bb. sapanhila- panitikan

Post on 22-Oct-2014

202 Views

Category:

Documents

6 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

FILIPINO IV

PANITIKAN

Panitikan Ay nagsasabi o nagpapahayag ng

mga kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

Pinakapayak na paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran at patula.

Ito rin ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.

Bungang-isip na isinatitik. Talaan ng buhay

SANGAY NG

PANITIKAN

1. TULUYAN Ito’y nabubuo sa pamamagitan

ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda.

Ito rin ay nasusulat sa katutubong takbo ng pangungusap.

NOBELAMahabang

pagsasalaysay ng mga pangyayari na nahahati sa mga kabanata.

MAIKLING KWENTO Maikling salaysayin na

naglalahad ng tiyak na pangyayari at kakintalan.

Taglay ang iilang tauhan at tagpuan

Ang storya ay nahahati sa pamamagitan ng banghay

PABULA Salaysaying naglalayong

gisingin ang kamalayan ng mga bata na anaghahatid ng matalinong aral.

Ang mga hayop ang gumaganap at kumikilos bilang tauhan sa kwento.

PARABULAIto’y salaysaying

sagrado at kwentong hinango

mula sa bibliya

SANAYSAY Mga kalipunan ng

matalinong pagpapahayag, kuru-

kuro at opinyon ng isang tao sa napapanahong

isyu o paksa.

TALAMBUHAYTalaan ng personal

na kaalaman, identidad at

buhay ng isang tao.

DULA Ito’y pagsasabuhay o pagsasaentablado ng

mga pangyayari o kwento gamit ang kasiningan sa pag-

arte.

DYORNALTalaan ng mga

personal na pangyayari sa buhay ng isang

tao.

KUWENTONG BAYAN Ito’y mga kwentong

napasalin-salin mula sa salinlahi na

maaaring totoo o hindi totoo ang

pinagmulan

ALAMATSalaysaying

napapatungkol sa pinagmulan ng pook at mga

bagay-bagay sa mundo.

PANTASYA Mga salaysaying kakikitaan ng mga

elemento na wala sa realidad ng buhay.

Binibigyang diin ang kagandahan ng Idealismo.

2. PATULA Ito ay nabubuo sa

pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o

bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa

bawat saknong.

Tulang PasalaysayAng uring ito ay naglalarawan ng

mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa

buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at

panganib sa pakikidigma, o

kagitingan ng mga bayani.

EPIKO Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat

nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa isang

kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga

panganib o kagipitan.

AWIT at KORIDO Ang mga ito’y may mga paksang

hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at

pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,

prinsipe’t prinsesa. Ang awit ay may sukat na labindalawang pantig (12) at ang Korido naman ay may sukat na wawaluhing pantig (8).

TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN

Ang uring ito ay nagpapahayag ng

damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni

ng makata na batay sa isang karanasan.

BALADA Ito ay may himig na awit sa

dahilang ito ay inaawit habang sinasayaw. Sa

kasalukuyan ay napaapsama na ito sa tulang kasaysayan

na may anim hanggang walong pantig.

AWITING BAYANMga kalipunan ng

awit na sumasalamin sa pamumuhay at kaugalian ng mga

tao.

ELEHIYA Nagpapahayag ng damdamin o guni-guni

tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng

pananangis lalo na sa paggunita ng isang

yumao.

ODA Nagpapahayag ng isang

papuri, panaghoy o iba pang masiglang

damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod ng

isang saknong.

TULANG DULA Komedya- Isang gawa na ang sangkap ay

piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood.

Melodrama- Ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.

TULANG PATNIGAN KARAGATAN- ito ay batay sa lamat ng

singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap.

DUPLO- Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Ang paksa ay hango sa Bibliya.

BALAGTASAN- Ito’y tagisan ng talino s apagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang pagtatalunan.

top related