z p z p edukasyon sa pagpapakatao ikatlong markahan

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 3: Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud. Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: 7

Upload: others

Post on 09-Nov-2021

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Modyul 3:

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at

Birtud.

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Seksyon:

Paaralan:

7

Page 2: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

2

ALAMIN

Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ang pagpapahalaga ay obheto ng ating

intensyonal na damdamin. Mauunawaan natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagdama nito. Hindi ito naghihintay ng katuwiran upang lumitaw sa ating buhay. Ang

pagpapahalaga ay hindi iniisip; ito ay dinaramdam. Hindi ito obheto ng isip kundi obheto ng puso. Ang ating isip ay bulag sa pagpapahalaga; tulad ng ating mata bingi sa ingay at ang ating tainga na bulag sa kulay. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi natin

mapag-isipan ang halaga. Kapag ito ay pinag-iisipan na nang mabuti, hindi na ito pagpapahalaga bilang pagpapahalaga kundi ang konsepto na ng pagpapahalaga.

Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat

maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

a. Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na halaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues) . EsP7PBIII-b-9.3

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Ang intelektuwal na birtud ay Gawain ng: A. Isip B. Damdamin C. Konsiyensiya

2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa sa moral na birtud sa loob ng Tahanan.

A. Pagbati ng magandang umaga , tanghali at hapon sa meyembro ng pamilya.

B. Pagpapasalamat sa magulang ang pangunahing gamit ng isip ng tao.

C. kumain ng dahan-dahan at sapat sa mga pagkaing nasa bahay. 3.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng ganap na

pagpapahalaga? A. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. B. Ito ay nanahan sa isip ng tao.

C. Magpapasalamat lamang kapag may biyayang natanggap at kinakailangan. 4.Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA sa mga antas

ng pasasalamat ang binanggit ni Santo Tomas de Aquino. A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa B. pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya. C. Lahat ng nabanggit

5.Ang sumusunod ay mga gawain ng moral na birtud sa loob ng tahanan. A. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang. B. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa

kabila nang may pantustos ang mga magulang. C. maingat na pagpapasya kasama ang mga magulang

6. Ang birtud ay mula salitang latin na “vir” na ang kahulugan ay: A. Pagiging tao-pagiging matatag at malakas B. nagbibigay kasiyahan sa iba. C. Lahat ng nabanggit

Page 3: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

3

7. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pagkilos ayon sa mga taglay na pagpapahalaga ,maliban sa:

A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga Kabutihang kaloob ng kapwa.

B. naguguluhan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging negatibo ka sa pananaw sa buhay.

C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

8. Ayon sa mga sikolohista ang pagpapahalaga kapuri-puri at kaakit-akit.? A. Max Scheler B. Socrates C. Plato

9. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga? A. Pamilya at pag-aaruga sa anak B. Pamana ng kultura C. Guro o pastor/ pari/ imam

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa halagang Pangkultural/panggawi ang hindi totoo?

A. Ito ay mga mithiin na tumatagal at nanatili. B. Ito ay halagang nagmula sa loob ng tao.

C. Ito ay nagbabago depende sa panahon

BALIKAN

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili." (Golden Rule). Sa nakaraang modyul natutunan ninyo na ang tao ay pantay dahil sa taglay nilang dignidad. Binibigyang diin nito ang paggalang sa kapwa, sapagka’t tulad mo ila rin ay mahalaga. Nararapat na malinang sa kanya ang pagpapahalaga na kailangan upang matutunan kung paano mahalin, igalang at pahalagahan ang sarili at kapwa na may pantay at parihong dignidad. Gawain 1: katangian mo, Nahuhubog ang kinabukasan ko. Panuto: Maglista ng limang pangalan ng tao na kilala mo. Isulat ang dalawang mga katangian na nagustuhan mo sa kanila bilang isang kamag-anak o kaibigan at ano ang mga nagawa nilang kabutihan para sa iyong pagkatao. Sundin ang pormat sa ibaba. May inihandang halimbawa para sa iyo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pangalan ng Tao

Katangian na nagustuhan mo Magandang nagawa para sa kabutihan ng iyong

pagkatao

Halimbawa Mark (ama)

• Siya ay laging nakikinig sa amin, sa halip na siya lang ang nasusunod.

