retrieved from
http://www.ekklesia.co.uk/node/8679 on August 28, 2011.
Circo, January T. “A Study on the Influence of the Catholic Church in the
Legislative Process Concerning the Divorce Bills.” UP Manila, 2006.
Easton, D. (1965). “A Systems Analysis of Political Life”. John Wiley and Sons, Inc.,
New York.
Figa, J. et al. (1988). “The Church and Political Oppositions: Comparative Perspectives
on mobilization Against Authoritarian Regimes.” Journal for the Scientific Study of
Religion. Vol. 27 no.1, pp 34-7.
Galston, W. (2002), “Liberal Pluralism: The Implications of Value Pluralism for Political
Theory and Practice.” Cambridge University Press.
Gariguez, E. (2011). “Extractive Industry And The Church In The Philippines.” Retrieved
from siteresources.worldbank.org/CSO/Resources/Gariguez.pdf on July 25,
2011.
Gleeson, B. (2004). “Images, Understandings, And Models Of The Church In History:
An Update”
20
House Members. Retrieved from
http://www.congress.gov.ph/members/search.php?congress=15&id=ramos# on
March 26, 2012.
Hookaway, J. (2009). “Church Effort Slows Philippines Mining.” Retrieved from
http://online.wsj.com/article/SB123449556539081061.html on July 20, 2011.
Joaquim, H. (2000). “The Organizational Dynamics of the Catholic Church in the field of
social care.” Research Center of Social Work and Sociology, Portugal.
Petty, et al. (1986). “Elaboration Likelihood Model.”
21
Talaan ng Nilalaman
Chapter I 2 2
Panimula 22
Mga Katanungan sa Pananaliksik 24
Chapter II 25
Pamamaraan sa Pananaliksik 25
Disenyo ng Pananaliksik 26
Pagkalap ng Datos 26
Sakop at Limitasyon 30
Pag-aanalisa ng Datos 30
Chapter III 33
Mga Kaugnay na Literatura 33
Chapter IV 40
Balangkas ng Pananaliksik 40
Chapter V 47
Etika 47
Chapter VI 49
Mga resulta 49
Chapter VII 55
Pagtalakay ng Datos 55
Chapter VIII 64
Pangwakas at Rekomendasyon 64
Bibliography 69
Appendices
Appendix I. KII Guides 71
Appendix II. Letter 76
Appendix III. FPIC Form 77
Appendix IV. Interview Matrix 80
22
CHAPTER I
PANIMULA
Ang pagmimina ay ang paghuhugot ng mga mahahalagang mineral sa lupa, sa
mga natural na mineral na nakabaon sa lupa o mga maiitim na mga bato o uling. Ang
mga nabubungkal na mga mineral ay ang mga tinatawag na metal, uranium na bakal,
maiitim na bato, lima at brilyante. Anumang materyal na hindi maaaring maparami sa
pamamagitan ng prosesong agrikultural o sa pamamagitan ng artipisyal na pamaraan
sa laboratory o mga factory, ang siyang minimina. Ang pagmimina ay ang pagkuha din
ng hindi na maaariing palitan pa na pinagkukunang yaman tulad ng petrolyo, gas o
tubig.
Sinasabi na simula pa noong unang sibilisasyon, ang pagmimina ay ginagawa
na. Ang modernong paraan ng pagmimina ay nagdadawit ng paghahanap ng
pagaanalisa ng mga makukuhang mina, pagmimina at reklamasyon ng lupa upang
ihanda ito sa iba pang gamit nito sa panahong isara na ang minahan.
Ito ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa kapaligiran sa panahon ng
pagmimina at maging sa panahon na tapos na ito. Sa dahilang ito, maraming mga
aktibistang grupo ang nagkakaroon ng pakikibaka sa pagkontra o paglaban sa
malawakang pagmimina sa mundo, kasama na ang Pilipinas. Kahit na mayroong batas
na kailangang sundin, marami pa ring katiwalian ang nangyayari sa mga pagmimina.
Ang Republic Act bilang 7942 ay nagpapatupad ng bagong sistema ng
paghahanap o pagbubungkal ng lupa upang makakuha ng mineral, paglilinang,
paggagmit at pagpapanatili ng mga ito. Ito ang Philippine Mining Act of 1995.
“All mineral resources in public and private lands within the territory and
exclusive economic zone of the Republic of the Philippines are owned by the State. It
shall be the responsibility of the State to promote their rational exploration,
development, utilization,and conservation through the combined efforts of government
and the private sector in order to enhance national growth in a way that effectively
safeguards the environment and protect the rights of affected communities.”
23
Kabilang ang Simbahang Katoliko sa mga hindi sumasang-ayon sa malawakang
pagmimina sa bansa. Ayon kay Ibanes (2010), ang mga mamamayan sa mga
mahihirap na pamayanan ay nakakakuha ng simpatiya, suporta at tulong sa simbahan.
Dagdag pa niya, ang simbahan ang siyang nagsisilbing tagapayo ng karamihan. Kaya
hindi matatawaran ang magagawa nito sa mga hakbangin para sa bansa. Ang estado
ay isa ring maimpluwensiyang institusyon na ginagawa ang lahat upang magabayan
ang pagdedesisyon sa pagmimina, ngunit sa paraang pabor dito.
Sa Isang bayan sa probinsiya ng Sorsogon, ang pagmimina ay isang malaking
isyu na pinagtutuunan ng pansin ng Simbahang katoliko. Ito ay sa Matnog, Sorsogon.
Ang bayang ito na isang 4th class municipality ay isa sa may pinakaabalang daungan
sa Pilipinas. Isa ito sa napagkukunan na revenue ng bayan. Higit pa dito, mayaman sa
mineral ang Matnog partikular na sa Bolacawe, isang barangay nito.
Sa Balocawe, ang pagmimina ay sinasabing nakakatakot dahil hindi lang mina
ang kinukuha kundi ang isang rare element. Sa Ecumenical Bishops Forum noong
Oktubre 5,2011 sa Legazpi City, sinabi ni Fr. Michael Imperial na isang naiibang
pagmimina ang ginagawa sa nasambit na lugar dahil hindi mineral ang kinukuha kundi
lupa na tinatawag na `rare earth element’. Si Fr. Imperial ay siyang tagapangasiwa ng
Diocese of Sorsogon Environment Committee. (Veritas, 846 Newsteam2011). Sinabi pa
ni Fr. Imperial na ang lokal na pamahalaan ang kasabwat ng mga negosyanteng
dayuhan sa pagsasagawa ng iresponsableng pagmimina sa lugar. Madaliang
ikinakarga ang lupa na may rare earth element sa mga barko ng mga dayuhang
supplier nito sa mga gumagawa ng computer chips, plasma ng tv, high grade cellphone,
play station, pc hardware at guided missile kung saan ito ay isa sa mga sakap.
Ang simbahan ay kumokontra sa pagmimina sa bayang ito at bumuo ng mga
alyansa upang mahikayat ang taong bayan na tutulan ito. Malaki ang impluwensiya ng
simbahan sa mga mamamayan. Kung ang impluwensiyang ito ay makakaapekto sa
pagdedesisyon ng pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina sa Balocawe ay
isang malaking katanungan ang siyang inimbestgahan at pinag-aralan ng mananaliksik.
24
MGA KATANUNGAN NG PANANALIKSIK
Pangkalahatang Katanungan: Paano naiimpluwensyahan ng Simbahang Katoliko ang
Lokal na Pamahalaan sa pagdedesisyon nito ukol sa pagpapahintulot ng pagmimina sa
bayan?
Mga Partikular na Katanungan
1. Mayroon bang mga nakatalang patakarang dapat sundin ang lokal na
pamahalaan sa pagsasagawa ng desisyon sa usapin ng pagmimina? Mahigpit
ba itong sinusunod at ipinapatupad? (Hal. Pagkilala sa proseso ng pampublikong
konsultasyon)
2. Sa proseso ng pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa pagpapahintulot
ng pagmimina, anu-ano ang mga isyu na nakaaapekto sa makatarungang
pagpapasya nito?
3. Anu-ano ang mga pamamaraang isinasagawa ng Simbahan upang
maaimpluwensyahan ang desisyon ng lokal na pamahalaan?
4. Masasabi bang may kredibilidad ang tindig ng Simbahan laban sa mga
operasyon ng pagmimina? (Kung titingnan ang usapin ng pagkakasangkot ng
ilang miyembro ng simbahan ay may pang ekonomikong interes sa bilang kasapi
ng ilang mining projects)
5. Saan kumukuha ng pulitikal na impluwensya ang Simbahan?
6. May nagaganap bang kooperasyon sa pagitan ng Simbahan at ng Lokal na
Pamahalaan? Kung mayron, sa anong mga aspeto o usapin?
25
CHAPTER II
PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK
Ang pag-aaral ay
nakasentro sa impluwensya
ng Simbahang Katoliko,
positibo man o negatibo,
lalung-lalo na ng mga parokya
sa bayan sa pagdedesisyon ng
lokal na pamahalaan ukol sa
pagpapahintulot ng
pagmimina. Gagamitin ang
Systems Theory sa pag-
aanalisa ng mga datos. Sa
dulog na ito, binibigyang diin
ang interaksyon ng mga
istrukturang kalahok sa isang
pangyayari o kaganapan at
kung paano sila nakaorganisa sa isang sistema. Ito ang magiging instrument upang
ianalisa ang iba’t ibang istruktura simula kung paano nabuo ang mga ito, paano nito
ginagampanan ang kanilang tungkulin at kung ano ang kanilang mga layunin.
Bilang pagtugon sa nasabing balangkas ng pananaliksik, ang pag-aaral ay
tutukoy sa relasyon ng Simbahan o mga parokya at ng lokal na pamahalaan na iikot sa
kung paano nakaaapekto ang boses ng Simbahan sa paglalatag ng polisiya ng
pamahalaan ukol sa pagpapahintulot ng operasyon ng pagmimina sa bayan. Aalimin sa
pag-aaral na ito ang mga maliliit pang istruktura na tinatawag na parokya sa Simbahang
Katoliko bilang pangkabuoang institusyon. Sa kabilang dako, susuriin din ang mga
elementong bumubuo sa lokal na pamahalaan. Samakatuwid, ang lente ay nakatuon sa
kung paano ang dalawang institusyong ito nagiging tagapagpadaloy ng isang sistema
sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng maliliit na istrukturang nakapaloob sa kanila.
26
Disenyo ng Pananaliksik
Gagamitin ang Case Study bilang kapamaraanan upang mas malalim na
mapag-aralan ang nasabing paksa. Ang Balocawe Mining Operation sa Matnog
Sorsogon ang magiging sentro ng pananaliksik sa Case Study na isasagawa kabilang
ang mga parokya ng Matnog at ang Lokal na Pamahalaan nito.
Ang Balocawe Mining Project sa Matnog Sorsogon ang napili bilang sitwasyong
sasalamin sa pag-aaral sapagkat ang Matnog ay isang “virgin territory” kung saan hindi
pa gamay ng pamayanan at ng pamahalaan ang pag-aareglo ng usaping ito. Isa itong
magandang entablado ng pag-aanalisa sa konsepto ng kompetisyon dahil may mga
isyu nang lumalabas ukol sa korapsyon, pagkukwestyon ng legalidad ng operasyon
mula sa iba’t ibang sektor at panunuhol ng kompanya ng pagmimina sa mga opisyal ng
pamahalaan. At bilang pagtugon din sa proksimidad, ang mananaliksik ay nakabase sa
Sorsogon kung kaya’t mas magiging praktikal kung ang kasong ito ang magsisilbing
sentro ng nasabing pag-aaral.
Pagkalap ng Datos
Bilang gabay sa pagsasagawa ng pag-aaral sa nasabing pamayanan Una,
mahalagang suriin ang estado ng impluwensya ng Simbahang Katoliko sa nasabing
bayan. Dahil dito, kinakailangang makakalap ng datos ukol sa 1) mga miyembro ng
mga parokyang aktibong nakikilahok sa pagtutol sa operasyon ng pagmimina 2) mga
naitalang aksyon ng nasabing mga miyembro sa mga nakaraang taon ukol sa mga
isyung may kaugnayan sa kasalukuyang usapin 3)mga pamamaraang ginagamit o
ginamit ng nasabing mga miyembro ng parokya sa pagtutol nila laban sa pagsasagawa
ng pagmimina 4) ang epekto ng nasabing mga aksyon o protesta at 5) ang mga
kasamahan ng nasabing mga miyembro, labas sa kinabibilangan nilang institusyon at
6).bakit ito ang posisyon ng simbahan sa isyu?
Key Informant Interview
Sa pagkalap ng datos, nagsagawa ang mananaliksik ng Key Informant Interview
kung saan kinapanayam niya ang mga sumusunod:
27
Fr. Alex Jerus, tagapamahala ng Matnog Parish Church
Fr. Michael “Bong” Imperial, tagapangulo ng Committee on Environmental
Concerns ng Diocese of Sorsogon
Bishop Arturo Bastes, Obispo ng Probinsya ng Sorsogon at Miyembro ng
Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)
Hon. Edward Ruel T. Barlin, Municipal Councilor
Hon. Alex B. Dulay, Municipal Vice Mayor at Presiding Officer sa Hearing ng
Balocawe Mining Project
Hon. Emilio G. Ubaldo, Municipal Mayor
Sa pagpili ng mga mahahalagang taong kinapanayam sa parte ng Simbahan,
nangalap ang mananaliksik ng mga datos ukol sa 1) mga miyembro ng mga parokyang
aktibong nakikilahok sa pagtutol sa operasyon ng pagmimina 2) mga naitalang aksyon
ng nasabing mga miyembro sa mga nakaraang taon ukol sa mga isyung may
kaugnayan sa kasalukuyang usapin 3) mga pamamaraang ginagamit o ginamit ng
nasabing mga miyembro ng parokya sa pagtutol nila laban sa pagsasagawa ng
pagmimina 4) ang epekto ng nasabing mga aksyon o protesta at 5) ang mga
kasamahan ng nasabing mga miyembro, labas sa kinabibilangan nilang institusyon.
Dagdag pa, ang mga ito ay nakalap sa pamamagitang pakikipag-usap ng mananaliksik
sa miyembro ng Non-Governmental Organization (NGO) na Bayan Muna na kahalili ng
Simbahan sa mga kilos protesta sa nasabing lugar. Maliban sa mga ito, nakatutulong
din ang tinatawag na “secondary sources” o ang mga dokumento, kasalukuyang
polisiya, at newspaper publications tulad ng Bicol News Today at Sorsogon Guardian
na makapagbibigay ng karagdagang mga impormasyon base sa mga naitalang balita
sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan ukol sa mga taong nagkaroon ng
malaking papel ukol sa mga kahalintulad na isyu.
