varayti ng wika.updated shs (techvoc) 1 week

40
KABANATA 1: Ang Wika sa Tech-Voc

Upload: allan-capulong

Post on 21-Apr-2017

3.032 views

Category:

Food


6 download

TRANSCRIPT

KABANATA 1:

Ang Wika sa Tech-Voc

Bago pa talakayin ang iba’t ibang uri ng mga sulating teknikal-bokasyunal, napakahalagang malaman ng mga mag-aaral ang hinggil sa kalikasan ng wika at ang mga batayang konseptong may kaugnayan dito. Hindi maitatangging wika ang magsisilbing sandata ng mga mag-aaral upang makabuo ng mga sulating may kinalaman sa kanilang piniling larangan at espesyalisasayon.

Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa sa wika tungo sa angkop at wastong pagbuo at pagpapakahulugan sa mga babasahing ihahain sa mga mag-aaral. Pasulat man o pasalitang paraan, ang wastong paggamit ng wika ang isa sa mga pangunahing batayan ng tagumpay at pagiging epektibo ng mensaheng nais iparating ng isang indibidwal.

Binubuo ang kabanatang ito ng mga babasahing isinulat ng mga guro at mag-aaral ng wika. Makatutulong ang pagkatuto ng mga varayti ng wika sa piniling larangan ng mga mag-aaral, gayundin upang maunawaan ang iba’t ibang jargon nito.

Bukod pa rito, may kalakip na babasahing tumatalakay sa rehistro ng pagluluto, gayundin sa rehistro ng wika ng mga mananahi. Kaugnay nito, inaasahang makasusulat at makasusuri din ang mga mag-aaral sa hinaharap ng mga katulad na sulating may kaugnayan sa kani-kaniyang larangan.

Panimulang Pagsusulit I. TAMA O MALI: Isulat ang tama kung

wasto ang pangungusap at mali kung hindi.

1. Lahat ng tao ay may idyolek. 2. Lahat ng tao ay may sosyolek. 3. Lahat ng tao ay may dayalek. 4. Ang varayti ng wika ay naaayon sa

kasarian ng isang tao. 5. Ang Sapir-Whorf Hypothesis ay

tumatalakay sa pagkakaroon ng isoglos.

II. IDENTIPIKASYON. Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na katanungan.

6 -9. Magbigay ng apat sa pitong sanhi sa pagkakaroon ng varayti ng wika

10. Ibigay ang palatandaan na nagkakaroon ng dayalek ang isang wika.

11-12. Ito ang dalawang dimensiyon sa pagkakaroon ng baryabilidad ng wika, ayon kay Joshua Fishman.

13. Magbigay ng halimbawa ng salitang nabuo dahil sa panlapiasyon.

14. Magbigay ng halimbawa ng salitang hiniram. 15. Magbigay ng halimbawa ng salitang may

code-switching.

16. Ano ang ibig sabihin ng linunaw? 17. Ano ang ibig sabihin ng tinalbog? 18. varayti ng wika na sanhi ng

panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita

19. Magbigay ng isang uri ng tela. 20. Proseso sa pagtatahi na

pansamantalang nilalagyan ng tahi at inaalis pagkatapos malilip ang tupi.

Mga sagot:

I. TAMA O MALI 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali

II. IDENTIPIKASYON 6 -9. Alinman sa heograpiya, edukasyon, okupasyon,

uring panlipunan, edad, kasarian, kaligirang etniko 10. isogloss 11 – 12. Dayalek at sosyolek 13. Iba-iba ang sagot 14. Iba’t iba ang sagot 15. Iba-iba ang sagot 16. dinurog sa sabaw 17. pagluluto ng tira-tirang inihaw na isda na nilagyan

ng sabaw at gulay 18. Register 19. basiste, bird’s eye, brocade, calico, crepe, msulin,

katya, organdy, percale, satin, kuldoroy, tetaron, jorjet, chorded lace

20. Paghihibana

Pagganyak

1. Kumustahin ang mga mag-aaral mula sa kanilang pagbabakasyon. Itanong ang sumusunod:

Ano/ano-ano ang ginawa ninyo noong nakaraang bakasyon? Tumulong ka ba sa pamilya?

Gawain 1

Ipagawa sa mag-aaral ang sumusunod:

1. Mag-isip ng tatlong salita na ginagamit mo kasama ang a) pamilya; b) kaibigan; at c) kaklase.

2. Isulat ito sa piraso ng papel at sabihin kung ano ang ibig sabihin ng mga salita. Gamitin ang Word map.

Wika

kapamilya kaklase

kaibigan

12345

12345

12345

Word Mapping

Sagutin ang mga tanong: Batay sa ginawang word map. 1. Ano ang terminong tumutukoy sa

indibidwal na paggamit ng wika? 2. Ano-ano ang nalaman ninyo tungkol sa

paggamit ng wika ng inyong kamag-aral? 3. Kung ihahambing mo ang sariling

karanasan sa paggamit ng wika sa ibang kamag-aral, ano-ano kaya ang sanhi ng pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika?

