unibersidad ng pilipinas maynila kolehiyo ng agham at sining...
TRANSCRIPT
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 1
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Kolehiyo ng Agham at Sining
Kagawaran ng Agham Panlipunan
Pag-aklas at pagbaklas:
Isang pagtatasa sa pagsasalarawan ng panahon ng Batas Militar sa mga piling batayang-aklat sa
Araling Panlipunan sa ikalima at ikapitong baitang at ang koneksyon nito sa pambansang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino
Aries Joseph Armendi Hegina
BA Agham Pampolitika
2010-35566
Marso 24, 2014
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 2
PANIMULA
Ang konsepto ng nasyonalismo sa Pilipinas ay isang manipestasyon ng patuloy na
pagiging alipin ng bansa sa kolonyal na nakaraan nito at isang pagpapatotoo sa maaaring
magulong hinaharap nito.
Sinabi ni Koh (na binanggit ni Roxas-Tope, 1998) na ang nasyonalismo umano ang
pagiging matapat ng isang indibidwal sa estado.
Ayon naman kay Dionisio (na binanggit ni David, 2004) walang indibwal ang
ipinanganak na makabayan at nakukuha lamang natin ang ganitong katangian sa pagpasok sa
paaralan sa pamamagitan ng pagkatuto ng iba‟t ibang simbolo at pagkanta ng pambansang awit.
Ang ideyang ito ni David ay sinususugan naman ni Renato Constantino, isang bantog na
makabayan at historyador. Sinabi niya sa kanyang akdang pinamagatang “The Miseducation of
the Filipino” na napakaliit ng kamalayang makabayan ng mga Pilipino. Tinukoy ni Constantino
ang mga paaralan bilang primaryang tagapagpalaganap ng ganitong baluktot na pag-iisip dahil
nakukulong na lamang umano sa pagtuturo ng mga pambansang sagisag at ilang pang mga
“walang kuwentang” bagay ang konsepto ng nasyonalismo. Maging sa kasalukuyan, nananaig pa
rin ang ganitong pananaw.
Sa mga paaralan, isa sa primaryang kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto ang mga
batayang-aklat o textbook. Higit na makikita ang kahalagahan nito sa sektor ng pampublikong
edukasyon sapagkat itinuturing ito bilang pangunahing sanggunian ng mga guro at ng mga mag-
aaral, dahil na rin sa kakulangan ng pondo para sa iba pang mga materyal na gagamitin para sa
pag-aaral tulad ng computer, internet, at iba. Kung kaya, hindi maitatanggi na kung ano ang
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 3
nilalaman ng libro ay lubhang makakaapekto sa pagbuo ng mga ideya at konsepto sa murang
edad ng isang bata.
Bilang ang mga paaralan sa bansa ay nasa ilalim ng pangagasiwa at pangangalaga ng
pamahalaan, hindi maitatatwa na ang estado rin ang may hawak sa kung ano ang mga aralin at
mga konseptong itinuturo sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Ayon kay Soltan Zadeh (2012),
responsibilidad umano ng estado na hulmahin ang pambansang pagkakakilanlan ng mga
mamamayan at ang paggamit ng mga polisiya sa edukasyon ang isa sa pinakamainam na
kasangkapan para maisakatuparan ang ”mandatong” ito. Kung ilalagay sa konteksto ng Pilipinas,
ang isa sa primaryang polisyang tinutukoy ay ukol sa pagtuturo ng kasaysayan sa mga libro.
Ayon kina Nasser and Nasser (2008) (na binanggit kay Soltan Zadeh, 2012) ang
pagkontrol umano sa sistema ng edukasyon sa isang bansa, maging sa nilalaman ng mga
batayang aklat na ginagamit sa paaralan ng isang bansa, ay isang makapangyarihang salik upang
maimpluwesiyahan ang pagbuo ng pagkakakilanlan ng isang mamamayan at mapapadali ang
palitan ng diskurso ukol sa nabuong pagkakakilanlan sa iba pang miyembro ng isang lipunan.
Dahil ang edukasyon umano ay hawak ng estado, na kung saan nasisikil rin ito ng mga
makapangyarihan sa lipunan, ang pagkakakilanlan na maaaring mabuo ng isang indibidwal ay
kayang kontrolin at ang mga dimensyon ng pagkakakilanlan na nakakiling sa patuloy na
pananaig ng naghaharing-uri ay pinapayabong.
Ilan lamang sa mga dimensyon na maaaring makaapekto sa pagkakakilanlan ng isang
mamamayan at madaling makontrol ng estado gamit ang edukasyon ay ang pagtingin ng
indibidwal ukol sa mga konsepto ng nasyonalismo at pambansang pagkakakilanlan. Mahalaga
ang papel ng mga libro upang maipabatid at maisapuso ng mga mag-aaral ang mga nasabing
ideya. Ang mga konseptong ito ay primaryang malalaman mula sa mga libro sa asignatura ng
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 4
Araling Panlipunan na kung saan, papataas at papalalim umano ang pagkilala ng mag-aaral sa
kanyang pagkatao bilang isang mamamayang Pilipino.
Sa pag-iisip na ang kasaysayan ay isang makapangyarihang kasangkapan sa pagbuo ng
kamalayan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino, minarapat ng manananliksik na ukilkilin ang
relasyon at impluwensiya ng mga libro, partikular na ang pagsasalarawan nito sa Batas Militar,
sa pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral. Sa isang lipunan na kung saan
ang edukasyon ay repleksyon ng pananaig ng makasariling interes, interesanteng makita kung
paano ang mga libro ay nagagamit ng estado upang humubog ng mga mamamayang naniniwala
sa bersyon ng kasaysayang inihanda ng estado at ng naghaharing-uri.
Ang isang bansa na kung saan ang mga mamamayan nito ay walang pinaghuhugutang
pagkakakilanlan at itinatwang kasalukuyan ay hindi makakaalpas sa pagkakaalipin nito at
makabubuo ng isang estadong tunay na malaya.
KATANUNGANG PANGSALIKSIK
Paano napag-uugnay ng pagsasalarawan ng panahon ng Batas Militar sa mga piling
batayang aklat sa asignaturang Araling Panlipunan ang pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan
ng isang mag-aaral?
BALANGKAS NG PAGSUSURI
Ang pag-aaral na ito ay naka-angkla sa isang palagay na kung maidudugtong ba ang mga
nilalaman ng mga batayang-aklat sa Araling Panlipunan sa pagbuo ng konsepto ng pambansang
pagkakakilanlan ng mga mag-aaral.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 5
Gagamitin ng awtor ng partikular na pag-aaral na ito ang konsepto ng nasyon ni
Anderson (1983), nasyonalismo at pambansang pagkakakilanlan ni Smth (2001 na binanggit kay
Soltan Zadeh, 2012), ang pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan ni Koh at Cillia; at ang Social
Constructivism theory ni Vygotsky (1978).
