sample nat test questions

14
SAMPLE NAT TEST QUESTIONS GROUP VI Competency #6 Napahahalagahan ang mga hangganan at ang matalinong pagpapasya sa paggamit at pangangalaga ng likas na yaman. 1. Paano mo mapapahalagahan ang hangganan ng ating teritoryo kung ikaw ay naatasang maging bantay-dagat? (PROCESS) a. Protektahan ang ating teritoryo ayon sa isinasaad ng saligang batas. b. Hayaang makapasok ang mga dayuhan sa bansa kapalit ng salapi. c. Ipagkibit balikat ang tungkulin. d. Ipaubaya sa maga namumuno ng bansa. Sanggunian: Yaman ng Pilipinas Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6 p.47 Sagot: A 2. Mayaman ang bansa sa mga likas na yaman. Ano ang maaaring ibubunga ng wastong paggamit nito?(UNDERSTANDING) a. Magkakaroon ng maraming paghahati-hatian. b. Hindi tayo maging palaasa sa ibang bansa. c. Magiging maunlad ang buhay ng mga mangangalakal. d. Lalaki ang produksiyon ng pagkain. Sanggunian: Yaman ng Pilipinas Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6 p.62 Sagot: D 3. Mabilis ang pagkaubos ng mga punongkahoy sa gubat, at ang epekto nito ay ang pagkakaroon ng baha sa lugar. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin upang mapangalagaan ito? (UNDERSTANDING) a. Kontrolin ang bilang ng mga namamaril ng ibon. b. Tutulan ang walang pahintulot na pagtotroso. c. Ipagpatuloy ang pagtatanim ng mga halamang namumulaklak sa gubat. d. Pagpapahintulot sa mga nanghuhuli ng mga maiilap na hayop. Sanggunian: Yaman ng Pilipinas Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6 p.63 Sagot: B

Upload: calindagan

Post on 24-Dec-2015

249 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

hekasi

TRANSCRIPT

Page 1: Sample Nat Test Questions

SAMPLE NAT TEST QUESTIONSGROUP VI

Competency #6

Napahahalagahan ang mga hangganan at ang matalinong pagpapasya sa paggamit at pangangalaga ng likas na yaman.

1. Paano mo mapapahalagahan ang hangganan ng ating teritoryo kung ikaw ay naatasang maging bantay-dagat? (PROCESS)

a. Protektahan ang ating teritoryo ayon sa isinasaad ng saligang batas.b. Hayaang makapasok ang mga dayuhan sa bansa kapalit ng salapi.c. Ipagkibit balikat ang tungkulin.d. Ipaubaya sa maga namumuno ng bansa.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.47

Sagot: A

2. Mayaman ang bansa sa mga likas na yaman. Ano ang maaaring ibubunga ng wastong paggamit nito?(UNDERSTANDING)

a. Magkakaroon ng maraming paghahati-hatian.b. Hindi tayo maging palaasa sa ibang bansa.c. Magiging maunlad ang buhay ng mga mangangalakal.d. Lalaki ang produksiyon ng pagkain.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.62

Sagot: D

3. Mabilis ang pagkaubos ng mga punongkahoy sa gubat, at ang epekto nito ay ang pagkakaroon ng baha sa lugar. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin upang mapangalagaan ito? (UNDERSTANDING)

a. Kontrolin ang bilang ng mga namamaril ng ibon.b. Tutulan ang walang pahintulot na pagtotroso.c. Ipagpatuloy ang pagtatanim ng mga halamang namumulaklak sa gubat.d. Pagpapahintulot sa mga nanghuhuli ng mga maiilap na hayop.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.63

Sagot: B

4. Hinikayat kayo ng inyong Kapitan na magtulong-tulong na linisin ang tabing dagat ng inyong barangay, ngunit isa sa kapitbahay mo ay hindi lumabas ng kanyang bakuran. Alin ang sasabihin mo sa kanya para hikayatin siya?(PRODUCT)

a. “Bakit di ka lumabas diyan?”b. “Halika na, kailangan sundin natin ang ating kapitan.”c. “Naku, palagi na lang ba tayo ang maglilinis?”d. “Sige, magtago ka na lang diyan.”

