1st pt lessons

5
Ang Kabihasnang Mesopotamia Mesopotamia – mula sa salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”; –itunuturing na lunduyan ng kabihasnan; –pinamalagian at sinakop ng iba’t ibang kabihasnan. Heograpiya ng Mesopotamia * Ito ay walang likas na hangganan kung kaya’t mahirap ipagtanggol ang lupang ito sa ibang mananakop * Noong 5500 B.C.E, daan- daang maliliit na pamayanang sakahan ang umusbong sa kapatagan ng hilagang bahagi na pinag-ugnay ng malayo at mahahabang rutang pangkalakalan. * Nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong : panlipunan, pulitikal at panrelihiyon Tigris – Euphrates – pinag-usbungan ng mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. Fertile Crescent – rehiyon kung saan matatagpuan ang Mesopotamia. Ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Uruk – siyang itunuturing na isa sa kauna- unahang lungsod sa daigdig Ang mga Sumerian (3000 B.C.E – 2340 B.C.E) * Nomadikong Mamamastol * Nomadiko - tao o pangkat ng tao na kung saan sila ay nagpalipat- lipat ng tirahan kung kinakailangan * Nagtungo ang mga nomadikong Sumerian sa sakahan ng Mesopotamia noong 3500 B.C.E. * Sumer – tawag sa mga taong matatagpuan sa katimugan ng Mesopotamia * 12 lungsod- estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari * Ilan sa kilalang lungsod- estado: Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur at Nippur * ziggurat – isang templong matatagpuan sa bawat lungsod- estado at ang istrakturang ito ay nagsisilbing tahanan at temple ng patron o diyos ng isang lungsod * Anthropomorphic – diyos at diyosa ng mga Sumerian na may katangian at pag- uugaling tao * Cuneiform – paraan ng pagsusulat ng mga Sumerian na hugis sinsel o wedge- shaped * Stylus – yarisa tambo o reed na ginagamit sa pagsusulat * Clay Tablet – basing luwad na lapida na sinusulatan ng mga Sumerian * oxen - pangunahing hayop sa sakahan; buriko o donkey ang ginagamit sa paglalakbay Ang mga Akkadian (2340 B.C.E – 2100 B.C.E) * Ang tunggalian sa lupa at tubig ay naging karaniwan sa mga panahong ito. * sinakop ni Sargon I ang mga lungsod- estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig * Sargon I(2334 B.C.E – 2279 B.C.E) – ay mula sa Akkad o Agade. * Akkadian – kauna-unahang imperyo sa daigdig. * Ang imperyong Akkadaian ay tumagal lamang ng 150 taon. * Ur- Nammu (2112 B.C.E – 2095 B.C.E) – ang namuno nang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad * Ibbi- Su (2028 B.C.E – 2004 B.C.E) – apo ni Ur- Nammu na sa kanyang pamumuno sa Ur ay bumagsak ito pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia Ang mga Babylonian (1792 B.C.E – 1595 B.C.E) * Hammurabi (1792 B.C.E – 17500 B.C.E) – hari ng lungsod ng * Babylon – kabisera ng imperyong Babylonia * Batas ni Hammurabi (Code of Hammurabi) – isang napakahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan * Marduk – patron ng Babylon * Noong 1595 B.C.E, matagumpay na sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon Ang mga Assyrian (1813 B.C.E – 605 B.C.E) * Assyria – matatagpuan sa bulubunduking rehiyong nasa hilaga ng Babylonia * Shamshi – Adad (1813 B.C.E – 1781 B.C.E) – isang sundalong nakasakop sa

Upload: rafael-paz

Post on 08-Apr-2016

143 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

raraoohlala

TRANSCRIPT

Page 1: 1st PT Lessons

Ang Kabihasnang MesopotamiaMesopotamia – mula sa salitang Greek na meso

na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos o “ilog”;–itunuturing na lunduyan ng

kabihasnan;–pinamalagian at sinakop ng

iba’t ibang kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia* Ito ay walang likas na hangganan kung kaya’t mahirap ipagtanggol ang lupang itosa ibang mananakop* Noong 5500 B.C.E, daan- daang maliliit na pamayanang sakahan ang umusbong sa kapatagan ng hilagang bahagi na pinag-ugnay ng malayo at mahahabang rutang pangkalakalan.* Nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong : panlipunan, pulitikal at panrelihiyonTigris – Euphrates – pinag-usbungan ng mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.Fertile Crescent – rehiyon kung saan matatagpuan ang Mesopotamia. Ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.Uruk – siyang itunuturing na isa sa kauna- unahang lungsod sa daigdig