Konsepto ng nasyon ni Anderson
Bago pa talakayin ang idea ng nasyonalismo, dapat muna itong ilapat sa konteksto ng
“nasyon” ayon sa pagkakahulugan ni Benedict Anderson. Sinabi ni Anderson na ang “nasyon”
ay isang "imagined political community [that is] imagined as both inherently limited and
sovereign" (Anderson, 1983). Ang pagiging “imagined community” ng isang nasyon ayon kay
Anderson ay pinapasubalian sa “actual community” na kung saan ang una ay hindi nasasalat o
naisasakatuparan. Dagdag pa rito, masasabi rin na ang “nasyon” ay isang “imagined community”
sapagkat ayon kay Anderson ay hindi magkikita o magkakakilalanan ng mga mamamayan ang
lahat ng miyembro ng isang lipunan o estado, kahit gaano man ito kaliit. Ngunit, hindi man nila
Makita o makilala ang isa‟t isa, ang “nasyon” ang siyang nagtatali sa kanila. Ang pagkakaroon
ng iisang konsepto ng “nasyon” ay magbubunsod ng pagkakaisa at pagpapanatili ng kaayusan sa
isang lipunan. (Anderson,1983)
Pinapatotoo lamang ng ideya ng “nasyon” ni Anderson na ang nasyonalismo, maging ang
pambansang pagkakakilanlan ay isa lamang social construct. Dahil sa pagiging social construct
ng nasyonalismo ay hindi likas sa isang indibidwal at ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
interaksyon ng iba‟t ibang salik ng lipunan tulad ng relihiyon, paaralan, at pamilya.
Pagsusuri sa depinisyon ng nasyonalismo at pambansang pagkakakilanlan ni Smith
Isang porma ng kultura o relihiyon na nahuhubog ng mga miyembro ng isang lipunan ang
turing ni Smith (2011 na binanggit ni Soltan Zadeh, 2012) sa nasyonalismo. Ayon sa kanya, ang
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 6
nasyonalismo ay isang ideolohiya na kung saan ginagamit ito upang makamit at mapanatili ang
pagkakaisa, pagsasarili at pagkakakilanlan ng mga miyembro ng isang lipunan. Sa pagtinging ito
ni Smith, makikita na kabahagi ang mga mamamayan sa paghulma ng nasyonalismo ng isang
lipunan.
Pinagpapatuloy ni Smith (2001 na binanggit ni Soltan Zadeh, 2012) ang pagtingin na ang
pagkakalinlan ay isa lamang “construct”. Ayon sa kanya, ang konsepto ng pambansang
pagkakakilanlan ay ang natatanging pagkakakilanlan ng isang nasyon na nag-ugat sa patuloy na
paggawa at pagsuri ng mga balangkas na nabuo mula sa interaksyon ng mga ugali, simbolo, mito
at tradisyon, at kung saan ang mga indibidwal, kaakibat ng mga epekto dulot ng kultura sa
lipunang kinagagalawan nito, ay tinatangi ang nabuong ideyang nagsasalarawan sa nasyon.
Pagbuo ng konsepto ng pambansang pagkakakilanlan ni Koh
Nanantiling isang banyagang konsepto sa isipan ng isang bata ang nasyonalismo
hanggang sa may isang institusyon o actor ang magpapakilala sa kaniya rito. Sa perspektibo ng
lipunang Pilipino, ang estado ang siyang nagpapakilala ng konsepto ng pambansang
pagkakakilanlan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga paaralan. Hindi rin lingid sa
kaalaman ng lahat na sa murang edad pa lang ay pumapasok na ang mga bata sa paaralan sa
Pilipinas. Sinabi ni Koh (2010) na ang pagkilala ng bata bilang isang mamamayan ng estado ay
nagsisimula sa pagkabata. Dagdag pa ni Koh, sa panahon ring ito mabubuo ng bata ang ideya ng
pambansang pagkakakilanlan na maaari nitong panatilihin hanggang sa kanyang paglaki.
Ang ideya rin ng paaralan bilang isang mahalagang salik ng pagbuo ng konsepto ng
pambansang kamalayan sa mga kabataan. Ayon kay Jenks (na binanggit ni Koh, 2010), ang
panahon ng pagkabata ang panahon ng „structured becoming‟, o ang panahon na kung saan ang
kabataan ang siyang nagiging tuntungan para mahubog ang mga katangian na maaaring bitbitin
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 7
sa pagtanda. Dinagdagan pa ito ni Rudolf De Cillia at ang kanyang mga kasama sa pananaliksik
sa kanilang akda na “The Discursive Construction of National Identities” na nagsasabing ang
mga paaralan ang siyang humuhubog ng mga konspeto tulad ng perception, categorization,
interpretation and memory na siyang magiging mga batayan sa pagbuo ng pambansang
kamalayan ng isang indibidwal. (De Cillia, 2005)
Social Constructivism ni Vygotsky
Ang social constructivism ay nagsanga mula sa teorya ng Constructivism. Ayon kay
Flick (2004), ang constructivism umano ay nakatungo sa pagsusuri ng relasyon ng isang bagay o
konsepto sa katotohanan at kung paano ito nahulma sa pamamagitan ng „constructive processes‟.
Pinapahalagahan rin ng displina ng Constructivism ang paggawa ng kaalaman.
Ang Social Constructivism naman ni Lev Vygotsky ay nagsasaad na “all cognitive
functions originate and could be explained as products of social interactions.” Binibigyang
importansiya ng Social Constructivism ang paglubog ng indibidwal sa komunidad para lalong
maproseso ang mga kaalamang kanyang natutonan, sa halip na tatanggapin na lamang ang
bagong kaalaman. Sinasabi rin ng Social Constructivism ni Vygotsky na importante ang wika at
kultura sa „cognitive development and perception‟ sapagkat ang wika at kultura umano ang mga
balangkas na kung saan ang mga tao ay magkaroon ng karanasan, makipag-usap sa kapwa, at
maintindihan ang katotohanan (Vygotsky, 1978)
METODOLOHIYA SA PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik: Critical Discourse Analysis
Ang disenyo ng pananaliksik ay umiinog sa discourse analysis. Sinasabi na ang discourse
analysis ay naghihinuha na ang wika ay “structured according to different patterns that people‟s
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 8
utterances follow when they take part in different domains of social life.” Ibig sabihin, may mga
nabubuong mga modelo ang interaksyon ng tao sa iba‟t ibang aspekto ng pamumuhay sa lipunan.
At ang pagsusuri ng mga interaksyon na ito ang siyang bumubuo sa discourse analysis.
