tinig march 2015

8
MARSO 2015 >>>Ituloy sa p2 Sigaw ng kabataan at bayan: Ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa pagpapasya-sa-sarili Candle-lighting protest ikinasa laban sa “all-out war” sa Mindanao Oil price hike pa rin sa kabila ng mababang presyo sa pandaigdigang pamilihan Sigaw ng manggagawa: pambansang minimum na sahod, 16K kada buwan! Libu-libong estudyante nag-walkout para sa pagbibitiw ni Aquino 4 5 5 6 8 NOYNOY RESIGN! Bakit dapat puspusang kumilos para itulak ang pagbibitiw ni Aquino? Traydor sa bayan si Aquino. Duguan ang kamay niya sa madugong engkwentro sa Mamasapano. Para mapaligaya ang boss niyang Estados Unidos (US), itinulak niya sa tiyak na kapahamakan at kamatayan ang 44 na Special Action Force, 18 mandirigmang Moro at di bababa sa 7 sibilyan sa opensiba sa Mamasapano. Buhol-buhol na ang kasinungalingan ni Aquino para pagtakpan ang krimen niya at ng US. Gumawa-gawa siya ng script para palabasin na wala siyang kinalaman o kaya’y mali ang mga inulat sa kanya. Pero buking na siya ng taumbayan --- siya at ang US ang mastermind ng madugong bakbakan. Kasama ang kabarkada niyang suspendido na si Alan Purisima, ibinenta niya ang soberanya ng bansa, niyurakan niya ang chain of command at ginera ang komunidad ng Moro kahit pa may peace talks. Walang malasakit at pakialam sa buhay si Aquino; kahit ang sariling pwersang pulis ay pinagtraydoran at isinangkalan na parang sa video game. Hindi na bago ang sagad na pagtatraydor ni Aquino, ipinatupad niya ang Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement at pinayagang magtayo ng mas maraming base ang US sa bansa, habang tahimik sa pagpaslang kay Jennifer Laude at pagsira ng Tubbataha. Pahirap sa bayan ang hacienderong si Aquino. Ang kanyang mga patakarang pabor sa dayuhan at mga kapwa naghaharing uri ay lalong naglubog sa mamamayan sa kahirapan. Lalong tumataba ang bulsa ng mga kroni at malalaking negosyo na inawardan niya ng mga kontrata sa public-private partnerships gaya ng mga Ayala, Pangilinan at iba pa. Sila ang makikinabang sa walang tigil na pagtataas ng kuryente, tubig at langis. Sila rin ang magbubulsa ng kita sa taas- pasahe sa MRT/LRT at mga pampublikong ospital. Sa kabilang banda, lalong pinatitindi ang atake sa kabuhayan ng taumbayan. Itinutulak pababa ang halaga ng sahod at isinusulong ang kontraktwalisasyon. Pinagkakait ang mga batayang serbisyong panlipunan at dinedemolish ang mga maralita. Patuloy na inaagaw ang lupa na para sa mga magbubukid at pinananatili ang mga hacienda. Kamakailan, isang mag-aaral na naman ang natulak na kumitil ng sariling buhay dahil sa kahirapang magbayad ng matrikula. Dahil sa patakaran ni Aquino ng deregulasyon sa matrikula, sobrang taas at dami ng mga pabigat na bayarin sa pamantasan na higit na nagkakait sa kabataan ng karapatan sa edukasyon.

Upload: anakbayan-ph

Post on 07-Feb-2016

39 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Ang TINIG ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan.Tinig March 2015 issue

TRANSCRIPT

Page 1: Tinig March 2015

MARSO 2015

>>>Ituloy sa p2

Sigaw ng kabataan at bayan:

Ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa pagpapasya-sa-sarili

Candle-lighting protest ikinasa laban sa “all-out war” sa Mindanao

Oil price hike pa rin sa kabila ng mababang presyo sa pandaigdigang pamilihan

Sigaw ng manggagawa: pambansang minimum na sahod, 16K kada buwan!