Table 2. Bahagi ng Data Collection Matrix ng Panayam sa mga Miyembro ng
Simbahang Katoliko
TOPICS DATA SETS DATA SOURCE METHOD
Konsepto ng Separation of Church and State
Kung susundin ang prinsipyo, dapat
Hindi maaaring KII
28
maihiwalay ang paniniwala at partisipasyon sa pulitika
Dahilan kung bakit hindi maituturing na “paglabag” sa konsepto ng paghihiwalay ng Simbahan at ng Pamahalaan ang isinasagawang partisipasyon ng Simbahan sa mga isyung pulitikal
Walang cleric na nagging kandidato
Hindi minamandahan ng simbahan na maging relihiyon ng estado ang Katolisismo
Mayroong “Religious Tolerance” ang mga mamamayan
KII
Ang moral na tungkulin ng Simbahan
Palakasin ang moral na aspeto sa pagkatao ng mamamayan
KII
Mga usapin kung saan napopolitisa ng Estado
ang Simbahan
Pulitikal na polisiya Ekonomikong polisiya KII
Mga hakbangin o pamamaraan ng Simbahan sa pagpapaabot sa pamahalaan ng tindig nito ukol sa mga usaping panlipunan
IEC (Information Education Campaign) –pagturo sa tao na maging kritikal at magkaroon ng “informed decisions” sa pamamagitan ng Homily at Church-based organizations
Open Participation- rally-
Lehislatibong Proseso / “Lobbying”- upang magkaroon ng makataong mga polisiya, local man o pambansa
Pagpapahayag ng mga Alternatibo/ “Alternatives”
KII
Sa kabilang banda, napili ng mananaliksik na kapanayamin ang mga nabanggit
na miyembro ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng pagsangguni mismo sa
Munisipyo ng Bayan ng Matnog. Sinuri ng mananaliksik ang tindig ng Lokal na
Pamahalaan ng Matnog hinggil sa pakikipag-ugnayan nito sa “operator” ng proyekto ng
pagmimina sa Balocawe. Nangalap din ng datos ukol sa 1) proseso ng paggawa ng
desisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa pagmimina kabilang na ang proseso ng pag-
isyu ng permit sa kompanya ng pagmimina 2) paano pumapasok sa pagdedesisyong ito
ang boses ng Parokya at 3) paano nireresolba ng lokal na pamahalaan ang sinasabing
“conflict of interest” sa pagitan ng nasabing mga institusyon.
29
Table 3. Bahagi ng Data Collection Matrix n Panayam sa mga Lokal na Opisyal ng
Matnog
TOPICS DATA SETS DATA SOURCES METHODTindig Pabor sa
pagmimina bilang industriya- makatutulong sa local na ekonomiya at sa komunidad
Hindi pabor sa kaso ng pagmimina sa Balocawe- hindi sustenable- nilalabag ang panununtunan ng small scale mining na nakasaad sa batas
KII
Mga Proseso at Batas na sinusunod ng local na pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina
Pag-iisyu ng business permit sa mga kompanyang magsasagawa ng operasyon
Sa kasalukuyan, walang inisyung permit ang kasalukuyang administrasyon
Nagpasa ng resolusyon upang pansamantalang ihinto ang operasyon at mapag-usapan ng masinsinan
Lokal na pamahalaan bilang “checks and balance”
KII
KII
KII
KII
Mga Proseso at Batas na sinusunod ng local na probinsyal
Pag-aaralan ng Provincial Mining and
30
na pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina
Regulatory Board ang magaganap na operasyon
Iiindorso nito sa Provincial Government ang
Pag-iisyu ng permit ng Gobernador na magpapahintulot ng pagmimina
KII
Base sa lente na ginamit at sa mga pamamaraan ng pagkalap ng datos, susuriin
ng malaliman ang isyu. Ang mga ito ang nagpadaloy sa kabuuang pag-aaral.
Sakop at Limitasyon
Nakasentro ang pananaliksik sa pamamaraan ng Simbahang Katoliko upang
maimpluwensyahan ang proseso ng pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan sa
pagpapahintulot ng pagmimina sabayan.
Isang naging limitasyon ng mananaliksik sa pangangalap ng datos ay ang isyu
ng seguridad sa bayan ng Matnog. Ito ang dahilan kung bakit hindi nakapagsagawa ng
personal na panayam ang mananaliksik sa mga lokal na opisyal ng Matnog. Sa halip ay
isinagawa ang panayam sa pamamagitan na lamang ng “electronic mail”.
Pag-Aanalisa ng Datos
Coding
Base sa mga impormasyong nakalap, inilista ang mga tema at mga paksang
susuporta sa pokus ng pagsasaliksik. Ikinategorisa ang mga ito base sa mga ideyang
kanilang inilahad. Matapos ilista at ikategorisa, inanalisa naman ang mga ito sa pagitan
ng pagbubuo ng “matrix” kung saan nakaayos ang mga nakategorisang mga paksa at
datos base sa batis. Sa ganitong pamamaraan ay nakapagsagawa ng cross-case
analysis.
Validation
31
Matapos tipunin ang mga datos mula sa mga panayam, mainam na lumikom pa
ng ibang impormasyon sa iba pang mga literatura na may kaugnayan sa impluwensya
ng Simbahang Katoliko sa proseso ng pagdedesisyon ng pamahalaan. Sa ganitong
paraan, makukumpara ang mga datos upang mas lalong mapatinkad ang iba’t ibang
ideyang nakapaloob sa paksa ng pananaliksik. Ang mga batis na ito ay magmumula sa
mga naitala sa Literature Review at sa iba pang mga dokumentong tumatalakay sa
paksa.
Triangulation
Para mas maging buo at malalim ang pagsusuri ng mga datos, ang mga ito ay
pinagtagni-tagni mula sa iba’t ibang naghayag nito. An prosesong ito ay makatutulong
upang mas maging paktwal o makatotoanan ang paglalahad.
Sa malalim na pag-aanalisa, nagkaroon ng “triangulation” sa mga indibidwal na
pinanggalingan impormasyon. Sa panig ng lokal na pamahalaan, ginamitan ng
triangulation ang mga datos na magmumula sa mayor, vice-mayor at councilors ukol sa
lehislatibong proseso ng pagpapahintulot sa nasabing pagmimina kabilang na ang mga
batas na sinusunod ng pamahalaan sa pagdedesisyon sa nasabing usapin. Mahalaga
ang indibidwal na pag-aanalisa sa mga pangunahing aktor pampulitikal na siyang may
mahalagang mga gampanin sa nasabing isyu upang masuri kung may mga iregularidad
sa mga impormasyong makakalap na siya magiging basehan ng legalidad ng ginawang
desisyon hinggil sa pagpapahintulot ng operasyon sa Balocawe. Dito malalaman kung
maayos na sinusunod ng lokal na pamahalaan ang sistema ng pagdedesisyon at pag-
iimplementa ng mga batas. Mahalaga ito sapagkat sa prosesong ito nagaganap ang
iba’t ibang diyalogo mula sa iba’t ibang sektor panlipunan na naaapektohan ng isyu.
Sa panig naman ng Simbahang Katoliko, nagkaroon din ng triangulation upang
masuri ang ugnayan ng iba’t ibang makinerya ng Parokya sapagkat mayroong mga
komite na responsible sa usaping pangkapaligiran, sa pangangampanya sa pagtutol sa
pagmimina at sa pagdulog sa pambansang pamahalaan bilang bahagi ng proseso ng
pagla-lobby. Kabilang nga dito ang mga miyembro ng parokyang kinatawan ng mga
nasabing komite na sina Fr. Bong Imperial, Rev. Fr. Alex Jerus at Msgr. Arturo Bastes.
32
Gamit ang triangulation, mas masusing naanalisa ang sistema ng ugnayan ng
Simbahan at ng pamahalaan. Dito nakita kung nagkakaroon ng kooperasyon o kaya
nama’y tensyon sa pagitan ng dalawang institusyon sa pagdedesisyon ukol sa nasabing
pagmimina.
33
CHAPTER III
MGA KAUGNAY NA LITERATURA
Ang usapin ng pagmimina ay hindi lamang tinatalakay sa Pilipinas. Ito ay isang
isyung binibigyang diin halos sa bawat bansa sa buong mundo. Sa ulat noong 2009,
tinatayang mayroong 71 na bansa ang nakikilahok sa industriya ng pagmimina. Sa 71
na bansang ito, sinabing ang Pilipinas ay pang-61 sa mga bansang binibigyang halaga
ang seguridad ng taumbayan sa pagpapahintulot ng pagmimina. Naiulat din na 24, 000
taun-taon ang namamatay dahil sa polusyon dulot ng pagmimina. (The DeSmog
Project, Rainforest Action Network and Greenpeace USA, 2009) Isang komponyente pa
lamang ito ng mga banta ng pagmimina, hindi pa kasama ang mga isyu tulad ng
paglabag sa karapatang pantao sa porma ng “extra-judicial killings” sa mga
sumasalungat sa pagpapahintulot ng pagmimina. Itinayang sa 27 na namatay dulot ng
extra-judicial killings sa unang parte ng 2007, 16 sa mga ito ay tinatawag na “anti-
mining activists” o ang mga aktibistang tumututol laban sa pagmimina. (Mines and Geo-
Sciences Bureau, 2011)
Ang proseso ng pagpapasya ng lokal na pamahalaan sa pagpapahintulot ng
pagmimina sa bayan ang isa sa pinakamahalagang usapin sa pagmimina sa kabuuan.
Sa pagdedesisyong ito nakasaad ang maraming aspeto ng pulitikal at ekonomikal na
karakter ng pagmimina. Kabilang dito ang pakikilahok ng iba’t ibang organisasyon at
institusyong labas sa biyurokrasiya ng pamahalaan sa pagsasagawa o pagtatakda ng
mga pampublikong polisiya.
ANG SIMBAHANG KATOLIKO SA PILIPINAS AT ANG PROSESO NG
PAGSASAGAWA NG DESISYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN UKOL SA
PAGMIMINA
Ang pagsasagawa ng polisiya ay isang daynamikong proseso. Sa bawat yugto
nito, maraming mga aspeto o salik ang pumapasok na makaaapekto sa batas o
polisiyang ilalatag. Sa yugtong tinatawag na “Areas of Intervention” o yaong parte ng
proseso ng pagsasagawa ng polisiya kung saan pumapasok at patuloy na dumadaloy
ang iba’t ibang boses mula sa iba’t ibang aktor panlipunan sa labas ng institusyon ng
34
pamahalaan. At dito pumapasok ang impluwensya ng Simbahang Katoliko bilang isang
institusyong “extra-governmental” o nasa labas ng huridikatura ng pamahalaan (Third
World Studies Center, 1994)..
Ang yugtong ito kung saan pumapasok ang Simbahang Katoliko at iba’t ibang
aktor panlipunan o yaong yugtong nagbubukas ng pinto para sa interbensyon o
pakikilahok ng iba’t ibang sektor panlipunan sa pagsasagawa ng polisiya o desisyong
pampubliko, ayon kay January Tarnate Cinco sa kanyang pag-aaral ukol sa
Impluwensya ng Simbahang Katoliko sa pagsasagawa ng lehislatibong mga desisyon,
ay may tatlo pang yugto: Personal, Committee at Conference-Committee. Pumapasok
ang Simbahan sa una at pangalawang yugto. (Cinco, 2006).
Ang Personal na Lebel ay ang yugto kung saan ginagamit ang iba’t ibang paraan
ng pagkokomunika o komunikasyon na nasa porma ng pagpepresenta ng position
papers, mga pag-aaral ukol sa pagsasagawa ng polisiya, at opisyal na pahayag (official
statements). (Cinco, 2006)
OFFICIAL STATEMENTS
Kaugnay ng naunang pahayag, noong Pebrero, 1998, naglabas ng opisyal na pahayag
ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na nagdidiin ng pagbabasura ng
Philippine Mining Act of 1995 (7942). At noon ding 2008, naglabas muli ang CBCP ng
parehong pahayag laban sa Mining Revitalization Program ng dating Pangulong Gloria
Arroyo na nagpahintulot ng pagpasok ng malakihang pagmimina (TNCs) na nakaapekto
sa 17 biodiversity areas, 35 national conservatory priority areas, at 32 national
integrated protected areas. (CBCP Online, 2008). Sinagot naman ito ng Mines and
Geo-Sciences Bureau at ng Department of Energy and Natural Resources sakanilang
pahayag na MGB, DENR STATEMENT RE: THE CBCP’s CALL FOR THE REPEAL OF
THE MINING ACT (2008), sinabi dito na nagging mahalaga ang tindig ng Simbahang
Katoliko ukol sa pagmimina. Nakatulong ito sa pagsusuri ng mga mambabatas sa mga
polisiyang may kaugnayan sa pagpapahintulot ng pagmimina sa bansa. (MGB – DENR,
2008).
35
Maaaring may kaugnayan din dito ang tindig ng CBCP laban sa pagpapasa ng
Divorce Bill sa position paper nitong pinamagatang “No to Divorce: A Distinction for
PH”. (CBCP News, 2011). Inilahad dito ang pagtutol ng Simbahang Katoliko sa
pagsasabatas ng Divorce Bill. At noon ngang Hunyo, 2011, nagkaroon ng
pagkakataong magkaharap ang mga may akda ng nasabing panukala at ang lider ng
Simbahang Katoliko kasama ang mga miyembro nito sa isang debate ng ABS-CBN na
pinamagatang HARAPAN. Sa programa ding iyon ay nagkaroon ng online na pagboto
(text at internet) kung saan matapos ang programa, 539 ang pabor sa panukala at 659
naman ang kontra dito. (Rodriguez, 2011).
Sa personal na lebel din ng pagsasagawa ng pampublikong polisiya naihahayag
ng Simbahang Katoliko ang tindig nito laban sa mga inilalatag na mga batas sa
Kongreso. (Circo, 2006). Ito ay sa pamamagitan ng masang mobilisasyon,
demonstrasyon o picket, signature campaigns at paggamit ng mga administratibong
mekanismo tulad ng initiative and referendum.
SIGNATURE CAMPAIGNS
Noong Marso 2011, nakapagkalap ng 10 M lagda ang Simbahang Katoliko
upang tutulan ang pagmimina sa Palawan, sa pangunguna ni Bishop Pedro Arigo ng
Puerto Princesa. Nagsimula ang kampanya matapos piñata ang isang mining advocate
na si Gerardo Ortega. Bahagi ang nasabing kampanya ng Save Palawan Movement.
Nang naipaabot ang nasabing kampanya sa CBCP kaagad na sinuportahan ito ng
Manila City Council. Ito ang nagging daan upang maipaabot na ito sa Pangulong
Aquino. Matapos ang nasabing aksyon, agad na ipinatigil ng Pangulo ang
pagpoproseso ng 300 na aplikasyon upang makapagmina sa bansa kasama na ang
350 pang aplikasyon ng pagmimina sa Palawan. (Uy, 2011).
MASS DEMONSTRATIONS
Sa Rapu-Rapu Albay, 15,000 na mga raliyista ang namobilisa ng Simbahang
Katoliko o ang St Florentina Parish, karamihan ay mga etudyante, ang nagmartsa sa
nasabing probinsya upang tutulan ang muling pagbubukas ng operasyon ng pagmimina
36
ng Lafayette Philippines Inc. Tinawag nila itong “Black Tuesday”. Inorganisa ang
nasabing protesta ng CBCP-Bicol Chapter. (Barcia, 2007).
PICKETS
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang kampanya ng Simbahang Katoliko upang
unti-unting mabawasan, kung hindi man ay tuluyang mawala ang pagmimina sa bansa.