Elemento ng wika

Takdang –aralin : Ipaliwanag na ang mga elemento ng isang wika-

Pangkatang pag-uulat I.masistemang balangkas, II.sinasalitang tunog, III.arbitraryo, IV. tao, V. komunikasyon.

Mahalagang bigyang-diin ang papel ng tao sa paggamit ng wika.

Paglalahad : Concept Map Bigyan ng sariling kahulugan

Ano ang naiisip ninyo kapag binabasa o

naririnig ang salitang varayti?

Paglalapat Iugnay ang konsepto ng varayti sa wika.

Ipaliwanag ang kahulugan ng wika

ayon kay Henry Gleason. Aniya, ang

wika ay “isang masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit ng tao para

sa komunikasyon”.

Your T Iugnay ang konsepto ng varayti sa wika. Ipaliwanag ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason. Aniya, ang wika ay “isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao para sa komunikasyon”. ext Here

Idyolek

ang bawat tao ay may kani-kaniyang paggamit ng wika.

Ang idyolek ay indibidwal na paggamit ng wika. halimbawa ang mga kilalang tao sa inyong partikular na lugar, gaya ng kapitan ng barangay, konsehal, kaibigan, kaklase, guro, at iba pa.

Varayti ng wika

IDYOLEKpansariling wika

DAYALEKwikang ginagamit sa partikular na lugar

SOSYOLEKnakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan — mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; ang kasarian

ETNOLEKnadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo

EKOLEKkadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay

1. VARAYTI NG WIKA 2.  “Alinmang sistema ng

linggwistikong pagpapahayag na ang gamit ay pinamamahalaan ng mga sitwasyunal na varyabol, gaya ng rehiyunal, okupasyunal, o salik na panlipunan

"Istandard na Filipino" ay isang varayti ng Filipino sa kadahilanang binigyang-anyo ito ng salik na panlipunan.

Bigyan natin ng halimbawa ang isang damit, na maaaring maluma.

Ang magkakaibang anyo ng magkatulad na damit na isinusuot ng tao ay ang varayti. Sa ibang salita, ang lahat ng varayti ay may magkatulad na damit, kulay, laki o sukat atbp. subalit nagkakasya ito sa anumang paraan, pagkakaroon nito ng ispesipikong anyo, kahit na ito ay magkatulad na damit. Sa katunayan, may rehiyunal, sosyal, midyum o varayti ng gawi atbp.

Ito ay ang katulad na damit na may iba’t ibang anyo. Ito ay depende sa taong nagbibigay-hugis sa particular nitong hugis!

Kapag napag-uusapan ang ukol sa dayalek, tinutukoy nito ang “varayti ng wika kung saan ang gamit ng gramatika at vokabularyo ay tumutukoy sa rehiyunal o kaligirang sosyal ng gumagamit .Sa katunayan, ang dayalek ay isang varayti na naimpluwensyahan ng heograpiko o sosyal na konteksto.

Wikang pidgin - Ito ay isang wikang may markadong kabawasan ng istrakturang gramatikal, leksikon, at istaylistikong lawak.

Ang katutubong wikang di-pag-aari ninuman, ito ay nagaganap kapag ang miyembro ng dalawang mutual na komunidad ng nagsasalita ay nagtangkang makipagkomunikeyt, magkaminsan tinatawag itong, “a trade language

Isa pang varayti ng wika ang "creole" kailangan nating malaman na ito ay isang “pidgin language” na naging pangunahing wika ng isang komunidad ng nagsasalita”.

Sumibol ito sa pamamagitan ng kontak sa pagitan ng mga ispiker ng mga iba’t ibang wika (Mc Arthur 1996). Nangyari ito sa mga teritoryo gaya ng sa Amerika, Asya at Afrika.

Maraming varayti ng mga wika, teksto , diskurso.

Ang mga varayting ito ay kinundisyon ng mga pangkat ng mga nagsasalita ayon sa rehiyon (dayalek),

klase (sosyolek),

at okupasyon/ hanapbuhay (rejister).

Ang pag-unawa sa teksto at diskurso, mula sa konbersasyon, mula sa liham tungo sa hayperteksto, ay nangangailangan ng modelo ng gampanin ng wika na may dekalidad ng katangian.