Libu-libong estudyante nag-walkout para sa pagbibitiw ni Aquino

4

5

5

6

8

NOYNOY RESIGN!Bakit dapat puspusang kumilos para itulak ang pagbibitiw ni Aquino?

Traydor sa bayan si Aquino. Duguan ang kamay niya sa madugong engkwentro sa Mamasapano. Para mapaligaya ang boss niyang Estados Unidos (US), itinulak niya sa tiyak na kapahamakan at kamatayan ang 44 na Special Action Force, 18 mandirigmang Moro at di bababa sa 7 sibilyan sa opensiba sa Mamasapano.

Buhol-buhol na ang kasinungalingan ni Aquino para pagtakpan ang krimen niya at ng US. Gumawa-gawa siya ng script para palabasin na wala siyang kinalaman o kaya’y mali ang mga inulat sa kanya. Pero buking na siya ng taumbayan --- siya at ang US ang mastermind ng madugong bakbakan. Kasama ang kabarkada niyang suspendido na si Alan Purisima, ibinenta niya ang soberanya ng bansa, niyurakan niya ang chain of command at ginera ang komunidad ng Moro kahit pa may peace talks.

Walang malasakit at pakialam sa buhay si Aquino; kahit ang sariling pwersang pulis ay pinagtraydoran at isinangkalan na parang sa video game. Hindi na bago ang sagad na pagtatraydor ni Aquino, ipinatupad niya ang Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation

Agreement at pinayagang magtayo ng mas maraming base ang US sa bansa, habang tahimik sa pagpaslang kay Jennifer Laude at pagsira ng Tubbataha.

Pahirap sa bayan ang hacienderong si Aquino. Ang kanyang mga patakarang pabor sa dayuhan at mga kapwa naghaharing uri ay lalong naglubog sa mamamayan sa kahirapan.

Lalong tumataba ang bulsa ng mga kroni at malalaking negosyo na inawardan niya ng mga kontrata sa public-private partnerships gaya ng mga Ayala, Pangilinan at iba pa. Sila ang makikinabang sa walang tigil na pagtataas ng kuryente, tubig at langis. Sila rin ang magbubulsa ng kita sa taas-pasahe sa MRT/LRT at mga pampublikong ospital.

Sa kabilang banda, lalong pinatitindi ang atake sa kabuhayan ng taumbayan. Itinutulak pababa ang halaga ng sahod at isinusulong ang kontraktwalisasyon. Pinagkakait ang mga batayang serbisyong panlipunan at dinedemolish ang mga maralita. Patuloy na inaagaw ang lupa na para sa mga magbubukid at pinananatili ang mga hacienda.

Kamakailan, isang mag-aaral na naman ang natulak na kumitil ng sariling buhay dahil sa kahirapang magbayad ng matrikula. Dahil sa patakaran ni Aquino ng deregulasyon sa matrikula, sobrang taas at dami ng mga pabigat na bayarin sa pamantasan na higit na nagkakait sa kabataan ng karapatan sa edukasyon.

Page 2: Tinig March 2015

2 MARSO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Kurap at bulok ang gubyernong Aquino. Mahigit P300 bilyon ang dinambong ni Aquino, ipinanuhol at ipinamudmod sa kanyang mga alyado sa Disbursement Acceleration Program o DAP at aabot pa rin sa P1 trillion ang pork barrel na kinukulimbat ng kanyang gobyerno.

Ang kanyang mga kamag-anak, kaklase at kabarilan ang naninindikato sa bilyong pisong mga proyekto sa gubyerno. Laganap ang smuggling at pagbibigay ng mga eksempsyon sa buwis sa malalaking komprador.

Ginagamit ni Aquino ang posturang anti-kurupsyon para pagtakpan ang mas malalaking mga kaso ng kurakot ng mga kapamilya at kaalyado niya, gayundin para sa mga sariling negosyo at interes gaya ng Hacienda Luisita.

Matindi na nga ang pananagutan sa mga nangamatay sa superbagyong Yolanda, kahit ang relief at rehabilitation pa para sa mga biktima ng Yolanda ay kinukurakot ng rehimen.

