presidential communications operations ......2020/09/24  · nanawagan din ang pangulo sa mga...

24
PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE News and Information Bureau PRESS BRIEFING OF PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE September 24, 2020 (11:57 A.M. 1:13 P.M.) SEC. ROQUE: Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtalumpati po ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa UN General Assembly. At ito po ang ilan sa mga punto na binanggit ng ating Pangulo sa kaniyang talumpati: Kinilala ng Pilipinas ang papel ng United Nations sa laban kontra COVID-19 kaya malugod nitong wini-welcome ang paglunsad ng UN COVID Response and Recovery Fund. Kasama ng mga partners sa ASEAN at non-aligned movement, ipinahayag ng Pilipinas ang nagkakaisang tinig na ang COVID-19 vaccine ay isang global public good. Mayaman o mahirap na bansa, kailangang available ang bakuna as a matter of policy. Nanawagan si Presidente Duterte ng isang global health agenda na may sapat na resources at policy space para sa World Health Organization. Gagampanan ng Pilipinas ang parte nito sa pooling of global resources kung saan kasama ang mga Pilipinong health workers ay isa sa pinakamagaling. Nanawagan ang Presidente ng enhanced multilateralism para tugunan ang iba’t ibang pagsubok sa usaping pangkapayapaan at seguridad. Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi sila magiging magkaibigan sa ngayon ay, “Let us not hate each other too much.” Sinabi rin ng Presidente na mananatiling committed ang Pilipinas sa sustainable development goals bagaman may paghina sa ating ekonomiya. Tinalakay din ng ating Presidente ang usapin sa climate change. Sumali ang Pilipinas sa Paris Agreement para labanan ang climate change. Nanawagan ang Pangulo na palakasin ang mga komunidad at mga mamamayan para maging handa at resilient sa climate change. Sinabi rin ng Presidente na patuloy na puprotektahan ng Pilipinas ang karapatang pantao ng mga mamamayan lalo na laban sa iligal na droga, krimen at terorismo. Susi rito ang open-dialogue at constructive engagement sa United Nations. Sa usapin naman ng terorismo, sinabi ng Pangulo ang kahalagahan ng isang epektibong legal framework tulad ng 2020 Anti-Terrorism Act. In-affirm din ng ating Presidente ang commitment ng Pilipinas sa South China Sea alinsunod sa UNCLOS at 2016 arbitral award. Sinabi ng Pangulo na ang award ay bahagi na ng international law.

Upload: others

Post on 21-Jan-2021

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

News and Information Bureau

PRESS BRIEFING OF PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE

September 24, 2020 (11:57 A.M. – 1:13 P.M.)

SEC. ROQUE: Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtalumpati po ang ating Presidente

Rodrigo Roa Duterte sa UN General Assembly. At ito po ang ilan sa mga punto na binanggit ng

ating Pangulo sa kaniyang talumpati:

Kinilala ng Pilipinas ang papel ng United Nations sa laban kontra COVID-19 kaya malugod

nitong wini-welcome ang paglunsad ng UN COVID Response and Recovery Fund.

Kasama ng mga partners sa ASEAN at non-aligned movement, ipinahayag ng Pilipinas ang

nagkakaisang tinig na ang COVID-19 vaccine ay isang global public good. Mayaman o mahirap

na bansa, kailangang available ang bakuna as a matter of policy.

Nanawagan si Presidente Duterte ng isang global health agenda na may sapat na resources at

policy space para sa World Health Organization. Gagampanan ng Pilipinas ang parte nito sa

pooling of global resources kung saan kasama ang mga Pilipinong health workers ay isa sa

pinakamagaling.

Nanawagan ang Presidente ng enhanced multilateralism para tugunan ang iba’t ibang pagsubok

sa usaping pangkapayapaan at seguridad.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle

East at Africa na kung hindi sila magiging magkaibigan sa ngayon ay, “Let us not hate each

other too much.”

Sinabi rin ng Presidente na mananatiling committed ang Pilipinas sa sustainable development

goals bagaman may paghina sa ating ekonomiya.

Tinalakay din ng ating Presidente ang usapin sa climate change. Sumali ang Pilipinas sa Paris

Agreement para labanan ang climate change. Nanawagan ang Pangulo na palakasin ang mga

komunidad at mga mamamayan para maging handa at resilient sa climate change.

Sinabi rin ng Presidente na patuloy na puprotektahan ng Pilipinas ang karapatang pantao ng mga

mamamayan lalo na laban sa iligal na droga, krimen at terorismo. Susi rito ang open-dialogue at

constructive engagement sa United Nations.

Sa usapin naman ng terorismo, sinabi ng Pangulo ang kahalagahan ng isang epektibong legal

framework tulad ng 2020 Anti-Terrorism Act.

In-affirm din ng ating Presidente ang commitment ng Pilipinas sa South China Sea alinsunod sa

UNCLOS at 2016 arbitral award. Sinabi ng Pangulo na ang award ay bahagi na ng international

law.

Page 2: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Nanawagan din ang Presidente Duterte sa mga miyembro ng UN na ipatupad ang Nuclear Non-

Proliferation Treaty at Chemical and Biological Weapons Conventions. Sa kaugnay na bagay,

hiniling ni Presidente sa Senado ng Pilipinas na ratipikahan na ang treaty on the prohibition of

nuclear weapons.

Umapela rin ang ating Pangulo para sa mas malakas na kooperasyon para i-promote at

protektahan ang karapatan ng mga migrants. Kasama na rito ang pagsunod sa global compact for

safe, orderly and regular migration.

Sa usapin ng refugees, inulit ni Presidente na ang pintuan ng Pilipinas ay mananatiling bukas sa

sinumang lumilikas sa kanilang mga bansa para sa kanilang kaligtasan.

Ipinangako rin ng Pangulo na daragdagan pa ng Pilipinas ang partisipasyon nito sa UN

Peacekeeping Operations kasama na ang mas marami pang babaeng Pilipinong peacekeepers.

Balitang IATF naman po tayo. In-adopt po ng IATF noong Martes, iyong huling meeting po ng

IATF, ang protocols para sa pilot use ng rapid antigen test sa Baguio City in the following

instances: Una, sa contacts ng confirmed COVID-19 cases sa mga lugar kung saan may

documented clustering of cases; pangalawa, sa domestic tourists at visitors na may essential

travel.

Ano po ba itong antigen test? Ayon sa DOH, ang antigen test ay kayang mag-detect ng presence

of viral proteins or antigens which is expressed only when the virus is replicating. These tests are

best used to identify acute or early infection.

Ano ba ang benepisyo ng antigen testing? Ayon sa DOH, ang mga benepisyo ay new diagnostic

technology for SARS COVID 2; FDA certified; turn-around time, mas mabilis pong resulta or 15

to 30 minutes; at mas mura po sa RT-PCR. Noong ako po ay bumili niyan, 750 ang isa.

COVID-19 update naman po tayo. Ito po ang global update sang-ayon po sa Johns Hopkins

University, mahigit tatlumpu’t isang milyon na po or 31,778,331 ang kaso ng COVID-19 sa

buong mundo. Mayroong mahigit na siyam na raang libo o 973,956 ang binawian ng buhay dahil

dito.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos, pangalawa ang India at sumunod po ang Brazil, Russia

at Colombia. Sa Amerika po ngayon, mahigit 6,943,078 ang kaso; ang mga namatay ay 201,930.

Sa India po – 5,646,010; 90,020 po ang mga namatay. Sa Brazil – 4,591,364; 138,105 po ang

namatay. Sa Russia po – 1,117,487; 19,720 po ang namatay. At sa Colombia – 784,268; 24,746

po ang mga namatay.

Sa Pilipinas po, tayo po ay nakapag-test na sa pamamagitan ng PCR test sa 3,254,852 na

kababayan natin at ito po ay ginawa sa 100 licensed RT-PCR laboratories at 30 licensed

GeneXpert laboratories.

Mayroon po tayo ngayong 58,127 aktibong kaso ng COVID-19, at sa numerong ito ay 9.2 po ay

asymptomatic, ang mild po ay 86.5%, ang severe ay 1.3%, ang kritikal ay 3% -- medyo tumataas

Page 3: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

po ang kritikal. Iyong mga seniors, iyong mga kabataan, iyong mga mayroon pong mga may

sakit, buntis, kinakailangan po ay manatili po tayo sa ating mga tahanan. At lalung-lalo na po

ang mga seniors, talagang seniors po ang tinatamaan ng COVID-19 at sila po ang lumulubha.

