10 · 2021. 1. 27. · salamat ni :yeng constantino kung ito man ang huling awiting aawitin nais...

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 3: Panitikang Pandaigdig - Tula Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Upload: others

Post on 05-Feb-2021

82 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 3:

    Panitikang Pandaigdig - Tula

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Sheryl Cuevas - Deocadez Editor: Arnie P. Taclap Tagasuri: Angelica Rodriguez Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Wilvin H. Inding Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

    Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Tula Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

  • 1

    Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin) Nasusuri ang isang tula – (TULA – Ang Aking Pag-ibig (Tula mula sa

    Italy) Salin ng “How Do I Love Thee” ni Elizabeth Barrett Browning (Isinalin

    sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang

    modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

    MELC (Linggo 3)

    Tula:

    Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70) Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)

    Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit

    sa tula (F10PT-IIc-d-70) Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay

    (F10PU-IIc-d-72) Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula

    (F10WG-IIc-d-65)

    Modyul

    3

    PANITIKAN: Ang Aking Pag-ibig (Tula mula sa Italy)

    Salin ng “How Do I Love Thee” ni Elizabeth Barrett Browning (Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

    Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang kahulugan ng mitolohiya. Sa modyul na ito ay sanayan at linangin ang iyong kakayahan sa pagbibigay puna sa napakinggan /nabasa sa teksto ng tula na maiuugnay mo sa

    kasalukuyang pangyayari sa daigdig na apektado ka bilang isang mamamayan;

    matutukoy ang mga element nito, at madadagan ang bokabularyo mo sa ginamit sa tula. Ika’y din ay gagawa ng isang tula naginagamitan ng matatalinghagang

    pananalita.

    Alamin

    Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap GRAMATIKA at RETORIKA: Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita

    Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang

    critique tungkol sa alinmang akdang

    pampanitikang Mediterranean.

  • 2

    Tinitiyak sa aralin na ito na mapapahalagahan mo ang kagandahan ng isang tula .

    Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang kahulugan ng mitolohiya. Sa modyul na ito ay sanayan at linangin ang iyong kakayahan sa pagbibigay puna sa napakinggan /nabasa sa teksto ng tula na maiuugnay mo sa

    kasalukuyang pangyayari sa daigdig na apektado ka bilang isang mamamayan; matutukoy ang mga element nito, at madadagan ang bokabularyo mo sa ginamit

    sa tula. Ika’y din ay gagawa ng isang tula naginagamitan ng matatalinghagang pananalita.

    Tinitiyak sa aralin na ito na mapapahalagahan mo ang kagandahan ng

    isang tula .

    Balikan

    Bago mo pag-aralan ang aralin sa modyul na ito, balikan mo muna

    ang iyong kakayahan sa pag-alala sa nauna nitong paksa na Mitolohiya.

    Ano-ano ang mga elemento ng mitolohiya? Bakit mahalaga ang

    mitolohiya?

    Tuklasin Sa sumusunod na gawain ay tutuklasin mo kung ano ang pagkakaiba

    ng isang awitin na may liriko at sa ibang uri ng tula. Babasahin mo ang liriko ng isang awitin at matapos mong Mabasa

    gawin ang Gawain 1.

    Salamat

    ni :Yeng Constantino

    Kung ito man ang huling awiting aawitin

    Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko

    At kung may huling sasabihin

    Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo

    Kasama kitang lumuha

    Dahil sa'yo ako'y may pag-asa

    Ang awiting ito'y para sa'yo

    At kung maubos ang tinig, di magsisisi

    Dahil iyong narinig mula sa labi ko

    https://www.google.com/search?authuser=1&q=Yeng+Constantino&stick=H4sIAAAAAAAAAONgVuLSz9U3MDI3TTKIX8QqEJmal67gnJ9XXJKYV5KZlw8AHhIpTCEAAAA&sa=X&ved=2ahUKEwjG_ruK37_rAhUTMd4KHUhgD5YQMTAAegQIChAD

  • 3

    DAMDAMIN

    Sa bahagi ng modyul, na ito ay iyong sanayin ang mga

    kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang maintindihan ang paksang-

    aralin. Marami kang babasahing teksto ng tula na naglalaman ng iba’t

    ibang mensahe. MAtutunan din dito kung ano tula, mga element nito at

    matatalinghagang pananlita.. Handa ka na ba? Tara na basahin mo

    na ang mga teksto na may pag-unawa at galak.

