regional office ix, zamboanga peninsula 10

18
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est forP rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 7: Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan Pangalan ng Mag-aaral: ___________________ Baitang at Seksyon _______________________ Paaralan: ______________________________ 10

Upload: others

Post on 03-Nov-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest forProgress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Modyul 7: Kahalagahan ng

Pagmamahal sa Bayan

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________

Baitang at Seksyon _______________________

Paaralan: ______________________________

10

00

Page 2: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

2

“Kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga sa kaniya.” Wala itong ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan, at pag-unawa:

a. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. Patriyotismo - Esp10PB-IIIe-11.1;

Panuto : Basahin, unawain, piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng “pater’’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo?

a. Katatagan at kasipagan b. Kabayanihan at katapangan

c. Pinagkopyahan o pinagbasehan d. Pinagmulan o pinangalingan

Para sa pahina 2,3, at 4

Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang ipanalo ang kanilang koponan?

2. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?

a. Pagmamahal sa laro c. Pagmamahal sa bayan

b. Pagmamahal sa Koponan d. Pagmamahal sa kapwa

3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?

a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo.

b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang

maiwasan ang tunggalian at sakitan.

c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga para makamit ang tagumpay.

d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na pangangatawan at isipan.

4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?

a. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan sa tagumpay ng koponan o bayan.

b. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.

c. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.

d. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach ng koponan o Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?

SUBUKIN

ALAMIN

Page 3: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

3

5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?

a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.

b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.

c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling

pamilya.

d. Paggawa ng paraan upang makaulong sa mga suliranin ng bansa

6. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?

a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.

b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa Pilipino.

c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.

d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.

7. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?

a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao.

b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan.

c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.

d. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan.

8. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

a. Paggalang at pagmamahal b. Katotohanan at pananampalataya

c. Katahimikan at kapayapaan

d. Katarungan at pagkakaisaIto ay uri ng kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan ang isang tao ay marunong bumalanse sa tamang oras, iniiwasan ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain.

9. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?

a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.

b. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at

kaalaman.

c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan.

d. NaBasahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip

10. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?

a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.

c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.

d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

Page 4: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

4

Sa nagdaang modyul, binigyang diin ang mga konsepto tungkol sa makataong kilos

at mga salik na makatutulong upang makagawa ng mga pagpapasyang moral ang

isang indibidwal. Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo nang mas malalim

na ang makataong kilos ay naipamamalas din sa pamamagitan ng pagmamahal sa

bayan.

Gawain 1: Ako ba ito? Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala sa ibaba. Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na kolum ayon sa mga katangian na iyong isinasabuhay.

MGA KATANGIAN

AKO ITO

HINDI AKO ITO

Halimbawa: Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at

binibigkas na may paggalang ang Panunumpa sa Watawat at Panatang Makabayan.

1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang adbokasiya ay protektahan ang buhay at kalusugan ng mamamayang Pilipino.

2. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di- ayon sa katotohanan kahit sa simpleng pagsisinungaling.

3. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga Nangangailangan.

4. Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos.

5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay ng mga nakatatanda sa akin.

6. Sinisigurado na nakukuha ko kung ano ang dapat para sa akin at naibibigay kung ano ang nararapat para sa iba.

7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang tanda ng paggalang at pagkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.

8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at komunidad.

9. Sumasama ako sa pagbisita sa mga museo.

10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang magawa ang gawain nang higit pa sa inaasahan.

11. Inihihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito.

12. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang aking pakikilahok upang ipaglaban ang aking karapatan bilang mamamayan.

13. Nakihahalubilo ako sa mga kabataang nagpapalitan ng kuru-kuro sa kung anong maaaring gawin upang makatulong sa kapuwa Pilipino.

14. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan

BALIKAN

Page 5: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

5

sa kabutihan sa kabila ng mga masasamang impluwensiya sa kapaligiran.

15. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako nakikipag-unahan o sumisingit sa pila.

16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang kapakanan ng lahat hindi lamang ang aking sarili, pamilya, kaibigan, at kabaranggay.