Noong Oktubre 2010, naglabas ng manipesto ang Priests, Sisters and Lay (PSL)
assembly of the diocese of Pagadian upang suportahan ang mga lokal na residente
(Subanen) sa pagpipiket ng mga ito laban sa pagsasagawa ng paghuhukay ng yamang
mineral sa Mt. Pinukis, Midsalip Zamboanga del Sur ng Construction and Drilling
Specialists, Inc. (CDSI) El Salvador, kung saan isa nanamang Ancestral Land ang
maaapektohan. Sinabi dito sa manifesto na ang pagmiminang ginagawa sa Pinukis
Mountain ay porma ng pagsuway sa utos ng Diyos sa pangangaalaga ng kalikasan.
(www.cbcpnews.com)
Dalawang magkasunod na piket ang isinagawa sa magkasunod na araw at sa
mga gabi ng nasabing aktibidad ay pinangunahan ng PSL ang vigil upang maipakita sa
lokal na pamahalaan ang panganib na maidudulot ng nasabing operasyon. Sa pahayag
ng lider ng mga kababaihang Subanen na si Manuelita Patinio, na sa paglakas ng
suporta ng Simbahan, mas lumalakas din ang laban nila. Pinatunayan din ni Paulino
Alecha, isang residente, na noong 1987, sa pamamagitan ng matinding pagtutol ng
Simbahang Katoliko, ay naitigil ang operasyon ng iligal na pagputol ng puno sa
nasabing lugar.
Sa kabilang banda, ang Committee Level naman ay ang yugto kung saan
naipasa na ang panukalang batas sa kamara na responsible sa pagsusuri ng nasabing
panukala, at naisumite na sa komite upang sa mas malalim na pag-aaral nito at sa
pagbibigay ng mga rekomendasyon. Sa yugtong ito nagaganap ang Deliberation o
deliberasyon o ang pag-uusap-usap ng mga “interest groups” kung saan ayon sa Third
World Studies Center ay mas matagumpay ang pag-iimpluwensya ng Simbahang
Katoliko. (Third World Studies Center, 1994). Ayon pa sa nasabing batis, dito nagiging
37
“resource persons” ang Simbahan kung kaya mas malalim nilang naipaaabot ang
interes nila at ang sentimyento ng myembro ng kanilang grupo.
OTHER POLICY INSTRUMENTS
Sinabi din ni Circo (2006) sa kanyang pag-aaral na may iba pang pamamaraan
kung paano nakaiimpluwensya ang Simbahan sa pagdedesisyon ng pamahalaan ukol
sa iba’t ibang usaping panlipunan lalung lalo na ukol sa pagmimina. Binanggit niya ang
“Media Networks” tulad ng radio. Ginagamit ng Simbahan ang mga instrumentong ito
upang ipalaganap ang kanilang tindig hinggil sa mga isyu na kinakaharap ng lipunan.
(Circo, 2006.)
Ayon sa datos ng Center for Media Freedom and Responsibility (2011), may
naitalang 28 AM stations sa Pilipinas simula noong 1983 ang kontrolado ng Simbahang
Katoliko. Sa datos naman ni Tarnate, noong 1990s, mayroon namang 16 istasyon ng
radyo ang hawak ng Simbahang Katoliko. Binanggit ng Center for Media Freedom and
Responsibility sa isang pag-aaral ang naging gampanin ng mga istasyong
pinanghahawakan ng Simbahang Katoliko sa pulitika ng bansa. Ayon dito, kung sa
kasalukuyan, mayroong 61.8 milyong katoliko (81%) sa 76.3 na populasyon ng bansa
(2000 Census), mas higit pa dito noong 1986 EDSA Revolution. Kumpara ngayon,
halos 83% ng kabuuang 60.5 milyong populasyon sa Pilipinas ang miyembro ng
Simbahang Katoliko. At ayon nga sa Center for Media Freedom and Responsibility,
malaki ang gampanin ng istasyon ng radyo na hawak ng Simbahang Katoliko dito.
Sinabing simula noong ibinalita ng Radio Veritas ang asasinasyon ng dating Senador
na si Benigno Aquino Jr., nakilala ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa larangan
ng pulitika. Malaki rin ang naiambag ng nasabing radyo sa pagmomobolisa ng libu-
libong mamamayan upang patalsikin ang Dating Pangulong Ferdinand Marcos. (Center
for Media Freedom and Responsibility, 2011).
Sa General Santos City, isang istasyon ng radyo ang nagpapamahayag ng isyu
ng pagmimina, ang DXCP na kontrolado ng Diocese of Marbel. Ang nasabing istasyon
ay naririnig din sa Sarangani, South Cotabato at mga probinsya sa Sultan Kudarat. Ang
38
nasabing istasyon ay miyembro ng Catholic Media Network (CMN) na sumasaklaw sa
54 pang istasyon at 3 programa sa telebisyon , karamahina ditto ay nasa katimugan.
(Agenzia Fides, 2009). Ang nasabing istasyon ay halos may 3 mamamahayag na ang
naitalang pinaslang sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Arroyo.
(Antonio Zumel Center for Press Freedom, 2009).
Ipinapakita ng kasong ito na ang Simbahan ay may kapasidad na hulmahin ang
isang adbokasiya mula sa isang maliit na usap-usapan tungo sa isang malaki at
seryosong isyu dahil sa kakayahan nitong mangalap ng “networks” o iyong mga grupo
na may malaking maiaambag sa nasabing adbokasiya. Dito napatunayan din ang
abilidad ng simbahan na impluwensyahan, kung hindi ay baguhin ang isang
pambansang polisiya. Sa termino ni Spalding (2010), tinawag nya itong “agglutinative
capacity”.
ANG “MORAL APPROACH” ng Simbahang Katoliko sa Proseso ng
Pagdedesisyon ng Pamahalaan
“Shock-and-awe” Policy
Gumagamit ng “shock-and-awe” na patakaran ang Simbahang Katoliko sa pag-
oorganisa ng mga miyembro nito. Ang mekansimong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng hindi pagpapahintulot ng komunyon, kasal, kompirmasyon at iba pang
sakramento ng Simbahan sa mga pagkakataong lumabag sa doktrina o sa mga
prinsipyo ng Simbahan ang sino mang miyembro nito. Pinapanatili ng ganitong sistema
ang suporta ng mga miyembro sa mga utos at programa ng Simbahan. (Herrera, 2006).
Kung ilalagay ito sa konteksto ng pulitika, sinasabing mayroon itong dalawang
anyo: pansamantala (temporal) at ispiritwal. Ang temporal na aspeto ay tumutukoy sa
mga “political recalcitrants” o yaong mga politiko na “sutil” o hindi sumusunod sa mga
doktrina ng Simbahang Katoliko lalung-lalo na kung hindi ito nakikiayon sa tindig ng
Simbahan hinggil sa mga usaping kontrobersyal. Sa ganitong kaso, napipilitan silang
suportahan ang interes ng Simbahan upang anihin bilang kapalit, ang suporta nito sa
eleksyon. (Panganiban,1956).
39
Isang halimbawa ay ang pagkondena ng Simbahang Katoliko kay Dating Health
Secretary Juan Flavier dahil sa pagsusulong nito ng family planning program ng
pamahalaan. Binalaan ni Father Steve dela Torre si Flavier sa pamamagitan ng
pagpapaalala ng pagkatalo ng dati rin Health Secretary na si Alfredo Bengzon sa
halalan na sumuporta rin sa parehong programa. At noong 2001 naman kinondena ng
Simbahan ang nagging aksyon ni Rep. Bellaflor Angara-Castillo ng Probinsya ng Aurora
sa pagsuporta ng Divorce Bill at Women’s Reproductive Health Right. Pinaratangan ng
Simbahan Si Angara-Castillo bilang isang Kontra-Diyos at Kontra-Simbahang Katoliko.
(Tarnate, 2007).
CATHOLIC VOTE : “Basbas ng Simbahang Katoliko”
Ang “Catholic Vote” ay hindi tumutukoy sa boto ng Arsobispo, Obispo, o Pari,
bagkus, ito ay ang boto na ipinataw ng Simbahan kasama ang mga mamamayang
miyembro nito, sa isang kandidato. Ang ganitong mekanismo ang nagsisigurado ng
parehong suporta ng dalawang partido, na kapag nanalo ang pulitiko, mas magiging
mabilis ang pagtutulak ng interes ng Simbahan sa mga lehislatibo at administratibong
usapin bilang pagkilala ng pulitiko/mga pulitiko sa suportang ibinigay ng Pamahalaan.
(Parede, 1955).
Sa makatuwid, ang Simbahang Katoliko ay isang maimpluwensyang institusyon.
Ito ay may pulitikal na gampanin upang kilatisin ang mga patakaran ng pamahalaan
ukol sa mga usaping Panlipunan, lalung-lalo na sa isyu ng pagmimina. (Hookaway,
2009)
40
CHAPTER IV
ANALYTIC FRAMEWORK
Sa pag-aaral ng interaksyon ng Simbahan at Pamahalaan, hindi maiwawaglit
ang konsepto ng labanan o “conflict” sa pagitan ng dalawang institusyon. Ang labanan
o “conflict” na ito ay bunga ng hindi magkakatugmang layunin at interes sa pagitan ng
dalawang panig. Samakatuwid, sa dinamikong interaksyon na ito, ay maraming pang
konsepto ang pumapasok lalung-lalo na kung susuriin ito sa konteksto ng pagsasagawa
ng pampublikong polisiya.
Madalas na kinikwestyon ang ligalidad ng pakikilahok ng Simbahan sa mga
lehislatibong gawain ng pamahalaan. Nakatala nga sa 1987 Constitution ng Pilipinas
ang tinatawag na Non-Establishment Clause patungkol sa limitasyon ng ugnayan ng
dalawang institusyon. Ayon dito: “A state cannot set up a church; nor pass laws which
aid one religion, aid all religion, or prefer one religion over another nor force nor
influence a person to go to or remain away from church against his will or force him to
profess a belief or disbelief in any religion; that the state cannot punish a person for
entertaining or professing religious beliefs or disbeliefs, for church attendance or non-
attendance; that no tax in any amount, large or small, can be levied to support any
religious activity or institution whatever they may be called or whatever form they may
adopt to teach or participate in the affairs of any religious organization or group and
vice-versa.” (Tirona, 2002). Samakatuwid, inilalahad nito na kinakailangang maging
niyutral ng estado, iyong walang kinikilingan.
Mayroong tatlong basehan ng pagtatakda ng relasyon na mga nasabing
institusyon ayon kay William Tribe. Una, upang protektahan ang Simbahan laban sa
Estado (Pamahalaan). Ikalawa, upang pangalagaan ang kapakanan ng Estado laban sa
Simbahan. At pang-huli, upang hayaan ang dalawang institusyon na makapagpasya ng
relasyong nais nila. (Cinco, 2006). Sinuportahan naman ito ni Paul Weber sa kanyang
konsepto na “separatism” kung saan may iprinisenta siyang dalawang kondisyon: “non-
involvement” at “non-entanglement.” Ang “non-involvement” ayon kay Weber ay ang
nagdidikta ng hindi pakikialam ng dalawang institusyon sa gawain ng bawat isa. Ang
41
“non-entanglement” naman ay nagsasabing pwedeng magkaroon ng ugnayan ang
dalawa ngunit hindi sila tuluyang magkakabit, at maaari pa ring magasagawa ng kanya-
kanyang mga tungkulin. Subalit biniyang diin nya ang pantay na paghihiwalay o “equal
separation” ng Simbahan at ng Pamahalaan.
Tinalakay nga sa konsepto ng “pressure politics” ang dinamikong interaksyon
ng pampulitikal at ekonomikong ineteres ng Simbahan sa pakikilahok nito sa proseso
ng pagdedesisyon. Dito rin kinikilala ang Simbahan bilang isang institusyon na may
panlipunan at moral na tungkulin.
Ang pulitikal na interes ng Simbahan ay sinasalamin ng panlipunan at moral
tungkulin nito. Subalit kelan nga ba nagkakaroon ng tungkulin o bahagi ang Simbahan
sa usapin ng pagsasaayos ng lipunan?
Ayon kay Victor Frankl,isang sikologo, “politics and religion are the last elements
of culture to which a person clings, when all else is denied.” Samakatuwid, kung wala
nang ibang makakapitan sa oras na mangailangan ang mga mamamayan, dalawang
institusyon lamang ang maaaring makatulong sa taumbayan: ang pamahalaan at ang
simbahan. Alinsunod dito ang pahayag naman ng isang alagad ng Simbahang Katoliko
na si St. Thomas Aquinas, “while the monarch has the full power to execute the laws,
the Pope, as spiritual authority, has a right to determine whether the monarch has
behaved morally in the execution of his political duties.” Ayon dito, bahagi ng moral na
awtoridad ng Simbahan ang kondenahin ang Pamahalaan sa panahong hindi nito
ginagawa ng maayos ang tungkulin nitong pangalagaan ang kapakanan ng mga
mamamayan. Dito papasok ang konsepto ng Social Order.
Sakop dito ang usapin ng 1) pag-aahon sa mga mamamayan mula sa kahirapan,
kamang-mangan at pagkakasakit 2) pagseseguro na may bahaging natatanggap ang
mga mamamayan sa mga benepisyong nakalaan sa lipunan at 3) pagpapaunlad sa
moral na karakter ng taumbayan. Sa kabuuan, ito ang bumubuo sa konsepto ng
Simbahan na Common Good o pangkalahatang kaayusan.
Sinabi ni Wilfredo Fabros sa kanyang akdang The Church and Its Social
Involvement in the Philippines, “The hierarchy preached that it was a Christian duty to
42
break the silence of the silent majority when injustice as committed and when those in
public office failed in their obligations.” Ang Simbahan bilang isang institusyon ay may
karapatang sigurohin na ginagampanan ng Pamahalaan ang tungulin nitong isaayos
ang kalagayan ng kanyang mga nasasakupan.
Ngayon, paano matutugnan ng Simbahang Katoliko ang mga prinsipyo nito kung
pag-uusapan ang kanyang impluwensya sa proseso ng pagdedesisyon ng
pamahalaan?
Ang proseso ng pagdedesisyon ng pamahalaan ay ang prosesong isinasagawa
sa pagtatalakay at pagpapasa ng mga panukala at batas. Sa Pilipinas ang prosesong
ito ay binubuo ng 1) Preliminary Procedures 2) Introduction of Bills 3) Committee
Hearings 4) Committee Reports 5) Consideration of and Debates on Bills 6) Conference
Committee Action at 6) Final Legislative Action.