    Salamat, salamat

    Haaaa. yeah yeaah

    Sana'y iyong marinig, tibok ng damdamin

    Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin

    At kung marinig ang panalangin

    Lagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon

    Masabi ko sa'yo ng harapan

    Kung gaano kita kailangan

    Ang awiting ito'y para sa'yo

    At kung maubos ang tinig, di magsisisi

    Dahil iyong narinig mula sa labi…

    (https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-)

    Gawain 1.1 Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Ilahad ang damdaming

    nangingibabaw sa awit.

    Gawain 2.1 Gabay na mga tanong.

    1. Tungko saan ang awit? Bakit?

    2. Ano ang damdaming nangingibabaw sa awit? Bakit?

    3. Makatotohanan ba o hindi makatotohanan ang nilalaman ng awit? 4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong 5. mapakinggan ang nasabing awit?

    GAWAIN 2: Tula-Awit… Ano ang Pinagkaiba?

    Makinig sa isahang pagbigkas ng tula. Suriin kung paano binigkas ang tula. Pagkatapos, ihambing mo ito sa awit na iyong pinakinggan (Awit Kay Inay). Gayahin mo ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

    PAGKAKAIBA

    PAGKAKATULAD

    Tulang binigkas

    Awit na pinakinggan

    Suriin

  • 4

    Tunghayan ang sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at isagawa ang hinihingi ng kasunod na mga Gawain

    ANG AKING PAG-IBIG

    (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning

    Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

    Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal?

    Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Iniibig kita nang buong taimtim,

    Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,

    Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

    Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan,

    Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

    Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi,

    Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.

    Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,

    Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing

    Na ang pananalig ay di masusupil.

    Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay

    Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay

    Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

    Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,

    Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

    Malibing ma’y lalong iibigin kita.

    www.panitikangpandaigdigfilipino10

    Dapat mong malaman

    ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng

    isipan at damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.

    Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan,

    http://www.panitikangpandaigdigfilipino10/

  • 5

    damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa. Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan.

    Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa. May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at tulang patnigan. Ang binasa mong tula ay isang soneto na nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na nagmula sa Italya na may labing apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod. May tiyak na sukat at tugma na kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat. Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang mahusay na likhang sining. Kung kaya’t ang mga soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng isang manunulat. Ang bawat taludtod nito sa karaniwang damdamin

    www.panitikangpandaigdigfilipino10

    Mga Elemento ng Tula

    Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)

    Sukat

    tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,

    Pantig – ang paraan ng pagbasa

    Halimbawa: isda = is da = dalawang pantig

    Ako ay isang tao = A ko ay i sang ta o = pitong pantig May apat na uri ng sukat ito:

    Wawaluhin – walong pantig Lalabindalawahin – sandosenang pantig

    Lalabing-animin – labing-anim na pantig Lalabing-waluhin – labing-walong pantis

    Saknong

    tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod

    2 na taludtod – couplet 3 na taludtod – tercet

    4 na taludtod – quatrain 5 na taludtod – quintet

    6 na taludtod – sestet

    7 na taludtod – septet 8 na taludtod – octave

    Tugma isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma

    ay tumutukoy sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.