Samantala, mayroon na po tayong mga gumagaling na 231,373. Ang mga namatay po ay 5,091.

Okay, dito po nagtatapos ang ating presentasyon ngayong araw. Mayroon po tayong dalawang

panauhin. Unahin na po natin ang una nating panauhin, si Director General Belgica ng ARTA.

Kung maaalala ninyo po, nakipagpulong po ang Presidente sa mga liderato ng Kongreso para

hingiin ang panibago pang mga polisiya at batas para tuluyan nang mawala ang red tape, na sa

tingin ng Presidente ay karagdagang pahirap sa ating mga kababayan sa panahon ng pandemya.

So kasama po natin ngayon ang ARTA Director General, Jeremiah Belgica. DG, ano na po ang

ginagawang hakbang ng ARTA para tuluyan na pong mawala ang red tape na talagang

ikinagagalit po ng ating Presidente? The floor is yours, ARTA Director General Jeremiah

Belgica?

DIRECTOR GENERAL BELGICA: Marami pong salamat, Sec. Harry. Sa lahat po ng ating mga

nanunood at umaantabay, nais ko pong iprisenta sa inyo ang guidelines on the issuance and/or re-

institution of permits and licenses under the new normal na inaprubahan at inendorso po ng

IATF.

Ito pong resolusyon, ito po ay inaprubahan, inendorso ng IATF sa Resolution # 68 na sinasabi po

rito na kaalinsunod sa naisin po ng ating Pangulo na inilinaw po noong State of the Nation

Address na ang lahat po ng government agencies ay mag-streamline at mag-digitalize ho ng

kanilang serbisyo. The Anti-Red Tape Authority’s guidelines on issuance or reinstitution of

permits and licenses under the new normal is hereby endorsed to all government agencies for

adoption whenever it is applicable.

Ito rin po ay inaprubahan at inendorso po ng STG for governance at ng Ease of Doing Business

Anti-Red Tape Advisory Council noong August 27, 2020.

Just to—para makita lamang po natin ang dahilan at kung bakit ho kinakailangan ang panibago

pong guidelines for the reinstitution of permits is because there is a procedural mismatch sa atin

pong pandemya. Dahil ho sa pandemya at sa mga nakaraan na mga proseso prior the lockdown

ay hindi ho—magiging responsive lamang ang dati ng proseso dahil mayroon po tayong mga

health protocols at iba’t iba pong mga kinakailangang i-observe dahil po dito sa ating pandemic

katulad po ng face-to-face interaction; also the crowded spaces ay kailangan pong iwasan and

vulnerability po ay kailangan pong bawasan po laban po sa COVID-19.

Next slide po. Next slide, please.

Thus, ARTA Memorandum Circular 2020-06 was issued. This was also digitally signed using

the PNPKI [Philippine National Public Key Infrastructure] technology na digital signature po ng

DICT. Amin pong laging ini-encourage ang mga government agencies na gumamit na po ng

Page 4: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

digital signatures at hindi po lamang ng wet signature at ito po ay available na po gamit po ang

PKI technology po ng atin pong DICT.

Now, on to the meat and body of the guidelines – next slide, please – Ang guidelines po na ito ay

nahahati po ang kaniyang body in three general divisions – The General Guidelines; the Special

Rules on Validity of Permits and Licenses; and also the Directive for the Whole-of-Government

Approach.

Next slide, please.

Mabilisan lamang po ano… Basically, on the reduction of requirements po ng permits, licenses,

and authorizations, ang atin pong guiding principles diyan is i-retain lamang ang mga steps at

procedures na kinakailangan; tanggalin ang redundant at unduly burdensome processes at wala

hong legal or practical basis; and also to adopt such processes or procedures and impose such

requirements that are least costly and also to align in our Program NEHEMIA which is the

whole-of-government streamlining program po ng atin pong gobyerno.

Also... it also directs government agencies to continually streamline and simplify and observance

of participatory rule making o iyong tinatawag po na consultation po, hindi lamang po in

quantity but also quality.

Next… next slide, please.

Also, it also directs the use of electronic submission and acceptance ng mga dokumento. Ang

reduction po ng mga signatories na hindi ho dapat lalampas sa tatlo na lamang at ang paggamit

po ng electronic or digital signatures katulad po ng aking nabanggit kanina at ang paggamit po

ng digital payments for licenses, permits and authorizations ay kinakailangan po iyan ang

direction ho ng government agencies. And also the conduct of physical interaction ay tanggalin

po iyong mga unnecessary na mga face-to-face. Kung maaari hong gumamit ng online platforms

for interviews, for hearings or mas mabuti na po na kung hindi na kailangan ay huwag na hong

papuntahin. Also, siyempre, ang reiteration to observe the 3-7-20 processing times.

Next slide, please.

It also gave specific guidelines also on the special rules on validity of permits and licenses. Isa

po sa mga madali pong solusyon ay automatic approval at extension po ng mga permits. Kung

ito lamang po ay magpa-fall during this pandemic ay baka maaaring i-extend na ho ang validity

ng mga lisensya, clearances and permits or certifications at ang payment po dito for renewal po

nila ay maaari hong ideposito na lamang. Kung ito po ay nag-o-operate na iyong isa pong

negosyo for the past year ay puwede ho silang i-automatically na i-extend ang kanila pong

registration. Kung payment lamang ito puwede na pong online.

Also, to expedite the renewal procedures, again, I would say the renewal of permits and licenses

should actually be faster than an original application dahil nag-e-exist na po ang isa pong

business o isa pong industriya bago humingi ho ng renewal.

Page 5: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Also—next slide, please.

On the inter-connectivity, kinakailangan po na ang atin pong mga sistema as much as possible

mag-provide po tayo ng mga APIs [Application Programming Interface] doon po sa ating mga

automation system para puwede ho natin pagkabit-kabitin ang ating mga proseso technologically

speaking, infrastructure-wise but also systems-wise ay kinakailangan ho nating mag-data

sharing.

Ang ibig sabihin po nito, kung maaari namang kunin ng isang government office sa karatig na

government office ang data ay huwag na ho niyang hingin sa tao ang maaari naman ho nating

makuha sa ating kapwa opisina.

And of course, on the reiteration on the single window approach. Ibig sabihin po, kapag iisa ho

ang opisina, isa pong ahensya, huwag na ho nating paikutin ang tao sa atin pong mga offices to

go to the different offices within the same agency, just provide one concierge na naroroon na

lahat ng mga requirements na tatanggapin isang beses lamang, babayaran isang beses lamang

para sa lahat at releasing po ng mga permits and licenses sabay-sabay.

Now, next slide po.

So, that is for our streamlining. Iyan po ay ginagawa po natin sa ARTA. Now, to give some

updates on some of the investigations na ginagawa po ng ARTA. Ang mga cases po na

pumupunta sa ARTA ay agad po nating inaaksiyunan at kapag pumunta po sa atin, isa po sa mga

ginagawa po natin is magpadala po ng notice of compliance or mga compliance orders po or

notice to explain kung ito po ay investigation.

So, sa ngayon po noong tayo po ay nag-start noong August 11 noong magpadala po ng

compliance orders sa mga LGUs, ayon po sa ating mga telco companies ay 933 total number of

permits released since August 11 doon po sa ating mga procedures; 661 po galing sa

PLDT/Smart; 772 galing po sa Globe – permits released; galing po sa 57 compliance orders sa

49 cities and municipalities na pinadalhan po ng ARTA at natutuwa ho tayo, nagpapasalamat sa

mga LGUs dahil nagre-release din po sila ng mga ibang mga permits na nakabinbin doon sa

kanila kahit hindi po iyon ang kinover po natin sa compliance order.

So, there is really a speeding up of mga processing and ito po ay nangyari even before the

Bayanihan 2 po. Ibig sabihin ay doon lamang po sa joint memorandum circular na inisyu po ng

ARTA, DICT, DILG at ibang mga ahensya ay gumana at tumakbo na po ito.

Now, on another matter, kung hindi ho inaaksiyunan despite na mayroon ho tayong directives sa

government agencies - Next slide po. Next slide, please – ang ARTA rin po ay nag-iisyu rin po

ng findings of declaration of completeness of documents ng mga government agencies. Kung

kumpleto na po ang application ng mga taumbayan at idinedeklara po natin ito as automatically

approved by operation of law.

