regional office ix,...0 republic of the philippines department of education regional office ix,...

13
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 Ikalawang Markahan- Modyul 4 Pagpapaunlad ng Sarili Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: ____________________________ Paaralan: ___________________________

Upload: others

Post on 29-Jan-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 0

    Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Edukasyon sa Pagpapakatao

    Z est for P rogress Z eal of P artnership

    7

    Ikalawang Markahan- Modyul 4 Pagpapaunlad ng Sarili

    Pangalan: ____________________________

    Baitang at Seksyon: ____________________________

    Paaralan: ___________________________

  • 1

    Araw-araw gumagawa ka ng maraming pagpapasya.Mula paggising sa umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Ang ilang sa mga

    desisyong ito ay pangkaraniwan lamang tulad ng damit na isusuot o kulay

    ng sapatos na gagamitin, subalit may mga desisyong nakasalalay ang

    iyong pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa. Kaya’t nangangailangan

    ito ng malalim na pag-iisip.

    Naalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong

    ama at ina, o ng mas nakakatanda sa inyong pamilya sa tuwing ikaw ay

    gumagawa ng mabuti o ng masama? Ayon sa kanila, may dalawang

    katauhan sa iyong tabi. Pareho silang nagsisikap na impluwensiyahan ka

    na pumili sa mabuti o masama na dapat mong gawin sa isang situwasyon.

    Ayon sa kanila kapag pinili mo ang mabuti, sinusunod mo ang katauhan

    na nasa iyong kanan. Kapag pinili mo masama, sinusunod mo ang

    katauhan na nasa iyong kaliwa.

    Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga

    sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

    6.3 Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa

    kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. (EsP7PS-IId-6.3)

    6.4 Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw.

    (EsP7PS-IId-6.4)

    BALIKAN

    Sa nakaraang modyul, naunawaan mo na natatangi sa tao ang Likas

    na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at

    kalayaan. Bukod pa dito nalaman mo rin ang dahilan kung bakit ang tao

    ang nag iisang nilikha na ipinagkaloob ng diyos ng Batas na ito, ang

    layunin ng batas na ito at ang kahalagahan nito sa tao. Higit sa lahat

    natutunan mo rin kung paano baguhin ang mga pasya at kilos na nagawa

    na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

    ALAMIN

  • 2

    Gawain 1

    Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

    1. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?

    2. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at

    pagkilos? Pangatwiranan?

    3. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsensya? Ipaliwanag.

    TUKLASIN

    Gawain 1- Case Study

    Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling

    pagpapasiya at paliwanag kaugnay nito.

    Kaso 1

    Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay

    nagtapat sa iyo na lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa

    kanilag pamilya. Dahil sa matalik kayong magkaibigan,

    ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya pupunta.

    Subalit mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba

    lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang

    nanay niya sa inyo at humingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin

    mo?

  • 3

    Panuto: Mula sa mga naging sagot mo sa gawaing ito sagutin mo ang mga

    sumusunod na tanong.

    1. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito? 2. Saan ibinatay ng iyong kosensiya ang kaniyang paghuhusga?

    3. Paano ka nakakasigurong tama ang paghuhusga nito?

    SURIIN

    Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral

    Ang tao ay biniyayaan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay

    tinatawag na konsensiya.

    Ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao. Ito’y kakayahan ng isip na maghusga

    ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga kung tama o mali sa

    pamamagitan ng obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ang

    dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibiduwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat

    gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

    Ayon kay Lipio, binibigyan direksiyon ng batas moral ang pamumuhay ng tao.

    Sinusunod ng tao ang batas na ito upang magawa ang mabuti subalit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay natatakpan ng mga batas na dapat niyang sundin

    araw- araw bagkus, kailangan niyang gawin ang tama ayon sa kanyang pagkatao.

    Samakatuwid, ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao. Ito

    ang kakayahang isagawa ang mga malalawak na pangkalahatang batas moral sa pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama at

    kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon.

    Kaso 2

    Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran,

    nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong

    babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling

    nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito.

    Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo ang

    matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar

    na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong baranggay. Ano ang gagawin mo?