Ang gagamiting uri ng discourse analysis para sa pag-aaral na ito ay ang critical
discourse analysis ni Fairclough. Sinasabi ni Fairclough (as cited in Jorgensen and Phillips,
2002) na ang discourse ay isang importanteng elemento sa interaksyon sa lipunan sapagkat ito
ang gumagawa at nagbabago ng kaalaman, pagkakakilanlan at mga istruktura at tradisyon ng
isang lipunan. Dagdag pa ni Fairclough na ang istruktura ng isang lipunan ay importante sa lebel
ng macro at micro.
May tatlong antas ang critical discourse analysis model ni Fairclough. Sa unang antas,
detalyadong pagsusuri sa mga text ang paiiralin. Sa pangalawa naman, “macro-sociological
analysis of social practice”. At panghuli, ang “the micro-sociological, interpretative tradition
within sociology (including ethnomethodology and conversation analysis)” na kung saan
ituturing na ang pang-araw-araw na buhay ng indibidwal ay produkto ng mga gawain nito na
batay sa “shared „common-sense‟ rules and procedures.” (Jorgensen and Phillips, 2002)
Ayon kay Fairclough, hindi dapat hinihiwalay ang pagsusuri sa mga text sa obhetibong
kondisyon at konteksto ng lipunan. (Jorgensen and Phillips, 2002)
Ang pagsusuri sa nilalaman ng mga piling batayang-aklat ay naka-angkla sa tatlong lebel
na pagsusuri ni Fairclough.
Pagkalap ng Datos
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 9
Makikita sa Talahanayan 1 ang paraan ng pagkuha ng datos. Coding ang ginamit sa pag-
analisa ng datos, kung saan ginawan ng matrix ang mga dokumento at transkripsyon ng
panayam.
MGA DATOS NA KAILANGAN SANGGUNIAN PARAAN SA PAGKUHA
NG DATOS
Pagsasalarawan ng Batas Militar at
administrasyong Marcos sa mga libro
sa ikalima at ikapitong baitang sa
asignatura ng Araling Panlipunan
Mga piling indibidwal Critical discourse analysis,
Paghingi ng mga libro sa
mga indibidwal
Pagsusuri sa curriculum development
ng elementarya at mataas na paaralan
para sa asignaturang Araling
Panlipunan
Department of
Education
Content analysis, KII
Pagtasa ng textbook evaluation Instructional Materials
Council Secretariat,
DepEd
KII
Opinyon hinggil sa proseso ng
pagsusulat ng libro at kung paano ang
dinamiko sa loob ng DepEd
Eksperto sa pagsulat at
pag-evaluate ng libro
KII
Talahanayan 1. Talahanayan sa pagkalap ng datos
Mga katugon at Purposive Sampling
Ang mga katugon ay pinili ayon sa metodolohiyang purposive sampling, kung saan pinili
ng tagapagsaliksik ang mga karapat-dapat na katugon para sa pananaliksik (Patton, 1990).
Maging ang pagpili ng mga libro ay dumaan rin sa purposive sampling.
Ang mga librong sinuri ng mananaliksik ay ang mga sumusunod:
Para sa ikapitong baitang/ unang taon sa mataas na paaralan:
1. Philippines: History and Government nina Viloria, Dela Cruz at Legaspi. Nilimbag
ng Vibal Publishing House, 2005
2. Pilipinas: Hamon sa pagbabago nina Viloria at De Leon, Nilimbag ng Vubal
Publishing House, 2003
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 10
3. Mahal kong Pilipinas nina Carandang, Sebastian, Pacaigue, de Jesus at Galecio.
Nilimbag ng Educational Resources Corporation, 2008.
4. Philippine History: Celebrate Philippine Achievements ni Leuterio. Nilimbag ng
Magallanes Publishing House, Inc. noong 2012.
5. Turning Points: Worktext in Philippine History for First Year High School nina
Antonio, Dallo, Imperial, Samson at Soriano. Nilimbag ng Rex Book Store, Inc
noong 2007.
6. Pilipinas, Isang Sulyap at Pagyakap nina Rama, Rama, Domingo at Cruz. Nilimbag
ng EdCrisch International noong 2012.
Para sa ikalimang baitang:
1. Makabayan: Kasaysayan ng Bansa nina Palu-ay, Batac, Rees at Magtangob. Nilimbag ng
Vibal Publishing House, 2003.
2. Isang Bansa, Isang Lahi nina Dimayuga, Batac, Reyes, at Magtangob. Nilimbag ng Vibal
Publishing House noong 2007.
3. Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan nina Agno, Balonso, Jose, Mateo at Tadena ng Vibal
Publishing House noong 2007.
4. Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal nina Pelingo at Sablaon. Nilimbag ng Rex Book
Store, Inc. noong 2010.
Ang mga katugon na nakapanayam ng tagapagsaliksik ay sina Dean Zenaida Reyes ng
College of Arts and Sciences, Philippine Normal University; Dr. Daisy O. Reyes, Head ng
Evaluation and Training Division ng Instructional Materials Council Secretariat sa DepEd; at si
Dr. Rosalie Masilang, Social Studies specialist ng Curriculum Development Division ng Bureau
of Secondary Education ng DepEd.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 11
Pagsusuri ng datos: Iskemang Coding
Ginamit ang iskemang coding upang mas maintindihan at mas masalansan ang mga datos
na nakalap sa mga panayam maging ang mga text sa libro. Sa paggamit ng coding, pinili ang
mahalagang impormasyon sa datos na nakalap na makakasagot sa katanungang pampananaliksik.
Ginawan ng matrix ang datos na nakalap. (Foss & Waters, n.d.).
MGA NATUKLASAN AT PAGSUSURI NITO
Kahalagahan ng mga batayang-aklat sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas
Ayon sa mga katugon na nakapanayam ng tagapagsaliksik, importante ang papel na
ginagampanan ng mga batayang aklat sa pagtuturo. Ayon kay Heyneman na sinusugan ang
dating pag-aaral ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization
(UNESCO), masasabing ang mga libro, partikular na ang mga batayang aklat, na ang isa sa
pinaka-epektibong gamit sa pagtuturo na naimbento. Dagdag pa ni Heyneman (2006), walang
modernong sistemang edukasyon ang maaaring magpatuloy kung hindi dahil sa patuloy na
paggamit ng mga batayang-aklat.
Kung ilolokalisa ito sa kalagayan ng bansa, hindi maitatanggi ang kahalagahan ng
paggamit ng mga batayang aklat sa loob ng silid-aralan. Ayon sa mga katugon na sina Dr. Daisy
Santos ng Education and Training Division ng Instructional Materials Council Secretariat
(IMCS), ang opisina ng Kagawaran ng Edukasyon na may hawak sa pagtatasa, pagsusuri at
pagbili at pagkuha ng mga batayang aklat para sa mga pampublikong paaralan, ang mga
batayang-aklat umano ang siyang primaryang ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo, lalo
na sa mga pampublikong paaralan. Ganon na lamang ang pagiging malaking bahagi nito sa
pagtuturo sa pampublikong paaralan sapagkat ayon kay Santos, lubos na sinusuri ang mga
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 12
librong ginagamit sa loob ng silid-aralan upang maging akma ito at sinusunod nito ang
curriculum na ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon para sa iba‟t ibang asignaturang itinuturo sa
paaralan.