Sa proseso ng pagdedesisyon kung saan nagaganap ang mga pag-uusap ukol
sa kung anong mga batas ang ipapatupad, malakas ang impluwensya ng Simbahan
upang mailahad nito ang layuning baguhin, kung hindi man, ay ibasura ang batas ukol
sa pagmimina o ang Philippine Mining Act of 1995. Ang Area of Intervention ay isang
yugto sa lehislatibong proseso kung saan bukas ang pinto upang makapaghayag ang
iba’t ibang sektor ng lipunan ng kani-kanilang mga sentimyento upang makapag-ambag
sa proseso ng pagdedesisyon. Isa itong larawan kung saan makikita ang iba’t ibang
interes mula sa iba’t ibang institusyon sa loob at labas ng pamahalaan. Ang
impluwensya ng Simbahang Katoliko sa lebel na ito ay may tatlong yugto: Personal,
Committee at Conference-Committee. Pumapasok ang Simbahan sa una at
pangalawang yugto kung saan ginagamit ng simbahan ang mga instrumento tulad ng
“opisyal na pahayag” (official statements), mass demonstrations, signature campaigns,
pickets at social networks tulad ng midya. Subalit mas matingkad ang impluwensya nito
sa pangalawang yugto o yaong committee level kung saan nagpapartisipa ito sa
mismong proseso ng pagdedesisyon bilang “resource persons” ng komunidad o masa
na tinatawag na “grassroots.” Kabilang din dito ay ang pagsuporta at pag-endorso ng
Simbahan ng mga kandidato sa eleksyon upang magkaroon ng impluwensya sa
lehislatibo at administratibong aspeto ng pulitika.(Cinco, 2006).
43
Hinuhugot ng Simbahan ang impluwensya at awtoridad nito sa mismong karakter
nito bilang institusyon. Ang “hierarchical” na istruktura ng Simbahan at ang pormal na
linya ng awtoridad ang mga katangian na nagbibigay sa Simbahan ng isa sa may
pinakamalakas na impluwensya sa pagmomobilisa ng taong bayan at sa pag-
iimpluwensya sa pagpapasya ng pamahalaan. Ang tinatawag na “Apostolic Succession”
ang manipestasyon ng istrukturang ito. Nagsisimula ang sinasabing “succession” sa
Pope o Santo Papa, College of Bishop, Laity, College of Cardinals, Episcopal
Conferences (National Conferences of Bishops), Synods of Bishops at Brothers and
Nuns. Dahil sa organisasyong ito, nagkakaroon ng mas matatag na mekanismo ang
Simbahan upang maging aktibo sa mga gawaing panrelihiyon at panlipunan. Ito ang
nagiging daan upang mas malawak pa ang impluwensya nito.
Ang pagtatalakay sa isyung ito ay nakakonteksto sa sinasabing “pluralismo” na
nagpapaliwanag na ang tungkuling maghayag ng desisyon ukol sa usaping panlipunan
ay hindi nakasentralisa sa pamahalaan mismo, bagkus, ito ay isang espasyo kung saan
maraming grupo ang humuhubog sa desisyon pangunahin ang Simbahang Katoliko.
Ayon sa teoryang ito, ang sambayanan ay nangangailangan ng isang kinatawan
na hindi nanggagaling sa isang partido-pulitikal sapagkat ang ganitong uri ng
kolaborasyon ay sumasalamin ng tiraniya o tumutulak lamang ng pansariling interes.
Bagkus, naniniwala ang mga teyoretistang ito sa kahalagahan ng “interest group
system” o sistema ng representasyon. Ang representasyong ito ay hindi lamang
matatagpuan sa mga instisusyon ng pamahalaan kung hindi sa iba’t ibang “access
points.” Sa mga puntong ito pumapasok ang iba’t ibang grupng panlipunan sa proseso
ng pagdedesisyon.
Ang mga grupong nakikilahok sa prosesong ito ay bumabalikat ng malalawak at
“inclusive” na interes – ekonomiko, panlipunan, panrelihiyon at pulitikal – hindi lamang
iisa. Samakatuwid, mayroong balanseng representasyon ng lahat ng sektor panlipunan.
Sa teoryang ito pinatutunayan na ang Simbahang Katoliko bilang istruktura, ay
nagiging instrumento upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong
44
mamamayan na makialam sa pagpapasya o pagsasagawa ng pampublikong desisyon
ng pamahalaan.
Systems Theory
Sinasabi lang ng Systems Theory na ang isang pulitikal na sistema ay binubuo
ng isang siklikal na proseso. Ang prosesong ito ay may iba’t ibang yugto na kung saan
ang kasalukuyang pulitikal na kondisyon na binubuo ng mga batas at mga polisiya ay
siyang produkto ng mga interaksyon sa sistemang pulitikal. Ang interaksyong ito ay
nasa porma ng negosasyon sa loob at labas ng pulitikal na sistema. Ang mga
desisyong nabuo matapos ang mga negosasyon ay muling magbubunga ng mga
panibagong kondisyon na kung saan maaring may mga aktor na muling susuporta sa
mga panibagong kondisyong ito bilang mga bagong adhikain, adbokasiya o saloobin na
siyang muling ipoproseso sa pulitikal na sistema. Nakasaad din sa teyoryang ito na ang
mga yugto ay mayroong tiyak na hangganan subalit ang buong sistemang ito ay
binubuo ng mga dinamikong proseso ng pagdedesisyon.
45
Paliwanag sa mga Termino
IMPLUWENSYA (Influence)
Mahalaga ang impluwensya sa larong ito. Ang impluwensya, bilang pulitikal na
kakayahan ng indibidwal na maapektohan ang desisyon ng kapwa indibidwal.
LEHISLATIBONG PROSESO (Legislative Process)
Ang impluwensya ay nakapaloob sa mekanismo ng sinasabing “laro” o ang
lehislatibong proseso o “legislative process”. Ang lehislatibong prosesong ito ay ang
prosesong isinasagawa ng pamahalaan sa pagtatalakay at pagpapasa ng mga
panukala at batas. Sa Pilipinas ang prosesong ito ay binubuo ng 1) Preliminary
Procedures 2) Introduction of Bills 3) Committee Hearings 4) Committee Reports 5)
Consideration of and Debates on Bills 6) Conference Committee Action at 6) Final
Legislative Action.
PAMPUBLIKONG POLISIYA (Public Policy)
Ito ang ibinubunga ng tunggalian sa nasabing laro. Ang pampublikong polisiya
ayon kay Thomas Dye ay ang mga pagpapasya ng pamahalaan kung saan may
pagtatangi sa mga prosesong nais nitong tahakin at ang pagbabalewala sa mga di
papabor sa interes nito, “what government chooses to do and what government selects
to ignore.” (Barbados, 2007).
SIMBAHAN (Church)
Ang simbahan, sa pulitikal na konteksto ay ipinaliwanag na isang
institusyonalisadong relihiyon na may kaakibat na pulitikal at panlipunang tungkulin.
(Oxford, 2011). Isa ito sa mga manlalaro sa “sinasabing” laro o tunggalian sa Theory of
Conflict of Interest.
LOKAL NA AWTONOMIYA (Local Autonomy)
Ang konseptong ito ay nakabase sa ideya ni Bentham ukol sa dalawang
prinsipyo ng kapangyarihan. Una, iyong kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na
46
mamahala malayo sa pagsisiyasat ng estado. Pangalawa ay ang kapangyarihan ng
mga lokal na opisyal na maglatag ng mga batas upang pamahalaan ang mga residente
dito. Ito ay nakapaloob sa sinasabing Theory of Local Autonomy. (Clark, 1984)
PANANAGUTAN (Accountability)
Ang konseptong ito ay mayroong dalawang porma: vertical at horizontal. Ang
una ay tumutukoy sa relasyon ng estado at ng mga mamamayan. Ang huli ay patungkol
naman sa “checks and balance” na nakapaloob sa estado. (Fox, 2000) Sa kabuuan, ito
ay ang pagkilala ng pamahalaan sa mga tungkulin nito sa mga mamamayan sa
pamamagitan ng pagsisiguro sa mga karapatan at pangangailangan ng mga
pinapamahalaan nito.
47
CHAPTER V
ETHICS
Mahalaga ang etika sa panlipunang pananaliksik. Ito ang pamantayang moral na
gumagabay sa mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral sa lehitimo, responsible
at makataong pamamaraan. Kaagapay nito ang pagkilala sa prinsipyo ng panlipunang
obligasyon na pangibabawin ang benepisyong pangkalahatan.
Alinsunod sa etikang ito, tiniyak ng mananaliksik sa isinagawang pag-aaral ang
pagsunod sa moral na rekisito ng responsableng pananaliksik. Kinilala ang maayos na
relasyon sa pagitan ng mananaliksik at mga katugon o mga kapanayam sa
pamamagitan ng pagsunod sa etikal na panuntunan ukol sa responsableng etika: 1)
walang pagsasamantala at walang pangigipit 2) pagsuri sa hindi magandang mga
kahihinatnan 3) pagseseguro sa pagiging pribado, kompidensyal at anonimo ng mga
datos at kakapanayamin 4) pagpapangibabaw ng pangkalahatang kagalingan ng
pamayanan 5) kooperasyon 6) pahintulot ng mga kinapanayam 7) paglahad ng
personal na impormasyon ukol mananaliksik.
Sa pakikipanayam ng mananaliksik gamit ang Key Informant Interview, may
kasiguruhang walang pananamantala at panggigipit sa panig ng mga katugon. Kaakibat
nito ang pag-iwas sa pisikal, sikolohikal at legal na panganib sa proseso ng
pangangalap ng datos. Kasunod nito ay ang pagsuri sa mga potensyal na negatibong
kahihinatnan ng panayam hindi lamang pinsala sa mga taong kakapanayamin kundi
pati na rin mismo sa mananaliksik.
Ang pagseguro sa pagiging pribado, kompidensyal at anonimo ng mga datos at
kinapanayam ay tiniyak. Kahalili nito ang pagsasapribado ng mga pangalan ng mga
taong lumahok sa panayam upang maisakatuparan ang maayos at ligtas na daloy ng
pananaliksik. Kinilala din ng mananaliksik ang pangkalahatang kagalingan ng
pamayanan. Dito papasok ang paghahayag ng mga benepisyong matatamo ng
pamayanan sa isinagawang pag-aaral. Tiniyak dito na ang layunin ng pag-aaral ay para
sa kapakanan ng lipunan.
48
Nagkaroon din ng kooperasyon upang maisakatuparan ang maayos na daloy ng
mahahalagang impormasyong mariing nakatulong sa pag-aaral. Kasama dito ang
balidasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga nakalap na datos sa mga taong
naging parte ng pag-aaral upang makumpirma ang katibayan ng pag-aaral. Isa sa mga
mahahalagang pundasyon ng responsableng pananaliksik ay ang paghingi ng
pahintulot o “free, prior and informed consent (FPIC)” sa mga kakapanayaming
indibidwal. Ang mananaliksik ay naglahad ng FPIC upang matiyak ang pagpapahintulot
ng walang panggigipit sa mga taong nagbahagi ng mga kinailangang datos. Agad
namang kinumpirma ng mga kakapanayamin ang kanilang pagpapahintulot sa
gagawing interbyu.
Ang FPIC ay nakabase sa pamantayang ipinaliwanag ni Neuman sa kanyang
librong “Basics of Social Research” ikalawang edisyon. Kaakibat ng FPIC ay ang
paglahad din ng personal na impormasyon ng mananaliksik.
Ang mga pamantayang nabanggit ang nagpatunay ng lehitimo, responsible at
makataong pananaliksik na nais makamit sa pag-aaral na ito. Dito masasalamin ang
responsableng pananaliksik na nakatuon sa pagpapaunlad ng pamayanang at ng
lipunan sa kabuuan.
49
CHAPTER VI
RESULTS
Katangian ng Pagmimina sa Balocawe, Matnog
Ayon sa mga nakapanayam, ang isinagawang operasyon ng pagmimina ng
Antones Corporation, isang dayuhang kumpanya, sa bayan ng Balocawe ay
masasabing 1) hindi sustenable, 2) malakihan at 3) open-pit. Kahit naipasara na ito ay
mayroon pa raw nagbabadyang panganib sapagkat nakatambak lamang ang mga
kagamitan lalo na ang mga ores na ginamit ng kompanya. Kaya, ayon sa Simbahang
Katoliko, nilabag ng nasabing kompanya ang mga panuntunang nakasaad sa
batas.
Epekto ng nasabing Operasyon
Nabanggit ng mga lokal na opisyal na ang pag-andar ng operasyon sa nasabin
bayan ay nadulot ng maayos na epektong pang-ekonomiya. Nariyan ang benepisyo ng
buwis kung saan 40% ang napakinabangan ng Barangay at 30% naman ay napunta sa
lokal napamahalaan. Dahil dito, tumaas ang rebenyu o kita ng lokal na pamahalaan. Isa
sa tatlong opisyal na nakapanayam ay pabor sa nasabing operasyon. Subalit dalawa sa
kanila, kaagapay ng Simbahang Katoliko at ng mga residente ay maigting na tumututol
kaugnay ng mga pinsalang pangkalikasang naidulot nito. Malaki ang naging epekto nito
sa tubig na inumin at patubig sa palay sa coastal areas. Maraming Barangay din ang
Fig. 4 Mining Site sa Brgy. Balocawe, Matnog
Sorsogon
50
pektado tulad ng Manjumlad, Sulangan, Naburacan at ang Balocawe. Naapektohan din
ang forest o watershed ng Matnog na nagsisilbing pang-akit sa mga turista. Dagdag pa
dito, nadamay din ang mga produktong agrikultural tulad ng copra.
Mga Proseso at Batas na Sinusunod ng Lokal na Pamahalaan sa Pagpapahintulot
ng Pagmimina
Ayon sa Mayor ng Bayan, nangangailangan ng masidhing pag-aaral ng
Provincial Mining and Regulatory Board ang magaganap na operasyon. Matapos
masuri, iiindorso nito sa Pamahalaang Panlalawigan. Matapos nito, mag-iisyu ng permit
ang Gobernador na nagpapahintulot ng pagmimina at iisyuhan naman ng business
permit ng lokal na pamahalaan. Subalit ang nasabing operasyon ay walang permit mula
sa administrasyon kung kaya’t nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan upang
ihinto an operasyon at mapag-usapan ng masinsinan ang mga aksyong isasagawa.
Mga isyung kinaharap ng Lokal na Pamahalaan
Ang pagtutol mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad ang pinakamabigat na
naging alalahanin ng lokal na pamahalaan. Kaakibat din nito ang posibleng panganib
sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan. Ang isyu din ng “lagay” kung saan
tumatanggap ng suhol ang mg aopisyales.
Mga Grupong Maigting na Lumaban sa Pagmimina
Ayon sa mga nakapanayam na opisyal, kasama sa civil society groups,
“concerned citizens”, estudyante, guro, magsasaka ang Simbahang Katoliko na siyang
namuno sa paglunsad ng kabi-kabilaang protesta upang tuluyang mapatigil ang
pagmimina. Dahil sa ALMMA o Alyansa Tigil Mina sa Matnog na binuo ng parokya ng
Matnog, naidaos ang Public Hearing upang mapag-usapan kasama ng mga residente
ang gagawing desisyon. Sa bandang huli, nagpasya ang lokal na pamahalaan na
huwag nang mag-isyu ng permit.
Tindig ng Simbahang Katoliko sa Pagmimina sa Matnog
51
Hindi tumututol ang Simbahan sa pagmimina mismo sapagkat naniniwala sila na
isa itong esensyal na aspetong pang-ekoomiya. Sa halip, kinokondena nila ang
“proseso” ng pagmimina sa kadahilanang ito ay hindi sustenable, malakihan, open-pit at
export-oriented. Ang nais ng simbahan ay sustenable at papabor sa interes ng
mamamayan.