• Siya ay MakaDiyos lagi niya kaming tinuruan tungkol sa kabutihan ng Diyos. At mabuti at mapagmahal na ama sa aming pamilya.

• Siya ang tumutulong sa akin upang lumaki na makaDiyos at mapagmahal sa kapwa.

1.

2.

3.

Page 4: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

4

4.

5.

Tanong:

1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mabuting kamag-anak o kaibigan?

Pangatwiranan.

2. Ano ang pinakamabisang katangian na dapat mong gawin sa iyong kamag-anak o kaibigan upang hindi ka nila makakalimutan magpakailan man?

TUKLASIN

Gawain 2 Mga Pagpapahalaga na dapat taglayin at gawin ko. Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Tukuyin kung anong Pagpapahalaga (Values) na inilarawan sa bawat sitwasyon at bakit ito taglayin at gawin sa isang kabataan katulad mo? . Gawing gabay ang halimbawa sa unang bilang.

Pagpapahalaga: Bakit taglayin at gawin? 2.

Sitwasyon: Nakita mo ang isang sundalo na tinulungang tumawid ang isang matandang pulubi.

Pagpapahaga: Pagbibigayan Bakit taglayin at gawin?

1. Ang pagbibigayan ay dapat taglayin at gawin ng isang batang katulad ko upang maipadama ang pagkaka-isa at ito ang gusto ng Diyos.

Sitwasyon: Binigyan ka ng inspirational book ng kaklase mong tumalo sa iyo sa isang kompetisyon.

Pagpapahalaga: Bakit taglayin at gawin? 3.

Sitwasyon: Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong reseach project sa Edukasyon sa Pagkakatao.

Pagpapahalaga: Bakit taglayin at gawin? 4.

Sitwasyon: Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang umaga ay nalanghap mo ang sariwang hangain at binati ka ng masayang huni n ibon.

Page 5: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

5

Mga tanong: Limang puntos bawat sagot.

1. Ano-anu ang natutunan mo sa gawain?

2. Ano-anu ang nararamdaman mo habang isinagawa ang gawain? Bakit?

3. Bakit kailangang suriin kung anong pagpapahalagang taglay sa bawat kilos

at galaw natin?

4. Sa palagay mo nakakatulong ba ang gawain sa pagkilala ng iyong mga pagpapahalaga? ipaliwanag

SURIIN

Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan opagkakaroon ng saysay o kabu-luhan. Mula sa ugat ng salitang ito, mahihinuha natin na ang isang tao ay kailangang maging malakas o matatag sa pagbibigay halaga sa anumang bagay na tunay na may saysay o kabuluhan. Halimbawa , mapahalagahan ang pag-aaral kung paglalaanan ito ng iyong pagsisikap at pagtitiyaga na may kalakip na sakripisyo. Hindi kailanman maangkin ang pagpapahalagang ito kung hindi tayo magiging matatag o malakas sa aspetong pisikal, pangkaisipan, ispirituwal, sosyal at emosyonal. Ang bawat tao ay maaring may iba’t ibang pakahulugan sa salitang pagpapahalaga. Nagdedepende sa katayuan at kagustuhan buhay ng isang tao.

Ayon naman sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit kapuri-puri, kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon, magaan at kasiya-siya sa pakiramdam, at kapakipakinabang. Ito ay naghihhikayat at gumagabay para pumili at gawin ang partikular o tiyak na layunin para sa ikabubuti at ikakaunlad sa indibidwal.

Ayon sa tradisyon, ang halaga ay tumutukoy sa saligan o batayang kilos o gawa at sa ubod ng paniniwala. Ang mabuti ay ang mga bagay na hinahangad at pinaghihirapang makamit na hindi nakapinsala o nakakasakit sa ating sarili at sa kapwa. Halimbawa nito ay paggalang sa nakakatanda, pagiging makapamilya, paggalang sa buhay at iba pa.

May apat na katangian ang pagpapahalaga.