Page 6: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Ulitin ko po: hindi po ARTA ang siyang nag-aapruba po nito, ang Kongreso po ang nag-apruba

po ng mga applications po ninyo kung ito’y kumpleto na at lumampas na po sa takdang

prescribed processing time.

So, ARTA did declare as complete and automatically approved around 6,252 pending permits na

po since noong tayo po ay nagsimula last year.

Next slide, please.

And also in the total of 3,964 na inireklamo po sa amin, ang na-close po natin na cases, ibig

sabihin sumunod, nilabas at nag streamline po iyong ibang mga agencies – 2,425 at ongoing po

iyong iba pong mga cases sa atin po ngayon.

Next slide po.

Ngayon, in extreme cases na hindi po sumusunod despite na mayroon pong directive po ang Anti

Red Tape Authority at findings then that’s the time that ARTA would really crack the whip and

file cases po in the Ombudsman or in the Civil Service. Kapag ito po ay issue ng fixing at nahuli

po namin sa entrapment, ito po ay maaari na po naming i-diretso na i-file po sa mga korte.

Sa darating pong panahon – next slide po.

Next slide, please.

Sa darating din pong panahon, tomorrow, ARTA again would be filing cases against erring

officials – hindi ko na lang po muna idi-divulge – pero tomorrow we would be issuing a

statement also on this and in the coming days po ang atin pong pagpa-file din pong kaso ay

masasaksihan rin po natin. And also there are other pending investigations that ARTA has been

conducting. Mayroon po tayong current na cases ngayon both in Luzon and Cebu.

And—next slide po.

The President has emphatically said also during the latest State of the Nation Address that the

Ease of Doing Business and Efficient Government Delivery Services Act of 2018 has been

gaining momentum. Ang tulak po ng ating Pangulo laban sa red tape ay nagsimula at

nagpapatuloy at ito ho ay pabilis nang pabilis and kinakailangan po tayong magsama-sama.

Next slide po, our last slide.

Ang reporma, ang train of reform against red tape is already on the move, on it or the hopes of

the people for a better Philippines and also as led by our own President and anyone who chooses

not to move will simply be ran over.

Maraming salamat po

Page 7: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

SEC. ROQUE: Maraming salamat, DG. Si DG po ay may pagpupulong kay Secretary Lopez ng

DTI. So, siya po ay aalis ng 12:20. Sa ngayon po, mayroon ba hong katanungan para kay DG

Belgica, USec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, mayroon pong tanong para kay Sir Belgica at—Ang unang

tanong po ay mula kay Sam Medenilla for ARTA Director General Belgica: After po ng

summary hearings conducted by ARTA, ilang permits for the construction of new

communication towers ang na-release ng concerned LGU at ilan pa po ang pending? May

deadline po ba na-impose ang ARTA for all pending permits to be released?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Thank you, Ma’am Rocky. Iyong slide po na pinakita ko kanina

ma’am, 933 na po ang ni-report po sa amin as of Monday. Kanina ay nakipagpulong din po kami

sa mga telcos and I believe the Globe did manifest that there are actually more. Now, so ito po

iyong—bukod pa ho doon sa binanggit po ni Secretary Año noong nag-briefing po noong

nakaraan, ito po’y panibago ‘no, 933 at iyong—nakita rin ho namin na marami po sa mga

permits na sinasabi po ng mga telcos before na hindi ho inaksiyunan, noong amin pong

pinatawag for a summary hearing, nakita ho namin na hindi rin ho kumpleto at sinabi rin ho

naman nila maraming hindi rin ho kumpleto.

So upon completion din po, doon ho nagkatugma, nagka-completion ay iri-release naman po

agaran ng mga LGUs po iyan.

So ang amin pong time frame po dito is as soon as possible, during the hearing po kadalasan

sinasabi na po ng LGUs ay niri-release na rin po nila ito the following day kasi alam ho nila ang

tulak ho ng ating Pangulo. At ganoon din po doon sa pagpasa po ng Bayanihan II ngayon,

marami hong sinuspinde na mga ibang mga permits. So mas maa-anticipate ho natin na mas ma-

accelerate pa po ito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya: Recently po nag-commit po ang Senate

that it will push for new legislation to further cut bureaucratic red tape to speed up the country’s

post COVID recovery. Magsa-submit po ba ang ARTA ng position paper for the crafting of the

said legislation? Ano po ang mga possible na iri-recommend na provisions ng ARTA para dito?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Salamat, Usec. Rocky. Opo, mayroon na ho kaming

pakikipagpanayam po sa Congress. Mayroon din ho kaming inihanda na rin po na amin pong

mga proposals. Hindi ko ho idi-discuss thoroughly pero in general terms po ang general powers

po kasi ng Anti-Red Tape Authority is iyong tinatawag po na empowerment and enforcement.

Iyong empowerment function po, kami iyong tumutulong sa pagpapasimple ng mga proseso ng

mga serbisyo ng government offices. Pero ang function po ng ARTA dito is recommendatory as

to their processes, kung paano ho babaguhin.

While on the enforcement part naman po is kapag nangyari na po iyong red tape, inipit ho iyong

papel, hindi kayo inisyuhan ng resibo, hindi ho prinoseso sa takdang panahon ay doon ho

pumapasok ang Anti-Red Tape Authority at maaari ho kaming mag-imbestiga at mag-file po ng

cases.

Page 8: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Now, ang isa ho sa mga bagay na dahil ho sa emergency natin ngayon ‘no—napakaganda po

noong batas Usec. Rocky pero because pinag-uusapan po nating emergency ngayon, ang maaari

ho kasing gawin is iyong empowerment, iyong streamlining initiatives and powers po ng ARTA

or ng… puwede hong ibigay sa atin ng Pangulo ay maging mandatory kapag mayroon hong

findings for example tayo na mga permits na kailangan ho nilang tanggalin ay hindi lang siya

basta recommendatory, kailangan gawin na po noong mga ahensiya ito para mas lalo hong

mapabilis iyong streamlining.

Kasi ho ang solusyon ho talaga sa red tape is streamlining po ‘no and re-engineering. Gawin na

po ng mga agencies and then—i-reverse natin iyong proseso, sila ho ang magpapaliwanag,

magpapakita kung dapat bang ibalik pa ito or hindi. So iyon po ‘no in broad terms Usec. Rocky

ang amin pong idi-discuss actually pati po ngayon sa aming council na pupuntahan ko after this

press briefing.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, DG Belgica.

SEC. ROQUE: Maraming salamat DG Belgica and regards to Secretary Lopez. Mayroon ‘atang

question si Melo Acuña for DG Belgica. Melo, go ahead.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Magandang tanghali po, DG Belgica.

Congratulations, naproseso at nailabas iyong mga permits. Nasuri po ba ninyo kung anong

naging dahilan bakit nabalam iyong mga permiso sa mga LGU?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Sir Melo, surprisingly marami ho talaga sa mga applications

ang kulang po, iyon po ang nakikita namin. Mayroon hong ibang mga—kadalasan iyon po ‘no,

majority ng mga reklamo rin po ng mga LGUs na sinasabi it’s either ay kulang ang mga

applications na ibinigay sa kanila or mayroong contractor—may subcontractor iyong contractor

na minsan may subcontractor so minsan it takes na ganoon po ‘no.

Pero generally po nakita ho natin itong 933 po na iyan lumabas sa loob ho ng isang buwan.

Mahigit pa ho diyan, naniniwala kami lalagpas po ng libo iyong naglabasan po ngayon dahil sa

compliance order.

Pero isa ho diyan iyong nakita ho namin, iyong failure to submit some of the complete

documents although mayroon din hong sinasabi ang telcos na hindi ho sila binibigyan or

iniisyuhan daw noong order of payment na tinatawag, Sir Melo, noong mga LGUs kaya hindi

raw sila makapagbayad.

So iyong tinitingnan namin, may iilan-ilan na mga issues na ganoon pero ang sinasabi ho ng mga

LGUs naman, hindi namin kayo iisyuhan ng order of payment kasi hindi nga kumpleto.

So it’s really a cases-to-case basis pero I think it’s really in the completeness of the documents.

Pero kung makikita ho natin, kung mayroon hong lalabag at magmamatigas dito, hopefully

huwag ho, kung hindi ho talagang makakasuhan po din sila.