Pasista at walang paggalang sa buhay at karapatang pantao si Aquino. Ipinatupad niya ang Oplan Bayanihan para supilin ang paglaban ng mamamayan.

Itinambak ang mga militar sa mga komunidad sa kanayunan, pinaslang ang lagpas 200 mga aktibista at ipiniit ang nasa mahigit 300 bilanggong pulitikal.

Para pagtakpan ang madugong krimen at lalo pang isulong ang interes ng US, isinusulong ngayon ang “all-out war” sa Mindanao na magpapahamak sa libu-libong mga mamamayan.

Mas marami pang mamamatay at maghihirap kung magpapatuloy pa ang gubyernong Aquino! Papayag ba tayo? Sobra na, tama na. Game over na!

Paano matutulak na magbitiw si Aquino?

Dumarami na ang nananawagan na magbitiw si Aquino: mga karaniwang mamamayan, mga manggagawa at magsasaka, mga pamilya at kamag-anak ng mga namatay, mga obispo at taong-simbahan, mga opisyal ng gubyerno, maging mga pulis at militar. Kahit sa poder mismo ni Aquino ay tumitindi ang hidwaan at may mga lihim na naghahangad na mapagbitiw siya.

Gaya sa mga nagdaan, ang “people power” o sama-sama at malawak na pagkilos ng mamamayan ang sandata ng bayan para kamtin ang pagbabago. Dapat ilunsad ang papalaking mga pagkilos hanggang sa mapalibutan ng milyun-milyong mamamayan ang Malakanyang at mapilit si Aquino na magbitiw. Bukas ang kilusan sa sinumang nagnanais ng pagbitiwin si Aquino, maging sa mga dati o kasalukuyang alyado na nais sumama sa taumbayan.

Page 3: Tinig March 2015

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2015

LIBU-LIBONG ESTUDYANTE NA NAG-WALKOUT SA KANILANG MGA KLASE ANG DUMAGSA SA MENDIOLA NOONG PEBRERO 27 UPANG IPANAWAGAN ANG PAGBITIW SA

PWESTO NI PANGULONG BS AQUINO.

Paano pagkatapos? Sino o ano ang papalit kay Aquino?

Itatatag ng bayan ang “people’s transition council.” Ito ang magtitiyak na makakamit ang hustisya at maipatutupad ang mga mga kinakailangang reporma matapos magbitiw si Aquino. Paghakbang ito tungo sa hangad nating makabuluhang pagbabago ng sistema.

Ilan sa maaaring gawin nito ang pagpapanagot sa mga may sala sa opensiba sa Mamasapano at iba pang krimen; ganap na pagbasura sa pork barrel at pagpapanagot sa mga tiwali; pagpapatupad ng mga kagyat na reporma para bigyang alwan ang mamamayan gaya ng reporma sa lupa, pagtigil ng pribatisasyon at pagtataas ng sahod; paggigiit ng pambansang soberenya at pagbabasura ng mga makadayuhang patakaran gaya ng VFA at EDCA; pag-usad ng usapang pangkapayapaan para tugunan ang mga ugat ng kahirapan; pagpapalaya sa bilanggong pulitikal; at iba pa.

Matapos ang isa o dalawang taon, magpapatawag ito ng malayang halalan.

Sino ang uupo sa konseho?

Ang mga magiging bahagi ng konseho ay mga lider ng iba’t ibang mga sektor at grupo na magsusulong ng demokratikong kilusan at mga kabahaging personahe at indibidwal. Dadaan sa demokratikong proseso sa

pamamagitan ng Kongreso o Asembliya ng mamamayan ang pagpili sa mga kinatawan sa konseho. Siyempre, hindi maaring maging kasali rito ang mga sagad-sagaring tagapagtanggol ni Aquino o mga ahente niya na mananabotahe sa pagkilos ng mamamayan.

Ano ang dapat nating gawin?

Mahalaga ang papel ng kabataan sa paglikha kasaysayan. Dapat nating pangunahan ang pagmartsa ng milyun-milyon para sa pagbibitiw ni Aquino.

