tungkol sa kakulangan

8
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Ang pagtutuos, kontadurya, o akawnting ay ang larangan at pamamaraan ng pagsusuri ng mga ari-arian at mga pananagutan, pati na ng pagtutuos ng mga kita, resulta, at kalagayan o katayuan ng isang negosyo. Tinatawag na tagapagtuos, kontador, o tenedor de libro ang taong bihasa sa larangang ito (Gaboy). Ang kasaysayan ng pagtutuos ay kasing tanda ng sibilisasyon. Ito ang pinakamahalagang kasanayan sa ekonomiya at pag-unlad ng kultura. Ang mga nagtutuos ang umimbento ng sisitema ng pagsusulat, gumawa ng pera at pagbabangko, at nagpasigla sa Italian Renaissance (www.wikipedia.com). Ito ay unang nakita sa panahon ng pag-usbong ng Mesopotamia. Nilikha ng mga ekonomista ng panahong iyon ang larangang ito upang gamitin sa pagpapaunlad ng sistema ng kalakalan at piskal. Nakita rin ang larangang ito sa mga banal na aklat gaya ng Qur’an at New Testament of the Christian Holy Bible (Crest Capital). Noong 1494, sinulat ni Luca Pacioli, isang Italyanong monghe, ang Summa de Arithmetica. Ito ang kauna-unahang libro na isinapubliko na nakatuon sa pag-aaral ng double-entry bookkeeping. Ito rin ang nagbunsod ng malawakang paglaganap ng sistema ng pagtutuos sa buong mundo. Dahil dito, siya ang itinuturing na “Father of Accounting”. Maituturing na napakahalaga ng pagtutuos sa ating lipunang ginagalawan. Dahil dito, mabisang nailalahad ang tunay na kalagayan ng isang negosyo, malaki man o maliit, at ng ekonomiya, Sa tulong ng mga tagapagtuos, naihahanda ang mga ulat pampinansyal ng mas malinaw, kumprehensibo, makatotohanan, at kumpleto. Ngunit upang maipasa ang asignatura o kursong ito, ang bawat mag-aaral ay dapat munang makalampas sa iba’t ibang pagsusulit. Dito ay sinusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral kung ano ang mga natutunan nila sa larangang ito. Samantala, may mga kagamitang ginagamit sa pag-aaral ng pagtutuos na may kanya-kanyang kahalagahan, hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi maging sa mga guro. Mga ito ay tulad ng iba’t ibang uri ng papel gaya ng journal at worksheet, lapis, bolpen, mga libro, kwaderno, pisara, mga makabagong teknolohiya tulad ng calculator at computer (Valencia at Roxas, 2009). Hindi din mawawala ang mga silya at upuan na pinakamahalaga sa isang silid-aralan sa kahit anong antas at uri ng edukasyon (Hertz Furniture System). Samakatwid, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga suliranin sa pasilidad sa larangan ng Pagtutuos na unti-unti nang umuusbong dahil ito ay maaaring maging sanhi ng hindi pagkatuto ng mga mag-aaral at pagkawala ng kanilang interes sa nasabing kurso o asignatura.