1. Immutable at objective. Ibig sabihin, hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga dahil ang mga ito, lalo na ang nasa higit na mataas na antas, ay mga kalidad kung saan nakasalalay ang pagkatao. Halimbawa: pagpapahalaga sa kalusugan.

2. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal. Halimbawa: pagkuha ng isang kursong pinili.

3. Nagbibigay direksyon sa buhay ng tao. Halimbawa: gawin ang mga paraan upang makamit ang pagkakaroon ng mabuting kinabukasan.

4. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do)

Dalawang uri ng pagpapahalaga:

1. Ganap na pagpapahalagang Moral ( Absolute Moral Values). Ito ay nagmula sa labas ng tao. Ito ay pangkalahatang katotohanan (Universal Truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ay ang mga prinsipyong etikal (Ethical Principles) na kanyang pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang araw-araw na buhay. Ito ay katanggap tanggap at makabuluhan sa lahat ng tao anuman ang kanyang lahi o relihiyon. Ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao sa Diyos. Halimbawa: paggalang sa dignidad ng tao, pag-ibig, katarungan, kapayapaan, paggalang sa anumang pag-aari, paggalang sa buhay ng tao, kalayaan at iba pa.

2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi ( Cultural Behavioral Values). Ito ang pagpapahalagng nagmula sa loob ng tao. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao

Page 6: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

6

o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. Ang layunin nito ay makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin (Immediate Goals). Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin. Halimbawa: bilang pilipino dapat ipapakita natin ang ating pagkapilipino bilang konserbatibo at katatagan ng kalooban sa panahon ng kahirapan at pagsubok sa buhay.

Mga katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral:

1. Obhetibo. Ito ay naayon kung ano ito (What Is), ano ito noon, (has been) at kung ano ito dapat (Must Be). Ito ay nananatili kahit pa hindi ito nakikita o iginagalang ng ilan.

2. Pangklahatan. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao kilos at kondisyon o kalagayan. Hinango mula sa batas Moral. Ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao sa mundo, sa lahat ngpagkakataon, at sa lahat ngkultura dahil ito ay nakabatay sa pagkatao ng tao na pangkalahatan.

3. Eternal. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito magbabago kahit limipas man ang mahabang panahon. Nagbabago ang panahon, ang paniniwala, mithiin, pangangailangan at layon ng tao ngunit hindi parin magbabago nito ang ganap na halagang moral.

Mga katangian ng pagpapahalagang kultural na panggawi

1. Subhetibo. Ito ay pansarili o personal sa individual. Ito ay ang personal na pananaw ugali o hilig na bunga ng pag-udyok ng damdamin.

2. Panlipunan (Societal). Ito ay naiimpluwensihan ng pagpapahalaga ng lipunan-ang nakagawiang kilos o asal na katanggap-tanggap sa lipunan.

3. Sitwasyonal (Situational). Ito ay nakabatay sa sitwasyon, sa panahon at pangyayari. Ito ay madalas na nag-uugat sa bubhetibong pananaw sa kung ano ang mapakikinabangan o hindi. Ang madalas na pagpili ay ibinabatay sa kung ano msa kaaya-aya, kapuripuri sa lipunan.

Birtud (Virtue). Ito ay galing sa salitang Latin na virtus (VIR) na nangangahulugang “Pagiging Tao”, pagiging matatag at malakas. Ito ay dahil tanging tao lamang ang biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Mahalagang mauunawaan na ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip ng tao. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.

Dalawang uri ng Birtud

1. Intelektuwal na Birtud. Ito ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman (habit of knowledge).

2. Moral na Birtud. Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin na na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran. Ang lahat na moral na birtud ay may kaugnayan sa kilos-loob.

Mga uri ng Intelektuwal na Birtud

1. Pag-unawa ( Understanding). Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud.

2. Agham ( Science ). Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.

3. Karunungan (Wisdom). Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ang karunungan ang nagtuturo sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa kanyang kaalaman at pag-unawa. Gawin ang tama at iwasan ang mali.

4. Maingat na paghuhusga (Prudence). Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa lahat ng ating mabuting asal o ugali. Ito ang pinakamahalaga sa lahat na intelektuwal na birtud kaya’t tinatawag itong “Praktikal na karunungan” (Practical Wisdom).

