price support
TRANSCRIPT
• F:\Support Filipino Farmers.mp4
Price Support
-ipinatupad ng pamahalaan para bigyan ngtulong at proteksyon ang mga maliliit namagsasaka at mangingisda.
-ito ay para sa kapakanan ng mgaprodyuser at magsasaka na makabawas sa mgagastusin sa produksiyon at magkamit ng kitapara sa kanilang pamumuhay.
Floor price
-itinakda ng pamahalaan bilangpinakamababang presyo na maaaring bilhin angisang produkto.
-bahagi ng pagbibigay-tulong ngpamahalaan.
Hal. Ang presyo ng tabako ay itinakda ngpamahalaan ayon sa kahilingan ng mgamagsasaka na nagtatanim ng tabako.
Floor price/ Price floor
-mas mataas kaysa sa presyong ekilibriyona umiiral sa pamilihan.
-itinuturing ng mga prodyuser na angpresyong ekilibriyo ay hindi sapat upangtustusan ang kanilang gastusin sa produksyon at pangangailangan sa buhay.
- Ang pagpapatupad ng price support ay nakaaapekto sa naitakdang ekilibriyo sapamilihan.
-Ang anumang pinagkasunduang presyo at dami ng mga mamimili at prodyuser ay magbabago bunga ng pagkakaroon ng floor price.
Graph Bilang 2
Batay sa graph, ang ekilibriyong presyo ayP15.00 ang bawat piraso ng buko na ipagbibili atang prodyuser ay magbibili ng 400 piraso.Ngunit sa pagtaas ng gastusin sa produksiyon atsa pamumuhay, ang P15.00 bawat piraso ngbuko ay napakaliit para makabawi sa mgagastusin, kaya ang mga prodyuser at magsasakaay humihingi ng tulong sa pamahalaan.
-itinakda ang floor price na P30.00, ito angpinakamababang presyo na mabibili ang bawatpiraso ng buko. Dahil sa pagtaas ng presyo ngbuko, ang mga prodyuser at dami ng magsasakaay naganyak na taasan ang dami ng supply, mulasa dating 400 piraso ay naging 600 piraso ngbuko ang kanilang nais ipagbili.
Samantala, ang mga konsyumer aymagbabawas ng bibilhin bunga ng pagtaas ngpresyo, kaya ang dating demand na 400 pirasong buko ay magiging 200 piraso na lamang.
Surplus – ay ang labis na supply ng produkto sapamilihan.
Ang surplus ay ang labis na supply ngprodukto sa pamilihan. Ang labis o surplus naprodukto ay 400 piraso ng buko (600-200 = 400) na kailangang maipagbili upang magkaroon ngbalanse sa pamilihan.
Kapay may surplus, maraming produkto anghindi maibebenta, maaari masira ang ilangprodukto, liliit ang kita ng mga prodyuser dahilkailangang ibaba ang presyo ng produkto.
Dahil dito, ang pamahalaan ay kailangang bilhinang surplus na tabako upang maging epektiboang pagpapatupad ng price support.
Ang pamahalaan ay gaganap bilang konsyumerng labis na produkto sa pamilihan upang angpagtulong sa mga prodyuser at magsasaka ay maisakakatuparan at matamo ang layunin namabigyan ng maayos at magandangpamumuhay ang mga magsasaka.
1. Paano ka nakikinabang sa pagpapatupad ngprice control ng pamahalaan?
2. Kung ikaw ay isang konsyumer, magagalit karin ba tulad ng iba kung hindi nababahala angpamahalaan sa patuloy na pang-aabuso ngmga negosyante?
__________1. Ano ang dalawang punto nanagpapakita na may surplus?
__________2. Magkano ang presyongekilibriyo?
__________3. Ilan ang kulang na produkto?
__________4. Ano-ano ang punto ng suplay?
__________5. Magkano ang price floor?
________6. Mula sa price ceiling, magkano angitinaas ng presyo ng ipatupad ang price support?
________7. Ilan ang demand ng ipinatupad nafloor price?
________8. Ano ang punto na nagpapakita ngsupply sa price ceiling?
________9. Ilan ang ekilibriyong dami?
________10. Ilan ang labis na produkto?
Pagsasanay!
Panuto: Gumawa ng graph gamit ang mga sumusunod nadatos. Isulat sa kalahating papel(1/2). (15 puntos)
Ang ekilibriyong presyo ay P10.00 ng manga at
ang ekilibriyong dami na kayang bilhin ng mga konsyumer
ay 100. Subalit hindi sapat ang P10.00 na presyo ng manga
upang makabawi sa gastusin sa produksyon. Kung kaya’t
humingi ng tulong ang mga magsasaka o prodyuser sa
pamahalaan.
Itinalaga ang floor price na P 30.00. Dahil sa
pagtaas ng presyo, naengganyo ang mga prodyuser na
dagdagan ang suplay ng manga, mula sa 100 naging 300
na.
Dahil sa pagtaas ng presyo (P10.00 – P30.00),
binawasan ng mga mamimili o konsyumer ang kanilang
bibilhin, ang dating demand na 100 ay naging 50 na
lamang.
GAWAN ITO NG GRAPH.
Takdang-Aralin
• Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti angsagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat sa½ papel.
• Bakit kailangang imonitor kung sinusunod ngmga negosyante ang price control?
• Ano ang posibleng mangyari kung di makontrol ang presyo sa pamilihan?
Maraming salamat
sa inyong
pakikinig at kooperasyon!