Ipalaganap natin sa pinakamarami ang pangangailangang patalsikin si Aquino sa poder. Mag-organisa ng pinakamaraming organisasyon at alyansa para sa pagbibitiw ni Aquino. Ilunsad ang marami, malaganap at papalaking mga walkout, martsa, at pagtitipon sa mga eskwelahan, pagawaan at komunidad na dadaluyong patungo sa mga sentrong lansangan at papalibot sa Malakanyang.

Tinatawagan tayo na lumikha ng kasaysayan at ihawan ang landas tungo sa isang kinabukasan na tunay na malaya, demokratiko at masagana.

BS Aquino: RESIGN NOW!

Page 4: Tinig March 2015

4 MARSO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa pagpapasya-sa-sarili

Upang mapagtakpan ang pananagutan ng rehimeng Aquino at amo nitong Estados Unidos sa madugong operasyon sa Mamasapano, ibinabandera ngayon ng ilang mga grupo at pulitiko ang panawagang “all-out war” laban sa mamamayang Moro.

Sinasamantala ng mga alyado ni Aquino ang malaking pinsalang idinulot ng mga engkwentro sa pagitan ng mga mandirigmang Moro at Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) upang ibaling ang galit sa kapalpakan ng rehimeng Aquino tungo sa mamamayang Moro.

Ngunit hindi mabubura ng reaksyunaryong diskurso ng sobinismong anti-Moro ang katotohanan tungkol sa lehitimong pakikibaka ng mamamayang Moro para sa pagpapasya-sa-sarili.

Paglaban sa Kolonyalismo

Mahaba ang kasaysayan ng paglaban ng mamamayang Moro upang ipagtanggol ang kalayaan ng kanilang lupang tinubuan, ang Bangsamoro. Sumasaklaw ang pakikibakang ito ng apat na siglo mula pa sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas noong ika-16 siglo hanggang sa kasalukuyan.

Bago pa man dumating ang mga kolonyalistang Espanyol, umiral na ang mga Sultanatong Moro sa hangganan ng Mindanao, Sulu, at Palawan. Ang Sultanato ng Sulu, Maguindanao, at Buayan ang pinakamaunlad na sistemang panlipunan sa kapuluan sa panahong ito.

Hindi sila nasakop ng mga Espanyol sa kabila ng sunud-sunod na pag-atake ng mga kolonyalista. Mabangis din ang naging paglaban ng mga Moro sa mga kampanyang militar ng imperyalistang Amerikano sa mga taong 1901 hanggang 1916.

Kinailangan ang mas malakas na pwersa ng US para masakop ang mga Moro. Kinailangan din ang pagsuhol sa kanilang mga lider at pagpaagnas ng kanilang tradisyunal na mga institusyon upang tuluyang mapasailalim sa kolonyal na paghahari ng US.

Sistematikong pang-aapi

Sa pagkatatag ng malakolonyal na Republika ng Pilipinas, nagpatuloy ang panunupil at pambubusabos sa mga mamamayang Moro ng mga lokal na naghaharing uri at kanilang mga among Amerikano.

Inagaw ang kanilang mga lupaing ninuno ng mga dayuhang korporasyon at plantasyon. Itinaboy ang kanilang mga komunidad dahil sa mga resettlement project para sa mga migranteng galing sa Luzon at Visayas na inilisan ng gobyerno papuntang Mindanao.

Naging biktima ang mga Moro ng sistematikong diskriminasyon at pang-aapi, malaganap na pang-aabuso, at pagmasaker sa kamay ng mga pwersa ng estado at grupong paramilitar katulad ng kultong Ilaga na inarmasan din ng gobyerno.

Ang lahat ng ito ay nagtulak sa paglunsad ng armadong pakikibaka simula noong 1970s sa pangunguna ng Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at sa dakong huli ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Huwad na kapayapaan

Ang paglusob ng mga armadong tropa ng SAF sa Mamasapano, isang kilalang teritoryo ng MILF, ay lantarang paglabag ng gobyerno sa karapatan ng mga Moro sa pagpapasya-sa-sarili. Dahil dito, nalagay sa panganib ang pagpapatibay ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Gayunman, kahit pa maisabatas ang BBL, panukalang batas na bunga ng usapang pangkapayapaan ng GPH at MILF, wala pa ring katiyakang makakamit ang makatarungan at matagalang kapayapaan sa Mindanao.