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.63

Sagot: B

Page 2: Sample Nat Test Questions

5. Ang mga pangisdaan sa bansa ay mahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga sumusunod ay programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng pangisdaan maliban sa isa. (UNDERSTANDING)

a. Pagsosonab. Bantay-dagatc. Paggamit ng dinamitad. Paggamit ng katamtamang laki ng butas ng lambat

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.63

Sagot: C

6. Ayon sa doktrinang pangkapuluan ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng mga sumusunod. Alin ang hindi kabilang dito? (PROCESS)

a. Kapuluan ng Pilipinasb. Mga pulo at katubiganc. Kabundukan d. Yamang nasasakupan ng bansa

Sanggunian:Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa GawaBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 51PELC IIA.2

Sagot: C

7. Maaring maubos ang yamang-tubig at pangisdaan ng bansa. Upang maiwasan ito, ipinatupad ang Atas ng Pangulo Blg. 1058. Ano ang ipinagbabawal ng batas na ito? (KNOWLEDGE)

a. Pagtatayo ng pangisdaan sa lawab. Paggamit ng dinamita at bangkang de motorc. Paghuli ng isda sa mababaw na bahagi ng dagatd. Pagtatapon ng dumi sa tubigan

Sanggunian:Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa GawaBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 90PELC IIB.6

Sagot: B

8. Namasyal kayo sa isang napakagandang bukal. Napansin mo ang ilan sa mga kasama mo ay nag-iiwan ng kanilang mga basura. Alin ang angkop na gagawin mo?(UNDERSTANDING)

a. Sasabihin ko na huwag iiwan ang mga basura dahil hindi ito magandang tingnan.

b. Ako na lamang ang pupulot ng mga basura.c. Sasabihan na ihahagis sa malayo ang mga basura.d. Hayaan na lamang ang mga basura na naiwan.

Sanggunian:Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa GawaBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 73PELC IIB.5

Sagot: A

Page 3: Sample Nat Test Questions

9. Bakit mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas? (UNDERSTANDING)a. Para sa pagkakakilanlan nitob. Para malaman ang mga karatig-bansa nitoc. Dahil sa hangaring pangkultura, pangkabuhayan at pangkaligtasan nitod. Upang malaman ang sakop nito

Sanggunian:Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso at sa GawaBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 61PELC IIA.3

Sagot: C

10. Ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang ay naatasang bumuo ng awit patungkol sa lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang angkop dito? (PERFORMANCE)

a. “ Ako’y isang PinoyMay sariling teritoryoMalawak ang sakop at hangganan nitoWalang sinumang banyagang mag-aangkin nitoPagkat tanging Pinoy lamang ang may karapatan dito.”

b. “ Pilipinas kong mahalParaiso sa SilanganPunong-puno ng ganda at kayamananPagkat lahat ng bagay ay nasa iyo na.”

c. “ Dagat, ilog, lawa, at sapaAt saka meron pang bukal at talonLook, kipot, batis, at golpoAnyong tubig ang tawag sa kanila.”

d. Sa bukid, kapataganAng Apo, bundok namanAng Mayon, isang bulkanSa Bohol, burol namanTawag dito ay anyong lupaAting kayamanan

Sanggunian:Pilipinong Makabayan sa Isip, sa Puso, at sa GawaBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 47PELC IIB.7

Sagot: A

11. Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi nito. Isa sa dapat na mangalaga nito ay ang mga mamamayan ng Pilipinas. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang pangalagaan ito?(PRODUCT)

a. Gumamit ng ipinagbabawal na gawainb. Magbantay at tumulong sa pagpapaliwanag ng pangangalaga ng ating

likas na yaman.c. Ipagwalang bahala na lamang ito.d. Pabayaan ang pamahalaan ang gumawa nito.