    May dalawang uri ito: Tugmang ganap (Patinig)

    Tugmang di-ganap (Katinig)

    Halimbawa: Mahirap sumaya

    Ang taong may sala

    http://www.panitikangpandaigdigfilipino10/

  • 6

    T A N

    Kariktan

    Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at kawilihan

    Halimbawa Maganda – marikit

    Talinhaga Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na

    binabanggit.

    https://philnews.ph/2019/09/06/elemento-ng-tula-ano-ang-limang-mga-elemento-nito/

    Gawain 3.1 Paglinang ng Talasalitaan A. Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa

    kasunod na tsart ang sagot. Gayahin sa sagutang papel ang tsart.

    1. Lipad ng kaluluwang ibig na marating

    Ang dulo ng hindi maubos-isipin. 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking

    Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.

    3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

    Malibing ma’y lalong iibigin kita. www.panitikangpandaigdigfilipino10

    Gawain 3.2 Punan ng angkop na letra ang kahon upang mabuo ang kahulugan ng pahayag.

    1. Iniibig kita nang buong taimtim

    2. Maging sa liwanag, maging sa karimlan

    3. Kasingwagas ito ng mga bayanin

    4. musmos pa sa turing

    5. Malibing ma’y lalong iibigin kita

    GAWAIN 4: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

    M B U I

    M A A M

    P R

    L W A P A M

    M M T M

    https://philnews.ph/2019/09/06/elemento-ng-tula-ano-ang-limang-mga-elemento-nito/https://philnews.ph/2019/09/06/elemento-ng-tula-ano-ang-limang-mga-elemento-nito/http://www.panitikangpandaigdigfilipino10/

  • 7

    Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)

    Sagutin ang mga gabay na tanong.

    1. Suriin ang binasang tula batay sa elemento nito. Gawin sa sagutang papel. Elemento ng Tula

    Sukat- Tugma-

    Talinghaga- Kariktan-

    2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula? 3. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig.

    4. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kaniyang tula?

    5. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal? 6. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpalutang sa ganda at

    kariktan nito? Patunayan ang sagot.

    7. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang maihatid ng may- akda sa mga mambabasa ang mensahe?

    8. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula ng makata? Ipaliwanag ang sagot.

    9. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. “Ang pag-ibig ay buhay, ang buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at

    magmahal sapagkat sapol pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.”

    Pagyamanin Suriin at Ihambing

    Bigkasing mabuti at unawain ang isa pang halimbawang tula. Suriin ang pagkakabuo nito at ihambing sa iba pang uri ng tulang pandamdamin.

    Ang Buhay ng Tao Tula ni

    Jose Corazon de Jesus

    Inakay na munting naligaw sa gubat,

    ang hinahanap ko’y ang sariling pugad;

    ang dating pugad ko noong mapagmalas

    nang uupan ko na ang laman ay ahas.

    Oh! ganito pala itong Daigdigan,

    marami ang sama kaysa kabutihan;

    kung hahanapin mo ang iyong kaaway,

    huwag kang lalayo’t katabi mo lamang.

  • 8

    Ako’y parang bato na ibinalibag,

    ang buong akala’y sa langit aakyat;

    nang sa himpapawid ako’y mapataas,

    ay bigat ko na rin ang siyang naglagpak.

    Mahirap nga pala ang gawang mabuhay,

    sarili mong bigat ay paninimbangan,

    kung ikaw’y mabuti’y kinaiinggitan,

    kung ikaw’y masama’y kinapopootan.

    At gaya ng isdang malaya sa turing

    ang langit at lupa’y nainggit sa akin;

    subalit sa isang mumo lang ng kanin,

    ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

    At sa pagkabigo’y nag-aral na akong

    mangilag sa mga patibong sa mundo;

    kahit sa pagtulog, huwag pasiguro’t

    bangungot mo’y siyang papatay sa iyo.

    Ang buhay ng tao ay parang kandila

    habang umiikli’y nanatak ang luha;

    buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,

    ang luksang libinga’y laging nakahanda.

    Ang palad ay parang turumpong mabilog,

    lupa’y hinuhukay

    sa ininug-inog;

    subalit kung di ka babago ng kilos,

    sa hinukayan mo’y doon mahuhulog.

    https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.html Gawain 5.1 Gabay na mga Tanong: 1. Saan tungkol ang tula?