Sa totoo, hindi mareresolba ng BBL ang batayang mga suliranin sa Bangsamoro tulad ng pangekonomikong marhinalisasyon, monopolyo sa lupa ng iilan, dinastiyang pulitikal, at dominasyon ng dayuhang monopolyo kapital.

Nakikiisa ang Anakbayan sa pakikibaka ng mamamayang Moro para sa kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili at para sa tunay na kapayapaan, pambansang kalayaan, at demokrasya.

Page 5: Tinig March 2015

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2015

Nagsindi ng mga kandila sa UP Diliman ang mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan noong Marso 3 bilang protesta laban sa “all-out war” ng gobyernong Aquino sa Mindanao.

Candle-lighting protest ikinasa laban sa “all-out war” sa Mindanao

Ayon sa Anakbayan, maraming sibilyan ang magiging biktima sa panibagong opensiba na sa totoo’y isa lamang “cover-up” na may layong ilihis ang atensyon ng publiko sa kriminal na pananagutan ni Aquino at ng US sa Mamasapano.

Mahigit 5,725 pamilya o halos 30,000 katao ang na nagbakwit sa kanilang mga tahanan dahil sa kasalukuyang opensiba ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao na sinimulan ng gobyerno noong nakaraang linggo.

“Hindi pa nakuntento ang US at si Aquino sa maraming buhay ng mga Pilipino na isinakripisyo sa Mamasapano sa ngalan ng US ‘war on terror.’ Dapat nating hadlangan ang gerang US-Aquino sa Mindanao,” ani Crisostomo.

Dagdag pa ni Crisostomo, ang mga desperadong pakana ni Aquino upang pagtakpan ang kanyang mga krimen ay lalo lamang naglalantad sa kanyang sarili at nagpupukaw sa galit ng mamamayan.

Nanawagan ang Anakbayan sa taumbayan na ikampanya ang kagyat na pagtigil sa todo-largang gera sa Mindanao at igiit ang pagbibitiw sa pwesto ni Aquino.

“Handang isakripisyo ni Aquino ang buhay ng mga sibilyan, sundalo, at rebelde para mapagtakpan ang kanyang krimen at ng US sa Mamasapano. Binobomba ang mga komunidad, tinataret ang mga sibilyan sa gera. Ilang buhay pa ba ang dadanak para sa kapritso ng hacenderong ito?” ani Vencer Crisostomo, Anakbayan national chairperson.

Ayon kay Crisostomo, maaaring kumukuha na naman ng utos sa US sa gerang “kontra-terorismo” nito si Aquino. Hinahanap diumano ng gobyerno ang teroristang si Basit Usman.

Oil price hike pa rin sa kabila ng mababang presyo sa pandaigdigang pamilihan

Sunod-sunod ang oil price hikes o pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong buwan ng Pebrero. Ito ay sa kabila ng mababang pandaigdigang presyo ng langis.

labis-labis na overpricing ay pumupunta sa bulsa ng mga malalaking kumpanya ng langis.

Inutil ang rehimeng Aquino at tuta ito ng mga dayuhang kumpanya ng langis na Pilipinas Shell, Chevron Philippines, at Petron. Pinananatili ng rehimeng Aquino ang Oil Deregulation Law, na nagbibigay ng

Sumirit ng P4.5 kada litro ang presyo ng gasolina at P4.25 kada litro ang presyo ng diesel matapos ang makailang ulit na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong Pebrero 10, 17, at 24.

Ikinakatwiran ng mga kumpanya ng langis na tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan upang kagyat na magpataw ng malaking patong sa presyo. Ngunit sa katotohana’y bumaba pa nga ng husto ang presyo ng langis sa daigdig at hindi sumabay ang mga lokal na presyo.