Upload: maureen-joy-dagson-galingan

Post on 26-Sep-2015

194 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Tungkol sa Kakulangan

TRANSCRIPT

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Ang pagtutuos, kontadurya, o akawnting ay ang larangan at pamamaraan ng pagsusuri ng mga ari-arian at mga pananagutan, pati na ng pagtutuos ng mga kita, resulta, at kalagayan o katayuan ng isang negosyo. Tinatawag na tagapagtuos, kontador, o tenedor de libro ang taong bihasa sa larangang ito (Gaboy). Ang kasaysayan ng pagtutuos ay kasing tanda ng sibilisasyon. Ito ang pinakamahalagang kasanayan sa ekonomiya at pag-unlad ng kultura. Ang mga nagtutuos ang umimbento ng sisitema ng pagsusulat, gumawa ng pera at pagbabangko, at nagpasigla sa Italian Renaissance (www.wikipedia.com). Ito ay unang nakita sa panahon ng pag-usbong ng Mesopotamia. Nilikha ng mga ekonomista ng panahong iyon ang larangang ito upang gamitin sa pagpapaunlad ng sistema ng kalakalan at piskal. Nakita rin ang larangang ito sa mga banal na aklat gaya ng Quran at New Testament of the Christian Holy Bible (Crest Capital). Noong 1494, sinulat ni Luca Pacioli, isang Italyanong monghe, ang Summa de Arithmetica. Ito ang kauna-unahang libro na isinapubliko na nakatuon sa pag-aaral ng double-entry bookkeeping. Ito rin ang nagbunsod ng malawakang paglaganap ng sistema ng pagtutuos sa buong mundo. Dahil dito, siya ang itinuturing na Father of Accounting. Maituturing na napakahalaga ng pagtutuos sa ating lipunang ginagalawan. Dahil dito, mabisang nailalahad ang tunay na kalagayan ng isang negosyo, malaki man o maliit, at ng ekonomiya, Sa tulong ng mga tagapagtuos, naihahanda ang mga ulat pampinansyal ng mas malinaw, kumprehensibo, makatotohanan, at kumpleto. Ngunit upang maipasa ang asignatura o kursong ito, ang bawat mag-aaral ay dapat munang makalampas sa ibat ibang pagsusulit. Dito ay sinusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral kung ano ang mga natutunan nila sa larangang ito. Samantala, may mga kagamitang ginagamit sa pag-aaral ng pagtutuos na may kanya-kanyang kahalagahan, hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi maging sa mga guro. Mga ito ay tulad ng ibat ibang uri ng papel gaya ng journal at worksheet, lapis, bolpen, mga libro, kwaderno, pisara, mga makabagong teknolohiya tulad ng calculator at computer (Valencia at Roxas, 2009). Hindi din mawawala ang mga silya at upuan na pinakamahalaga sa isang silid-aralan sa kahit anong antas at uri ng edukasyon (Hertz Furniture System). Samakatwid, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga suliranin sa pasilidad sa larangan ng Pagtutuos na unti-unti nang umuusbong dahil ito ay maaaring maging sanhi ng hindi pagkatuto ng mga mag-aaral at pagkawala ng kanilang interes sa nasabing kurso o asignatura. 2. Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong-papel na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon ukol sa epekto ng paggamit ng kapos na desk sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga opinyon, hinaing, at saloobin ng mga estudyante ng pagtutuos sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela hinggil sa kapos na desk na kanilang ginagamit? 2. Papaano nakakaapekto ang paggamit ng kapos na desk sa pagkatuto ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong pagtutuos sa nasabing Pamantasan? 3. Nabibigyan ba ng karampatang atensyon ang mga suliranin ukol dito? 4. Paano matutugunan ang mga problemang ito?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay mahalaga, hindi lamang para sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Pagtutuos, kundi pati na din sa mga estudyanteng nag-aaral ng asignaturang pagtutuos. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman ang epekto ng paggamit ng kapos na desk sa mga mag-aaral ng kursong Pagtutuos sa nasabing Pamantasan. Sa tulong din nito, mapapalawak ang kaisipan ng mga mambabasa ukol sa mga problemang kalimitang hindi pinapansin at pinagwawalang bahala. Dito din mailalabas ng mga estudyante ng kursong Pagtutuos ng nasabing Pamantasan ang kanilang saloobin, opinyon, at hinaing hinggil sa paggamit ng kapos na desk sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos. Bukod dito, magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa ukol sa angkop na sukat at hugis ng desk para sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos. Sa kabuuan, inaasahan ng mga mananaliksik na mabuksan ang isipan ng mga mambabasa ukol sa suliraning ito at mabigyan ng karampatang solusyon para sa kabutihan ng mga estudyanteng nag-aaral ng asignaturang pagtutuos, hindi lamang sa kasalukuyan, kundi pati na rin sa susunod pang henerasyon.4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng paggamit ng pasilidad na hindi epektibo, partikular na ng kapos na desk, sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos. Ito ay sumasaklaw sa mga estudyanteng nasa una at ikalawang taon sa kursong Pagtutuos ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela at sa ikalawang semestre ng akademikong taon ng 2010-2011. Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga una at ikalawang taon lamang na kumukuha ng kursong Pagtutuos sa nasabing Pamantasan sapagkat higit nilang kailangan ang maayos, epektibo, at sapat na pasilidad na makatutulong upang kanilang malinang nang mabuti ang angking talino sa larangan ng pagtutuos. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabubuksan ang isipan ng mga mambabasa sa suliraning ito na kalimitan ay hindi pinapansin. Sa pamamagitan nito, umaasa ang mga mananaliksik na matugunan ang balakid sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang pagtutuos.5. Depinisyon ng mgaTerminolohiya Upang mas lalong maunawaan ng mambabasa ang pamanahong-papel na ito, narito ang ilang mga terminolohiya at ang kanilang kauukulang depinisyon na binatay sa pagkakagamit: Ang chronic pains ay ang pagkirot o pagsakit ng parte ng katawan ng paulit-ulit sa maiksing panahon (www.wikipedia.org). Ang desk ay isang uri ng mesa na kadalasang ginagamit sa opisina para sa pagbabasa at pagsusulat. Ito rin ay kadalasang may tukador upang paglagyan ng mga papeles sa opisina (www.wikipedia.com). Ang double-entry bookkeeping ay isang paraan ng pagtatala ng transaksyon kung saan dalawang bagay ang naganap; ang nakuha at ang ibinigay (www.investorsword.com). Ang journal ay isang pang araw-araw na talaan ng pangyayari sa negosyo. Ito ay may ibat ibang sukat. (www.wikipedia.com) Ayon naman kay Charles Wriothesleys Chronicle (1538), ang ledger ang pangunahing talaan ng mga transaksyon. Ito ay maihahambing sa isang bibliya sa isang simbahan na maaaring basahin ninuman. Ang muscle spasm ay ang pangangalay o pulikat na nararamdaman ng isang tao na lubhang masakit( www.medicinenet.com). Sa pagtutuos, ang worksheet ay isang papel na may ibat ibang sukat. Ito ay ginagamit sa pag-uulat ng katayuan ng negosyo sa ekonomiya (www.wikipedia.com).

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Marami nang nailunsad na mga pananaliksik ukol sa epektong dulot ng paggamit ng mga pasilidad at kagamitan na hindi nakatutugon sa pangangailangan ng mga tao sa ibat ibang larangan. Batay sa pagaaral ni Penelope Trunk ng Brazen Careerist, isang ahensyang nag-uugnay sa mga malalaking kumpanya, ang pagkakaroon ng maayos at maluwang na espasyo ay nakatutulong upang ang isang tao ay mas makapag-isip. Sa isa pang pananaliksik na kanyang ginawa, lumalabas na ang mga nagtatrabaho sa opisina na may malilinis at maayos na desk o workplace ang siyang kalimitang nagiging matagumpay sa buhay. Ang istruktura at katangian ng isang workplace ay maaring makadagdag o makabawas sa stress at pagod na naramdaman ng isang tao. Ang kaisipang ito ay nabanggit din sa isang pag-aaral ng European Agency for Safety and Health at Work, isang grupo na nakikipagtulungan sa gobyerno ng Europe upang masiguro ang kaligtasan ng mga trabahador ng ibat ibang kumpanya. Ayon sa kanilang grupo, ang maayos at epektibong pasilidad ay may positibong epekto sa pagiging produktibo ng isang tao. Ito rin ay nakatutulong upang malinang ng isang tao ang kanyang kakayahan sa ibat ibang larangan. Ang mga prinsipyong ito ay may kaugnayan din sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon sa Hertz Furniture Systems, isa sa mga pangunahing furniture manufacturer sa buong mundo, ang pag-upo sa upuan at paggamit ng desk ay bumubuo sa 78% ng kabuuang oras na inilalagi ng isang estudyante na may edad labingtatlo (13) hanggang labingwalo (18) sa kanyang silid-aralan. Dahil dito, kinakailangan ang masusing paggawa sa mga upuan at lamesa upang maging komportable ang mga gagamit nito. Kinakailangan