Mga Hakbangin o Pamamaraan ng Simbahan sa Pagpapaabot sa Pamahalaan ng
Tindig nito sa anumang usaping panlipunan/ “Educate, Organize, Mobilize”
Ayon kay Fr. Michael Imperial, ang Simbahang Katoliko ay may anim na
pamamaraan upang maimpluwensyahan ang pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan.
Una dito ay ang IEC o Information Education Campaign o ang pagtuturo sa tao na
maging kritikal at magkaroon ng “informed decisions” sa pamamagitan ng Homily at
Church-based organizations. Pangalawa ay ang Open Participation kung saan
nagsasagawa ito ng mga kilos protesta. Pangatlo naman ay ang Lehislatibong Proseso
o “Lobbying”. Isinasagawa ito upang magkaroon ng makataong mga polisiya sa lokal
man o pambansang lebel sa pamamaitan ng pagkakaroon ng “devout catholics” na
miyembro din ng lokal na burokrasya na maaaring maging kinatawan ng Simbahan sa
pagpapaabot ng tindig ukol sa anumang usapin. Halimbawa ng mga ito ay ang mga Lay
Ministers na naging kagawad, vice-mayor, mayor o anumna posisyon sa lokal na
pamahalaan. Ang pang-apat ay ang pagpapahayag ng mga Alternatibo tulad n
pagtatatag ng ALMMA, Social Action Center, at CBCP na tinatawag nilang “Direct and
Consensual Approach”. Panglima dito ay ang “Networks” tulad ng media (telebisyon,
radyo, diyaryo). At huli ay ang “Kasaysayan” na ayon sa kanila ay “saksi” sa epektibidad
nila bilang maimpluwensyang akto ng lipunan.
Table 4. Mga Programang Inilunsad ng Committee on Environmental Concerns
Mga programang inilunsad ng Committee on Environmental Concerns ng Simbahan
Popularisasyon (Sa probinsyal na lebel)- pastoral letters-press conferences- press statement- pinaabot sa Supreme Court
IEC (Pambansang Lebel)- CEAP (Catholic Educators’ Association of the Philippines)
Environmental Discussions (Lebel ng Komunidad)
52
- Homily- Youth Camps- School-based For a- sit-down-pickets
Aspetong Ligal- Environmental Court (Legal remedy)- TRO
Mga pamamaraan ng Simbahan sa Pagpapabago ng Desisyon ukol sa Pagmimina
sa Matnog
A. Kapag Walan Pampublikong Konsultasyon/ “Railroaded”
1. Isapubliko ang isyu
2. Ipopularisa ang isyu
3. Hikayatin ang LGU
a. People’s Action Center
b. Pastoral Letters
c. Position Papers
d. Signature Campaigns
B. Kapag mayroong Pampublikong Konsultasyon
a. Diyalogo
b. Paglalahad ng isyu sa Sangguniang Bayan upang mapag-usapan sa
lebel ng ehekutibo
C. Sa Sitwasyon sa Matnog
Binanggit ni Fr. Imperial na inorganisa nila ang tao sa pamamagitan nung
tinatawag na IEC. Matapos nun, binuo nila ang ALMMA at nagkaroon ng mga
mobilisasyon. Mula sa parokya sa isang komunidad, naipaabot patungong
munisipyo at probinsyal na lebel at naging “Diocesan concern” kung saan
nagsama-sama ang mga parokya.
D. Tunay na Proseso ng Pag-oorganisa ng Simbahan
Pagpapalaya sa puso at isip ng tao. Ang pagiging multi-sektoral ang pinaka-
epektibo.
53
AKSYONG ISINAGAWA NG OBISPO
Nagsalita sa medya si Bishop Arturo Bastes upang ipahayag ang pagtutol ng
Diocese ng Sorsogon sa ginawang pagmimina sa Balocawe. Nalabas din siya ng
pastoral letters, sumulat sa pambansang pamahalaan, at nakipag-usap sa direktor ng
DENR. Ayon din sa kanya, naging instrumento niya ang mga miyembro ng gabinete na
devowed catholics.
MGA PINANGGAGALINGAN NG IMPLUWENSYA NG SIMBAHAN
Una dito ayon sa kanila ay ang Kultura sapagkat 80% ng populasyon ng Pilipinas
ay Katoliko. Pangalawa naman ay Edukasyon kung saan 90% ng mga pribadong
paaralan sa bansa ay kontrolado ng Simbahang Katoliko. Panghuli naman ay ang
Istruktura kung saan inihalintulad nila ito sa Pamahalaan. Sa katunayan, hinintay pa ng
lokal na pamahalaan ang rekomendasyon ng Simbahan sa pagpigil ng operasyon.
Mga kategorya ng isyu na nilalahukan ng Simbahan
Sustainability issues Tactical Issues General?Sweeping Issues
MGA PULITIKAL NA BENYU KUNG SAAN NABIGYAN NG PAPEL ANG SIMBAHAN
SA PAGDEDESISYONtranslate all
1. Pampublikong Asembleya
2. Mga Pagdinig sa Komite
3. Debate
4. Konsultasyon
5. Diyalogo
6. Rally
7. Pagdalo sa mga Sesyon sa Sanggguniang Bayan
Sa katunayan, katulong ng Simbahan sa Pangangalap ng datos at impormasyon
ukol sa operasyon ang SWNEN Corrdinator ng lokal na pamahalaan.
Church-based organizations
SAMASOR (Samahan ng mga Magsasaka sa Sorsogon) PISPASOR
54
- organisasyon ng mga mangingisda CBTG Community
- organisasyon ng mga artistang kabataan at kababaihan.
Pagiging Bukas ng Lokal na Pamahalaan sa Negosasyon
Case to Case Basis. Kapag ang interes ng pamahalaan ay hindi nagagambala o
yaong strategic issues lamang ang pag-uusapan katulad ng pagpapadala ng relief
goods sa mga biktima ng bagyo, kikilos agad an simbahan upang magkaroon ng
operasyon. Sa kabilang banda, kapag nasa alanganin ang interes nila, walang
negosasyong magaganap.
55
CHAPTER VII
PAGTALAKAY
Sa usapin ng pagmimina mariing tinitingnan ang kahalagahan ng pagdedesisyon
sa paglalatag ng mga polisiya o “policy-making.” Ayon kay Ferdous Arfina Osman
(1996) sa kanyang artikulong Public Policy Making: Theories And Their Implications In
Developing Countries, ang “policy-making” ay isang komplikado ngunit interaktibong
proseso kung saan binibigyang pansin ang boses ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Dito
binibigyang diin ang impluwensya ng iba’t ibang organisasyon at institusyon ng lipunan
upang ihulma ang desisyon ng lokal na pamahalaan.
Kawalan ng Direktang Pakikilahok sa Teknikal na Prosesong Ligal
Ayon sa mga pari na nakapanayam, ang partisipasyon ng Simbahan sa mga
isyung pulitikal ay hindi maituturing na paglabag sa konsepto ng “Separation of Church
and State” na nakasaad sa ating Saligang Batas. Nagbigay sila ng mga kadahilanan
kung bakit: 1) walang cleric o pari ang naging kandidato, 2) hindi minamandahan ng
Simbahan na maging relihiyon ng estado ang Katolisismo, at 3) mayroon daw tinatawag
na “religious tolerance” ang mga mamamayan kung kaya may respeto sa relihiyong
Katolisismo.
Lumalabas na walang direktang partisipasyon sa aktwal na lehislatibong teknikal
at panksyonal na proseso ang Simbahang Katoliko sa Matnog . Dahil dito, hindi nalabag
ang nakasaad sa Art. IX, C, Section 2(5) ng Konstitusyon na kung saan sinasabing,“
Religious denominations and sects shall not be registered (as a political party,
organization or coalition, by the Comelec)” o ang hindi pagkilala ng COMELEC sa
Simbahang Katoliko bilang pulitikal na ahente ng estado.
PANGKALAHATANG LAWAK NG IMPLUWENSYA NG SIMBAHAN
Ayon kay Ruel Barlin, Konsehal ng Bayan ng Matnog, ang Simbahang Katoliko
ay “iginagalang at pinapakinggang”. Sa katunayan, ayon nga sa nabanggit kanina,
56
hinihintay pa ng lokal na pamahalaan ang rekomendasyon ng Simbahan hinggil sa
pagpapatigil ng pagmimina sa Balocawe bago ito kumilos. Pinapatunayan ito sa
konsepto ng “power structure” na sinasabing angat ang Simbahang katoliko sa iba pang
institusyon sa kadahilanang mayroon itong “internal organization” na ginagamit nito
upang makakalap ng mas mataas na kapangyarihan sa gitna ng pagiging dis-
organisado ng iba pang mga organisasyon. Sa konsepto ring ito ipanapaloob ang
Simbahan sa “circle of elites” o iyong mga grupong may kalamangan batay sa nakamit
na lebel ng edukasyon, mataas na kaalaman at “superior internal organization”.
Subalit, ayon naman kay Fr. Michael Imperial, tagapangulo ng Center for
Environmental Concerns ng Diocese of Sorsogon, nakadepende pa rin sa uri ng isyung
tinatalakay an pagiging bukas n lokal na pamahalaan sa negosasyon o diyalogo.
Dagdag pa ni Fr. Imperial, sa mga isyung ‘istratehiko’ o yaong makaaapekto sa
personal na interes ng pamahalaan, lamang napakikinggan ang Simbahan. Isang
halimbawa ng istratehikong isyu ay ang usapin sa pagpapasabatas ng Reproductive
Health Bill kung saan taliwas ang tindig ng dalawang panig. Ang usaping ito ay may
aspeto ng moralidad kung kaya malakas ang pagdidiin ng Simbahang Katoliko sa
pagpapabasura nito. Ito ay parte ng moral na obligasyon ng Simbahan. Ayon nga kay
Fr. Alex Jerus, Tagapamahala ng Parokya ng Matnog, may nagaganap na negosasyon
subalit sa porma ng “open participation” lamang tulad ng mga kilos protesta.
Samakatuwid, may mga piling isyu lamang na kung saan nabibigyan ng
pagkakataon ng lokal na Pamahalaan ang Simbahan na mapakinggan. Ito ay sa
pamamagitan ng indirektang pakikilahok – public assemblies, debate, konsultayon,
diyalogo atbp. Sa mga pagkakatong hindi man nabibigyan ng oportunidad na marining
ang paning ng Simbahang Katoliko, idinidaan nito ang pagpapaabot ng kanilang tindig
sa mga progresibong pamamaraan gaya ng rally, pastoral letters official statements at
ayon muli kay Fr. Imperial, minsan ay maging sa mismong ‘homily’ ng misa.
ANG PROSESO NG PAG-IIMPLUWENSYA NG SIMBAHANG KATOLIKO SA
PAGDEDESISYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN HINGGIL SA PAGMIMINA
57
Madalas na kinikwestyon ang ligalidad ng pakikilahok ng Simbahan sa mga
lehislatibong gawain ng pamahalaan. Nakatala nga sa 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas ang tinatawag na Non-Establishment Clause patungkol sa limitasyon ng
ugnayan ng dalawang institusyon. Ayon dito: “A state cannot set up a church; nor pass
laws which aid one religion, aid all religion, or prefer one religion over another nor force
nor influence a person to go to or remain away from church against his will or force him
to profess a belief or disbelief in any religion; that the state cannot punish a person for
entertaining or professing religious beliefs or disbeliefs, for church attendance or non-
attendance; that no tax in any amount, large or small, can be levied to support any
religious activity or institution whatever they may be called or whatever form they may
adopt to teach or participate in the affairs of any religious organization or group and
vice-versa.” (Tirona, 2002). Samakatuwid, inilalahad nito na kinakailangang maging
niyutral ng estado, iyong walang kinikilingan.
Mayroong tatlong basehan ng pagtatakda ng relasyon na mga nasabing
institusyon ayon kay William Tribe. Una, upang protektahan ang Simbahan laban sa
Estado (Pamahalaan). Ikalawa, upang pangalagaan ang kapakanan ng Estado laban sa
Simbahan. At pang-huli, upang hayaan ang dalawang institusyon na makapagpasya ng
relasyong nais nila. (Cinco, 2006). Sinuportahan naman ito ni Paul Weber sa kanyang
konsepto na “separatism” kung saan may iprinisenta siyang dalawang kondisyon: “non-
involvement” at “non-entanglement.” Ang “non-involvement” ayon kay Weber ay ang
nagdidikta ng hindi pakikialam ng dalawang institusyon sa gawain ng bawat isa. Ang
“non-entanglement” naman ay nagsasabing pwedeng magkaroon ng ugnayan ang
dalawa ngunit hindi sila tuluyang magkakabit, at maaari pa ring magasagawa ng kanya-
kanyang mga tungkulin. Subalit biniyang diin nya ang pantay na paghihiwalay o “equal
separation” ng Simbahan at ng Pamahalaan.
Tinalakay nga sa konsepto ng “pressure politics” ang dinamikong interaksyon
ng pampulitikal at ekonomikong ineteres ng Simbahan sa pakikilahok nito sa proseso
ng pagdedesisyon. Dito rin kinikilala ang Simbahan bilang isang institusyon na may
panlipunan at moral na tungkulin.
58
Sa usapin ng pagmimina, matinding kalaban ng pamahalaan ang Simbahang
Katoliko. Ayon nga kay Fr. Michael Imperial ng Committee on Environmental Concerns
ng Diocese of Sorsogon, tutol ang Simbahan sa ganitong aktibidad sapagkat malaki
ang naidudulot nitong pinsala sa kalikasan na nagdudulot na rin ng panganib sa mga
residenteng sakop ng isinasagawang pagmimina. Nakikilahok ang Simbahan sa mga
kilos laban dito sapagkat naaapektohan ng gawaing ito ang dignidad ng mga
mamamayan sa tuwing nakokompromiso ang kabuhayan at ang kalusugan ng mga ito.
Dito nakakabit ang tungkulin ng Simbahan na hindi lamang nakatuon sa moral na
aspeto kung hindi ay pati na rin sa pangangalaga ng kalikasan na tinatawag ngang
“environmental duty”. Hindi tumututol ang Simbahan sa pagmimina mismo sapagkat
naniniwala sila na isa itong esensyal na aspetong pang-ekonomiya. Sa halip,
kinokondena nila ang “proseso” ng pagmimina sa kadahilanang ito ay hindi sustenable,
malakihan, open-pit at export-oriented. Ang nais ng simbahan ay sustenable at papabor
sa interes ng mamamayan.
Negosasyon ng Simbahan at ng Lokal na Pamahalaan
Sa lente ng Systems Theory ni David Easton, lumalabas na ang kasalukuyang
sitwasyon ng pagmimina sa Matnog ay ang mga naging implikasyon ng pagkakabuo ng
Saligang Batas 1987. Dahil dito’y nabuo ang mga ordinansa, pulisiya, at ang mga
panukala sa pagmimina mula sa pinakamababang kapulungan o ang barangay,
munisipal at probinsyal na kawing ng pamahalaan, ukol sa pagmimina.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Dalus (2008) ukol sa mga alituntuning nararapat
sundin ng lokal na pamahalaan sa proseso ng pagdedesisyon nitong pahintulutan ang
pagsasagawa ng pagmimina sa bayan, naglahad siya ng mga polisiyang kaakibat ng
mga alituntuning ito. Kasama sa mga ito ang Republic Act No. 7160 o mas kilala sa
tawag na Local Government Code na nagbibigay halaga sa pagiging responsible ng
lokal na pamahalaan upang makamit ang buong pag-unlad at pangangalaga sa
awtonomiya ng komunidad at sa gayo’y maging epektibong kaakibat ng pambansang
pamahalaan sa pag-abot ng pambansang kaunlaran. Nakasaad sa Proclamation No.