    2. Ilang saknong mayroon ang ang tula? 3. Sa bawat saknong , isulat ang mga salitang magkakatugma.

    4. Anu-ano ang mga isinasaad ng may-akda tungkol sa buhay ng tao? May katotohanan ba ang kanyang mga binanggit? Patunayan.

    Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula (F10PT-IIc-d-70)

    5. Ipaliwanag at bigyan ng kahulugan ang mga matatalinghagang pananalita sa bawat saknong.

    a. Nang uupan ko na ang laman ay ahas. b. Ako’y parang bato na ibinalibag,

    ang buong akala’y sa langit aakyat. c. At gaya ng isdang malaya sa turing

    ang langit at lupa’y nainggit sa akin. d. Ang buhay ng tao ay parang kandila. e. Ang palad ay parang turumpong mabilog.

    https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.htmlhttps://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.html

  • 9

    Gawain 5.2 Paghahambing

    Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang tula na

    Ang Aking Pag-ibig at Ang Buhay ng Tao.

    Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Suriin ang halaw na bahagi sa tulang “Ang Aking Pag-ibig” at “Ang Buhay ng Tao.”

    Kasinlaya ito ng mga lalaking

    Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning

    Marunong umingos sa mga papuri.

    -Ang Aking Pag-ibig

    Ang buhay ng tao ay parang kandila Habang umiikli’y namamatak ang luha,

    Buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda, Ang luksang libinga’y laging nakahanda

    - Ang Buhay ng Tao

    Alam mo ba na...

    ang tula ay gumagamit ng matatalinghagang pahayag o pananalitang

    hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan nito? Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng

    mga mambabasa. Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ito ay mismong larawan ng kamalayan ng

    manunulat. Ginagamit sa patalinghaga ay ang mga tayutay.

    Ano ba ang tayutay? Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita,

    kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.

    Mga Uri ng Tayutay: 1. Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa

    pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y

    ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.

    2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing

    3. Pagmamalabis o hyperbole – pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag

    4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga

    walang buhay.

    (Mula sa Panitikang Pandaigdig Filipino 10)

  • 10

    Ano ba ang napapansin mo sa dalawang saknong sa mga tulang tinalakay? Di ba gumagamit ng matatalinghagang pananalita. Sa unang saknong ay may

    Kasinlaya ito ng mga lalaking ..at sa ikalawang saknong ay Ang buhay ng tao ay parang kandila. Kung naunawaan mo ang tungkol sa matatalinghagang pananalita lalo na ang tayutay, ay bibigyan kita ng Gawain upang masubok mo ang iyong sariling pag-unawa.

    Gawain 6. Basahin ang mga pahayag na may matatalinghagang pananalita. Piliin kung ito ba ay pagtutulad, pagwawangis, pagtatao o pagmamalabis.

    ____________1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas minsan nasa ibaba.

    ____________2. Ngumingiti ang mga bulaklak sa akin tuwing umaga. ____________3. Hindi ako makaalis dahil gabundok pa ang aking labahin.

    ____________4. Ikaw ang anghel na ipinadala mula sa langit.

    ____________5. Kasimputi ang kanyang balat sa isang singkamas. ____________6. Animo’y isang nakadipang krus.

    ____________7. Venus siya ng kagandahan. ____________8. Sumabay sa indak ang mga punungkahoy nang sumipol ang

    hangin. ____________9. Pasan ko ang mundo ng aming mag-anak.

    ____________10. Ang kanilang bahay ay katulad sa The Mansion ng Baguio.

    Mga iilang Matatalinghagang Pananalita at Kahulugan nito. 1. Kambal tuko – di makapaghiwalay 2. Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay

    3. Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay

    4. Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda 5. Kautotang dila – Kakwentuhan

    6. Sanggang dikit – matalik na magkaibigan 7. Matapobre – mapanglait

    8. May nunal sa dila – madaldal 9. Itim na tupa – suwail na anak o kapatid

    10. Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit

    Kahalagahan ng mga Matalinhagang Salita:

    Nahuhubog ang ating intelektuwal na kaisipan.