Sanggunian:Pilipinas Bansang Papaunlad VI

Page 4: Sample Nat Test Questions

p.96; PELC IIDSagot: B

12. Ang mga mamamayan na nakatira sa kabundukan ay namumutol ng mga puno at ginagawang mga uling upang madagdagan ang kanilang pinagkakakitaan. Ano ang hindi magandang resulta nito? (KNOWLEDGE)

a. Dadami ang punongkahoyb. Magiging maganda ang kabundukanc. Guguho ang lupa sa kabundukand. Yayaman sila

Sanggunian:Pilipinas Bansang Papaunlad VIp.40

Sagot: C

13. Isa sa suliranin ng bansa ay ang magkakahiwa-hiwalay na lugar sa ating bansa kayat hindi maabot ng mga namumuno at ng kanilang paglilingkod ang mga mamamayan. Kung ikaw ang namumuno, ano ang gagawin mo upang makarating sa kanila ang iyong paglilingkod?(UNDERSTANDING)

a. Magpadala ka ng maaasahang kawani upang malaman kung anong paglilingkod ang kailangan nila.

b. Di nalang iisipin ang mga nasa malalayo.c. Paglingkuran lamang ang nasa malapit na lugar.d. Hayaan nalang silang magsumikap sa buhay.

Sanggunian:Pilipinas Bansang Papaunlad VIp.97;PELC IIA.4

Sagot: A

14. Sa ating kalagayan ngayon madalas ang pagbaha kahit mahina lamang ang ulan. Isa na rito ang lugar ng Maynila. Bakit nagaganap ang mga pangyayaring ito?(PROCESS)

a. Dahil sa mga basurang nakakalat kahit saan langb. Madalang ang mga punongkahoy sa lugarc. Walang magandang daluyan ng tubig sa lugar na iyond. Lahat ng nabanggit

Sanggunian:Pilipinas Bansang Papaunlad VIp.101;PELC IIC5.1

Sagot: D

15. May dalawang panahon sa Pilipinas, tag-init at tag-ulan. Alin sa panahong ito ang angkop na makapagtanim ang mga magsasaka ng palay at gulay? Bakit? (UNDERSTANDING)

I. Tag-init, dahil kailangan ng tanim ang init ng arawII. Taglamig, dahil nabubuhay ang tanim kapag malamigIII. Tag-ulan, dahil kailangan ng pananim ang tubig upang lumago at

lumaki.IV. Lahat, dahil tutubo ang mga pananim sa lahat ng panahon.

a. I at IIb. III at IVc. I at IIId. II at IV

Sanggunian:

Page 5: Sample Nat Test Questions

Pilipinas Bansang Papaunlad VIp. 70; PELC IID.2

Sagot: C

16. Ang Pilipinas ay may nabuong mga paraan upang mapangalagaan ang sariling teritoryo, sa mga sumusunod alin ang hindi nagpapakita ng pangangalaga ng sariling teritoryo? (KNOWLEDGE)a. Sandatahang lakas na itinalaga sa mga baybayin ng Pilipinasb. Bantay himpapawid ( Airforce)c. Forest Ranger o Bantay Gubatd. Central Investigation and Detection Group

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.70

Sagot: D

17.Napakaraming likas na yaman ang makikita sa Pilipinas .Matataba ang ating mga lupang matatagpuan sa mga kapatagan at lambak. Biniyayaan ng Panginoong Diyos ang Pilipinas ng mga lupaing matataba kaya angkop _____________________. (KNOWLEDGE)a. Sa pagsasakab. Na pagtayuan ng pabrikac. Na gawing residensyald. Na gawing palaruan

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.62

Sagot: A

18.Biniyayaan ang ating bansa ng saganang yamang tubig. Nagmumula ang mga pang- ibabaw na tubig sa mga ilog, batis, at look. Ang masaganang pang-ilalim ng lupang tubig ang tumutustos sa pangangailangan sa tubig sa mga tahanan at higit sa lahat sa mga pook rural. Paano mapapakinabangan ng isang bansa ang mga likas na yaman na ito? (PROCESS)a. Magtulungan ang mga mamamayan upang mapanatiling malinis ang mga ito.b. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga pangisdaan at ang paggamit ng

dinamita sa pangingisda.c. Pangalagaan ng pamahalaan at ng mga tao ang mga pinagkukunan ng tubig

ng ating bansa at siguraduhing wasto ang paggamit kabilang na ang mga pook pangisdaan.

d. Isumbong sa may kapangyarihan ang mga naninira sa likas na yaman.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.63

Sagot: C

19.Batay sa Artikulo ng Saligang Batas 1987, ang teritoryo ng Pilipinas ay tumutukoy sa arkipelago, lahat ng mga isla at karagatan na bumabalot dito, at ang iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksyon o kapangyarihan ang Pilipinas. Ano ang kabutihan at kahinaan ng kapuluan at archipelago bilang uri ng teritoryo ng isang bansa? (PROCESS)