2146 ng Local Government Code na siguruhing hindi maaapektuhan ang
pangkalikasang kalagayan ng komunidad sa pagsasagawa ng mga proyekto. Sinabi rin
59
ni Dalus na dapat may kaalaman ang LGUs sa maaring maging resulta ng pagmimina
upang masiguro na magdudulot lamang ito ng pang-ekonomiyang pag-unlad. Sa
aspetong ito ay kailangang maging handa ang LGUs na magmungkahi sa kumpanya ng
pagmimina ukol sa seguridad ng pamayanan. At kinakailangan din na ang panlipunang
pag-unlad na ito ay akma sa kultural at pangkapaligirang konsiderasyon. Nararapat din
na tiyakin ng LGUs na ang buwis na nakukuha sa pagmimina ay gagamitin sa
pagpapaunlad ng komunidad at hindi sa bulsa ng mga lokal na opisyal.
Sinasabi naman sa ASGM Strategic Planning Project Conclusion Workshop
(2011) ang “standard operating procedures” na nararapat sundin ng LGU sa
pagpapahintulot ng pagmimina na nakasaad sa RA 7076 o ang Philippine Small Scale
Mining Act of 1995. Ayon dito,
kailangang pag-usapan ng mga
kinatawan ng lahat ng panig;
Governor/City Mayor o kinatawan,
kinatawan ng small scale mining,
kinatawan ng big scale mining, at
kinatawan ng non-government
organization na manggagaling sa
environmental group bilang
“checks and balance”. Sa usaping
ito kailangang ihain ang mga
patakaran ng pamahalaan ukol sa
pagsasagawa ng pagmimina at
ayusin ang anumang di
pagkakasundo sa pagitan ng mga partido. At higit sa lahat, kailangang magkaroon ng
pampublikong konsultasyon.
Ang mga batas na ito sa kabuuan ay nagbukas ng pagkakataon upang
magsagawa ng operasyon ang mga kumpanya sa pagmimina. Subalit hindi ito ligtas sa
mga pagtuligsa ng publiko.
60
Ang isinagawang operasyon ng pagmimina ng Antones Corporation, isang
dayuhang kumpanya, sa bayan ng Balocawe ay masasabing 1) hindi sustenable, 2)
malakihan at 3) open-pit. Kahit naipasara na ito ay mayroon pa raw nagbabadyang
panganib sapagkat nakatambak lamang ang mga kagamitan lalo na ang mga ores na
ginamit ng kompanya. Kaya, ayon sa Simbahang Katoliko, nilabag ng nasabing
kompanya ang mga panuntunang nakasaad sa batas.
Sa kabilang banda, ang pag-andar ng operasyon sa nasabing bayan ay nagdulot
din ng maayos na epektong pang-ekonomiya. Nariyan ang benepisyo ng buwis kung
saan 40% ang napakinabangan ng Barangay at 30% naman ay napunta sa lokal na
pamahalaan. Dahil dito, tumaas ang rebenyu o kita ng lokal na pamahalaan. Isa sa
tatlong opisyal na nakapanayam ay pabor sa nasabing operasyon. Subalit dalawa sa
kanila, kaagapay ng Simbahang Katoliko at ng mga residente ay maigting na tumututol
kaugnay ng mga pinsalang pangkalikasang naidulot nito. Malaki ang naging epekto nito
sa tubig na inumin at patubig sa palay sa coastal areas. Maraming Barangay din ang
apektado tulad ng Manjumlad, Sulangan, Naburacan at ang Balocawe. Naapektohan
din ang forest o watershed ng Matnog na nagsisilbing pang-akit sa mga turista. Dagdag
pa dito, nadamay din ang mga produktong agrikultural tulad ng copra.
Subalit kung bibigyang atensyon ang proseso at ang mga batas na nararapat
sundin, nangangailangan ng masidhing pag-aaral ng Provincial Mining and Regulatory
Board ang magaganap na operasyon. Matapos masuri, iiindorso nito sa Pamahalaang
Panlalawigan. Matapos nito, mag-iisyu ng permit ang Gobernador na nagpapahintulot
ng pagmimina at iisyuhan naman ng business permit ng lokal na pamahalaan. Subalit
ang nasabing operasyon ay walang permit mula sa administrasyon kung kaya’t
nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan upang ihinto ang operasyon at mapag-
usapan ng masinsinan ang mga aksyong isasagawa.
Kaakibat din nito ang posibleng panganib sa kalikasan at kalusugan ng mga
mamamayan. Ang isyu din ng “lagay” kung saan tumatanggap ng suhol ang mga
opisyales. Ito ang naghimok sa mga tao upang gumawa ng mga hakbang upang ito’y
ipatigil.
61
Kasama ng mga panlipunang sibil, “concerned citizens”, estudyante, guro,
magsasaka ang Simbahang Katoliko na siyang namuno sa paglunsad ng kabi-
kabilaang protesta upang tuluyang mapatigil ang pagmimina. Dahil sa ALMMA o
Alyansa Laban sa Mina sa Matnog na binuo ng parokya ng Matnog, naidaos ang Public
Hearing upang mapag-usapan kasama ng mga residente ang gagawing desisyon. Sa
bandang huli, nagpasya ang lokal na pamahalaan na huwag nang mag-isyu ng permit.
Dahil ang Simbahan, bilang isang malawak at maimpluwensiyang institusyon sa
pangkalahatan na sumasang-ayon sa tindig ng mga tao, ay naging dahilan upang mas
mapag-ibayo pa ang boses ng mga taga-Matnog.
Pumapaloob sa sistemang pulitikal ang mga naisagawang direktang proseso at
indirektang transaksyon. Nagkaroon ng dalawang opsyon ang Simabahang Katoliko sa
pakikilahok sa proseso ng pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa usapin ng
pagmimina: hakbang kapag walang pampublikong
konsultasyon at hakbang noong nagkaroon na ng
negosasyon.
Noong wala pang naisasagawang
pampublikong konsultasyon, marami ang tinahak na
hakbang ng Simbahan. Una dito ay ang IEC o
Information Education Campaign o ang pagtuturo sa
tao na maging kritikal at magkaroon ng “informed
decisions” sa pamamagitan ng Homily at Church-
based organizations. Pangalawa ay ang Open
Participation kung saan nagsasagawa ito ng mga kilos protesta upang ipopularisa ang
isyu at gayun din ay himukin ang lokal na pamahalaan na bumalikwas sa desisyong
patuloy na pahintulutan ang pagmimina. Kasama din sa mga prosesong ito ay ang
pagla-lobby kung saan pumapasok mismo sa lehislatibong proseso ang Simbahan.
Naglatag din ng mga pastoral letters, signature campaigns at position papers hindi
lamang ang parokya ng Matnog o ang Diocese ng Sorsogon kung hindi pati na rin ang
Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kabuuan. Nagsalita sa midya si
Bishop Arturo Bastes upang ipahayag ang pagtutol ng Diocese ng Sorsogon sa
62
ginawang pagmimina sa Balocawe. Naglabas din siya ng pastoral letters, sumulat sa
pambansang pamahalaan, at nakipag-usap sa direktor ng DENR.
Sa kabilang banda, nagkaroon ng pampublikong konsultasyon matapos ang
ilang mga kilos protesta. Sinundan ito ng mga pampublikong debate, asembleya,
diyalogo, konsultasyon at pagdalo sa mga sesyon ng Sangguniang Bayan upang lutasin
ang isyu.
Ang pinakamahalagang bahagi ng negosasyon ay ang pagkakaroon ng
regulasyon upang imbestigahan ang nasabing operasyon. Inilatag ng Kinatawan ng
Pangalawang Distrito ng Matnog na si Deogracias Ramos, Jr. ang HR 00601 o “A
Resolution To Conduct An Investigation, In Aid Of Legislation, On The Alleged
Irregularities In The Small Scale Mining Operations In Brgy. Balocawe, Matnog,
Sorsogon”. Kasabay nito ay ang isa pang regulasyon na nagdedeklara na wala nang
kumpanya ng pagmimina ang magsasagawa ng anumang operasyon sa bayan ng
Sorsogon o ang HB05114 “Act Declaring The Second District Of Sorsogon A Mining
Free Zone And Providing Penalties For Violations Thereof”.
“Tactical Victory”
Ang pagtigil ng Balocawe Mining Project ay maituturing na “tactical victory”
lamang. Sa kabila ng pagkakamulat ng mga tao ukol sa isyung pangkalikasan,
maituturing itong tagumpay sa maliit na laban lamang. (Salavrakos, 2007)
Sa oras na buksan muli ng pamahalaan ang interes nito sa kita sa pagmimina,
maaaring magkaroon muli ng panibagong alalahanin. Magiging mahirap na proseso
nanaman ng negosasyon ang magaganap sapagkat ayon nga kay Fr. Imperial, isang
kompetisyon sa halip na kooperasyon ang namamagitan sa Simbahan at sa Lokal na
Pamahalaan.
63
Systems Theory
Ang Systems Theory ay nagpakita na ang desisyong naitalaga ay muling
lumilikha ng mga panibagong sitwasyon na sa muli ay papasok bilang pangangailangan
sa porma ng mga hinaing, saloobin at mga mungkahing may kaakibat na mga aktor na
sumusuporta upang ito’y maging adbokasiya at muling paglaanan ng pulitikal na
atensyon. May mga panibagong prosesong pagdaraanan ang mga ito bilang mga
bagong desisyon sa porma ng mga bagong batas, ordinansa o polisiya. Nakita rin na
ang ‘Simbahang Katoliko’ ay mayroong malawak at hindi matatawarang impluwensyang
pulitikal, elektoral at kultural, na nakapagbibigay ng matinding suporta at pagpapakalat
ng mga layunin kung saan ito ay may direktang interes.
64
CHAPTER VIII
PANGWAKAS AT REKOMENDASYON
Sa kabuoan, mahihinuha na marami ang ginagamit na mga proseso at
pamamaraan ng Simbahan upang magkaroon ito ng boses sa proseso ng
pagdedesisyon. Nariyan nga ang mga direktang aksyon tulad ng “lobbying” at mga hindi
direkta gaya ng “networks”, media, policy statements, rallies at iba pa. Kung gaano man
ito kaepektibo ay nakadepende sa mga usaping nais nilang pasukin o talakayin
sapagkat may mga panahong hindi talaga sila nabibigyan ng tyansa na makilahok sa
paglalatag ng desisyon. Subalit hindi rin maikakaila base rin sa mga testamento ng
ilang lokal na opisyal at mga kaparian na malawak talaga ang impluwensya ng
Simbahan. Ang galamay ng impluwensya nito ay hindi lamang nakasentralisa sa iilang
usapin lamang, bagkus, ito ay yumayakap din sa mga isyung multi-sektoral, lokal man o
pambansa. Patunay ito na may malaking papel na naiambag ang Parokya sa
pagpapatigil sa pagmimina ng Antones Mining Company.
Isang suhestyon na maaaring gumabay sa mga susunod pang adhikain ng
Simbahan ay ang pagtatayo ng estableng Monitoring Team na hindi lamang
nakasentralisa sa Lungsod ng Sorsogon. Sapagkat mas matindi ang problemang
dinaranas ng mga nasa bayan kung kaya’t mas kinakailangan nila ng ibayong
superbisyon lalo na’t kabi-kabilaan na ang mga proyektong industriyal partikular na ang
Bulusan Geothermal Power Plant na kasalukuyang nasa operasyon sa Bulusan,
Sorsogon. Ito ay nasa mga kamay na ng Simbahang Katoliko.
65
BIBLIOGRAPHY
JOURNALS
O’Callaghan, T. (2009). Regulation and Governance in the Philippines Mining Sector.
The Asia Pacific Journal Of Public Administration, Vol. 31, No. 1. 91-114.
Asian Development Bank Mineral Sector Study. (1994). The Philippine Mineral Sector
To 2010: Policy And Recommendations. Retrieved from
http://www.adb.org/Documents/Reports/Consultant/24082-PHI/24082-PHI-
TACR.pdf on July 22, 2011.
BOOKS:
Third World Studies Center. “Policy Issues, Responses and Constituencies: State-Civil
Society Relations in Policy-Making. Quezon City. UP Press, 1994.
THESES:
Circo, January T. “A Study on the Influence of the Catholic Church in the
Legislative Process Concerning the Divorce Bills.” UP Manila, 2006.
Panganiban, Bernardita. “The Role of Roman Catholic Church in Philippine Politics”
Master’s Thesis. University of the Philippines, 1956.
E-Sources:
ASGM Strategic Planning Project Conclusion Workshop. (2011). Decentralization And
Artisanal And Small-Scale Gold Mining In The Philippines Retrieved from
www.unep.org/hazardoussubstances/Portals/9/Mercury/.../RICHA~18.PP on July
25, 2011.
66
Barcia, R.B. “Lafayette Operations on Protest Rallies to Continue.” Retrieved from
ww.bicolmail.com on Spetember 5, 2011.
Bunye, P. (2009). More Challenges Ahead For Mining Companies And LGUs. Retrieved
from http://www.afrim.org.ph/minda-news-page.php?nid=7390 on July 18, 2011.
Catholic Bishops Conference of the Philippines. “A Statement of Concern on the Mining
Act of 1995.” February, 1998.
Catholic Campaign in Philippines Undermined by Church of England. Retrieved from
http://www.ekklesia.co.uk/node/8679 on August 28, 2011.
Mining Company Draws Fire from Church. (2011). Retrieved from
http://www.cathnewsphil.com/2011/06/24/mining-company-draws-fire-from-
church/ on August 30, 2011.
Church, Mayor, NGOs Back Indigenous People Against Mining. Retrieved from
http://pimephilippines.wordpress.com/2003/11/13/church-mayor-ngos-back-
indigenous-people-against-mining/ on August 28, 2011
Dalus, B. (2008). LGU and MINING. Tuba, Benguet. Retrieved from
202.90.141.226/forum/dalus.pdf on July 18, 2011.
Doyle, C. et al. (2007). Mining in the Philippines Concerns and Conflicts. Retrieved
from www.eccr.org.uk/module-Downloads-prep_hand_out-lid-15.html on July 22,
2011.
Galvez, J.K. (2011). Business Groups Urge End To LGU Sabotage Of Mining. Retrieved
67
from http://www.istockanalyst.com/business/news/5268727/business-groups-
urge-end-to-lgu-sabotage-of-mining on July 18, 2011.
Gariguez, E. (2011). Extractive Industry And The Church In The Philippines. Retrieved
from siteresources.worldbank.org/CSO/Resources/Gariguez.pdf on July 25,
2011.
Hookaway, J. (2009). Church Effort Slows Philippines Mining. Retrieved from
http://online.wsj.com/article/SB123449556539081061.html on July 20, 2011.