    Nagkakaroon tayo ng mas malalalim na pang-unawa at pag-aaral sa mga salita na ang akala natin ay simple lamang.

    Nahihimok tayo na pagyabungin at mas palaganapin ang wikang sariling atin.

    Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa matalinghagang salita magpunta

    lamang sa link na ito: brainly.ph/question/106783

    https://brainly.ph/question/106783

  • 11

    Isaisip

    https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-his-student-talking-1236527734

    Pagtataya:

    Panuto : Basahin ang tula na pinamagatang MAYNILA. PAgkatapos sagutin ang

    mga nakasaad na tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot.

    MAYNILA

    Bienvenido A. Ramos

    Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa ay nanakluhod sa iyong eskolta;

    kayrikit ng ilaw

    sa iyong libingan ng mga bulaklak na nangakatawa

    habang nilalagas ng hayok na pita!

    Ang nagmamadaling sala mong maharot ay dumadapurak sa banal na loob;

    sa iyong simbahan

    buwitreng naglisaw ang abalang nasang kahit nakaluhod

    ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos!

    Nagpapaubaya ang kandungang-lagim sa kawalang-muwang na nangaglalasing;

    ang iyong pagtawa isang libo’t isang hiwaga sa dilim

    ang isinisilang at inililibing!

    Natutunan ko po na ang tula ay ginagamitan po ng mga matatalinghagang pananalita kagaya ng tayutay. Ang mga bahagi ng tayutay ay pagtutulad, pagwawangis,pagtatao at pagmamalabis. Ang tula ay may mga elemento na binubuo ng sukat,tugma, talinghaga st kariktan. Naunawaan ko rin po ang mga nais ipagpapakahulugan ng mga tulang aking binasa.

    Ano ang iyong natutunan sa aralin natin ngayon?

    https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-his-student-talking-1236527734https://www.tagaloglang.com/hayok/

  • 12

    Nag-aanyaya kang bagong paraiso, may ngiting salubong sa singki at dayo;

    kung mayakap ka na saka mapupuna

    na ang kariktan mong akala’y kung sino may ikinukubling maruming estero.

    https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/

    1. Ilang saknong mayroon ang tulang Maynila?

    a. 5 b. 4 c.3 d. 2

    2. Ilan ang sukat ng tula sa ikalawang saknong?

    a. 11 b. 14 c. 13 d. 12

    3. Alin sa mga sumusunod ang hindi magkakatugma?

    a. bangketa-eskolta c. Paraiso-dayo b. simbahan-naglisaw d. sino-estero

    1 Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa 2 ay nanakluhod sa iyong eskolta;

    3 kayrikit ng ilaw 4 sa iyong libingan 5 ng mga bulaklak na nangakatawa 6 habang nilalagas ng hayok na pita!

    4. Alin sa pinagpipilian sa itaas ang hindi tayutay na pagtatao?

    a. 1 b. 3 c. 4 d. 5 5. Anong katangiang pantao ang inilarawan sa mga bulaklak?

    a. Nakaluhod b. Marikit c. Nangakatawa

    d.Namatay 6. Ano ang ibig sabihin ng kayrikit ng ilaw?

    a. Makulimlim b. Makulay c. Marami d. Marumi

    7. Ang lalaki ay mayroong pita sa mga babaeng na nagtatrabaho sa bahay aliwan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

    a. Matinding galit c. Matinding saya

    b. Matinding pagnanasa d. Matinding takot 8. Ang kanilang bahay ay nasa gilid ng estero kaya medyo mabaho ang amoy.