Ayon sa Ibon Foundation, isang grupong pananaliksik, patuloy na bumabagsak ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan sa nakaraang walong buwan: tumalon sa $45.5 bawat bariles ng langis noong simula ng Enero kung ikumpara sa presyong $108 bariles noong Hunyo 2014.

Kung tutuusin, tinatayang dapat ay nasa P27-28 ang presyo ng gasolina at P22-23 ang diesel. Walang kaduda-duda na ang

kapangyarihan sa mga kumpanya ng langis na magpataas ng presyo nang walang tigil, habang kumukubra pa ang rehimen sa 12% VAT na patong sa mga produktong petrolyo.

Nananawagan ang Anakbayan sa mamamayang Pilipino na kumilos para sa pagrolbak ng presyo ng mga produktong petrolyo, pagbasura sa Oil Deregulation Law, at pagtanggal sa 12 porsyentong VAT sa mga produktong petrolyo. Dapat panagutin ang rehimeng Aquino na tuta ng dayuhang kartel ng langis.

Page 6: Tinig March 2015

6 MARSO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ang bagong kampanyang ito ay pinangungunahan ng All Workers Unity, isang alyansa ng mga unyon, asosasyon, pederasyon, at mga indibidwal na manggagawa kapwa sa pribado at publikong sektor.

Sa likod ng panawagang ito ang katotohanang walang tunay na pambansang minimum na sahod sa Pilipinas.

Sa bisa ng Wage Rationalization Law na pinatupad noong 1989, ginawang kada rehiyon ang pagtakda ng sahod sa pribadong sektor. Mas mababa diumano ang “cost of living” sa labas ng Metro Manila kaya itinayo ang mga Regional Wage Boards para magtakda ng sahod kada rehiyon.

Rehiyon Minimum Wage Rates”

NCR P429.00-P466.00

CAR P247.00-P280.00

I P213.00-P253.00

II P219.00-P255.00

III P215.00-P336.00

IV-A P219.00-P362.50

IV-B P205.00-P275.00

V P236.00-P260.00

VI P245.00-P287.00

VII P275.00-P340.00

VIII P220.50-P262.00

IX P235.00-P280.00

X P279.00-P306.00

XI P286.00-P317.00

XII P255.00-P275.00

XIII P238.00-P268.00

ARMM P250NATIONAL WAGES AND PRODUCTIVITY COMMISSION, OKTUBRE 2014

Magkaiba rin ang mga itinuturing na minimum na sahod ng mga manggagawa at kawani sa pribado at pampublikong sektor. Sinasaklaw sa Salary Standardization Law 1 (SSL 1) na ipinasa din noong 1989 ang sahod ng pampublikong sektor.

Sa ilalim ng SSL 1, ang itinakdang Salary Grade 1 sa mga Local Government Units sa mga probinsya ay 65 porsyento lamang kung

Sigaw ng manggagawa:pambansang minimum na sahod, 16K kada buwan!

ikumpara sa nasa Metro Manila. Mula SSL 1 hanggang SSL 3 at iba pang mga iskema ng gobyerno ay dumami pa ang tinuturing na minimum na sahod sa pampublikong sektor.

Ayon mismo sa Department of Labor and Employment (DOLE), may mahigit 1,000 antas ng pasahod o wage levels sa buong bansa sa kasalukuyan.

Minimum Wage (Metro Manila)

Pribadong sektor P466.00 kada araw

Publikong sektor (Salary Grade 1)

P9,000 kada buwan

Family Living Wage P1,086

Isa pang matinding atake sa minimum na sahod ang Two-Tiered Wage System na ipinatupad ng gobyerno simula noong 2012 sa mga manggagawa ng pribadong sektor.

Sa ilalim ng sistemang ito, pinalitan ang minimum na sahod ng floor wage na nakabatay sa napakababang “poverty threshold” na itinatakda rin ng gobyerno.

Ang umentong matatanggap ng mga manggagawa ay ibabatay naman sa performance ng bawat manggagawa na itatakda rin sa antas ng bawat empresa sa pangunguna ng kapitalista.