Laceda, Kate. (2004). Bishop Bastes Calls for Cancellation of Mining Project. Retrieved
from http://www.voxbikol.com/bikolnews/5139/bishop-bastes-calls-cancellation
-mining-project on August 30, 2011.
Lagdameo, A. (2006). A STATEMENT ON MINING ISSUES AND CONCERNS.
Retrieved from www.cbcpworld.com/misamis/cbcp200a.htm on July 20, 2011.
Legal Rights and Natural Resources Center – Kasama sa Kalikasan. (2010). Scrap the
National Mining Policy Now, Respect LGU Autonomy!. Retrieved from
http://lrcksk.org/main/2010/09/scrap-the-national-mining-policy-now-respect-lgu-
autonomy/ on July 18, 2011.
Marshall, I. (2001). A SURVEY OF CORRUPTION ISSUES IN THE MINING &
MINERAL SECTOR. Retrieved from
http://iacconference.org/documents/10th_iacc_workshop_A_SURVEY_OF_COR
RUPTION_ISSUES_IN_THE_MINING__MINERAL_SECTOR.pdf on July 25,
2011.
Mineral Mining in Matnog Opposed. Retrieved from
68
http://www.alyansatigilmina.net/category/free-tagging/sorsogon on August 30,
2011.
Nelson, J. (2007). The Operation of Non-Governmental Organizations (NGOs) in a
World of Corporate and other Codes of Conduct. Retrieved from
http://www.hks.harvard.edu/mrcbg/CSRI/publications/workingpaper_34_nelson.p
df on July 22, 2011.
Rodriguez, J.C. “Divorce Bill Critics Win in Harapan Poll.” Retrieved from www.abs-
cbnnews.com on September 5, 2011.
Salavrakos, I. (2007). “Three Types of Victory and Two Types of Defeat: Military versus
Economic Objectives in War”. University of Ioannina, Greece & visiting London
Metropolitan University, UK
Salita, R. (2011). Church Condemns Mining but Owns Shares in Philex. Retrieved from
http://www.manilastandardtoday.com/insideNews.htm?f=2011/may/24/news1.isx
&d=2011/may/24 on July 25, 2011.
Templo, I.L. “The truth shall set us free: The role of Church-owned radio stations in the
Philippines”. Center for Media Freedom and Responsibility, 2011.
The Catholic Church in the Philippines to Aquino: Scrap Mining Law. (2011). Retrieved
from http://mabuhaycity.com/forums/politics-government/11755-catholic-church-
philippines-aquino-scrap-mining-law.html
The Gambia Journal. (2009). The Gambia’s Mining Sector the Least Transparent.
Retrieved from http://www.thegambiajournal.com/Top-News-and-
Analyses/368.html on July 18, 2011.
69
Uy, J.R. “Church takes active role vs Palawan mining.” Retrieved from inquirer.net on
September 5, 2011
Vadaon, S. (2003). Role of NGO’s in Environmental Conservation and Development.
Retrieved from http://www.karmayog.org/startanngo/startanngo_16320.htm on
July 25, 2011.
Vandangombo, D. (2008). NGOs AS ACCOUNTABILITY PROMOTERS: IN THE
MONGOLIAN CASE.
Yambot, I. (2011). LADY SOLON HITS UNREGULATED MINING IN BULACAN.
Retrieved from:
http://www.google.com/search?rlz=1C1AVSW_enPH381PH381&sourceid=chrom
e&ie=UTF-
8&q=LADY+SOLON+HITS+UNREGULATED+MINING+IN+BULACAN on July
18, 2011.
71
Appendix I
KEY INFORMANT INTERVIEW GUIDES
A. KII Guide 1 (Simbahang Katoliko: Msgr. Arturo Bastes, Bishop ng Lalawigan ng
Sorsogon at Miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines)
1. Maituturing nyo po bang isa kayong impluwensyal na lider panlipunan?
2. Kung oo, masasabi nyo po bang mahalagang parte ng impluwensyang ito ang
pagiging lider ng Simbahan?
3. Sa aling mga isyu po naging mahalaga ang inyong partisipasyon upang maresolba
ang mga ito?
4. Sa paanong paraan po ninyo hinihikayat ang mga miyembro ng Simbahan upang
maging parte ng pakikilahok ninyo sa mga isyung panlipunan?
5. Sa kasalukuyan, mainit ang debate ukol sa pagmimina sa Balocawe, Matnog.
Nakikilahok po ba kayo dito?
6. Ano ang pananaw ng Simbahang Katoliko sa pagmimina sa bansa? Sa mga
probinsiya?
7.Sa palagay nyo, maayos bang naipapatupad ang mga polisiya ng lokal na
pamahalaan ukol sa responsableng pagmimina? Bakit?
8. Ano ang mga hakbanging ginagawa ng simbahan sa pagpapalaganap ng mga
tamang impormasyon ukol sa pagmimina?
9. Bilang isang pari at lider ng Simbahan sa mga kilos pulitikal, ano ang iyong
paninindigan ukol sa pagmimina? Sa tingin niyo, nirerepresenta ng tindig ninyo ang
buong Simbahang Katoliko? Bakit?
10. Bukod sainyo, may mga miyembro pa ba ng parokya ang aktibong nakikilahok sa
mga aksyong tutol sa pagmimina dito sa Balocawe? Anu-ano ang mga nakaraang
72
aksyon ng mga nasabing miyembro ukol sa mga usaping may kaugnayan sa
pagmimina?
11. Paano isinasagawa ng mga miyembro ng parokya ang kanilang pagtutol sa
pagmimina? Ano ang naging epekto ng mga aksyong ito?
12. Nakikilahok ba ang Simbahan sa mga lehislatibong prosesong isinasagawa ng
lokal na pamahalaan sa ukol sa nasabing usapin?
13. Bukas ba ang lokal na pamahalaan sa boses ng Simbahan?
14. Paano naiimpluwensyahan o naaapektohan ng Simbahan ang pagdedesisyon ng
lokal na pamahalaan sa nasabing usapin?
15. May mga polisiya na bang nailatag ang lokal na pamahalaan kung saan naging
bahagi ang Simbahan sa pagdedesisyon ukol dito?
B. KII Guide 3 : Rev. Fr. Alex Jerus (Head Priest ng Matnog Parish Church)
1. Ano ang inyong pagtingin o opinyon ukol sa konsepto ng paghihiwalay ng Estado at
ng Simbahan?
2. Mayroon po ba talagang partisipasyon ang Simbahan sa lehislatibong proseso o sa
proseso ng pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan? Paano po ninyo isinasagawa ang
partisipasyong ito?
3. Anu-ano po ang mga isyu kung saan nagkaroon ang Simbahan ng partisipasyon sa
proseso ng pagdedesisyon ng pamahalaan upang iresolba ang mga ito?
4. Ngayong mainit po ang isyu ng pagmimina dito sa bayan ng Matnog, anu-ano ang
mga programa ng parokya na tumutugon sa pagtutol sa pagmimina sa Balocawe?
Matagumpay bang naipatutupad ang mga ito?
5. Masasabi nyo po bang isa itong mahalagang benyu upang maipakita ng Simbahan
ang impluwensya nito sa pulitika?
73
6. Ano ang masasabi ninyo sa naging desisyon ng lokal na pamahalaan na pahintulutan
ang operasyong iyon?
7. Paano niyo idinudulog sa lokal na pamahalaan ang mga hinaing ninyo sa nasabing
pagmimina? Paano kayo pumapasok sa proseso ng pagdedesisyon ng lokal na
pamahalaan hinggil ditto?
8. Mayroon bang mga batas ukol dito? Sapat ba ang mga batas ukol sa usapin ng
pagmimina para maseguro ang kapakanan ng mga bulnerableng mga mamamayan?
9. May mga usapin ukol sa nasabing operasyon na nagsasabing may mga isyu daw g
korapsyon at panunuhol sa parte ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang
pagmimina. Sa inyong palagay, paano mareresolba ang mga ito? Mayroon ba kayong
ginagawang aksyon laban dito?
10. Gaano lumalakas ang impluwensya ng mga miyembro ng parokya sa
pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan ukol sa pagmimina?
C. KII Guide 3: Fr. Bong Imperial (Tagapangulo ng Committee on Environmental
Concerns ng Diocese of Sorsogon)
1. Ano ang adhikain ng Environment Committee ng Simbahang Katoliko, Diocese ng
Sorsogon?
2. Anu-ano ang mga programang nailunsad na ng Komite?
3. Sa mga nagawa na ng Komite, alin sa mga ito ang masasabi niyong
pinakamatagumpay sa lahat? Bakit?
4. Ano ang paninindigan ng Komite sa kasalukuyang isyu sa pagmimina sa Matnog,
Sorsogon?
5. Ano ang tugon ng Komite sa mga suliraning inilalahad ng mga mamamayan ukol sa
pagmimina?
6. Sa inyong palagay gaano kalakas ang impluwensya ng Komite sa pagdedesisyon ng
lokal na pamahalaan sa pagmimina sa Matnog?
74
D. KII Guide 4 (Lokal na Pamahalaan : Mayor, Vice Mayor, Councilors)
1. Ano po ang opinyon ninyo sa konsepto ng separasyon ng Estado at ng Simbahan?
2. Nakikilahok po ba ang mga parokya ng Matnog sa mga usapin o isyu ditto sa bayan
lalung-lalo na sa lehislatibong proseso o sa proseso ng pagdedesisyon ng lokal na
pamahalaan?
3. Paano po nakaaapekto ang partisipasyong ito ng Simbahan sa pagreresolba ng mga
isyung ito?
4. Kinikilala nyo po ba ang kahalagahan ng partisipasyon ng Simbahan sa proseso ng
pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan ng Matnog?
5. Mainit po ang isyu ngayon ng pagmimina sa bayan ninyo. Nakikilahok po ba ang
Simbahan dito?
6. Ano po sa inyong opinyon ang dahilan ng pakikilahok ng Simbahang Katoliko sa
usaping ito?
7. Sa usapin po ng pagmimina, ano ang mga proseso at batas na sinusunod ng lokal na
pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina sa bayan?
8. Ano ang naging epekto ng pagmimina sa lokal na ekonomiya ng Matnog? May
negatibo o positibong epekto ba ito?
9. Sa pagpapahintulot sa operasyong ito, ano ang mga isyung kinaharap ng
pamahalaan?
10. Aling sektor ang pinaka-maigting na lumalaban sa nasabing operasyon?
11. Nabibigyang pagkakataon ba ang taong bayan na makilahok sa pagdedesisyon ng
lokal na pamahalaan ukol sa nasabing usapin? Paano?
12. Masasabi niyo po bang natitiyak ng lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng mga
mamamayan sa gitna ng nasabing pagmimina?
75
14. Paano nakaiimpluwensya ang Simbahang Katoliko sa lehislatibong proseso ng
pagpapasya ng lokal na pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina? Sa
pagsasagawa ng aksyong magpapahinto sa operasyon?
15. Sa tingin niyo, bakit malakas ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa mga
usaping pulitikal? Anong karakter ng Simbahan ang nakaaambag sa impluwensiyang
ito?
16. Sa aling lehislatibong proseso pumapasok ang boses ng Simbahan na nakaaapekto
sa paglalatag ng polisiya ng lokal na pamahalaan? Maayos ba itong nagaganap?
17. Anu-ano nang mga polisiya ukol sa pagmimina ang nabuo kaakibat ang Simbahang
Katoliko?
18. Maliban sa pagmimina, anu-ano pang mga lokal na usapin ang kinakitaan ng
maigting na impluwensya ng Simbahang Katoliko sa pagdedesisyon ng lokal na
pamahalaan ukol dito?
76
Appendix II. Letter
A.
Unibersidad ng Pilipinas Manila
Departamento ng Agham Panlipunan
Padre Faura St.Manila
Ika- _ ng Disyembre,2011
_________________
_________________
_________________
Ginagalangan na _____________,
Ako po ay nasa ikaapat na taon sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral ukol sa impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa Pamahalaan ukol sa pagmimina. Ito po ay isang rekisito ng aming unibersidad sa mga magtatapos sa kolehiyo sa aming departamento. Nais ko po sanang humingi ng inyong tulong sa paglilikom ng data para sa nasambit na pag-aaral.
Bilang pagsunod sa prinsipyo ng kompidensyalidad, makakaasa po kayo na ang inyong mga kasagutan ay gagamitin lamang sa sa pag-aaral na ito. Lubos po ang aking pasasalamat sa inyong magandang loob.
Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
Grace Charm Despi Carretero
________________________
BA Political Science/2008-34359
1519 Benitez St., Paco Manila
09085152473
77
Appendix III
KII Informed Consent
Magandang araw! Ako po si Grace Charm D. Carretero, magtatapos na mag-
aaral ng Agham Pampulitika (Political Science) sa Unibersidad ng Pilipinas Manila. Nais
ko po sanang hingin ang inyong pahintulot na lumahok sa isang panayam o interbyu
tungkol sa kung “paano nakaiimpluensya ang Simbahang Katoliko sa proseso ng
pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagmimina sa bayan.” Ang panayam
po ay maaaring tumagal ng mahigit isang oras. Makasisiguro po kayo na ang
impormasyong ibabahagi ninyo ay gagamitin lamang sa pag-aaral.
Layunin:
*Alamin ang paraan ng pakikilahok ng Simbahang Katoliko sa proseso ng
pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagmimina sa bayan
*Bigyang linaw ang mga konsepto hinggil sa epekto ng pakikilahok ng Simbahang
Katoliko sa mga usaping pampulitika at panlipunan
*Alamin ang relasyong nananaig sa pagitan ng Simbahan at ng Pamahalaan
Benepisyo:
*Walang materyal o pinansyal na benepisyong makukuha ang mananaliksik.
*Makaaambag ang panayam na ito upang maging makabuluhan ang pananaliksik.
*Makakatulong ito upang makapagbahagi ng impormasyon sa mga komunidad hinggil
sa interaksyon ng Simbahan at ng pamahalaan sa pagreresolba ng isyung
makaaapekto sa kanila.
*Makatutulong din ito upang mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan ng ukol sa
kahalagahan ng pampublikong partisipasyon sa mga usaping panlipunan.
78
Panganib:
*Walang nakikitang panganib ang mananaliksik hinggil sa panayam na isasagawa,
ngunit sa oras na magkaroon ay matitiyak ang responsableng pagreresolba nito.
Ang mga kakapanayamin ay:
* Maaaring ipatigil ang interbyu.
* Maaaring sumagot lamang sa mga tanong na nanaisin nilang sagutin.
*Maaaring magbago ng desisyon (kung ipagpapatuloy pa o hindi na) kahit nakapairma
na sila sa dokumentong ito.
*Maaaring gumamit ng alyas o hindi magbanggit ng anumang pangalan.