Ngunit kahit na masasabi na lubhang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
batayan-aklat sa pagbibigay ng karunungan sa mga mag-aaral, ang kasalukuyang obhetibong
kalagayan ay isang kataksilan sa ideyal na kondisyong dapat na tinatamasa ng mga mag-aaral.
Ayon sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon noong 2010, mayroong naitalang kakulangan nang
humigit kumulang 62.4 milyong batayang aklat para sa elementarya at sekondaryang antas.
(DepEd na nakalimbag sa Davao Today, 2013) Ang milyon-milyong kakulangan sa mga
batayang aklat ay manipestasyon hindi lamang sa pagsasawalang-bahala ng estado sa mga
pangangailangan ng mga mag-aaral upang makapag-aral nang may kalidad bagkus, ito rin ay
paglilimita sa akses ng mga mag-aaral sa impormasyon.
Ang papel na ginagampanan ng mga batayang aklat ng Araling Panlipunan sa paghubog
ng pambansang pagkakakilanlan
Makikita ang papel na ginagawa ng mga libro sa paghulma ng pambansang
pagkakakilanlan ng mga mag-aaral. Ayon kay Dean Zenaida Reyes ng Philippine Normal
University, “Malaki ang role ng textbook. Mas malaki ang impluwensiya nito kesa sa mga libro
kasi na-i-immortalize nito ang mga tinuturo. Na-a-adopt ng mga estudyante ang perspective na
nasa libro.”
Sinusuportahan ang tugon na ito ni Reyes ng iba‟t ibang pag-aaral na sumasalamin sa
kahalagahan ng pagtuturo ng kasaysayan at maging ang implikasyon ng pagtuturong ito sa
paghubog ng konsepto ng pambansang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 13
Ayon kina Barton at Levstick (2004), mayroong apat na layunin na dapat magampanan
ang pagtuturo ng kasaysayan sa mga mag-aaral: Una, ang mga mag-aaral ay inaasahan na
tumukoy ng mga pangyayaring kanilang natutunan at iugnay ito sa kanilang mga araw-araw na
karanasan. Pangalawa, ang mga mag-aaral ay inaasahan na sumuri at maghanap ng mga relasyon
sa pagitan ng mga pangyayari sa kasaysayan. Pangatlo, inaasahan na ang mga mag-aaral ay
tutugon sa mga aralin na kanilang natutunan base sa kanilang mga pamantayang moral. Panghuli,
inaasahan na dapat isinasabuhay nila ang mga natutunan ukol sa kasaysayan sa kanilang mga
buhay.
Ngunit, hindi pa rin nasasagot ng mga nasabing layuning ito ang ilang mga tanong na
may kaugnayan sa ideolohiyang pumapaibabaw sa mga nilalaman sa mga librong ukol sa
kasaysayan. Ayon kay Soltan Zadeh (2012), ang mga tanong na dapat sagutin sa pagtuturo ng
kasaysayan ay:
1. Kanino ba dapat i-ugnay ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili?
2. Base sa anong impormasyon nakabatay ang kanilang pagsusuri?
3. Sino ba ang dapat nilang pamarisan at tuligsain?
Batay sa mga tanong ito, makikita na ang pag-aaral at pagtuturo ng kasaysayan ay isang
politikal na proseso. Ang mga libro ang nagiging tanggulan ng ideolohiyang nais na ipakalat ng
estado at ng ilang mga grupong may sariling interes sa paghubog ng kamalayan ng mga
mamamayan. Sinabi ni Soltan Zadeh (2012) na ang pagtuturo ng kasaysayan ay isang paraan ng
“socialization”, ibig sabihin, ang mga nilalaman ng mga batayang-aklat na ukol sa kasaysayan ay
naka-angkla sa tunguhin ng pagpapanatili ng kasalukuyang nananaig na sistemang ekonomiko at
pampolitika sa pamamagitan ng pagpili ng mga lalamanin ng mga aklat, pagtukoy sa mga
interpretasyon sa mga pangyayari at ang pagpapalitaw ng mga halata o tagong “value judgment”
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 14
na makikita sa mga libro. Ayon kay Hoffman (2007), ang pagpili ng mga pangyayari at mga
taong ilalagay sa mga libro sa kasaysayan ang patunay na ang gobyerno, sa pamamagitan ng
curriculum na kung saan nakabatay ang mga batayang-aklat, ay may layunin na palitawin ang
isang balangkas at lohikang susuporta sa pananaig ng kasalukuyang nananaig na gahum at ang
paghubog ng isang hinaharap na ayon sa kagustohan ng mga nasa kapangyarihan.
Sa huli, ang pagtuturo ng kasaysayan sa mga batayang-aklat ay tuntungan na pagpapanatili at
pagpapalalim ng hawak ng mga makapangyarihan sa gobyerno at lipunan sa kasalukuyang
kalagayan.
Usapin ng curriculum at pagpili ng mga nilalaman sa mga libro sa Araling Panlipunan
Ang pagtalakay sa mga batayang aklat ay hindi kailanman lubusang mabibigyan linaw
kung hindi isasali ang pagtalakay sa curriculum. Ayon sa katugon ng manananaliksik na si Dr.
Rosalie Masilang, espesyalista sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mataas na paaralan at
siyang may hawak ng tungkulin sa pamumuno ng curriculum sa Araling Panlipunan sa mataas na
paaralan sa buong bansa, ang mga batayang-aklat ay dapat nakabatay sa curriculum na
ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon. Dagdag pa niya, walang puwang sa mga libro ang
pagkakaroon ng perspektibo ng awtor ng libro, o ang pagkakaroon ng pagkiling ng awtor.