Page 6: Sample Nat Test Questions

a. Malaya at malayo sa ibat-ibang teritoryo at mahirap para sa hukbong sandatahan para bantayan ang lahat ng isla.

b. Karagdagan ito sa teritoryo ng Pilipinas, hindi dahilan ito upang magiging sanhi ng sigalot.

c. Nagiging maka-rehiyon ang mga tao at nagkakaroon ng kompetisyon.d. Napagbubuti at napag-aaralan ang pagtugon sa mga pangangailangan ng

bawat archipelago.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp.45-47

Sagot: A

20. Isa sa mga epekto ng mga pagtitipon sa mga lugar malapit sa Manila Bay ay ang pagdami ng mga basura dito. Kung ikaw ay nakatira malapit doon, paano mo maiiwasan ang lalong pagdami ng mga basura? (PROCESS)

a. Pabayaan ang mga nakikitang mga taong nagtatapon ng basura.b. Pagbawalan ang mga tao sa pagtatapon ng basura.c. Itulak ang dumi papunta sa gitna ng dagatd. Sunugin ang mga basura

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 66

Sagot: B

21. Ang pagtotroso ang pangunahing hanapbuhay ng mga magulang mo. Napag-alaman mong mahigpit na ipinagbabawal ito ng DENR. Bilang anak, paano mo ipaliliwanag sa iyong mga magulang na ito ay ipinagbabawal? (PROCESS)

a. Sabihan ang mga magulang na sa malayo magputol para hindi mahulib. Kausapin ang magulang at sabihin na humanap nalang ng ibang

mapagkakakitaan.c. Hayaan ang magulang dahil iyon ang inyong ikinabubuhay.d. Sumama sa magulang para makatulong sa hanapbuhay.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 71

Sagot: B

22. Ang inyong bahay ay nakatayo sa paanan ng bundok at pagkakaingin ang tanging hanapbuhay ng buong pamayanan. Nagkataong walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Gumuho at natabunan ang inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin? (UNDERSTANDING)

a. Magpatayo ng bahay malayo sa bundokb. Magpatayo ng bahay sa tuktok ng bundok mismoc. Magpatayo ng bahay sa taas ng punongkahoyd. Magpagawa ng pader na gawa sa bato na mas mataas pa sa bahay para

hindi matabunan.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p. 57

Sagot: A

23. Ayon kay Dr. Jose Rizal, “ Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan.” Bilang isa sa Kabataan, ano ang magagawa mo para mapangalagaan ang kalikasan? (UNDERSTANDING)

Page 7: Sample Nat Test Questions

a. Gumawa ng programa at hikayatin ang kabataan para sa pangangalaga ng kalikasan.

b. Hayaan ang kalikasan na masira.c. Huwag intindihin ang kalikasan sapagkat babalik din ito sa dati kung

masisira man.d. Kalimutan ang kalikasan dahil hindi habang buhay ikaw ay bata.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 57-59

Sagot: A

24.Ang yamang mineral ng Pilipinas ay sadyang nauubos at di napapalitan. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na hakbang na dapat gawin ng ating pamahalaan upang maiwasan ang pagkaubos nito? (PROCESS)

a. Pagpapatupad ng responsableng pagtotroso.b. Pagtatakda sa lahat ng nagmamay-ari ng minahan ng pagsasagawa ng

pananaliksik sa makabagong paraan ng pagmimina.c. Pagsasagawa ng iba’t-ibang paraan ng pagtitipid sa paggamit ng yamang

mineral.d. Pagpapasara ng mga minahan na nag-aaksaya ng yamang mineral ng

Pilipinas

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 54-55

Sagot: C

25. Bawat Pilipino ay may pananagutan sa paggamit at pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa subalit maraming mga Pilipino ang umaabuso at nagsasamantala sa paggamit ng likas na yamang ito. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang mas may higit na epekto sa pagkapinsala ng mga yamang tubig? (UNDERSTANDING)

a. Maraming kaingero, illegal na nagtotroso at nangangahoy ang nagkalat sa bansa

b. Ilang mga magsasaka ang gumagamit ng maling sistema ng pagtatanim.c. Hindi maayos na pagmimina, tulad ng walang maayos na drainage system

ng minahan.d. Pagtatapon ng basura sa lawa.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 66-67Sagot: D

