z p araling panlipunan

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul: 4 Implasyon Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 03-Oct-2021

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul: 4

Implasyon

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eddie Jane C. Lim

Camaria A. Manas

Editor: Lorna V. Quiachon

Soharto Y. Dani

Tagasuri: Kimberly Cler G. Suarez

Maria Angelica C. Epanto

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Michael Doone E. Pitoy

Tagalapat: Kimberly Cler G. Suarez

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan

3

Alamin

Ang pangunahing layunin ng modyul na ito ay matutunan mo bilang mag-

aaral ang mga patakaran ng pamahalaan bilang instrumento sa pagpapatatag ng

ekonomiya at maunawaan ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman:

Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.

Balikan

Gawain 1: Pagsusuri sa kaalaman!

1. Ano ang ipinahiwatig pag may Implasyon?

2. Ano ang basehan ng inyong naging sagot?

3. Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging dahilan ng

ganitong sitwasyon?

Page 4: Z P Araling Panlipunan

4

Tuklasin

Ang Implasyon

Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t-ibang panahon ay pangkaraniwang nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng

pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Ayon sa The Economics

Glosary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na

Economics nina Parkin at Bade (2010) ang implasyon ay pataas na paggalaw ng

presyo at ang deplasyon ay pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin ng isang ekonomiya, ang

kondisyon ng implasyon ay nagaganap.

Pagsukat ng Pagtaas ng presyo

Karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ang Consumer Price Index

(CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of

goods. Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mamamayan. Tinitingnan ang halaga ng

mga produktong ito upang masukat ang bilis at laki ng pagbabago sa presyo. Mula sa market basket, ang price index ay nabubuo na siyang kumakatawan sa kabuuan

at average na pagbabago ng mga presyo sa lahat ng bilihin. Ang price index ay depende sa uri ng bilihin na gusting suriin.

Aralin

4 Ang Implasyon

Page 5: Z P Araling Panlipunan

5

IBA’T IBANG URI NG PRICE INDEX

1. GNP Implicit Price Index or GNP Deflator. Ito ang average price index na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at

masukat ang totoong GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob

ng isang taon.

2. Wholesale or Producer Price Index (PPI). Index ng mga presyong

binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.

3. Consumer Price Index (CPI). Sinusukat ang pagbabago ng presyo ng

mga produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer. Batayan sa

pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market

basket. Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga konsyumer.

Makikita sa talahanayan ang hypothetical na pangkat ng mga produktong karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.

Weighted Price ng Pangkat ng mga Produktong Kinokonsumo ng isang Pamilyang Pilipino na may limang miyembro bawat linggo. (sa piso)

Aytem 2019 2020

Bigas 523 545

Asukal 35 38

Isda 168 231

Karne ng

manok

267 320

Total Weighted

Price

993 1,134

Page 6: Z P Araling Panlipunan

6

Upang makuha ang consumer price index, gamitin ang pormula sa ibaba. Pagbatayan ang talahanayan sa itaas at gamitin ang taon 2019 bilang batayang taon.

Tandaan ang consumer price index ay sumusukat sa average na pagbabago ng mga produktong karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.

Batay sa naturang formula ang consumer price index ay

Upang makompyut ang antas ng implasyon, gamitin ang pormulang;

Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon

Total Weighted Price ng Basehang Taon

CPI = X 100

1,134

993

= 114.20

CPI = X 100

CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaang Taon

CPI ng Nagdaang Taon

Antas ng

Implasyon = X 100

114.20 – 100

100

= 14.2%

Antas ng Implasyon = X 100

Page 7: Z P Araling Panlipunan

7

Batay sa pormula, ang antas ng implasyon ay 14.2%. Ibig sabihin, nagkaroon

ng 14.2% na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pagitan ng taong 2019 at 2020. Nangangahulugang mas mahal ang bilihin ngayong 2020 kumpara noong nakaraang

taon (2019) dahil sa implasyon.

Sa pamamagitan ng CPI, maari nang makuha ang kakayahan ng piso bilang

gamit sa pagbili o purchasing power ng piso, gamitin ang pormulang ito:

Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa taong 2020 ay 87.57%. Ibig

sabihin, ang piso sa taong 2020 ay makabibili na lamang ng halagang 87.57 pesos batay sa presyo noong taong 2019 dahil sa implasyon. Mahalagang malaman na

lumiit ang halaga ng piso habang tumataas ang CPI. Mapansin na habang tumataas ang CPI ay bumababa naman ang kakayahang bumili ng piso.

CPI ng Batayang Taon

CPI ng Kasulukuyang Taon

Purchasing Power = X 100

100

114.20

= 87.57%

Purchasing Power = X 100

Page 8: Z P Araling Panlipunan

8

Suriin

Gawain 2: IKAW NAMAN ANG MAGKOMPYUT

Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Gamitin ang 2015 bilang batayang

taon sa pagkompyut.

Taon Total

Weighted

Price

CPI Antas ng

Implasyon

Purchasing

Power

2015 658 - - 2016 792 2017 875 2018 954 2019 993 2020 1,134

Pamprosesong Tanong:

1. Mula sa talahanayan, anong taon ang may pinakamataas na CPI?

2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto na kabilang sa

basket of goods? 3. Ano ang kahalagahan sayo, bilang miyembro ng pamilya ninyo, na

matukoy ang tunay na halaga ng piso? Ipaliwanag. 4. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksyon ng iyong mga

magulang sa tuwing may pagtaas ng presyo sa mga bilihin?