Sinasang-ayonan naman ito ni Dr. Daisy O. Santos, ang pinuno ng Evaluation and
Trainign Division ng IMCS. Sinasabi niya na ang mga batayang aklat ay dapat sumusunod sa
“learning competencies” na itinakda ng Bureau of Elementary Education at Bureau of Secondary
Education. Ngunit sa usapin ng pagkakaroon ng perspektibo sa mga libro, sinasabi na kahit ang
mga awtor ng libro ay may kalayaan na maglangkap ng sarili nilang perspektibo sa pagsusulat ng
mga batayang-aklat, nasisiguro sa evaluation process na dinaraanan ng mga batayang aklat na
mawawala ang pagkiling ng awtor.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 15
Ngunit higit pa sa learning competencies na itinatakda ng Kagawaran, ayon kay Santos,
ang nilalaman umano ng mga libro ay naiimpluwensiyahan din ng government thrusts na
nakalagay sa social content guidelines na kanilang ibinibigay sa mga manlilimbag na
interesadong sumali sa proseso ng bidding para makapaglimbag ng batayang aklat para sa
Kagawaran at sa pampublikong paaralan. Ang social content guidelines na ito ay naglalaman ng
ilang mga paksa na may mga kaukulang mga paalala na dapat sundin ng mga manlilimbag at ng
mga awtor. Ang mga paksang nakasaad sa social content guidelines ay ang mga sumusunod
(IMCS, n.d):
1. The Nation and Citizenship
2. Society
3. Race, Ethnicity and Culture
4. Religion
5. Role Models
6. Gender
7. Population
8. Health and Safety
9. Environment
10. Others (pagbabawal sa paggamit ng corporate logos at pagrespeto sa karapatan ng
mga hayop at lahat ng mga nabubuhay na nilalang)
Pinapatunayan lamang ng pagkakaroon ng social content guidelines na ito na may hawak
pa rin an estado sa kung ano ang lalamanin ng mga batayang-aklat.
Ayon naman kay Dekana Zenaida Reyes, isa sa mga naging katugon para sa pananaliksik
at awtor at manunuri ng ilang mga libro sa Araling Panlipunan sa elementarya at mataas na
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 16
paaralan, na kahit kailangan talagang sundin ang curriculum sa paggawa ng libro ay hindi rin
naman masisiguro na walang bias o perspective na nalalangkapan ang curriculum na galing sa
gobyerno. “sa outline pa lang, meron ng perspective. Eh kung ganon „yung outline ng
pinapagawa sa iyo, hindi mo siya puwedeng baguhin.”
Samakatuwid, mayroon pa ring impluwensiya ang estado sa nilalaman ng mga batayang-
aklat. Hindi rin maitatanggi na nananaig pa rin ang curriculum bilang primaryang balangkas na
siyang susundin ng mga awtor at manililimbag ng mga libro. Kahit iginigiit pa ng mga katugon
mula Kagawaran ng Edukasyon na walang impluwensiya ang estado at naka-angkla lamang ang
kasaysayan sa mga batayang aklat sa Araling Panlipunan sa mga tunay na pangyayari at mga
historikal na datos, pinapatunayan lamang ng pagkakaroon ng social content guidelines at
government thrusts na dapat nakalagay sa mga libro na ang interes ng estado ang siyang
mananaig.
Proseso ng ebalwasyon sa ilalim ng IMCS
Ang Instructional Materials Council Secretariat, ayon sa katugon na si Dr. Daisy Santos,
ang tanggapan sa Kagawaran ng Edukasyon na siyang namamahala sa pagkuha ng mga
batayang-aklat at manwal ng guro at sinisiguro na ang lahat ng mga materyal na ito ay dumadaan
umano sa masusing pagsusuri upang maisguro na ito ay may kalidad at tumutugon sa
pamantayang kanilang ipinatutupad.
Binibigyang halaga ng IMCS ang kalidad ng nilalaman ng mga batayang-aklat at manwal
ng guro na sumasailalim sa ebalwasyon. Kung kaya, sa pagsusuri ng mga manuscript na
ibinibigay sa IMCS, malaki ang puntos na ibinibigay sa kalidad ng nilalaman.
May tatlong salik na tinitingnan ang IMCS sa pagsusuri ng nilalaman ng mga batayang
aklat at manwal ng guro (IMCS, n.d):
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 17
1. Coverage of learning competencies
2. Subject matter content
3. Presentation of language
Ang proseso naman ng ebalwasyon ay may apat na bahagi:
1. Area 1 content evaluation- sinusuri ng evaluators na mula sa pribado at pampublikong
sektor kung natugonan ng manuscript ang learning competencies
2. Area 2 content evaluation- tinatasa ng mga eksperto mula sa iba‟t ibang institusyon ang
nilalaman ng libro kung tama ang mga konseptong nakalagay
3. Area 3 content evaluation- tinutukoy ng master teachers kung ang mga materyal ay
angkop sa target na populasyon ng mga mag-aaral na bibigyan ng mga libro sa
pamamagitan ng pagsusuri sa organisasyon ng paglalahad ng mga konsepto, lenggwahe
at biswal
4. Area 4 content evaluation- tintingnan ng mga eksperto sa balarila kung naiintindihan ng
target na populasyon ng mag-aaral ang librong gagamitin
Textbook Call
• Proseso ng pagpapatawag ng mga interesadong manlilimbag
Series of evaluation
• Sa proseso ring ito itinatakda naman ang mga magiging evaluator ng mga libro
Area 1 Content Evaluation
• Pagsusuri sa learning competencies
Area 2 Content Evaluation
• Pagsusuri sa "accuracy of content"
Area 3 Content Evaluation
• Pagsusuri ng mga materyal ng mga guro mula sa mga paaralan
Area 4 Content Evaluation
• Pagsusuri sa mga materyal ukol sa lenggwahe
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 18
Talangguhit 1. Buod ng buong proseso ng ebalwasyong ginagawa ng IMCS para sa mga
batayang aklat at manwal ng guro
Sa unang tingin, maaaring makikita na sapat na ang mekanismong ito na ipanatutupad ng
IMCS upang masiguro ang kalidad ng mga batayang aklat at manwal ng guro. Ngunit sa mas
malalim na pagsusuri, makikita na ang kahit malaki ang porsyentong binibigay sa pagsunod sa
learning competencies sa halip na sa pagsiguro ng pagiging tama ng mga nilalaman. Makikita ito
sa Area 1 evaluation na tumutukoy sa pagtugon sa learning competencies na bumubuo sa 40% ng
kabuoang grado sa ebalwasyon habang ang Area 2 evaluation na tumatalakay sa nilalaman ng
aklat ay bumubuo lamang sa 35% porsyento. Samantala, kaonti lamang ang importansya ng
lenggwahe at ang kabuoang irganisasyon at pagkakalahad ng mga nilalaman sa ebalwasyon. Ang
pagsuri sa lenggwahe, na kung saan ang maling paggamit ng mga salita o ang paggamit ng mga
salitang may mga tagong pahiwatig, ay bumubuo lamang sa 15% ng kabuoang grado. Habang
ang paglalahad ng at organisasyon ng nilalaman, na kung saan nakalagay din dito ang readability
ng batayang aklat at maging ang social content guidelines ay umaabot lamang sa 10% ng
kabuoang grado sa ebalwasyon. Sa pagkakahating ito, makikita rin ang pagiging parsyal ng
DepEd sa datos at ang pagturing sa datos nito na walang bahid ng bias.
Paglalagom sa mga datos na nakuha sa pagsusuri ng nilalaman ng mga piling batayang
aklat
Sampung batayang aklat ang sinuri ng mananaliksik: anim na libro para sa ikapitong
baitang o sa unang baitang ng mataas na paaralan at apat na libro para sa ikalimang baitang.