  • 4

    Uri ng Konsensya

    Tama. Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatu-

    paran nang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali (Agapay, ).

    Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra

    ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada.

    Wala ka mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.

    Mali. Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon pa rin kay

    Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama

    ang mali. Gamit pa rin ang halimbawa sa itaas. Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon. Katwiran

    mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusuk -li. Hindi masama na itinago mo ang pera nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang

    tindera.

    Sa pamamagitan ng tamang uri ng konsensiya kung gayon, naisasagawa ang pangkalahatang pamantayang moral sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na

    pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na

    Batas Moral na siya namang batayan upang malaman ang mabuti at masama sa

    natatanging situwasyon. Sa pamamagitan ng konsensiya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang batas-moral sa kaniyang buhay. Dahil dito, ang konsensya ang

    pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Sinusuri nito ang kilos kung ito ay tama o mali. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring

    gawin.

    PAGYAMANIN

    Gawain 1- Case Study

    Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling

    pagpapasiya at paliwanag kaugnay nito.

    Pag-aralan ang situwasyong ito.

    Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali sa

    pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) at pangatwiranan ang iyong sagot.

    Pagkatapos ng klase, niyaya ka ng mga kaibigan mo na pumunta sa mall at

    manood ng sine. Matagal na rin mula ng huli kayong nakalabas bilang isang

    grupo. Bago matapos ang palabas,biglang tumawag ang iyong ina at pinauuwi

    ka. Mahigpit na ipinagbabawal ng iyong mga magulang ang pamamalagi sa

    labas,lalo na kung gabi na.Ngunit sinabihan ka ng mga kaibigan mo na kapag

    sinunod mo ang iyong ina, ititiwalag ka na nila bilang barkada at hindi na

    iimbitahan pa sa alinmang lakad ng barkada kailanman.

  • 5

    Paano nauugnay ang Likas na Batas

    Moral sa Konsensiya?

    TAMA MALI PALIWANAG

    Tatapusin ko ang palabas kahit

    pinapauwi na ako.

    Magdadahilan ako, sasabihin ko

    na may ginagawa kaming group

    project kahit wala naman talaga.

    Makikinig ako sa aking ina at

    umuwi ng maaga, kahit ikagalit

    pa ito ng aking mga kaibigan.

    Pagbibigyan ko ang aking mga

    kaibigan total ngayon lang

    naman kami nagsama sama ulit

    na lumabas bilang isang grupo.

    Gawain 2- Semantic Web

    Panuto: Pagbuo ng isang semantic web na sasagot sa core question na “Paano

    nauugnay ang Likas na

    Batas Moral sa Konsensiya?”

  • 6

    ISAISIP

    Gawain 1- Bubble Organizer

    Panuto: Isulat sa kahon sa ibaba ang salitang nagbibigay

    kahulugan sa salitang konsensiya. Gabay mo ang halimbawa sa

    ibaba.

    Graphic Organizer

    Halimbawa:

    Gabay sa pagkilalang mabuti at

    masama

    KONSENSIYA

    KONSENSIYA

    Kamalayan Gawin Iwasan ang ang mabuti masama

    Kalayaan

    Punan ang kahon ng mabuting kilos na dapat mong gawin.

    Punan ang kahon ng masamang kilos na dapat mong iwasan.

    Likas na Batas Moral

  • 7

    ISAGAWA

    Pagganap !

    Panuto: Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng

    pagkilala sa sasabihin o paghuhusga konsensiya sa situwasyong ito.Isulat ito sa unang

    hanay o kolum. Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito. Isulat ito sa ikalawang hanay o kolum. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang halimbawa.

    Halimbawa

    Paghuhusga ng Konsensiya

    Batayan ng Paghuhusga

    (Likas na Batas Moral)

    Sabihin sa Tatay ang nangyari.

    Tumulong na makagawa ng

    paraan upang makabayad sa

    proyekto.

    Kailangang pahalagahan ang

    katotohanan, kaya’t masama ang

    magsinungaling.

    Simulan mo sa bahaging ito:

    Sitwasyon 1:

    Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na paggagayahan

    sa test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si Amy para sa

    pagsusulit sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang

    ginagawa ng kaniyang mga kaklase na manggaya.