Paraan ng pagmamarka

Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum na “Ako Ito” PAGLALARAWAN / INTERPRETASYON

0-4

Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa Kahalagahan ng pagmamahal sa bayan

5-8

May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na nangangailangan ng pagpapaunlad

9-12

May kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan sa pagmamahal sa bayan

13-16

May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.

Mga tanong na kailangang sagutin, isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

1. Naging madali ba ang paggawa sa gawain? Ipaliwanag. 2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong isagawa ang gawain? Ipaliwanag. 3. Ano ang puwedeng maging papel ng isang indibidwal upang maipamalas ang

pagmamahal sa bayan? Ipaliwanag.

Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng

negatibong interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tayahin ang iyong

gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. May magagawa

ka pa upang ito ay mapaunlad at tuluyang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.

Page 6: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

6

Gawain 2 : Pag-aralan at Unawain!

Panuto : Pag-aralan at suriin ang sumusunod na sitwasyon:

Sitwasyon 1

Laging hinihintay ni Luis ang oras ng uwian upang makasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang internet cafe na malapit sa kanilang paaralan. Sa mga araw na nagmamadali siya, lagi niyang kinakausap ang kaniyang mga kaibigan na pasingitin siya sa pila upang di na maghintay at pumila nang matagal. Sa tuwing siya ay pumupunta sa mall, tumatambay siya sa isang sikat na kapehan upang doon manigarilyo at makigamit ng wifi. Sa mga araw na umuulan ay maaga siyang nagigising upang manood ng balita upang malaman kung may pasok o wala.Mas maramiang oras na ginugugol niya sa pakikipagpalitan ng mensahe sa Facebook at Twitter kaysa sa pagbabasa ng kaniyang mga aklat at mga aralin.Dahil hindi pa sinasabi ang araw ng pagsusulit may nakausap na siyang kamag-aral na magpapakopya sa kaniya. Lagi siyang pinapayuhan ng kaniyang mga magulang na gumamit ng mga salitang po at opo sa tuwing makikipag-usap sa mga nakatatanda sa kaniya, kilala man niya ito o hindi. Madalas siyang nagpapaiwan sa bahay tuwing araw ng Linggo upang mabigyang laya na mapakinggan niya nang malakas ang mga awiting ayaw pakinggan ng kaniyang mga magulang. Sitwasyon 2

Galit na galit ka sa kapit-bahay mo na anak ng konsehal sa inyong baranggay dahil nakuha niya ang trabaho na sana ay dapat mapunta sa iyo. Alam mong mas kuwalipikado ka kaysa sa kaniya kung pinag-aralan at kakayahan ang naging sukatan. lnireklamo mo siya sa inyong alkalde dahil sa palagay mo, ito ay hindi makatarungan at sistemang palakasan ang pinairal. Naging negatibo ang pag-uusap ninyo. Sa sobrang galit mo napagsalitaan mo ng di kanais-nais na salita ang inyong

alkalde. Sa iyong pag-uwi, di maalis ang galit na iyong naramdaman at di mo napansin ang pagpalit ng kulay pula ng traffic light sa daan kaya nahuli ka ng traffic enforcer. Sa pagnanais na di maabala, kinausap mo ang nanghuli sa iyo na pag-usapan na lang ito at sinabi mong pamangkin ka ng isa sa mga kasama nila.

Sitwasyon 3

lnhinyero si Jean. lnialok sa kaniya ang isang

malaking proyekto na siguradong kikita at makikinabang ang kanilang munisipyo. Hindi ito pinalampas ni Jean sa kondisyon na siya ang mamamahala sa lahat mula sa mga kagamitan at sa mga taong kukunin at walang batas pangkalikasan ang malalabag sa pagsasagawa ng proyekto.Kinausap ni Jean ang mga punong baranggay kung may mga indibidwal sa kanilang nasasakupan anginteresado at maging katuwang

