tuberculosis visual aid

18

Upload: bernice-purugganan-ares

Post on 14-Dec-2015

88 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Used as a community duty visual aid for a Filipino family

TRANSCRIPT

Ito ay isa sa mga nangungunang nakamamatay na sakit sa bansa at nananatiling isa sa mga pangunahing pampublikong problema ng kalusugan ng bansa. Ito ay sanhi ng isang tubercle bacilli na nakakaapekto madalas sa baga ngunit maaari ring makaapekto sa ibang mga parte ng katawan.

TUBERCULOSIS

Paano ito naipapasa sa iba?

Mga NAGPAPATAAS ng posibilidad na magkaroon

ng TB

– Pagkakaroon ng matagal at madalas na interaksyon sa mga taong may TB

- Mga bata at matatanda- Pagkakaroon ng mga karamdamang nagpapababa ng kapasidad ng katawan na labanan ang sakit

– Hindi sapat na bentilasyon sa tinitirhan

– Siksikan sa komunidad– Maduming kapaligiran

- Paninigarilyo

Hindi sapat na nutrisyon- Hindi

pageehersisyo- Kawalan ng bakuna- Dating pagkakaroon ng TB

Mga Sintomas• Ubo na tumagal ng higit pa

sa 2 linggo• Lagnat lalo na sa hapon• Pagpapawis sa gabi• Pananakit ng dibdib o likod

na hindi dahil sa problema sa muscle o sa buto

• Hemoptysis o plema na may dugo

• Biglaang pagkagaan ng timbang

• Iba pa tulad ng pagpapawis, panghihina, pagkahilo at mabilis mahapo

Mga Pagsusuri

Chest X-Ray

Direct Sputum Smear Microscopy

Tuberculin o Mantoux Skin Test

Bakit ito kailangan?

Para sa mga kasama sa bahay:

- Upang malaman kung mayroon na ba sa mga kapamilya ang nahawa

- Upang maagapan agad ang sakit

- Mapigilan ang pagkalat nito.

Upang malaman kung mayroong aktibong tuberculosis sa baga

Upang mapabuti ang kalagayan

Wag kakalimutang uminom araw araw ng gamot

ISONIAZID – pumapatay ng bacteria- Maaaring magkaroon ng sakit sa atay na maaaring magdulot ng paninilaw ng mata at balat- Tumawag sa doctor kapag nagkaroon ng pagkawala ng gana na hindi nawawala, panghihina, pagsusuka, pananakit ng tiyan, pamamanhid ng daliri sa kamay at paa at pagkalabo ng mata.

RIFAMPICIN – pumapatay ng bacteria

- Maaaring magdulot ng orange na ihi, rashes, at paninilaw

- Sabihin sa doctor kapag nagkalagnat, panghihina o biglaang pagkakapagod, labis na pananakit ng tiyan, pagkaunti ng ihi at pagsusuka

PYRAZINAMIDE – pumapatay ng bacteria

- Maaaring magkaroon ng rashes at pananakit ng tiyan.

- Nagkakaroon ng rashes kapag matagal na nakababad sa arawan. Iwasang magtagal sa arawan.

- Ipaalam sa doctor kapag nagkaroon ng paninilaw ng balat at mata, pananakit ng kasu-kasuan at pagsusuka.

ETHAMBUTOL – pinipigilan ang pagdami ng bacteria sa katawan

- Ipaalam sa doctor kapag nagdulot ng problema sa paningin, pamamaga ng mukha, nahihirapan huminga, pananakit ng kasu-kasuan at ulo, pagsusuka at pagkakaroon ng lagnat

Mga minor na side effects

• Pagsakit ng tiyan• Orange na ihi• Lagnat• Pananakit ng muscles

Mga dapat na ipakonsulta sa doktor

• Pagpapantal sa buong katawan

• Paninilaw ng balat at mata

• Paglabo ng mata o problema sa paningin

• Pagbabago sa pag-ihi (Sobrang kaunti o halos wala)

• Kombulsyon

Uminom ng HRZE (isoniazid, rifampin, pyrazinamide at ethambutol ng 2 buwan. Pagkatapos nito ay uulitin ang DSSM o sputum exam.

Uminom ng Isoniazid at Rifampin ng 4 na buwan pagkatapos nito.

Importante ang araw araw na paginom para sa pagpapabuti ng kondisyon at upang hindi lumala ang sakit.

Kumain ng tama

Maging malinis sa katawan

Panatilihing sapat ang tulog

Regular na magehersisyo

Panatilihing malinis ang kapaligiran

Panatilihing sapat ang bentilasyon