Page 9: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Ano po iyong safeguards ninyo para huwag

mapalsipika iyong e-signature sapagka’t iyong original nga napipeke ng mga golden hand? Ito

kayang digital signature, hindi nakukopya?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Sir Melo, napaka—iyan ho’y isa ho sa mga bagay na una ko

pong kinakaba noong ako po’y natututo about digital signature ng DICT.

It is actually safeguarded by a technology that verifiable po ‘no, na kapag ito po’y pinadala sa

inyong computer, makikita ninyo po kung sinong computer ang pinadalhan saka ang nagpadala

ho na ‘to at iisang klaseng unit lamang ang puwede hong magpadala. And in fact, bago ninyo po

mailagay ang inyong signature diyan ay hinihingi pa ho ang password ng inyong signature.

So meaning ho, nati-trace po ito, ang digital signatures kung sino at saan ho nanggaling. Kasi po

ang digital signatures, Sir Melo, ang intention po niya ay hindi na ho natin kinakailangan i-print

iyong papel ho kasi ho nasa computer na po. Similar to to the… iyong mga plane tickets po natin

‘pag sumasakay po tayo sa airport, naroroon na po sa atin pong mga units.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Ano po iyong naging epekto sa Red Tape Authority

ng COVID-19? Sapagkat may mga opisina na work-from-home, 50% ang nagri-report sa

opisina. Gaano ang ibinagal ng serbisyo? Salamat po.

ARTA DIR. GEN. BELGICA: I would suppose ang question ninyo po muna sa amin pong

ahensiya mismo?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Overall, overall...

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Sir Melo, sa amin hong ahensiya sa tingin ko mas dumami po

ang trabaho ng work-from-home dahil nag-ano po tayo, ang dating mga travel time talagang

nagagamit ho natin sa mga meetings po lahat iyan. And I think ang atin pong situation ngayon sa

COVID merely accelerated the need for the use of digital platforms po natin iyan. So bukod ho

sa kinakailangan ho nating mag-contribute back from our budget papunta ho ulit sa mga COVID

efforts po, I think ‘ayun ho, iyong adjustment lamang po ng aming work structure na mostly po

ay using po iyong internet.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Thank you.

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Salamat, sir.

SEC. ROQUE: Okay. Since wala na tayong questions para kay DG Belgica. Thank you very

much, DG Jeremiah Belgica.

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Salamat.

SEC. ROQUE: And good morning to you at sana po maimbitahan namin kayo uli in the near

future. Thank you very much.

Page 10: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Pumunta naman tayo sa ating pangalawang bisita. Wala pong iba kung hindi ang Undersecretary

of the Department of Health, ang in-charge po sa One Hospital Command Center, si Dr. Bong

Vega. Doc, good afternoon, the floor is yours. Kumusta na po ang One Hospital Command

Center natin?

USEC. VEGA: Okay, magandang tanghali, Spox Harry. Magandang tanghali po sa lahat. Really

it’s an opportunity for me to present again itong One Hospital Command, iyong aming

accomplishment for the one and a half months na nagpapatakbo kami sa MMDA One Hospital

Command Platform. Makikita po ninyo, since the time na we did the pilot and the launch last

August. Pansinin po ninyo na mayroon kaming an average of 86 number of calls per day at ito po

ay napa-process ng dalawang call centers ngayon na off-site. Ang isa nito ay iyong pure force,

iyong una at saka iyong pangalawa iyong tinatawag namin na call center ng ICON.

Ito po ay nagko-cover sa mga overflow na calls coming from the citizens at ito po ay napupunta

sa MMDA responders for the medical directions or directives whether kung kailangan ba iyong

treatment facility center, kung kailangan ba ng coordinated care na referral sa hospitals or

kailangan ba ho nila ma-isolate sa mga hotels, sa Oplan Kalinga.

Itong ano naman na ito, nakikita namin ang utilization ng mga TTMFs at sa mga hospitals, dahil

mayroon kaming dashboard. So in the second slide, makikita po ninyo iyong platform na

ginagamit ng mga clients on paano sila nagko-contact sa amin sa One Hospital Command. Iyong

dumadaan po sa aming call center, iyon mas mataas, kasi ito iyong number na binigay po namin

sa publiko, it’s about 58%; tapos iyong direct calls naman sa One Hospital Command, may mga

23%; mayroon din kaming messaging coming from sa mga cellphones, 13%; email 5% and other

hotlines, lalo na hotlines coming the LGU and Department of Health.

Pansinin po ninyo, ito iyong platform na ginagamit ng clients ngayon pero majority po ang

nakukuha ng pure force call center na kung mayroong mga frequently asked questions, kaya na

po nilang gampanan, dahil mayroon na po silang script of doing it at kung kailangan naman ng

medical direction, ito naman ay binibigay sa hospital responders or coordinators.

Ito naman iyong classification ng mga COVID-19 cases na nari-refer po sa One Hospital

Command. Kung pansinin po ninyo ang 64% po nito, ang tinatawag po iyong mga confirmed

cases, kung saan sila mata-transfer sa hospital, kung mayroon silang moderate or critical or kung

mild cases po sila eh, nagpapatulong kami sa Oplan Kalinga, through the LGU din ano, sa mga

BHERTs at saka sa mga RESU at saka SESU to look for an isolation or different facility in their

location. Sa mga suspect cases naman, mayroong mga 33%, ito iyong kailangan nang ma-isolate

until mag-negative po iyong mga swab nila. Ito ay napupunta din sa Oplan Kalinga at saka

probable cases na 3%. So, kadalasan po ang tawag po sa amin sa One Hospital Command ay

iyong nagpapatulong sa mga confirmed case, which is about 64%.

Ito na naman iyong mga types of appropriate receiving facility, so lahat ng mga tawag namin,

coming from the call center, napupunta sa mga MMDA responders or aming hospital coordinator

sa One Hospital Command at makikita naman ninyo dito po na iyong receiving facility

karamihan po nito ay 45% po na aming nabibigyan ng medical direction towards different

hospital para sa coordinated care and referral at saka nakakausap din namin iyong mga hospitals

Page 11: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

at mga doctors doon kung ano ang kailangan dapat maibigay sa pasyente, whether isolation ward

or ICU.

Mayroon din kaming pag-transfer sa mga hotel isolation facility, ito iyong mga positive COVID

cases na with mild - 23%, sa mga mega quarantine facility din ho, mga 21% at saka inter-

hospital transfer - 12%, ito iyong mga transfer na mga patients na hindi na kakayanin minsan ng

ibang hospital napaghanapan po namin ng mga vacancies sa different hospitals, through referral

system to the One Hospital Command.

So, sa One Hospital Command ho, napapansin po ninyo ang closed-live event po namin,

mayroon na kaming 3,000 as of yesterday - 3,500 number of calls and 94.63% naman po nito na

nare-resolved at saka nagkakaroon naman sila ng solusyon in terms of transfers, in terms of

coordination or medical direction.

So, iyong mga pending cases po namin, ito ay mga 199, naghahanap pa po ito ngayon ng mga

beds especially sa mga temporary treatment facilities na within their locality, that’s only about

0.53%.

At malaking pasasalamat din namin, Spox Harry, na binigyan po kami ng parang tulong, very

good assistance coming from FPH, ang Lopez Group po iyan, na pinagamit sa amin iyong call

center and ito iyong nag-process ng mga overflow ng mga calls namin, kasi hindi kakayanin

iyong calls namin sa isang off-site call center lang.

So ang laking tulong din ng grupo ng FPH, lalung-lalo na iyong panawagan mo Spox Harry, sa

PLDT they were able to connect 15 lines, ito ay mas madali na kaming maka-contact through the

different hospitals at saka mga TTMFs at saka mga hotels at saka mayroon din kaming assistance

coming from globe, binigyan kami ng cellular phones ng Globe, para ang access ngayon sa

communication and interconnectivity mas mabilis at saka nagkaroon din kami ng internet

connection.

And lastly po, ang PCSO naman ay nag-contribute po sa One Hospital Command ng [inaudible]

system, ito ay system na parang iko-connect po namin ang mga regional one hospital command,

kasi magtatayo kami ng mga regional in different region, a One Hospital Command Center. So,

ang balak po namin ay magka-coordinate ng all regions and balak po namin ma-connect din ang

buong hospital system sa One Hospital Command to the different islands.

So, ito iyong malaking accomplishment na nagawa namin in almost two months at ito iyong mga

contribution din coming from the private sector.