    Sitwasyon 2:

    Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo ang bahay

    nila sa mataas na paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa paaralan sa

    kanilang bayan. Tuwing Biyernes nang hapon siya umuuwi sa kanilang lugar at

    bumabalik sa inuupahang bahay tuwing Linggo nang hapon. Isang araw, niyaya si

    Penny ng kaniyang mga kaklase na mag-inuman sila. Hindi naman daw siya

    magagalitan dahil hindi naman malalaman ng kaniyang magulang.

    Sitwasyon: Nawala mo ang perang binigay ng tatay mon a pambayad sa proyekto ninyo. Natagalan bago ka

    nabigyan dahil nahirapan siyang kitain ang perang

    iyon dahil inuna ang pangangailangan ninyo sa araw-

    araw. Mahigpit niyang bilin na ibayad mo ito agad.

  • 8

    Paghuhusga ng Konsensiya

    Batayan ng Paghuhusga

    (Likas na Batas Moral)

    TAYAHIN

    Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng

    tamang sagot.

    1. Ano ang batayan ng isip sa paghuhusga? A. Isip

    B. Kilos- loob C. Konsensiya

    D. Lahat ng nabanggit

    2. Ang pahayag na” Hindi pare- pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao”ay..

    A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

    C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama

    D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

    3. Paano nalalaman ng tao na kung tama o mali ang kanyang ginagawa?

    A. Nalalaman niya ito batay sa sinasabi ng kaniyang konsensiya.

    B. Nalalaman niya ito gamit ang kaniyang kakayahang kumilala ng mabuti at masama C. Sa pamamagitan ng kaniyang konsensiya na nagbibigay kakayahan sa kaniyang isip

    na maghusga ng mabuti at masama. D. Lahat ng mga nabanggit

    4. Sobra ang sukli na natanggap mo nang bumili ka ng pagkain sa restawran. Alam mong

    kulang na ang iyong pamasahe pauwi sa inyong bahay ano dapat mong gawin sa sitwasyong ito?

    A. Itatago ang sobrang sukli para pampamasahe.

    B. Ipambili ng pagkain para sa mga batang nanlilimos sa labas ng restawran. C. Isasauli sa tindera ang sobrang sukli.

    D. Ipambili ng iba pagkain.

    Pamantayan sa Paggawa

    Orihinalidad- 5 puntos

    Nilalaman- 5 puntos (nakapagbigay ng 1-

    2= 3 puntos at 3 o higit= 5 puntos

    Pagkamalikhain- 5 puntos

    Kabuuan= 15 puntos

  • 9

    5. Sa oras ng inyong pagsusulit sa Matematika napansin ng iyong guro ang

    kahinahinalang kilos ng iyong katabi. Alam na alam mo ang dahilan kung bakit sapagkat nakikita mo siyang nagbubukas ng kaniyang kuwaderno. Dahil malapit ka sa

    kanya ikaw ang tinanong ng iyong guro. Ano ang dapat mong isagot? A. Ewan, dahil takot ka na ikaw ay awayin.

    B. Sasabihin ko ang totoo sa aking guro dahil alam ko na ito ay tama.

    C. Magsisinungaling sa guro at sabihin na wala nagsusulat lamang siya ng kanyang sagot.

    D. Na masakit ang tiyan niya kaya galaw siya galaw na parang dimapakali. 6. Napulot ni Joy ang pitaka ng kanyang kaklase na naglalaman ng dalawang libong piso.

    Kahit gipit si Joy ay nagawa niya pa rin ito isauli. Tama ba ang pinili niyang pasya

    kahit alam niya na siya ay gipit? A. Oo, dahil ito ang tama. B. Oo, dahil kilala niya ang may-ari at kung hindi lang sana ayos lang kahit kunin niya

    ito basta huwag lang ipaalam sa ibang tao. C. Hindi, dahil maaari niyang gamitin ang perang nasa loob nito. D. Hindi, dahil ito ang sagot sa kanyang suliranin sa pera.

