quiz1

3
QUIZ # 2- Modyul 10 Panuto: Tukuyin kung alin sa mga hirarkiya ng pagpapahalaga naaangkop ang mga sumusunod na sitwasyon. pambuhay pandamdam ispiritwal banal 1. Ang pamilya ni Mang Jose ay palaging nagsisimba tuwing linggo upang ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang kanilang tinatanggap. 2. Si Dr. Cruz ay isang doktor. Siya ay pumupunta sa mga liblib na lugar upang manggamot ng libre. Ito ay kanyang ginagawa bilang pasasalamat sa Panginoon. 3. Pinipilit ni Princess ang kanyang mga magulang na ibili siya ng bagong cellphone sa kadahilanang ito raw ang –in sa mga kabataan ngayon. 4. Sumali si Edwin sa volleyball team ng kanilang paaralan. Dahil dito lumalakas ang kanyang pangangatawan bunga ng kanyang araw araw na pag- eensayo. 5. Nais ni Aling Nena na ipakilala sa kanyang mga apo ang Diyos kung kaya’t tinuturuan niya ang mga bata na magdasal bago kumain at matulog. 6. Ang bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng sariling bahay na magsisilbing proteksyon nila laban sa init ng araw, ulan at iba pang panganib. 7. Halos hindi na kumain si Michael sa pagtitipid para lang mabili ang limited edition na sapatos ng kanyang idolong manlalaro ng basketball at maiidagdag ito sa kanyang koleksyon.

Upload: tinalyn-ganitano

Post on 13-Jan-2017

446 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Quiz1

QUIZ # 2- Modyul 10

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga hirarkiya ng pagpapahalaga naaangkop ang mga sumusunod na sitwasyon.

pambuhay pandamdam ispiritwal banal

1. Ang pamilya ni Mang Jose ay palaging nagsisimba tuwing linggo upang ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang kanilang tinatanggap.

2. Si Dr. Cruz ay isang doktor. Siya ay pumupunta sa mga liblib na lugar upang manggamot ng libre. Ito ay kanyang ginagawa bilang pasasalamat sa Panginoon.

3. Pinipilit ni Princess ang kanyang mga magulang na ibili siya ng bagong cellphone sa kadahilanang ito raw ang –in sa mga kabataan ngayon.

4. Sumali si Edwin sa volleyball team ng kanilang paaralan. Dahil dito lumalakas ang kanyang pangangatawan bunga ng kanyang araw araw na pag-eensayo.

5. Nais ni Aling Nena na ipakilala sa kanyang mga apo ang Diyos kung kaya’t tinuturuan niya ang mga bata na magdasal bago kumain at matulog.

6. Ang bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng sariling bahay na magsisilbing proteksyon nila laban sa init ng araw, ulan at iba pang panganib.

7. Halos hindi na kumain si Michael sa pagtitipid para lang mabili ang limited edition na sapatos ng kanyang idolong manlalaro ng basketball at maiidagdag ito sa kanyang koleksyon.

8. Nakitang nag-aaway ni Mang Jules ang kanyang dalawang anak. Imbes na parusahan agad ang dalawa, tiniyak muna niya kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi siya nagpadalos dalos sa kanyang pagdedesisyon at siniguradong pantay ang kanyang magiging kilos.

9. Ipinaghahanda ni Aling Maria ng masusutansyang pagkain ang kanyang mga anak upang maging malusog at masigla ang mga ito.

10. Nararapat lamang na ibahagi nating ang mga salita ng Diyos lalo na sa mga batang nasamurang edad upang maging gabay nila ito hanggang sa kanilang pagtanda.

Page 2: Quiz1

QUIZ # 3- Modyul 11-12

A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang mga sumusunod na pangungusap at M kung hindi.

1. Ang konsensya ay ang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip - ang paghuhusga ng isip kung mabuti o masama ang isang kilos.

2. Ang pagtukoy sa pangkalahatang kabutihan o kasamaan ng kilos ng tao ay masusukat sa pamamagitan ng layon (end), pamamaraan (means), at mga pangyayari (circumstances).

3. Kung ang layon at pamamaraan ay pawang masama, matatawag na mabuti ang isang kilos.

4. Masasabi lamang na naging matagumpay ang pagtuturo ng pagpapahalaga ng iyong guro o ng iyong mga magulang kung tunay mong isinasabuhay nang paulit-ulit ang iba’t ibang mga birtud.

5. Mahalagang maunawaan na ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan. Habang lumalaki ang kalayaan, lumiliit naman ang ating pananagutan.

B. Panuto: Ibigay ang hinahanap sa mga sumusuonod na bilang.

6- 8. Mga panlabas na salik na nakakaimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga

9-10. Mga panloob na salik na nakakaimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga