report in ap by bubee

67
HEOGRAPIYA NG HILAGA AT GITNANG ASYA BY ROBEE CALERO

Upload: eebor-saveuc

Post on 12-Aug-2015

36 views

Category:

Education


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Report in Ap By Bubee

HEOGRAPIYA NG HILAGA AT GITNANG ASYA

BY ROBEE CALERO

Page 2: Report in Ap By Bubee

Ang klima ng isang lugar ay malaking hamon sa mga mamamayan nito. Nakabatay sa kakayahan ng mga mamamayang makaangkop sa kanilang kapaligiran ang pag-unlad at pagyaman ng kanilang pamumuhay. Tunay nangng mapanghamon ang kalikasan dahil may mga lugar sa asya na kung saan sinusubok nito ang tiyaga, talino, husay, pagkamalikhain at lakas ng mga asyano. Nangangahulugan lamang na likas sa mga asyano ang pagiging maparaan at mahusay sa pag angkop sa kanilang kapaligiran dahil nagawa nilang mamuhay nang sagana sa kabila ng ganitong kalagayang pangkapaligiran.

Page 3: Report in Ap By Bubee

Ang Hilaga At Gitnang Asya Ang hilaga at gitnang asya ay rehiyon sa pusod ng asya, naliligiran ito ng DAGAT

CASPIAN sa kanluran, china sa silangan, afghanistan sa timog at russia sa hilaga. Kilala rin ito bilang inner asia at binansagan ang mga bansa rito bilang “mga stans” na nasa kalakhang bahagi ng kontinenteng eurasia.

Maraming paglalarawan tungkol sa mga bansang sakop at hangganan ng hilaga at gitnang asya. Gayunpaman, isa lamang ang malinaw rito. Nagsilbing tirahan ng mga taong nomadiko ang rehiyon noong una at naging bahagi ito ng makasaysayang Silk Road. Bilang resulta, nagsilbi ang rehiyon bilang tagapag-ugnay ng mga mamamayan, kalakal at kaalaman ng Europa, Kanlurang Asya, Timog Asya at Silangang Asya.

Sa modernong pananaw, lahat ng paglalarawan sa mga bansang sakop ng hilaga at gitnang asya ay nabibilang ang limang republikang dating kasapi sa Union of Soviet Socialist Republics (USSR)---- ang mga ito ay ang kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan. Dahil dito, tinagurian din ang rehiyon bilang Soviet Asia. Sa iba pang paglalarawan, isinasama rito ang Mongolia, Afghanistan, Hilaga at Kanlurang Pakistan, Hilagang Silangang Iran, Kashmir, Ibang bahagi ng kanlurang China (Xinking, dating tawag na silangang turkestan) at timog siberia sa russia.sa araling ito, isinama ang siberia bilang bahagi ng hilaga at gitnang asya.

Page 4: Report in Ap By Bubee
Page 5: Report in Ap By Bubee

KATANGIANG PISIKAL NG HILAGA AT GITNANG ASYA

ang hilaga at gitnang hilaga at gitnang asya ay isang malawak na rehiyong nagtataglay ng iba’t ibang katangiang heograpikal tulad ng matatarik na bangin, kabundukan (Tian Shan), malalawak ng disyerto ( Karakum, Kyzyl Kum, Taklamakan) at kalakhang bahagi nito ay tundra, taiga at mga damuhan tulad ng steppe at prairie

Pangunahing mga ilog ng rehiyon ang Amu Darya, Syr Darya, At Hari. Itinuturing ding mga pangunahing anyong tubig nito ang dagat Aral at Lake Balkhash. Nasa siberia ang lake baikal na siyang pinakamalalim na lawa sa daigdig. May lalim itong 5,387 talampakan below sea level. Isa ito sa mga pinakamatanda at pinakamalinaw na lawa sa daigdig. Sinasabing ito ay 30 milyong taon na ang edad at may pinakamahabang sukat na 636 kilometro at pinakamaluwang sa sukat na 79 kilometro. Tinagurian din itong “ Perlas ng Siberia.

Page 6: Report in Ap By Bubee

KABUNDUKANG TIAN SHAN

Page 7: Report in Ap By Bubee

LAKE BALKHASH

Page 8: Report in Ap By Bubee

ANG TUNDRA AT TAIGA

Tinagurian ang hilaga at gitnang asya bilang arctic asia dahil sa lokasyon itong malapit sa Arctic Ocean. Dahil dito, nagtataglay ito ng mga biome (tuwirang panirahan ng mga hayop sa halaman batay sa klima) na tanging sa rehiyong arctic lamang matatapuan tulad ng tundra at taiga.

Karamihan sa mga halaman sa rehiyon ay nababalutan ng kagubatang koniper (boreal). Ang rehiyong ito ay tinatawag na taiga na nagtataglay ng pine, fir , larch, birch, aspen at willow. Ang taiga at terminong ruso na nangangahulugang kagubatan at ito ang pinakamalaking biome sa mundo. Dahil tuwid at matatas ang mga puno rito, timber ang pangunahing industriyang pangkagubatan ng mga lugar dito. Panirahan ang taiga ng mga hayop tulad ng beaver, meado vole, ermine, red fox at ilang mga tigre.

nasa hilagang bahagi ng taiga ang tundra. Ito ang mas malamig na bahagi ng arctic. Ang tundra ay isang biome na kung saan nahahadlangan ng lamig ang paglaki ng mga halaman. Nagmula ito sa terminong sapmi na tundar na nangangahulugang “ Kabundukang walang puno”. Tatlo uri ng tundra Arctic Tundra, Alpine Tundra at Antartic Tundra. Arctic Tundra ang nasa hilagang asya. Ang tundra ay tumutukoy sa lugar na kung saan ang lupa ay permafrost o permanenteng nagyeyelo ang lupa. Nagtataglay ang tundra ng mabababang halaman, damo, lumot at lichens. Ang mga hayop na may malaking bilang sa rehiyong ito ay ang caribou (reindeer) musk ox, arctic hare, arctic fox, snowy owl, lemmings, at polar bear ( sa pinakahilagang bahagi). Tinatawag na timberline o tree line ang pagitan ng tundra at taiga

Page 9: Report in Ap By Bubee

TUNDRA

Page 10: Report in Ap By Bubee

TAIGA

Page 11: Report in Ap By Bubee

TATLONG URI NG TUNDRA

Page 12: Report in Ap By Bubee

1. ARCTIC TUNDRA

Page 13: Report in Ap By Bubee

2. ALPINE TUNDRA

Page 14: Report in Ap By Bubee

3. ANTARTIC TUNDRA

Page 15: Report in Ap By Bubee

NAGTATAGLAY ANG TUNDRA NG MGA MABABABANG HALAMAN.

Page 16: Report in Ap By Bubee

DAMO

Page 17: Report in Ap By Bubee

LUMOT

Page 18: Report in Ap By Bubee

LICHENS

Page 19: Report in Ap By Bubee

MGA HAYOP SA TUNDRA

Page 20: Report in Ap By Bubee

1.CARIBOU (reindeer)

Page 21: Report in Ap By Bubee

3. Musk Ox

Page 22: Report in Ap By Bubee

3. ARCTIC HARE

Page 23: Report in Ap By Bubee

4. ARCTIC FOX

Page 24: Report in Ap By Bubee

5. SNOWY OWL

Page 25: Report in Ap By Bubee

6. LEMMINGS

Page 26: Report in Ap By Bubee

7. POLAR BEAR

Page 27: Report in Ap By Bubee

ANG MGA DAMUHAN

tatlong uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya– ang steppe, prairie at savannah

Ang steppe biome at tuyo, malamig at may damuhang matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa australia at antartica. Malawak ang steppe na nasa siberia. Hindi mahalumigmig ang hangin dito sa pagkat malayo ang lokasyon nito sa karagatan at nahahadlangan ng mga kabundukan

Karaniwang matatagpuan ang steppe biome sa pagitan ng disyerto at kagubatan. Mayroon itong malalawak na damuhang may mababaw na ugat. Kapag nakakukuha ito ng maraming ulan, nagiging kagubatan ito ngunit kung hindi, maaari nang maging disyerto.

ang prairie ay rehiyong patag o lupaing maburol na nababalutan ng mga damo at ndi ng mga puno, mayroon itong matataas na damuhang nagtataglay ng malalalim na ugat. Isa sa mga pangunahing biome ay ang prairie na matatagpuan sa hilagang siberia.