    7. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na binubukas ang bag ng isa ninyong

    mayaman na kaklase at kinuha ang selpon nito. Bilang kaibigan ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito? A. Magkukunwari na walang nakita. B. Hindi ko siya isusumbong sa unang pagkakataon kahit alam ko na siya ang

    kumuha at papayuhan ko siya na huwag niya na ito uulitin. C. Lalapitan ko siya at papayuhin na isauli ang selpon sapagkat ang pagkuha ng

    gamit na hindi natin pagmamay-ari ay masama. D. kunsintihin ko ang kanyang ginawa dahil kami ay matalik na magkaibigan.

    8. Hindi nakapag- aral si Jude ng kanyang leksiyon kaya ang ginawa niya para makapasa

    pa ay gumawa siya ng kodigo at ito ang ginamit niya para makapasa sa pagsusulit. Tama ba ang kanyang ginawa o hindi? A. Tama, dahil walang sinuman ang naghahangad na bumagsak. B. Tama, dahil ginawa niya lamang ito sa hangarin na makapasa. C. Hindi, dahil ito ay gawaing masama na hindi dapat gawin ng isang mag- aaral sa

    dahilan na gusto niyang makapasa kahit hindi siya nakapag- aral ng kaniyang leksiyon.

    D. A at B

    9. Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran,

    nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong

    babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling

    nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi

    nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo ang matalik na kaibigan ng

    iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan. Ang ama

    mo ang kapitan ng inyong barangay. Kinabukasan tinanong ka ng iyong ama

    tungkol sa nasabing basura ano ang tamang gawin?

    A. Sasabihin ko na wala akong alam tungkol dito.

    B. Ipapaalam ko sa aking ama upang mapagsabihan niya ang kanyang matalik na

    kaibigan na huwag nang uulit sa kaniyang ginawa.

    C. Magkukunwari na lamang ako na hindi ko siya nakita at sasabihin ko na baka

    hindi talaga taga dito ang nagtapon ng nasabing basura.

    D. Sasabihin ko na ako ang nagtapon kahit hindi naman totoo.

  • 10

    10. Ang pahayag na “Maaaring maging manhid ang konsensiya ng tao” ay..

    A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.

    B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensiya ng tao sa pagkakataon na ito

    ay kailangan.

    C. Tama, dahil mahahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging

    manhid dahil sa patuloy na pagsasanay.

    D. Tama, dahil kug patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensiya

    magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.

    11. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?

    A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan

    C. Makakamit ng tao ang kabanalan D. Wala sa nabanggit

    12. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya? A. Mapalalaganap ang kabutihan

    B. Makakamit ng tao ang tagumpay

    C. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

    13. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:

    A. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

    B. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan.

    C. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

    D. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat

    niyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa

    14. Nahuli mo ang iyong kapatid na palihim na binulsa ang Selpon ng kanyang kaibigan. Maya- maya napansin ng kanyang kaibigan na nawawala ang kanyang Selpon sa

    lamesa. Hinanap niya ito. Ikaw bilang nakakaalam kung nasaan ang bagay na hinahanap niya ano ang iyong dapat gawin?

    A. Magsinungaling alang-alang sa kapatid B. Sabihin ang totoo

    C. Magpanggap na walang alam

    D. Magkikibit-balikat na lamang

    15. Lumaki si John LLyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalak at nagkakaisip. Nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang

    maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng

    mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng

    konsensya ang inilalapat ni John Lloyd. A. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya

    B. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam. C. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa

    pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin D. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya

    sa pagkilala sa mabuti at masama.

  • 11

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul

    para sa Mag-aaral, pp 137-158

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Jaysa V. Ligaran

    SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division

    Editor: April Joy I. Delos Reyes, SST-I

    Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

    Tagaguhit:

    Tagalapat:

    Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

    Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

    Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

    Henry R. Tura, CID Chief

    Elsa A. Usman, LR Supervisor

    Violeta M. Sta. Elena,ADM Module Coordinator

    TAYAHIN 1. C

    2. D 3. D 4. C

    5. B 6. A

    7. C 8. C

    9. B 10.D 11. A

    12. C 13. B

    14. A 15. D