Lima sa sampung librong ito ay ginagamit sa pampublikong paaralan habang ang natitirang lima
ay ginagamit sa pribadong paaralan.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 19
Makikita na ang siyam sa sampung nasuring batayang aklat ay mayroong sariling
kabanata ukol sa Batas Militar, ang natatanging librong walang sariling kabanata ukol sa Martial
Law ay ang librong “Mahal kong Pilipinas” na kung saan nakalagay sa pamunuan ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang mga pangyayari noong panahon ng Batas Militar.
Natukoy rin ng mananaliksik na walo sa sampung librong nasuri ay isa lamang ang
araling inilaan para sa malalim na pagtalakay sa Batas Militar. Ang bilang ng pahina ng mga
araling ukol sa Martial Law ay naglalaro mula sa apat hanggang 20 pahina.
Mayroon ring natukoy na pagkakaiba sa mga paksang tinatalakay ukol sa Martial Law.
Ngunit lahat ng libro ay nahahati sa ganitong ayos: una, ang mga pangyayari bago ang ideklara
ang Martial Law; pangalawa, ang Pilipinas sa ilalim ng “Bagong Republika”; at panghuli ay ang
pagtanggal ng deklarasyon ng Martial Law.
Bilang iskemang coding ang ginamit ng manananliksik sa pag-aaral na ito, tematikong
paglalahad ang gagamitin upang mapakita ang mga nangibabaw na tema batay sa pagsusuri ng
mga piling batayang-aklat.
Pagturing sa CPP-NPA bilang kalaban ng estado
Siyam sa sampung librong nasuri ang nagpapakita ng disgusto sa Partido Komunista ng
Pilipinas at sa armadong puwersa nito na tinatawag na New People‟s Army. Iba-iba rin ang
porma ng pagpapakitang pagtutol ng mga libro ukol sa CPP-NPA. Mula sa pagpapatama na ito
ang sanhi ng mga madugong demonstrasyon noong dekada 70:
Lumulubha ang kaguluhan at karahasan sa mga lungsod at maging sa mga lalawigan.
Lumakas ang New People‟s Army (NPA), ang sandatahang pangkat ng Communist
Party of the Philippines. Nagsimula ang pag-aalsa ng mga mag-aaral. Madalas na
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 20
humantong sa madugong pakikipaglaban sa mga alagad ng batas at militar ang
demonstrasyon ng mga mag-aaral.
-Mula sa Makabayan: Kasaysayan ng Bansa (libro sa ikalimang baitang)
Hanggang sa tahasang pagbibigay ng paratang na ito ang siyang lumason sa mga utak ng mga
manggagawa at mag-aaral upang mag-alsa laban sa pamahalaan:
The rampant violation of human rights of the people in the rural areas suspected of
being NPA symphatizers, the injustices committed by some government officials
and powerful and powerful and influential persons, and the continuing poverty of
the people were used as propaganda of the NPA in attracting idealistic young
people.
-Mula sa librong Philippine History and Government: Celebrate Philippine
Achievements (libro sa ikapitong baitang/unang antas sa mataas na paaralan)
Hindi pa dito natatapos ang lubhang pagyurak sa nasabing politikal na puwersa. Walo sa
sampung librong nasuri ang hindi malinaw na sinasabi ang simulain at pundasyon ng partido.
Natuturingang mga terorista ang CPP-NPA dahil na rin sa hindi malalim na paglalahad ng mga
prinsipyo ng partido. Laging idinidikit ang pangalan ng CPP-NPA sa karahasan. Isa lamang na
libro (Turning Points I) ang nakitaan ng pahapyaw na pagtalakay sa simulain ng partido, na kung
saan nasabi na ang naging malaki ang impluwensiya ng mga turo ni Mao Zedong, lider ng
Komunistang Tsina sa simulain ng partido.
Ang implikasyon ng ganitong paglalahad sa isip ng mga mag-aaral ay ang pagpapatuloy
ng estratehiya ng estado na sirain ang mga kaaway nito. Pinapatunayan lamang nito na ang mga
puwersang tumutuligsa sa gobyerno ay pinaparatangan bilang mga terorista. Maaaring mabuo sa
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 21
isip ng mga mag-aaral na ang pagiging kritikal at pagsalungat sa kagustohan ng estado ay hindi
makatarungan.
Pagkondena sa mga kilos protesta at mga demonstrasyon
Naging marahas din ang mga piling batayang aklat sa pagsasalarawan ng mga pagkilos
ng mamamayan noong panahon ng Batas Militar. Mayorya ng mga librong nasuri ay nagpapakita
ng masamang imahe ukol sa mga kilos protesta. Palaging natatampok ang pagsasalarawan ng
mga demonstrasyon at kilos protesta na magulo at madugo dahil sa mga mag-aaral at
ordinaryong mamamayan na siyang nagsisimula umano ng kaguluhan. Halos lahat ng librong
nasuri ay idinadahilan ang pag-aalsa ng mga mag-aaral at ang paglakas ng CPP NPA bilang mga
pangunahing rason ng pagdeklara umano ni Marcos ng Batas Militar.
At first, they aired their grievances through peaceful demonstrations. Then, they
boycotted their classes. Later, however, they became more violent. They vandalized
school property and joined riots. A bloody demonstration occurred in January 26,
1970 during the opening of Congress. Metrocom soldiers tried to stop the students
from entering Congress as the latter forced their way in.
-Mula sa librong Philippines: History and Government (libro para sa
ikapitong baitang)
Makikita na ang pananatili ng ganitong kaisipan ay ang nagpapatuloy dahil na rin sa
kagustohan ng estado na itigil ang mga pagkilos na maaaring ikabagsak ng kasalukuyang
namamayaning rehimen. Nakadugtong ito sa pagnanais ng estado na ipinta ang pamahalaang
Marcos bilang benebolente at mapagkalinga— na kung saan ito ay hindi lumalaban sa mga
tumutuligsa at pinoprotektahan umano ang mga mamamayan.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 22
Ang pagpapalaganap ng ganitong kabalintunaan ay isang kataksilan sa panahon ng
Martial Law na kung saan ang boses ng taumbayan ang namayani at siyang nag-udyok ng
pagbabago. Ang panahon ng Batas Militar ang siyang nagluwal ng pinakamasikhay na pagkilos
at mga pinakamatatapang nga mga lider at mga mamamayan na nangahas na bakahin ang
mapaniil na rehimen.