Resulta ng lahat ng ito ang lalong mas mababang sahod na matatanggap ng mga manggagawa. Sila ang lumilikha ng yaman sa ating lipunan ngunit kulang na kulang ang kanilang sahod para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sinusukat ng Family Living Wage (FLW) ang halagang kailangan ng isang karaniwang pamilyang binubuo ng lima hanggang anim na miyembro para matustusan ang mga pinakabatayang pangangailangan upang mabuhay nang disente sa isang araw.

Kabilang sa kinukwenta ng FLW ang pinakabatayang gastos sa pagkain, renta sa bahay, kuryente, tubig, LPG, transportasyon, komunikasyon at savings. Hindi kasali dito ang gastusin para sa edukasyon at kalusugan, lalo na ang pagpapospital.

Kulang na kulang pa rin ang minimum na sahod para matustusan ang FLW na aabot ng P1,086 bawat araw nitong Agosto 2014 ayon sa pinakahuling pananaliksik ng Ibon Foundation.

Sa harap nito ay barya-barya lamang ang inaprubahang umento sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa nagdaang mga taon.

Sa 25 taong pagpapatupad ng Wage Regionalization Law, P36.00 na sa isang taon ang pinakamataas na ipinatupad na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Napakababa at pautay-utay din ang pagbibigay ng umento sa mga pampublikong kawani sa ilim ng SSL.

Ayon sa Oktubre 2011 Labor Force Survey ng National Statistics Office:

Manggagawang tumatanggap ng mas mataas sa minimum na sahod

29% (6.9 milyon)

Manggagawang tumatanggap ng minimum na sahod

25% (5.3 milyon)

Manggagawang tumatanggap ng mas mababa sa minimum na sahod

46% (9.8 milyon)

Ang kawalan ng pambansang minimum na sahod ay mayor na armas ng mga naghaharing uri para sa pagbarat sa sahod ng mga manggagawa.

Ginamit din ito upang mapigilan ang pagsulong ng laban para sa dagdag na sahod na nangangailangan ng mahigpit na pagkakaisa ng manggagawa at kawani sa buong bansa.

Sagot ng mga manggagawa ang kampanya para sa pambansang minimum na sahod laban sa mga iskemang neoliberal na pinapatupad ng gobyerno at nagpapatindi sa sistema ng murang paggawa.

Hamon sa mga kabataan lalo na sa mga manggagawa at mag-aaral ang pakikibahagi sa laban para sa pambansang minimum na sahod na 16K kada buwan upang makakapagbigay ng kagyat na ginhawa sa mga manggagawa at kawani mula sa matinding kahirapan at kagutuman.

Sa layuning palakasin ang kampanya upang isulong ang makatarungang sahod para sa mga manggagawa, ikinasa ang kampanya para sa isang “National Minimum Wage” o “Pambansang Minimum na Sahod” na P16,000 kada buwan.

Page 7: Tinig March 2015

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2015

Ang pagiging babaeay pamumuhay sa panahon ng digma,noon at ngayon, walang humpay na pakikibaka.

Angkinin ang katawan;ang sinapupunang nagtatakda ng kasarian,mga suso na ipinambebenta ng produkto sa merkado,ang puki – salitang dapat masambitnang marinig kung mangungusapng sakit, ligaya, o hirap.Angkinin ang pasyang magsilang,o di magsilang.

Labanan ang pandarahas.Pantal at maga, sugat sa balat,At sa kaloob-looban, pagkataong wasak.Buuin muli ang sarili, at iabot ang palad sa kabaro’t kapatid.Walang dapat manahimikhangga’t may biktima ng pananakit.

Ang pagiging babae sa aking bayan,ay pamamuhay sa panahon ng digma,at higit pa, higit pa sa pag-angkin sa katawanat paglaban sa dahasang panawagan sa ating lahat.

Pag-aralan ang kasaysayan ng pag-angkin --ang kulay-puting dayuhang mapaniiil,ang taas-noong panginoong maylupa na ayaw bumitiwsa lupang binubungkalng bilad sa araw na magsasaka’t manggagawang bukid.ang bundat na kapitalistang kung ituringang manggagawa na kanda-kuba sa pagsikhay,ay palamuning alipin.