5. Sining (Art). Ang sining ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin. Ito ay nagtuturo sa tao sa paglikha ng tamang paraan.

Page 7: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

7

Mga uri ng Moral na Birtud

1. Katarungan ( Justice ). Upang magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang isang kilos, ito ay nararapat na nagmula sa Kilos-Loob o may pahintulot nito. Ang kilos-loob ay may pangkalahatang impluwensiya sa moral na kilos. Ang katarungan ang nagtuturo sa atin upang igalang at hindi kailanman lumabag sa mga karapatan. May kaugnayan ito sa ating tungkulin sa Diyos, sa ating sarili at sa kapwa.

2. Pagtitimpi o Kontrol sa Sarili (Temperance or Moderation). Nabubuhay ang tao sa mapanuksong mundo. Maraming inihahain ang mundo sa ating harapan na maaring maging dahilan upang magtalo ang ating pagnanasa at katuwiran.

3. Katatagan (Fortitude). Ang buhay sa mundo ay puno ng mga suliranin at pagsubok. Kung minsan, sa tindi ng ating pinagdaanan, nanghihina na ang ating loob at nawalan tayo ng pag-asa. Ito ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib sa buhay. Ginamit ito bilang sandata sa agharap ng mga pagsubok o panganib sa buhay.

4. Maingat na Paghuhusga (Prudence). Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng Ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.

Kaugnayan ng pagpapahalaga at Birtud

Ang pagpapahalaga at Birtud ang nagbibigay katuturan sa ating tunay na pagkatao, hindi ang anumang nais ng taong makamit sa kanyang sarili. Bagamat magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud.

Gawain 3 Ang sampung pinakamahalaga sa iyong buhay. Panuto: Isulat ang sampung itinuturing mong pinakamahalaga sa iyong buhay at isulat ang dahilan bakit mahalaga para sa iyo habang ikaw ay nabubuhay.

Mga pinakamahalaga mo ngayon habang ikaw ay nabubuhay dito sa

mundo. 1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Tanong: Limang puntos bawat sagot sa tanong

1. Batay sa iyong natalang sagot sa palagay mo, ang pinapahalagahan mo ba ay nakakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao? Bakit?

2. Naipakita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano?

3. Bakit mahalagang kilalanin at suriin ang iyong mga pinapahalagahan sa buhay?

4. Bakit kailangang iwasan ang mga masasamang kilos o galaw mo kahit ito ay nagpapasaya sa iyong buhay?

Page 8: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

8

PAGYAMANIN

Gawain 4:Pagkikilala sa mga pagpapahalaga ko.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum na nagpapakita ng dalas ng pagpapakita sa iyong pagpapahalaga.

Mga Sitwasyon Palaging

ipinapakita Madalas

ipinapakita Hindi

kailanman ipinapakita

1. Pagpapasalamat sa Diyos sa mga kabutihan at pagsubok na kaloob sa iyo.

2. Pagiging kuntento sa buhay dahil alam mong ang Diyos ang nagkakaloob ng mga pangangailangan mo.

3. Pagbibilang sa mga pagpapalang natatanggap at hindi ang mga pagsubok sa buhay

4. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga simple ngunit mahahalagang bagay o gawain

5. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng nararanasang Pagsubok

6. Pag-iingat sa mga bagay na bigay ng mga mahal sa buhay

7. Pagsusulat ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan kahit sa simpleng paraan

8. Pagsasabi ng “Salamat” sa mga taong nagbibigay ng serbisyo sa iyo, halimbawa drayber, guards

9. Pagtulong sa iyong magulang sa mga gawaing bahay dahil alam mong pagod na sila sa kanilang trabaho

10. Pagpapasalamat sa Diyos sa mga nakalipas na mabubuting karanasan

Tanong: Limang puntos bawat sagot sa tanong:

1. Isulat ang mga bilang na palagi mong ipinakita?__________

2. Isulat ang mga bilang na madalas mong ipinakita?________

3. Isulat ang mga bilang na hindi kailanman mong ipinakita?________

4. Bakit may mga bilang na hindi kailanman mong ipinakita? Ano ang dapat mong gawin upang ito ay maipapakita o maisasagawa?