Limitadong pagtalakay sa mga paglabag sa mga karapatang pantao
Tatlo lamang sa sampung librong naisali sa pagsusuri ang mayroong lantad na pahayag
ukol sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Ngunit sa tatlong librong ito, hindi rin ito
makikitaan ng malalim na pag-aanalisa. May dalawang katangian na nangibabaw sa
pagkakasulat ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao: una, pahapyaw lamang itong
nasabi, na makikita sa pagkakatukoy nito sa isa o dalawang pangungusap; pangalawa, lagging
kaakibat ang mga sikat na personalidad tulad nina Senador Benigni Aquino Jr., Senador Jovito
Salonga at iba pang kilalang tao kung tatalakayin ang paglabag sa karapatang pantao at panghuli,
hindi .
Under Martial Law, Marcos disregarded the constitution. For instance, he violated the
provision which guaranteed the Bill of Rights (Article III). Upon his orders, the
military picked up and detained thousands of Filipinos suspected of subversion.
Among them were his critics and political opponents, namely, Senator Benigno S.
Aquino, Jr., Francisco “Soc” Rodrigo, Jose W. Diokno and Jovito R. Salonga.
Hundreds of detainees were totured by their captors. Some disappeared and were
never found again. Many were held in military detention camps for years without
trial.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 23
-Mula sa librong Philippine History and Government: Celebrate Philippine
Achievements (para sa ikapitong baitang)
Sa ganitong pagtalakay sa mga paglabag sa karapatang pantao makikita ang tahasang
pagsalaula ng estado sa pag-alala sa mga buhay na inalay bilang bayad upang mapanatili ang
isang diktador. Ang minimal na pagtalakay sa mga kaso ng tortyur, puwersahang pagkawala, at
iba pang karumal-dumal na kaso ang siyang lalong nagpapaigting sa pagkalimot ng mga
mamamayan sa madilim na yugto ng kasaysayan. Hindi dapat makalimutan ng mga Pilipino ang
kahayupang dinulot sa mga taong nasaktan, namatayan, at nawalan ng pagpapatupad ng Batas
Militar.
Pagpapakita ng mito ng maunlad na bansa sa ilalim ng pamunuang Marcos noong panahon ng
Batas Militar
Lahat ng batayang aklat na nasuri ay nagpapakita ng mga proyektong ipinatupad noong
panahon ng Batas Militar. Ang mga proyektong ito ay laging ibinabandera bilang mga reporma
na kung saan ito daw ay nagdulot ng pagsulong ng bansa. Nahahati ang mga proyektong ito sa
iba‟t ibang aspekto: ekonomiko, politikal, kultural, at maging mga polisiya ukol sa kapayapaan at
kaayusan. Sa lahat ng librong nasuri, napansin na mas maraming paksa, bilang ng pahina at
bilang ng pangungusap na inilaan para sa pagtalakay ng mga proyekto sa ilalim ng “Bagong
Republika.”
Ngunit sa kabilang banda, ito ang naging kabayaran ng pahapyaw na pagtalakay sa mga
paglabag sa karapatang pantao, pagtuligsa sa pagkilos ng kabataan at mga manggagawa, at ang
pagkondena sa mga elementong lumaban sa estado noong panahon ng rehimen. Sa tila malalalim
at mayaman na pagturo sa mga proyekto ay tila baga ipinapakita nito na panahon ng diktadurya
ay isang ideyal na panahon na kung saan ang lahat ay nakapagtamasa ng kariwasaan sa buhay.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 24
Kung kaya, ang pagpapanatili ng ganitong kaisipan sa mga librong kasalukuyang ginagamit sa
mga paaralan ay lubhang mapanganib sapagkat mayopik ang naging pagtanaw at pagsusuri.
Dahil sa hindi paglalahad ng mga karumal-dumal na mga aktong nagawa ng rehimen laban sa
mamamayan, nakikita ng kabataan ngayon ang mito ni Marcos—isang pamahalaan na kung saan
maunlad ang bansa at kung saan ang pamahalaan ay benebolente, mapagkalinga, at progresibo
—sa halip na maipakita ang tunay na kuwento sa likod ng maskara ng huwad na pag-unlad.
Pagbasag sa konsepto ng pagiging obhetibo at kawalan ng bias ng pagtalakay sa Batas Militar
Ayon kay Soltan Zadeh (2012), kalimitan nang ginagamit ang curriculum sa pagtuturo ng
kasaysayan upang magbigay ng larawan ng nakaraan na puno ng mga napagtagumpayang
kampanya at programa habang ito ay salat sa pagtingin sa naging paghihirap at lihim ng
namamayaning uri. Sinasabi rin nina Friedman at Kenney (2005) na ang pagpuri sa isang grupo
kapalit ng pagtatakwil sa isa pa, ang pagmamalaki ng mga partikular na mga proyekto habang
pagsawalang-bahala sa iba, at ang pagtalakay sa mga ispesipikong mga pangyayari sa
kasaysayan para isulong ang isang partikular na interes ay malimit na polisiya ng mga estado na
siyang napasa na sa sektor ng edukasyon.
Ibinahagi ng mga katugon mula sa Kagawaran ng Edukasyon na dapat walang bias ang
mga batayang-aklat, lalo pa kung ito ay tumatalakay sa mga aralin sa kasaysayan. Ngunit,
makikita sa kung paano inilahad at kung paano ginamit ang mga salita ng mga awtor ng mga
batayang-aklat, samahan pa ng pagsunod sa curriculum na itinakda ng estado, makikita ang
paglitaw ng bias ng mga pahayag.
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 25
Sa pananaliksik na ito, nakita kung paano naisalarawan ang panahon ng Batas Militar sa
mga piling batayang-aklat at ang maaaring maging epekto nito sa pambansang pagkakakilanlan
ng mga mag-aaral na makakabasa ng mga batayang aklat. Nailahad kung paano maging
instrumento ng estado at ng mga makapangyarihan sa lipunan ang edukasyon, partikular na ang
kasaysayan, upang mabigyang katwiran ang kanilang pananatili sa kapanyarihan. Ang
mekanismo ng ebalwasyon ay nailantad bilang isang porma ng pagsunod sa dikta ng
pamahalaan. Naipakita rin ang importansiya ng mga batayang aklat sa paghubog ng pambansang
pagkakakilanlan ng mga mag-aaral. Natukoy din ang mga temang pumapaibabaw sa mga
batayang aklat na nasuri na kung saan nakita na ang pagpapanatili ng mito ng isang maunlad at
payapang bansa sa ilalim ng rehimen ang siyang tumatakip sa bahong dulot ng paglabag ng
pamunuang Marcos sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
Batay sa mga natuklasan ng mananaliksik, mayroong tatlong rekomendasyon na nais
ihapag. Una, inihahain ang tawag upang baguhin ang kasalukuyang curriculum para sa Araling
Panlipunan, lalo na ang mga aralin na tumatalakay sa kasaysayan ng bansa upang maging
replektibo ito sa kolektibong karanasan ng mamamayan at ng obhetibong kalagayan ng lipunan.
