98648201 mga elemento ng tula
DESCRIPTION
dsdsdTRANSCRIPT
-
5/23/2018 98648201 Mga Elemento Ng Tula
1/3
Mga Elemento ng tula
Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong.
Saknong- Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa omaraming linya o taludtod.
Tugma- Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
Kariktan- Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang
masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinhaga-Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.
Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isangkaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o dikaraniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyangsaloobin.
1. Simili o Pagtutulad- di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag naSimilesa Ingles.
Halimbawa:
Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Metapora o Pagwawangis- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan
ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag
na METAPHORsa Ingles.
Halimbawa:
Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
3. Personipikasyon o Pagsasatao -Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin
ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
-
5/23/2018 98648201 Mga Elemento Ng Tula
2/3
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
4. Apostrope o Pagtawag- isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay
isang tao.
Halimbawa:
Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di
malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole- Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
7. Panghihimig o Onomatopeya- ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIAsa Ingles
Halimbawa:
Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong
ng kalikasan.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke- isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahaging kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na
pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
Patay tayo dun.
-
5/23/2018 98648201 Mga Elemento Ng Tula
3/3