5. Nasisiyahan kaba sa iyong mga sagut sa gawain? Bakit?

6. Bakit kailangang paulit-ulit isasabuhay ang mga mabuting kilos at ugali?

Page 9: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

9

Maraming pangyayari sa iyong buhay na naranasan mong ikaw ay nakagawa ng kabutihan sa iyong sarili, kapwa at lipunan na iyong kinagisnan. Ito ay nagpapatunay lamang na ikaw ay isang mabuting tao.

Ang pagkilala sa sariling pagpapahalaga ay nakakatulong sa paghubog ng

iyong pagkatao, kung paulit-ulit itong isasabuhay wagas na mahubog ang iyong mga birtud at mahuhubog ang iyong pagkatao bilang isang makaDiyos, makaTao, makaBansa at makakalikasan.

Gawain 5 Payo ko, Desisyon mo Panuto: Magsasagawa ng survey tungkol sa mga sitwasyon na binigay. Gamit ang

social media platform (FB, Messenger, Text etc.) Itala ang mga payo sa kinapanayam gamit ang tsart.

Mga gabay na tanong sa survey

1. Ang bawat kapanayam ay magbigay ng payo sa bawat sitwasyon. 2. Itala ang kanilang payo sa box sa bawat sitwasyon. 3. Anong pagpapahalaga ang isinasaalang-alang nila tunkol sa kanilang payo?

Hindi kailangang isulat ang tunay na pangalan sa magbibigay payo. 4. Isulat ang kanilang mga payo sa ibang papel kung kinakailangan.

Nagbibi-gay Payo

Sitwas-yon I

Pagpapa-halaga

Sitwas-yon 2

Pagpapa-halaga

Sitwas-yon 3

Pagpapa-halaga

Mag-aaral

Pastor o Pari o Imam

Guro

Kaibi-gan

Taong may propis-yon

Sitwasyon 1 May isang matalinong mag-aaral sa grade 7 sa isang pampublikong paaralan sa Pagadian City. Ang kanyang problema ay ayaw niyang maligo lalong lalo na sa umaga dahil takot siya sa lamig ng tubig, kadalasan hindi siya naliligo sa tuwing pupunta sa paaralan, binubuli na siya sa kanyang mga kaklase dahil siya ay mabaho daw. At ito ang dahilan na gusto nalang siyang hihinto sa kanyang pag-aaral dahil napahiya siya. Ano ang maipapayo mo sa kanya? Ano ang mga pagpapahalaga na tinutukoy sa sitwasyon?

Page 10: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

10

Sitwasyon 2 Siya ay si Venn Ian Lloyd isang masipag at mabuting mag-aaral sa grade 7, sa katunayan isa siya sa mga mag-aaral na nakakuha ng with high honors sa grade 6. Ang kanyang problema sa ngayon ay hindi na siya masyadong naka pokus sa

kanyang pag-aaral dahil naghiwalay ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay may iba ng babae. Ang kanyang ina ay naglalabada lang sa kapitbahay upang magkakaroon ng perang pangtustus sa kanilang mga panganga-ilangan. Tatlo silang magkakapatid na nag-aaral, Dahil maliit lang kita ng kanyang ina sa paglalabada hindi na masyadong matustusan ang kanilang panganga-ilangan sa pag-aaral sa tuwing may pasukan. Sa katunayan wala silang pambaon at pambili ng kagamitan para sa mga proyekto sa bawat asignatura. May plano siya na hihinto nalang muna sa kanyang pag-aaral at maghanap ng trabaho upang makatulong sa kanyang ina. Ano ang maipapayo mo sa kanya? Ano ang mga pagpapahalaga na tinutukoy dito?