Sa usapin ng Batas Militar, dapat mayroong malalim na pagtalakay sa kung ano nga ba ang tunay
na dahilan ng pagdeklara ng nasabing batas at kung ano ang mga pangyayaring tunay na naging
implikasyon ng mga reporma na isinagawa noong panahong iyon. Dapat ipakita sa mga mag-
aaral ang naging pasakit ng mga mamamayan dahil sa paglabag ng pamunuang Marcos sa
kanilang batayang karapatan. Bilang karagdagan, dapat magkaroon din ng malinaw na diskurso
sa kung ano ang dahilan at kahalagahan ng mga pag-aalsa ng mga mamamayan sa mga panahong
iyon at maging ng paglakas ng mga paksyong makakaliwa.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 26
Pangalawa, inihahain ang panawagan na magkaroon ng pagbabago sa mekanismo ng
ebalwasyon ng mga batayang sa porma ng higit na pagbibigay ng halaga sa lenggwahe,
istruktura at paglalahad ng mga konsepto at pangyayari. Hindi lang dapat natatapos sa pagtitiyak
kung tama ang mga petsa, pangalan ng tao o lugar ang esensiya ng ebalwasyon. Hindi
maitatanggi na malaking parte dapat ng ebalwasyon ang ilaan sa pagsusuri ng lenggwahe upang
sa gayon ay makita kung ang mga pangungusap o ang mga salitang ginamit ay mayroong mga
tago at lantad na bias at value judgment.
Panghuli, inihahapag ang pagpapaigting ng human rights education sa bansa at ang
paglalagay nito sa mga aralin lalo na sa mga batayang aklat sa Araling Panlipunan na
tumatalakay sa Batas Militar. Masikhay dapat ang paggiit na ilagay sa mga aralin sa elementarya
at mataas na paaralan ang halaga ng mga karapatan sa isang indibidwal at ang mga implikasyon
nito kung ang mga ito ay matatapakan. Sa pagpapaigting ng usapin ng human rights sa diskurso
ukol sa Martial Law makikita ang pagsasama ng historical na datos at ang adbokasiya upang
mapangalagaan ang mga karapatan ng mga mamamayan. Hindi dapat pinapabayaan ang
kabataan na ipasok sa kanilang isipan ang mga purong datos ng mga nangyari sa panahon ng
Batas Militar. Bagkus, dapat mayroon ring alternatibong perspektibo upang matulungan ang mga
mamamayan na isipin kung ano ang tama.
Sapagkat hindi lahat ng nababasa, naririnig, o nakikita ay tama. Matutong hamakin ang
nakasanayan. Magkaroon ng lakas ng loob na sumalungat kahit hindi ito ang popular na
pagpipilian. Sa isang lipunan na kung saan nananaig ang kapangyarihan ng iilan sa pamamagitan
ng pag-impluwensiya nito sa edukasyon at paghubog sa kamalayan ng mga mamamayan, ang
pag-aklas sa porma ng paghahanap ng alternatibong kaayusan at pagbaklas ng mga mito ang
daan sa tunay na pagsulong.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 27
MGA SANGGUNIAN
Almonte, S. (2003). National Identity in Moral Education Textbooks for High School
Students in the Philippines: A Content Analysis. Asia Pacific Education Review 4 (1):19
-26.
Anderson, B. R. (2003). Imagined Communities: Reflections on the Origin and Spread
of Nationalism (Revised Philippine Edition). Pasig: Anvil Publishing Inc. (London:
Verso)
Barton, K. C., & Levstick, L. S. (2004). Teaching history for the common good. Mahwah,
NJ: Lawrence Erlbaum Associates
De Cillia, R., Martin Reisigl, and Ruth Wodak. (1999). “The Discursive Construction of
National Identities.” Discourse Society 10, no. 2 : 156.
DepEd pursues reforms in PHL basic education. Davao Today, December 27, 2013.
Retrieved from: http://www.edgedavao.net/index.php?option=com_content
&view=article&id=13443:deped-pursues-reforms-in-phl-basic-education.
Dionisio, J. (2004). Introduction: the Project of Nationhood in Nation, Self and
Citizenship: An Invitation to Philippine Sociology. Anvil Publishing, Inc., Pasig City. pp.
2-21.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 28
Flick, U. von Kardoff, E and Steinke, I. (eds). (2004). A Companion for Qualitative Research.
Sage Publications. London.
Friedman, P. & Kenney, P. (2005). Partisan histories: The past in contemporary global
politics. New York: Palgrave Macmillan
Heyneman, S. (2006). The Role of Textbooks in a Modern System of Education:
Towards High Quality Education For All. Vanderbuilt University.
Hofman, A. (2007). The politics ofnational education: values and aims of Israeli history
curricula, 1956-1995. Journal of Curriculum Studies, 39, 441-470.
Koh, S. (2010). National identity and young children: a comparative study of 4th and 5th
graders in Singapore and the United States. University of Michigan:Doctoral
Dissertation. Retrieved from: http://deepblue.lib.umich.edu/bitstream/
handle/2027.42/78918/serenek_1.pdf?sequence=1
Jorgensen, M and Phillips L. (2002) Discourse Analysis as Theory and Method. Sage
Publications, London.
Llobera, J. (1999). Recent Theories of Nationalism. Retrieved from: http://citeseerx.ist.psu.edu/
viewdoc/download?doi=10.1.1.134.2256&rep=rep1&type=pdf
Nasser, R & Nasser, I. (2008). Textbooks as a vehicle for segregation and domination:
State efforts to shape Palestinian Israelis‟ identities as citizens. Journal of
Curriculum Studies, 40, 627-650.
Patton, M. (1990). Qualitative evaluation and research methods. Beverly Hills, CA:
Sage. Designing Qualitative Studies.
Hegina: Pag-aklas at Pagbaklas | Pahina 29
Qualitative Data Analysis. (n.d). Retrieved from:http://www.southalabama.edu/coe
/bset/johnson/lectures/lec17.pdf.
Roxas-Tope, L. (1998). (Un)Framing Southeast Asia: Nationalism and the Postcolonial Text in
English in Singapore, Malaysia and the Philippines. Office of the Research
Coordination, University of the Philippines.
Social Content Guidelines. (n.d). Instructional Materials Council Secretariat: Department
of Education. Retrieved from: http://imcs.weebly.com/uploads/3/2/5/1/3251946/
09tx_call_guidelines_mathsci_w_ps_comments_final.pdf.
Soltan Zadeh, M. (2012). History Education and the Construction of National Identity in Iran.
FIU Electronic Theses and Dissertations. Retrieved from:
http://digitalcommons.fiu.edu/etd/601
Smith, A. D. (2001). Nationalism: Theory, ideology, history. Malden, MA: Blackwell
Publishers.
Vygotsky, Lev (1978). Mind in Society. London: Harvard University Press.