aralin10: araling panlipunan 3

Post on 20-Oct-2015

315 Views

Category:

Documents

50 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Pamana ng Sinaunang Kabihasnan

TRANSCRIPT

ARALING PANLIPUNAN IIIARALIN 10

PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG

PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN

1.NAIISA-ISA ANG MGA PAMANA NG SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG.

2.NAIPALILIWANAG KUNG PAANO PINAYAMAN NG SINAUNANG KABIHASNAN ANG KULTURA NG DAIGDIG.

3.NAPAHAHALAGAHAN ANG MGA AMBAG NG MGA SINAUNANG TAO SA KABIHASNAN NG DAIGDIG.

4.NATUTUKOY SA MAPA NG DAIGDIG ANG MGA POOK NA PINAGMULAN NG SINAUNANG KABIHASNAN.

5.NAIPAPAHAYAG ANG PAGHANGA SA MGA AMBAG SA DAIGDIG NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA PAMAMAGITAN NG PAG-GAWA NG SCRAPBOOK NG MGA LARAWAN.

PANIMULA

Ang mga sinaunang kabihasnang

umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana

sa sangkatauhan.Ang mga ito ay nagpakita ng kadakilaan, husay at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at

aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang

ilang mga bagay na ating ginagamit sa pang-araw-araw ay maaaring nag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan,

pilosopiya at relihiyonsa kasalukuyang panahon ay maaaring

tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito.

KABIHASNANG MESOPOTAMIANOON NGAYON GFTG

MESOPOTAMIA

“ANG LUNDAYAN NG KABIHASNAN”

Tinawag itong lundayan ng kabihasnan sapagkat dito naitatag ang pinakauna at pinakamatandang pamayanan ng

daigdig kung saan makikilala ang katayuan at antas ng pamumuhay ng

mga mamamayan na nakatira rito. Dito din nag-ugat ang pinakamatandang

relihiyon bagamat marami nang nagsisulputang doktrina’t relihiyon sa

pagdaan ng panahon.

Ang mga pangkat ng mga taong nanirahan dito ay

nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain

at kahusayan sa iba’t ibang bagay.

MGA KAGAMITANG NAIMBENTO

NG MGA SUMERIAN

GULONG

LAYAG

ARARO

BANGKA

CUNEIFORM

Ang cuneiform ay ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong daigdig na

nalinang/nilinang ng mga Sumer. Ito ay nagbigay daan sa pag-usbong ng

iba pang modelo ng pag-sulat matapos ng imbensiyong ito.

BEHISTUN ROCK

Natuklasan ni Henry Rawlinson noong 1847

ang Behistun Rock na nagsilbing susi upang

maunawaan ng mga dalubhasa ang mga

nakasulat sa mga naiwang luwad na lapida ng mga

taga-Mesopotamia.

Henry Rawlinson

Behistun Rock

Aspektong Arkitektural ng Mesopotamia

ZIGGURAT

Ang ziggurat ay ang estraktura kung saan

pinaparangalan at sinasamba ang diyos o

patron ng isang lungsod.

CHONGHA ZANBIL ZIGGURAT

CHONGHA ZANBIL ZIGGURAT TERRACES

UR ZIGGURAT

TOWER OF BABEL(ZIGGURAT)

Pinaniniwalaang ang Tower of Babel na mababasa sa bibliya ay

isang ziggurat.Mababasa sa mga libro ng Mga Hari,

Daniel at Hosea ang patungkol sa kung paanong paraan ito itinayo, ang kagamitan ng lugar na ito at ang pagpapabagsak sa Tower of

Babel.

LITERATURA NG MESOPOTAMIA

EPIC OF GILGAMESH

EPIC OF GILGAMESHItinuturing ito bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig.Isa itong kwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian noong ikatlong siglo B.C.E. Isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad ng “The Great Flood” ng bibliya.

Ang “Great Flood” o tinatawag ding “The

Flood of Noah and the Ark” ay

mababasa at matatagpuan sa ika-6

hanggang ika-9 na kabanata ng Genesis sa

Bibliya.

Ang “The Great Flood” sa Bibliya

EPIC OF GILGAMESH NA NAKAUKIT SA CUNEIFORM

ANG EPIC OF GILGAMESH NA NAKA-MANUSKRIPTO

IBA PANG MAHAHALAGANG AMBAG NG MGA

TAGA-MESOPOTAMIA

WATER CLOCK- isang kalendaryong nakabatay sa siklo ng buwan

Pag-gawa ng unang mapa.

Pag-gawa ng kagamitan at sandata gamit ang tanso

SEXAGESIMAL SYSTEM-matandang sistema ng matimatika ng Sumerian kung saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.

Nagpaunlad ng mga kaisipan ukol sa astronomiya.

KAUNA-UNAHANG BATAS NA NAISULAT SA

DAIGDIG“CODE OF

HAMMURABI”

Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi ay isang

napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na

aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia.

May mga batas na nagkakaloob ng proteksyon sa mga

mamimili,may mga batas ukol sa kasal at pamilya. Nakapaloob dito ang tanyag na kaisipang “an eye for an eye, a tooth for a tooth.

CODE OF HAMMURABI(CUNEIFORM)

Ang parusa ay hindi patas sa

parehong krimen.Mas mabigat ang ipinapataw sa karaniwang mamamayan kung ihahambing sa isang mula sa mataas na uri ng

lipunan.

KABIHASNANG UMUSBONG MALAPIT SA

MESOPOTAMIA

HITTITE-gumamit ng iron sa kanilang mga sandata.

LYDIAN-gumamit ng barya sa pakikipagkalakalan

(lydian coin)

PHOENICIAN-nakapaglinang ng isang makabagong paraan ng ng pagsulat ng alpabeto o “phonetic alphabet”.(phoenetic alphabet)

Hebrew-pinasimulan ang monotheism o pagsamba sa iisang diyos.(Hebrew Bible Scroll)

Imperyong Persian-ipinalaganap ang relihiyong Zoroastrianism ni Zaratihustra(mananampalatay ng Zoroastrianism)

KABIHASNANG INDUS

PAMAYANANG INDUS

- Kinakilala bilang kauna-unahang sumailalim sa “urban city planning” o pagpaplanong panlungsod.

Mohenjo Daro at Harappa-matatandang lungsod kung saan ang mga kalasada ay naka-ayos ng parang nagsasalubong na guhit o “grid pattern”.

Mohenjo daro

HARAPPA

Sanitasyon ng Pamayanang

Indus

1.) Gumagamit sila ng sewerage system.

2.) Gumagamit sila ng paagusan o drainage.

Ang Mga Taga-Indus-mahusay at wasto ang kaalaman hinggil sa pagtataya at pagsusukat ng haba, bigat at oras-pinaniniwalaang sila ay isa sa mga kauna-unahang taong nakaimbento ng isang sistemang pamantayan ukol sa bigat at sukat

top related