tatlong pangkat ng pagkain
TRANSCRIPT
![Page 1: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/1.jpg)
TATLONG PANGKAT NG PAGKAIN
![Page 2: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/2.jpg)
Kailangan ng taong kumain sapagkat taglay ng pagkain ang mga sustansiyang kailangan ng katawan upang lumaki, lumakas at labanan ang sakit at impeksiyon. May tatlong pangkat ng pagkain na kinakailangan ng ating katawan upang manatili itong malusog at malakas.
![Page 3: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/3.jpg)
Pangkat I (GROW FOODS)Mga Pagkaing Tumutulong sa
PaglakiMayaman sa protina ang mga pagkaing kasama
sa Pangkat I. Ang PROTINA ay sustansiyang tumutulong sa paglaki at pag-unlad ng mga buto
at kalamnan. Mahalagang panustos din ang protina sapagkat ito ang nagpapanumbalik ng
wastong ayos ng mga nasira at nasugatang kalamnan. Pinapupula din ng protina ang dugo,
pinatitigas ang kalamnan, at pinatitibay ang mga kuko at ngipin.
![Page 4: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/4.jpg)
![Page 5: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/5.jpg)
Pangkat II (GO FOODS)Mga Pagkaing Nagbibigay-
Lakas
CARBOHYDRATES ang pangunahing sustansiya na nagbibigay-lakas at init sa katawan, kasunod ang langis at taba.
![Page 6: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/6.jpg)
![Page 7: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/7.jpg)
Pangkat III (GLOW FOODS)Mga Pagkaing Pananggalang sa
Sakit at ImpeksiyonAng Bitamina A, Calcium, at Iron ay mga sustansiyang mahalaga upang magkaroon ng malinaw na mata, makinis na balat, at matibay na buto at ngipin. Ang Bitamina C naman ay upang lumakas ang resistensiya ng katawan laban sa sakit at impeksiyon. Pinalulusog din nito ang mga ngipin at gilagid.
![Page 8: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/8.jpg)
![Page 9: Tatlong Pangkat ng Pagkain](https://reader035.vdocuments.pub/reader035/viewer/2022071711/58f9afb0760da3da068baf6a/html5/thumbnails/9.jpg)
Kailangang kumain ng mag-anak araw-araw ng mga pagkaing nasa tatlong pangkat ng pagkain kung nais nilang manatiling malakas at malusog. Dapat gamiting gabay ang tatlong pangunahing pangkat ng pagkain sa pagbabalak at paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.