Sitwasyon 3 Si Ashley shane Mae ay panganay sa apat na magkakapatid, ang kanyang ama ay nagmama-ari sa isang malaking negosyo sa palingke at ang kanyang ina ay isang impleyado sa gobyerno. Sa madaling salita ang kanilang pamilya ay maituturing na mayaman sa kanilang lugar. Pinalaki silang magkakapatid na mabuti, palagi silang nagsisimba tuwing linggo kasama ang boung pamilya. Si ashley ay nag-aaral sa isang pribadong paaralan, habang siya ay nag-aaral nagkakaroon na siya ng maraming kaibigan. Ang hindi niya alam nagkakaroon siya ng mga kaibigang nagdudulot ng masamang impluwensiya sa kanyang pagkatao. Natututo na siyang uminom ng alak at iba pang bisyo, hindi na siya papasok sa paaralan, lagi nalang naglalakwatsa kasama ang mga kaibigan. Natututo na siyang nagsisinungaling sa kanyang mga magulang. Ang pinaka masaklap siya ay nabuntis at iniwanan pa siya ng kanyang nobyo. Natatakot siyang malaman ng kanyang mga magulang ang katotohanang nangyayari sa kanyang buhay. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Ano ang maipapayo mo sa kanya? Ano ang mga pagpapahalaga na tinutukoy dito?

Tanong: limang puntos bawat sagot sa tanong 1. Batay sa iyong ginawang survey, ano ang iyong natuklasan tungkol sa mga

binigay na payo? 2. Magpili ka ng isang sitwasyon mula sa tatlong sitwasyon at ibigay ang iyong

payo sa kanya. 3. Paano mo maiiwasan ang mga taong nagdudulot ng masamang

impluwensiya sa iyong buhay? Bakit dapat mo sila iwasan? 4. Bakit gawin natin kung ano ang ikakabuti sa sarili at sa kapwa, at iwasan

ang paggawa ng masama?

Page 11: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

11

ISAISIP

Panuto: Sa bahaging ito ay inaanyayahan kita na gumawa ng tatlong liham para sa

iba’t ibang tao sa iyong paligid na nais mong pasalamatan sa mga kabutihang nagawa nila sa iyo. Isulat mo ito sa isang stationery at ibigay ito sa kanila.

.

ISAGAWA

Panuto: Sa pamamagitan ng pagguhit, iguhit ang katagang ito “ HUWAG MONG GAWIN SA IBA, KUNG ANO ANG HINDI MO GUSTONG GAWIN NG IBA SA IYO, GAWIN MO ANG NARARAPAT GAWIN PARA SA IKABUBUTI SA IYONG SARILI AT KAPWA TAO”.

Gabay sa Pagsusuri: 1. Paano nakakatulong sa iyong pagkatao ang mga pagpapahalaga at birtud na

natutunan mo ngayon sa iyong sarili? Sa iyong pakikipag-ugnayan sa Kapwa? Sa Diyos?

Rubriks sa pagguhit ng poster

Nilalaman

35%

Naipapakita at naipaliwanag ng maayos ang ugnayan ng konseptong iginuhit sa pahayag

Organisasyon

35%

Mahusay ang pagkakasunud- sunod ng mga ideya, malinaw at makabuluhan

Style

(Pagkamapanlikha

at

Pagkamalikhain)

20%

Lubos na

nagpapamalas ng

pagkamalikhain sa

pagguhit at

Orihinal ang mga ideyang ginamit.

Mechanik

s 10%

Wasto ang pagkakulay sa lahat na mga bagay na ginuhit.

Bilang tao na kawangis at kalarawan ng Diyos kailangang iwasan ang hindi

mabuting gawain at gawin kung ano ang ikakabuti.

Page 12: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

12

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na

sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel. SET A 1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa sa moral na birtud sa loob ng Tahanan.

A. Pagbati ng magandang umaga , tanghali at hapon sa meyembro ng pamilya.

B. Pagpapasalamat sa magulang ang pangunahing gamit ng isip ng tao.

C. kumain ng dahan-dahan at sapat sa mga pagkaing nasa bahay. 2. Ang sumusunod ay mga gawain ng moral na birtud sa loob ng tahanan.

A. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang. B. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa

kabila nang may pantustos ang mga magulang. C. maingat na pagpapasya kasama ang mga magulang

3. Ang birtud ay mula salitang latin na “vir” na ang kahulugan ay: A. Pagiging tao-pagiging matatag at malakas B. nagbibigay kasiyahan sa iba. C. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pagkilos ayon sa mga taglay na pagpapahalaga ,maliban sa:

A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga Kabutihang kaloob ng kapwa.