Ang savannah ay biome ng pinagsamang damuhan at ilang kalat-kalat na puno na matatagpuan sa mga kagubatang tropikal at disyerto. Tinatawag din ang savannah bilang damuhang tropikal. Malaking bahagi nito ay makikita sa dalawang bahagi ng ekwador sa gilid ng mga kagubatang tropikal

Page 28: Report in Ap By Bubee

3.uri ng damuhan ang makikita sa hilaga at gitnang asya

Page 29: Report in Ap By Bubee

STEPPE

Page 30: Report in Ap By Bubee

PRAIRIE

Page 31: Report in Ap By Bubee

SAVANNAH

Page 32: Report in Ap By Bubee

MGA BANSA SA HILAGA AT GITNANG ASYA.

KAZAKHSTAN NAGMU

Page 33: Report in Ap By Bubee

KAZAKHSTAN

Page 34: Report in Ap By Bubee

SUKAT 2, 715, 900 (KILOMETRO KWADRADO)

KAPITAL ASTANA

YUNIT NG SALAPI TENGE

YAMAN NATURAL GAS, PETROLYO, IRON ORE, MANGANESE, CHROMITE ORE, COPPER, POLLYMETALLIC ORES, NICKEL, TUNGSTEN, MOLYBDENUM AT IBA PANG DI PANGKARANIWANG METAL

TEMPERATURA 12 *C HANGGANG 30 *C

PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 8.28%

Page 35: Report in Ap By Bubee

Nagmula ang pangalang kazakhstan sa mga katutubo nitong kazakh. Ito ang pinakamalaking bansa na napapalibutan ng lupa (landlocked) sa mga hangganan. Dumaan ang bansa sa kasaysayan ng pananakop ng mga Mongol at mga Russian. Nang masakop ito ng russia, naging kasapi ito ng USSR at naging isang nagsasariling estado nang mabuwag ang Soviet Union noong 1991

Page 36: Report in Ap By Bubee

Ang lupain ng kazakhstan ay nasa hilagang kanluran ng china, isa ito sa pinakamalaking bansa sa asya. Nahahangganan ito ng turkmenistan, Uzbekistan, at Krygystan sa timog: Russia sa hilga; Russia at Dagat Caspian sa kanluran; at ang Xinjiang China sa Silangan

Page 37: Report in Ap By Bubee

Maraming pagkakaiba sa topograpiya ng kazamkhstan. Pinakamataas na bundok nito ang khan tengri na nasa hangganan ng kyrgytan sa kabundukan ng Tian Shan. May taas itong mahigit 7,010 metro; pinakamababang bahagi ng bansa ang ilalim ng karagiye depression (lubak) na may sukat na -132 metro below sea level na nasa probinsya ng Mangystau, silangan ng Dagat Caspian, karamihan sa bahagi ng bansa ay nasa elebasyong 200 hanggang 300 metro above see level.ngunit ang ilan sa mga baybaying ng Caspian sa Kazakhstan ay itinuturing na ilan sa pinakamabababa sa mundo.

Page 38: Report in Ap By Bubee

Nababalutan ng nyebe sa buong taon ang karamihan sa tuktok ng altai at tian shan na siyang pinagmumulan ng tubig ng karamihan sa mga ilog ng bansa.

Page 39: Report in Ap By Bubee

Maliban sa mga ilog ng Tobol, Ishin at Irtysh, lahat ng ilog sa kazakhstan ay nasa bahaging landlocked. Ang ilan dito ay nagtatapos sa dagat caspian at ang ilan naman ay nagwawakas sa mga steppe at disyerto sa gitna at timog kazakhstan. Karamihan sa mga ilog at lawa nito ay nawawalan ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang tatlong pangunahing anyong tubig ng bansa ay ang lake balkhash sa silangan na bahagyang tabang at alat, ang dagat caspian at dagat aral--- parehong sakop ng kazakhstan ang ilang bahagi ng mga ito.