Ang mga Sumerian (3000 B.C.E – 2340 B.C.E)* Nomadikong Mamamastol * Nomadiko - tao o pangkat ng tao na kung saan sila ay nagpalipat- lipat ng tirahan kung kinakailangan* Nagtungo ang mga nomadikong Sumerian sa sakahan ng Mesopotamia noong 3500 B.C.E.* Sumer – tawag sa mga taong matatagpuan sa katimugan ng Mesopotamia* 12 lungsod- estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari* Ilan sa kilalang lungsod- estado: Eridu, Kish, Lagash, Uruk, Ur at Nippur* ziggurat – isang templong matatagpuan sa bawat lungsod- estado at ang istrakturang ito ay nagsisilbing tahanan at temple ng patron o diyos ng isang lungsod* Anthropomorphic – diyos at diyosa ng mga Sumerian na may katangian at pag- uugaling tao* Cuneiform – paraan ng pagsusulat ng mga Sumerian na hugis sinsel o wedge- shaped* Stylus – yarisa tambo o reed na ginagamit sa pagsusulat* Clay Tablet – basing luwad na lapida na sinusulatan ng mga Sumerian* oxen - pangunahing hayop sa sakahan; buriko o donkey ang ginagamit sa paglalakbay

Ang mga Akkadian (2340 B.C.E – 2100 B.C.E)* Ang tunggalian sa lupa at tubig ay naging karaniwan sa mga panahong ito.* sinakop ni Sargon I ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig* Sargon I(2334 B.C.E – 2279 B.C.E) – ay mula sa Akkad o Agade.* Akkadian – kauna-unahang imperyo sa daigdig.* Ang imperyong Akkadaian ay tumagal lamang ng 150 taon.

* Ur- Nammu (2112 B.C.E – 2095 B.C.E) – ang namuno nang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad* Ibbi- Su (2028 B.C.E – 2004 B.C.E) – apo ni Ur- Nammu na sa kanyang pamumuno sa Ur ay bumagsak ito pagdating ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia

Ang mga Babylonian (1792 B.C.E – 1595 B.C.E)* Hammurabi (1792 B.C.E – 17500 B.C.E) – hari ng lungsod ng * Babylon – kabisera ng imperyong Babylonia* Batas ni Hammurabi (Code of Hammurabi) – isang napakahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan* Marduk – patron ng Babylon* Noong 1595 B.C.E, matagumpay na sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon

Ang mga Assyrian (1813 B.C.E – 605 B.C.E)* Assyria – matatagpuan sa bulubunduking rehiyong nasa hilaga ng Babylonia* Shamshi – Adad (1813 B.C.E – 1781 B.C.E) – isang sundalong nakasakop sa Ashur at ito ang naging unang kabisera ng Assyria. * Tiglath – Pileser I (1114 B.C.E – 1076 B.C.E) – tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian dahil siya ang kinikilalang pinakamahusay na hari nito at nagawa niyang supilin ang mga Hittite* Ashurnasirpal II (1049 B.C.E – 1031 B.C.E) – isa rin sa mahalagang pinuno ng Assyria ng mayroon silang ekspedisyong militar sa kanluran ng Mesopotamia.*Ashurbanipal (668 B.C.E – 627 B.C.E) – anak ni Esarhaddon na kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kanyang panahon

Ang Chaldean: Bagong Babylonian (612 B.C.E – 539 B.C.E)* Chaldean – matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at silangang pampang ng Euphrates River* Nabopolassar (612 B.C.E – 605 B.C.E) – mula sa Chaldea na namuno sa bagong * Nebuchadnezzar II (605 B.C.E – 562 B.C.E) – anak ni Nebopolassar na namuno sa Babylonia nang matamo nila ang rurok ng kadakilaan.* Babylon – naging pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig* Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa * Cyrus the Great – namuno sa hukbo ng Persian noong 539 B.C.E na lumusob sa Babylon* Alexander the Great – hari ng Macedonia at naging dahilan sa pagbagsak ng imperyo ng Persia

Ang mga Persian ( 539 B.C.E – 330 B.C.E) * Imperyong Achaemenid – tawag sa isang

malawak na imperyo ng mga Persian* Persia – kasalukuyang Iran at sentro ng

Imperyong Achaemenid* Cyrus the Great (559 B.C.E – 530 B.C.E) – namumuno nang nagsimula ang mga Persian sa kanilang pananakop * Darius the Great (521 B.C.E – 486 B.C.E) –umabot ang pananakop hanggang India

* Hinati ng mga Persian ang kanialng imperyo sa mga lalawigan o satrapy.