ding ikonsidera ang taas, lapad, at hugis ng lamesa na gagamitin ng mga estudyante dahil ito ang magsisilbing workspace nila para sa isang buong akademikong taon. Tunay na mahalaga ang pagkakaroon ng epektibong pasilidad sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kakulangan nito ay mayroong negatibong epekto sa pagkatuto ng mga estudyante ayon kay Professor Andam (2007) ng Kwame Nkrumah University of Science and Technology. Sa kanyang pag-aaral, lumalabas na ang mga mag-aaral sa paaralang may kakapusan sa maayos at angkop na pasilidad ay mayroon lamang maliit na tsansa upang magtagumpay at makapasa sa mga pangunahing eksaminasyong pangnasyonal. Ito ay tinalakay din ni K. May (2010) sa isa sa kanyang mga ulat. Ayon sa kanyang pagaaral, ang pagkakaroon ng maliit na silid-aralan ay isang malaking problema ng mga guro. Kinakailangan nilang masiguro na ang mga aktibidad na kaugnay ng kanilang aralin ay matagumpay na maisasagawa sa desk ng bawat estudyante. Dahil rito, ang mga proyekto na nangangailangan ng malaking espasyo na mas makakatulong sa mabilis na pagkatuto ng isang estudyante ay isinasakripisyo. Bukod pa diyan, nahihirapan ang mga estudyante na ituon ang kanilang atensyon sa talakayan kung ang kanilang mga silya ay lubhang magkakadikit. Sa Pilipinas, ang ganitong uri ng problema ay laganap na. Sa isang ulat ni Marites Sison sa pahayagan ng Inter Press Service, isang ahensyang naglalayong maipakalat ang mga suliranin ng ibat ibang bansa, inilahad niya ang problema sa kakapusan ng mga gamit at pasilidad sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Sa kanyang ulat, sa 405,973 bilang ng mga guro sa pampublikong paaralan na sinarbey, 45% sa kanila ang nagsabing sila ay nagdadala ng sarili nilang lamesa at 43% naman ang nagdadala ng sarili nilang upuan. Naisiwalat din sa kanyang ulat ang suliranin ng dalawamput anim (26) na mahihirap na probinsya ukol sa dami ng libro ng bawat paaralan. Ayon sa kanya, mayroon lamang isang libro sa bawat anim na estudyante sa elementarya at isang libro naman sa bawat walong estudyante sa hayskul. Ang ganitong sistema ng edukasyon ay maraming naidudulot na negatibong epekto. Ang problemang ito ay tinalakay din nina Igaya, et. al ng Angat National Highschool. Ayon sa kanilang pananaliksik, napakahalaga para sa isang paaralan na magkaroon ng isang kumpleto at dekalidad na pasilidad at kagamitan sapagkat kung wala ang mga bagay na ito, hindi magagawa at mapag-aaralan ng mga mag-aaral ng mabuti ang kanilang leksyon. Kung ang isang paaralan ay mayroong kumpletong pasilidad at kagamitan, tiyak na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng maayos na pagkatuto. Masasabing ang suliranin sa kakulangan ng pasilidad ay dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay nabanggit din ni Yvonne Chua, isang mamamahayag na nagwagi ng Ninoy and Cory Fellowship Award for Journalism. Ayon sa kanya, ang bulok na sistema ng edukasyon at ang kakulangan sa pasilidad ang dahilan kung bakit karamihan sa mga fresh graduates ay hindi handa sa komplikadong mundo.Isa pang pangunahing problema ng mga estudyante ay inilahad ni M.K. Holder, Ph.D., Executive Director ng Handedness Research Institute, isang samahang sumusugpo sa diskriminasyong natatanggap ng mga left-handed students. Sa kanyang pag-aaral, 10% hanggang 30% ng mga mag-aaral ay nakakaranas ng ibat ibang problemang kaugnay ng kanilang paggamit ng desk. Isa na dito ay ang pagiging kaliwete ng isang estudyante. Dahil hindi pa laganap ang mga left-handed desks sa buong mundo, ang mga estudyanteng kaliwete ay nagtitiyaga sa mga ordinaryong desk na hindi angkop sa mekanismo ng kanilang katawan. Dahil dito, sila ay nakakaranas ng muscle spasm, chronic back and head pains, at iba pang sakit. Nagiging balakid din ito upang matapos nila ang kanilang pagsusulit dahil bumabagal magsulat ang mga kaliwete sa mga lamesang hindi angkop para sa kanila. Ayon naman sa pananaliksik nina Khanam, Reddy, at Mrunalini ng Acharya N G Ranga Agricultural University na pinamagatang Opinion of Students on Seating Furniture Used in Classroom (2006), mula sa 10 respondente ng bawat kolehiyo na may kabuuang bilang na 100 respondente ng nasabing unibersidad, karamihan sa mga estudyante ang nagsabing hindi sila komportable sa mga upuang may arm tablet. Pansinin ang