Page 40: Report in Ap By Bubee

Kontinental ang klima sa kazakhstan. Mahaba lubos na maginaw ang taglamig at maikli ang tag-araw. Sa panahon ng tag-araw, ang temperatura ay umaabot sa mahigit 30 *C (86*F) hanggang -12*C (10.4*F) sa panahon ng taglamig.

Mayaman ang hilagang asya sa halos lahat ng uri ng mineral. Nababahagian ng yamang ito ang kazakhstan

Page 41: Report in Ap By Bubee

Nagtataglay ito ng malaking deposito ng petroleum at natural gas na siyang nakatulong nang malaki sa ekonomiya ng bansa. Nasa Kazakhstan din ang pangalawang pinakamalaking reserba ng uranium, chromium, lead, zinc, pangatlo sa reserba ng manganese, ikalima sa copper, ikasampu sa reserba ng coal, bakal at ginto ng ikalabing-isa sa reserba ng langis natural gas. Hindi man mayaman ng lupang sakahan, nakapagtatanim pa rin ang mga mamamayan sa bansa ng trigo at bulak.

Page 42: Report in Ap By Bubee

TAJIKISTAN

Page 43: Report in Ap By Bubee

SUKAT 143,100

KAPITAL DUSHANBE

YUNIT NG SALAPI RUBLE

YAMAN PETROLYO, URANIUM, MERCURY, BROWN COAL, LEAD, ZINC, ANTIMOTY, TUNGSTEN, PILAK AT GINTO

TEMPERATURA 23 *C HANGGANG 30 *C (TAG-ARAW) AT -1 *C HANGGANG 3*C (TAGLAMIG)

PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA

6.52%

Page 44: Report in Ap By Bubee

Nagmula ang pangalang tajiskistan sa mgakatutubong tajik na sinasabing may lahing Persiano. Dumaan ito sa seye ng pananakop ng mga arabe, Mongol at Ruso. Nagsarili ang tajikistan bilang isang malayang estado noong 1991 nang mabuwag ang USSR.

Nakalatag ito sa timog-silangang bahagi ng rehiyon. Nahahangganan ito ng Uzbekistan at Kyrgyzstan sa hilaga, Afghanistan sa timog at china sa bulubunduking bahagi nito sa silangan. Ito ay isang bansang napapalibutan ng lupa (landlocked) at pinakamaliit ang sukat sa gitnang asya.

Page 45: Report in Ap By Bubee

Ito ay lupain ng mga bundok sa ilog. Sa katunayan, mahigit 90% ng lupain nito ay nababalutan ng bulubundukin. Nakalatag ang lupain nito sa bahagi ng pamir at tien shan na may taas mula 300 metro hanggang 7,495 metro. Nagtataglay ang tajikistan ng 947 ilog na may habang mahigit sa sampung (10) kilometro. Pinakamalaking ilog ng bansa ang Amu Darya, Syr Darya (sa hilaga), Zeravshan (kaugnay ng Amu Darya), Vakhsh at ang Panj

May mga lawa rin sa tajikistan. Pinakamalaki rito ang Lake Karakul sa Silangang Pamis. Ang kabuuang sukat ng maalat na lawang ito ay 380 kilometro kwadrado. Pinakamalalim na lawa ng bansa ang Lake Sarez sa Kanlurang Pamir na may sukat na 86.5 kilometro kwadrado at may lalim na 490 metro. Tabing ang tubig sa lawang ito.

Page 46: Report in Ap By Bubee

Mga lawa ng Tajikistan

Page 47: Report in Ap By Bubee

Lake Karakul

Page 48: Report in Ap By Bubee

Lake Sarez

Page 49: Report in Ap By Bubee

Ang mga kabundukan ng Tajikistan ay tanyag sa kanilang glacier (nababalutan ng yelo) at itinuturing na pinakamalawak sa asya ang Fredchenko Glacier, ang Pamir at ang Zeravshan Glacier.

Ang gitnang bahagi ng Tajiskistan ay nababalutan ng Hissar-alay Ridges (timog ng Tien Shan). Ang Dushanbe – kabisera ng bansa ay nasa Lambak Hissar sa paanan ng kabundukang Hissar.

Ang pamir ay nasa timog silangang bahagi ng bansa. Pinakamataas na bundok ng Pamir at ng Bansa ang Communism Peak na may taas na 7,495 metro (24,590 talampakan). Kilala rin ito bilang Ismoil Somoni Peak. Nakatalag ito halos sa probinsya mg Gorno-Badakhstan ng bansa at probinsya ng Badakhstan sa Afghanistan.

Page 50: Report in Ap By Bubee

Sa pangkalahatan, nakararanas ang tajikiistan ng klimang kontinenral, subtropikal at maladisyerto na may mga disyertong bahagi. Ngunit nag-iiba ang klima batay sa elebasyon. Ang Lambak ng Fergana at iba pang mabababang lupain ay nahahadlangan ng mga kabundukan sa mga bahaging nagmumula sa Arctic ngunit mababa pa rin ang temperatura nito (below freezung point) na tumatagal nang halos 100 araw sa isang taon. Sa rehiyong timog kanlurang kapatagang subtropikal na may pinakamataas na temperatura, ang klima ay tigang.

Ang mga pangunahing pananim ay barley, bulak, trigo at gulay. Mayaman din ito sa mineral na uling, Lead at zinc. Pangunahing industriya ang pagtunaw ng aluminyum, paggawa ng semento, damit at sapatos.

Page 51: Report in Ap By Bubee

Ang mga pangunahing pananim

Page 52: Report in Ap By Bubee

Barley

Page 53: Report in Ap By Bubee

Bulak

Page 54: Report in Ap By Bubee

Trigo

Page 55: Report in Ap By Bubee

Gulay

Page 56: Report in Ap By Bubee

Nananatili itong pinakamahirap na bansa sa mga dating kasapi ng USSR at sa gitnang Asya. Ang pangunahing kita ng bansa ay nagmumula sa produksyon ng aluminyum (aluminum), pagtatanim ng bulak at kwartang padala ng mga manggagawa sa labas ng bansa. Sa bansa makikita ang pinakamalaking planta ng aluminyum sa gitnang asya at isa sa pinakamalaki sa buong daigdig. Ngunit dahil sa korapsyon at di-maayos na patakarang pang ekonomiya, nananatiling mabagal ang pagunlad nito.

Page 57: Report in Ap By Bubee

KYRGYZSTAN

Page 58: Report in Ap By Bubee

MAPA NG KYRGYZSTAN

Page 59: Report in Ap By Bubee

SUKAT 199,00 (KILOMETRO KWADRADO)

KAPITAL BISHKEK

YUNIT NG SALAPI SOM

YAMAN GINTO, MERCURY, URANIUM, NATURAL GAS, COAL, LANGIS, NEPHELINE, BISMUTH, LEAD AT ZINC.

TEMPERATURA -9*C HANGGANG 23*C

PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 6.55%

Page 60: Report in Ap By Bubee

Nagmula ang pangalang kyrgyztan sa mga katutubong kyrgz – mga pastol at nomadikong Turkic na ang unang naninirahan sa kabundukang Tien Shan. Galing ito sa salitang Kyrgyz na pinaniniwalaang salitang Turkic na ang ibig sabihin ay apatnapu (40) na tumutukoy sa 40 lipi ng mga manas. Makikita rin ang 40 sikat ng araw sa watawat ng bansa na tumutukoy sa apatnapung tribo. Naging isang nagsasariling estado ang Kyrgyzstan. Matapos itong humiwalay sa USSR noong 1991.

Page 61: Report in Ap By Bubee

Ang Kyrgyztan ay isang lupaing landlocked at bulubundukin na nasa silangan ng China. Nahahangganan din ito ng Kazakhstan sa hilga, Uzbekistan sa kanluran at Tajikistan sa timog kanluran. Dahil sa pagkakahati ng gitnang asya limang republika, maraming pangkat etnikong Kyrgyz ang hindi nakatira ng Ilang kilometro --- dalawa sa Uzbekistan at isa sa Tajikistan.