SEC. ROQUE: Maraming salamat Usec. Vega at nagagalak naman po ako na iyong ating mga

telecoms providers ay nagbigay ng additional lines po noong tayo ay humingi at salamat din po

sa PCSO at saka sa FPH. Okay pumunta na po tayo sa open forum natin. Usec. Vega. I hope you

can join us, in case may mga tanong para sa inyo ang ating mga kasama dito sa Malacañang

Press Corps.

Usec. Rocky?

Page 12: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Tanong mula kay Rosalie Coz ng UNTV.

May mga nakapansin po at pinuri ang stand ng Pangulo na mas malinaw ngayon na dapat i-assert

ang soberenya ng bansa patungkol sa West Philippine Sea at maging sa ating internal

governance. Soberenya laban sa China at ibang bansa, puna sa administration. May pagbabago

ba o epekto ito sa polisiya ngayon laban sa China kagaya ng mga kumpanya na blacklisted at iba

pang mga proyekto at negosasyon sa bansang China?

SEC. ROQUE: Maraming salamat po doon sa mga nagsabi na napakaganda talaga ng talumpati

ng ating Presidente. Ang sasabihin ko lang po, wala naman pong bagong polisiyang binanggit

ang Presidente. Ito po ay kauna-unahang pagkakataon lang na nakapagtalumpati po ang ating

Presidente sa UNGA, so ngayon lang natin siya narinig magbigay ng comprehensive na

statement ng kaniyang mga polisiya pagdating po sa West Philippine Sea, doon sa iringan ng

mga super powers, sa droga, sa climate change at pati po doon sa isyu ng refugees. Lahat po

iyan, iyan po iyong existing policies ng ating Presidente, ayaw nga lang pakinggan ng mga

kritiko ng Presidente habang hindi pa nababanggit sa UN General Assembly.

At dahil ito po ay mga kasalukuyang polisiya ng Presidente wala naman pong magbabago doon

sa ating mga polisiya, lalung-lalo na doon sa ating bilateral relations with China at saka doon sa

binanggit na nga ng Presidente na hindi naman po siya pupuwedeng magsunud-sunuran sa mga

dayuhang bansa pagdating doon sa kung sinong pupuwedeng makagawa ng mga proyekto na

kasama po sa ating Build, Build, Build.

USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Rosalie Coz ng UNTV: May nagsasabi na tila

nagbago ang tono ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa United Nations General Assembly. May

mga binitiwang siyang pangungusap na tumatak kagaya ng “if we cannot be friends, let’s not

hate each other so much”. Ito po ay patungkol sa tension sa West Philippine Sea at iba pang

conflict areas. Pero ito halos parehong salita ay binigkas niya dati sa una niyang SONA, pero

patungkol naman sa pulitika at paniniwala at mga makakaliwang grupo sa ating bansa. Iisa lang

ba ang speech writer ng Pangulo ng SONA at dito sa speech niya sa United Nations General

Assembly? At ano ang pagkakaiba ng mga binigkas niya na ito sa dalawang magkahiwalay na

pagkakataon? Nagkataon lang ba ito, may kinalaman din ba kayo sa speech niya sa UNGA kasi

dati na rin kayong nag-comment na ito, ‘it could be better’ ang speech ng Pangulo? Kung kayo

ang tatanungin, how do you find the speech of the President in United Nations General

Assembly?

SEC. ROQUE: The President’s speech in the UN General Assembly, I thought, was excellent

and I think halos lahat ng Pilipino ay kinilala po na talagang napakagaling at napaka-

komprehensibo at malinaw ang naging talumpati ng ating Presidente. Wala pong pagkakaiba ng

polisiya, iyan po talaga ang, kumbaga, very brief summary ng mga polisiya ng ating Presidente

sa iba’t ibang isyu. Ang gumawa po ng speech na iyan ay marami, iyan po, tawagin na lamang

natin silang Team Philippines. Pero iyong mga subject matter po na nabanggit ng Presidente

pagdating sa mga international issues, si Presidente po mismo ang namili kung ano ang gusto

niyang i-discuss. So hanggang doon lamang po tayo. Team Philippines po iyan, very close

coordination with the President.

Page 13: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Alam po ninyo, nakita ko naman, ilang beses na, kung paano talaga ang ginagawa Presidente

pagdating sa mga major talumpati. Nakakita naman ako ng rehearsal noong una at pangalawang

State of the Nation Address. Habang nagri-rehearse po siya, talagang binabago niya iyong

speech kung ano iyong gusto niyang sabihin. So, hindi naman po pupuwedeng sabihing sinulat

iyan ng iba para sa kaniya dahil ang pagkakaalam ko po by the time he is done with the speech,

matapos po niyang i-rehearse, bagung-bago na po ang lumalabas po. So malaking input din po

talaga diyan ay galing kay Presidente mismo.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, Pennsylvania Representative Susan Wild has filed a bill before

the US Congress seeking to suspend the security assistance, iyong PNP aid and military aid, in

the Philippines following the passage of the Anti-Terror Law. Your thoughts on this, sir?

SEC. ROQUE: That’s a very wild suggestion. Kampante po kami na ang state department

naman po at ang administration ni President Trump, dahil sa malapit na pagkakaibigan ng ating

Presidente kay President Trump, ay nakikita ang halaga ng patuloy na kooperasyon sa parte po

ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Alam naman po ninyo, parang dito sa Pilipinas ‘no kahit sino

naman pong kongresista ay pupuwedeng maghain ng panukalang batas, pero ang chances na

iyong panukalang batas po na maisabatas po ay napakalliit po. So hayaan na po natin iyan, iyan

po ay personal opinion ni Congresswoman Wild, which is a very wild idea.

MARICEL HALILI/TV5: Does it mean, sir, that Malacañang is confident that this won’t pass

in US Congress? At kung sakali pong makapasa, gaano po kalaki iyong magiging epekto nito

doon sa programa ng PNP at ng AFP?

SEC. ROQUE: Alam mo, Maricel, hindi natin pinanghihimasukan iyong mga desisyon ng mga

soberenyang bansa – kung gusto nilang gawin, gawin nila iyan. Pero kampante nga tayo na sa

tingin ko kinikilala naman ng Estados Unidos ang halaga ng Pilipinas sa pagiging partner niya

pagdating din sa mga usaping national security ng Estados Unidos mismo. So hayaan na po

nating gumulong ang proseso sa Estados Unidos, pero iisa lang po iyan out of ilang hundreds of

congressmen and women ang nasa US Congress at kinakailangang aprubahan pa rin po iyan ng

Senado dahil kapareho naman ng sistema nila ng Amerika at ng Pilipinas pagdating po sa

legislation.

MARICEL HALILI/TV5: Sir, just a follow up on the President’s speech in the UN General

Assembly. Ang sabi po ni former Secretary Del Rosario, the next step is for our President and his

administration to put in reality the implication of the arbitral award. Paano po natin gagawin ito?

So, after po ng strong message in President sa UNGA about the West Philippine Sea, what will

be our next step?

SEC. ROQUE: Well, number one po, I don’t think it was a strong message. It was a restatement

of an old existing policy. Kampanya pa lang po, sinabi ni Presidente, hindi niya isu-surrender

ang maski isang inch ng ating teritoryo, so iyan po ay pagiging consistent lamang na wala po

tayong ipamimigay na teritoryo at paninindigan po natin iyong ating panalo sa UN Tribunal of

the Law of the Sea.

Page 14: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

Ang sa akin lang po, si Secretary Del Rosario, he is a Filipino, he is entitled to speak pero parang

hindi po maganda na dinidiktihan niya ang Presidente. Hindi ko po alam kung ano ang special

qualification niya para diktahan niya ang isang Presidente. Alam ko po naging anim na taon

siyang Secretary of foreign Affairs, pero noong mga panahong iyon, doon nawala iyong ating

Panatag Island at doon nawala iyong ating physical possession of that island. So, I don’t think he

has much to show by way of his actual accomplishment as DFA Secretary. And all I can say is

mag-isip-isip muna tayo kung ano ang qualification natin para diktahan natin ang isang sitting

President na hinalal po ng taumbayan.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong mula kay MJ Blancaflor of Daily Tribune on South China

Sea. Former DFA Secretary Albert Del Rosario welcomed the President’s pronouncement on the

South China Sea and said the administration should now ask for international support to enforce

the arbitral ruling?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Pero again, bilang isang professor ng international law,

you do not enforce an arbitral ruling. An arbitral ruling, ang assumption po sa international law is

that all countries will comply with their international obligation particularly with arbitral award

because it freely consented to the jurisdiction of the arbitral tribunal. So anyway, that’s free in

lesson po in international law for the former secretary of Foreign Affairs.

