recipe

2
Recipe sa Tamang Paggamit (Balanse) ng Makabagong Teknolohiya s angkap 1. Disiplina (35%) - Ito ang pangunahing sangkap ng leĈĤon sa kadahilanang, ito ang pinakamahalagang dapat taglayin ng isang tao. Nararapat lamang na makontrol ng isang taong ang tamang pag-uugali at asal ng tao lalo na kapag nagamit ng mga makabagong teknolohiya at hindi katulad ng sa baboy. 2. Matalinong Panghusga (20%) - Kailangan ito upang maiwasan ang kung anumang dapat na kaguluhan. Ang sentido kumon ang unang pinaiiral nito. Maiiwasan ang pagbibigay ng samu’t saring komento na walang kabuluhan sa mga makamundong katuwaang hatid ng makabagong teknolohiya. 3. Kaayusang Pansarili (20%) - Ito ang pinakamasarap na pampalasa sapagkat dito nakasalalay ang kaayusan sa lahat ng aspeto ng buhay. Maiiwasan ang mga negatibong pakiramdam lalo na ngayong modernong panahon at tanging mga kailangang bagay lamang ang nabibigyang prayoridad sa paggamit ng makabagong teknolohiya. 4. Pagtitimpi (15%) - Ito ang nagsisilbing tatak ng leĈĤon. Ito A Ng leĈĤon - Ang leĈĤon (bigkas: leksyon) ay isang putaheng dapat na tangkilikin ng masang Pilipino. Katulad ng lechon hindi lamang ito masarap sa pandinig at paningin pa lang, mas lalong masarap ito kung tataglayin ng bawat isa sa araw-araw nilang pamumuhay na maghahatid sa kapayapaan at lalong magdudulot ng kasiyahan sa bawat isa. Ang leĈĤon ay masarap lalo na kapag natutunang kainin ng ating mga utak, puso at kaluluwa. Danna Claire Javier IV-Science Class February 13, 2015 Mrs. N. Laureles

Upload: danna-claire-javier

Post on 05-Feb-2016

11 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Recipe sa Tamang Paggamit (Balanse) ng Makabagong Teknolohiya

TRANSCRIPT

Page 1: Recipe

Recipe sa Tamang Paggamit (Balanse) ng Makabagong Teknolohiya

s angkap

1. Disiplina (35%)- Ito ang pangunahing sangkap ng leĈĤon sa

kadahilanang, ito ang pinakamahalagang dapat taglayin ng isang tao. Nararapat lamang na makontrol ng isang taong ang tamang pag-uugali at asal ng tao lalo na kapag nagamit ng mga makabagong teknolohiya at hindi katulad ng sa baboy.2. Matalinong Panghusga (20%)

- Kailangan ito upang maiwasan ang kung anumang dapat na kaguluhan. Ang sentido kumon ang unang pinaiiral nito. Maiiwasan ang pagbibigay ng samu’t saring komento na walang kabuluhan sa mga makamundong katuwaang hatid ng makabagong teknolohiya.3. Kaayusang Pansarili (20%)

- Ito ang pinakamasarap na pampalasa sapagkat dito nakasalalay ang kaayusan sa lahat ng aspeto ng buhay. Maiiwasan ang mga negatibong pakiramdam lalo na ngayong modernong panahon at tanging mga kailangang bagay lamang ang nabibigyang prayoridad sa paggamit ng makabagong teknolohiya.4. Pagtitimpi (15%)

- Ito ang nagsisilbing tatak ng leĈĤon. Ito ang tatak ng pagpipigil na iwasan ang masasamang gawain gamit ang makabagong teknolohiya.

A Ng leĈĤon- Ang leĈĤon (bigkas: leksyon) ay isang putaheng dapat na tangkilikin ng masang Pilipino. Katulad ng lechon hindi lamang ito masarap sa pandinig at paningin pa lang, mas lalong masarap ito kung tataglayin ng bawat isa sa araw-araw nilang pamumuhay na maghahatid sa kapayapaan at lalong magdudulot ng kasiyahan sa bawat isa. Ang leĈĤon ay masarap lalo na kapag natutunang kainin ng ating mga utak, puso at kaluluwa.

Danna Claire JavierIV-Science Class

February 13, 2015Mrs. N. Laureles

Page 2: Recipe

h akbang1. Linangin ang kung anumang sangkap na iyong taglay at

sikaping mapataas ang pursyento ng mga nasabing sangkap upang matiyak ang pagiging mabisa ng ating leĈĤon.

2. Tiyaking kumpleto ang dami ng mga sangkap upang mabigyang linaw ang kasarapan ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

3. Ihandang mabuti ang disiplina na dapat ay sariwa o angkop para sa kasalukuyang panahon.

4. Habang inihahanda ang disiplina, tiyaking magkakasama at nakahalo ang mga pangunahing sangkap at mga pampalasa tulad ng matalinong panghusga, kaayusang pansarli at pagtitimpi.

5. Ibabad ang matalinong panghusga, kaayusang pansarli at pagtitimpi sa disiplina ng sa gayun ay magkalasa o masabi talagang may kagandahang aral ang ating leĈĤon.

6. Nararapat lamang maghalu-halo ang lahat ng sangkap.7. Sa tulong ng apoy, ang ating leĈĤon ay maluluto sa

tamang init at inaasahang linamnam. Ang apoy ang magsisilbing daan upang higit na maging buo ang ating mga sangkap. (Tandaan: Siguraduhing hindi malakas ang apoy, sapagkat magiging palatandaan ito na walang pinagkatandaan ang ating leĈĤon).

8. Sapat na panahon ang kailangan upang malinang ang kaasarapan at makita ang tunay na pakinabangang ng isang leĈĤon. Tanging oras lamang ang makakapaghasa sa mga sangkap na maging buo sapagkat katuwang ang tiyaga ay makakatulong itong mahasa ang inaasahang lasa at kapayapaan sa buhay.

9. Wala nang makakaiwas pa sa makabagong teknolohiya, kung kaya’t dapat mailagay ang lahat ng nararapat na prinsipyong dapat taglayin ng isang leĈĤon. Hanguin ito sa tiyak ngunit hindi matagal na panahon upang mapakinabangan at hindi maging huli ang lahat para sa inaasam-asam na kasarapan ng kapayapaang hatid ng makabagong teknolohiya.

10. Dapat na ihain ang leĈĤon sa masang Pilipino, siguradong presentable na ito basta’t buong-buo ang mga sangkap na walang labis at walang kulang.

11. Habang kinakain ito ay dapat na namnamin ito ng ating mga isipan upang maitatak sa ating utak ang tamang paggamit ng makabagong teknolohiya na may matatag na disiplina, matalinong panghuhusga sa kung anumang sitwasyon, kaayusang pansarili na siyang magpapatunay ng kaayusan sa lahat ng aspeto ng buhay na masasalamin din sa paggamit nito at ang pagtitimpi na pipigil sa iyong mag-isip at gumawa ng mga bagay na hindi kanais-nais sa tulong ng makabagong teknolohiya. Tiyak na magiging malasa ito, hindi lamang sa ating isipan, kundi lalong higit na magpapataba sa ating puso na maghahatid sa atin sa magandang ladas ng buhay ispiritwal.