    a. kanal b. sapa c. dagat d. ilog 9. Maraming buwitreng naglisaw sa loob ng simbahan kaya dapat kang mag-

    ingat. Ano ang ibig sabihin ng buwitreng naglisaw? a. mababait at matulungin c. masasama na nag-aalisan

    b. estranghero d. mambubugbog

    10. Ano ang inilalarawan sa tula ng Maynila? a. Maganda at kaakit akit sa mga dayo.

    b. Nakatatakot na lugar kaya mag-ingat. c. May nakakubling kasamaan sa likod ng inaakalang magandang

    lugar. d. Mainit klima ng Maynila

    https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/https://www.tagaloglang.com/hayok/

  • 13

    Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ, Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

    - Sa Aking Kabata

    11. Ano ang ibig ipahiwatig ng Makata sa saknong na ito? a. Mahalin ang sariling wika at pagyamanin ito. Huwag iwaksi ito

    dahil mas masahol pa sa hayop kung hindi mo mamahalin . b. Maaaring kupkupin natin ang ibang salita.

    c. Ang tao ay hindi niya mahal ang kanyang sariling wika kaya para siyang mabahong isda.

    d. Masakit isipin na wala ng nagmamahal sa wikang sarili.

    1. Kung tatanawin mo sa malayong pook, 2. ako’y tila isang nakadipang kurus, 3. sa napakatagal na pagkakaluhod, 4. parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

    -Isang Punongkahoy

    12. Ano ang ibig ipahiwatig ng Makata sa saknong na ito? a. Isang bagay makikita mo na malalabong ang dahon at sa tagal ng

    panahon ito ay Malaki na.

    b. Isang krus na iyong makikita sa malayo c. Bagay na kinatatakutan ng lahat

    d. Isang labanan na maaninag mo sa malayong pook 13. Anong uri ng tayutay ang nasa ikalawang linya?

    a. Pagtutulad c. Pagwawangis b. Pagmamalabis d. Pagtatao

    14. Anong uri ng tayutay ang nasa ikaapat na linya?

    c. Pagtutulad c. Pagwawangis d. Pagmamalabis d. Pagtatao

    15. Ano ang ipinahiwatig ng hinahagkan ang paa ng Diyos? a. Nagbibiro sa Diyos

    b. Nagsusumamo sa Diyos c. Napapaalam sa Diyos

    d. Nagkukunwari sa harap ng Diyos.

    Karagdagang Gawain

    Panuto : Sumulat ng isang tula tungkol sa pag-ibig. Ang isusulat mong tula ay binubuo ng anim (6) na saknong. Sa bawat saknong ay may apat (4) na linya na may sukat at tugma sa bawat dulo. Tiyakin na sa bawat saknong ay may dalawang

    matatalinghagang pananalita. Pagkatapos ay salungguhitan ang mga matatalinghagang pananalita. Isulat mo ito sa isang mahabang bondpaper.

    Tingnan ang Rubrik sa pagmamarka ng iyong gawain.

  • 14

    RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka:

    Kriterya

    Naisagawa nang

    Maayos ang

    Tula (50pts)

    May kulang ang

    ginawang Tula

    (30pts)

    Hindi masyadong

    nakasunod sa

    ipinagawa sa Tula

    (15pts)

    Nilalaman

    Teknikal

    (may sukat may

    tugma,may

    talinghaga)

    Pagkakabuo

    KABUUAN =

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian www.panitikangpandaigdigfilipino10 https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-

    by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.html

    brainly.ph/question/106783

    https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-his-student-talking-1236527734

    https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/

    Pagtataya

    1. B 11. A 2. D 12. A

    3. B 13. A 4. C 14. A

    5. C 15. B 6. B

    7. B 8. A

    9. C

    10. C

    http://www.panitikangpandaigdigfilipino10/https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.htmlhttps://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.htmlhttps://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-various-authors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.htmlhttps://brainly.ph/question/106783https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-his-student-talking-1236527734https://www.shutterstock.com/image-vector/discussion-between-teacher-his-student-talking-1236527734https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/