Lagyan ng Tsek:
Maaaring gumamit ang mananaliksik ng “voice recorder” upang irekord ang
isasagawang panayam:
____ Oo ____ Hindi
Maaaring gamitin ang ibinahaging impormasyon sa pagtatala ng mga datos sa
pananaliksik:
____ Oo ____ Hindi
Maaaring gamitin ang totoong pangalan:
____ Oo ____ Hindi
79
Impormasyon ukol sa mananaliksik:
Permanent Address: Lot 2, Blk 3-D, Sto. Nino Compd. Bibincahan Sorsogon City
Current Address: 1519 Benitez St., Paco Manila
Cellphone No: 09085152473/09267382277
E-mail Address: [email protected]
Maaaring lugar, oras, petsa ng panayam:
___________________________________
___________________________________
Pangalan at Lagda:
_________________________________
_________________________________
80
Appendix IV
INTERVIEW MATRIX
A. LOKAL NA PAMAHALAAN
MGA PAKSA BARLIN VICE MAYOR UBALDO
Tindig · Pansamantalang ipatigil · Hindi pabor • Pabor sa pagmimina bilang industriya- makatutulong sa local na ekonomiya at sa komunidad• Hindi pabor sa kaso ng pagmimina sa Balocawe- hindi sustenable- nilalabag ang panununtunan ng small scale mining na nakasaad sa batas
Epekto ng pagmimina sa Balocawe
• Positibo- pagtaas ng revenue o income ng munisipyo mula sa buwis• Negatibo- paghina ng produktong agrikultura (copra, etc.)
Aksyon bilang isang kagawad
· Nagpasa ng resolusyon upang pansamantalang ihinto ang operasyon at mapag-usapan ng masinsinan
Pagbigay ng business permit lamang, ang Gobernador ang magbibigay ng mining permit
Responsibilidad ng Lokal na opisyales
· Pamahalaang probinsyal ang may karapatang mag-isyu ng permit· Lokal na pamahalaan bilang “checks and balance”
Epekto ng pagmimina sa Balocawe · Usaping pang-
konomiya- may pakinabang
- pamahalaang local bilang benipisyaryo ng buwis na 70% sa kabuuana. 40% sa Barangay
• Positibo- pagtaas ng revenue o income ng munisipyo mula sa buwis• Negatibo- paghina ng produktong agrikultura (copra, etc.)
• Higit na malaki ang benepisyo sa Barangay Balocawe mula sa “buwis” na ibinibigay ng kompanya• Malaki ang epekto sa tubig na inumin at patubig sa palay ng
81
b. 30% sa local na pamahalaan
coastal areas• Maraming Barangay ang apektado- Balocawe- Manjumlad- Sulangan- Naburacan• Apektado ang forest o watershed ng Matnog
Mga isyung kinaharap ng local na pamahalaan
· Kawalan ng impormasyon ng mamamayan na wala sa local na pamahalaan ang karapatang magbigay ng permit
· Paano komprehensibong makapagbigay solusyon sa mga badyang pangkalusugan, pampublikong kaligtasan, sakuna at iba pang pangkalikasang usapin
• “Lagay”- tumatanggap ng suhol ang mga opisyales
• Ang pagtutol mula sa iba’t ibang sector ng komunidad• Posibleng panganib sa kalikasan• Epekto sa kalusugan ng ilan
Mga Proseso at Batas na sinusunod ng local na pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina
• Pag-iisyu ng business permit sa mga kompanyang magsasagawa ng operasyon• Sa kasalukuyan, walang inisyung permit ang kasalukuyang administrasyon
82
Mga Proseso at Batas na sinusunod ng local na probinsyal na pamahalaan sa pagpapahintulot ng pagmimina
• Pag-aaralan ng Provincial Mining and Regulatory Board ang magaganap na operasyon• Iiindorso nito sa Provincial Government ang • Pag-iisyu ng permit ng Gobernador na magpapahintulot ng pagmimina
Mga grupong maigting na tumutol
· Simbahang Katoliko at ALMMA
• ALMMA sa pamumuno ng Simbahang Katoliko- “concerned citizens”- estudyante- guro-magsasaka
• Civil Society Groups• Simbahang Katoliko
Desisyon ng lokal na pamahalaan
• Hindi pag-isyu ng business permit sa mga kumpanyang nag-aplay at nag-aaplay
Mga prosesong nagbigay boses sa mga mamamayan sa pagdedesisyon hinggil sa pagpapahintulot ng operasyon
· Diyalogo· Pagdalo sa mga sesyon sa Sangguniang Bayan· Rally
• Public Forum sa Sangguniang Bayan ngMatnogkasama ang:- gobernador- mga kinatawan ng DENR at BMG
• Nagkaroon ng Public Hearing bago isinagawa ang pagmimina
Aksyon ng Simbahan · Sa pamumuno ng parokya sa bayan· Pagpapahayag ng mga
“pronouncements” upang makapagbigay impormasyon
• Naghikayat sa iba pang grupo upang makiisa sa layuning ihinto ang operasyon• Sila ang tanging kumontra o hindi sumang-ayon sa proseso pa lamang ng pagpapasya“Sinusuportahan naming ang patutol at mga ginawang hakbang ng SImbahang Katoliko sa pagpatigil ng pagmimina.”
83
Relasyon ng Simbahan at ng Lokal na pamahalaan sa nasabing operasyon
• Katulong ng Simbahan sa pangangalap ng datos at impormasyon ukol sa operasyon ag SWNEN Coordinator ng local na pamahalaan
“Malaki ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa pagsagawa ng mga aksyon laban sa pagpapahinto ng pagmimina sa Balocawe.”
Dahilan ng malaking impluwensya ng Simbahan
· Pagkakaroon ng “councils”
• Iginagalang, pinapakinggan• Hinihintay ng local na pamahalaan ang rekomendasyon nito sa pagpigil ng operasyon
Mga “venues” kung saan nabigyan ng papel ang Simbahan sa pagdedesisyon ng local na pamahalaan
· Public Assemblies· Committee Hearings· Debate· Konsultasyon
“Mahalagang sangkap ang partisipasyon ng Simbahan sa paggawa ng mga local na batas at polisiya ng pamahalaan.”
Mga nabuong polisiya ukol sa pagmimina na naging kaakibat ang SImbahang Katoliko
· Protection clauses
Iba pang polisiyang nailatag kaakibat ang Simbahan
· Anti-trafficking campaign, campaign against drugs and prostitution
84
B. SIMBAHANG KATOLIKO
MGA PAKSA MGA DATOS PANIPI Data Source
Konsepto ng Separation of Church and State
Kung susundin ang prinsipyo, dapat
Hindi maaaring maihiwalay ang paniniwala at partisipasyon sa pulitika
Fr. Imperial
Dahilan kung bakit hindi maituturing na “paglabag” sa konsepto ng paghihiwalay ng Simbahan at ng Pamahalaan ang isinasagawang partisipasyon ng Simbahan sa mga isyung pulitikal
Walang cleric na nagging kandidato
Hindi minamandahan ng simbahan na maging relihiyon ng estado ang Katolisismo
Mayroong “Religious Tolerance” ang mga mamamayan
Fr. BongFr. BastesFr. Jerus
Ang moral na tungkulin ng Simbahan
Palakasin ang moral na aspeto sa pagkatao ng mamamayan
“You should not do away with moral
influence”
Fr. Bastes
Mga usapin kung saan napopolitisa
ng Estado ang Simbahan
Pulitikal na polisiya Ekonomikong polisiya
Mga hakbangin o pamamaraan ng Simbahan sa pagpapaabot sa pamahalaan ng
IEC (Information Education Campaign) – pagturo sa tao na maging kritikal at magkaroon ng
Ugnayan ng Simbahan at ng Lokal na Pamahalaan
• Pagpapaabot sa Simbahan na wala sa poder ng local na pamahalaan ang pagbibigay ng permit o pagpapahintulot ng operasyon
Dahilan ng Impluwensya ng Simbahan
• Malaking porsyento sa populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko
85
tindig nito ukol sa mga usaping panlipunan
“informed decisions” sa pamamagitan ng Homily at Church-based organizations
Open Participation- rally-
Lehislatibong Proseso / “Lobbying”- upang magkaroon ng makataong mga polisiya, local man o pambansa
Pagpapahayag ng mga Alternatibo/ “Alternatives”
Isang porma ng Pagla-lobby ng Simbahan
Pagkakaroon ng mga “devowed catholics” na miyembro din ng local na burokrasiya na maaaring maging kinatawan ng Simbahan sa pagpapaabot ng tindig nito hinggil sa isang usapin
Halimbawa ng mga devowed catholcs na naging instrument ng Simbahan sa paglalobby “trick ng simbahan” / isang political machinery
Leigh ministers na naging kagawad, vice-mayor o mayor
Pinanghahawakag prinsipyo ng simbahan sa pag-oorganisa ng masa
Educate, organize, mobilize
Mga kategorya ng isyu na nilalahukan ng Simbahan
Sustainability issues Tactical Issues Sweeping Issues
Sinaunang Proseso ng pag-oorganisa
Dole-out system- counter-productive and divisive
Tunay na Proseso ng Pag-oorganisa (Genuine Process)
“pagliliberalisa sa puso at isip ng mga tao” : multi-sektoral
Church-based organizations
SAMASOR (Samahan ng mga Magsasaka sa Sorsogon)
86
PISPASOR- organisasyon ng mga mangingisda
CBTG Community- organisasyon ng mga artistang kabataan at kababaihan
Pagmimina bilang isang usaping sakop ng responsibilidad ng Simbahan
Environmental Responsibility
Apektado ang dignidad ng mamamayan
Tindig ng Simbahan sa usapin ng pagmimina
Hindi pabor ang simbahan sa “proseso” mismo ng pagmimina, hindi sa pagmimina sa kabuuan
Pagmimina bilang mahalagang industriyang pang-ekonomiya
"Hindi siya beneficial sa tao,mas naging destructive pa siya. sa economics.. sa environment tapos sa tao mismo. Kasi pag pinag-usapan natin ang ganyan, lagging may human rights violations”.
Mga dahilan ng pagtutol ng Simbahan sa proseso ng pagmimina
Hindi sustenable Malakihan Open-pit Export-oriented
Mga pamamaraan ng Simbahan sa pagpapaabot ng tindig nito sa local na pamahalaan ukol sa pagmimina
Kapag walang pampublikong konsultasyo/ “Railroaded”- ventilate the issue- popularize the issue- pressure LGUa. people’s actionb. pastoral lettersc. position papersd. signature campaigns
Kapag mayroong public consultation- dialogue- paglalahad ng isyu sa Sangguniang baya upang mapag-usapan sa lebel ng ehekutibo
Sa sitwasyon sa Matnog
“Although at times na uphill siya because when you lobby, pwede kang pakinggan, pwede hindi. So, but the point is may ginagawa ang church.”
“Di pa tapos ang laban. Open ended yung pagtigil, maybe next year or two years from now, mag-ooperate ulit siya. But the beauty of it is ahh you’re able to equip yung mga tao how to
87
- inorganisa ang tao- nagkaroon ng IEC- binuo ang ALMA- nagkaroon ng mga mobilisasyon- mula sa parokya sa isang komunidad naipaabot patungong munisipyo, probinsyal na lebel at naging “Diocesan concern”
Mga Hakbang na Isinagawa ng Obispo- nagsalita sa media- naglabas ng pastoral letters- sumulat sa pambansang pamahalaan- nakipag-usap sa director ng DENR
Mga naging Instrumento sa mga hakbanging ito- Cabinet Members nadevowed Catholics- human barricade
analyze, how to organize, kumbaga, nabigyan mo sila ng capacity, naempower mo sila na pwede rin palang sila, as individuals as citizens magkaron ng role sa pagshape ng kanilang political life sa society from the smallest up to the highest . Hanggang doon ang role ng church.”
Ideological base ng SImbahan sa mga prinsipyo nito
Sosyolohiko at Antropolohiko- bibliya- salita ng Diyos- doktrina ng Simbahan
Religious Propaganda ng Simbahan
Bilang Simbahan: Ideolohiyang panrelihiyon
Bilang pari: “you qualify and you quantify it to all positions”
“Wala namang taong walang pansariling agenda o paniniwala. Ang mahalaga may pinagbabasehan ka sa claims mo. We try to stir yung pagiging reasonable niya.”
Ang ideyal na katangian ng pagmimina sa perspektibo Simbahan
Sustainable, pro-people mining
“But as far as irresponsible, hindi siya sustainable, ang stand ng church will always be the same, 30 years ago, 50 years
88
from now.”
Mga pinanggagalingan ng Impluwensya ng Simbahan
Kultura- 80% ng populasyon ay Katoliko, Kristyano ka na sa simula palang
Edukasyon- 90% ng mga pribadong paaralan ay kontrolado ng Simbahang Katoliko
Istruktura-SOCIAL ACTION CENTER-CBCP : Direct and Consensual Approach
“Networks”- media (telebisyon, radio, diyaryo)
History
“Like the government which has 17 municipalities, the Church has 28 parishes.”
Fr. ImperialFr. Bastes
Mga programang inilunsad ng Committee on Environmental Concerns ng Simbahan
Popularisasyon (Sa probinsyal na lebel)- pastoral letters-press conferences- press statement- pinaabot sa Supreme Court
IEC (Pambansang Lebel)- CEAP (Catholic Educators’ Association of the Philippines)
Environmental Discussions (Lebel ng Komunidad)- Homily- Youth Camps- School-based For a- sit-down-pickets
Aspetong Ligal- Environmental Court (Legal remedy)- TRO
Estado ng operasyon ng pagmimina sa matnog
“Tactical Victory”- nakapagmulat ng mga tao ukol sa isyung pangkalikasan
May mga nagbabadya
89
pa ring panganib- nakatambak pa ang mga kagamitang ginamit sa operasyon- nakatambak pa ang ores
Shares ng ilang miyembro ng Simbahang Katoliko sa mga kompanya ng pagmimina
Walang ganyan sa Sorsogon
“personal venture” bilang mga “indibidwal mismo / pribadong mamamayan” (pagmamay-ari ng pamilya) hindi bilang alagad ng Simbahan o kinatawan ng buong Institusyong Katoliko
Sa aspetong teknikal, walang “mining operation” na pagmamay-ari ng Simbahan
Ipinagbabawal ng Simbahan
pagiging bukas ng lokal na pamahalaan sa negosasyon
Case to Case basisa. Kapag hindi apektado o magagambala ang personal na interes nila / “strategic issues” (Hal. Pagpapadala ng relief goods sa mga biktima ng Bagyo sa Cagayan de Oro)- consensus, kooperasyonb. Kapag ang personal na interes nila ang nakataya- walang negosasyon
Katangian ng negosasyon sa Balocawe
Kontradiksyon mulas sa dalawang panig
Pagpapangibabaw ng personal na interes ng “Escuderos at Lees” (political consortium)
Interes ng tao laban sa interes ng mga pulitiko
“Naglabas ng statement si Bishop Bastes, titirahin ni governor lee sa radyo naman si Bishop bastes, hanggang sa may exchange”
90
Friction, Conflict and Contradiction
Pangkalahatang katangian ng relasyon ng Simbahan at ng Lokal na Pamahalaan sa isyu ng pagmimina sa Balocawe
Walang kooperasyon “They were even calling me names…” – Bishop Bastes
“Lagi silang hindi open…” – Fr. Jerus
Iba pang mga isyu na naging parte sa pagtuligsa ang Simbahan
Child-trafficking Gambling Extra-judicial killings Insurgency Electioneering
- Vote-buying- Vote-selling