Ang matataas na lupain ng Kyrgyzstan ay sakop ng mga kabundukan ng Tien Shan at Pamir na umookupa sa 65% ng Teritoryo ng bansa. Ang kabundukan ng alay na bahagi ng Tien Shan ay sumasakop sa timog kanlurang bahagi ng bansa at binabagtas naman ng kalakhang bahagi ng Tien Shan ang Silangang lupain ng Kyrgyztan na nagsilbing hangganan ng bansa at ng china

Page 62: Report in Ap By Bubee

Matataas at matatarik ang mga kabundukan sa Kyrgyztan na pinaghihiwalay ng malalalim na lambak. Malalawak din ang glaniclation (nababalutan ng yelo) sa Kyrgyztan . Mayroon itong 6500 glacier na tinatayang may sukat na 650 kilometro kubiko (cubic kilometers) ng tubig. Tanging ang paligid ng Chui, Talas, at Lambak ng Fergana lamang ang malalawak ng kapatagan ng bansa na angkop sa agrikultura

Dahil nababalutan ng yelo ang mga kabundukan ng Kyrgystan, mayaman sa suplay ng tubig ang bansa. Ngunit wala sa mga ilog ng Kyrgyztan ang maaaring daanan ng barko. Karamihan sa mga ito ay maliliit at makikitid. Karamihan sa mga ilog ng bansa ay sanga (tributaries) lamang ng ilog Syr Darya. Isa pang pangunahing ilog ng bansa ang Chui na dumadaloy mula hilaga patungong hilagang kanluran hanggang sa katimugang bahagi ng Kazakhstan.

Page 63: Report in Ap By Bubee

Ang Issyk Kul ay pangalawang pinakamalaking lawa sa Hilagang Asya . May haba itong 182 kilometro at luwang na 60 kilometro. Ito ay may kabuuang sukat na 6,236 % kilometro kwadrado. Ikasampuu ito sa pinakamalalaking lawa sa kabuuang sukat sa buong daigdig. Tinatayang may 2,000 lawa ang makikita sa Kyrgyzstan.

Malaki ang impluwensya ng kabundukan sa klima at bansa. Naaapektuhan din ito ng kanyang lokasyon sa gitna ng Eurasia (landmass) at kalayuan sa karagatan. Magkakaiba ang klimang nararanasan sa bansa. Kontinental sa ilang rehiyon at ang iba naman ay halos marine lalung-lalo sa mga lugar na malapit sa Issyk Kul. Malaking bahagi ng bansa ay nakararanas ng klimang temperate sa mantalang subtropikal naman sa timog .

Page 64: Report in Ap By Bubee

Ang agrikultura ay isang mahalagang sektor ng ekonomiya ng Kyrgyztan. Pangunahing tanim ang trigo, matamig na aselya (sweet beet), bulak, patatas, mga gulay at prutas. Nag-aalaga rin ng hayop at nakakapagpoprodyus ng karne, lana (wool), at mga gatas na nagsisilbing pangalakal. Makikita rin ang industriya ng uling, ginto, uraniyum, antimoty, at ilang mahahalagang metal. Isa sa mga napakahalagang industriya ng bansa ang metalurhiya (metallurgy) na inaasahan ng pamahalaan na makaakit ng mamumuhunan.

Nananatiling pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa mga dating sakop ng USSR (Union Od Soviet Socialist Republics) at sa gitnang asya sa kasalukuyan ang Kyrgyztan.

Page 65: Report in Ap By Bubee

UZBEKISTAN

Page 66: Report in Ap By Bubee

MAPA NG UZBEKISTAN

Page 67: Report in Ap By Bubee

SUKAT 447 ,400 (KILOMETRO KWADRADO)

KAPITAL TASHKENT

YUNIT NG SALAPI SOM

YAMAN GINTO,URANIUM, POTASSIUM AT NATURAL GAS

TEMPERATURA -23 *C (TAGLAMIG) AT 40*C (TAG-ARAW)

PORSYENTO NG LUPANG NASASAKA 10.51 %