Sabihin po ninyo kung ako ang nagkamali, pero wala pa pong way na ma-enforce iyan other than

iyong pagkilala ng mga partido o ‘di naman kaya under Chapter 7 of the UN charter, gagamitin

po iyong economic o iyong dahas, military force, pero kinakailangan po iyan ng boto ng lahat ng

permanent members of the Security Council. I don’t think China will agree. A third option is

iyong ALA, Uniting for Peace resolution na it’s a general assembly, pero malabo po iyan dahil

alam naman natin na napakalaki rin ng impluwensiya ng Tsina.

Kaya nga po sinasabi ko, the existence of the award by itself is its enforcement dahil hindi nga

po mabubura iyan. At kagaya po ng sinabi ng Presidente, it now forms part of international law.

Ako naman po magbibigay ng unsolicited advice kay Secretary Del Rosario as a former

professor of international law and president of the Asian Society of International Law.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: How will the President’s pronouncement affect

our relationship with China? Some groups and analysts are wondering if it may signal the end of

our friendly ties with China.

SEC. ROQUE: Again, the President has been consistent – we will move on matters that we

could move forward on including trade and investments; and we will, for the time being, set this

aside because I don’t think the resolution of the territorial dispute is forthcoming in our life time.

So hayaan muna po natin iyan, basta nandiyan po ang desisyon diyan, malinaw kung ano ang

nakasaad sa international law.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate: Reaksiyon po sa sinabi ni dating House Speaker

at Davao Representative Pantaleon Alvarez na isang failure ang naging tugon ng administrasyon

sa problema sa coronavirus pandemic. Ang sabi po ni Alvarez ay huwag na raw magbolahan

Page 15: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

dahil pataas nang pataas, paakyat nang paakyat pa rin ang COVID-19 positive sa halip daw po na

pababa. Dapat daw maging totoo na bigo ang pamahalaan sa pag-approach nito sa problema sa

pagkalat ng virus.

SEC. ROQUE: Tinawagan ko po si Speaker Alvarez noong nabasa ko iyan. Ang sabi niya sa

akin, “Hindi ha, hindi ko pinupulaan si Presidente Duterte. Inuobserbahan ko lang na dumadami

iyong numbers.”

Pero sa ngayon po ‘no, I’m sorry we were not able to show it ‘no pero sa last meeting po namin

sa Davao, si Secretary Duque presented figures on a basis of two-week, iyong two weeks—

anong tawag doon? Hindi, two weeks attack rate, pinakita po niya na pababa po nang pababa ang

numero. So it’s not actually accurate na pataas nang pataas po. Even on daily basis, napapansin

naman po natin, bumababa rin iyong gross figures po ng mga kaso ‘no.

Pero ang importante nga po, ang sinasabi natin na hindi po ma-breach iyong ating critical care

capacity dahil importante po na mapangalagaan natin ang kalusugan ng mga nagkakasakit ng

severe o ‘di naman po kaya ng kritikal.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, doon pa rin po sa

speech ng Pangulo sa UN high-level debate. Because I remember, sir, in the past, you said, the

President said na hindi na kailangang dalhin sa UN or i-bring up sa UN itong arbitral award. But

what prompted the President, sir, to talk about it before the UN?

SEC. ROQUE: Again, I’m sorry, I’ll have to educate you: This is in the UN General Assembly.

What his critics would want to do is to use the Uniting for Peace Mechanism which was

employed when Russia vetoed the sending of peacekeeping forces to what was then troubled

Congo ‘no. Of course, the issue there was only the Security Council can, well, can issue Chapter

7 resolution authorizing the use of force or the creation of UN peacekeeping forces, but the UN

General Assembly in the Uniting for Peace resolution for the first time also created the

peacekeeping force for the Congo. And the ICJ ruled that the Security Council does not have the

monopoly; the General Assembly can also do this, at iyan po ang gustong mangyari ng kritiko.

Ang sinasabi natin, huwag na po nating buksan ang usapin na iyan dahil iyan po ay nakasaad na

sa international law; at pangalawa, kung dadaanin po natin iyan sa botohan sa UN General

Assembly, political organ po ang General Assembly hindi gaya ng ICJ, hindi gaya ng UN

Tribunal for the Law of the Sea pupuwedeng matalo po diyan because countries will vote for

political and economic reasons. I hope I’m clear on that po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Okay. Sir, after ng speech ni President, do you think

somehow it has already changed the perception of the global audience after he extensively

discussed our position on key issues specifically, sir, doon sa human rights? May nag-reach out

po ba na bansa or maybe leader reacting or commending the President for his move po?

Page 16: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

SEC. ROQUE: Well, I have only read positive reviews about the President’s speech. And of

course, the human rights community welcomes the fact na sinabi rin ni Presidente, we will

continue our dialogue as far as human rights is concerned even with the UN Human Rights

Council.

So malinaw po iyan, handa tayong makipag-usap, handa tayong makinig, handa tayong

tumanggap ng mga suhestiyon. So I think that was welcomed by the human rights community.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, finally, on another topic. Since Boracay will be

opening its door to tourists by October 1, sir, marami pong nagtatanong, kailan daw po

mabubuksan iyong non-essential travel?

SEC. ROQUE: Well, I think, for tourism purposes naman po, unti-unti na tayong nagbubukas

dahil alam po natin ang halaga ng turismo ‘no. Iyong pag-allow po ng GCQ areas papunta ng

Boracay, I don’t think it’s just for essential travel ‘no; it really is for the purpose of tourism.

So siguro po ay kinakailangang maging malinaw lang po ang IATF diyan na unti-unti na talaga

nating binubuksan ang turismo. And tourism, technically speaking, is non-essential travel.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, how about non-essential travel to and from, going in

and out of the country po?

SEC. ROQUE: Alam ninyo, I just got a query from a former ambassador and apparently, the

DFA no longer has to issue any travel pass to departing Filipinos. So ngayon ko lang po nalaman

iyan ‘no. In fact, in our next briefing, siguro iimbitahin natin dito si Undersecretary Dulay; but

even if I’m in the IATF, hindi po yata na-inform ng DFA na hindi na kinakailangang kumuha ng

any form of permit for Filipinos to go abroad.

So iyan po ang nalaman ko this morning lamang because I inquired on behalf of a former

Philippine ambassador who wants to go abroad for medical treatment.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Technically, sir, puwede na po?

SEC. ROQUE: Technically, apparently, hindi na kinakailangang kumuha ng permit sa DFA. At

although, nililinaw ko po kung anong requirements ng CID kung mayroon man.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez of Philippine Star: President Duterte welcomed the

launch of the UN COVID-19 Response and Recovery Fund during his speech at the UN General

Assembly last Wednesday. How can the Philippines access the UN COVID-19 Response and

Recovery Fund? What do we need to fulfill, to tap this fund? How far will the Duterte

administration commit to become a recipient of this fund?

Page 17: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

SEC. ROQUE: Well, we welcome that creation of the fund also ‘no that will help iyong mga

medium income and low income countries fight COVID-19; kaka-launch lang po iyan. At ako

naman po ay kampante ako na whatever the mechanism is, we have a 0 in the United Nations,

and that all requests to tap that fund will be coursed through the DFA and our Permanent

Mission in the United Nations.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir. Good afternoon. Sir, sa China muna na ‘no. Did I hear

you correctly na you said that that it is not a strong statement, the President’s statement sa

UNGA?

SEC. ROQUE: It’s a reinstatement of what has been the Philippine policy on China na hindi

natin pupuwedeng balewalain ang panalo natin sa Hague. Paulit-ulit na pong sinasabi iyan ng

ating Presidente sa iba’t ibang forum, pero for the first time sinabi po niya sa UN General

Assembly.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, but the President also said and this probably strong, I don’t

know if you will agree, he said that he will reject efforts to undermine it. What would those

efforts be?

SEC. ROQUE: Sinabi na po iyan ng ating Presidente sa maraming pagkakataon na nandiyan na

iyang panalong iyan, hindi natin iyan babalewalain. At kahit anong sabihin ng kahit sino na hindi

nila kikilalaning iyang desisyon na iyan, ang katotohanan ay go back to Article 38 of the ICJ

Charter – iyan po ay ebidensiya ng existing of a customary norm at hindi na pupuwedeng

burahin.