susunod na larawan.Larawan 1. Modelo ng isang upuang may arm tablet Ayon din sa kanilang pag-aaral, 80% ng mga respondente ang nagsabing sila ay magiging komportable lamang kung ang arm tablet na kanilang gagamitin ay may habang 300-305 milimetro o humigit-kumulang 12 pulgada. Dagdag pa nila, karamihan sa mga gumagamit ng ganitong uri ng upuan ay nakakaranas ng muscle pain sa kanilang balikat, siko, braso, at iba pang parte ng katawan. Bukod pa diyan, ang footrest ng ganitong uri ng upuan ay hindi gamitin ng mga estudyante dahil ito ang nagsisilbing lagayan ng kanilang mga gamit gaya ng libro. Samantala, 100% naman ng mga respondente ang nagsabing sila ay mas komportable sa disenyong magkahiwalay ang lamesa at upuan. Pansinin ang sunod na larawan.Larawan 2. Disenyo na magkahiwalay ang lamesa at upuan Mula sa kabuuang bilang ng mga respondente, 90% ang nagsabing sila ay komportable sa ganitong disenyo na ang karaniwang sukat ng lamesa ay 750 milimetro o 29 na pulgada ang lapad, haba na 690 milimetro o 27 pulgada at taas na 755 milimetro o 30 pulgada. Sa ganitong disenyo, mas mababa ang lebel ng distraksyon at mas maayos na nakakagawa ang mga estudyante batay sa kanilang pansariling karanasan. Sa paglalahat, inilahad nila na karamihan sa mga classroom furniture ay hindi angkop sa mga estudyante at kanilang inirekomenda na ayusin ang disenyo ng mga funiture upang ito ay maging user-friendly. Mapapansin natin na ang mga pag-aaral na nabanggit ay patungkol lamang sa epektong dulot ng paggamit ng mga pasilidad sa kalinangan ng tao, partikular na sa mag-aaral, sa kabuuan. Wala sa mga nabanggit ang patungkol sa epektong dulot ng kapos na sukat ng desk sa pag-aaral ng pagtutuos. Dahil dito, maari nating masabi na ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral sa epekto ng paggamit ng kapos na sukat ng desk sa pag-aaral ng pagtutuos sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang damdamin at opinyon ng mga respondente hinggil sa kakapusan ng sukat ng mga desks at kung ano ang epekto nito batay sa kanilang pansariling pananaw.2. Mga Respondente Ang mga piniling respondente para sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa una at ikalawang taon ng kursong Pagtutuos sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela sa ikalawang semestre ng taong-akademiko 2010-2011. Sa kasalukuyan, may dalawang (2) pangkat ng mga estudyante sa nasabing kurso: tatlong grupo sa unang pangkat at isang grupo sa ikalawang pangkat. Kumuha ng tig-dadalawamput limang (25) respondente sa bawat grupo sa unang pangkat at dalawamput limang (25) respondente naman mula sa ikalawang pangkat sa pamamagitan ng random sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat pangkat. Sa kabuuan, may pitumput limang (75) respondente mula sa unang pangkat at dalawamput limang (25) respondente mula sa ikalawang pangkat na bumubuo sa isandaang (100) respondente. Pansinin ang kasunod na talahanayan:

Talahanayan 1 Distribusyon ng mga Respondente Seksyon Unang Taon Ikalawang Taon Kabuuang Dami 1 25 25 50 2 25 --- 25 3 25 --- 25 Kabuuang Dami 75 25 100Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa una at sikalawang semester sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat taon. Sa kasalukuyan, wala pang ikatlo, ikaapat, at ikalimang taon mag-aaral sa kursong Pagtutuos sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela dahil katatatag pa lamang ng nasabing kurso noong taong 2009.3. Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang malaman ang damdamin at opinyon ng mga respondente hinggil sa kakapusan ng sukat ng mga desks na kanilang ginagamit sa pag-aaral ng asignaturang pagtutuos. Nilalayon din nitong malaman ang epekto ng kakapusan ng sukat ng mga desks batay sa pansariling pananaw ng mga respondente. Nagsagawa din ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat ibang hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat at pamanahong-papel upang makakuha ng mahahalagang impormasyon at makatotohanang datos. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.4. Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mananaliksik. Samakatwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik. Dahil sa hindi kalakihang bilang ng mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pag-tally at pagkuha ng porsyento.