Ang mga uri ng varayti ay makikilala sa pamamagitan ng mga salik na panlipunan na gumaganyak dito:

Diyalekto sosyolek at rejister

Diyalekto: rehiyunal na varayti

Sociolect: varayti na naimpluwensyahan ng kaligirang sosyal ng ispiker (profession, age, ethnic group, sex, education atbp.). Halimbawa: jargon (e.g. espesyal na bokabularyong ginagamit ng mga linggwista)

Rejister: varayting naimpluwensyahan ng isang tiyak na sitwasyon ng pagsasalita (salik na nakakaimpluwensya sa pagpili ng isang ispesipikong rejister ay ang mga: paksa, relasyon sa pagitan ng interlokyutor at midyum (pasulat at pasalitang wika).

Wika: Isang koleksyon ng mga diyalekto o varayti (na nagkakatulad ng anyo)

Diyalekto- Isang varayti ng wika na kaiba sa ilang salita, gramatika, at/o pagbigkas sa ibang anyo ng magkatulad na wika.

Diyalekto ay mga katangian ng panlipunang pangkat. May mga heograpikal, sosyal, etniko, kasarian, at edad/gulang na diyalekto.

Pagganyak : Panonood ng Video 1.Ano-ano pa ng

ibang varayti ng wika ang nadagdagan sa inyong kaalaman?

2. Ano- ano ang mga ginagamit ninyong varayti ng wika sa araw-araw na pakikipagtalastasan.

Kilalanin mo…

Rejister na wika

varayting naimpluwensyahan ng isang tiyak na sitwasyon ng pagsasalita (salik na nakakaimpluwensya sa pagpili ng isang ispesipikong rejister ay ang mga: paksa, relasyon sa pagitan ng interlokyutor at midyum (pasulat at pasalitang wika)

Bigyang-diin ang sumusunod na punto mula sa babasahin.

1.May pagkakaiba ang wika at dayalek

Ang dayalek ay bahagi ng wika.

Ang wika ay kinakailangang magkaroon ng hindi bababa sa dalawang dayalek.

Nagbabago-bago ang dayalek batay

heograpikal at sosyolohikal

2. Maaaring dahil sa heograpikal na kondisyon ng isang bahagi ng bansang Pilipinas ang pagkakaroon ng dayalek.

Magkaiba ang pananalita ng Tagalog sa

Batangas at sa Bulacan.

Sa Batangas, ginagamit ang ga na kung tutumbasan sa Bulacan, ba naman.

Melodic ang tono sa Bulacan samantalang tila higit na matigas ang mga Batangueńo kung magsalita.

3. Walang iisang dayalek na superyor sa iba. Lahat ng wika at dayalek ay pantay-pantay. Repleksiyon ito kung paano ginagamit ng tao

ang wika Hindi ibig sabihing dahil melodic ang

paggamit ng Bulakenyo sa wika, magaling na silang, kumanta

Hindi rin ibig sabihing dahil laging parang galit ang Batangueño magsalita, mas mainitin ang ulo nila.

Ang isang isoglos ay palatandaan na nagkakaroon ng dayalek ang isang wika.

5. Ang varayti ng wika ay maaaring

sanhi ng heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, kaligirang etniko.

Pagpapaliwanag …

Pormal at Kolokyal ay antas ng wika na kabilang sa Rejister na varayti ng wika.

Halimbawa ng pormal ay pambansa at pampanitikan

Samantala ang mga kolokyal ay nasa mababang antas ng wika na agya ng inilahad ng rejister ng wika, ito ay may partikular na lugar sa lipunan kung saan ito sinasambit.

Maikling pagsubok

Kumuha ng isang kapat na papel ¼ at bumuo ng tigdadalawang pangungusap sa iba’t ibang varayti ng wika.

Ekolek Sosyolek Idyolek Pidgin Dayalek  

TAKDANG-ARALIN Makinig sa usapan ng iyong pamilya

mamayang gabi. Isulat ang mga salitang narinig at gamitin ito sa loob ng pangungusap.

Halimbawa: ulam, linis, bahay, kumain.

  Pangungusap: Sa aming bahay

masarap magluto ng ulam ang aking tatay.

Huling araw ( pagbibigay ng

maikling pagsusulit)

TAKDANG-ARALIN Magpagawa sa mag-aaral ng isang munting pananaliksik hinggil sa

isang espesipikong trabaho. Pumili ng isa hanggang dalawa: 1.automotive servicing 2. barbering 3.bartending 4. beauty care services 5. bread and pastry production 6. catering 7. commercial cooking 8. driving 9. food and beverages 10. food processing 11. hilot (wellness massage) 12. massage therapy 13. tailoring 14. technical drafting 15. visual graphics design 16. iba pa, depende sa kung anong mayroong kurso sa Tech-Voc.