Pangatwiranan.

Page 9: Z P Araling Panlipunan

9

Pagyamanin

Gawain 3: Sagutan Mo!

1. Paano maiuugnay ang mga larawan sa konsepto ng implasyon?

2. Ano ang maaaring ibunga ng sumusunod na larawan?

3. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong imungkahi bilang iyong

ambag sa pagharap at pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya?

Isaisip Gawain 4: Mag-survey Tayo

Magsagawa ng survey sa mga kapatid at kamag anak tungkol sa mga posibleng maiaambag upang makontrol/mapangasiwaan ang pagtaas ng presyo ng

mga bilihin. Gamit ang mga sitwasyon na nakalista sa ibaba, sasabihan ang mga kapatid at kamag-anak na pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa kanilang pananaw

at paniniwala mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli. Isulat ang bilang na 1 bilang una na susundan ng 2,3 hanggang sa pinakahuling bilang. Gumawa ng ulat

tungkol sa nakalap na impormasyon.

_____pag-iimpok sa natitirang baon. _____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit.

_____pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa tahanan. _____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan.

_____matutong magbadyet. _____pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto.

_____pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos. _____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino

_____paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba pang gadyet.

_____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang salapi _____maayos na paggamit sa mga pampublikong pasilidad.

Page 10: Z P Araling Panlipunan

10

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nagging pangkalahatang resulta ng nakalap na impormasyon?

2. Batay sa nakuhang impormasyon, masasabi mo bang bukas ang isipan ng mga nakapanayam na makatulong sa paglutas ng suliranin ng

implasyon?

3. Paano tinatanggap ng mga nakapanayam mo ang mga mungkahing

paraan upang makatulong at makapag-ambag sa paglutas ng suliranin ng implasyon?

Page 11: Z P Araling Panlipunan

11

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng pinakatamang

sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya

A. Deplasyon B. Depresyon

C. Implasyon D. Resesyon

2. Ang karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon ay ang ________.

A. Consumer Price Index B. Implicit Price Index

C. Price Index D. Producer Price Index

3. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?

A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.

B. Kapag gumagamit ng bagong teknolohiya ang bahay-kalakal.

C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa. D. Kapag lumaki ang utang panlabas ng bansa.

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross

National Income?

A. Economic Freedom Approach

B. Expediture Approach C. Income Approach

D. Industrial Origin/Value Added Approach

5. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?

A. Dahil maging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong

pangpinansyal. B. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat

sa ekonomiya ng bansa. C. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang

umani ng malaking boto sa eleksiyon. D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad

ng ekonomiya.

Page 12: Z P Araling Panlipunan

12

6. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?

A. Mahihikayat ang tao ng umutang at tataas ang pagkonsumo.

B. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo C. Mahihikayat ang tao na umangkat ng produkto sa ibang bansa.

D. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.

7. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?

A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang

output ng produksiyon. B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na

ekonomiya. C. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng

karagdagang paggasta. D. Pagkontrol sa suplay ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta

sa ekonomiya.

8. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa

economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?

A. Oo, dahil magiging kahiyahiya ang bansa sa buong daigdig.

B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.

C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.

D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.

9. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa

implasyon?

A. Bumili lamang kung bagsak ang preyo ng mga bilihin sa pamilihan.

B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa supermarket upang matiyak ang presyo.

D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

10. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?

A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang

na ang salapi. B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi

naman mahalaga. D. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng

pagkakataon.

E. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.

Page 13: Z P Araling Panlipunan

13

11.Si Maria ay umutang kay Rosa ng PhP100.00 na ipinambili niya ng isang

kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga ng isang kilong karne ng manok

sa susunod na buwan?

A. Php95.00 C. Php105.00

B. Php100.00 D. Php110.00

12. Ito ang average price index ng ginagamit para mapababa ang halaga ng Kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP.

A. Consumer Price Index B. GNP Impilicit Price Index o GNP Deflator

C. Price Index D. Wholesale or Producer Price Index

13. Tinatawag na____________kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas

bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany noong dekada 1920.

A. Depresyon C. Implasyon

B. Hyperinflation D. Resesyon

14. Ang dahilan ng implasyon na kung saan nagkaroon ng paglaki sa paggasta

Ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit

ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng

kabuuang produksiyon.

A. Cost-push C. Hyperinflation

B. Demand- pull D. Implasyon

15. Ang_________ay ginagamit din upang masukat ang antas na pamumuhay ng

mga konsyumer.

A. Consumer Price Index C. Price Index

B. Market Basket D. Producer Price Index

Page 14: Z P Araling Panlipunan

14

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1. C 11.C

2. A 12.B

3. C 13.B

4. A 14.B

5.B 15.B

6. A

7. D

8. D

9. D

10.B

Page 15: Z P Araling Panlipunan

15

Sanggunian:

Ekonomiks Araling Panlipunan 9, Modyul para sa Mag-aaral, pp272-282

Ekonomiks Araling Panlipunan, Gabay sa Pagtuturo, pp.189-193

Page 16: Z P Araling Panlipunan

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.