So, ang tinutukoy po diyan ng ating Presidente, kahit anong physical military occupation nila sa

mga isla na ang sabi naman ng Tribunal ay kabahagi ng ating exclusive economic zone, will

never ripen into a valid legal title.

JOSEPH MORONG/GMA 7: How about presence of the Chinese Coast Guard near our EEZ,

is that undermined the effort?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po sa EEZ kasi, lahat po ng mga sasakyan ay may kalayaang

maglayag. So iyong paglalayag po mismo sa EEZ ay hindi po pinagbabawal. So anyone, iyon

nga po ang ipinaglalaban ng buong mundo na mamentina po iyong tinatawag nating freedom of

navigation sa EEZ ng Pilipinas at doon sa mas malaki pang bahagi ng South China Sea.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, probably for you and for Doctor Vega. Sir, iyong

question po would be: Our research ‘no, GMA news research, has also discovered, found out na

iyong rate natin ng critical cases ay .3, naging na siyang 3.1, September 22. Where do we

attribute, sir, the increase in the critical cases? And what would the profile of the patients be?

And what is our solution, sir?

Page 18: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

SEC. ROQUE: Perhaps, I will defer to Doctor Vega. Doc. Vega, critical care.

USEC. VEGA: All right. Thank you, Sec. Harry. Thank you for the question, Joseph.

Alam mo, iyong 3.1 tumaas ng mga two percentage points mga two days ago iyan which we

noticed. Mga three days ago and nag-start iyan sa 3.1 ngayon 3.0. Bina-validate namin sa lahat

ng mga intensive care units ngayon, critical units kasi nakikita mo dito sa Metro Manila eh

adequate pa naman, sapat iyong number of ICU beds natin, hindi pa nasi-strain but we’re also

trying to find out kung ano iyong reasons na bakit tumaas ito ng 2% or two percentage point.

In fact, iyong aming regional director at saka aming surveillance tinitingnan na ngayon iyong

mga critical patients sa mga public and private hospitals to validate. So, we will try to make sure

na talagang our health system is capable of any kind of surge.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, age profile?

USEC. VEGA: Wala pa, hindi ko pa na-ano, kasi that’s very new eh. Bigla ngang tumaas iyong

2 percentage points at nagulat din kami but hindi naman nakakaalarma dahil ang capacity ng

health systems is there.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, let’s stay with you, sir. Mayroon pong proposal, well, at

least pino-float iyong idea na i-shift iyong Metro Manila sa MGCQ. What do you think of it?

Will this not overwhelm? Kaya po ba itong MGCQ sa Metro Manila? And then i-shift ko na lang

po, related, si Bishop Arguelles said - also kay Spox Harry – puwedeng hindi mag-wear ng

mask, you should just rely on your faith? And then, sir, iyon daw pong mga DOH encoders, three

months nang hindi nakatatanggap ng kanilang salary?

USEC. VEGA: Okay. Iyong first one, iyong MGCQ, alam mo, Joseph, ang desisyon po niyan,

ng IATF, it depends on iyong doubling time ng virus at saka iyong pangalawa, iyong critical

utilization rate noong mga hospitals. So, siguro after itong mga weeks ngayon titingnan kung

itong matrix ng critical care utilization ay bumababa na talaga and then iyong doubling time

naman ng virus lalampas ng mga at least 11 to 14 days.

Siguro by that time if we will be able to also parang decrease the number of positive cases na

iyong positivity rate natin ay magiging below ten o between five to nine, siguro iyon ang mga

matrix ngayon na titingnan ng IATF kung bubuksan na talaga with the MGCQ. So, kailangan ng

data talaga.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Opo. Sir, iyong DOH encoders daw, sir, wala pang mga

suweldo?

USEC. VEGA: Iyon ang ano—i-ano namin ngayon diyan sa administrative and finance division

trying to find out kasi na-report iyan sa amin the other day and tinatrabaho na ng admin and

finance division, lalung-lalo na itong mga encoders na sakop naman ng Bayanihan 1 at saka

Bayanihan 2 ngayon.

Page 19: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

JOSEPH MORONG/GMA 7: Secretary Roque—thank you, sir. Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong kay Bishop Arguelles nagsabi na, well, puwedeng

hindi mag-wear ng mask, we should just rely on our faith and then iyon daw pong Ilocos Norte

will stay open kahit Undas?

SEC. ROQUE: Well, una po kay Bishop: Sir, I hope we speak to our roles in society. Ang mga

Bishops po kinakailangan sa pananampalataya lang ng tao. Pero napatunayan na po ng siyensiya

at ng mga doktor na napaka-epektibo po ng pagsusuot ng face mask para maiwasan po ang

COVID. Sana po gamitin na lang natin ang impluwensiya natin sa lipunan para tulungan iyong

bayan na mabawasan ang kaso ng COVID. Well, i-encourage po natin ang pagsusuot ng face

mask kaysa po i-discourage ‘no.

Pagdating po sa—

JOSEPH MORONG/GMA 7: Ilocos Norte, sir.

SEC. ROQUE: Ilocos, hindi ko po alam kung ano ang gagawin ng Ilocos Norte pero sa tingin

ko naman po ay dahil ang DILG naman po ay nakaupo rin sa IATF at ang suhestyon na isarado

ang mga sementaryo ay iminungkahi nga ni DILG Secretary Eduardo Año mismo ay alam na ng

mga lokal na opisyales ang posibleng repercussion kapag hindi po sumunod dito sa direktiba ng

IATF.

JOSEPH MORONG/GMA 7: All right, sir. Secretary Roque, Usec. Vega, thank you for your

time.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, ang tanong ni Joyce Balancio, ni Virgil Lopez, ni Julie

Aurelio at ni Arianne Merez pare-pareho lang, pero isa lang po muna, basahin ko lang iyong kay

Joyce baka po may dagdag kayo: From US Senator Susan Wild: Across the Philippines, Rodrigo

Duterte’s brutal regime is targeting labor organizers, workers and political opponents which is

why I introduce the Philippine Human Rights Act which will block US funding until they prove

these assaults on human rights have ended.

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Iyan po ay isang panukalang batas, malayo pa ho ang

tatahakin niyan at tingin ko po alam ng mga Amerikano ang importansiya ng kanilang

pakikipagkaibigan sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA 7, para daw po kay USEC. VEGA: While we

are recording thousands of COVID-19 recoveries, there is a noted increase in the number of

severe and critical cases. To what do you attribute this and is this a cause for alarm?

Page 20: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky, pero nasagot ko na iyan sa tanong ni Joseph kanina.

This is no cause for alarm. We are trying to validate and study this kasi bigla nga pong tumaas

iyong percentage point noong critical cases pero kung titingnan mo naman ang capacity ng ICU,

lalung-lalo na dito sa Metro Manila ay capable of handling surge cases at this time.

USEC. IGNACIO: Usec. Vega, may pahabol lang po si Ivan Mayrina: Kung may noted

increase nga sa critical at severe cases, kumusta naman daw po iyong ICU bed capacity,

ventilators and other critical care facilities?

USEC. VEGA: Kung titingnan ninyo sa national figure, ICU beds is 51% occupied tapos iyong

mga ventilators naman 26% lang ang gumagamit; 43% naman iyong isolation at saka 46% iyong

wards ano. Pero sa Metro Manila naman, ang ICU beds, 65% occupied, tapos 54% naman iyong

isolation at saka 58% iyong ward bed. So, sa ventilators, 39% lamang ang occupied.

So, mayroon pang ano—hindi pa nasi-strain. Wala pang possibility na mao-overwhelm although

iyong ngayon nga, iyong 3.1% sa critical dapat pag-aralan namin and i-validate ano nga iyong

dahilan kung bakit may two percentage point umakyat iyong critical levels.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vega.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Good afternoon.

Binanggit po ni Assistant Secretary Allan Gepty ng Department of Trade and Industry sa isang

forum namin kahapon na nakapagsumite na ang DTI ng kanilang sagot doon sa tanong ng

European Union Trade Commissioner tungkol sa sinasabing mga paglabag sa Pilipinas doon sa

kasunduan o doon sa commitments natin. Nakarating po ba iyong kopya sa inyo noong kanilang

submission noong September 15?

SEC. ROQUE: Hindi po. You can ask the question po from them.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Okay, thank you very much, Mr. Secretary.

For Dr. Vega, magandang hapon po.