26. Isa sa mga likas na yaman ng Pilipinas ay ang Yamang Pansakahan, kabilang dito ang mga produktong Agrikultural tulad ng saging, pinya at manga na namumunga sa buong taon at nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa sumusunod ang pinakamainam na gawin upang mapalago ang industriyang ito? (PROCESS)

a. Pagpaparami ng saging,manga at pinya sa pamilihan.b. Pag-aangkat ng saging, manga at pinya sa mga karatig bansa.c. Pagpapalawak ng mga lupang sakahan ng saging, mangga at

pinya sa Pilipinas at pagtataguyod ng mabisang paraan ng pagsasaka nito.

d. Laging bumili ng saging,manga at pinya sa pamilihan.

Sanggunian:Yaman ng Pilipinas

Page 8: Sample Nat Test Questions

Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 58-60

Sagot: C

27.Binigyan ng Diyos ang Pilipinas ng magandang topograpiya at ibang likas na yaman. Katunayan ang yamang pansakahan ng Pilipinas ay umabot sa higit 9 na milyong ektarya. Paano ito magamit ng wasto? (UNDERSTANDING)

a. Itaguyod ang responsable at matalinong pagsasaka.b. Pagkakaingin ng ilang bundok upang mas mapalawak pa ito.c. Mag-angkat ng iba’t ibang uri ng palay sa Vietnam.d. Gumamit ng mga imported at mamahaling klase ng abono at pataba

upang mas mapalago ang ani.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 57-64

Sagot: A

28. Ang Gitnang Luzon ang may pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas. Katunayan tinagurian itong “Rice Granary of the Philippines.” Paano mapapanatili ng mga mamamayan ng Gitnang Luzon ang bansag na ito? (KNOWLEDGE)

a. Magtayo ng mga palengke na magbebenta ng mga bigas galing dito.

b. Pagyamanin ang mga lupang sakahan sa pamamagitan ng matalino at makabagong pagsasaka.

c. Mag-imbita ng mga dayuhan upang magsaka sa mga sakahan dito.d. Wala sa nabanggit.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 57

Sagot: B

29. Isa si Mang Ruben sa mga mangingisda sa Sitio Sibucao na gumagamit ng ilegal tulad ng lason at dinamita. Sa kadahilanang ito, anong batas ang kanyang nilabag? (KNOWLEDGE)

a. Atas ng Pangulo bilang 1058b. Atas ng Pangulo bilang 5810c. Atas ng Pangulo bilang 1281d. Atas ng Pangulo bilang 463

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 45-47

Sagot: A

30. Ang Sta. Monica Mining ay isa sa mga minahan na matatagpuan sa Palawan. Maraming mga tao ang nabigyan ng trabaho, gumanda ang kanilang pamumuhay at nakapag-aral ang kanilang mga anak. Ngunit nang lumaon, unti-unti nilang napapansin na kumukonti ang mga nahuhuling isda ng mga mangingisda. Ano ang maaaring maging bunga nito sa kanilang pamumuhay? (UNDERSTANDING)

a. Gaganda ang kanilang pamumuhay.b. Magkakaroon ng kakulangan sa isdac. Marami sa kanilang mga anak ang makapagtatapos ng pag-aaral.

Page 9: Sample Nat Test Questions

d. Marami ang mabibigyan ng trabaho.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6Pp63-73

Sagot: B

31. Ang pamilya ni Samuel ay nakatira malapit sa dagat, kaya naman ang pangunahin nilang pinagkakakitaan ay pangingisda. Paano nila mapapangalagaan ang ating yamang pangisdaan upang may mapagkakakitaan pa sila sa hinaharap? (PROCESS)

a. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.b. Itapon sa dagat ang basura.c. Gumamit ng tamang laki ng butas ng lambat upang hindi masama ang

maliliit na isda.d. Wala sa nabanggit

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 71-72

Sagot: C

32. Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagtatapon at pagdami ng basura. Upang malunasan ito nagpatupad ang ating pamahalaan ng proyekto nang tamang pangangasiwa ng ating mga basura. Alin ito sa mga sumusunod? (UNDERSTANDING)

a. Pagtapon ng basura sa bakuran ng kapitbahay.b. Pagtapon ng basura sa ilog.c. Pagtapon ng basura sa tabi ng daand. 3R- reduce, re-use, at recycle