Page 2: 1st PT Lessons

* Gobernador o Satrap – namumuno sa lalawigan ng Persia* * Zoroastrianism – relihiyon ng mga Persian na ipinangaral ni Zarathustra o Zoroaster; paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at masama at ang pananagumpay ni Ahura Mazda (diyos ng kabutihan)

Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia at Mediterranean

* Cuneiform - ang kauna-unahang sistema ng pagsusulat

* Henry Rawlinson – nakatuklas ng Behistun Rock noong 1847* Behistun Rock – nagsilbing susi upang maunawaan ang mga nakasulat sa luwad na lapida

* Code of Hammurabi – naglalaman ng 282 na batas

* Lydian – gumamit ng coin o salapi sa pakikipagkalakalan.* Phoenician – nakapaglinang ng isang makabagong paraan ng pagsulat na mas kilala bilang Phonetic Alphabet

* Monotheism – pinasimulan ng mga Hebrew na pagsamba sa isang diyos.

Kabihasnang TsinoYellow River o Ilog Huang HoMula sa Kabundukan ng kanlurang Tsina na may haba na 3,000 milya.Dumadaloy papuntang Yellow seaDahilan sa pagkakabuo ng North China Plain.Ang pagbaha ng Huang Ho River ang nagdulot sa pagiging mataba ng North China Plain

Dinastiyang XiaNag-ugat mula sa Longshan, kulturang Neolitiko sa sa lambak ng Huang Ho.ANAK NG LANGIT na nagtataglay ng Basbas ng Langit o “Mandate of Heaven”Isang alamat lamang ang Dinastiyang ito.Pinalitan ng Dinastiyang Shang Hsia

Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa tradisyon ang mga tala tungkol sa dinastiyang ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at paggamit nito.

Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa dinastiyang ito.

Dinastiyang Shang

Pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse.

Pinakamatanda at pinakakumpleto sa mga panulat na Tsino.

Oracle Bone – nakaukit sa buto ng mga baboy na ginagamit ng mga orakulo para sa paghuhula

Pagsasakripisyo ng tao, kapag may namatay na pinuno.napalitan ng paggawa ng Terracotta Warrior.

Napalitan ng Dinastiynag Zhou o Chou

Dinastiyang Zhou

Tumagal ng halos siyam na siglo. Nahahati sa dalawang panahon

Kanlurang Zhou -1045 – 771 BC Silangang Zhou – 771 – 256 BC

Spring and Autumn Period at Warring States Period.

Panahon ng pag-usbong ng mga kaisipan : Confucianism, Taoism at Legalism

Dinastiyang Chin o Qin

Nagpabagsak sa Dinastiyang Shang Panahon ng tunggalian ng estado o warring

states. Ying Zheng – napag-isa ang mga nagdidigmaang

estado. Shi Huang Di – Unang Emperador ng China Unang pagkakataon na naging imperyo ang

Tsina Tumagal ng 12 taon Pinagmulan ng salitang China Great wall of China

Dinastiyang Han

Liu Bang – inihayag ang sarili bilang emperador pagkatapos mamatay ni Shi Huang Di

Kanlurang Han o Earlier Han at Silangang Han o Later Han.

Xin o Wang Mang interregnum – gitnang panahon.

Yumakap sa kaisipan ng Confucianism Pagsusulat ng kasaysayan Silk road Emperador Wudi – pinalakas at pinalawig ang

dinastiya.

Dianstiyang Sui Pinagbuklod muli ang China Pinagawa ang Great Wall of China Paggawasa Grand Canal – ang nagdurugtong sa

Huang Ho at Yangtze River Sapilitang paggawa ang naging suliranin ng

dinastiyang Sui Laganap ang pag-aalsa ng mga manggagawa. Pinalitang ng dinastiyang T’ang

Dianstiyang Tang Pinamunuan ni Li Yuan at ang anak niyang si Li

Shimin Isa sa mga dakilang dinastiya ng Tsina Pagpasok ng Buddhism sa Tsina Pagkakaroon ng Civil Service Exam para sa

pagpili ng mga opisyal Silk Road – rutang pangkalakalan Pinalitan ng dinastiyang Sung o Song

Dinastiyang Song o Sung

Hilagang Song at Timog Song.