USEC. VEGA: Magandang hapon, sir Mel.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo. Kumusta na po kayo? Totoo po ba iyong

balita na lumiit iyong budget for 2021 para sa mga tauhan ng Department of Health na

naglilingkod sa ating mga kababayan?

USEC. VEGA: So far wala pa naman, in fact, nag-i-increase nga pero nasa budget hearing pa

kasi kami ngayon. Hindi pa natapos sa Kongreso, hindi pa rin natapos sa Senado, so, nag-a-ano

pa… may budget hearing pa kami, sir Mel.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: May pag-asa pa pong madagdagan iyong budget?

Page 21: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

USEC. VEGA: I’m sure ho, kasi iyon ang inano namin na kailangan ding sa COVID response

na ‘to at saka usual operations ng Department of Health kailangan din talagang magkaroon ng

extra budget po.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Salamat po. Thank you. Thank you, Secretary

Harry.

SEC. ROQUE: Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Valerie from GMA News natanong na po ni Joseph

Morong. Tanong na lang po ni Ace Romero for USEC. VEGA: Given the present critical care

capacity, do you agree that Metro Manila can now be downgraded to MGCQ? Why or why not?

To what do you attribute the rise of critical COVID cases?

USEC. VEGA: Iyong critical cases sinasabi ko na kanina, bigla lang iyan, mga 3 days ago kaya

pinag-aaralan namin ngayon. Pina-monitor namin sa surveillance team namin at saka sa regional

offices dito sa Metro Manila kung bakit nagkaroon ng taas dito sa … specifically dito sa Metro

Manila. Kasi iyong 3.1 namang iyan, across the Philippines iyan eh so titingnan namin kung ito

ba’y talagang mataas nga ba dito sa Metro Manila.

Pangalawa, iyong pag-transition or deescalate to MGCQ ay kailangan talaga ng data noon, ng

metrics. Siguro mga one week or two weeks from now, iyong mga metrics on doubling time,

metrics on the… mga utilization rate—bed utilization rates ng mga hospital at saka of course

iyong positivity rate ng nakikita natin. So ito iyong pagbabasehan din kung mag-deescalate na

for MGCQ.

USEC. IGNACIO: Question from Jo Montemayor, Secretary Roque: Any comment po or

instructions from the Palace on the 10 billion unused SAP fund and plans to divert it and use for

livelihood programs?

SEC. ROQUE: Well, nasabi ko na po iyan ‘no, na kung—dahil iyan po ay naibigay na ng

Kongreso, kung pupuwede nga po ay ibigay pa po iyan doon sa mga pamilya na hindi pa

nakakatanggap ng second tranche.

USEC. IGNACIO: Okay. Last question from Vanz Fernandez: With the POGO’s recent sharp

increase in exodus as the mainland Chinese government is clamping down on their operations

some point to a possible financial pullout with their exodus as this would empty a tenth of all

offices in Manila. How does the Palace plan to deal with the potential aftermath of their exodus?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, talagang mahirap itong issue ng POGO. May mga iba

talagang gusto silang paalisin, ngayon naman ang concern ‘pag umalis maraming mababakante.

Well, una po, wala naman pong malakihang exodus. Ang nangyari po ay mga 20 plus lang out of

60 ang nag-comply doon sa requirement ng BIR ‘no. So hindi naman po exodus iyan dahil

malinaw naman po ang naging polisiya ng Department of Finance – pay up otherwise hindi kayo

pupuwedeng mag-POGO operations dito.

Page 22: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

May isang kumpanya lang po na umalis na ang kadahilanan ay sinusupetsa po sila ng Mainland

China na nagpopondo daw ng mga demonstrators pero iyan naman po’y kaisa-isahan lang

kumpanya ‘no. So ang tingin ko po kung—the word ‘exodus’ is not correct.

Marami pong hindi nag-comply doon sa requirement na kinakailangan magbayad ng franchise

tax ang mga POGOs na dapat ikatuwa noong mga tumututol sa POGOs. So ngayon po, more or

less beinte na lang po ang mga POGOng natitira, initially po mayroon tayong mga 60 plus

licenses issued by PAGCOR.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. Pia Rañada…

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, sirs. Just for Usec. Vega po muna. Sir, quick point of

clarification. Sir, you said earlier na puwedeng mag-MGCQ iyong Metro Manila kung lalagpas

po from 11 to 14 days iyong ating case doubling rate. I just want to clarify because a month ago

the Presidential Spokesman Harry Roque said that a doubling rate of 28 days is the only time

when Metro Manila can transition to MGCQ. So, is there a change in the way we measure when

to transition to MGCQ and what is the case doubling rate as of now, sa Metro Manila?

USEC. VEGA: Pia, the basic assumption is your case doubling time must be more than seven

days. At present we are about 12 days. So if Sec. Roque says 28 days, that’s the best kind of

scenario.

So what we’re saying here is that the case doubling time must be a good basis or a metric for

deescalating into MGCQ, that’s my point.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So since 12 days na po sa Metro Manila, would you say that we’re

ready to transition because only 6 days from now we will be under a new classification?

USEC. VEGA: Yeah. But there are others—you need to look at the critical utilization bed of the

hospitals especially the ICU. The ICU right now it’s still in the 65% ‘no, that’s moderate—the

risk, the moderate risk iyan and it means that kailangan if you are to move towards MGCQ,

dapat mas below ka ‘no, doon ka sa—hindi ka diyan sa—dapat you must be below at least 60%

‘no which is really a medium risk.

So I think the data would really—if you are to deescalate, titingnan talaga whether there is a

capacity for the health systems to accommodate surge in terms of the number of cases; meaning

to say that at least you will have below 60% utilization of the critical beds, which means the

intensive care and the isolation. So these are factors and big factors really in determining whether

you can deescalate Metro Manila to MGCQ.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you, Usec. For Spox Roque. Sir, is the Palace or the

Philippine government open to proposing a resolution before the UN General Assembly calling

on China to respect The Hague ruling?

Page 23: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

SEC. ROQUE: Well, as I said earlier ‘no, anything is possible but there has not been any step to

that effect ordered by the Palace yet.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And, sir, in Malacañang’s view—I’m asking this because of

the recent decision of Facebook to take down a network of disinformation pages and then they’re

saying it’s the link to the Philippine military and police. So sir, obviously the military said it

would prove the issue. But in Malacañang’s view, should government officials or employees be

engaged in sharing social media posts that red tag people falsely or falsely accuse them of

plotting to oust the government?

SEC. ROQUE: We have to believe the Armed Forces of the Philippines when they said that

they have no official pages taken down by Facebook. So all these pages obviously are pages of

the Armed Forces of the Philippines or the Republic of the Philippines.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, it’s been traced daw to an Army man and he’s engaged in

social media for the military. But, sir, my question is more of not on the actual take down—

SEC. ROQUE: I’m not arguing, Pia, because that’s the official position of the Armed Forces.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, my question is more of… iyong Palace ba, do you agree or

do you think that if there’s a government official or employee that they should not be sharing

social media posts that red tag people or falsely accuse them of plotting to oust the government?

SEC. ROQUE: You know, even government officials do have freedom of expression. What is

prohibited is if this is done in official mediums maintained by the Republic of the Philippines.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, you’re saying the code of conduct for public officials does

not extend to their private social media accounts?

SEC. ROQUE: It does but you have made the conclusion that they’re red tagging. So that’s your

personal opinion.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. ‘Cause there are some people who have been accused of

that like--

SEC. ROQUE: Pia, you’ve asked six questions already so thank you very much ‘no.

Usec. Rocky, please…

USEC. IGNACIO: Secretary, nakuha na po natin lahat ng mga tanong ng kasama natin sa MPC.

Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Well, since there are no more questions, I’d like to thank DG Belgica, Usec.

Vega. I’d also like to thank Usec. Rocky, the men and women of the Malacañang Press Corps;

and of course ang sambayanang Pilipino for watching our press briefing today.

Page 24: PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS ......2020/09/24  · Nanawagan din ang Pangulo sa mga stakeholders sa South China Sea, Korea Peninsula, Middle East at Africa na kung hindi

We will back on Monday and until then, on behalf of President Rodrigo Roa Duterte, ito po ang

inyong Spox nagsasabing: Maraming, maraming salamat po sa suporta ninyo kay Presidente

Rodrigo Roa Duterte lalung-lalo pa ho sa kaniyang talumpati noong Tuesday sa UN General

Assembly.

Please keep safe. Magandang hapon po sa inyong lahat.

##

PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)