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 70-74

Sagot: D

33.Tuwing Sabado nakagawian na ng pamilya Saadvedra na pumunta sa bukid at magtanim ng mga puno, halaman, at gulay, upang makatulong sa kanilang pangangailangan. Sa paanong paraan sila nakakatulong sa pangangalaga ng mga likas na yaman? (PRODUCT)

a. Matutugunan ang kanilang mga pangangailangan.b. Maiiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.c. Gaganda ang kapaligiran.d. Lahat ng nabanggit

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp. 70-74

Sagot: D 34.Ang Philippine Mahogany ay isang mahusay na uri ng kahoy na nabubuhay sa

ating kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uring ito? (KNOWLEDGE)

a. Apitongb. Yakal

Page 10: Sample Nat Test Questions

c. Guijod. Narra

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.58

Sagot: D

35.Naatasan kang gumawa ng placard tungkol sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang maaaring resulta ng iyong ginawa? (PERFORMANCE)

a. Panatilihing malinis ang mga ilog, lawa, at dagat.b. Ang pag-aalaga sa kapaligiran ay pag-aalaga sa Kabataanc. Gamitin ng tama at maayos ang mga kalikasan.d. Sundin ang mga batas pangkalikasan.

Sanggunian:Pilipinas: Bansang Papaunlad 6p. 40

Sagot: A

36.Mahalaga ang yamang tubig sa bawat isa sa atin. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na matalinong paraan ng pangangalaga sa yamang tubig? (UNDERSTANDING)

a. Kinokontrol ang paglalalayag ng mga sasakyang pandagat.b. Gumagamit ng kuryente sa halip na dinamita sa pangingisda.c. Ipinagbabawal ang pangunguha ng shells sa dagat.d. Gumagamit ng lambat na may malaking butas ang mga mangingisda.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp.71-72

Sagot: D

37.Ang bawat Pilipino ay may tungkuling makiisa sa wastong paggamit ng mga likas na yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paggamit nito?(UNDERSTANDING)

a. Walang habas na pagputol ng mga puno sa kabundukan.b. Pagpapanatili ng kalinisan ng paligid.c. Pagkakaroon ng kasapatan ng pagkain.d. Pagpapatupad ng batas hinggil sa mga ilegal na gawain.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp.62-64

Sagot: A

38.Nakasalalay sa mahusay at matalinong paggamit ng mga likas na yaman ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa. Aling pahayag ang di makatutulong sa wastong pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa? (UNDERSTANDING)

a. Magdaos ng pulong sa pamayanan tungkol sa kampanya laban sa pag-aabuso sa kalikasan.

b. Mag-ambag ng kaalaman tungo sa wastong pagkakaisa ng nakatira sa barangay.

c. Suportahan ang mga pansibikong organisasyon.

Page 11: Sample Nat Test Questions

d. Magmungkahi tungkol sa pagkakaroon ng popular na barangay lider.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.66-68

Sagot: D

39.Alin sa mga sumusnod na mga gawain ang maituturing na hindi matalinong paraan ng paggamit ng mga likas na yaman? (KNOWLEDGE)

a. Paggamit ng compost sa lupang taniman.b. Pagtatanim ng isang uri lang na pananim sa lupang sinasaka.c. Pagtatanim ng salit-salit ng iba’t-ibang uri ng halaman.d. Pagpapalit ng uri ng pananim sa lupang taniman.

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6pp.62-64

Sagot: B

40.Ang Pilipinas ay biniyayaan ng Diyos ng magandang topograpiya at ng iba’t-ibang likas na yaman. Anong likas na yaman ang nauubos at di-napapalitan kaya’t dapat gamitin nang maayos at wasto?

a. Yamang mineralb. Yamang pangisdaanc. Yamang gubatd. Yamang pansakahan

Sanggunian:Yaman ng PilipinasBatayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6p.64;PELC IIB

Sagot: B