B. naguguluhan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging negatibo ka sa pananaw sa buhay.

C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

5. Ang intelektuwal na birtud ay Gawain ng: A. Isip B. Damdamin C. Konsiyensiya

6. Alin ang hindi kasama sa apat na katangian ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?

A. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa B. pagpapakita sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya. C. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbalik ng kabutihang ginawa.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng ganap na

pagpapahalaga? A. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. B. Ito ay nanahan sa isip ng tao. C. Magpapasalamat lamang kapag may biyayang natanggap at

kinakailangan.

8. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga, alin dito ang maituturing na pinakamataas:

A. Pagbibigay tulong sa mga nangangailangan. B. Pagpapakita ng kabaitan C. Pagbubuwis buhay upang maipadama sa iba ang pag-ibig ng Diyos.

9. “Huwag mong gawin sa iba, kung ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. Ibig sabihin nito ay:

A. gagawa ka ng mabuti ayon sa iyong kagustuhan. b. tutulungan mo ang iyong kapwa mag-aaral. C. gagawin mo sa iba kung ano ang nararapat gawin.

Page 13: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

13

10. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng moral na birtud, maliban sa: A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang

kaloob ng kapwa B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging

positibo ka sa pananaw sa buhay C. Pagiging masayahin sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao

SET B

1. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa maingat na paghuhusga Maliban sa isa: A. Magpasya gamit ang isip at kilos-loob. B. Magpasya ayon sa kung ano ang nararapat.. C. Magpasya gamit ang mga ritwal na paraan.

2. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng Pagpapakita sa katatagan ng loob, Maliban sa isa:

A. Hindi madaling sumusuko sa mga pagsubok. B. May malaking pananampalataya sa Diyos. C. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa at maghihintay ng

kapalit.

3. Alin dito ang hindi katangian ng pagpapahalaga A. sumasaibayo B. kumikinang C. lumilikha kung ano ang nararapat

4. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot sa paggawa sa mga utos ng Diyos A. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang

kaloob ng kapwa. B. gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil sa nagiging

positibo ka sa pananaw mo sa buhay. C. pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang

pasasalamat sa kanila. 5. Ayon sa tradisyon ang halaga ay tumutukoy sa:

A. saligan o batayang kilos o gawa at sa buod ng paniniwala. B. kung ano ang mahalaga dapat gawin C. isasagawa ng mabuti ang lahat.

6. Ayon sa mga sikolohista ang pagpapahalaga kapuri-puri at kaakit-akit.? A. Max Scheler B. Socrates C. Plato

7. Ang mga sumusunod ay hal. sa ganap na pagpapahalagang moral maliban sa: A. Pag-ibig B. Paggalang C. Pag-iipon ng pera

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa halagang Pangkultural/panggawi ang hindi totoo?

A. Ito ay mga mithiin na tumatagal at nanatili. B. Ito ay halagang nagmula sa loob ng tao. C. Ito ay nagbabago depende sa panahon

9. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA sa mga antas ng pasasalamat ang binanggit ni Santo Tomas de Aquino.

A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa B. pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya. C. Lahat ng nabanggit

10. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?

A. Pamilya at pag-aaruga sa anak B. Pamana ng kultura

C. Guro o pastor/ pari/ imam

Page 14: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

14

SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral,

pp 227-255

Page 15: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

15

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: FLAVIANO VILLACRUZ ABASTAS, MT-I

Zamboanga del Sur National High School

Division of Pagadian City

Editor/QA Evangeline M. Martel HT-II

Dexter T. Lerasan, T-III

Jayford J. Mainit

Tagasuri: Evangeline M. Martel HT-II

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala:

DANNY B. CORDOVA, CESO VI

OIC Schools Division Superintendent

MARIA COLLEEN L. EMORICHA, EdD,CESE

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID-Chief

MARIA MADELENE P. MITUDA, EdD

EPS-LRMDS

JOVITA S. DUGENIA

EPS-EsP

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

Page 16: Z P Z P Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan

11

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain;

For our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below

The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing

my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance

of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