TUKLASIN

Page 7: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

7

niya sa proyekto bago siya kumuha sa ibang lugar. Pagkatapos maayos ang mga papeles na kailangan sa proyekto. Inumpisahan na ito at natapos nang maaga kumpara sa inaasahan.Namangha ang alkalde ng bayan nang makita ang pagkakayari ng proyekto mula sa pagkakagawa hanggang sa mga materyales na

ginamit Nang silipin ang aklat ng kuwenta ng mga gastusin, ang mga materyales na ginamit na inaakalang mahal at imported ay gawa pala sa bansa. Ang budget na inilaan sa proyekto ay sobra sa unang napag- usapan. Kinausap si Jean ng alkalde na ideklarang nagastos sa proyekto ang lahat ng pondo. Ito ay upang maipagawa ang sirang tulay na napabalitang mahina ang pagkakagawa, na ang gumawa ay ang pamangkin ng alkalde. Bilang kapalit ipinangako sa kaniya na ang lahat ng proyekto ng bayan ay ibibigay sa kaniya at ilalakad ang mga papel nito upang mapasali sa mga natatanging inhinyero ng probinsiya. Sagutin ang sumusunod na katanungan sa iyong papel o modyul. 1. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga sitwasyong nailahad? May

pagkakaugnayba ito sa iyong buhay bilang mag- aaral, miyembro ng pamilya at mamamayan ng bansa sa kabuuan? Ipaliwanag.

2. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinakita sa mga sitwasyon sa iyong

pang araw-araw na gawain? Kung ikaw, ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin o magiging tugon? Ano ang epekto nito sa iyo sa kabuuan? Ipaliwanag.

3. Sa mga sitwasyong nabanggit, paano gagamitin ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?

4. Ano-anong angkop na kilos ang ginawa ng mga karakter na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?

5. Kaya mo rin bang isabuhay ang mga ito? Ano-anong hakbang ang iyong gagawin? Ipaliwanag

Ikaw ba ay nakakita na ng damit o accessories na naglalarawan ng pagiging makabayan? Sa ganitong paraan ba ipinakikita o naisasabuhay ang pagmamahal sa bayan o ang pagiging makabayan? O, kailangan mong ibuwis ang iyong buhay tulad ng ating mga bayani upang masabing mahal mo ang iyong bayan? Tunghayan natin ang isang halimbawa.

Gawain 3: Basa-Unawa

Panuto: Basahin nang maigi ang teksto at unawain ang mga nilalaman nito

sapagkat ito ay labis na makakatulong sa iyong pagsagot sa mga inihandang katanungan sa hulihang bahagi ng aralin.

Si Mang Ben ay tanod sa kanilang baranggay. Ang oras ng kaniyang ronda ay

mula ika-pito ng gabi hanggang ika-labindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya sa trabaho sa kabilang bayan ay mula ika-walo ng umaga hanggang ika-apat ng

SURIIN

Page 8: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

8

hapon. Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Ben araw-araw. Hindi nagrereklamo ang kaniyang asawa dahil alam niya na si Mang Ben ay talagang matulungin at masipag. Aktibo rin siya bilang isang lay minister ng kanilang simbahan. Maganda ang bonding nila ng kaniyang apat na anak. Isang araw, napili

siya ng kanilang munisipalidad bilang natatanging mamamayan ng kanilang bayan. Nang tanungin ng mga hurado kung hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang ginagawa, walang pag- alinlangan na sinagot niya na “ito ay bunga ng pagmamahal.” Hindi nagtatapos sa pamilya ang pagpapakita ng pagmamahal kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa pamayanan. Sa pagsisiyasat at pagtatanong ng mga hurado sa mga taong malapit at hindi gaanong kilala si Mang Ben, lumitaw na siya ang huwaran bilang mamamayan. May pagmamahal ba sa bayan si Mang Ben?

A. Ano ba ang pagmamahal sa bayan? Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng

bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang ”pater” na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang

iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.

B. May pagkakaiba ba ang nasyonalismo sa patriyotismo?

Nasyonalismo - tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.

Mahalaga ba ang pagmamahal sa bayan?

Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal, gawin nating

halimbawa ang sumusunod: Una, ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat miyembro nito? Ikalawa, ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi nila ipinamalas ang pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang koponan? Maipapanalo ba nila ang grupo?

Saan unang naituro ang pagmamahal? Para sa isang koponan na nagpamalas ng pagmamahal sa grupo at miyembro nito, hindi lang pagkapanalo sa mga laro kundi magkakaroon ng sense of pride at mataas na tingin sa sarili. Ang pagmamahal na ito ang siyang magiging daan upang makamit ang mga layunin na gusting maisakatuparan.

Ano kaya ang mangyayari kung isasabuhay ng bawat isa ang pagmamahal

Page 9: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

9

sa bayan?

Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng

pagkamamamayan; isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba,

pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang karangalan ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat.

Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may pagmamahal sa bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad. “Kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang mahalaga sa kaniya.” Wala itong ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura,tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihan panlahat.” - San Juan Pablo XXIII.

Pag-aralang mabuti ang talahanayan na nasa ibaba, tungkol sa pitong dimensiyon ng tao na nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao:

Page 10: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

10

Gawain 4 : BOX – OF - KNOWLEDGE

Panuto: Ipaliwanang ang kahalagahan ng pagmamahal sa

bayan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng box.

_____________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________

_________________________

Gawain 5 : ILAPAT-DAPAT

Panuto : Gumawa ng isang repleksiyon batay sa konseptong

natutunan sa modyul na ito. Tatayain ang iyong sagot batay sa rubrik na nakahanda. Makatutulong ang mga pamatnubay na

mga tanong upang makabuo ka ng isang komprehensibong

Dimensiyon ng tao: Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay

2. Pangkaisipan Katotohanan

3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa

4. Ispiritwal Pananampalataya

5. Panlipunan

Paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa pamilya at salinlahi

6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran

7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at pagsunod sa batas

8. Lahat ng dimensiyon

Pagsusulong ng kabutihang panlahat

ISAISIP

Page 11: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

11

sanaysay. 1. Ano ang iyong mga natutunan sa modyul na ito?

2. Anu-anong mga mungkahing kilos na

nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na nais mong ipahatid sa iba pang mga mag-aaral na

katulad mo.

3. Anu-ano ang mga dapat mong taglaying

katangian upang maipakita natin ang ating pagmamalasakit sa bansa? At papaano mo ito

mailalapat.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat

pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at

isulat ang titik sa iyong sagutang papel. SET : A Panuto: Basahin at unawain, bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming

bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.

a. Patriyotismo b. Nasyonalismo c. Ispiritwal d. Moral 2. Ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may

pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan.

a. Mali b. tama c. hindi alam ang sagot d. wala sa sumusunod

3. Ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa ay anong dimensiyon ng

tao nabibilang? a. Moral b. ispritwal c. Panlipunan d. Pampulitikal

Dito magsimula:

PAGTATAYA

Page 12: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

12

4. “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihan panlahat.” Ito ay ayon kay?

a. San Juan Pablo XXII b. San Juan Pablo XXIII c. Sa Juan XXXI d. San Juan XXIII

5. Ito ay tumutukoy sa pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at pagsunod sa batas.

a. Pampolitikal b. Moral c. Panlipunan d. Ispiritwal 6. Mahalaga ba ang pagmamahal sa bayan? Bakit? a. Uo, dahil kung walang pagmamahal sa bayan ay wla ring pagmamahal sa

kapwa b. Uo, dahil kapag mahal mo ang bayan ay mas marami kang tagahanga c. Hindi, dahil walang mabuting maidudulot saiyo ang iyong pagmamahal d. Hindi, dahil walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lamang 7. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa dimensiyon ng tao? a. Pangkatawan b. Moral c. Pansarili d. Ispiritwal 8. Ito ay ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat

gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. a. Nasyonalismo b. Moral c. Patriyotismo d. Ispiritwal 9. Ito ay paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa

pamilya at salinlahi. a. Moral b. Pangkaisipan c. Pampolitikal d. Panlipunan 10. Ang Pangkatawan ay isa sa dimensiyon ng tao, alin ang hindi nagpapakita

ng pagpapahalaga ng buhay ng tao? a. Pagkain ng masustansiyang pagkain c. Pag-eehersisyo b. Paninigarilyo at pag-inom ng alak d. Pagpunta sa doctor ng minsanan