Page 3: 1st PT Lessons

Sapat na suplay ng pagkain Maunlad na teknolohiyang agrikultural Tinalo ng hukbo ni Genghis Khan

Kabihasnang Egyptian

Heograpiya - Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan na ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert, hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile na may 4, 160 milya ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang “Pamana ng Nile” dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.

Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing din bilang isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan

Pre Dynastic Period

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile.

Tulad ng mga panirahang matatagpuan sa Mesopotamia, ang mga ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan.

Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na Hieroglyphics.

Hieroglyphcs – sagradong Ukit

Nomes – Malalayang pamayanan. Ang mga ito ang nagsilbing batayan ng mga binuong lalawigan ng mga sinaunang estado ng Egypt.

Nomarchs – Mga pinuno ng Nomes. Unti-unting

nagbuklod ang mga ito para lumikha ng isang estado sa Nile upang makabuo ng mas malaking panrelihiyong pagkakakilanlan.

Early Dynastic Period Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng

Nile – ang Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 BCE., isang pinuno ng Upper Egypt sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon

Menes – Isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng mga Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng isang pinag-isang

pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang Memphis ay naging kabisera ni Menes. Old Kingdom

Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayong mga piramide sa Egypt na nagsilbing libingan ng mga pharaoh. Ang mga pyramids na ito ay nagsilbi ring monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh.

Pepi II (Neferkare) – Kahuli-hulihang pharaoh ng ika-anim na dinastiya. Pinaniniwalaang namuno sa loob ng 94 na taon, ang pinakamatagal na naghari sa kasaysayan ng daigdig. Siya ay anim na taong gulang lamang nang maupo sa trono at namatay sa edad na 100.

First Intermediate Period Sa panahon ng 2160 B.C.E, tinangka ng mga

panibagong pharaoh na pagbuklurin muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis.Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt.

Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt.

Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng mga Pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.

Middle Kingdom Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang

manungkulan si Mentuhoteo. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang lupain. Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt.

Senusret o Sesostris I – Nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.

Senusret o Sesostris III – Ipinagpatuloy niya ang kampanya sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.

Amenemhet II – Pinakamahusay na pinuno nang Gitnang Kaharian na namuno sa loob ng 34 na taon.

Second Intermediate Period Ayon sa mga tala, ang ika-13 dinastiya ay

nagkaroon ng 57 na hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala.

Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyskos noong Ika-16 ng dinastiya na tinawag na Great Hyskos Dinasty ay nagtapos sa pag-usbong ng ika-17 dinastiya.

Page 4: 1st PT Lessons

Ang mga pinuno ng ika-17 dinastiya ay nagawang mapatalsik ang mga Hyskos mula sa Egypt.

New Kingdom New Kingdom ang itinuturing na pinakadakilang

panahon ng kabihasnang Egypt. Tinawag din ito bilang Empire Age.

Panahon ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. Ang ilan sa mga kilalang pharaoh ng panahong ito ay sina Thutmose II, Thutmose III, Amenophis III at Rameses II.

Reyna Hatshepsut – Asawa ni Thutmose II ay kilala rin bilang isa sa mahuhusay na babaing pinuno sa kasaysayan.

Amenophis IV o Akhenaton – Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng kaparian sa pamahalaan gayun din ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.

Third Intermediate Period Ang ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang

Tanites, ay pinasimulan ni Smendes ng Lowe Egypt. Ang dinastiyang ito ay mapapalitan ng mga hari mula sa Libya na magpapasimula naman ng ika-22 na dinastiya.

Shosheng I – Unang pinuno ng ika-22 dinastiya. Isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya.

Piye – Sumalakay siya pahilaga ng Egypt upang kalabanin ang mga nangingibabaw sa delta ng Nile. Umabot ang kanyang kapangyarihan hanggang sa Memphis.

Tefnakhte – Katunggali ni Piye na sumuko ngunit kalaunan ay pinayagang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang panandaliang ika-24 na Dinastiya.

Late Period Psammetichus – Sa ilalim ng kanyang

pamumuno nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt na nagpasimula sa Ika-26 na Dinastiya. Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 BCE.

Apries – Sa ilalim ng kanyang pamamahala, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Natalo sila sa labanan at nagdulot ito ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili sa kanya ni Amasis II. Sa kanyang pagkamatay noong, 526 BCE, and Egypt ay napasakamay na ng mga Persian.