Unawain ang dahas – dahas ng sikmurang gutomdahas na dulot ng kahirapan,kahirapang dulot ng sagad-butong pagsasamantala. Unawain ang mga digmaan sa ating bayan –may digmaang para sa pagsasarili,at digmaang pagtatanggol sa naaapi.Ang pagiging babae sa panahon ng digmaay pagdinig ng tawag ng pagtindig.Babae kang nasa panahon ng pagbabalikwas, at paghihimagsik.

Joi Barrios-Leblanc, Bayan Women’s Desk

NAGMARTSA PATUNGONG MENDIOLA ANG MGA GRUPO NG KABATAAN KASAMA ANG GABRIELA, ISANG

PAMBANSANG ALYANSA NG MGA KABABAIHAN, AT IBANG PROGRESIBONG ORGANISASYON NOONG MARSO 8 UPANG

IGUNITA ANG PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN AT IPANAWAGAN ANG PAGBITIW SA PWESTO NI AQUINO.

PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo,

Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua,Karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi

PAGLALAPATEdward Pastor, Alya Simone Mongaya

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma, 2015

Page 8: Tinig March 2015

8 MARSO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Libu-libong estudyante nag-walkout para sa pagbibitiw ni Aquino

Libu-libong estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ang nag-walkout sa kanilang mga klase at nagprotesta noong Pebrero 27 upang ipanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni Pangulong BS Aquino.

Nagmartsa patungong Mendiola ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP), Polytechnic University of the Philippines (PUP), University of Santo Tomas, University of the East, De La Salle University, University of Manila, Philippine Normal University, National Teachers College, Miriam College, at marami pang iba.

May mga kilos-protesta rin sa Pampanga, Los Baños sa Laguna, Cebu, Miag-ao sa Iloilo, Roxas sa Capiz, Cagayan De Oro, at Davao.

Mahigit 100 organisasyon ng mga kabataan at estudyante ang nakibahagi sa pambansang pagkilos.

Alas-11:00 ng umaga, sinimulan ng mga estudyante ang walkout sa kanilang mga klase. Pasado ala-1:00 ng hapon nagtagpuan ang iba’t ibang mga grupo sa Nagtahan Bridge, Taft Avenue at España Bouelevard bago nagmartsa patungong Mendiola kung saan isinagawa ang isang programa kasama ang iba’t ibang mga sektor.

Kabilang sa tinutukan ng protesta ng mga estudyante ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa 400 unibersidad at kolehiyo sa buong bansa. Pebrero 27 din ang dedlayn ng Commission on Higher Education para sa mga konsultasyon para sa mga pagtataas ng bayarin.

“Gusto ng kabataan at mamamayan ang katotohanan, hustisya, at pagbabago. Ayaw na namin ng isang gobyerno na pinapamunuan ng isang korap, sinungaling, US papet at pabigat na hacendero. Game over na, Noynoy. Panahon nang magbitiw sa pwesto. Itinutulak ng mga kabataan ang pagtatayo ng isang transition council na papalit kay Aquino na maghahawan sa daan para makamit ang hustisya, mga makabuluhang reporma, at malinis na halalan,” sabi ng Youth Act Now sa isang pahayag.

Pagkatapos ng programa sa Mendiola, bandang alas-6:00 ng gabi, tumungo naman ang ilang mga estudyante sa UP Manila kung saan isinagawa ang isang protest concert.

Ikinakasa rin ang mas malalaking mga protesta sa susunod na mga linggo.

SINUGOD NG MGA ESTUDYANTE ANG OPISINA NG COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) NOONG MARSO 6 UPANG MANAWAGAN NG HUSTISYA PARA SA

PAGKAPATAY NI ROSANNA SANFUEGO, ISANG ESTUDYANTE NG CAGAYAN STATE UNIVERSITY NA PINATAY ANG SARILI DAHIL HINDI MAKAPAGBAYAD NG TUITION.