SET : B : Panuto : Basahin, unawain, piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Ano ang kahulugan ng “pater’’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo?

a.Katatagan at kasipagan b. Kabayanihan at katapangan

c. Pinagkopyahan o pinagbasehan d. Pinagmulan o pinangalingan

Para sa pahina 2,3, at 4

Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos

upang ipanalo ang kanilang koponan?

2. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?

a. Pagmamahal sa laro c. Pagmamahal sa bayan

b. Pagmamahal sa Koponan d. Pagmamahal sa kapwa

3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?

a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo.

b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang tunggalian at sakitan.

c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa

laro ay mahalaga para makamit ang tagumpay.

d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog

Page 13: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

13

ng malusog na pangangatawan at isipan.

4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?

a. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking

pananagutan sa tagumpay ng koponan o bayan.

b. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.

c. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.

d. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach ng koponan o Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?

5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?

a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.

b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.

c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.

d. Paggawa ng paraan upang makaulong sa mga suliranin ng bansa

6. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang

Pilipino?

a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.

b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa-Pilipino.

c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at

kalamidad.

d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.

7. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?

a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong

hubugin ang ating pagkatao.

b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan.

c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay

upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.

d. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan.

8. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang

tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

a. Paggalang at pagmamahal

b. Katotohanan at pananampalataya

c. Katahimikan at kapayapaan

d. Katarungan at pagkakaisaIto ay uri ng kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan ang isang tao ay marunong bumalanse sa tamang oras, iniiwasan ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain.

9.Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?

Page 14: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

14

a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema

ng bayan.

b. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.

c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan.

d. NaBasahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip

10. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng

isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?

a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.

c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.

d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

Panuto : Gumawa ng Scrap book ng mga angkop na kilos na nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan. Tatayain ang awtput batay sa rubrik na

nakahanda.

Pagmamarka sa paggawa ng Poster

Pamantayan Indikador Puntos

Kaisipang Inilalahad Naipapakita nang maayos ang nais ipahiwatig na kaisipang

ipinababatid ng scrap book.

5

Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa

ng poster

5

Kaangkupan ng konsepto

Maayos at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto

5

Pagkamalikhain

(creativity) Gumamit ng tamang

kombinasyon ng mga kulay at

nagpapakita ng mayaman na

imahinasyon sa nilalaman ng konsepto.

5

Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang

kabuuang presentasyon

5

Kabuuan 25

KARAGDAGANG GAWAIN

Page 15: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

15

SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN

1.D

2. B 7.A

3. A 8. C

4.B

10.A

6.C

5.C

9.A

SET A

1.B

2. B 7. C

3.A 8.C

4.B

10. B

6.A

5. A

9.D

SET B

1.D

2. B 7.A

3.A 8.C

4.B

10.A

6.C

5.C

9.A

Page 16: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

16

Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral,

Pp 184-200 Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Kristine P. Manzo-Sato, T-I

Pagadian City NHS, Pagadian City Division

Editor: Susan S. Baga, HT-I

Pagadian City Nat. Comprehensive High School

Tagasuri:

Tagaguhit: Kristine P. Manzo-Sato, T-I

Tagapamahala:

Danny B. Cordova, EdD, CESO VI

OIC – Schools Division Superintendent

Ma. Coleen L. Emoricha, EdD, CESE

OIC – Assistant Schools Division Superintendent

Maria Diosa Z. Peralta

CID Chief

Ma. Madelene P. Mituda

LR Supervisor

Jovita S. Dugenia

EPS – Edukasyon Sa Pagpapakatao

Page 17: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain;

For our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below

The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing

my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance

of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖

Page 18: Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 10

11